You are on page 1of 2

Dalahican Elementary School

Paaralan Baitang Unang Baitang


Annex
DETALYADONG Physical Education
BANGHAY Guro Manuel T. Gozo II Asignatura
I
ARALIN
Petsa/Oras Markahan Ikalawa

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
 .Naipapakita ang kaalaman sa space awareness o kamalayan sa espasyo bilang paghahanda sa paglahok
sa mga gawaing pampisikal.

B. Pamantayan sa Pagganap
 Naisasagawa ang mga kilos sa espasyong nkalaan ng may wastong koordinasyon.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng Bawat Kasanayan


 Naisasagawa ang iba’t-ibang kilos lokomotor ng pangkatan,tulad ng paglakad ng hindi
nagkakabungguan/nagkakabanggaanPE1BM-IIc-e-6

II. NILALAMAN
A. Sanggunian

1. MISOSA 4-module 1
2. Music, Art, Physical Education and Health 2. (Tagalog)DepEd.-Falcutila,Rogelio F. et.al.2013.pp304-305
3. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource - http://lrmds.deped.gov.ph/.

B. Iba pang Kagamitang Panturo - Larawan, tsart, awit,

III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa Nakaraang Aralin at Pagsisimula ng Bagong Aralin
1.Isahang paglakad mula sa sariling lugar hanggang sa palaruan.
2.Paglakad ng may kapareha.
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin at Pagganyak
Sabihin:
Ngayong araw na ito susubukan nating gumawa ng iba’t-ibang kilos lokomotor ng hindi kayo nagkakabanggaan.

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin


Paunang Pagtataya
Pagsunod
sa paggawa ng iba’t-ibang disenyo sa pamamagitan ng inyong kamay.
Magpapakita ako ng plaskard at iguhit ang inyong makikitang plaskard na may disenyong bilog, matuwid,
parisukat,pasigsag.
D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglahad ng Bagong Kasanayan #1
Sabihin:
Ngayon , subukan natin kung magagawa ninyo ang disenyo sa sahig sa pamamagitan ng paglakad.
Gumawa ng maliit/malaking hakbang mabilis/ banayad na paglakad.

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglahad ng Bagong Kasanayan #2


Itanong:
Anu-anong disenyo ang maisinasagawa sa paglakad?
Anu-anong kilos lokomotor ang ginagawa sa paglakad?
F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Formative Assessment)
Kuwentong laro
Ipakilos sa mga bata habang isinasalaysay.
Isang pamamasyal sa baybay dagat.
Maaliwalas na umaga..
Nais ba ninyong mamasyal tayo sa baybay dagat ?
Lumaki ang tubig..
Lumakad tayo o tumakbo sa pinakamalapit na puno ngunit malambot ang buhangin.
Paano tayo lalakad ngayon?

G. Paglalapat sa Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay


Sabihin:
Kayo ba ay nakalalakad ng mabilis at mabagal ?
Ano ang mararamdaman ninyo?

H. Paglalahat sa Aralin
Itanong:
Anong kilos lokomotor ang isinagawa natin?

I. Pagtataya ng Aralin
Isagawa at sagutin:
1. Magsagawa ng kilos lokomotor na natutuhan.
2. Anong kilos lokomotor ang inyong isinagawa?
3. Paano mo ito isinagawa?

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin at Remediation


Isagawa ng may pag-iingat ang mag kilos lokomotor na ating pinag-aralan

IV. MGATALA
V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan sa tulong ng aking punong-guro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuhong nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

You might also like