You are on page 1of 1

Rodriguez, Joshua L.

2018103953 FIL110-B4

Ang nobelang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos ay nagiwan ng mga mahahalagang aral
at pangyayari sa akin. Di lamang nito pinakita ang mga kaugaliang Pilipino kundi masasalamin rin
dito ang mga ibat-ibang napapanahong isyu sa lipunan sa kasalukuyang panahon. Ang hangarin
ng tao ng pagkakapantay-pantay sa lipunan na kung saan hindi lamang sa kayamanan umiikot ang
buhay ng isang tao, pagkakaibigan ng dalawang tao, kahalagahan ng pamilya, ang pagsasakripisyo
ng magulang sa kanyang mga anak, at ang wagas na pagmamahalan ng dalawang nagiibigan ay
ilan lamang sa mga mahahalagang kaganapan sa nobela. Ang mga bagay na ito ay masining na
nailahad ng may-akda sa paraang nakakaenganyo sa mga mambabasa.

Masasalamin sa nobela ang ibat-ibang kabutihang asal at kaugaliang Pilipino. Isa sa


pinakamahalagang natutunan ko rito na huwag magpapaalipin sa mga mapagmataas na tao.
Maging pantay sa pagtrato sa kapwa ano man ang estado nito sa buhay. Ito ay binigyang diin sa
ikatlong kabanata ngunit di lamang ito makikita rito kundi sa kabuuan ng nobela. Isa pa rito ang
pagtutulungan ng magkaibigan sa mga hamon sa buhay sa naipakita naman sa ikalima at labing
apat na kabanata. Na nagkakasundo pa rin sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw at paniniwala sa
buhay. Ang kahalagahan ng pamilya at ang wagas na pagmamahal ng magulang sa kanyang mga
anak ang kaugaliang Pilipino na makikita pa rin sa kasalukuyan na naipakita sa kabanata siyam at
sampu. Likas sa ating mga Pilipino na maging sentro ang pamilya, na kung saan gagawin ng isang
magulang ang lahat ng kanyang makakaya upang maibigay lamang ang mga luho ng anak at upang
mapalaki ito ng maayos. Isang halimbawa nito ang pagbinyag sa anak nila Meni at Delfin na
naging marangya sa kabila ng kahirapan sa buhay. Ang pangyayaring ito sa nobela ay lubos na
makikita pa rin sa kasalukuyang panahon.

Matapos kong basahin ang nobelang ito ay naimulat nito ang aking isipan sa mga laganap
ng problema sa lipunan. At lubos kong hinahangan ang masining at malalim na pagsasalaysay ng
may-akda dito. Naway sana maging ang mga kabataang mambabasa nito ay magising rin sa mga
kaganapan sa ating bansa at gumawa ng aksyon rito.

You might also like