You are on page 1of 5

KABANATA I

Introduksyon

Sa ating napapanahong henerasyon ngayon ay marami ang nalilikhang mga bagay para
mapadali o para magbigay ng kasiyahan sa atin. Isa na rito ang social media, isa sa
pinaka popular na naimbento sa ating henerasyon masasabe rin nating ito’y mahalaga
dahil kung hindi ito naimbento ano ang magpapasaya satin.

Ayon sa wikipedia, ang social media ay tumutukoy sa mga plataporma na lumilikha ng


mga ugnayan ng pakikisalamuha sa mga taong may magkatulad na interes, gawain,
karanasan, o mga ugnayan sa tunay na buhay. Kaya nalilibang ang mga estudyante sa
social media ay dahil hindi lang naman sa kanilang pakikipagtalasan sa kanilang mga
kaibigan ang hanap nila dito kundi ang mga kanilang nag uugnay na rin dito ang kanilang
mga interes o gusto nila sa buhay.

Ang social media ay isa sa pinaka popular na libangan sa loob ng internet mapa bata man
o matanda, ginagamitan ito ng internet upang makisalamuha sa iba pang gumagamit nito.
Isa sa halimbawa ng social media ang pinakasikat na pinapangalanang Facebook. Dahil
dito marami ang gumagamit nito. Sa kasamaang palad, dahil sa paggamit ng social media
marami ang nagbibigay atensyon dito kaysa sa pag-aaral na sanhi naman ng pagkababa
ng mga grado ng mga estudyante. Ito rin ang dahilan ng pagkawalang bahala ng mga
estudyante sa paggawa ng kanilang takdang aralin.

Malaki ang epekto ng social media dahil nawawala na ang mga diskarte ng mga
estudyante ngayon kaysa noong panahon dahil internet nalang ang kanilang ginagamit
imbis na sa libro na kanila pa nilang nababasa. Kaya sa panahon ngayon ang mga
estyudyante ay nagiging tamad dahil isang search mo lang sa google may ma irereport
kana o maiipasa sa kana sa iyong guro ng walang kahirap hirap. Kalimitang kaso ng mga
estudyante kalimitan sa pag rereport ay binabasa nalang nila sa pamamagitan ng
paggamit ng social media. Gayunpaman, dahil sa nasabeng suliranin na ito nagtakda ang
mga gobyerno na mag magpatupad ng sinasabeng plagiarism.Ang plagiarism ay ang
pagkuha ng impormasyon sa internet o sa libro na walang paghingi ng permiso sa may
akda.Dito rin nararanasan ng ilang estudyante ang tinatawag na Cyberbullying.Ang
Cyberbullying ay isang pang-aapi sa kapwa tao sa pamamagitan ng social media. Di man
ito nakakaepekto sa pisikal ngunit malaki ang epekto nito sa emosyonal ng mga
estudyante kaya naman maraming estudyante ang napapariwara sa pag aaral dahil sa
Cyberbullying.
Ayon sa pag – aaral nina Basilio at Bernacer (2007), ang guro ay may malaking papel na
ginagampanan sa paghubog ng kagandahang – asal ng mga estudyante. Subalit sa
pamamagitan ng social media na produkto ng makabagong teknolohiya, kay gulo ng
takbo ng kanilang pag – iisip sa larangan ng kanilang pag – aaral. Nakakalungkot isipin
na mas nangingibabaw na ang mga epekto ng Social Media sa mga estudyante at tila
baga unti – unti nang nahihigitan ang kagandang asal at disiplina sa sarili.

Layunin ng Pag-aaral
Layunin din ng pag-aaral na ipabatid sa mga estudyante ang mga epekto ng social media
lalong-lalo na sa kanilang pag-aaral. Higit sa lahat, ninanais ng pananaliksik na ito na
mabigyang solusyon ang mga mambabasa upang maiwasan ang pagkahumaling ng mga
estudyante sa social media.

