You are on page 1of 2

Kalayaan para sa tamang presyo

Tila ba isa ng palengke ang mga kulungan sa dami ng mga pinagbibili rito-
sigarilyo, illegal na gamot at ang trending ngayon, kalayaan. Hindi na lamang
kasiyahan ang kayang bilhin ng pera, pati na rin ang kalayaan ng isang bilanggo sa
kulungan.
Hindi maitatanggi na sa ating pamahalaan, napakarami ng mga kurakot na
buwaya. Napakarami ng mga manloloko at mga gahaman sa pera. Napakarami na rin
ng mga taong nakaupo sa pamahalaan para sa pansariling interes. Ang ganitong mga
aktibidad ay makikita sa Bureau of Corrections, na siya ngayo’y sentro ng skandal sa
nakahaing paglaya ng rape-murder convict na si Antonio Sanchez at ang mga
rapist-killers ng Chiong sisters pati na rin ang pumatay kay Dennis Venturina.
Isa sa mga asawa ng isang nakakulong ang nagkwento tungkol sa anumalyang
nngyayari sa kulungan, ang pagbayad ng Php 50,000 sa loob mismo ng New Bilibid
Prison upang masama sa listahan ng mga mabibigyan ng Good Conduct Time
Allowance o GCTA.
Ngunit hindi sapat na batayan ito upang masabi mong marapat na makalaya na
ang isang nakakulong. Napakabigat ng sala ng rape at pagpatay. Kulang pa ang
pagsintensya ng habang-buhay na pagkakakulong. Ngunit tila ba ipinagkait ang
hustiya sa pamilya Sarmenta at Gomez matapos malaman na kabilang si Sanchez sa
mga makakalayang tao sa New Bilibid Prison.
Ayon kay Yolanda Camilon, asawa ng isang sa mga nakakulong sa New Bilibid
Prison sa Muntinlupa, mayroong mabahong ganap ang mga Bureau of Corrections
officials.
“Napag-alaman namin at patuloy na iimbestigahan ang ‘GCTA for sale’. Ang
pricing range nito ay nasa Php 50K to Php 1.5M kada bilanggo. Mayroon nang
walong bilanggong nakapagbayad ng Php 100K,” ika ni Sen. Panfilo Lacson sa
kaniyang Twitter account.
Makabayad ka lamang ng ganitong halaga, ikaw ay panigurado ng lalaya. Totoo
ngang kaya ng bilhin lahat ng pera. Kapag may pera ka, may kapangyarihan ka.
Hahayaan nalang ba nating ganito? Hahayaan na lamang ba nating makalaya ang mga
taong rapists, mamamatay tao’t pati mga magnanakaw? Hahayaan nalang ba natin
silang lumaya ng hindi man lamang nila pinaghihirapan ang pribilehiyong ito?
Isipin nating mabuti, dapat magkaroon ng mahigpit na seguridad sa ating mga
bilibid. Dapat matanggal ang mga taong nakaupo at mayroong pansariling interes sa
buhay. Unahin natin ang seguridad ng mga mamamayang Pilipino. Unahin ang
kapakanan ng nakararami bago ang mga karapatan ng mga bilanggo upang makalaya.
Hindi kailanman dapat bilhin ang kalayaan. Ang kalayaan ng isang tao ay natural
nating makakamit, hindi dapat ito ipinagbibili. Mananatili kang nakakulong sa
pagkakasalang nagawa mo sa inyong nakaraan kung pipilitin mong makamit ang
kalayaan ng hindi nagbabayad sa iyong nakasalan. Hindi pera ang sagot sa iyong
kalayaan. Magsisi ka at manalanging hindi impyerno ang pupuntahan.

You might also like