You are on page 1of 1

LAMBINGAN HILLS

Location: CUYAMBAY, TANAY RIZAL

Mga bes! Sa mga stress na dyan sa trabaho at gustong makapag chillax at unwind. Here is a great place to visit na
affordable. Para ito sa mga mahilig sa nature (hiking, camping, stargazing).

Panu pumunta:

-From Cubao sakay ka to Cogeo (Php. 25.00 if Jeep at Php. 35.00 pag FX)
-Then galing Cogeo sakay ka ng Jeep to Cuyambay, malapit sa City Mall sa may 7/11 48 Pesos lang bes pamasahe.
-After sakay ka ng Tricy 30 Pesos lang to Lambingan Hill.

Do’s and Don’t:

- Advice lang mga bes. Dahil super trending sila lately, ang daming campers na pumupunta so if gusto nyo na medyo kunti
lang tao better go pag weekdays. Kasi nung kami medyo madami tao nung weekends, queueing sa CR at medyo maingay
since madami campers.
- Pwede magdala ng food, mas makakatipid. Dala na din kayo baso at utensils. Pwede kayo magrent ng tent (150-200
pesos) so much better na magdala nalang kayo.
- Madaming campsite sa lugar so if gusto nyo pumunta with your friends, better mag dala ng kotse or service kasi ang mahal
mga bes ng pagcommute at tricy dito!

Going Home:

- Pwede kayo bes mag abang ng jeep sa Cuyambay sa labasan pero punuan! Sasabit ka or sa taas ka uupo. So ang gawin
nyo, pwede kayo sumakay ng Jeep (25 pesos) or (50 pesos) Tricy pumunta sa Sampaloc proper para doon na sumakay sa
terminal going to Cogeo.

ENTRANCE FEE

➡️Daytour - Php 50.00

➡️Overnight - Php 150.00

You might also like