1. Malaman ang epekto ng social media sa mga mag-aaral ng ssms.


2. Maisa-isa ang salik ng epekto sa pagkahilig ng mga estudyginante sa social media.
3. Matukoy ang social media na kalimitan ginagamit ng estudyante sa ssms.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Malaki ang epekto ng Social Media sa mga estudyante ngayon. Maaaring mabuti o
masama ang dulot nito depende sa taong gumagamit. Ang pag – aaral na ito ay
inaasahang maging kapaki – pakinabang sa mga sumusunod:
Sa mga mag – aaral, Ang pag – aaral na ito ay magsisilbing patnubay sa kanilang pag-
aaral at malaman ang epekto ng social media.Ito rin ang paraan kung paano mababago at
mapapaunlad ang pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa Social Media.

Sa mga guro, Upang makakuha ng ideya ang mga guro tungkol sa Social Media na
kadalasang pinagtutuonang pansin ng mga estudyante sa ngayon. Sa pamamagitan nito,
malalaman nila ang mga epekto ng pagkahumaling ng mga estudyante sa social media
para may solusyon sila sa nasabeng suliranin.

Sa tagapangasiwa ng Paaralan, Ang magiging kalabasan ng pag-aaral na ito ay


makatutulong sa pagpapatupad ng iba’t-ibang programa na upang magsilbing gabay sa
mga estudyante ng paaralang ito.

Sa susunod na mananaliksik, Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay upang ang


kanilang pag – aaral ay may mapagkukunan sila ng mga kaugnay na literatura at
karagdagang kaalaman.
Saklaw at Limitasyon ng Pag – aaral
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga epekto ng social media sa
mga piling mag-aaral ng St.Simon Montessori School mula ikasiyam na baitang
hanggang sa ikasampu na taon sa akademikong taon 2016-2017.

Nalimitahan ang pag – aaral na ito sa mga estudyante ng St. Simon Montessori School.
Sa huli, bibigyan ng mga mananaliksik ng mga mungkahing solusyon upang maiwasan
ang sobrang pagkahumaling sa social media ng mga estudyante.
Ken jerico Sy
Cj Decena
EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MGA PILING MAG-AARAL NG SSMS
Layunin 1: Malaman ang epekto ng social media sa mag-aaral ng ssms.
Layunin 2: Maisa-isa ang salik ng epekto sa pagkahilig ng mga estudyante sa social media.
Layunin 3: Matukoy ang social media na kalimitan ginagamit ng estudyante sa ssms.
1. Ilang oras ka gumagamit ng social media ?
a. Isang oras hanggang dalawang oras c. tatlong oras hanggang
b. Dalawang oras hanggang tatlong oras d. limang oras o higit pa
2. Ano ang madalas mong ginagamit sa social media ?
a. Facebook c. Instagram
b. Twitter
3. Ano ang nakakalibang sa pag-gamit ng social media ?
a. Dahil sa laro c. Dahil sa selfie
b. Dahil sa pakikipagkomunikasyon d. Dahilsa pag-aaral
4. Ano ang kalimitang ginagamit sa social media sa pag-aaral ?
a. Merriam Webster c. Google
b. Twitter d. Yahoo
5. Saan mo kadalasan gimagamit ang social media sa pag-aaral ?
a. Report c. Activities
b. Assignment
6. Saan mo madalas ginagamit ang social media
a. Pag-aaral b. pag-lilibang
7. Nakakatulong ba sa iyong pag-aaral ang social media ?
a. Oo c. Hindi
8. Malimit ka bang mag social media ?
a. Oo b. Hindi c. Minsan
9. Saan ka nag so- social media ?
a. Cellphone b. Kompyuter
10. Ano ang epekto sa atin ng social media ?
a. Napapabayaan ang pag-aaral
b. Nalabo ang mata
c. Napupuyat
d. Nakakatulong sa pag-aaral

You might also like