You are on page 1of 4

CHAPTER ONE

"I hate the fact that he just leave me without saying anything. We have plans and he knows it. It
hurts so much! I need to face these challenges and take the responsibilites and consequences.
From now on, I will use my head in every decision I will make. "

Mag-iisang buwan nang hindi lumalabas ng bahay si Hillaena. Nais niyang makalimot subalit
mukhang napakahirap pa rin para sa kanya ang gawin ito. Halos gumuho ang lahat ng pangarap
niya nang iwan s'ya ng kanyang boyfriend nang wala man lang pasabi. Ni wala siyang maisip na
rason para iwan siya nito ng ganon na lamang. Sa katunayan, pareho sila ng hilig at interes. Pareho
silang photographer kung kaya't lagi silang magkasama tuwing mayroon silang kliyente.
Isang araw, maaga siyang nagising, subalit nakatingin sa kawalan at tila may napakalalim na
iniisip. Hindi malaman ni Hillaena kung paano muling magsisimula. "I don't know what will
happen next. Lord, ano po ba ang plano n'yo sa akin? Kaya ko pa ba? Hirap at pagod na 'ko eh.
Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ulit." Tanong niya sabay tingin sa salamin upang tingnan ang
sarili.
Pinagmasdan niya saglit ang kanyang silid at saka napagtanto na pati ang kanyang silid ay
nakikiramay sa kanya. Magulo. "Hay naku, anong klaseng bagyo ba ang dumaan dito?" Tatayo na
sana siya ng biglang sumigaw ang kanyang inay.
"Hillaena Monteverde, bumaba ka na! Isang buwan nang naghihintay ang bestfriend mo dito.
Ano ka ba namang bata ka. Ayusin mo nga 'yang buhay mo! Kumain ka na at nangangayayat ka
na."
"Yes, mudra. Aayusin ko lang po ang mga gamit ko." Mabilis na naligo si Hillaena matapos
ligpitin ang mga gamit na halos isang buwang nakakalat sa kanyang silid.
"Hay, salamat! Bumaba din ang anak kong maganda. Wag ka na nga magmukmok sa kwarto
mo. Paano mo mahahanap ang forever mo kung lagi lang nakakulong dyan? Lagi mo tandaan,
wala sa lahi natin ang naghahabol, ok? Kaya ngumiti ka na at nababawasan ang iyong
kagandahan", pagbibiro ng kanyang inay na ginatungan naman ng kanyang bestfriend.
"Oo nga naman, Aena. Moved on na tayo, ok?"
"Nagsalita ang nakamoved on oh! Kumain ka na nga lang dyan, Sam. "
"Ewan ko ba naman sa'yo Aena, samantalang 'yong iba eh naglilibang para makalimot. Ikaw lang
yata ang nagmumukmok at hindi lumalabas eh! Magmake-up ka nga. Halatang stressed ka eh."
"Kanya- kanya tayo nang diskarte, ok? Itikom mo na nga 'yang bibig mo, Sam." sabay taas ng
kilay habang kinakausap ang kaibigan.
"Ang sungit naman nito oh. Tumutulong lang ang tao eh. Naku, hindi ka na magkakalovelife
kapag ganyan ka."
"Bilisan mo ngang kumain at raraket pa tayo. Isang buwan din akong walang raket! Saan ba tayo
ngayon? "
"Sa kabilang barangay tayo ngayon, 10 a.m. dapat andun na tayo. We can't be late, magseset up
pa tayo ng gamit."
Paalis na ang dalawa ng biglang sumigaw ang kanyang inay at iniabot ang isang phamplet.
Napakunot noo si Aena at saka kumamot sa ulo.
Tatawid na sana sila ng biglang may isang mabilis na kotse ang dumaan sa harap nila.
"Putik! Namantsahan ang damit ko!" Galit na galit na sinabi ni Aena. Biglang tumigil ang kotse
at galit na galit na lumapit sa kanila.
"Are you both crazy?! Huwag nga kayong pahara-hara sa kalsada!", sigaw ng isang lalaking
nakasuot ng amerikana with eyeglasses na lalong nagpatingkad sa kanyang kagwapuhan.
"Seriously?! Ikaw pa talaga ang may ganang magalit?! Kapal ng mukha mo ha! Gwapo sana,
bastos nga lang! Hmp!"
"Come on, bestie. Don't mind him. We'll be late!" Saka hinila ni Samantha ang kaibigan at
sumakay ng taxi.
Galit na galit na sumakay si Aena habang pinupunasan ang mga mantsa sa kanyang damit.
"May araw din siyang lalaki siya! Naku, naku, huwag lang talagang pagtagpuin ang aming landas!
'Pag minamalas ka nga naman oh!"
Maya-maya'y narating na nila ang isang napakalaking bahay at agad na pumasok sa loob
matapos pagbuksan ng security guard. Isinet up ng dalawa ang mga gagamitin habang wala pa ang
mga kliyente nila. Big time ang kliyente nila kaya kailangang hindi sila pumalpak. Pagkatapos
nilang mai-set up ang lahat ay nagpunta si Aena sa comfort room para magpalit na damit.
Laking gulat ni Aena nang makita ang lalaking mayabang na bumababa ng hagdan kasama ang
isang cute na cute na batang babae. Dali-daling palihim na tumakbo c Aena para puntahan ang
