You are on page 1of 5

1

“Si Gabby Concepcion bilang Tagapagligtas”

Ang pag-aaral ng pelikula sa pamamaraan ng sistemang semiolohikal ay nagbibigay daan

sa mga mananaliksik na intindihin ang proseso ng mga simbolo, kabilang na rito ang mga

aktibidad, pag-uugali, at estratehiya na isinasabuhay ng mga simbolo. Sa pamamagitan ng

pagsusuri ng mga simbolong ito maiintindihan ng mga manonood at mananaliksik ang kahulugan

ng isang pelikula – ang koneksyon nito sa kultura at lipunan na pinagmulan o tinatalakay ng

pelikula. Kabilang sa mga proseso ng simbolo sa isang pelikula ang mga sumusunod: pagkilos o

pag-arte ng mga tauhan, mga lugar na ginaganapan ng eksena, at setting ng disposisyon,

emosyon, at pagkatao ng mga tauhan. Ang ibig gawin ng mga pelikula ay isabuhay ang tunay na

kondisyon ng mga tao sa totoong buhay – mga partikular na realidad na nakasalalay sa totoong

kultura at lipunan. Sa pamamagitan ng sistemang semiolohikal ay susuriin ng papel na ito ang

karakter ni Gabby Concepcion bilang Adrian sa pelikulang I love you, Goodbye.

Ang pelikulang I love you, Goodbye (2009), na isinulat ni Vanessa Valdez, Anna Ramos,

Kriz Gazmen, at dinirekta ni Laurice Guillen ay isang dramatikong pelikulang umiikot sa buhay

ni Lizelle (Angelica Panganiban), isang simpleng babaeng namimili sa pagitan ng dalawang

interes sa pag-ibig: si Adrian (Gabby Concepcion), isang doktor na may komplikadong buhay, at

si Gary (Derek Ramsay), ang dating kasintahan at fiance ni Lizelle. Sinimulan ang pelikula na

ang kasalukuyang magkasintahan ay si Lizelle at Adrian. Mabilis na naitatag na bagong mundo

ang pinapasok ni Lizelle kumpara sa kanyang nakasanayan. Pumapasok siya sa mundo ni

Adrian, na matagal nang nabuo kasama ang kanyang dating asawa na si Valerie (Angel Aquino)

at anak dito na si Ysa (Kim Chiu). Makikita sa koneksyon ni Lizelle at Adrian na lubos silang
2

nagmamahalan, na mayroon silang matalik na relasyon, na tila silang dalawa lamang ang

nakakaintindi. Sapagkat nagmumukhang mayroong sariling mundo ang magkasintahan, hindi ito

maintindihan ng pamilya ni Adrian na nagdudulot ng pag-isolate ng pamilya kay Lizelle.

Sa pelikula, unang pinakita ang kuwento ng buhay ni Adrian, ang kanyang dating

pamilya at kinasanayang estado sa buhay. Makikitang paulit-ulit na namamangha si Lizelle sa

debosyon na ipiniramdam ni Adrian tungo sa kanya, kabilang na dito ang mga materyal na regalo

na binibigay nito. Unang una, ang hanapbuhay, kagamitan, bahay, at pag-uugali ni Adrian at ng

kanyang pamilya ay nagsisimbolo ng isang marangyang pamumuhay. Labis na pagmamata ang

pinupenterya ng pamilya ni Adrian tungo kay Lizelle, mas lalo na ang anak nito na si Ysa na

pinagmumukhang pera si Lizelle, na ang tanging habol sa kanyang ama ay pera. Mula dito,

makikita natin ang madalas na tingin sa mas batang pangalawang kasintahan o asawa – gold

digger, o pera lamang ang habol sa kanilang nobyo.

