You are on page 1of 6

Grade 1 to 12 Paaralan SAMAR NATIONAL PILOT OPPORTUNITY SCHOOL OF AGRICULTURE Baitang Grade 10

Daily Lesson Log


Guro JYESEBEL GALABIN Asignatura ARALING PANLIPUNAN
Petsa/Oras 1:00-2:30PM Markahan UNANG MARKAHAN
February 26, 2017

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa:


Pangnilalaman
Maipapamalas ang pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at pandaigdigang isyung pang-ekonomiya tungo sa pagkamit ng pambansang kaunlaran.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay:
Makabubuo ng programang pangkabuhayan (livelihood project) batay sa mga pinagkukunang yaman na matatagpuan sa pamayanan upang makatulong sa
paglutas sa mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap ng mga mamamayan
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto Matutukoy ang mga suliraning pangkapaligiran at ang mga hakbangin ng pamahalaan sa pagharap ng mga suliraning ito sa pamamagitan ng Video
Presentation at pag-uulat sa loob ng 15 minuto.
Isulat ang code ng bawat kasanayan

II. NILALAMAN A. TEMA: Tao, Lipunan, Kapaligiran


B. PAKSA: Mga Suliraning Pangkapiligiran
C. Balangkas:
Tree Planting Program

Pagpuputol ng mga Punongkahoy

Solid Waste Mga Suliraning Pangkapaligiran


Problema sa Basura at Programa sa Gobyerno
Management

Polusyon sa Hangin

Air Emissions
D. Batayang Kaisipan

Ilan sa mga suliraning pangkapaligiran ay pagpuputol sa mga punongkahoy, hindi tamang pagtapon ng basura at polusyon sa hangin. Ilan
rin sa mga programa ng pamahalaan ay air emissions, solid waste management at Tree Planting Program.

III. KAGAMITANG PANTURO

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang


Pang- Mag-aaral

3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula sa Mga Suliraningpangkapiligiran Youtube


portal ng Learning Resource Deped Kto12 blogspot.com

B. Iba pang Kagamitang Panturo Kartolina, Laptop at projector, Pentel Pen, Enbelop, Mga Kendi.

IV. PAMAMARAAN Guro Mag-aaral


A. Balik-Aral sa nakaraang Natatandaan pa ba niyo mga mga mag-aaral ang huli nating tinalakay?
aralin at pagsisimlula sa bagong Opo!
aralin Sige nga, maaari niyo bang sabihin sa akin ang pamagat ng topikong tinalakay
natin. Mga likas na yaman ng Pilipinas po guro.

Tama. Ang huli nating tinalakay ay tungkol sa mga Likas na Yaman ng Pilipinas.
Upang subukan ang inyong kaalaman ay magbabalik tanaw muna tayo sa
huling tinalakay. Mayroon ako ditong blangkong Cluster map at tatawag ako
ng ilan sa inyo upang kumpletuhin ang cluster map batay sa pangunahing
ideya. Pagkatapos ay tatawag ako ng isa sa inyo upang ipaliwanag ang
sinasaad sa cluster map. Maliwanag ba mga mag-aaral?
Opo!
Kung ganon simulan na natin. (tatawag ng limang mag-aaral)
Salamat mga mag-aaral sa pagsagot.
Maaari ko bang tawagin si _________ upang ipaliwanag ang nais ipabatid ng
cluster map.

Tinatawag na likas na yaman ang mga biyayang galing sa Diyos na siyang


hinuhulma ng tao upang matugunan ang kanyang pangangailangan
halimbawa na dito ay ang mga halaman, lupa, tubig, hayop, at mineral.

Magaling! Nagpapakita lamang iyon na lubusan ninyong naunawan ang huli


nating tinalakay at indikasyon lamang iyon na handa na kayo para sa ating
panibagong aralin.
B. Pagganyak Batid ko na karamihan sa inyo ay mahilig umawit kaya naman naghanda ako
ng isang awitin para sa inyo. Nais kong awitin ito ng Sabay-sabay. Pagkatapos
ay hihingi ako ng mga ideya sa inyo batay sa lyriko ay larawan na ipinakita ko
sa inyo. “Masdan mo ang Kapaligiran” mula sa gruping ASIN.

Batay sa kantang inyong inawit. Ano-ano ang mga ideyang sumagi sa mga
isipan niyo? Malayang kasagutan ng mga mag-aaral.

Tumpak! Magaling. Lahat ng sinabi niyo ay tama. Tunay ngang binubuo ang
klaseng ito ng mga magagaling na mga mag-aaral.
C. Paglalahad Batay sa mga sagot niyo kanina. Ano kaya ang panibagong isyu na ating
tatalakayin ngayong hapon?

Tungkol po sa Suliraning Pangkapaligiran.


