You are on page 1of 1

Dr.

Juaquin Gonzales
Si Dr. Joaquin Gonzales ay ipinanganak sa baliuag noong Hulyo 22, 1853. siya ay
anak ng isang kastila na dumating sa Maynila noong 1829 at ni Marquita Gonzales.
Nakamit ni Dr. Gonzales ang kanyang Licencia en Medicina sa Univesidad de
Valladolid at ang kanyang Medical degree mula sa Universidad Central de Madrid sa
Espanya, kung saan gumugol siya ng pitong taon. bago siya umalis patunging Espanya,
tinapos muna niya ang A.B sa Colegio de San Juan de LETRAN. Naglakbay rin siya sa
Europa bago nagbalik ditto sa Pilipinas.
Nakilala si Dr. Gonzales sa pagiging unang rector ng kauna-unahang
Pampamahalaang Unibersidad ng Pilipinas, na kilala bilang and presidente ng
Rebolusyonaryong Pamahalaan noon at siyang nagtatag ng institusyong ito sa Malolos
bilang siyang pinakamataas na antas ng bkarunungan sa pilipinas, sa pamamagitan ng
kanyang dekreto noong Oktubrte, 1898. Itinalaga ni Aguinaldo si Dr. Gozales bilang
rector sa pamamagitan ng rekomendasyon ni Felipe Buencamino, Sr. na miyembro ng
gabinete ni Aguinaldo noong panahong iyon. Habang si Dr. Gonzales ay nakatalaga
bilang rector ng nasabing paaralan, siya ay naglilingkod bilanmg mimyembro ng komite
ni Felipe G. Calderon, ang komiteng binuo ng Kongreso ng Malolos upang bumalangkas
ng Saligang Batas.

Kahit Nagmula sa mayamang pamilya, si Dr. Gonzales ay nag ukol ng panahon


upang manggamot sa bayan ng Valiuag. Nanggamot din siya nang libre sa mga
maralitang bayan.
Si Dr. Gonzales ang pangalawang ama kay Mariano Ponce sa pagiging bantog na
rebolusyonaryo sa bayan ng Baliuag.
Siya ay kasal kay Florencia Sioco, anak ni Jose Sioco ng Bocaue at Marea
Rodriguez ng Bacolor, Pampanga.
Matapos maitatag ang U.S Military Government sa bansa, si Dr. Gonzales ay
naging pinuno ng tatlo-kataong Civil Service Board na may dalawang Amerikanong
miyembro. Subalit bago niya nagampanan ang kanyang tungkulin, siya ay namatay sa
sakit na appendicitis noong Setyembre 21, 19000 sa Maynila.

You might also like