You are on page 1of 4

Escuela de San Lorenzo Ruiz

Elementary Department – Intermediate Level

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


HEKASI 6

Pangalan:_______________________________ Marka:______________
Petsa: _______________
Pangkat at Baitang:__________________________ Guro: Bb. Julie-Bell

Pangkalahatang Direksyon: Basahin ang panuto at unawain ang bawat tanong. Piliin ang tamang
sagot at isulat ito sa patlang.

(1-10)
I. Panuto: Tukuyin ang mga pangyayaring naganap sa mga sumusunod na petsa/taon. Isulat ang mga
pahayag sa ibaba ng diagram. (2 puntos sa bawat tamang sagot).

1969- 1972 Setyembre 21, 1972 Enero 17, 1981 Agosto 21, 1983

Pebrero 25, 1986

1969-1972 - ________________________________________________________________________

Setyembre 21, 1972 - _________________________________________________________________

Enero 17, 1981 - ____________________________________________________________________

Agosto 21, 1983 - ___________________________________________________________________

Pebrero 25, 1986 - ___________________________________________________________________

II. Panuto: Punan ng letra ang mga guhit upang mabuo ang hinihinging sagot. Gawing gabay ang
deskripsyon ng bawat bilang.

11. __a__ __ i __l __a __ – Pangingibabaw ng isang pamahalaang militar sa isang teritoryo o bansa sa
halip na isang pamahalaang sibilyan.
12. I__ __ e __ __ __ __ e __ t - Ito ang proseso kung saan ang isang opisyal ay inaakusahan ng
katiwalian o paglabag sa alituntunin na ang maaaring kahinatnan ay pagkatanggal sa puwesto.
13. D __ __ o __ r __ s __a – Ito ang sistema sa pamahalaan kung saan mas nasusunod ang kagustuhan
ng nakararami.
14. K __ __ b __ __ __ y __ n __ __ o __ __ __ __ t __ __ y __ __ __ l – Ito ay binubuo ng mga
nahalal na delegado upang bumalangkas o bumuo ng saligang batas.
15. __ __ r __ i __ __ __ n __ __ __ y –Ito ay uri ng pamahalaan na itinatag ni Pang. Marcos matapos
ipawalang bisa ang Batas Militar sa bansa.
16. __ __ r __ i __l B__ __i __ __ __ i __ – Ito ang pangalan na ginamit ni Senator Benigno Aquino sa
kanyang pasaporte.
17. W __ i __ __ f __a __ __ ___s __ o __ __ u __ – Ito ang karapatan ng sinumang hinuli na
maiharap muna sa korte at litisin muna sa hukuman bago ikulong.
18. __ __ m __ i __ __ i __ __ o __ E __ __ c __ __ __ n – Ito ang naatasang magpatupad ng mga
batas panghalalan at magsagawa ng malinis, maayos, tahimik at malayang halalan.
19. K __ __ t __ __ a __ g P __ n __ k __ __ a __ __ t __n – Sa pamamagitan nito nakontrol ni
Pang. Marcos ang pagpapatupad ng mga batas.
20. __ a __ i __a I __ __ e __ n __ __ i __ n __l A __ __ p __ __t – Lugar kung saan pinaslang si
Senator Benigno Aquino.

III. Panuto: Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang isinasaad ng bawat pangungusap tungkol sa
naganap na EDSA Rebolusyon.

________21. Malaki ang papel na ginampanan ng mga kababaihan noong panahon ng ikaapat na
republika.
________ 22. Naging isang malakas na puwersa ang midya sa pagganyak sa mga taong nakiisa sa
rebolusyon sa EDSA.
________ 23. Malaki ang naging epekto ng pagkakapaslang kay Ninoy Aquino sa kalagayan ng
katiwasayan noong taong 1983.
________ 24. Isang madugong rebolusyon ang naganap sa EDSA.
________ 25. Ang mga kababaihang Pilipino ay mayroon ding kakayahang makilahok sa mga
pagtitipon para sa ikabubuti ng kalagayang pambansa.
________26. Naging patas ang resulta ng naganap na snap election noong Pebrero 1986.
________ 27. Makaraan ang tatlumpung taong pamamahala ay kusang loob na bumaba sa kanyang
tungkulin si Pangulong Marcos.
________ 28. Sinasabing ang Rebolusyon sa EDSA ang “ The Greatest Miracle of Our Times”.
________ 29. Ang People Power Revolution ay isang simbolo ng pagmamahal ng mga Pilipino sa
kalayaan.
________ 30. Maituturing na kabayanihan ang ginawang pakikiisa ng maraming Pilipino sa
rebolusyon sa EDSA.