Tama! Ang ating pag-aaralan ngayong hapon ay tungkol sa Suliraning
Pangkapaligiran. (ipopost ang pamagat) “Mga Suliraning Pangkapaligiran”

Upang gabayan tayo sa mga isyung tatalakayin ay narito ang layunin na dapat
nating matamo.( ipopost ang layunin). Pakibasa mga mag-aaral.
Matutukoy ang mga suliraning pangkapaligiran at ang mga hakbangin ng
Maliwanag ba ang layunin mga mag-aaral? pamahalaan sa pagharap ng mga suliraning ito sa pamamagitan ng Video
Presentation at pag-uulat sa loob ng 15 minuto.

Opo guro.

Social Analysis Model


D. Paglalahad ng Isyu Kung ganun ay simulan na natin ang pagpapalalim sa inyong kaalaman.

Mayroon ako ditong ipapakitang video presentation tungkol sa suliraning


pangkapaligiran at ilan sa hakbangin ng pamahalaan sa pagharap sa mga
suliraning ito.

Ngunit bago tayo manood ay papangkatin ko muna kayo sa tatlong grupo sa


pamamagitan ng mabubunot niyong kulay ng kendi.

Ang nakakuha ng kulay berde na kendi pumunta sa kanang bahagi ng silid


aralan at bumuo ng bilog.

At ang nakakuha naman ng kulay kahil na kendi ay mananatili sa gitnang


bahagi
“MMK”
At ang pangatlong pangkat naman ay na nakakuha ng kulay dilaw na kendi ay “Mga Suliraning Pangkapaligiran”
pumunta sa kaliwang bahagi ng silid na ito.
E. Pagtukoy sa Isyu Gawain: Tumukoy ng isang suliraning pangkapaligiran at isang hakbangin ng
pamahalaan at ilarawan sa pamamgitan ng pag-uulat sa klase.

Narito ang enbelop na naglalaman ng papael at panulat. Bibigyan ko lamang


kayo ng 3(tatlong) minuto para isagawa ng inyong Gawain. Rubriks:
Panuto: lagyan ng tsek ang mga kolum gamit ang sumusunod na batayan.
Ngunit bago ang lahat narito muna ang rubriks na dapat ninyong isaalang-
alang sa pag-gawa ng inyong Gawain. 5= lubusang ipinamalas 3=naipamalas 2= kulang ang ipinamalas
Pamantayan 5 3 2
(ipopost ang rubriks) Kawastuhan
Pakibasa nga mag-aaral. Kooperasyon
Pamamahala sa
Oras
Kabuuan

Mayroon pa bang katanungan?


Wala na po.
Kung ganon maari na kayong magsimula. Ang inyong 3 minuto ay nagsisimula
na mga mag-aaral
Sisimulan na ang Gawain ng mga mag-aaral sa bawat pangkat.
(Pagkatapos ng tatlong minute)
Mga mag-aaral tapos na ang inyong tatlong minute. Maari na niyong ipaskil
ang inyong sagot sa pisara.

(Pagkatapos ng pagpaskil ng mga sagot)


O sige, pakinggan na natin ang unang pangkat.
(Pag-uulat ng unang pangkat.)
Magaling! talagang mahuhusay kayo. Pakinggan naman natin ang Ikalawang
pangkat.
(Pag-uulat ng ikalawang pangkat.)

OO nga hindi ba’t iyan ang nararanasan natin ngayon lalo na sa kamaynilaan?

Opo!
Ngayon ibigay ulit natin ang ating atensyon sa pangatlong grupo.
(Pag-uulat ng pangatlong pangkat.)
Magaling palakpakan naman natin ang inyong mga sarili.
F. Pagsusuri sa Isyu Ngayon mga mag-aaara bigyan naman natin ng puntos bawat pangkat sa
pamamagitan ng pagsusuri ng inyong mga gawaing naisasagawa gamit ang
rubriks.

Unang pangkat?
Pagsusuri sa unang pangkat.
Pangalawang pangkat?
Pagsusuri sa pangalawang pangkat.
Pangatlong Pangkat?
Pagsusuri sa pangatlong pangkat.
G. Pagtatapos Mga mag-aaral, Ano nga ba ang mga Suliraning Pangkapaligiran at mga
hakbangin ng pamahalaan?

Ilan po sa mga Suliraning pangkapaligiran ay polusyon sa hangin, problema


sa basura at pagpuputol ng mga punongkahoy at ilan naman po sa mga
programa ng pamahalaan ay solid waste management, air emissions at tree
planting program.
Magaling! Maraming salamat mga mag aaral tunay ngang lubusan ninyong
naunawaan ang ating tinalakay ngayong hapon.

H. Paglalapat Bilang isang mag-aaral, anong adbokasya ang inyong isusulong upang maibsan
o mapigilan ang suliraning pangkapaligiran?
(malayang sagot)

I. Pagtataya Sa kalahating bahagi ng papel magbigay ng tatlong suliranig pangkapaligiran


at isang hakbang o programa ng pamahalaan upang maibsan ang mga
suliraning ito.

J. Takdang Aralin Gumawa ng isang tula, poster o awitin tungkol sa mga suliranin sa
pangkapaligiran.

You might also like