Magkapitbahay sina Juana at Petra. Mahilig silang magtanim ng mga
gulay at prutas. Ipinagbibili ni Petra ang mga ani niya. Ipinamimigay naman ni Juana ang mga ani niya. Nasisiraan ka na, Juana. Ako ay kumikita sa mga inaani ko. Ipinamimigay mo lamang ang iyo. Ang dami ko ng pera ngayon.Ang sabi ni petra. Hindi pinapansin ni Juana ang mga sinasabi sa kanya. Masaya siya sa kanyang ginagawa. Isinusulat na lamang niya ang mga pasasalamat na na kapalit ng kanyang mga ipamimigay na prutas at gulay. Samantalang si Petra ay yumaman ng yumaman sa ipinagbibili niyang ani. Nang mapuno ang Aklat ng Pasasalamat ay inilako ito ni Juana sa bayan. Bili na kayo ng Aklat ng Pasasalamat Napapailing ang mga tao sa kanyang ginawa Tuluyan na ata siyang nasiraan ng isip. Wala siguro siyang pambili ng pagkain,pawing pasasalamat lang ang mayroon siya.sabi ng isang ale. Hindi pinansin ni Juana ang kanyang narinig.
Naglako siya hanggang siya ay makarating sa isang palasyo.
Pinapasok siya ng hari. Nakita ng hari ang mga salitang salamat na laman ng aklat. Pantay pantay ang mga pagkakasulat ng mga ito. May kakaibang saya at pagmamahal siyang naramdaman. Juana magkano ang aklat na ito, nais ko itong bilihinwika ng hari. Sumagot si JuanaKung gaanopo ito kabigat, kamahalan, ay ganoon din po sana kabigat ang giintong ibabayad niyo po sa aklat Ipinatimbang ito ng hari. Nagtaka ito. Kahit marami ng ginto ang inilagay niya sa timbanga ay hindi ito kasing bigat ng libro.Kumuha ng isang malaking supot ng ginto.Sumakto ito sa bigat ng aklat.Inuwi ni Juana ang mga gintong bunga ng mapagbigay niyang puso. Hindi nasayang ang pagtulong niya sa kapwa .Kasimbigat ito ng napakaraming piraso ng ginto.Natutunan niya na ang pagtulong ay katumbas ng ginto.