You are on page 1of 2

G.R. No.

182740 July 5, 2010


LYDIA ESCARCHA, for and in behalf of JOSEPH ERWIN M. ESCARCHA, SHEILA
MAY ESCARCHA, and ALYSSA M. ESCARCHA
vs. LEONIS NAVIGATION CO., INC. and/or WORLD MARINE PANAMA, S.A.

Si Ramon ay nagtratrabaho bilang isang inhinyero sa barko. Isang buwan pa lamang


siya sa barko nang magkasakit siya ng TB, HIV at anemia. Pinabalik siya sa Pilipinas
para magpagaling at sumailalim pa sa mga pagsusuri.

Makalipas ang dalawang taon, namatay sa komplikasyon ng pneumonia at AIDS. Nag-


claim naman ng “death benefits” ang pamilya ni Ramon sa kumpanya ng barkong
pinagtratrabahuan ni Ramon na isinampa nito sa National Labor Relations Commission
(NLRC).

Ibinasura ng Labor Arbiter ang reklamo na isinampa ng pamilya ni Ramon. Sinabi ng


Arbiter na matagal nang may sakit si Ramon ng AIDS bago pa man ito sumampa sa
barko. Isa pa, inamin ni Ramon sa kanyang banyagang nars ang kaniyang dinadanas
na sakit.

Binaliktad naman ng NLRC ang desisyon ng Labor Arbiter at inutusan ang kumpanya
ng barko na magbayad ng US$60,000 bilang death benefits at US$15,000 bawat isa sa
tatlong anak ni Ramon. Sinabi din ng Commission na nagkamali ang Labor Arbiter sa
pagpasya na ang sakit ni Ramon ay “pre-existing” base lamang sa National Reference
Testing Center for HIV Testing at report ng banyagang nars. Dagdag pa rito ay sinabi
ng Commission na lumala ang kalagayan ni Ramon dahil na-expose ito sa mga
delikadong engine toxics, deleterious residues at mga sangkap tulad ng metallic iron,
oxides, asbestos at carbon monoxides.

Binaliktad din ng Court of Appeals ang desisyon ng NLRC at sinabing tinago ni Ramon
ang tunay na estado ng kaniyang kalusugan at hindi nito naipakita ang koneksiyon ng
kaniyang sakit sa kondisyon ng kaniyang trabaho.

Nang inakyat ito sa Kataas-taasang Hukuman, pinanigan ng Korte Suprema ang


desisyon ng Court of Appeals. Sinabi ng Korte na nang namatay si Ramon ay matagal
na itong nakauwi mula sa kanyang trabaho sa barko. Ang kamatayan ng isang seaman
sa durasyon ng kaniyang kontrata ay dapat magbigay ang kaniyang employer ng death
compensation benefits. Subalit, kapag ang seaman ay namatay pagkatapos ng
kaniyang kontrata ay wala na itong karapatang makatanggap ng death benefits.

Dagdag pa rito, nagbanggit ng tatlo pang dahilan kung bakit dapat ibasura ang petisyon
ng pamilya ni Rmaon: (1) ang Pre-employment medical examination scheme (PEME)
ang magpapasiya kung angkop bang magtrabaho ang isang seaman at hindi nito
hinahayag and tunay na estado ng kalusugan ng isang aplikante; (2) kung wala namang
record ang seaman ng pagsalin ng dugo ay maituturing na nakuha niya ang AIDS sa
pakikipagtalik sa isang taong nahawaan at hindi dahil sa dalawang buwan niyang
pananatili o sa kondisyon ng kanyang trabaho; at (3) ang HIV/AIDS ay isnag sakit ng
immune system na hindi lumalala sa kahit anong impeksiyon, maliban na lamang kung
ang immune system ng isang tao ay lubha nang pinahina ng sakit. Hindi ito
nakakarating sa “advanced stage” sa loob lamang ng dalawang buwan base sa pag-
aaral ng maraming doktor.

You might also like