You are on page 1of 3

KABANATA I

Introduksyon

Sa ating napapanahong henerasyon ngayon ay marami ang nalilikhang mga bagay para
mapadali ang gawain o para magbigay ng kasiyahan sa atin. Isa na rito ang social media, Ito ang
pinaka sikat na naimbento sa 21st Century.

Ayon sa wikipedia, ang social media ay tumutukoy sa mga plataporma na lumilikha ng mga
ugnayan ng pakikisalamuha sa mga taong may magkatulad na interes, gawain, karanasan, o mga
ugnayan sa tunay na buhay. Kaya nalilibang ang mga estudyante sa social media ay dahil hindi
lang naman sa kanilang pakikipagtalasan sa kanilang mga kaibigan ang hanap nila dito kundi
ang mga kanilang nag uugnay na rin dito ang kanilang mga interes o gusto nila sa buhay.

Ang social media ay isa sa pinaka popular na libangan sa loob ng internet mapa bata man o
matanda, ginagamitan ito ng internet upang makisalamuha sa iba pang gumagamit nito. Isa sa
halimbawa ng social media ang pinakasikat na pinapangalanang Facebook. Ang Facebook ay
ang pinakasikat na social media sites sa buong mundo dahil hindi lang sa pakikipagusap ang
dala nito sa atin, may mga ibat-ibang feautures ito kaya tayo nalilibang sa social media na ito.
Ayon sa Wikipedia, ang facebook ay nilikha ni Mark Zuckerberg at sa panahon ngayon eto
paren ang pang unang social media sa buong mundo.

Sa kasamaang palad, dahil sa paggamit ng social media marami ang nagbibigay atensyon dito
kaysa sa pag-aaral na sanhi naman ng pagkababa ng mga grado ng mga estudyante. Ito rin ang
dahilan ng pagkawalang bahala ng mga estudyante sa paggawa ng kanilang takdang aralin.

Sanligan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nagpapaliwanag ng mga maging bunga o epekto ng


pagkahumaling ng mga estudyante sa social media. Mag bibigay ito ng mga impormasyon kung
ano ang nagiging epekto ng social media sa pisikil, emosyonal, pag-iisip o kung san pa.

Ang paksang ito ay makakatulong upang masuri ang iba’t-ibang dahilan ng pagkahumaling ng
mga estudyante. Ito’y napili dahil marami ang nakakaranas ng gantong sitwasyon lalong-lalo na
sa mga kabataan o estudyante. At ng malaman rin nila na ito’y importante lalo na sa henerasyon
ngayon, dahil kasama ito sa pagpapanatili ng kanilang kalusugan o sa pag-aaral.

Layunin ng Pag-aaral

Layunin din ng pag-aaral na ipabatid sa mga estudyante ang mga epekto ng social media
lalong-lalo na sa kanilang pag-aaral. Higit sa lahat, ninanais ng pananaliksik na ito na
mabigyang solusyon ang mga mambabasa upang maiwasan ang pagkahumaling ng mga
estudyante sa social media.
Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagtamo ng mga sumusunod na layunin:

1. Malaman ang epekto ng social media sa mga mag-aaral ng ssms.


2. Maisa-isa ang salik ng epekto sa pagkahilig ng mga estudyginante sa social media.
3. Matukoy ang social media na kalimitan ginagamit ng estudyante sa ssms.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Malaki ang epekto ng Social Media sa mga estudyante ngayon. Maaaring mabuti o masama ang
dulot nito depende sa taong gumagamit. Ang pag – aaral na ito ay inaasahang maging kapaki –
pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga mag – aaral, Ang pag – aaral na ito ay magsisilbing patnubay sa kanilang pag-
aaral at malaman ang epekto ng social media.Ito rin ang paraan kung paano mababago at
mapapaunlad ang pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa Social Media.

Sa mga guro, Upang makakuha ng ideya ang mga guro tungkol sa Social Media na
kadalasang pinagtutuonang pansin ng mga estudyante sa ngayon. Sa pamamagitan nito,
malalaman nila ang mga epekto ng pagkahumaling ng mga estudyante sa social media para may
solusyon sila sa nasabeng suliranin.

Sa tagapangasiwa ng Paaralan, Ang magiging kalabasan ng pag-aaral na ito ay


makatutulong sa pagpapatupad ng iba’t-ibang programa na upang magsilbing gabay sa mga
estudyante ng paaralang ito.

Sa susunod na mananaliksik, Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay upang ang


kanilang pag – aaral ay may mapagkukunan sila ng mga kaugnay na literatura at karagdagang
kaalaman.

Saklaw at Limitasyon ng Pag – aaral

Nalimitahan ang pag – aaral na ito sa mga estudyante ng St. Simon Montessori School. Sa
huli, bibigyan ng mga mananaliksik ng mga mungkahing solusyon upang maiwasan ang sobrang
pagkahumaling sa social media ng mga estudyante.

You might also like