Nang lumaon, pumasok sa kuwento ang dating kasintahan ni Lizelle na si Gary, na

ngayon ay nobyo na ni Ysa. Ipinikilala ni Ysa si Gary kay Adrian at Lizelle, kung saan makikita

ang hindi pagsang-ayon ni Adrian sa bagong nobyo ng kanyang anak, sinasabi nitong hindi

seryoso sa buhay si Gary, at dahil sa agwat ng edad ni Ysa at Gary (walong taon), maaring

minamanipula or bini-brainwash lamang siya ng lalaki. Higit na ikinagalit ito ni Ysa at ibinalik

ang pag-iisip na ito sa kanyang ama – dahil sa agwat ng edad ni Adrian at Lizelle, sakali bang

ginagamit niya rin lamang si Lizelle? Naisiwalat sa istorya na ginamit lamang na daan ni Gary si

Ysa upang makabalik sa buhay ni Lizelle.


3

Mula dito, bumalik ang istorya sa nakaraan ni Gary at Lizelle, isang simpleng relasyon na

umiikot sa pangarap ni Gary magbarko, na siya ring sumira sa kanilang relasyon. Sa una,

makikitang higit na masaya si Lizelle kay Gary, sa kanyang kilos, tila hindi niya kailangan

magpanggap – totoo sa kanyang simpleng pamumuhay na masaya na kasama ang mga kaibigan

at kasintahan. Dahil sa pagdadalawang isip ni Lizelle samahan si Gary sa barko dulot ng kanyang

takot sa dagat, iniwan siya ng nobyo para abutin ang sariling mga pangarap nito – nagpapakita

ng pagiging makasarili ni Gary sa kanyang mga desisyon habang ginagawa ni Lizelle ang lahat

para masamahan ang dating nobyo.

Sa pag-alis ni Gary ay nahanap ni Lizelle ang ginhawa sa piling ni Adrian, na

binibigyang-diin ang koneksyon sa pagitan ng dalawa. Nabigay at patuloy na naibibigay ni Gary

ang kapayapaan at seguridad na nawala kay Lizelle noong iniwan siya ni Gary. Ngunit, si Gary

mismo ay may sariling mga pangangailangan at kahinaan, kabilang na dito ang pagiging sarado

nito sa tulong at pag-aaruga na naibibigay ni Lizelle sa mga panahong may tensyon sa buhay-

trabaho ni Gary. Nabibigyang simbolo nito ang kinasanayang ugali ni Adrian bilang isang tatay

at padre-de-pamilya, na mas gugustuhin niyang problemahin mag-isa ang kanyang mga

suliranin, dala ng takot na magsasawa si Lizelle sa kanyang mga problema at hindi rin nito

maiintidihan ang mga isyu nito – tila naipapakita ang maliit at mababaw na pagtingin ni Adrian

tungo kay Lizelle. Dahil dito, ginawa namang kumpruntahin ni Lizelle si Adrian sa kanyang pag-

uugali, na ang relasyon ay nagsasaad ng patuloy na komunikasyon, sa hirap man o ginhawa.

Sa kalagitnaan ng pelikula at sa pamamagitan ng mga simbolong mahahanap sa pag-

uugali, materyal na posesyon, at hanap-buhay ni Adrian at Gary, naipakita ang kaibahan ng

dalawang lalaki sa buhay ni Lizelle. Habang si Adrian ay nagaastang bayani sa kuwento nila ni

Lizelle, na nais lamang iparaanas kay Lizelle ang magagandang aspeto ng buhay at pinipilit
4

ihiwalay ang kanyang sariling mga isyu sa kanilang relasyon na nagdudulot ng kakulangan ng

komunikasyon sa pagitan ng dalawa, si Gary naman ay mas pinipiling ipasok si Lizelle sa

kanyang araw-araw, at umaasang sasamahan siya ni Lizelle sa pag-abot ng kanyang mga

pangarap, kahit na ito ay nakakahadlang sa sariling kabutihan ng nobya. Ang kanilang relasyon

din ay nagkakaiba dahil sa kanilang edad, estado sa buhay, at panlahat na dinamiko kalakip kay

Lizelle.

