You are on page 1of 2

Ang Anghel at ang Asno ni Balaam

21Kinabukasan ng umaga, inihanda ni Balaam ang kanyang asno at sumama


sa mga pinuno ni Balac, 22 kasama ang dalawa niyang utusan. Nagalit ang
Diyos dahil sa pangyayaring ito kaya't hinadlangan ng anghel ni Yahweh ang
daraanan ni Balaam. 23 Nakatayo sa daan ang anghel, hawak ang kanyang
tabak. Nang makita ng asno ang anghel, lumihis ito ng daan at nagpunta sa
bukirin. Kaya, pinalo ito ni Balaam at pilit na ibinabalik sa daan. 24 Ang anghel
naman ni Yahweh ay tumayo sa makitid na daan sa pagitan ng ubasan at ng
pader. 25 Nang makita siya ng asno, sumiksik ito sa pader at naipit ang paa ni
Balaam. Kaya't muli itong pinalo ni Balaam. 26 Ngunit ang anghel ay
humarang muli sa lugar na wala nang malilihisan ang asno. 27 Nang makita
na naman siya ng asno, nahiga na lamang ito. Kaya, nagalit si Balaam at
muling pinalo ang asno. 28 Ngunit pinagsalita ni Yahweh ang asno. Itinanong
nito kay Balaam, “Ano bang kasalanan ko sa iyo? Bakit tatlong beses mo na
akong pinapalo?”

Sinabi ni Balaam sa asno, “Pinalo kita sapagkat ginagawa mo akong


29

hangal. Kung may tabak lang ako, baka napatay na kita.”

Sinabi ng asno kay Balaam, “Hindi ba't ako ay iyong asno at sa simula pa'y
30

ako lang ang sinasakyan mo? Ginawa ko na ba ito sa iyo?”

“Hindi!” sagot ni Balaam.

Sa sandaling ito'y ipinakita ni Yahweh kay Balaam ang anghel na nakatayo


31

sa daan at may hawak pa ring tabak. Kaya't nagpatirapa si


Balaam. 32 Tinanong siya ng anghel ni Yahweh, “Bakit tatlong beses mo nang
pinalo ang iyong asno? Sadyang humaharang ako sa daan sapagkat mali ang
binabalak mong gawin. 33 Tuwing makikita ako ng asno mo ay lumilihis ito.
Pangatlong beses na niyang ginagawa ito. Kung hindi siya lumihis baka
napatay na kita, ngunit siya'y hindi ko sasaktan.”

Sinabi ni Balaam sa anghel, “Nagkasala ako. Hindi ko alam na nakatayo


34

kayo sa aking daraanan. Babalik na ako kung hindi ayon sa inyong kalooban
ang lakad kong ito.”35 Sumagot ang anghel, “Huwag ka nang bumalik.
Sumama ka sa kanila ngunit ang sinabi ko sa iyo ang sabihin mo sa kanila.”
At sumama si Balaam sa mga sugo ni Balac.

You might also like