You are on page 1of 339

Prologo

Highest Rank: #3 in Wattpad Romance


"I've loved you so much
So much--that I watch myself
Die in your hands.." -Deuce Aegeus Montemayor
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"I've seen you at your best and worst, the highs and the lows...
All I could say is that I love both.."-Raeven Frances Mendoza

=================

Simula

"Dos. Late ka na naman!" Tsk, Dos.


What The F*ck?
Para saan pa at pinangalanan ako ng Deuce kung Dos rin lang pala ang itatawag nya
sa akin?
Binaba ko ang backpack ko sa sofa, t*ngina. Papasok na lang may pabaon pang sermon
mula kay Attorney Hades Montemayor The Great. The Best Lawyer in Asia, probably one
of the best in the world, pero t*ngina lang, the worst father in the world ang
gunggong.
"I am in a rush, Dad." Pagod ko syang tiningnan, nangangalumata pa sya at mukhang
kakauwi pa lang mula sa trabaho, it's 8am WTF? Kaya nga ayokong mag-abogado, walang
social life. Ibabagsak ko talaga ang Bar, makikita nya.
"Paano ka magiging abogado kung wala kang sense of time?" Here we go again, eh sino
bang gustong mag-abogado dito? Hindi ako kumibo at inilabas ang librong hindi ko
kakailanganin ngayong araw.
"Sabi ni Nita, alas tres ka na naman umuwi?" He continues. "Ilang litrong alak na
naman ang nilaklak mo? I should sue Valkyrie or Gramercy for letting you in."
Seriously? Go ahead. Andyan naman ang House Manila at Pool Club.
"Baka hindi tayo nagkakaintindihan dito? Bar Exams at hindi Bar Drinking Session
ang ipapasa mo!"
"Dad, I understand but I need to relax, pucha, ang hirap ng criminal law, kapag
hindi pa ako uminom, baka hindi na ako abutin ng isang taon sa Law School."
Pagdadahilan ko. Pabagsak kong ibinaba ang libro ko at kumunot ang noo muli ni
Daddy.
"Nagdadabog ka ba?"
"Hindi po Dad, napalakas lang." Naglakad ako patungo sa Key holder para kunin ang
susi ng sasakyan ko. Ilang ulit kong hinalungkat, tiyak kong nilagay

ko lang dito yun kagabi. Lasing ako pero nandito lang yon.
"Ito ba ang hinahanap mo?" Napalingon ako kay Daddy na winawagayway ang susi ng
Camaro ko. I groaned. T*ngina paano naman ako papasok nyan?!
"I think I am spoiling you too much."
Spoiling? Wow ha. Spoiled pa ako sa lagay na to. Kulang na lang lagyan ako ng
tracker sa paa. I got that Camaro when I passed Business Law, it's not that he gave
it for free!
"Dad, I am running late, paano ako papasok?"
"Commute! Your month allowance is equivalent to a year's allowance of a normal
student. You know what? I shouldn't be treating you a special student, nagiging
abnormal ka tuloy."
Napahilamos ako sa mukha ko. Buti pa si Tres, nakukuha ang lahat ng gusto. He
wanted to master business, he was able to do it, Ate Unah is a doctor too. Talaga
bang kapag nasa gitna, ikaw ang less favored? Ang malas naman!
"Fine. Im leaving Dad!" Kinuha ko ang bag ko at hindi ko na sya tiningan. Paksyet
talaga tong buhay na to. Paano ba magcommute?!
Naglakad ako patungong highway, buses are passing pero hindi ko alam kung alin ang
papapuntang Law School. Pag ako nainis, hindi na talaga makikita ang anino ko sa
Law School na yon.
Tumingin ako sa paligid, MRT Station. Alam ko may malapit din na train station sa
Unibersidad de San Miguel, but what do they call that f*cking station? Kahit hindi
ako sigurado, naglakad pa din ako. I really have no idea what I am doing.
"Boss, paano ba sumakay dito?" I asked the guard who is currently inspecting my
bag.
"Sasakay ka lang sa Bagon." Pilosopo nyang sabi sa akin na napapangiti. Nagsalubong
ang kilay

ko. I hate it when people uses their sacrastic tone to me, it angers me. Kinuha ko
ang wallet ko at naglabas ako ng isang libo.
"Paano sumakay ng tren? Pupunta ako sa Unibersidad de San Miguel at hindi ako
marunong sumakay, kung sasagutin mo ang tanong ko bibigyan kita ng isang libo, kung
hindi mo ako sasagutin, kakasuhan kita, abogado ang tatay ko."
"B-boss, w-wag po." Biglang namutla ang security guard. I smirked. Asan ang angas
mo ngayon ha?
"Tsk, isip bata."
Biglang nawala sa kamay ko ang isang libo at nakita ko ang isang babae na nakasuot
ng unipormeng kulay puti. Humarap sya sa akin ng nakasimangot. Napatulala ako.
Ang ganda nya.
Kulay gray ang mata nya, I am not sure if it's contact lens but it suoted her thick
lashes. Her nose perfectly fits her small face and her lips are naturally pink.
T*ngina, ang perfect naman ng babaeng to!
"Ako na lang ang magtuturo sayo kung paano ka sasakay, akin na lang to ha, dito ko
na lang din kukunin ang pamasahe mo. Roundtrip." She said. Wala sa sariling
napatango ako.
Sumunod ako sa kanya nang pumila sya sa cashier, she got the ticket for both of us.
"Gayahin mo ang gagawin ko ha." She told me. She slid the ticket in the machine at
ginawa ko din, para din palang train sa Singapore.
I observed everything when we got in the waiting area. So there's area for women
and for men.
"Okay na ako dito, dun ka na sa may mga babae." I told her but she just looked at
me and raised her brows.
"Matapobre ka na nga, sexist ka pa."
"W-what?"
"Eh ano naman kung gusto kong sumakay kasama ang

mga lalaki, hindi naman bawal." Nagpamewang pa sya, Pucha ang cute.
"Miss, I suggested na doon ka sa mga babae dahil baka maipit ka ng mga lalake at
may manamantala sayo."
"Sa apat na taon kong sumasakay dito araw araw, hindi pa naman nangyayari yang
sinasabi mo."
"W-what? Araw araw?"
"Ay sorry Mister, hindi po kasi ako kasing yaman nyo na kayang magabayad ng isang
libo para ituro lang sayo ang direksyon. Yung isang libo kasi Mister, dalawang
linggong baon ko na yon."
What? Dalawang linggo? That's just half of my daily allowance.
"Pero Miss-"
"Wag ka na ngang magsalita, naiirita ako sayo! Saka paano ko ituturo sayo kung saan
ka bababa kung hindi ako sa mga common area sasakay? O baka naman gusto mong sumama
sa akin doon sa Women's area?"
Hindi na ako umimik dahil baka tuluyan nga syang magalit sa akin, sinundan ko lang
sya ng sumakay na sya ng tren, hindi nya ako pinapansin pero ang mga mata ko
nakatutok lang sa kanya. Mas maganda pa sya kaysa sa kahit kanino kong nakadate na
model at artista. Her face screams elegance kahit ang simple simple lang ng suot
nya.
Tumayo ako sa kanyang likuran para protektahan sya sa mga lalakeng tiyak na
nagagandahan din sa kanya. She doesn't even mind at all.
"Dito na." She said. Hindi ko man lang namalayan ang mahabang byahe na yon dahil
nalibang ako sa pagtingin sa maganda nyang mukha.
Damn, tinamaan pa ata ako.
I followed her, nakalimutan ko ngang pansinin ang dinadaanan namin, siguro ay
sasabay na lang ako sa tropa mamaya para makauwi.
O di kaya, magpapahatid na lang ako ulit

sa kanya mamaya. Alam kong malakas maka-pabebe boy pero yun lang ang paraan para
makita ko sya ulit. Sana pumayag sya.
"San Miguel di ba? Dito ka na." She said.
"I-ikaw? Saan ka?"
"Dyan sa tapat. Sa San Jose."
Tinanaw ko ang eskwelahang tinutukoy nya. Tiningnan ko ang orasan ko. Late na late
naman na ako.
"Ihahatid na kita."
Nanlaki ang mata nya "Bakit?" She looked horrified, adorably horrified.
"Gusto ko lang."
"Siguro hindi ka dyan nag-aaral no? Rapist ka no?!" She accused me, I laughed and
get my id from my pocket.
"Hindi no, look at this." I showcased my ID, she creased her forehead at binaliktad
pa ang ID ko. Napakasegurista naman ng cute na babaeng to.
"Montemayor?" She asked.
"Yup." I smiled. I think she saw my father's name at the back. Attorney Hades
Montemayor is a household name for most controversial and famous cases so I would
say, walang hindi nakakakilala sa tatay ko.
"Ikaw? What's your name?" I asked. Hindi sya agad sumagot, nakita ko ang pagdiin ng
hawak nya sa ID ko habang hindi pa din inaalis ang tingin dito.
"Why would you prefer the picture kung pupwede mo naman akong titigan sa personal?"
I asked playfully.
"Raeven. Raeven Mendoza." She said after she gave back my ID. Tumalikod na agad sya
sa akin.
"Raeven.." I called her. Lumingon sya but she just gave me a cold stare.
"Pupwede mo ba akong ihatid mamaya? Babayaran ulit kita." I said.
"H-hindi eh. Gagabihin ako."
"Mag-iintay ako."
"Wag na-"
"Please?" Tiningnan ko sya ngnagpapaawang mata. Saglit syang nag-isip, mamaya maya
pa ay

marahan syang tumango.


"Anong oras ang uwian mo?" She asked.
"Anong oras ang sayo?"
"6PM." She answered.
"Sakto, 6PM din ako." Kahit ang totoo ay 7PM pa, uuwi na lang ako ng maaga ang
importante ay makasabay ko sya.
Halos hilahin ko ang oras para mag-alas-sais na, wala pa ngang alas-sais lumalabas
na ako ng Law School.
"Deuce! May klase pa tayo kay Camarin ah!" Oswald yelled from afar. All my
classmates are going to the classroom and I am the only one walking against the
flow.
"May importante akong lakad." I just said.
"Gago! Magbubulakbol ka na naman, patay ka sa erpats mo!" Beni laughed at me too. I
shook my head. Kilalang kilala na talaga nila ako.
"Hindi ah! Basta ba hindi nyo ako isusumbong then I am fine. See you tomorrow
guys!" I said and waved at them goodbye.
Para akong chicks na naiihi sa kilig ng makalabas ako ng Law School, I breathe the
air and I almost say that the air has never been fresh since the last time I
smelled it. Kung hindi lang may sunod sunod na busina ng bus at jeep, I won't choke
to death.
T*ngina nasa Pilipinas nga pala ako.
Tumawid ako gamit ang overpass patungo sa San Jose, ang University ni Raeven,
syempre hindi naman ako papayag na sunduin nya pa ako.
Napangiti ako ng makita ko ang maganda nyang mukha na nagulat pagkakita sa akin,
may dalawa syang kasamang babae, siguro ay mga kaibigan nya.
"Hi Raeven.." Pag-bati ko sa kanya.
"Uy, Raeven, may boyfriend ka na pala, hindi mo pa sinasabi sa amin?" Her friends
joked and she blushed.
"Hindi ko sya boyfriend, nagtatrabaho lang ako sa kanya."

Bulong nya. Ang ganda nya kapag nahihiya.