Dahil magkalapit lang sa edad si Lizelle at Gary, ang kanilang dinamiko ay higit na

naiimpluwensyahan ng bukas na talakayan na maikukumpara sa pag-uusap ng dalawang

magkaibigan. Samantalang ang dinamiko ni Lizelle at Adrian ay naiimpluwensyahan ng power

play dahil sa kagustuhan ni Adrian maging tagapagligtas ni Lizelle kung kaya’t napipilitan

siyang panatilihin ang kanyang malakas at matapang na pagkatao. Nang masinsinang nakapag-

usap si Lizelle at Gary, napagtanto nilang dalawa na muli nilang bibigyan ng pagkakataon ang

kanilang pag-iibiga. Ngunit, nahadlangan ito ng isang aksidente kung saan sangkot si Adrian sa

kanyang sariling mithiing ipaglabaan ang relasyon nila ni Lizelle.

Sa huli, nagkatuluyan si Lizelle at Adrian, dala ng pagkakataon at mapapanatili ng

kanilang dinamikong natalakay sa itaas. Dahil dito, nais kong suriin sa paraan ng sistemang

semiolohikal ang karakter ni Gabby Concepcion bilang Dr. Adrian, isang matipuno at maasahang

padre-de-pamilya na nangangialangan manatiling malakas at maasahan ng kanyang pamilya at

minamahal. Napanindigan ito ni Gabby Concepcion dahil sa kanyang epektibong pagsasabuhay

ng isang karakter na may pinagaralan, maasahan, at higit na iniibig ang kaniyang nobya. Nagawa

niya ito sa kanyang natatanginang pag arte at pagpapakita ng emosyon, tulad na lamang ng

pagmamahal, pagkabigo, galit, at panlulumo. Nasuportahan ito ng iba pang materyal na simbolo
5

tulad na lamang ng kaniyang mga instrumento bilang doktor, ang kaniyang bahay, mga

kagamitan dito, at iba pang ari-arian.

Ang pagsasabuhay ni Gabby Concepcion ng isang ama ay binigyang simbolo ng kanyang

pangangaral sa kaniyang anak – ang pagsusuporta sa karakter ni Kim Chiu bilang sa kaniyang

mga minimithi, at pagbibigay linaw dito sa mga posibleng intention ng kaniyang nobyo na si

Gary. Subalit, ang mga mungkahi ng karakter ni Adrian ukol sa relasyon ni Ysa at Gary ay siya

ring nagbigay linaw sa mga pagkukulang ng karakter nito, na maaring maliit ang tingin niya sa

babae, na madaling mamanipula at nangangailangan protektahan.

Sa huli, ang mga pag-uugaling ito ay labis na naipakita rin sa relasyon ng karakter kay

Lizelle, kung saan iniiwasan ni Adrian masangkot ang nobya sa kanyang mga isyu sa trabaho,

dala ng takot na hindi ito maiintindihan ng babae. Pinapakita nito ang kahinaan ng karakter sa

pakikipagkumunika upang mapanatili ang kanyang matapang na pagkatao. Ngunit, naipakita sa

pelikula na komunikasyon ang naging solusyon at ang nagpatatag sa relasyon ng dalawa. Sa pag-

amin ni Lizelle ng kaniyang tunay na nararamdam sa dating nobyo at naging intensyon sa pagpili

kay Adrian, ay nagawa rin ni Adrian aminin ang kaniyang mga pagkukulang at labis na

pagmamahal sa nobya.

Sa pamamagitan ng sistemang semiolohikal, mas mabisang naintindihan ang pag-uugali

ng karakter ni Adrian bilang isang tagapagtanggol na nais din lamang mabigyan ng aruga at pag-

iintindi. Sa pamamagitan ng sistemang ito nakita ang naging epekto ng mga simbolo sa kabuuan

na punto ng pelikula, at ang pagtatagpi-tagpi nito ng mga karakter, emosyon, at tema.

You might also like