You are on page 1of 1

Speaker 1: Ang kandilang ito ay nagsisimbolo ng Thinking Day, isang espesyal na araw upang alalahanin

ang pinag-ugnay na kaarawan ng nagtatag ng scouting na si Lord Baden Powell at ng pinunong patnubay
ng mundo na si Lady Olave Baden Powell. Itong araw na ito ay espesyal na itinalaga bilang
pandaigdigang araw na sumisimbolo ng pagkakaisa at diwa ng mga kasapi ng World Family of Girl
Scouting, ang araw upang alalahanin ang bawat isa, paikutan ang mundo ng mainit at mabuting kaisipan.

Speaker 2: Ngayong taon na ito, ang paksa ng Thinking Day ay “Mga kababaihan ng sanlibutan sabihing
kaya natin iligtas ang mundo” at ang layunin ay upang itaas ang kamalayan tungkol sa kapaligiran at ang
malaking epekto ng ating mga pang-araw-araw na Gawain at mga ninais dito, samakatuwid kaya natin
ng sama-sama, bilang isang kilusan, magsalita at kumilos para iligtas ang ating mundo. Ang paksa ay
kinuha mula sa seventh UN millennium development goals at bahagi ng WAGGGS Global Action Theme.

Speaker 3: Sa Thinking day, ang malayo ay naglalapit, kaibahan sa gulang ay naglalaho, ang mga kultura
at paniniwala ay nagiging isa, ang bayan ay sabay-sabay na naninindigan bilang mabuting kalooban,
pagmamahal at inuunawa ang muling pag-aalay sa mga hamon at mga tungkulin. Gaya ng sinasabi sa
linya ng kanta ng World Song, “tayo ay kailangang magkaisa para sa tama…upang ibigay sa lahat, Malaki
man o maliit, lahat ng kaya natin.

Speaker 4: Ang Thinking day ay nagbibigay ng malaking pagkakataon upang tulungan ang bawat isa sa
pamamagitan ng kusang-loob na pagsisikap. Ito ang dahilan kung bakit tayo ay nagkaroon ng kaisipan
tungkol sa Thinking Day. Bawat sentimo na ating ibinabahagi ay malaking tulong upang suportahan ang
mga programa ng Girl Scout sa buong mundo. Ang ating ibinahagi ay magpapatibay sa ating pananatili
bilang isang pandaigdigang samahan.

You might also like