You are on page 1of 4
Taon 33 Big.02 ST PAULS MEDIA Gare ee Ika-15 Lingo sa Karaniwang Panahon (K) —Berde pastoral ministr MBUHAY SUNDAY = TV MARIA ¢ 8:30AM * 7:00PM LIVE DAILY TV MASS ONLINE * 6:00am Cit issalette Ako ba ay Kapwa-Cao? Mi tayong pinaaalalahanan ngayong Linggo kung ano ang sinasabi ng ating Pananampalataya tungkol sa biihay na kaaya-aya sa paningin ng ating Panginoong Diyos. Ito ay pamumuhay ayon sa kanyang Kalooban,ang pakikinigsa Salitang Diyos, ang pagsunod at pactupad sa kanyang mga utos. Sinasabi sa aklat ng Deuteronomio na ang salita ng Diyos ay hindi malayo, kundi napakalapit sa atin. Ito'y nasa ating bibig at nasa ating puso, kaya'tmaisasabuhay natin ito. Ang katotohanang ito ay inilalarawan sa Ebanghelyo ngayon. May isang guro ng batas na nagtanong kay Jesus kung ano ang kanyang gagawin upang makamit ang buhay na walang hanggan. Sumagot si Jesus nang patanong din, Sapagkat ang kausap niya ay guro ng batas, di hamak na alam nito kung ano ang nasusulat sa batas. Sumagot ang guro at itinampok niya ang puso at laman ng betas ng Panginoon. Walang iba kundi ang pag-ibig sa Diyos nang bung puso, nang buong kaluluwa, nang buonglakas,atang pag-ibigsa kapwang gayang saril. Sinang-ayunan ni Jesus ang sagot ng guro at sinabi, "Gawin mo ito at mabubuhay ka” Samakatuwid, ang hanap ng guro na buhay na walang hanggan ay nakasalalay sa pagtupad ng utos ng pag-ibig sa Diyosat kapwa, Hindi sapat ang kaalaman lamang tungkol sa batas rng Diyos; kailangan ang pagtupad at pagsasabuhay nito. Muling nagtanong ang guro. Marahil, nais niyang ikubli ang posibleng kahihiyan na hindi pala sapat ang kanyang pagkaunawa sa batas; 0 may iba siyang pakay sa pagtatanong kay Jesus. Ang tanong niya na kung sino naman ang kanyang kapwa ay naging daan para kay Jesus na magkuwento tungkol sa isang téong nabiktima ng mga tulisan, Iniwan ng mga tulisan ang Kanilang inabuso na halos patay ne, matapos nilang pagnakawan at gulpihin. Sa tatlong taong naparaan doon sa magkakaibang ras, ang pari at Levita ay lurnihis ng landas nang matanaw ang kawawa sa daan. Ang Samaritano lamang ang naawa at tumugon sa kapwa, bagamat di naman niya kaano-ano ito. Kinalinga ng nagmagandang-loob ang biktima, binigyan ng paunang- unas, isinakay sa kenyang hayop, at dinala sa bahay-panuluyan. Riu im sa Banal na Pz Binigyan ng Samaritano ng pera ang may-ari ng bahay-panuluyan upang maalagaan ang naihatid na naghihingalo. Nang itanong ni Jesuskung sinosatatloangnaging kapwa sa téong nahulog sa kamay ngmgatulisan, sumagot ang guro, "Ang nagdalang-habag sa kanya” ‘Malinaw ang itinuturo ni Jesus, Ang pag-ibig sa kapwa gaya ng sarili ay hindi nagsisimula sa sariling panukat kung sino ang ituturingna kapwa. Ang tanong ay hindi, “Sino ang kapwa ko?” kundi, “Ako ba ay kapwa-tao? Kumikilos ba ako bilang kapwa ng aking kapwa-tao?” Ang huwaran natin ng pag-ibig na ito ay walang iba kundiangating Panginoong Jesus. Htoangipinahahayagng ikalawang pagbasa. Ang pag-ibig na dapat nating isabuhay at ipadama sa kapwa ay ang pag-ibig ng Diyos Ama na ipinamalas at ipinadama ni Jesus, Siya ang larawan ng di- nakikitang Diyos. Siya ang nag- uumapaw at mapagpalayang pag-ibig ng Ama, Siya ay naging kapwa natin; nakipagkapwa-tao siya sa atin Upang matutuhan nating mamuhay bilang kapwa sa isa't isa, [to ang kahulugan at bunga ng kanyang pagbibigay ng sarilisa krus ng kamatayan: upang tayo ay maipagkasundo niya sa Diyos