You are on page 1of 3

KANLUNGAN

Bukas Palad

Yahweh, alam kong Ika'y naririto.


Lagi na tuwina sa tabi ko.
Sa kapahamakan, inililigtas ako.
Sa buhay na walang hanggan, akay-akay Mo.

1. Puso ko'y 'Yong nasiyasat, batid Mo ang lahat-lahat.


Ang aking mga panlulumo at ang aking mga pagtayo.
Kamay ko'y lagi Mong tangan, kahit sa bingit ng kamatayan.
Yakap MO ako sa 'Yong bisig, kanlungan ko ang 'Yong pag-
ibig.

Yahweh, alam kong Ika'y naririto.


Lagi na tuwina sa tabi ko.
Sa kapahamakan, inililigtas ako.
Sa buhay na walang hanggan, akay-akay Mo.

2. Pag-ibig Mo'y s'an tatakasan? Sa rurok ng langit 'Ka'y nariyan.


Ikaw ang kaagapay saanman ako maglakbay.
Sa ningning man ng araw, hahantungan lagi ay Ikaw.
Yakap Mo ako sa 'Yong bisig, kanlungan ko ang 'Yong pag-ibig.

Yahweh, alam kong Ika'y naririto.


Lagi na tuwina sa tabi ko.
Sa kapahamakan, inililigtas ako.
Sa buhay na walang hanggan, akay-akay Mo.
Sa buhay na walang hanggan, akay-akay Mo.
HANGARIN NG PUSO KO YAHWEH
Arnel Aquino, SJ

Hangarin ng puso ko, Yahweh, makapagkaisang loob sa ‘N'yo


nang lubusan at taimtiman.

1. Mapalad s'yang hindi naaakit ng masama,


Sa palalong buhay ‘di mapariwara.
Kayo'y nais n'yang kapisan at tinig N'yo'y lagging hanap;
Galak n'yang Kayo ay matagpuan gabi at araw.

Hangarin ng puso ko, Yahweh, makapagkaisang loob sa ‘N'yo


nang lubusan at taimtiman.

2. Katulad n'ya'y luntiang punong nakatanim


Katabi ng umaagos na batis.
Ang bawat niyang mithiin, ang bawat niyang gawain
Nagtatagumpay, nagbubunga ng kapayapaan.

Hangarin ng puso ko, Yahweh, makapagkaisang loob sa ‘N'yo


nang lubusan at taimtiman.

Koda:
Hangarin ng puso ko, O Yahweh ng buhay ko,
Masumpungan Ka sa sang nilikha nang habambuhay

Hangarin ng puso ko, Yahweh, makapagkaisang loob sa ‘N'yo


nang lubusan at taimtiman.
Hangarin ng puso ko Yahweh, (hangarin ng buhay ko Yahweh)
Magkaisa ang loob ko, sa Inyo.

You might also like