You are on page 1of 2

close [x]

Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hi-tech na ligawan

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN Ni Ramon M. Bernardo (Pang-Masa) | Updated July 9, 2017 -


12:00am

3 7 googleplus0 0

MUKHANG napakalayo na talaga ng panahon na, noon, ang panliligaw dati ng isang binata sa isang
babae ay dinadaan sa pagdalaw sa bahay ng huli o kaya iyong panghaharana na kumakanta ang lalaki sa
labas sa harap ng bahay ng kanyang nililiyag hanggang sa dungawin siya nito mula sa loob. Uso rin dati
ang mga love letter sa papel na winiwisikan pa ng pabango o greeting card na nagpapahayag ng
damdamin ng isang manliligaw. Bukod pa ito sa pagreregalo ng chocolate at roses at iba pa sa isang
dalaga.

Sa pagsulpot ng mga makabagong teknolohiya sa kasalukuyan tulad ng computer, cell phone, tablet,
internet at iba pa, naging makabago na rin ang anyo ng panliligaw ng lalaki sa babae na, bukod sa
pagdalaw sa bahay nito o pakikipag-date ay idinadaan sa online chat, mga text messages, video call, mga
message sa Facebook at twitter at ibang social media at iba pang modernong paraan. Ang dating
tinatawag na love letter na nasa papel ay kadalasan na ngayong mababasa na lang sa screen ng
smartphone o desktop computer o laptop o kaya sa messenger. Sabagay, mas mabilis na nakakarating
ang makabagong love letter na ito sa mga dapat nitong pagdalhan.

Pero, kasabay ng pagiging moderno ng mga ligawan, nagi-ging karaniwan na rin ang pagpapaskel sa mga
pampublikong lugar ng mga tarpaulin o poster na nagpapakita ng pag-ibig ng lalaki sa babae. Hindi na
nakakagulat ang mga poster na nakasabit sa kung saan–saang poste sa mga kalsada na nag-aalok ng
kasal ang nobyo sa kanyang nobya na sinasagot naman ng babae ng “oo” sa pamamagitan din ng mga
poster. Mahihinuhang mga may kaya sa buhay ang makakagawa nito. Isa pang halimbawa iyong nag-viral
sa social media nitong nakaraang linggo hinggil sa billboard na ipinakabit ng isang negosyante sa isang
mataong lugar sa Maynila at nagsasaad ng alok niyang pakikipagkape sa isang kilalang babaing artista na
kanyang nagugustuhan. Dahil nga mapera, nagawa niyang idaan sa ganitong paraan ang pagpapahayag
niya ng damdamin sa isang babae. Maraming naglabasang positibo at negatibong komento sa ginawa
niya pero tila nangingibabaw ang “nega” dahil tila umano isa itong uri ng emotional blackmail sa isang
babae na sikat at may pangalan. May iba na namang gumagawa nito lalo na sa mga maliliit na electronic
board sa mga lunsod lalo na kung gabi na kitang-kita ng buong madla ang panunuyo ng isang lalaki sa
isang babae.

Dapat nga lang mag-ingat ang mga babae lalo na iyong mga tinedyer sa mga lalaki na sa internet lang
nila nakilala at niligawan lang sila sa pamamagitan ng facebook at iba pang elektronikong paraan.
Marami kasing kabataang babae ang napapahamak lalo na kung ang nakilala nila sa online ay isa palang
sexual predator.

You might also like