Professional Documents
Culture Documents
Rehiyon V
Pangalan: Petsa:
Mayroong isang binatang tagalog na nagngangalang Pilikitot, siya ay dumalaw sa kanyang kamag-anakan
sa Bikol. Habang siya ay nagmamasid sa panibagong kapaligiran, Hindi lamang siya namangha sa
linamnam ng Pili at sa umaapo'y na anghang ng Bikol express, higit pa rito isang dalagang Bikolana ang
tunay na nambighani sa binata. Ang dalaga ay nagngangalang Biyay, sa tindi ng pagkaakit ni Pilikitot sa
tinataglay na alindog ni Biyay ay tinangka niya itong ligawan, subalit sa kagustuhan niyang gawing
espesyal ang panliligaw sa dalaga, Hindi man siya marunong magsalita ng wikang Bikol ay tinangka
niyang matutuhan Ito Kaya siya ay nagpatulong sa kanyang pinsan na si Tintoy, “Insan, tulungan mo
naman ako, nais kong ligawan si Biyay pero ang nais ko sana'y gawin ito gamit ang wikang Bikol,
maaaring mo ba akong tulugan?” “iyon lamang pala eh, ano ba ang gusto mong sabihin sa kanya?”
tugon naman ni Tintoy. “gusto kong sabihin sakanya na 'noong una kitang makita nabighani mo na ang
aking mga mata, kagandahan mo'y tila isang diwata' “ Ani pilikitot. “ah iyon lamang pala, kapag nagkita
kayo sabihin mo sa kanya “san ika nahiling ko, nakauduon ako, an kulay mo garo lubot-kuron na di
nahinisan ki sang-taon, an pandok mo garo langka na makanuson” kaya't dali-daling hinanap ni Pilikitot
si Biyay at buong lakas ng loob na sinabing “san ika nahiling ko, nakauduon ako, an kulay mo garo lubot-
kuron na di nahinisan ki sang-taon, an pandok mo garo langka na makanuson” isang malakas na sampal
ang naisagot ni Biyay Kay Pilikitot.