You are on page 1of 2

LALAPINGDIGOWA-I

Si Lalapingdigowa-I (isang putakti) ay isang masipag na magsasaka. May dalawa siyang


asawa, sina Odang (hipon) at si Orak (itlog). Tulad ng ibang Maranao, hindi lamang siya
masipag na magsasaka kundi idsang tapat na asawa. Nagsusumikap siyang magtrabaho
upang mapakain ang dalawa niyang asawa.
Isang araw, nagwika siya sa mga niya na dalhan siya ng pananghalian sa bukid nang sa
ganoon ay di masayang ang kaniyang oras sap ag-uwi. Nagkasundo ang dalawa niyang
asawa na mula noon ay dadalhan siya ng pagkain sa bukid.
Pagkaraan ng maraming araw at buwan ng paghahatid ng pagkain, nagsawa ang mga asawa
ni Lalapingdigowa-I. Sa daan papuntang bukid, nagalit si Odang at tumangging magdala ng
pagkain. Si Orak ay ayaw ring maghatid ng pagkain.
Nagalit si Odang, ang hipon, at nagsimula itong magdadamba hanggang ito’y mahulog sa
kaserola at nagging pula ang balat. Naawa si Orak kay Odang dahil ito ay naluto kaya’t
ipinaghele niya ito. Sa di sinasadya, tumama siya sa bunganga ng kaserola at ito’y naluto rin.
Samantala, si Lalapingdigowa-I ay ginutom sa kahihintay sa kanyang dalawang asawa.
Pagkaraan ng ilang oras ng paghihintay ay nagpasya siyang lumakad pauwi. Sa daan nakita
ng gutom na si Lalapingdigowa-I ang basag na kaserola at ang mga asawa niyang naluto.
Galit siya sa mga asawang tamad na tama lang daw ang kaparusahang tinanggap ng mga
ito. Gutom na gutom na siya kaya hinigpitan niya ang kaniyang sinturon. Simula noon, ang
beywang ni Lalapingdigowa-Iay lumiit ng lumiit.
Tanong:

1. Siya ay isang masipag na magsasaka dahil meron siyang dalawang asawa.


a) Lalapingdigowa-I b) Odang c) Orak d) Aso
2. Ang ibang tawag kay Orak na nagging asawa ni Lalapingdigowa-I.
a) hipon b) itlog c) bangus d) tilapia
3. Anong katangian ni Lalapingdigowa-I na nagpapakita ng kaugalian ng mga Maranao?
a) Maraming asawa b) Pagdarasal c) paglilibing d)pag-aayuno
4. Ano ang ibang tawag sa Odang?
a) itlog b) talong c) hipon d) isda
5. Ano ang ipinakausap ni Lalapingdigowa-I sa kanyang dalawang asawa?
a) maligo araw-araw b.) kumain ng marami c)magpaganda d) hatiran siya ng pananghalian
6. Ano ang nangyari sa balat ni Odang?
a) naarawan ang balat b) nalapnos ang balat
c) namula ang balat d) pumuti ang balat
7. Ano naman ang nangyari kay Orak?
a) nagkasakit b) nalapnos ang balat c) namula ang balatd) pumuti ang balat
8. Bakit umuwi si Lalapingdigowa-I sa kanilang bahay?
a) dahil gutom na siya b) nanabik na siya sa asawa
c) nais lang niyang umuwi d) nais niyang matulog
9. Ano ang nakita ni Lalapingdigowa-I sa daan?
a) ang kanyang kaibigan b) ang naluto niyang mga asawa
c) ang kanyang magulang d) ang kanyang kaaway
10. Ano ang nangyari kay Lalapingdigowa-I?
a) lumiit ang beywang b) lumiit ang tiyan c.)lumiit ang mata d.) lumiit ang paa
ANG TSINELAS
(anekdota ni Jose Rizal)
Karamihan sa gamit ng Bangka ay panginigisda ngunit sa aming bayan sa Laguna, ito’y
ginagamit naming sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayong dagat. Mas mabilis ito
kaysa gumamit ng kalabaw o ng karitela.
Naalala ko pa noon, kasalukuyan kaming nakasakay sa Bangka ng humulagpos ang isa
kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran
kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod ng tubig
bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil
sa pagkawala ng aking tsinelas.
Tinignan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isang tsinelas at dali- daling
itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.
Itinapon ko ito dahil wala na itong silbi sa akin. Posibleng magkatagpo ang magkapares
na tsinelas…..ang nahulog at itinapon ko. At kung may makapulot nito, tiyak na magagamit
pa at masisiyahan siya.
Tanong :
1. Kaninong anekdota ang nabasa.
a). Apolinario Mabini b.) Jose Rizal c. )Pepe d.) mambabangkero
2. Saan ikinumpara sa bilis ng Bangka?
a.) kalabaw b.) dyip c.) biseklita d.) kulto
3. Alin sa mga sumusunod na salita ang may pinakamalapit na kahulugan sa salitang
pananampalataya?
a) pagdarasal b. )pagdulog c.) pag-ibig d.) paniniwala
4. Anong posibleng mangyari kung tayo’y maghahandog sa Diyos na marumi ang puso?
a.) malulugod ang Diyos b.) malulungkot ang Diyos
c.) magdadabog ang Diyos d.) magwawala ang Diyos
5. Sino ang tinutukoy na “Siya” sa pangungusap na”Siya na hindi nalilinlang ay hindi
maaaring linlangin?
A.) Diyos b.) tao c.) pangulo d.) guro
6. Saan nakapaloob ang ating mga hiling?
a. ) pangarap B.) panalangin c.) kagustuhan d.) panaginip
7.) Ano ang humahadlang sa mga biyayang kaloob ng Diyos?
a.) kasalanan b.) katamaran c.) galit d.) masamang espiritu
8. Sinong nakakaalam ng lahat ng ating ginagawa?
A.) Dakilang Lumikha b.) magulang c.) guro d.) kaibigan
9. Anong uri ng teksto ang binasa?
a.) naratib b. deskriptib c. argumentatib d.) ekspositori
1o.Ang binasang teksto ay isang halimbawa ng …..
a.) sanaysay b.) maiking kuwento c.) anekdota d.)parabula

You might also like