You are on page 1of 2

Ang

aking

tulambuhay
Pasasalamat :

Pasasalamat sa mga pagpapalang natanggap mula sa Diyos. Ang pagtanaw ng utang na loob ay
kasiya-siya sa Diyos, at kasama ng tunay na pagsamba ang pasasalamat sa kanya. Dapat tayong
magbigay-pasasalamat sa Panginoon sa lahat ng bagay.

Alam naman natin na ang pagtuturo ay hindi isang birong propesyon. Ang pagiging guro ay
nangangailangan ng sapat na karanasan sa pakikipagkapwa-tao, may positibong pananaw sa
sarili, may disiplina, may bukas na isipan at higit sa lahat mayroong mahabang pasensya.

Hindi natin masasabing napakaperpekto ng ating mga guro at ito ay aking naiintindihan. Sino ba
naman ang hindi magsasawa? Limang taon, sampung taon?, o marahil hingit pa at ang iba pa nga
ay binuhos na nila ang kanilang buhay sa pagtuturo. Ito ang kanilang trabaho, hindi nagbabago at
hindi madali. Oo nagbabago nga pala, nagbabago taun-taon ang mga estudyanteng kaharap nila.
Mga estudyanteng iba-iba ang ugali at may iba’tibang personalidad. Kung tutuusin, kay hirap
maging guro sa kakarampot na kinikita nila at natititiyak kong hindi ito sapat. Paano pa kung
may problema sila sa kanilang bahay? Dadagdagan pa ng pasakit sa mga estudyanteng matitigas
ang ulo. Sa tingin ninyo sapat ba ang kita nila sa trabahong mabigat na nakapasan sa kanilang
balikat?

Mahirap nga ito, ngunit ang pagmamahal nila sa kanilang trabaho ay hindi matatawaran. Ang
layunin na makatulong sa kapwa at layuning makabuo ng isang progresibo at marangal na
Pilipino

You might also like