Sa aking palagay, hindi nararapat na ipasa ang panukalang batas na “No-Homework Policy Bill”, na nagbabawal sa ating mga guro na magtalaga ng mga takdang-aralin, sapagkat hindi ito ang 1. mabisang solusyon o paraan upang mapagaan ang kalagayan nating mga mag- aaral. Mayroon akong 2. tatlong puntong nais kong ibahagi upang lalo pa nating maunawaan ang 3. kotemporanyong isyu na ito at ang dahilan kung bakit ang pagpapaupad nito ay maari pang makapagpalubha sa kalagayan nating mga mag-aaral sa kaslukuyan. Ang aking 4. unang punto ay mayroong 5. importanteng dahilan kung bakit tayo binibigyan ng ating mga guro ng takdang-aralin. Bago natin talakayin ito ay alamin muna natin ang 6. tunay na kahulugan ng takdang-aralin. Ang mga takdang-aralin ay mga gawaing itinalaga ng ating mga guro sa ating mga mag-aaral upang gawin sa labas ng paaralan upang tayo’y makapaghanda sa mga tatalakaying aralin at magamit natin ang ating mga 7. tanging kakayahan. Sa pagsuri natin sa kahulugan nito, mauunawaan natin na ang paggawa ng mga ito ay may saysay. Bukod pa sa paghahanda sa atin, natutulungan din tayo ng mga ito na maging responsible at naigugol natin ang ating oras sa 8. masmakabuluhang bagay. Bilang 9. isang mag-aaral, naranasan ko rin ang 10. matinding hirap sa araw-araw na pagpasok sa paaralan at ang 11. walang-katapusang paggawa ng takdang-aralin. Kadalasan ay ako’y mayroong 12. kaunting oras na lamang na natitira upang makapaglibang at makapagpahinga. Ayon sa DepEd, ang patakarang ito ay “makapagbibigay ng 13. maraming pagkakataon upang tayong mga mag-aaral ay magkaroon ng 14. sapat na oras upang makasama natin ang ating pamilya at kaibigan.” Mababawasan din nito ang kanilang oras at trabaho upang iwasto ang 15. tambak na mga gawain. Naiintindihan ko ang kanilang mga 16. makatwirang dahilan at maaari itong maging 17. kapaki-pakinabang sa 18. dalawang panig. Gayunpaman, ‘di ako sumasang-ayon dito sapagkat bilang 9. isang mag-aaral, masasabi kong maaari lamang gamitin ng iba ang oras na ito upang makapaglibang at gumamit ng social media. Bukod pa dito, maaaring namang magkaroon ng oras ang mga mag-aaral sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng pakikisalamuha natin sa ating mga magulang tungkol sa mga gawain upang masuri nila ang ating mga kakayahan. Bagamat nararapat ang mga dahilang ito, maaaring di napansin ng Senado ang iba pang kahihinatnan ng pagpapatupad ng batas na ito. Dito naman papasok ang aking 19. ikatlong punto na ang pagpapasa ng “No- Homework Policy” ay maaaring makaapekto ng husto sa kalidad ng edukasyon para sa mga 20. batang Pilipino ng hinaharap. Ang takdang-aralin ang nakapagbibigay-daan sa 21. higit na pagkatuto nating mga mag-aaral sa loob ng 22. walong oras na pag-aaral sa paaralan. Kung ito’y tatanggalin, mababawasan tayo ng pagkakataong linangin ang ating kaalaman. Bukod pa dito, mapipilitan rin ang bawat isa sa ating mga mag-aaral na tapusin ang lahat ng mga gawain sa paaralan na maaaring makapagdulot ng 23. ‘di organisadong pagtatalakay at pagtuturo. Ang pagpapasa ng batas na ito ay makasasama sa lahat ng mag-aaral sa pagdaan ng panahon dahil sa pagkaunti ng makukuhaan ng kaalaman sa edukasyon. Dahil sa “No- Homework Policy”, ang mga 20. mag-aaral na Pilipino ay ‘di makakapaghanda sa 24. masmataas na edukasyon na maaaring maging dahilan ng pagkasira ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. 1. Panlarawan 2. Pamilang 3. Panlarawan 4. Pamilang 5. Panlarawan 6. Panlarawan 7. Panlarawan 8. Panlarawan 9. Pamilang 10. Panlarawan 11. Panlarawan 12. Panlarawan 13, Panlarawan 14.Panlarawan 15. Panlarwan 16. Panlarawan 17. Panlarawan 18. Pamilang 19. Pamilang 20. Pantangi 21. Panlarawan 22. Pamilang 23. Panlarawan 24. Panlarawan