"So? Let's go?" I asked, tumango sya at binigyan ko naman sya ng oras na magpaalam
sa mga friends nya.
Sabay kaming naglakad papunta sa sakayan ng MRT, mabagal lang ang mga lakad namin,
sinasadya ko talaga yon para mas matagal pa kaming magkasama. Sana nga ay maubusan
kami ng ticket kaya lang ay roundtrip ticket nga pala ang binili nya sa akin
kanina.
Dumiretso kami sa waiting area ng tren. Tahimik lang syang nagaantay ng tren.
"Uhm, Raeven, saan ka nakatira?"
"Bakit gusto mong malaman?"
"W-wala lang, baka kasi pupwede akong magpahatid sayo araw araw."
"Araw araw? Seryoso ka?"
Tumango ako.
"Malapit lang ako sa station ng MRT na sinakyan natin kanina. Pero imposible yang
sinasabi mo, tiyak na magkaiba ang schedule natin."
"I will pay you.."
She gave me a weirded look.
"Para kang sira. Hindi mo pa din ba natatandaan ang dinaanan natin?" She frowned,
and I fell even more.
"H-hindi eh." Sayo lang kasi ako nakatingin.
"I am grounded in using my car. Magbabayad naman ako. Extra Income mo na din. Ako
na lang ang magaadjust sa schedule mo kasi flexible naman ang schedule sa Law
School." -Not true.
Saglit syang nag-isip, in that moment of silence, I prayed that she will say Yes.
"O-okay.. Sige."
Halos mapatalon pa ako sa tuwa pero pinigilan ko ang sarili ko, baka sabihin nya
baliw ako kahit tingin ko ay malapit na talaga.
May kinuha sya sa bag nya, she gave me the list of her subject and schedules
written in a pink post it. She has a nice penmanship, wala bang kapintasan ang
babaeng ito?
"Raeven.. Pwede ko bang mahingi ang number mo?" I asked. Tinaasan nya ako ng kilay.
"Bakit na naman?" She asked.
"P-para hindi ka mag-intay ng matagal kung hindi ako makakapasok."
"Hindi naman kita iintayin. Kung wala ka pa sa estasyon dalawang oras bago
magsimula ang klase ko, aalis na ako."
"Ouch. Ang cold mo naman." Umakto pa akong parang nasasaktan. Umiwas sya ng tingin
but I think I saw her smile.
"Napangiti kita no?" Siniko ko sya ng bahagya pero tinalikuran nya lang ako.
"Raeven, itawa mo yan baka sa iba lumabas yan."
At doon nga hindi na nya napigilan ang pagtawa.
I laughed with her pero huminto ako, dahil sa kabila ng ingay ng napakaraming tao
sa estasyon ng tren, wala akong ibang marinig kundi ang masayang pagtawa nya. Bigay
na bigay iyon. It is so full of life and complete. She sounded happy. Gustong gusto
ko ang tunog ng kanyang pagtawa. Parang pinapaalala nito ang lahat ng masasayang
bagay na naranasan ko sa buong buhay ko sa maigsing sandaling iyon.
And from that day, I promised to myself, I will aim to make this girl happy,
forever.

=================

Kabanata 2

"Hindi mo na ginagamit ang sasakyan mo?"


"Sinoli mo na ba?" Sumubo muna ako ng pagkain bago sinagot si Daddy. It's been a
month simula noong sabay kami ni Raeven sa pagpasok at pag-uwi, I missed half of my
classes pero wala akong pakialam. Para akong kadugtong ng bituka nya. Kahit wala
nga akong pasok, sumasabay pa din ako sa kanya. Of course she wouldn't know na wala
akong klase. Weirdo na nga ang tawag nya sa akin pero wala akong pakialam dahil
nakikipagkwentuhan na din sya sa akin.
"I did, last week."
Nagkibit balikat ako, hindi ko na gagamitin iyon. Kahit mas mahal pa sa gasolina
ang binabayad ko kay Raeven, ayos lang.
Ngayon nga ay wala akong pasok, aantayin ko lang sya hanggang uwian nya para
magsabay ulit kami sa MRT. Nagpapalipas lang ako sa library para hindi naman ako
mainip.
Tumingin ako sa orasan ko nangmakarating ako sa estasyon. Dalawampung minuto nang
late si Raeven, hindi tuloy ako mapakali. Nasan na kaya yon?
Ilang minuto pa ang lumipas nang makita kong humahangos si Raeven patungo sa
direksyon ko.
"Sorry Deuce." Yun ang unang lumabas sa labi nya. She looks apologetic, pero
nagulat ako sa suot nya, nakauniporme sya ng pangfastfood.
"Hindi ako makakapasok ngayon dahil yung kapalitan ko ng shift may sakit. Kinuha ko
ang slot nya kasi sayang naman, pandagdag din sa gastusin namin ni Nanay."
Nakaramdam agad ako ng awa. Siguro kailangan kong dagdagan ang ibinabayad ko sa
kanya araw.
"S-sorry talaga. Halika na." Humawak sya sa braso ko, I felt an electricity the
flowed through my veins. T*ngina ang corny pero totoo.
Paulit

ulit akong tiningnan ni Raeven habang nasa loob kami ng tren. I smiled at her, she
looks worried.
"Bakit?" I asked.
"Baka malate ka, kasalanan ko pa."
Nakunsensya naman ako agad nung tingnan ko yung maamo nyang mukha, parang anghel,
pucha.
"O-okay lang. Nagtext yung Professor ko, namove naman yung klase ko."
Ngumiti sya agad. "Talaga?"
"Oo. Ikaw? Papasok ka pa?"
"Yung unang klase ko hindi na, sobrang late na din eh, sa next class ko na lang ng
alas-dos."
"Great. So kain muna tayo pagkababa natin? Gutom na kasi ako eh."
Dinala ko sya sa sikat na Burger stand na malapit sa school namin, hindi pa daw sya
nakakakain doon dahil mahal daw. Para sa akin ay hindi naman, kung pupwede ko lang
syang dalhin sa fine dining gagawin ko, yun kasi ang deserve nya. Kaya lang,
paiguradong tatanggi sya. Ang sa akin naman, kahit saan basta kasama ko sya, ayos
na ako.
"Ang dami naman nito.." She smiled.
"Kumain ka lang, masyado kang payat."
"Payat? Hindi naman." She said pagkatapos ay ngumiti sya kasabay pa ng pagliit ng
mata nya.
"Nagtatrabaho ka pa pala?" Kaswal na tanong ko sa kanya habang nagsasalin ng
catsup.
Tumango sya habang ngumunguya, "Oo. Yung nanay ko kasi walang trabaho, kaming
dalawa na lang sa mundo. Gusto kong makapagtapos kaya pinipilit ko kahit parang
imposible."
She said casually. Wala man lang akong nakikitang frustration sa mga mata nya, she
looks dedicated and knows what she wants. Lalo akong nakaramdam ng paghanga sa
kanya.
"Hindi ka ba nahihirapan?"
Ngumiti sya muli at umiling. "Mas mahirap kung hindi ko

matatapos ang pag-aaral ko. Dalawang taon pa."


"Dalawang taon pa? Ilang taon ka na ba?" I know I am older than her but for her to
be in second year college seems a little bit late.
"20.. Makakatapos siguro ako pag 23 na ako. Every other sem lang kasi ako nag-
aaral. Pag hindi ako nag-aaral, nagtatrabaho ako para makaipon ng pang-enrol para
sa semester na naiwan ko."
"W-wow... Para kang si superwoman." I commended, she just smiled.
"Wala naman akong choice eh. Dati scholar ako, pero bawal huminto kapag ganon.
Hindi lang naman tuition ang problema ko, pati pang-gastos pa namin ni Nanay
kailangan ko ding punan."
"You know what, I will increase your daily wage. Dodoblehin ko ang bayad mo sa-"
"Hindi na, kung tutuusin nga, dapat ay wala na akong kinukuha sayo. Hindi ka naman
nakakaabala sa akin."
"No, don't do that. Tanggapin mo pa din, tulong ko na iyon sayo." I insisted. She
just smiled and nodded.
Nakakabilib si Raeven. Ang tatag nya. Sa araw araw na pag-uusap namin, damang dama
ko na ang pagkahulog ko sa kanya, pero sa buong buhay ko, ngayon lang ako na-torpe
ng ganito. Ayoko kasing magkamali, baka pag magkamali ako, bigla na lang syang
mawala sa buhay ko.
Binalewala ko na ang sasakyang binawi sa akin ni Daddy. I still opted to be with
Raeven, not unless papayag syang magpahatid at sundo sa akin gamit ang kotse ko
habang tinatanggap ang binabayad ko sa kanya, saka ko na gagamitin ang sasakyan.
Ang weird naman kasi kung ako na nga ang nagooffer ng libreng sakay, ako pa yung
magbabayad, ang lakas maka-DOM ng ganon.
Everything's perfect, mas nagiging magaan ang

loob ni Raeven sa akin. Ikinalulungkot ko nga lang dahil patapos na ang sem, ang
ibig sabihin ay hihinto sya sa pag-aaral at hindi ko na sya makakasabay sa MRT.
Because of thinking too much of that, nag simula na din akong magdrop ng mga
subjects ko para kung sakali, sabay kaming magtatapos ni Raeven ng pag-aaral. Baka
nga next sem ay huminto din muna ako. Sana ganoon kadali.
But my life being Attorney Hades Montemayor's son don't come easy.
"I got your class cards. You dropped half of your units this sem?" Namumula ang
mukha ni Daddy and by this time I know that he is fuming mad.
"D-dad. I was just-"
"Akala ko umayos ka na! Umasa ako Deuce. You are in your 3rd year! Paano mo
ginagawa to?" He looks disappointed, frustrated and really angry. Niluwagan nya ang
necktie nya as he sat in the aisle of the table in our study room. Nakatayo lang
ako sa kanyang harapan, bawat minuto ay nawawalan na din ako ng pasensya. I sighed.
"Dad, I never liked law." Pagsasabi ko ng totoo.
"You have no choice!" He shouted.
"Alam ko. Alam ko kaya pinipilit ko naman eh. Sukang suka na nga ako sa pag-aaral
dahil alam kong ayaw ko nito but I still continue because you know what? I don't
want to end up like you, divorced and miserable!" Asik ko, but I regretted the
words I've said. The worst part is, I couldn't take it back.
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ko, halos mamanhid ang mukha ko sa
sakit. All my life nakarinig ako ng masasakit na salita kay Daddy but he never hurt
me, ngayon lang.
"Tarantado! Your mother left us dahil naglandi sya." Dad gritted his teeth.
Naglandi.

All my regret moments ago vanished like thin air, how could he use that word to
Mom?
"Naglandi sya dahil wala ka nang oras sa pamilyang ito." I fought back, hindi ko
hahayaang dungisan nya ang pagkatao ni Mommy kahit ano pa ang ginawa nito.
"Eh kung ganoon pala sana sumama ka sa kanya." Matabang na sabi ni Daddy.
"Gusto ko! Gustong gusto ko but you never let us choose. Ikaw ang nagdesisyon na
manatili kami sa poder mo."
"At nagsisisi ka? You think you will have this kind of life if you are with your
mother?" Kitang kita ko ang sakit sa mukha ni Daddy but I chose to ignore.
"I think I will be much more happier because she will let me do what I want." Hindi
ako makatingin kay Daddy habang sinasabi ang bawat salita. I know I am breaking his
heart but I don't want to care right now, I want him to know how I feel as his son.
"If that so.. then do whatever you want now. Hindi na ako makikialam." Tumayo si
Daddy at pabagsak na sinarhan ang pinto ng study room.
---
"May problema ba?" Nag-iwas ako ng tingin kay Raeven, after the heated conversation
this morning with my Dad, pinili ko pa ding sabayan si Raeven kahit na masama ang
pakiramdam ko. I know I would lose my senses more kapag hindi ko nakita ang tanging
nagpapangiti sa bawat araw ko.
"W-wala."
"Anong wala, ayan o, may pasa ka." She pointed on my bruise, iniwas kong muli iyon.
She sighed. Napatingin ako sa malungkot na mukha nya.
"Deuce yung totoo, may pasok ka ba ngayon o wala? O ang totoong tanong, pumapasok
ka pa ba?"
I gasped. Tiningnan ko sya na nakatuon lang ang mata sa

akin, she has this power to make me admit anything and everything. I looked around,
nasa estasyon pa din kami ng tren pero parang balewala lang iyon kay Raeven, she
pursed her lips and hold my hands habang sinusuri nya ang mukha ko.
Yumuko lang ako imbes na sagutin ang tanong nya.
"Pinagalitan ka ba sa inyo dahil nakita ang classcards mo?" Tanong nya na
ikinasurpresa ko.
"Paano mo nalaman? May ESP ka ba?"
"Wala. Di ba kahapon sinundo mo ako sa school tapos nauuna kang maglakad, I can
sense that you have a problem tapos nakita ko yung classcards mo sa bulsa ng bag
mo, kinuha ko nga eh, hindi mo man lang naramdaman, lolokohin sana kita, kaya lang
hindi pala magandang biruin ang mga taong bagsak." She smiled kindly and pressed my
hand.
"Anong problema?" Ulit nya.
Bumaba kaming dalawa sa estasyon ng tren, nagsimula kaming maglakad kahit hindi
namin alam kung saan kami pupunta. Hindi pa din ako nagsasalita at hinayaan nya
lang ako. Nakakita kami ng park sa nasuotan naming subdivision, nakaramdam kami ng
pagod kaya umupo muna kami doon at nagpahinga.
"Raeven.. Kilala mo ba ang tatay ko?" I asked her. Para naman syang nagulat at
naging balisa.
"S-sa personal? H-hindi." She said. Tumango ako.
"He's the best lawyer in the country. One of the best in the world. He knows
different civil codes from 40 countries, that's how bad ass he is. At ako, anak
nya. I am the worst in our class. Binabalewala ko na nga lang ang mga Professor ko
pag tinatanong nila ako 'Anak ka ba talaga ni Hades?'. Nagpapatay malisya ako pero
nasasaktan ako." Malungkot kong kwento.
"I

