You are on page 1of 8

Ang

aking

tulambuhay
Pasasalamat :

Pasasalamat sa mga pagpapalang natanggap mula sa Diyos. Ang pagtanaw ng utang na loob ay
kasiya-siya sa Diyos, at kasama ng tunay na pagsamba ang pasasalamat sa kanya. Dapat tayong
magbigay-pasasalamat sa Panginoon sa lahat ng bagay.

Alam naman natin na ang pagtuturo ay hindi isang birong propesyon. Ang pagiging guro ay
nangangailangan ng sapat na karanasan sa pakikipagkapwa-tao, may positibong pananaw sa
sarili, may disiplina, may bukas na isipan at higit sa lahat mayroong mahabang pasensya.

Hindi natin masasabing napakaperpekto ng ating mga guro at ito ay aking naiintindihan. Sino ba
naman ang hindi magsasawa? Limang taon, sampung taon?, o marahil hingit pa at ang iba pa nga
ay binuhos na nila ang kanilang buhay sa pagtuturo. Ito ang kanilang trabaho, hindi nagbabago at
hindi madali. Oo nagbabago nga pala, nagbabago taun-taon ang mga estudyanteng kaharap nila.
Mga estudyanteng iba-iba ang ugali at may iba’tibang personalidad. Kung tutuusin, kay hirap
maging guro sa kakarampot na kinikita nila at natititiyak kong hindi ito sapat. Paano pa kung
may problema sila sa kanilang bahay? Dadagdagan pa ng pasakit sa mga estudyanteng matitigas
ang ulo. Sa tingin ninyo sapat ba ang kita nila sa trabahong mabigat na nakapasan sa kanilang
balikat?

Mahirap nga ito, ngunit ang pagmamahal nila sa kanilang trabaho ay hindi matatawaran. Ang layunin na
makatulong sa kapwa at layuning makabuo ng isang progresibo at marangal na PilipinoAng buhay kong
ito'y sa inyo nagmula Pangalawa sa Diyos na s'yang lumikha Utang ko sa inyo ang aking hininga Minahal,
hinubog ng inyong kalinga.

Mga sakripisyo'y sadyang hindi biro Mula ng ako'y iniluwal sa mundo Pag-ibig na iniukol sa 'ki'y totoo
Pagmamahal ninyo'y nagsilbing lakas ko.
Ako'y tinuruan ng magandang asal Sa gitna ng hirap ako'y pinag-aral Upang 'di mapariwara ang aking
buhay Diplomang natanggap sa inyo ini-alay.
Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad Pangarap ko'y unti-unting natutupad Ito'y bunga ng 'nyong
dakilang paglingap Sa 'king puso'y walang hanggang pasalamat.
Salamat sa aking magulang

Ang buhay kong ito'y sa inyo nagmula


Pangalawa sa Diyos na s'yang lumikha
Utang ko sa inyo ang aking hininga
Minahal, hinubog ng inyong kalinga.

Mga sakripisyo'y sadyang hindi biro


Mula ng ako'y iniluwal sa mundo
Pag-ibig na iniukol sa 'ki'y totoo
Pagmamahal ninyo'y nagsilbing lakas ko.

Ako'y tinuruan ng magandang asal


Sa gitna ng hirap ako'y pinag-aral
Upang 'di mapariwara ang aking buhay
Diplomang natanggap sa inyo ini-alay.

Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad


Pangarap ko'y unti-unting natutupad
Ito'y bunga ng 'nyong dakilang paglingap
Sa 'king puso'y walang hanggang pasalamat.
Ang aking kaibign

Ang aking mga kaibigan


Ay lagi kong maaasahan
Kasama ko kahit saan
Nagdadala ng kasiyahan

Kapag ako ay may problema


Silay ay lagi kong kasama
Tulong nila’y lagi kong dama
Pagdamay ay laging kasama

Tanggap naming ang bawat isa


Kahit walang laman ang bulsa
Sa bawat isa ay umaasa
Pag-susulit ay lagging pasa

Ang ugali man ay iba-iba


Kami’y komportable, walang kaba
Estado’y mataas o mababa
Kami’y walang pag-kakaiba

Kanya-kanya man ng minamahal


Magkakasama sa pagpasyal
Kahit kami’y hindi sosyal
Ang bawat isa’y aming mahal
Paaralan

May mga magulang na ikinakatwiran

na kaya sila nakagagawa ng mga pagkakamali

sa tahanan,ay dahil walang paaralan na nagtuturo

kung paano maging mabuting magulang.

Ang totoo, may ganoong paaralan at

baka nga pinakamahusay pa sa lahat ng paaralan.

Ang tawag sa paaralang ito ay tahanan.

Noong iniisip ko ang mga nakaraang pangyayari

sa buhay ko, naalala ko ang mga espesyal

na sandaling naranasan naming mag-asawa.

Habang ikinukuwento ko sa inyo ang mga alaalang ito,

maaaring maalala rin ninyo ang inyong naging karanasan

malungkot man ito o masaya, natututo tayo mula rito.


Aking guro
Ang
Paggising sa umaga,
Diwa’y inaantok pa
Ngunit tayo’y papasok na
Papasok na sa eskwela

Simula pagkabata hanggang sa pagtanda


Kayo ay tumayong pangalawang ama o ina
Nariyan para gumabay at mag-aruga,
Pasasalamat lamang ay nararapat itakda.

Sa aking paglaki…
Di iniisip mga pagkakamali,
Ngunit ngiti lamang syang sinukli,
At mga payong sa lungkot ay humahawi.

Kayo ay laging kaalalay,


Nagbibigay kulay sa aking buhay,
Sya ring karamay sa kabiguan at lumbay
Ikaw na nga guro,susi sa aming tagumpay.

Kaya’t ako ay nagpapasalamat sa inyo


Mga minamahal at ginigiliw na guro ko
Walang pag-aalinlangang ipapakita ko
Ikaw aking guro bayani ng buhay ko!
Pag-ibig
Pag-ibig na ito’y pagkagulo-gulo,
Kung minsa’y baluktot, kung minsan ay wasto,
Bulag ang katulad, tila nalilito
Kung minsa’y may sakit ng pagkasiphayo.

Ngunit kung tunay nga, wagas at dakila,


Madarama nama’y kilig sa simula,
Sa gitna ay ngiti at dulo’y may tuwa,
Kung magmamahal ka ng tapat at akma.

Sa daraang araw, oras at sandali,


Kahit na mag-isa, ikaw ay ngingiti,
Kung maaalala ang suyuang huli,
At ang matatamis na sintang mabuti.

At ang minamahal kung makakapiling


Ay tila kaybilis ng oras sa dingding
Hahalik sa pisngi at saka yayakapin,
Limot ang problema, hindi makakain.
Ang buhay ko sampung taon mula ngayon

You might also like