You are on page 1of 6

Fidel Valdez Ramos (ipinanganak 18 Marso 1928) ay ang

ikalabing-dalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30


Hunyo 1992 – 30 Hunyo 1998).

Isinilang siya noong 18 Marso 1928 sa Lingayen, Pangasinan.


Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela
Valdez. Nagtapos siya sa United States Military Academy sa
West Point noong 1950. Kumuha rin siya ng masteral ng civil
engineering sa University of Illinois, Masters in Business
Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila, at
nanguna sa klase niya sa Infantry training at kursong Special
Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia.
Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy
weapon platoon leader ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng
Korea at Vietnam. Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang pulutong ng mga sundalong
tumalo sa pwersang komunista ng mga Tsino sa Labanan sa Burol ng Eerie. Kabilang sa mga
medalya at parangal na natanggap niya bilang sundalo ang Philippine Legion of Honor, ang Gold
Cross, ang Philippine Military Merit Medal, ang United States Legion of Merit, ang French
Legion of Honor at ang U.S. Military Academy Distinguished Award.
Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak na babae

Himagsikang People power

Noong 22 Pebrero 1986, si Ramos kasama ni Enrile ay nagprotesta laban sa sinasabing


pandaraya ni Ferdinand Marcos sa snap election laban kay Corazon Aquino. Kanilang inurong
ang kanilang pagsuporta kay Marcos at sumuporta kay Corazon Aquino. Ang pamilya Marcos ay
napilitang lumikas sa Hawaii, Estados Unidos dahil sa 1986 people power at si Aquino ang
naging pangulo ng bansa.
Si Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak 19 Abril 1937), na mas
kilala bilang Joseph Ejercito Estrada, o Erap[1] ang ika-13
Pangulo ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001. Siya ay nahalal
na Mayor o Alkalde ng Maynila noong 13 Mayo 2013

Siya ay isang dating aktor at nagsilbi bilang alkalde ng San Juan,


senador at pangalawang pangulo bago naging pangulo ng
Pilipinas noong 1998. Siya ay napatalsik sa pagkapangulo
noong 2001 matapos akusahan ng korupsiyon na humantong
sa impeachment at pagpoprotesta ng mga tao sa tinatawag na
"EDSA II". Siya ay nahatulang nagkasala sa kaso ng
pandarambong at nahatulan ng Reclusion perpetua. Siya ay
humiling ng kapatawaran at pinatawad ni Gloria Arroyo noong 2007. Si Joseph Estrada ay
ipinanganak noong 19 Abril 1937 sa Tondo, Maynila kina Emilio Ejercito, Sr., na isang inhinyero
at Maria Marcelo. Siya ay pinatalsik sa kanyang mga pag-aaral na pang-primarya sa Ateneo de
Manila University at kalaunang pumasok sa kursong inhinyerya sa Mapua Institute of
Technology. Huminto sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng
pelikulang Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120 pelikula,
karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang
mga papel ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan. Napagwagian niya ang
ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula. Si
Estrada ay nagpakasal kay Dr Luísa "Loi" Pimentel Estrada at nagkaroon ng 3 anak: sina Jinggoy
Estrada, alkalde ng San Juan (1992–2001) at Senador (2004–), Jackie Ejercito (na ikinasal kay
Beaver Lopez na anak ng Meralco chairman Manuel Lopez) at Jude Ejercito. Si Estrada ay may
lima pang ibang mga anak sa ibang mga babae: sina JV Ejercito, Jojo Ejercito sa dating modelong
si Joy Rowena, si Jerika, Jake at Jacob Ejercito sa dating aktres na si Laarni Enriquez. Si Estrada
ay kapatid ng aktor na si George Estregan at tiyuhin ng aktor na si Gary Estrada.

Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at matagumpay na


nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso). Sa 24 kandidato para sa senado, si
Estrada ang ika-16 kandidatong may pinakamataas na boto.
Nahirang siya bilang Chairman of the committees on Cultural, Rural Development, and Public
Works. Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committees on Health, Natural Resources and
Urban Planning. Kabilang sa mga panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol sa
agrikultura, mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at pagpapalawig at pag-protekta sa
kalabaw. Noong 1989, tinanghal siya ng PhilipBilang senador, bumoto siyang tapusin na ang
Kasunduang baseng militar ng Estados Unidos at Pilipinas na nagresulta sa pag-alis ng mga
Amerikanong servicemen sa Clark Air Base sa Pampanga at Subic Naval Base sa Zambales.pine
Free Press bilang isa sa “Three Outstanding Senators of the Year

Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong 5 Abril
1947) ay ang ikalabing-apat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (20 Enero 2001 – 30 Hunyo 2010). Siya
ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosd Isinilang siya bilang
Maria Gloria Macaraeg Macapagal sa amang politikong si Diosdado Macapagal at sa asawa nitong si
Evangelina Macaraeg-Macapagal. Kapatid siya nina Dr. Diosdado "Boboy" Macapagal, Jr at Cielo
Macapagal-Salgado. Una siyang nanirahan sa Lubao, Pampanga kasamaalawang nakatatandang kapatid
mula sa unang asawa ng kanyang ama.[2] Sa gulang na apat, pinili niyang manirahan sa lola niya sa
kanyang nanay sa Lungsod ng Iligan.[3] Nanatili siya doon ng tatlong taon, at hinati ang kanyang
panahon sa Mindanao at Maynila hanggang siya ay maging 11 gulang.[3] Matatas siyang manalita ng
Ingles, Tagalog, Kastila at iba pang wikang Pilipino, gaya ng Kapampangan, Ilokano at Sebwano.ado
Macapagal Noong 1961, nang si Arroyo ay 14 taon gulang, nahalal ang ama niya bilang pangulo ng
Pilipinas. Lumipat ang kanilang pamilya sa Palasyo ng Malacañang. Isang bayan ang isinunod sa kanyang
pangalan, ang Gloria, Oriental Mindoro. Nag-aral siya sa Dalubhasaang Asuncion para sa kanyang
mababa at mataas na pag-aaral, at nakapagtapos ng valedictorian
noong 1964. Nag-aral siya Si Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo
(ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong 5
Abril 1947) ay ang ikalabing-apat na Pangulo ng Republika ng
Pilipinas (20 Enero 2001 – 30 Hunyo 2010). Siya ang ikalawang
babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosd
Isinilang siya bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal sa amang
politikong si Diosdado Macapagal at sa asawa nitong si
Evangelina Macaraeg-Macapagal. Kapatid siya nina Dr. Diosdado
"Boboy" Macapagal, Jr at Cielo Macapagal-Salgado. Una siyang
nanirahan sa Lubao, Pampanga kasama ang kanyang dalawang
nakatatandang kapatid mula sa unang asawa ng kanyang ama.[2]
Sa gulang na apat, pinili niyang manirahan sa lola niya sa kanyang nanay sa Lungsod ng Iligan.[3]
Nanatili siya doon ng tatlong taon, at hinati ang kanyang panahon sa Mindanao at Maynila
hanggang siya ay maging 11 gulang.[3] Matatas siyang manalita ng Ingles, Tagalog, Kastila at iba
pang wikang Pilipino, gaya ng Kapampangan, Ilokano at Sebwano.ado Macapagal Noong 1961,
nang si Arroyo ay 14 taon gulang, nahalal ang ama niya bilang pangulo ng Pilipinas. Lumipat ang
kanilang pamilya sa Palasyo ng Malacañang. Isang bayan ang isinunod sa kanyang pangalan, ang
Gloria, Oriental Mindoro. Nag-aral siya sa Dalubhasaang Asuncion para sa kanyang mababa at
mataas na pag-aaral, at nakapagtapos ng valedictorian noong 1964. Nag-aral siya pagkatapos
noon sa Walsh School of Foreign Service ng Pamantasan Georgetown sa Washington D.C. kung
saan naging kamag-aral niya ang magiging pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton.[4]
Natamo niya ang kanyang antas sa Batsilyer sa Sining ng Ekonomiks mula sa Dalubhasaang
Asuncion, at nakapagtapos bilang magna cum laude noong 1968.

Noong 1968, kinasal si Arroyo sa abogado at negosyanteng si Jose Miguel Arroyo ng Binalbagan,
Negros Occidental, na nakilala niya noong siya ay dalagita pa.[2] Nagkaroon sila ng tatlong anak,
sina Juan Miguel (ipinanganak 1969), Evangelina Lourdes (ipinanganak 1971) at Diosdado
Ignacio Jose María (ipinanganak 1974). Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral at nakuha ang Master
sa Antas ng Ekonomiks sa Pamantasang Ateneo de Manila (1978) at Antas Doktoral sa
Ekonomiks mula sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman noong 1985.[5] Mula 1977 hanggang
1987, nagturo siya sa ilang mga paaralan, kabilang na ang Unibersidad ng Pilipinas at sa
Pamantasang Ateneo de Manila. Naging tagapangulo rin siya ng Kagawaran ng Ekonomiks ng
Dalubhasaang Asuncion.

Noong 1987, inanyayahan siya ni Pangulong Corazon Aquino na sumali sa pamahalaan bilang
Assistant Secretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Itinaas ang ang kanyang posisyon
bilang Undersecretary dalawang taon makalipas. Bilang kasabay na Tagapamahala ng Garments
and Textile Export Board, napalawig ni Arroyo ang industriya ng pananamit noong huling bahagi
ng dekada 80
Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III (ipinanganak noong 8
Pebrero 1960) higit na kilala sa palayaw na Noynoy Aquino o sa
tawag na P-Noy ay ang ika-15 Pangulo ng Republika ng Pilipinas
(30 Hunyo 2010 hanggang kasulukuyan

Ipinanganak sa Maynila, natapos ni Aquino ang kanyang Batsilyer


sa Sining na Dalubhasa sa Ekonomiks mula sa Pamantasang
Ateneo de Manila noong 1981, at sumama sa kanyang pamilya
nang ipatapon ng pamahalaang Marcos ang mga ito sa Estados
Unidos. Bumalik siya sa Pilipinas noong 1983 pagkatapos ang
pagpaslang sa kanyang ama at humawak ng ilang mga posisyon sa
pribadong sektor. Noong 1998, nahalal siya bilang Kinatawan ng
ika-2 Distrito ng lalawigan ng Tarlac Siya ang ika-apat na
henerasyon ng mga politiko sa kanilang pamilya: ang kanyang lolo sa tuhod, si Servillano
"Mianong" Aquino, ay naglingkod bilang delegado sa Kapulungan ng Malolos; ang kanyang lolo,
si Benigno Aquino, Sr., ay naglingkod bilang Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng mga
Kinatawan ng Pilipinas mula noong 1943 hanggang 1944; at ang kanyang mga magulang na sina
dating Pangulong Corazon Aquino at Senador Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. Kasapi si Aquino ng
Partido Liberal ng Pilipinas Si Aquino ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na binata at wala
pang anak. Dating kasintahan ni Aquino si Shalani Soledad, isang konsehal sa lungsod ng
Valenzuela at pamangkin ni dating senador Francisco Tatad.[2][3][4] Noong Nobyembre 2010,
kinumpirma ni Aquino na naghiwalay na sila ni Soledad.[5] Dati niya ring sinuyo si Korina
Sanchez, Bernadette Sembrano at Liz Uy

You might also like