told my Dad this morning that I don't want to be like him, he punched me. He
punched me." Bahagya pa akong natawa ng maalala ko ang pagsisisi sa mata ni Daddy
nung sinuntok nya ako pero agad ding napalitan ng galit ang matang yon.
"I also wanted to say that I can't be like him Raeven, he's great. At eto, ako lang
to. Hindi ko kayang maging katulad nya."
"Hindi totoo yan.." Raeven cut me and held my hand. "Nakikita ko sa mga mata mo na
magaling ka, but you just deny it."
"Thanks ha, pero alam mo ba kung bakit araw araw akong pumapasok?"
Kumunot ang noo nya.
"Dahil sayo, gusto kitang makita araw araw." Hindi ko alam kung anong meron ang
suntok ni Daddy kung bakit lumakas ang loob ko, all I know is that it's been 5
months that I have this feeling towards Raeven.
"D-Deuce-"
"I like you Raeven, so much, Pucha, na-love at first sight ako. Ang ganda mo kasi,
ang bait mo pa, matapang, masipag. Everything that I am not."
"Deuce, you can be anything that you want to. You just need to believe in
yourself."
"Tingin mo?"
She nodded.
"So, pwpwede ba akong maging boyfriend ng isang Raeven Frances Mendoza kapag
maniniwala ako?" Lakas loob na sabi ko.
"Pwede."
It's my turn to be surprised.
"P-pwede?"
"May itsura ka naman, madami kang pera, medyo weird ka nga lang at tamad mag-aral,
pero pwede na." Pinipigilan nyang matawa but I can see the glint of happiness in
her eyes.
Nang mapagtanto ko na hindi na nya babawiin ang sinabi nya. I literally jumped and
shouted.
"T*ngina Raeven, magpapayaman talaga ako at bibilhin ko ang park na ito kung san mo
ako sinagot!" I shouted.
She laughed hard and I am so happy.
"I love you Raeven.." Bulong ko sa kanya, yumakap sya sa bewang ko at humilig sa
dibdib ko.
"I love you too Attorney Deuce Montemayor."
From then on, I made sure that I will also be the best lawyer like my Dad, for
Raeven, because she believes in me.

=================

Kabanata 3

Everything Happens for A Reason.

"Pahingi ng pera. Rae. Bangon, pahingi ng pera." Pupungas pungas pa ako at


nabungaran ko agad si Nanay na amoy alak.
"Nay, maaga pa. Bibili na naman kayong alak? Pababain nyo na muna yan sa sikmura
nyo." Napapikit ako ng maramdaman ko ang pagsipa ni Nanay sa kama ko.
"Nagrereklamo ka na? Pasalamat ka kinupkop kita nung nakulong ang Tatay mo. Anong
pinagmamalaki mo ha?"
"Wala po. Sabi ko nga po Thank you at kayo ang naging madrasta ko." Padabog kong
sabi bago tinungo ang bag ko at inabutan sya ng isang daan.
"Kulang to. Tinitipid mo na ako ngayon?"
"Wala pa po ang sweldo. Pamasahe na lang ang natira sa akin."
"Wala ka talagang kwenta." Iiling iling na sabi ni Nanay at lumabas na ng bahay.
Napabuntong hininga ako. Kinuha ko litrato ng pamilya ko sa ilalim ng unan ko.
Maganda ang ngiti naming tatlo, si Mama, si Papa at ako. Kuha iyon nung huling
bagong taon naming magkakasama, dahil nung taong din yon, binawian ng buhay si Mama
dahil sa cancer.
Ilang buwan kong dinibdib iyon, hanggang sa inuwi ni Papa si Elena sa bahay. Sya na
ang kinilala kong Nanay mula noon, pero di din nagtagal, pinagbintangan si Papa na
nagkalat ng information doon ng kumpanyang pinagtatrabahuhan nya doon sa kalaban
nitong kumpanya. Alam kong hindi magagawa ni Papa yon dahil mabuti syang tao,
narating nya ang pagiging supervisor ng pabrika sa sariling sikap nya.
"Papa! Wag nyo po akong iiwan!" Umiiyak na sigaw ko ng ilayo na sya sa akin ng mga
pulis.
"Papa!"

Ulit ko.
"Rae, anak... Babalik din ang Papa, mapapatunayan din na wala akong kasalanan. Lagi
mong ipapanalangin---"
"Halika na." Hinila na sya muli ng pulis papalayo sa akin.
"Sir!" Tawag ko sa naka-Amerikanang nang-usig sa Papa ko. Nakakatakot ang mga mata
nya pero hindi ako nagpadala sa takot kahit sampung taong gulang pa lang ako.
"Sir, wag nyo na po ipakulong si Papa. Sir.. Please po.. Wala na po akong Papa."
"I am sorry Hija, but justice must be served. Bawat pagkakamali ay may kapalit na
kabayaran." Sabi sa akin ni Attorney Hades Montemayor.
"Bawat pagkakamali ay may kapalit na kabayaran.." Pinalis ko ang luha ko sa pag-
uulit ng salitang iyon. Limang taon pagkatapos na makulong ni Papa, namatay sya
dahil sa Tuberculosis, pagkalipas ng isang taon pagkatapos non, binawi ng kumpanya
ni Papa ang kaso sa iilang mga tao na nasangkot kasama na ang Papa ko. Dapat ay
malaya sya.
Pero dahil sa isang pagkakamali...
Kring..
Ilang segundo kong tiningnan ang mumurahing cellphone ko na nagriring, tumatawag sa
akin si Deuce.
"Hello.." Pinilit kong pasayahin ang boses ko na kagagaling lang sa iyak.
"Hello Baby... Kamusta ang gising mo?" Malambing nyang tanong.
"Maganda. Boses mo agad ang narinig ko eh." Pagbibiro ko.
He chuckled like a teenager, kinikilig na naman sya kahit alam nya namang binobola
ko lang sya.
"Ginising ba kita? Sorry ha. I just missed you. Anong oras ang out mo sa trabaho?
Susunduin kita."
Tiningnan ko ang kalendaryo. Oo nga pala at hindi na pala ako sa school papasok
ngayon.

Nakakapanibago pa din kapag puro trabaho naman ang aatupagin ko.


"7PM pa, pero ayokong aabsent ka sa klase mo dahil lang susunduin mo ako. Aantayin
na lang kita hangga't hindi ka pa tapos. Pagkatapos ay magrereview tayo ng lessons
mo."
"Yes Ma'am. Nasa restaurant na ako ng 7:30, 6:30 ng huling klase ko, medyo mata-
traffic lang ako at dahil ayaw mo akong pabilihin ng eroplano, mag-iintay ka."
Pagbibiro nya pa.
Sa isang restaurant ako pumapasok ngayon bilang waitress, kaibigan ni Deuce ang
mayari kaya maganda ang pagtrato sa akin. Bilang ganti, tinutulungan ko din si
Deuce sa pag-aaral nya.
"Kailan ba kita hindi hinintay. O sige na, mag-aasikaso na ako, magkita na lang
tayo mamaya at magfocus ka sa klase mo." Natatawang bilin ko.
"Bye Baby, I love you.." He whispered.
"I love you too.."
----
"Bro, Valk tayo ngayon, Friday naman." Tiningnan ko lang si Oswald mula sa binabasa
kong libro.
"Pass muna ako Oz, susunduin ko ang girlfriend ko mamaya."
"Ayun naman pala, alak versus sexy time? Sexy time!" Kantyaw naman sa akin ni
Rodrigo.
"Gago hindi." Sabi ko na lang sabay balik ng tingin sa librong binabasa ko. Kaya
kong mag-intay, alam kong hindi priyoridad ni Raeven ang maagang magkapamilya, isa
pa ayoko syang biguin sa mga pangarap nya, at pangarap nya para sa akin; hangga't
hindi pa sya handa, mag-iintay ako.
Nakahinga ako ng maluwag ng lumabas na ang Professor namin sa huling klase ko.
Laging ganito ang pakiramdam sa bawat pagtatapos ng araw, dahil alam kong makikita
ko na naman sya, mayayakap at mahahalikan.
Tinulungan ko syang makapasok

sa restaurant ni Ate Atasha, ang bestfriend ni Ate Unah, buti at mayroong bakante,
maari din daw ituloy ni Raeven ang pagtatrabaho nya doon kapag natapos babalik na
syang muli sa pag-aaral. Ilang beses ko nga syang inalok na pag-aaralin ko nalang,
kahit mula sa allowance ko ay mococover ko naman ang tuition nya pero ayaw nya,
gusto daw nyang magsikap ng husto. Dahil doon proud na proud ako sa girlfriend ko.
Nagpark ako sa tapat ng restaurant ni Ate Atasha, napangiti ako ng makita ko ang
mukha ni Raeven na masayang nagsisilbi sa isang customer pero napasimangot ako ng
lapitan sya ng lalakeng manager nila. Nagtatawanan silang nag-uusap at hindi ko
maiwasan ang makaramdam ng pagkairita.
Puta, hinawakan ang siko nya?
Nagmadali akong bumaba ng sasakyan saktong pagbukas ko ng pinto ng restaurant ay
sya namang paglabas ni Raeven mula doon.
"Deuce, kanina ka pa? Hindi ba traffic?" Nakangiting tanong na.
Umiling lang ako, humalik sya sa pisngi ko pero hindi ko sya pinansin.
Pinagbuksan ko lang sya ng pinto pagkatapos ay nanatili ang katahimikan sa amin.
"Babe? May problema ba?" Malambing nyang tanong sa akin. Hindi pa din ako kumibo.
"Babe.." Hinaplos nya ang braso ko.
"Babe." Ulit nya at pabirong kinurot ang tagiliran ko.
"Ano ba Raeven!" Hindi ko naiwasang masigawan sya. Agad naman akong nagsisi dahil
nakita ko ang pag-uulap ng mata nya. Put*ngina para palang hinihiwa ang puso kapag
nakikita mong umiiyak ang mahal mo.
"T-tinatanong ka lang eh." Parang bata nyang sabi. Lumabi pa sya. Hindi ko alam
kung mauuna ba akong patahanin sya o kurutin ang pisngi nya dahil

ang cute cute nyang umiyak. Namumula ang ilong at pisngi nya, nagdidikit dikit pa
ang mahaba nyang pilikmata.
"M-mainit lang ang ulo ko." Mahinahon kong sabi.
"Mainit ang ulo mo tapos sa akin ka galit." Buong pagtatampong sabi nya.
"Baby, hindi ako galit sayo." Sambit ko, pero mukhang huli na, tinuon na lang nya
ang mata nya sa labas ng bintana at tahimik na humikbi.
--
Nakarating kami sa condo unit ni Deuce, hindi naman sya dito natutulog, umuuwi pa
din sya sa Daddy nya gaya ng sabi ko para maayos pa din ang tunguhan nila kahit
papaano, pero nagrenta sya ng maliit na condo unit para sa aming dalawa, tuwing
nag-aaral sya.
Ako ang nagdisenyo nito, ginawa ko itong masaya at madaming kulay, pero ngayon
parang black and white. Hindi pa din ako makapaniwala na bigla na lang akong
sinigawan ni Deuce kanina. Dalawang buwan palang kami pero sinisigaw sigawan na nya
ako.
"Baby." Untag sa akin ni Deuce. "Gutom ba ang Baby ko?" Tanong nya ng buong
paglalambing.
Hindi ako kumibo. Manigas sya dyan.
"Baby... Sorry na si Deuce. Sorry na talaga Baby."
Pinalis ko muli ang luhang pumatak sa akin "Wag mo akong kakausapin, mainit ang ulo
ko."
"Baby naman, papalamigin ko yan. Wag ka na kasing magalit sa akin. My fault.
Nagsisisi na ako agad. Bati mo na ako." Pagsusumamo nya pa habang inaalayayan nya
akong umupo sa kanyang sofa.
"Aray!" Reklamo nya ng hinampas ko sya ng malakas sa braso dahil sa sobrang inis
ko.
"Bakit mo ako sinasaktan? That's Domestic Violence, Baby."
"Wag mo akong gagamit gamitan ng mga kasong minememorya mo ha. Galit ako sayo!"
Nanlaki

ang mata ko ng biglang lumuhod sya sa harapan ko "Baby, sorry na. Patawarin mo na
ako, nagselos lang ako sa manager mo-"
"Kanino?" Pagpuputol ko sa kanyang sinabi.
"Sa Manager mo.." Bulong nya pa na parang nahihiya.
"Kay James?"

