0% found this document useful (0 votes)
213 views3 pages

Pagsulat NG Bionote Reviewer

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
213 views3 pages

Pagsulat NG Bionote Reviewer

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

PAGSULAT NG BIONOTE

ANO ANG BIONOTE?

• Ang bionote ay impormatibong talata na nagpapaalam sa mga mambabasa kung sino ka


o ano-ano ang mga nagawa mo bilang propesyonal

• Inilalahad din dito ang mga impormasyon tungkol sa kaugnayan sa paksang


tinatalakay, sa trabahong ibig pasukan, o sa nilalaman ng blog o website

• Maituturing na isang market tool. Ginagamit upang itanghal ang mga pagkilala at mga
natamo ng indibidwal

• Samakatuwid, ito ay impormatibong talata na naglalahad ng mga klasipikasyon ng


awtor at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyonal

BIONOTE SA TALAMBUHAY AT AUTOBIOGRAPHY

• Ang bionote ay maikli at siksik

• Ang talambuhay at autobiography ay mas detalyado at mas mahaba

Bakit nagsusulat ng Bionote?

1. Upang ipaalam sa iba hindi lamang ang ating karakter kundi maging ang ating
kredibilidad sa larangang kinabibilangan

2. Paraan upang ipakilala ang sarili sa mga mambabasa

3. Mahalagang malinaw ang layunin o mga layunin sa pagsulat nito

4. Kailangang tukuyin kung sino ang magbabasa nito at ang ibig mong isipin nila tungkol sa
iyo

Mga Katangian ng Mahusay na Bionote

1. Maikli ang Nilalaman

• Karaniwang hindi na binabasa ang isang mahaba na bionote, lalo na kung hindi
kahanga-hanga ang mga dagdag na impormasyon

• Kung maikli ang bionote, mas pagtutuunan ito ng pansin

• Sikaping paikliin ang isang bionote at ilahad lamang ang mahalagang impormasyon

• Sa pagsusulat ng bionote, iwasan ang pagyayabang


2. Gumagamit ng Pangatlong Panauhang Pananaw

• Laging ginagamit ang pangatlong panauhang pananaw sa pagsusulat ng bionote


kahit na ito ay patungkol sa sarili

• Halimbawa: ‘‘Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP-


Diliman. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong
pamantasan

3. Kinikilala ang Mambabasa

• Kinakailangang maisaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat ng bionote

• Kung ang target ng mambabasa ay halimbawa ang administrator ng paaralan,


kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila

• Halimbawa: ano ang klasipikasyon at kredibilidad sa pagsulat ng batayang aklat

4. Gumagamit ng Baligtad na Tatsulok

• Sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, unahin ang pinakamahalagang


impormasyon

• Lingas sa karakter ng tao ang basahin ang unang bahagi ng sulatin, kaya naman sa
simula pa lang ay isulat na ang pinakamahalagang impormasyon

5. Nakatuon Lamang sa mga Angkop na Kasanayan o Katangian

• Piliin lamang ang mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng bionote

• Halimbawa: Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan, hindi na


kinakailangang banggitin sa bionote ang pagiging negosyante o chef

6. Binabanggit ang Degree kung kailangan

• Kung may PhD sa antropolohiya, halimbawa, at nagsusulat ng artikulo tungkol sa


kultura halimbawa ang Ibanag sa Cagayan

• Mahalaga sa bionote na isulat ang kredensyal na ito

7. Maging Matapat sa Pagbabahagi ng Impormasyon

• Mabuting siguradin na tama at totoo ang impormasyon

• Huwag mag-iimbento ng impormasyon para lamang bumango ang pangalan at


makaungos sa kompetisyon
• Ito ay hindi isang etikal at maaaring mabahiran ang reputasyon dahil dito

You might also like