You are on page 1of 2

A.M. No.

997, 10 September 1979


PILAR ABAIGAR vs. DAVID D.C. PAZ

"For, as philosopher Blaise Pascal has so pithily stated of the profundity of


human love, 'love has reasons that reason cannot explain.'

Noong Marso, taong 1970, humingi ng tulong ligal si Pilar ukol sa kanyang kasong
divorce laban sa kanyang asawa na isinampa sa California, USA. Tumawag siya sa
isang opisina ng Congressman sa Maynila para magtanong. Ang nakasagot ng
kaniyang tawag ay si David at bilang isang abogado ay inalok niya ang kaniyang
serbisyo. Doon na nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

Nang matapos na ang kaso ng divorce ni Pilar ay nagpatuloy pa rin ang pag-uusap nila
Pilar at David. Pinaniwala ni David na maaari pa siyang ikasal sa simbahan dahil ang
kasal niya sa kaniyang kinakasama ay sibil lamang, o kasal sa West. Sinabi ni David na
puwersahan at dahil sa takot lamang kaya ito nagpakasal sa kaniyang kinakasama. Sa
mabubulaklak na salita ni David ay naniwala si Pilar at tinanggap nito ang
minungkahing pagpapakasal ni David. Agad ding nagsama sina David at Pilar at hindi
nagtagal ay nabuntis ito. Sa kasamaang palad ay nalaglag ang bata na dinadala ni
Pilar.

Isang araw noong 1971 ay pinakilala ni David si Pilar sa isang Virginia. Sinabi nito na
siya ang nabanggit niyang noong sapilitang naikasal sa kaniya sa West. Inilahad ni
Virginia na dalawang kasal an naganap sa kanila ni David. Isa ang sa West at isa ang
sa simbaha. Nang hinarap ni Pilaw si David ay wala itong maibigay na dahilan sa
kanyang panloloko. Kaya naman ay napag-desisyunan ni Pilar na sampahan ng kasong
disbarment si David na isang abogado.

Pagkatapos ng imbestigasiyon ay nirekomenda ng Office of the Solicitor General ang


pagbasura sa kaso ng disbarment ng deceit at grossly immoral conduct laban kay
David. Sinabi ng OSG na kahit pa nagkaroon ng relasyon sina Pilar at David. Hindi
masasabing may “deceit” dahil hindi maituturing na inosente si Pilar sa lahat ng
pangyayari. Bilang isang intelektwal na tao, hindi kapani-paniwala na nalinlang ito ni
David. Bilang isnag Board topnotcher, lisensiyadong Chemical Engineer at guro ng iba’t
ibang mga kolehiyo, hindi kapani-paniwala na nalinlang siyang ibigay ang kaniyang
katawan at pagkatao dahil lamang sa pangakong kasal ni David. Isa pa, sa edad at
talino nito, imposibleng walang kahit na anong kaalaman sa batas ng kasal si Pilar.

Dinagdag pa ng OSG na sa tinagal nilang nagsama ni David ay dapat pinag-isipan niya


mna ang magiging epekto sa kasal nilang dalawa sa kaniya-kaniya nilang mga asawa.
Sa katunayan ay may kapitbahay at kaibigan si Pilar na isang abogado, na pwede
niyang pagtanungan ukol sa kaniyang pinasok. Maaari niyang itanong ang tungkol sa
mga legal na epekto ng isang diborsiyo na nakuha sa ibang bansa ng isang Pilipino o
ang mga epekto ng isang kasal na dinala sa pamamagitan ng paggamit ng puwersa at
pananakot upang ayusin ang anumang mga alinlangan na mayroon siya sa kanyang
isip.

Dahil hindi maaaring itago ni Pilar ang kaniyang kasalanan, isinasaalang-alang niya ang
kanyang talino at pinag-aralan, walang iba pang mga konklusyon, maliban sa kusang-
loob niyang ibinigay ang kaniyang sarili sa isang ipinagbabawal na relasyon.

You might also like