"Kita mo na, first name basis lang kayo." Dismayadong sabi nya pagkatapos ay umupo
na syang muli sa tabi ko.
Paano naman sya magseselos kay James?
"James ang tawag ng lahat sa kanya sa Restaurant, ayaw nyang magpatawag ng Sir."
Paliwanag ko. Bumaba ang tingin nya sa mga sapatos nya.
"Hinawakan nya ang siko mo. Baby, galit na galit ako. Gusto ko syang sakalin."Aniya
ng hindi makatingin sa akin.
Di ko napigilan ang mapangiti. Gumapang ako para kumandong sa kanya. Ngumiti ako
pero nag-iwas lang sya ng tingin.
May ikinaseselos pa pala ang gwapong to? Tiningnan ko ang itim na itim na mata ni
Deuce, his features screams dominance, his hair is jet black, his eyes is like the
night sky-kaya angat na angat ito tuwing masaya sya o naluluha, doon lang ito
nalalagyan ng kakaibang ningning. Parang nililok naman ang kanyang mga ilong at
labi, his after shave scent gave him a certain distinction.
"Akala ko ba magiging abogado ka? Parang kriminal naman ata ang path mo." I kidded
but he didn't smile. Kumuyom lang ang kanyang panga and his dimples showed up dahil
sa panggigigil.
I started giving him small kisses on his face "Relax ka na Babe. Hindi ko na
kakausapin si James para hindi ka na magalit." Pangsusuyo ko.
"You are just saying that." Pinanliitan nya ako ng mata.
"Siko lang ang hinawakan nya nagagalit

ka na. You have access to more than that." Panunukso ko sa kanya.


"Don't dare me.." Suplado nyang sabi.
"I love you Attorney." Bulong ko sa kanyang tenga sabay gawad ng halik.
"Ugh, Raeven, get off me." Aniya na may kasamang pagpikit. Hinampas ko sya sa
dibdib.
"Ayaw mo ba sa akin?" Sinimangutan ko sya.
"G-gusto, gustong gusto pero baka hindi ko mapigilan..."
"May pumipigil ba sayo?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Baby... I want to wait until you are ready." Pagdadahilan nya.


"Virgin ka pa ba?" Tanong ko naman.
"Hindi na."
Nagngitngit ako sa inis. Kinagat nya pa ang pang-ibabang labi nya at halatang
pinipigilan ang pagtawa.
"Bakit binigay mo ang virginity mo sa iba?" Sinabunutan ko sya at naramdaman ko na
naman ang pagiinit ng sulok ng mga mata ko.
"Baby, ano ka ba. 24 na ako, anong akala mo sa akin, santo? 16 pa lang ako hindi na
ako virgin." Pagmamalaki nya pa. Pinalo ko ang bibig nya.
"Ayokong marinig." Just imagining him giving kisses to other girls ay hindi ko na
matanggap. Gusto ko syang sapakin kasi hindi nya ako inintay. Humikbi ako sa
kanyang harapan. Wala akong pakialam kahit sabihin nyang iyakin ako pero iyakin
naman talaga ako. And it feels good to cry with someone to comfort you, huling iyak
ko ng may kasama ako ay yung buhay pa si Papa.
"Baby." Pinalis ni Deuce ang luha ko.
"Kahit hindi ikaw ang makauna sa sexy body ko, ikaw naman ang huli." Pang-aalo nya
pa.
"Hindi ako natatawa, hindi ka sexy. Hindi kita bati. Pinaiiyak mo ako. Pangit ka.
Baho."
Tumawa naman si Deuce. Lalo akong sumimangot at pilit na pinalungkot ang mukha ko.
"Wahhhh!!!" I cried even more. Masuyo akong niyakap ni Deuce.
"Ang cute mo Baby. Akala ko matapang ka, iyakin ka pala."
"Ayaw mo na sa akin kasi iyakin ako?"
"Hindi. Mas lalo kitang gustong alagaan. Ayaw kong makita kang umiiyak eh. Mahal na
mahal kita."
I found comfort in Deuce's arms, kumpleto na at wala na akong hihilingin pa. He may
be the son of the person who took away my father from me pero binigyan nya din
naman ako ng masasandalan.
Maybe everything happens for a reason.

=================

Kabanata 4

Bawat Segundo.

"Raeven! Ang bagal!" Napabalikwas ako ng bangon ng bumuhos sa akin ang malamig na
tubig.

"N-nay!" Gulat na gulat na sabi ko, basang basa ako ng husto, kitang kita ko ang
pitsel na ibinuhos nya sa akin. Wala na iyong laman.

"Yan na ang huling tubig na natitira! Di ba sabi ko mag-igib ka ng alas singko


dahil maliligo na ako! Bakit wala pa? T*ngina naman Raeven! Napakamantika mo
matulog! Kung hindi ka lang talaga sa akin ibinilin ng ama mo, matagal na kitang
pinabayaan!"

"Sana nga ho pinabayaan nyo na." Bulong ko habang tinutuyo gamit ng kumot ang mukha
ko.

"Ano? Anong sabi mo? Bastos ka talagang bata ka!" Pasigaw na sabi sa akin ni Nanay.
Hindi ko alam kung anong karapatan ang mayroon ako, dahil ang bahay na ito ay alam
kong akin. Kung hindi lang masamang magpalayas ng matanda, matagal ko na syang
pinaalis. Lagi ko na lang inaalalang minahal din naman sya ni Papa kaya kailangan
ko din syang kalingain.

Nagbihis ako ng malaking tshirt at shorts. Pupungas pungas pa akong naglakad sa


maliit na eskinita patungo sa igiban ng tubig. Buong lakas kong binomba ang poso at
pinuno ang dala ang balde na dala ko.

"O Raeven, hindi mo pa ipabitbit yan kay Angelo?" Ngumiti ako ng tipid kay Mang
Soc, ang mayari ng poso na pinag-iigiban ko. Matagal na nyang inirereto sa akin si
Angelo na kanyang anak. Napapangiti na lamang ako.

Si Angelo ay isang Angela sa gabi at walang kaide-ideya ang kanyang ama. Si Angela
nga ang nagmakeup sa akin nung nagapply ako sa restaurant na pinagtatrabahuhan

ko ngayon.

"Hindi na ho, Mang Soc. Exercise na din." Tumango na ako at nilagpasan sya. Narinig
ko pang sinisigawan nya si Angelo na nakatambay sa tindahan na madaming kasamang
binatilyo at inuutusan itong tulungan ako. Nagmadali ako sa paglalakad dahil
nakakahiya naman kung ganon. Baka magreklamo sa akin si Angelo kapag sumakit ang
katawan nya.

Binaba ko ang bitbit kong balde ng maramdaman kong nagvibrate ang aking cellphone.
Tinatawagan ako ni Deuce, kadalasan ay mahaba ang tulog nya tuwing Miyerkules dahil
panghapon lang ang klase nya and this call is too early for him.

Huminga muna ako ng malalim at ngumiti bago sagutin ang tawag.

"Hi Babe.." Bati ko ng masaya.

"Hello Babe.. Kamusta ka? Gising ka na ba?"

Napangiti ako sa boses ni Deuce na halatang inaantok pa. Paos ito at halos
pabulong. Ang cute cute kapag naiimagine ko ang kanyang mukha na hirap maidilat ang
madidilim nyang mga mata.

"Uhmmm. Oo gising na. Ikaw? Inaantok ka pa ata tapos tumawag ka na."

Ilang segundo bago sumagot si Deuce. Humugot muna sya ng malalim na paghinga.

"Napanaginipan kasi kita. Ipinagpalit mo daw ako sa manager mo." Aniya ng seryoso.

I rolled my eyes. Lumipad ang tingin ko sa aking paanan. Pinalis ko ang tuta na
lumapit sa akin para humingi ng pagkain.

"Babe, dalawang buwan na nating issue si James. Gusto mo bang magresign na lang
ako?" Seryosong tanong ko sa kanya. Sumandal ako sa pader at pinahinga ang aking
likod.

"Pwede bang ganon na lang, Babe? Magresign

ka na lang. Kaya naman--" Napapikit ako.

"Maghihiwalay tayo kapag ganyan." Pagbabanta ko.

Alam kong mahirap ang buhay but my life is being crafted this way. Wala akong
karapatang magreklamo kung bakit ganitong klaseng buhay ang binibigay sa akin. Alam
kong lalabas akong matatag pagkatapos. Ang mga taong kinikinis daw ng husto ay
pinagpala, umaasa akong ganoon din sa kalagayan ko. And I know, Deuce is one of the
biggest blessing that I have.

"Okay.. Magkikita ba tayo mamaya?" Tanong nya pagkatapos ng katahimikan.

"Oo, wag mo na akong sunduin. Doon na lang ako magpupunta sa condo mo."

"Natin. What's mine is yours. I love you, Babe." Pagtatama nya.

Ngumiti ako kahit hindi nya ako nakikita. Napanatag na din ako kahit papano sa uri
pa lang ng pagmamahal na binibigay nya. Hindi nya ako binigyan ng dahilan para mag-
alala sa mga babaeng umaaligid sa kanya, he makes me feel like I am the only woman
who exist in his world.

"I love you too." Sagot ko.

Ibibulsa kong muli ang aking cellphone at nagmadaling umuwi pagkatapos ng tawag.
Nakasimangot si Nanay na nagiintay sa akin. Padabog nyang kinuha ang balde kaya
tumapon pa ang ilan. Sumunod na din ako sa kanya papasok ng bahay.
Kinuha ko ang libro ni Deuce na tinatabi ko sa aming tokador. I read through the
pages of Taxation, ang sabi ni Deuce ay nahihirapan sya dito dahil may kahalo daw
na Math. Para sa akin, addition at subtraction lang naman ito, kailangan pa din ang
matinding analyzation ng facts. I started writing the summary of the fourth chapter
of

the book. Nasa second chapter pa lang sila Deuce, pero inaaral ko na ang pang-apat.
Gusto ko kasing manguna sya sa kanyang klase. I know Deuce can do it. Kulang lang
sa confidence ang isang yon.

"Libro na naman ang kaharap mo. Hindi ka naman nag-aaral ah?" Panunuya sa akin ni
Nanay habang tinutuyo nya ang kanyang buhok ng towel na hawak. Tiningnan ko lang
sya at nagptuloy sa pagsusulat. Hindi nya alam na may nobyo na ako. Hindi kailanman
naging normal ang relasyon naming mag-madrasta kaya hindi ko din mababanggit sa
kanya si Deuce. Para sa akin ay ayos na yon, hindi ko nga magawang ipakilala sya
kay Deuce dahil tyak na mag-aalala si Deuce sa kalagayan ko dito at ayoko nang
bigyan pa sya ng ganoong alalahanin.

Nang malapit nang mananghalian, naghanda na ako sa patungo sa condo ni Deuce. Ilang
beses akong napapalingon sa spot ng MRT kung saan kami madalas magtagpo ni Deuce.
Mag-iisang taon na din pala. Hanggang ngayon ay napapangiti pa din ako sa alaala ng
unang beses naming pagkikita.

Yakap ko ang libro ni Deuce, nakipagpalit kasi sa akin si Mira ng shift kaya wala
akong pasok ngayon. Nagplano na akong ipagluto sya para pagkadating nya ay may
kakainin na sya. Mahilig kasi sa fastfood ang isang yon. Mabuti nga at hindi
nananaba o nagkakasakit.

Naging mabilis ang byahe ko, binati pa ako ng gwardiya ng condo pagpasok ko. I
spend my first hour in cleaning Deuce's place, pagkatapos ay kumuha muli ako ng
libro ni Deuce.

Umupo ako sa sofa habang mabuting pinagiisipan ang Evidence and Trial Tech.
Nakakamangha na sa kabila

ng kurso ko na pagiging guro, naiintindihan ko ang lahat ng ito. Siguro dahil wala
pa akong masyadong kinakabisado kaya nagiging madali. Wala pang pang pressure sa
akin di kagaya ng kay Deuce.

Deuce: Babe, miss na kita. Gusto ko na lang lagi nakatabi sayo. Pakasal na lang
kaya tayo? ���

Napangiti ako sa text ni Deuce sa kalagitnaan ng pagbabasa ko. Agad akong nagtipa
ng reply.

Ako: Nagpopropose ka sa text? Anong akala mo sa akin? Cheap? �

Deuce: Haha! Hindi no! Sa lahat ng walang presyo ikaw ang hindi ko makuha ng Sht
'ncndscate celon ko. tx kt mya lveu

Napakunot ang noo ko at pilit inintindi ang mensahe ni Deuce. Napagtanto kong
nahuli na naman syang nagtetext sa klase kaya kinuha tyak ng kanyang propesor ang
cellphone nya.