IV. Panuto: Kilalanin ang mga pangulong nagpatupad ng mga programa sa ilalim ng Ikalimang
Republika. Gawing batayan ang mga sumusunod. Titik lamang ang isulat sa patlang.

A. Pang. Corazon Aquino D. Pang. Gloria Macapagal


B. Pang. Fidel Ramos E. Pang. Benigno Aquino III
C. Pang. Joseph Estrada

________ 31. Siya ang nagpanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas.

________ 32. K to 12 Program

________ 33. Pagwaksi sa gawaing “wang wang”.

________ 34. Free Public Secondary Program o libreng edukasyon sa mataas na paaralang
pampubliko.
________ 35. Newly Industrialized Country of Philippine 2000

________ 36. Magna Carta for Oveseas Workers

________ 37. JEEP (Justice, Economy, Environment & Peace)

________ 38. Pagbibigay lunas sa sakit na SARS, A (H1N1)

________ 39. Comprehensive Agrarian Reform Program

________ 40. Implementasyon ng Expanded Value Added Tax o E-VAT na 12%.

________ 41. Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s

________ 42. Pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan, tulad ng Philhealth para sa lahat.

________ 43. Ten Point Program

________ 44. Roll-on / Roll-off System

________ 45. Computerization na halalan/eleksiyon

V. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung sa anong usaping pambansa ito
nabibilang. Isulat sa patlang ang Populasyon, Kahirapan, Edukasyon, Korapsyon, at Kalikasan.

_______________ 46. Si Dianne ay labing-limang taong gulang pa lamang ngunit siya ay nagsisikap
na makapagtrabaho kaagad.
_______________ 47. Sampu ang anak ni Aling Rosa, sa sobrang dami nila ay hindi niya alam kung
paano niya pakakainin ang mga anak.
_______________ 48. Hindi makapagturo ng maayos ang mga guro sa pampublikong paaralan
sapagkat kulang ang mga silid aralan at madami ang bilang ng mga mag-aaral.
_______________ 49. Laganap ang mga bata na pagala-gala sa lansangan para manlimos sa mga tao.
_______________ 50. Nanalo bilang Gobernador ng Laguna si Rico, ngunit hindi niya natupad ang
mga pangakong proyekto sa lalawigan.
_______________ 51. Sa ngayon, marami ang napapaulat na landslide o pagguho ng lupa. Kadalasan
itong nangyayari sa mga lugar kung saan unti-unting nauubos ang mga puno.
_______________ 52. Nakaranas ng malakas na ulan ang ilang lugar sa Marinduque na nagdulot ng
pagbaha at pagkakasakit ng mga tao.
_______________ 53. Sabay na nagtungo ang magkaibigang si Marian at Angel sa Barangay Health
Center upang humingi ng tulong kung paano makokontrol ang kanilang pagbubuntis.
_______________ 54. Ang pamilya Arciaga ay umaasa lamang sa tulong ng gobyerno sa pamamagitan
ng 4P’s.
______________ 55. May ilang politiko ang nadawit sa isyu na “Pork Barrel Scam” kung saan ang
pera ng bayan ay napupunta lamang sa mga pansariling interes.
VI. Panuto: Bigyan ng solusyon ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang iyong pahayag sa
nakalaang espasyo. 2 puntos sa bawat sagot.

56-57. Sa barangay nila Antonio ay nagkalat ang mga basura sa paligid dahil mahigit isang lingo nang
hindi dumaraan ang trak ng basura. Ano ang nararapat na solusyon dito?

58-59. Maghapong nakabukas ang inyong telebisyon ngunit wala naman nanonood at naglalaro lamang
ng cellphone ang kapatid mo. Ano ang sasabihin mo sa kapatid mo?

60-61. Pumunta kayo ng nanay mo sa palengke at nakita mong mali ang timbangan ng nagtitinda. Ano
ang gagawin mo?

62-63. Mas tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga imported na produkto kaysa sa mga lokal na
produkto. Paano ito mapipigilan?

64-65. Inutusan ka ng iyong nanay na mamili o mag grocery sa supermarket. Ano ang mga bagay na
iyong ihahanda?

VII. Panuto: Magtala ng limang (5) tungkulin ng mamamayan para sa kaunlaran ng bansa.

66.
67.
68.
69.
70.

Maligayang Pagtatapos!!!

You might also like