Ama at makipagkasundo tayo saisa'tisa. Saatingkasalukuyanglipunan, marami ang naghahanap ng kapwa ngunit iilan lamang ang marunong maging kapwa. Sana, kabilang tayo sa mga marunong maging kapwa ayon sa diwa, halimbawa, at biyaya ng ating Panginoong Jesus. — Sr. Ma. Anicia Co, RVM mula Antipona sa Pagpasok (Basahir ‘walang pambungad na awit) Akong iyong pinatawad sa iyo'y makahaharap nang mukha mo ay mamalas. Sa piling mo’y magagalak pag liwanag mo'y sumikat. Pagbati (Gawin dito ang tanda ng krus) P - Sumainyo ang Panginoon B- At sumaiyo rin. Paunang Salita (Maaaring basahin ito o isang katulad na paayag) P - Ang pag-ibig sa kapwa ay ginagawa bunsod ng pagmamalasakit at ayon sa turo ni Jesus, Inilalarawan sa Talinhega ng Mabuting Samaritano ang halimbawa ng pag-ibig na may ginhawang dulot sa taong nakasubsob sa lupa at mistulang binawian ng buhay. Hindi kabilang ang Samaritano sa mga “mananampalataya” ngunit batay sa kanyang ikinilos, marunong siyang makipagkapwa-tao. Nawa'y tularan natin ang Samaritano sa kanyang halimbawang Kristiyano. Pagsisisi P - Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang. (Tumahimik) B - Inaamin ko sa makapang- yarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala (dadagok sa dibdib) sa isip,sasalita,sagawaatsaaking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos. P - Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, pee tayo sa ating mga asalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan. B- Amen. P-Panginoon, kaawaan mo kami. B-Panginoon, kaawaanmokami. P - Kristo, kaawaan mo kami. B- Kristo, kaawaan mo kami, P-Panginoon, kaawaan mo karni B-Panginoon, kaawaanmokami. Glori Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa fupa’y kapayapaan sa mga taong inalulugdan niya. Pinupurikanamin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Jesukristo, Bugtongna Anak, Panginoong Diyos, Korderong Diyos, AnakngAma.lkaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin, Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin moang aming kahilingan. kaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, 0 Jesukristo, ang Kataas- taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen. Pambungad na Panalangin P-Manalangin tayo. (Tionakimi®) Ama naming maka- pangyarihan, nililiwanagan ng yong maaasahang ilaw ang mga rnaliligaw na iyong pinababalik sa daan para ikaw ay matagpuan. Ang mga kabilang sa nananalig sa yong Anak ay pagkalooban mong makapagwaksi sa tanang salungat sa ngalang Kristiyanong sa iyo'y tinanggap upang ito ay talagang mapangatawanang ganap sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B- Amen. Unang Pagbasa [Dt 30:10-14) Wmupo) Nakaukitang mga utosng Diyos sa ating mge puso, tanda na tunay na malapitang Diyos satin, Kailangan nating sundin ang lahat ng ito sa bawat araw ng ating buhay, Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio SINABI ni Moises sa bayan: "Kailangan ninyong dinggin ang tinig ng inyong Panginoong Diyosatbuong puso'tkaluluwang sundin ang kanyang mga utos. "Ang Kautusang ibinibigay ko ngayon sa inyo ay madaling sundin at unawain. lto'y wala sa langit, kaya hindi ninyo masasabing walang aakyatdoon at kukuha sa Kautusan upang marinig ninyo at maisakatuparan. Ni wala ito sa ibayong dagat kaya dininyo masasabing walang tatawid sa dagat para kunin ang Kautusan at nang marinig ninyo at maisagawa. Ang Kautusan ay di malayo

You might also like