Ilang oras ang lumipas bago ako nakatanggap ng tawag mula kay Deuce. Patungo na daw
sya sa condo. Naligo muna ako bago inihain ang mga pagkain sa lamesa.

-----
"Dad.. What are you doing here?" Hindi maipinta ang mukha ko ng maabutan ko si
Daddy na nakahalukipkip sa tapat ng sasakyan ko.

"I left a note this morning. Hindi ba sinabi kong mayroon tayong dinner kasama ang
mga Crisostomo?"

Oh that. Napatapik ako sa aking noo.

"Pass muna ako Dad. May mahalaga akong lakad."

"Mahalaga? Pupuntahan mo ang babae mo? Mamaya mo na puntahan ang babaeng yon dahil
mas mahalaga ito." Tumalikod si Daddy sa akin at nagtungo sa kanyang sasakyan.

"Hindi ka magsisisi." Ngumisi sa akin si Daddy ng sumakay sya sa kanyang sasakyan.

"Sir,

ako po ang magmamaneho." Bigla na lang nawala sa aking mga kamay ang susi ko.
Ganyan si Daddy kapag may gustong ipagawa. Titiyakin nyang sya ang masusunod.

Kapag minamalas ka nga naman! Miss na miss ko na si Raeven! Nagngingitngit ako


habang binabaybay namin ang daan taliwas sa patungo sa condo ko.

"Hello Babe?" Tiningnan ko muna si Mang Nick bago ako sumiksik sa bintana ng
sasakyan para mabigyan ako ng privacy habang kausap si Raeven.

"Babe? What time ka makakarating? Nagluto ako." Masayang sabi ni Raeven. Napailing
ako. Ayokong ayokong biguin sya.

"Sorry Babe, si Daddy kasi biglang sumulpot sa school. Inaaya ako sa dinner kasama
ang family ng kapartner nya noon sa firm." Napahilot ako ng sentido. Paniguradong
magtatampo si Raeven.

"Ganon ba? Sige ayos lang." Mabilis nyang sagot.

"Really, Babe? Pupwede akong tumakas--" Tiningnan ko pa si Mang Nick at sinilip nya
ako sa salamin. Nilagay pa ang kamay nya sa autolock at sinuguradong nakalock nga
ang mga pinto. Balak ko pa naman sanang lumabas kapag traffic.

"Hindi na Babe. Sira ka talaga." Tumawa si Raeven at napanatag ako.

"Aantayin pa din kitang umuwi dahil mag-aaral tayo ng lessons mo, hindi ka
makakaligtas. Kumain ka ng madami ha. Love you."

Napangisi ako. T*ngina kinikilig na naman ako. Araw araw kong pinagpapasalamat na
sinagot ako ni Raeven. Hindi ko din alam kung bakit. Basta thankful ako. Ang swerte
swerte ko sa kanya. Mabait, maasikaso at maganda. Yung pagiging sumpungin naman
nya, kahit papano madaling lambingin.

"Mahal

na mahal kita, Babe. See you later."

Nakaidlip ako dahil sa trapik. Pagmulat ng mata ko, nasa tapat na kami ng isang
restaurant. Lumabas ako ng sasakyan at sinalubong ako ni Dad sa entrance ng
restaurant.
"Ang mga Crisostomo ang tumulong sa akin noon sa pag-aaral nung pinalayas ako ni
Daddy." Tumango ako sa binabanggit ni Daddy.

Initially, his parents wanted him to be a Doctor because my grandparents were both
Neurosurgeon. But Dad, being Dad, he insisted that he wanted to be a lawyer, kaya
kahit ang kapalit noon ay ang pagpapalayas sa kanya, he still pursued his dreams.

"Si Attorney Antonio Crisostomo, ang propersor ko noon. Kaklase ko si Carlos yung
anak nya-- sa law school, both of them helped me." Nanatili kaming nasa labas lang.

"I know all these things Dad. Why are you saying this to me?" Pagod kong tiningnan
si Daddy. I know he's up to something.

"Carlos has a daughter. About three years younger than you. Patricia Crisostomo, a
very pretty and smart girl, she's taking up law too."

"Dad, I have a girlfriend." Huminto ako sa paghakbang at seryosong tiningnan si


Daddy.

"Oh, you mean fling?"

"Dad, Raeven is not my fling."

"So Raeven is her name." Sarkastikong tiningnan ako ni Daddy. Nagkibit balikat sya,
"I am pretty sure you will forget her name when you see Patricia."

Binuksan na ni Daddy ang pinto at kahit wala akong gana, sumunod pa din ako.

"Sorry to keep you waiting Kumpadre!" Tumawa si Daddy at tumayo ang palagay ko si
Tito Carlos. Bata pa ako nung huli syang

makita and the rest would be Dad mentioning him to us. Sa palibot ng lamesa ay may
nakaupong tatlong babae na di nalalayo ang edad kay Daddy, dalawang binatilyo na
nakauniporme ng kulay Asul na polo at isang batang babae.

Don't tell me ang batang ito ang tinutukoy ni Daddy? Mukhang 14 years old pa lang
eh.

"This is Deuce. Ang magmamana ng aking trono." Pakilala ni Daddy.

"I am sure he will. Pupwede silang magtayo ni Patricia ng lawfirm, just like the
old times! Crisostomo-Montemayor Law & Associates." Tumawa na naman sila.

What a boring conversation. I almost face palmed.

"Sorry I am late.." Isang mahinahong boses ang nagputol ng usapan. Nagpasalamat ako
ng husto. I hate planning about my future, dahil para sa akin, si Raeven ang
kinabukasan ko, the rest won't matter, basta kasama ko sya.

Nag-angat ako ng tingin sa isang babaeng dumating.

"Patricia! You are here." Tumayo ang matandang babae na nakasuot ng kulay blue na
dress, lumapit sya sa babaeng nakangiti sa akin which, apparently is 'Patricia'. I
can't help but to scan her body, she's wearing a body hugging pastel orange dress
after all.

Pagkakita ko pa lang sa kanya, isa lang ang nasabi ko sa isip ko.

Wow.
She definitely looks divine. She got plumped lips, while her eyes is round and
deepset. Her hair is freely flowing in big soft curls with highlights.

"Hi." She smiled at and I can see her pearly white teeth. Parang sa beauty queen.

"H-hi.." I said.

"Oh, he stammered!" Pagbibiro sa akin

ni Daddy. Nagtawanan ang lahat.

Paano ba naman hindi, sobrang chick talaga ni Patricia. Nakakahiyang lumapit.


Inilahad ko ang kamay ko at mas lalo syang ngumiti. Sabay kaming umupo sa lamesa at
magkatapat kami.

"So Deuce, third year ka na daw sabi ni Uncle. What's your pre-law?" Patricia
asked.

"Pol Sci. Ikaw?"

"Accountancy." She smiled while she savored the soup in front of her.

"CPA na yan, top 1!" Proud na proud na sabi sa akin ni Tito Carlos.

"Nice." I nodded.

We talked about a lot of things. She's really smart. Buti na nga lang at natuturuan
ako ni Raeven, kung hindi ay mapapahiya ako. Later on that night, I suddenly felt
the urge to go home. Wala na akong naiintindihan sa sinasabi ni Patricia sa akin.

Naramdaman ko ang pagsiko sa akin Daddy.

"It's rude to text under the table." bulong nya. Nahuli nya ako ng gumagawa ako ng
mensahe para kay Raeven.

Ibinulsa ko ang aking cellphone at nagintay na lang matapos ang dinner. Nabuhayan
ako ng loob ng tumayo na ang ilan. Nagmadali din akong tumayo. I can't wait to go
home to Raeven.

"You two should go out. Mahigpit talaga ako dito kay Patricia, pero kung ikaw ang
manliligaw sa kanya, wala kang maririnig sa akin." Inakbayan ako ni Tito Carlos.
Ngumiti ako ng tipid bilang tugon.

"Aba sa akin din, tiyak na titino yan si Deuce kapag si Patricia ang kanyang naging
girlfriend." Segunda naman ni Daddy.

Napailing na lamang ako at ngumiti. No matter how beautiful Patricia is, I will
always go back

to the basic. Raeven is my home, and for me, she is perfection. No buts.

"Nice to meet you Patricia, I'll go ahead." Paalam ko ng mahuli kami sa paglalakad.

Nilagay ni Patricia ang kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga.

"Same here. Baka naman sa susunod pupwede mo akong turuan sa Civil Code." She
asked.
I laugh, "Ikaw? Tuturuan ko? Im sure you are better than me!"

Namula ang pisngi ni Patricia, "Hindi ah."

"I'll go ahead.. Ingat." Tumalikod na ako at sumakay ng kotse ko. Ni hindi na nga
ako nagpaalam kay Daddy.

Halos paliparin ko ang sasakyan ko. The meeting wasn't as boring as it supposed to
be. Mabuti na lang at andon si Patricia, kahit papaano ay nakakarelate naman ako.
Yun nga lang hindi ko maiwasan na hindi mamiss si Raeven. Kaya naman pagkakita ko
sa kanya pagkabukas ng pinto ng condo ko, bumilis agad ang tibok ng puso ko kahit
nakaunan sya sa libro at nakapikit. Her hair is tied up in a messy bun. She's
wearing my shirt and shorts pero ang ganda ganda pa din.

Tingin ko talaga mag-ayos lang si Raeven ng kaunti, mas maganda pa sya kay
Patricia. Pero ayoko ng ganon, dadami ang kaagaw ko. Ayos na ako sa kung ano sya.
Ang mahalaga, akin lang si Raeven.

Lumapit ako kay Raeven at hinaplos ang likod nya. Unti unti syang nagmulat ng mata.

And her gray eyes...

It's so beautiful.

Parang inuutusan ako nito na lagi akong ngumiti.

Nagulat sya ng makita ako sa kanyang harapan, she smiled widely at iniunat ang
dalawang kamay nya. I hugged her, she wrapped her legs around my waist and if she's
doing this, gusto nyang magpakarga. I carried her like I usually do.

"What are you doing?" Natatawang tanong ko ng halikan nya ako sa tenga pero p*ta
para akong nakuryente sa kiliti.

"Namiss kita, Babe." Bulong nya habang mapupungay ang mga mata.

Malutong akong tumawa "Grabe na yan ha. Alam kong gwapo ako. Pero grabe naman ang
pagkahumaling mo sa akin Baby."

Kinurot nya ako sa pisngi. Paborito nya yong gawin. She didn't utter a word.
Pinahinga nya ang noo nya sa noo ko at nagtitigan kami. Hindi ko alam kung gaano
katagal pero sa bawat segundong dumadaan, nahuhulog ako ng husto.

=================

Kabanata 5

Lie.

"What do you mean by the "Calling-out Power" of the President under Section 18,
Article VII of the Constitution?"

"Under Article VII, Sec. 18 of the 1987 Constitution, whenever it becomes


necessary,the President, as Commander-in-Chief, may call out the armed forces to
aid him inpreventing or suppressing lawless violence,invasion or rebellion (David
v. Arroyo, G.R. No.171396, May 3, 2006)" Deuce answered confidently. I rolled my
eyes.

Ngumiti ang mga mata ni Deuce at agad na nilapit ang kanyang mukha sa akin. He gave
me a kiss, hindi pa naman sya nakukuntento sa isang smack, gusto nya talaga yung
halik na malalim. Halos mamaga na ang aking mga labi dahil sa kanyang ginagawa pero
ayos lang dahil sa ganitong paraan, nakakapag-aral syang mabuti at hindi sya
nagkakamali ng isasagot.

"Baka naman bukas, kailangan pang may mahalikan ka bago mo maalala ang sagot?"
Pinanliitan ko sya ng mata. He moved closer to me and enclosed me in his arms. He
kissed me on the cheeks over and over. Pinanggigilan ng husto.

"Ang selosa mo Baby! Si Oswald ang katabi ko bukas and the last time I checked,
lalaking lalaki pa din ako na may pagnanasa sayo." He proudly said. Itinulak ko ang
kanyang mukha papalayo sa akin, humalakhak sya.

"Ipasa mo muna ang exam mo! Puro ka bola wala ka namang ginagawa." Tukso ko sa
kanya.

The thing with Deuce, kahit magda-dalawang taon na kami ay hindi nya ako pinipilit
na may mangyari sa amin na higit pa sa halik. Hindi ko tuloy alam kung magandang
bagay

ba iyon, either he really respects me or he don't find me appealing enough. Kung


may mga karanasan naman sya sa iba, bakit hindi nya gawin sa akin?

"Bakit ka nakasimangot?" Napawi ang ngiti ni Deuce at tinitigan akong mabuti.


