Ang edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at ang
pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan. Isa sa mga pangunahing layunin ng
edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi. Ang edukasyon ay isang puhunan ng bawat mamamayan ng isang partikular na bansa upang maging produktibo ang bawat isa sa pagpapataas ng ekonomiya.