kaibigan.
"Let's go home, Sam. Let's go!"
"What the--- Ano ka ba, Aena. Andito na tayo eh! Sayang 'to no! Malay mo malaki ibayad sa
atin dito. Tingnan mo nga oh, mansion ito. Ngayon lang ako nagkaroo ng ganito kayaman na
kliyente. Wag ka nga magulo dyan. Malapit na sila oh."
Maya-maya'y dumating na ang kanilang kliyente. Nagulat ang dalawa nang makita ang
lalaking na-encounter nila kanina. Walang patid ang pagkublit ni Aena kay Sam subalit, hindi ito
pinapansin ng kaibigan.
"Good morning, Sir! I'm Samantha and this is my friend, Aena. We're from Charm's
Photography."
"Nice to meet you. I'm Ashton. Ok, shall we start?"
"Ok, Sir."
"Are you ready, Serenity?"
"Yes, daddy. That's good, baby. You look so adorable." At saka hinalikan sa noo ang bata.
Nagsimula na sila sa pagkuha ng picture at video kay Serenity para sa kanyang 7th birthday.
Napakaganda ng batang ito napaka-charming pa. Hindi rin sila nahirapan dahil magaling ang
batang ito. Mabilis niyang nagagawa ang mga sinasabi nila kaya labis ding humanga si Aena sa
batang ito. Natapos ang kanilang trabaho sa loob ng tatlong oras. Iniabot naman ni Ashton ang
isang sobre kay Aena na kanina pa nakatingin sa kanya. Nais na sanang mag-iskandalo ni Aena
subalit hindi niya magawa dahil andun si Serenity. Magsasalita na sana siya ng biglang nagsalita si
Ashton.
"It's time for lunch, please join us."
"No, sir. Thank you, but we have to go." Aena answered.
"I insists." Ashton said.
Hindi na nakatanggi si Aena at sumunod na lamang kasama ang kaibigan. Nang matapos ay
agad silang umalis dahil may next client pa sila na kakausapin. Tumungo ang dalawa sa isang
restaurant para sa next appointment nila. Habang naghihintay ang dalawa ay biglang nagtanong si
Sam sa kaibigan.
"Akala ko ba mananagot sa'yo ang lalaking 'yon kapag nagkita kayo. Bakit mukhang hindi ka
magkaintindihan kanina?"
"Kung alam mo lang, kanina ko pa gustong sumbatan ang lalaking mayabang na 'yon! I just
managed to control myself kasi andun 'yong anak nya." Pagtatanggol niya sa sarili at saka
sumimangot.
"Kaya pala ang lagkit mo makatingin sa kanya eh! Ha ha ha" Pang-aasar ni Sam.
"Excuse me, walang ganyang nangyari kanina!"
Tumalikod si Aena sa kaibigan dahil napipikon na siya. Maya-maya'y nag-isip siya at nasabi sa
sarili habang nakatingin sa ulap.
"I think he's too young to have a seven year old child. The way he dressed up and his coolness
says a lot. He's very mysterious." She added.
Maya-maya'y dumating na ang next client nila ng 2:30 p.m. at agad na sinimulan ang meeting.
Their clients both agreed with them kaya maagang natapos ang kanilang meeting.
Maagang nagpaalam ang kanilang kliyente kaya napagdesisyunan ng magkaibigan na pumunta sa
plaza. Dahil parehas nilang dala ang kanilang DSLR, walang tigil ang pagcapture nila ng picture.
Iba't ibang subject. Kuha dito, kuha doon. Sa dalawang magkaibigan, si Aena ang pinakamahilig
kumuha ng larawan. Naimpluwensyahan nya lang ang kaibigan nang malaman niya na very
interesting pala ito.
High school bestfriends sila at pareho silang kumuha ng course na malapit sa hilig at interes
nila. Nagtake sila ng subject na photography at nagtraining sa Manila. Nais nilang maging bantog
sa larangang ito hindi lamang sa bansang Pilipinas kundi sa buong mundo. Sila rin ang tinaguriang
'best travel buddy'. Kung sa lovelife, olats sila, may forever naman ang relationship nila.

CHAPTER TWO

Around 6 p.m na nakauwi ang dalawa. Pagdating ni Aena sa bahay ay agad na dumiretso sa
kanyang kwarto upang magpahinga. Maya-maya'y nakaidlip ito. Alas siete y media na nang
magising siya. Agad napabalikwas siya at halatang nagulat sa kanyang ginawa.
"Nakatulog na pala ako. Nakakapagod ang maghapon. Tinatamad na ako kumain. Busog pa
naman ako."
Kinusot-kusot ang mga mata at saka napatingin sa life size bear na ibinigay ni Zach sa kanya
noong first anniversary nila. Agad nangilid ang mga luha niya subalit pinigilan ang sarili.
Ibinaling ang isipin sa iba at agad na kinuha ang kanyang camera. Nagphoto preview siya upang
aliwin ang sarili. Bigla siyang nagulat nang makita niya sa isang larawang ang isang happy face
mula sa mga ulap na nabuo. Bahagya siyang napaisip at sinabi sa sarili: "Pati si God ayaw na
malungkot din ako."

You might also like