Kinuha nya ang libro sa aking mga kamay at hinawakan ang aking mga kamay.

"Wala."

"Kapag wala, meron. Spill it, what is it?" Mas lalo nyang nilapit ang sarili nya sa
akin.

"Wala nga.." Ulit ko. Gusto kong alisin sa utak ko ang insecurity. Pero tuwing
iisipin ko ang mga nag-gagandahang babaeng pumapalibot sa boyfriend ko, hindi ko
maiwasang makadama ng pagkawala ng kumpiyansa sa sarili. There are alot of better
girls around Deuce who can offer him more than I can give.

"Baby?" Binuhat ako ni Deuce at pinaupo sa kanyang mga binti paharap sa kanya.
Mataman nya akong tiningnan na para bang sinusuri ang mga mata ko. He's really good
at this, abogado talaga. Hindi sya titigil hangga't hindi ka napapaamin.

"Iniisip ko lang.." Panimula ko, agad na tumaas ang kilay ni Deuce.

"Iniisip ko lang, pangit ba ako? Hindi ka ba nasesexy-han sa akin?" My cheeks


flared at the moment. Bakit ko ba tinanong yon?

"Babe? Ano bang klaseng tanong yan?" Mahinahong tanong ni Deuce. Huminga ako ng
malalim.

Go girl, ipaliwanag mong mabuti. Pumikit ako ng mariin at yumuko habang sinasabi
ang mga susunod na salita.

"Naisip ko lang, dinadaan mo ako lagi sa biro, why can't we do the real thing?"

"Whoah, inaaya mo ba akong---- Raeven.." Niyugyog ni Deuce ang balikat ko


kaya muli akong magmulat ng mata. Nakangiti sya sa akin, nahiya ako ng husto

"Hindi kita inaaya, ang sa akin lang, bakit hindi natin gawin? Hindi ba ako sapat
sayo? Kulang sa ganda? Sa sexy?" Hindi ko na mapigilan ang bibig ko.

"Ang cute mo! Hindi yon! Ayaw mo ba nun? Nirerespeto ka." Wika nya.

"Gusto, pero sabi mo hindi ka na virgin. Hindi ba parang drugs yon? Pag nasubukan
mo na, hahanap hanapin mo. Bakit hindi ka naghahanap? Don't tell me hindi ka
naaarouse sa akin."

Okay Raeven, itigil mo na yan. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko sa hiya.

"Na-aarouse syempre!" Malakas nyang sabi.

"Eh bakit hindi mo ako inaaya? Siguro ginagawa mo sa ibang babae no?" Oh, right.
Push mo pa yan Rae.

"Baby, hindi ko kailangan ng babae kung may--- kung may---"

"Kung may ano?" Napasimangot na ako ng tuluyan.

"Kung may kamay ako!" Halos pasigaw nyang sabi. Nangunot ang noo ko.

"Kamay? Bakit kamay?"

"Baby, wag mo ng alamin.." Sinapo ni Deuce ang magkabilang pisngi ko at pinisil ng


madiin saka ako hinalikan sa labi. Nagpumiglas ako pero tumawa lang sya, gumanti
ako sa pamamagitan ng pagtusok sa kanyang tagiliran, malakas ang kiliti nya doon.
Napahiga sya sa sofa na inuupuan namin kaya dinaganan ko sya, but he was too
strong, nagawa nyang ipailalim ako sa kanya. Halos maubusan ako ng hangin kakatili
at kakatawa sa aming ginagawa.

Sa gitna ng maingay na tawanan, huminto si Deuce at tinitigan ako sa mata. Napawi


din ang ngiti ko. Hinawi nya ang mga takas na buhok na sumabog

sa aking mukha.

"Do you trust me enough, Babe?" Tanong nya ng seryoso.

Tumango ako agad. Hindi ako nagdalawang isip. Buo ang tiwala ko kay Deuce noon pa
man, kung may pagdududa man ako sa aking sarili, wala syang kontribusyon doon. He
loved me perfectly at tiwala akong hindi nya ako sasaktan.

He smiled and looked at me gently. He slowly kissed me on the lips, this time his
lips has foreign warmth, pakiramdam ko pa nga sasabog ang puso ko sa lakas ng
tibok, hinabol ko ang aking paghinga. Dahan dahan nyang pinagapang ang palad nya sa
binti ko. Napalunok ako.

Ito na ba yon? Nakakakuryente.

His touch is carefree but kind, walang rahas o kung ano pa man. His gradual kisses
made my body ache for more. Ginalaw ko ang mga kamay ko sa kanyang dibdib, he
groaned.

"Raeven, do you know how much I love you?" Tanong nya sa akin. I nod but he shook
his head.
"Hindi. Hindi mo alam kung gaano." Pumikit sya at napasinghap, "I love you more
than my earthly desires, I love you beyond your flesh, I love you so much that I
want you to feel that you are whole until I marry you. Mag-iintay ako." Pagkasabi
nya non ay bumangon sya mula sa pagkakaimbabaw sa akin at inalalayan akong tumayo.
Pinagmasdan ko syang nagtungo sa kusina ng kanyang condo para kumuha ng tubig doon
sa ref. He gave me a glass of water too.

"Babe, dito ka na matulog ha. Maaga ako bukas." Malambing syang yumakap sa akin
pagkatapos nyang kunin ang baso ng tubig muli sa akin. Humalik pa sya sa aking noo.

Pinagmasdan ko syang gumalaw.

Sobra sobra ang pag-iingat nya sa akin at pinagpapasalamat ko yon. His love is too
deep, minsan tuloy pinagdududahan ko ang sa akin. Nakakainggit syang magmahal,
pakiramdam ko ang hirap abutan nung kanya. Not that I don't love him enough, hindi
ko lang alam kung saan ang hangganan ng akin. Lahat naman ng bagay ay may hangganan
hindi ba? Our capacity has it's limits, kahit anong sobra kasi, nakakasakit.

Inihanda ko ang kama ni Deuce habang nagsa-shower sya. Pumili din ako ng damit ko
pampalit sa pagtulog. Deuce always wants me on his shirt, kadalasan ay mahaba yon
dahil sa tangkad nya at lapad ng dibdib. Mabuti na din yon at hindi ko na kailangan
magbitbit ng damit.

The door clicked open, his manly scent overpowered his room. Tumayo ako para ako
naman ang magshower, he gave me a peck on the cheeks bago ako tuluyang pumasok sa
banyo. Sobrang lambing nya talaga.

When I went out he's almost half asleep. Humiga ako sa tabi nya, nang maramdaman
nya ako ay agad nyang siniksik ang sarili nya sa akin. He embraced me from the
back, pagkatapos ay inamoy nya ang leeg ko. I found comfort. Kung maari lang na
manatili ako habang buhay sa kanyang tabi. Kung maari lang talaga ngunit isang
pagkakamali lang.....

------------------------------
2. Deuce Ageus Montemayor - 97.05%

"T*ngina, Deuce. .02 lang ang lamang sayo ni Benavidez!" Oswald tapped me at the
back. "Paano mo nagawa yon? Ang hirap ng exam ah!"

smiled ear to ear. I really owe it to Raeven. Started from zero, eto na ako ngayon.
Madalas akong nangunguna sa klase. Ibang klase ang teacher ng buhay ko.

"Inspired ang walanghiya!" Binatukan ako ni Beni. "Sinong mag-aakalang isa ka sa


pambato ng Law School sa Bar Exam natin next year?"

Hindi ako sumagot sa kanilang sinasabi. I dialled Raeven's number. Nasa school sya
ngayon pero nagtext sya na wala ang Professor nya.

"Hi Babe.. Kamusta ang result exam mo?" Agad nyang tanong.

"Babe.." Malungkot kong sabi. I heard her sighed.

"Okay lang yan Babe.. Mag-aaral pa tayong mabuti.. Gumawa na ako ng panibagong
batch ng reviewers mo. Pinagpuyatan ko talaga yun kagabi para mabasa mo before yung
Practice Law mo next week. Wag mo na akong sunduin--"

"Babe---"
"Mahal pa din kita kahit bagsakin ka. Hindi non madedefine ang love ko sayo. Kahit
ikaw ang pinakahuli sa klase mo, hindi magbabago na patay na patay ako sayo."

Pucha ang cute, kaya mahal na mahal ko talaga ang isang to. Hindi ko na napigilan
ang pag-ngisi ko.

"Babe! Top 2! 97.05 ang grade ko! F*ck Baby! Hindi din ako makapaniwala! Thank you!
Thank you!" Gusto kong lumusot sa telepono at halikan sya.

"T-talaga?!" I know she's excited. Maya maya pa ay naririnig ko ang paghikbi nya.

"Babe?

Bakit ka umiiyak?" I asked.

"Masaya ako eh.." Sabi nya. Parang kinurot ang puso ko.

"Wag ka ng umiyak. Thank you for bringing out the best in me.. I love you.. So
much."

Para akong nakalutang maghapon. Iba pala ang pakiramdam kapag nangunguna ka sa
klase. Lahat ay babatiin ka. Naglalakad ako papalabas ng Law School para kitain si
Raeven, sabi nya ay aantayin nya ako sa pinagtatrabahuhan nya na restaurant, dapat
ay doon na lang kami sa condo magkikita dahil galing naman syang school pero
nagbago ang isip nya.

**kring **kring

"Dad.."

"Attorney Montemayor!" Humalakhak si Daddy sa kabilang linya. Mabilis talaga sya sa


balita pagdating sa akin.

"Thanks Dad."

"Hindi ako nagkamali na ipasunod ka sa yapak ko. Can I meet you for dinner later? I
have a surprise for you."

Tumakbo sa utak ko ang ireregalo sa akin ni Dad, a new car maybe? Or a house and
lot? Pero mas gusto kong makita si Raeven higit sa mga bagay na yon.

"Dad, maybe some other time.." Sabi ko, sumandal ako sa pintuan ng sasakyan ko at
tumingala.

"No Deuce. I will see you at Atasha's restaurant." Sabi nya.

"But Dad--"

"7PM sharp. See you.." Pagkatapos non ay binaba na nya ang

tawag. Saglit akong napaisip.

Andon din naman si Raeven sa restaurant. Ipapaalam ko na lang sa kanya ng maaga at


ipapakilala kay Daddy. Ilang beses ko na syang inaya na ipakilala kay Daddy pero
nahihiya daw sya.

Nag-type ako ng text message para kay Raeven bago ako tuluyang pumasok sa sasakyan
ko.
Ako: Hi Babe.. Si Daddy nag-aya ng dinner sa restaurant ni Ate Atasha. Nandyan ka
na ba? Antayin mo ako, ipapakilala kita kay Daddy.

Wala akong natanggap na reply. Baka hindi nya nakita pero tiyak naman na magkikita
kami mamaya.

I drove fast, alas-sais na kasi. Aabutin ako ng traffic dahil medyo malayo din ang
restaurant. It's almost 7 when I got there. Nagpalinga linga ako para hanapin si
Raeven, hindi ko sya makita.

"Hi Pogi!!" I smiled at Tatiana. She's Raeven's friend. Isa din sya sa mga waitress
dito.

"Tat, nandito na si Raeven?" Tanong ko, nakatayo sya sa labas ng restaurant at


nagwewelcome ng mga guests. She furrowed her brows na para bang malalim na nag-
iisip.

"Si Raeven? Wala naman syang duty ngayon ah. Di ba nya sinabi? Pero may reservation
ka under your name and----"

"Hi Future Bar Topnotcher!" Napalingon ako sa nagsalita sa likod. My mouth dropped
open when I saw Patricia. She's wearing a small red bloody dress. It defined every
curves in her body. She's smiling widely habang naglalakad sya papalapit sa akin.
Her feminine scent strike my nose. She literally smells like flowers.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko although I have a hint.

"Surprise!" She giggled. "Ewan ko ba kay Tito Hades at Daddy. Sabi nya magdidinner
daw tayo at samahan daw kitang magcelebrate. Wala din naman akong gagawin so I am
here!" Masaya nyang sabi.

Wala na akong nagawa ng tumindig si Tatiana at alalayan kaming pumasok sa loob. The
private area in the restaurant is closed. May lamesang pandalawahan na may kandila
pa sa gitna. They really prepared for this.

Hindi mawala sa isip ko si Raeven. Paniguradong magseselos sya kapag nakita nya ako
kasama si Patricia. Pasimple akong gumawa ng mensahe sa kanya.

Ako: Babe, sorry. Change venue. Makulit kasi si Dad. I will see you in our condo
later. I love you. Sorry.

If I need to lie para hindi sya masaktan, gagawin ko.

=================

Kabanata 6

Lifetime.

"Ruby! Pwede bang makitext?" Tumakbo ako papalapit kay Ruby at sinalubong ko sya
doon sa may exit ng school. Nag-aalala ako ng husto dahil namatay ang cellphone ko
at hindi ko tiyak kung naipadala ko ba ang mensahe ko kay Deuce na magkita kami sa
restaurant ni Ma'am Atasha imbes na doon sa condo nya.

Gusto ko sanang ipagluto sya. Kaya lang wala namang bago kung magluluto ako kahit
pa paborito nya pa ang luto kong sinigang. Tingin ko mula doon sa inipon ko na mga
tip magagawa ko ng ilibre sya. I want us to celebrate at gusto ko ako ang taya.
Palagi na lang kasi sya.

"Naku Rae, wala akong load.. Hindi ko nga alam kung paano kami magkikita ni Vincent
nito. Hindi ko sya maitext." Nagkamot ng ulo nya si Ruby at umiling sa akin.

"Ganoon ba? Sige." Tumango ako at naglakad muli papalabas ng school patungo sa
sakayan ng MRT. Kung uuwi pa kasi ako ng condo nya para magcharge ng cellphone, mas
mapapalayo pa ako sa restaurant at baka mag-intay sya ng matagal. Kung manggagaling
naman ako doon sa restaurant, makikitext na lang ako kay Tatiana para sabihing
nandon ako para mapuntahan nya. Ayos lang naman sa akin ang mag-intay doon,
paniguradong hindi ako maiinip.

Naabutan ako ng rush hour at nadismaya ako ng husto sa pakikipagbungguan ko siko.


Mainit at masikip. Effort talagang sumakay ng tren. Nanlalagkit na ang pakiramdam
ko pagkalabas ko. Hahakbang na sana ako pababa ng hagdan ng may nakasalubong akong
may dala-dalang cup ng fishball sa kanyang kamay. Laking gulat ko ng natapon iyon

lahat sa uniporme ko.

"Sorry Ate!" Hinging pumanhin ng isang babaeng mukhang highschool student. Hindi ko
sya matingnan dahil hindi ko alam kung ano ba ang uunahin ko, kung ang pagpupunas
ba sa aking sarili o ang pag-iisip kung paano ako makikipagkita kay Deuce na ganito
ang itsura. Paniguradong mag-aalala yon. Isa pa amoy ako fishball!

"S-sige na.. Okay lang." Kahit ang totoo ay hindi. Kaya lang wala na akong magagawa
pa.

Tumingin ako sa orasan, 6:30 pa lang naman. Mabuti na lang at connecting sa mall
ang MRT station na binabaan ko. Pumasok ako at unang tinungo ang bilihan ng damit.
Nakakita ako ng display na isang daan lang ang isang bestida. Maayos naman ang
itsura non kahit medyo manipis ang tela. Kumuha din ako ng makakaterno na sandals
na mura lang din.

Agad akong tumungo sa CR para magpalit. Nag-abala pa akong sabunin ang aking braso
at hinilamusan ko ng tubig ang aking mukha at leeg bago magbihis.

Napangiti ako ng makita ang sarili ko sa salamin. Isang bulaklaking dress ang
napili ko. Spaghetti strap din ito at medyo mababa ng kaunti ang neckline.
Matatakpan naman ito ng mahaba kong buhok kaya ayos lang. Sinuklay ko ang halos
hanggang bewang kong buhok at naglagay ng cheek at lip tint, isang bagay na
ginagawa ko lang kapag naka-duty ako sa restaurant.

Tumingin muli ako sa aking orasan. Hindi ko namalayan na 7:30 na pala! 20 minutes
pa ang lalakarin ko papunta sa restaurant. Nagmadali akong lumabas ng mall at
humahangos na naglakad.

"Hi Friend!" Maligayang bati sa akin ni Tatiana. "Ang ganda mo

talagang babaita ka, anong meron? Ay I know na! Magkikita kayo ni Papa Chunky Yummy
Deuce no?"
Napangiti ako sa sinabi ni Tatiana "Nandyan na sya?" I asked excitedly.

"Oo. Pero--" Kumunot ang noo nya, hindi ko na pinansin at binuksan ko ang
restaurant, paniguradong late na ako. Nakakahiya naman kay Deuce. Espesyal ang araw
na ito at ako ang nag-aya. Sana ay mas naging maaga ako ng kaunti.

"Raeven.." Namutla si James pagkakita sa akin, sya ang manager namin dito.
Sinalubong nya agad ako sa pintuan.

"Hi James! Nakita mo ba si Deuce? Saan sya nakaupo?" Tanong ko.

"R-Raeven kasi--"

Nawala ang ngiti sa labi ko ng madako ang tingin ko sa isang bahagi ng restaurant.
Enclosed area yon na may glass wall para sa may mga pribadong event. Natulala ako
ng makita ko doon si Deuce na mayroong kasamang babae. Napakagandang babae, she's
classy and sexy. They were both laughing at hindi nakaligtas sa mata ko ang
paghaplos ng babae doon sa braso ni Deuce habang nakapatong iyon sa lamesa.

Deuce is staring at her like he is anticipating every word that she will say.
Pakiramdam ko nilamukos ang puso ko at paulit ulit na pinipiga dahil sa kirot.

"R-raeven." Ang paraan ng pagtawag sa akin ni James ay parang pagbuntong hininga.


Bakas ang awa sa kanyang mukha.

"Kanina pa sila dito?"

"Mag-iisang oras na."

Tahimik akong napatango. Wala sa sariling naglakad ako papalabas ng restaurant.


Hindi ko kayang makita. Hindi ko alam kung paano ako magrereact doon. Kailan nya pa
ito ginagawa? Mayroon bang excuse?

Pinalis ko ang luha ko at bumaling kay Tatiana.

"Tat, makikicharge ako ng phone.." Sabi ko.

"Ay oo." Kinuha nya sa bulsa nya ang maliit nyang susi at inabot sa akin. "Nasa
locker ko. May problema ba friend?"

"May reservation ba si Deuce?" Tanong ko. Lumungkot ang mata ni Tatiana.

"M-meron.. Pero ikaw ang una nyang hinanap pagkadating nya." Wika nya.

Hinanap. Baka tiniyak nyang wala ako dito.

Tumango ako at dumaan sa likod ng restaurant kung saan dumadaan ang mga staff. Nag-
intay lang ako ng halos limang minuto at bumukas muli ang cellphone ko. Doon sunod
sunod na pumasok ang mensahe ni Deuce.

Deuce: Hi Babe. Si Daddy nag-aya ng dinner sa restaurant ni Ate Atasha. Nandyan ka


na ba? Antayin mo ako, ipapakilala kita kay Daddy.

Deuce: Babe, sorry, change venue. Makulit kasi si Dad. I will see you in our condo
later. I love you. Sorry.

Deuce: Baby? Nakauwi ka na ba? I hope you did. I miss you. Love you.
Nanlalambot ng husto ang tuhod ko. Ganito ba sya magsinungaling? Sobrang kumbinsido
at malinis? Sabagay ay abogado sya, he can lie without even blinking. Pinunasan ko
ang luhang tumulo sa akin. Sumandal ako sa locker at hinayaan ko ang aking sarili
na umiyak. Sinubukan kong pumikit pero ang imahe ni Deuce na masaya at may kasamang
ibang babae lang ang nakikita ko.

At ang masakit? Nakita kong bagay sila. That no matter how I feel pretty in my
definition and no matter how Deuce say it, alam kong hindi. Alam kong malayo ako sa
standards ng kagaya ni Deuce. Why would I

think that he would really love me until infinity? He won't. Dapat naisip kong
dadating ang araw na ito. Lolokohin nya ako and he would realize that I am no good.
That there are alot of girls better than me. Isa akong bagahe sa kanya. We are two
worlds apart.

"Frenny.. Okay ka lang ba?" Lumapit sa akin si Tatiana at niyakap ako. "Kausapin mo
muna baka naman--"

"Ano sa tingin mo Tat?" Naipon ang luha sa aking mga mata. Hindi ako diretsang
matingnan ni Tatiana. Alam kong parehas kami ng iniisip.

"Mas maganda ka naman doon sa babae! Nakita ko ng malapitan. Halos lumuwa ang
dibdib doon sa suot. May pampa-parlor lang yon kaya naging kamukha ni Ariana
Grande!" Matabil na sabi ni Tatiana, halatang nagngingitngit din sa inis. Hindi ako
kumibo. Napabuntong hininga si Tatiana.

"Patricia Crisostomo ang pangalan. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang
nagpareserve ng table nila, nakita ko na lang doon sa list na binigay sa akin ng
marketing." Malungkot na lahad ni Tatiana sa tonong may simpatiya.

Tumango ako at tipid na ngumiti kay Tatiana. Tinapik ko ang balikat nya, hindi ko
na kayang magsalita dahil baka pag ginawa ko ay lalo lang akong maluha.

Lumabas ako doon sa headquarters ng restaurant. Sinalubong ko ang mainit na hangin


sa labas. It's nearly summer. Ibig sabihin hihinto na naman ako sa pag-aaral sa
susunod na semestre, at si Deuce ay magsisimula na sa kanyang review sa Bar exam.
Where he would meet alot of people that fits in his world. Hindi na nya ako
kailangan pagtiisan.

"Aw!" Naramdaman ko na lang ang pagbunggo ko sa isang balikat.

Nagulat ako ng makita ko ng harapan ang babaeng kasama ni Deuce. Kung maganda na
siya sa paningin ko noong malayo sya, mas nag-uumapaw sya ngayon sa ganda. Her eyes
is deep and expressive. Her cheekbones is perfectly chiseled and she got plump
lips. Bahagyang nakataas ang kilay nya sa akin at hinahaplos ang bahagi ng balikat
nyang tumama sa aking katawan.

"S-sorry Ma'am." Dumako ang mata ko sa kamay ni Deuce na nasa bewang ng babae.

"It's okay." Padabog na sabi ng babae.

Hindi na sana ako titingin pa pero hindi ko maiwasan ang mapatingin kay Deuce na
nakatulala lang sa akin.

"Una na ako Ma'am, Sir." Yumuko ako at mabilis na naglakad papalayo. Napakapit ako
sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung saan ako
susuot. Kahit alam ko namang hindi ako hahabulin ni Deuce, gusto ko pa din magtago.
Sumakay ako sa taxi na nakita ko kahit hindi naman ito ang normal na sinasakyan ko.
I just want a quick escape from the pain.

Sunod sunod ang pagtunog ng cellphone ko habang nasa byahe ako. Pinatay ko iyon.
Paulit ulit kong pinapatay ang tawag pero hindi din tumigil si Deuce.

Deuce: Babe, nasaan ka? Mag-usap tayo. Magpapaliwanag ako.

Magpapaliwanag.

Mas lalong sumakit ang puso ko. Alam kong kapag nagpaliwanag sya ay mapapaniwala na
naman ako. Tumatak sa isip ko that he never lied. He must be all things but he
never lied. Sa lahat ng nangyari sa buhay ko sya lang ang totoo pero ngayon ay
hindi na.

Pinatay ko ang cellphone ko at pumasok ako sa madilim eskinita patungo sa aming


bahay. Hindi

pa din umuuwi si Nanay. Ipinagpasalamat ko na iyon. Dumiretso ako sa maliit kong


kwarto at tahimik na umiyak.

--------------------------------------

"Baby please.. Answer the phone." Hindi ako mapakali. T*ngina galit sa akin si
Raeven. Gusto ko syang puntahan pero hindi naman nya sinasabi kung saan sya
nakatira. Noong minsang pinilit ko sya nagalit sya sa akin. Nakuntento na kaming
dalawa sa mundong mayroon kami. Everything else won't matter, dahil kapag may
pumasok na iba, paniguradong magugulo na. At yon ang iniiwasan kong mangyari.

Nag-aalala ako. Napakaganda nya kanina. Paano sya nakauwi? Delikado para sa kanya
ang maglakad mag-isa na ganon ang ayos. Hindi ko pa sya nakikitang nakadress,
kanina lang and she looks perfect. Yon ang kinakatakutan kong mangyari, ang
madiskubre nya sa kanyang sarili kung paano pa sya mas magiging maganda higit pa sa
ngayon.

I should have thought about that set-up. Sana ay iniwanan ko na lang si Patricia.
Bahala na kung mapahiya si Daddy pero hindi ko ginawa. Naapektuhan pa tuloy si
Raeven sa katangahan ko.

Wala ako halos tulog kinaumagahan. Sinubukan kong tawagan si Raeven pero patay na
ang kanyang cellphone. Bumangon ako hindi para pumasok. Magpupunta ako sa school
nya, kung kailangan ko yong halughugin, gagawin ko para makausap sya. Pucha handa
akong lumuhod sa harapan nya mapatawad nya lang ako. Naninikip ang dibdib ko at
hindi ako mapalagay. In no time nakarating agad ako sa school ni Raeven kahit
nangangalumata pa ako dahil sa antok.

"Ma'am, hihingin ko po sana ang schedule ni Raeven ngayong araw." Tinaasan

ako ng kilay ng nasa school registrar. Nag-isip agad ako ng idadahilan.

"Kasi po yung Nanay nya dinala ko sa ospital, kailangan ko po talaga syang


makausap." Pagsisinungaling ko.

"Sandali lang." Tumalikod ang babae at pagbalik nya ay may hawak na papel.

"Raeven Frances Mendoza, Third Year BSED. Mayroon syang klase sa English III
ngayon. Doon sa Language Building room 403. Ito ang iba pa nyang schedule."
Halos mapatalon ako sa tuwa ng bigyan ako ng kopya ng schedule ni Raeven pero
nabigo ako ng hindi ko sya makita sa classroom na nabanggit.

"Hindi sya pumasok ngayon eh." Kibit balikat na sabi sa akin ng kaklase ni Raeven.
Maghapon akong nanatili sa school nya pero hindi ko man lang nakita ang anino nya.
Pumunta ako sa restaurant ni Ate Atasha para magbaka sakali pero si Tatiana lang
ang nakita ko doon.

"Wala. Hindi ko din macontact." Sabi sa akin ni Tatiana. Pagkatapos non ay


tumalikod na sya.

"Tat.." Tawag ko sa kanya. She gave me a death glare, alam kong iniisip nya na
niloloko ko ang kaibigan nya.

"Alam mo Deuce, botong boto ako sayo dahil kahit ganyan ang estado mo, minahal mo
ang kaibigan ko. Pero abogado ka ngang talaga, magaling ka magtago ng katotohanan.
Ikaw ang perfect leading man doon sa mainit na issue ngayon."

"Anong issue?"

"Ano pa eh di walang forever!" Tatiana rolled her eyes pagkatapos ay naglakad na


papatalikod sa akin.

Hindi ako naniniwala. Mayroon kaming forever ni Raeven. Para sa akin ay sya lang.
If the destiny will disapprove it, I will find a way.

Raeven:

Mag-usap tayo sa park.

My heart flutter with her message.

Pagkatapos ng mahabang araw ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya. Nagpunta


ako sa sinabing lugar ni Raeven. Paano ko ba makakalimutan, sa lugar na iyon nya
ako sinagot. Pinapapunta nya ako sa park. Ang mahalagang lugar para sa amin.

Nandoon na sya ng datnan ko. Malungkot syang nakaupo sa swing na nakapwesto kung
saan nya ako mismo sinagot. She's slowly swinging herself in the swing. I can't
help but to notice how beautiful she is. She's in her skinny black jeans and purple
scoop shirt. Hinahangin ang mahaba nyang buhok. She's very simple pero napakaganda.

"Babe. Nag-alala ako ng husto." Humawak ako sa siko nya pero inilayo nya ang
kanyang sarili sa akin.

"Si Daddy ang kameet ko kagabi. Nagulat na lang ako na nandoon si Patricia. Babe, I
swear, wala akong kinalaman doon." I sounded pleading but I don't care. Ang
importante ay makinig sya.

"At ang pagsisinungaling mo?" Tiningan nya ako and I can see how hurt she is.

"Dahil ayaw kitang masaktan! Babe, anak ng business partner ni Daddy si Patricia, I
can't just leave her. Being polite is the least that I could do dahil hindi ko sya
magugustuhan. Ikaw ang tumatakbo sa utak ko buong paguusap namin. Ikaw, Babe. Im
sorry."

Umiling sya, nanginig ang mapupula nyang labi.


"Pero nasaktan mo na ako. And it's all what it takes for me to realize na hindi
tayo bagay Deuce. Kahit anong pagsisikap ko para abutin ka, hindi ako. Hindi ko
kaya."

"No, no. Don't say that." Pakiusap ko. "Hindi naman importante yon. Hindi ko
kailangan na maging kapantay mo ako because you know what? You are better than me.
Raeven you are better than me. Bukas. Tama bukas ipapakilala kita kay Daddy para
tigilan na nya ako sa pagtutulak sa akin kay Patricia. Please, Babe. Makinig ka
naman sa akin." Halos magkanda buhol buhol ang mga salita. Hindi ko alam kung anong
tamang sabihin para makinig sya.

Hindi nya ako tiningnan at bawat segundo ng panlalamig nya, nahihirapan ako.
Pakiramdam ko bibitayin ako.

"Deuce, let's end this here." Malungkot nyang sabi.

Hindi ako nakapagsalita. I balled my hands into fist and my jaw tightened.

Naknamputa isang pagkakamali ko lang. Bakit ganito? Ganito lang ba kadali sa kanya
ang halos dalawang taon? Tatapusin dito? Gusto ko syang sigawan, gusto kong magalit
sa kanya, gusto ko syang sumbatan kung bakit ganito sya kabilis sumuko pero sa
kabila ng nasa isip ko, natagpuan ko ang sarili kong nakaluhod sa harap nya. I can
even feel my tears flowing freely.

"Im sorry, Baby. Patawarin mo na ako. Hinding hindi na ako magkakamali ulit.
Gagamitin ko na ang utak ko. Patawarin mo na ako."

I said that letting all my pride and ego sink. I cannot let this girl go. Not
today, not in a lifetime.

=================

Kabanata 7

Wedding.

xxRAEVENxx
"Deuce hindi. Hindi mo ba nakikita? Hindi natin maaring ipagpatuloy to dahil isang
taon na lang magiging abogado ka na. At ako? Waitress, estudyante na hindi
makapagtapos." Pinalis ko ang luha ko. Now I see the hole. Mas lalong lalaki ang
butas kapag nanatili kaming dalawa.

"Hindi.. Hindi Raeven. Hindi ganon. Kailangan ba hindi ako maging abogado para
bagay tayo? Sige! Hindi na. Hindi na ako papasok. Please, Baby." Humihikbi si Deuce
at mahigpit akong niyakap mula sa pagkakaluhod nya kanina.

"Mahal na mahal kita. Di ba sinabi ko sayo na mahal na mahal kita? Hindi mo ako
pwedeng iwan. That's why I am trying to be the best because of you, pero kung yun
pala ang magiging dahilan mo para layuan ako, ayoko na. Ayoko na nito." Nabasa ang
balikat ko dahil sa mga luha ni Deuce. Hindi ko na din napigilan ang pagpatak ng
luha ko. Naglaho ang isang magdamag na binuo kong mga salita sa utak ko, I really
want to break up with him last night but I love him too. So much. Lalo na kapag
nagmamakaawa sya ng ganito.

"Pero paano Deuce? Hindi ako magugustuhan ng Daddy mo? At marami pang aayaw. Hindi
tayo bagay."

Umiling si Deuce. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko. His stare became
passionate. Kitang kita ko ang emosyon at pagsusumamo sa kanyang mga mata. How can
I not give in?

"Wala akong pakialam. Wala tayo dapat pakialam. Sa akin lang ang tingin mo Raeven.
Sa akin lang. Hindi kita sasaktan." Pagkasabi non ay nilapit nya ang mukha

nya sa akin ay masuyong hinalikan. I kissed back, letting go all of my inhibitions.


Mabilis nyang pinawi ang sugat at sama ng loob mula sa kagabi.

"Magpakasal tayo ngayon." Bulong nya pagkahiwalay nya sa aking mga labi. My mouth
fell wide open.

"H-ha? Nababaliw ka na ba Deuce?"

"Seryoso ako."

"Itinatanan mo na ba ako?" Tanong ko ulit.

"Ayaw mo ba?"

"Sa tingin mo ba papayag ang Daddy mo?" Balik tanong ko. He just shook his head.

"Di ba sabi ko nga wala tayong pakialam sa kanila? I want to marry you Raeven. I
want an assurance na hindi mo na ako ulit tatakutin ng ganito." Hinawakan nya ng
mahigpit ang kamay ko.

Alam kong nasa tamang edad na kami pero nag-aaalala ako na baka bugso lang ng
damdamin ito. That he just said it because he wanted to ask for my forgiveness.
Pero natagpuan ko na lang ang sarili namin na nakaharap doon sa judge na magkakasal
sa amin. Ninong pala yon ni Deuce at pinsan din ng Mommy nya.

"Sigurado ka Dos?" Tanong nito sa kanya. Pabagsak na umupo sa swivel chair ang
isang may katandaang lalaki. May hawig sya kay Deuce, hindi maipagkakaila sa kabila
ng katandaan ang angkin nitong kagwapuhan.

"Hindi to alam ng Mommy at Daddy mo. Pati ang mga magulang ni--- Ano nga pangalan
mo ulit Hija?"

"Raeven po." Sagot ko.

"Hindi simpleng bagay ang pagpapakasal. Hindi yan parang kanin na kapag napaso ka,
iluluwa mo na lang."

"Tito Dad, I know what I am doing. Isa pa, graduate na ako ng Political Science. Si
Raeven ay isang taon na lang sa kolehiyo.

I am 25 and she's 23."

Sinipat akong muli ng judge. Ngumiti ako ng tipid. Napabuga sya ng hangin at
mayroong tinawagan. Kinakausap pa din nya kami habang ang tenga nya ay nandoon sa
telepono.

"O sya sige. But this beautiful lady deserves a grand wedding. Kung talagang mahal
mo sya ay ihaharap mo sya sa pamilya mo at haharap ka sa pamilya nya. Hindi yung
ganito. I don't know." Nagkibit balikat ang judge bago saglit na inialis ang tingin
sa amin "Barbara. Get their information. Magpapalit lang ako ng damit pra maayos
naman ako and I will call your Tita Mommy para maging witness." Agad na lumapit sa
amin si Barbara na sekretarya ng judge para kunin ang detalye namin ni Deuce.

Wala akong maramdaman pero hindi din tumututol ang kalooban ko. I just prayed that
this won't be a temporary feeling. Dahil sa ngayon, sya ang gusto ko at wala na
akong maisip na dadating pa. I am closing the possibility that I will love this way
again, dahil kahit kailan walang makakapantay sa pagmamahal sa akin ni Deuce.
Mahirap kalabanin si Deuce. He's irreplaceable.

Kami man o hindi sa huli. It will be him. That's it. Dead end ko na sya.

Pinangaralan lang kami ng judge pati na din ng asawa nya. The judge's wife looks so
happy kulang na lang ay maiyak sya. Sya pa nga ang nagbigay ng pares ng singsing sa
amin ni Deuce dahil mayroon pala syang jewelry shop. Regalo na lang daw nya sa amin
basta daw sya ang ninang namin. The judge gave us the go signal to wear the ring.
Minasahe muna ni Deuce ang palad ko habang may naglalarong maliit na ngiti sa
kanyang mga labi.

He's

really a swooner. Gagawin nya ang lahat para lambingin at mapangiti ako.
Nakalimutan ko na nga ang kasalanan nya sa akin kagabi.

"I love you Raeven Frances Mendoza, magagalit ako sayo, pupwedeng mag-aaway tayo
pero lagi mong tatandaan that this ring symbolizes my love for you at akin ka na.
Sayong sayo lang din ako. I promise."

Seryosong seryoso si Deuce sa pagsasabi, I can feel every word at bawat pangako na
kalakip ng salita.

Kinuha ko ang singsing na para kay Deuce.. Nahihiya pa akong magsabi ng vow dahil
lima lang kami sa opisina nung judge. Napalunok ako. Nag-iintay ang masayang mata
ni Deuce sa akin kaya nagsimula na din akong magsalita.

"I love you too Deuce Ageus Montemayor. Whatever odds may be, this won't change."
Tinapat ko sa puso ko ang singsing bago ko isuot sa kanya.

"T*ngina. Kinikilig ako." Deuce laughed and he wiped his tears. Tumawa din ang
judge pati ang asawa nya.

"Okay. I now pronounce you Man and Wife. You may kiss the Bride, Deuce." Hindi pa
tapos magsalita ang juge ay sinunggaban na ni Deuce ng halik ang labi ko.

Natawa ako at pulang pula sa hiya. He's really showy at hindi sya nahihiya kagaya
ko. Pinagbigyan ko na lang sya dahil ang saya saya nya. Inaya kami ni Judge Nick na
doon na maghapunan. Pinaunlakan naman namin sila.

"Yung marriage contract nyo kayo ang magpafile. Hindi naman sa natatakot ako kay
Hades, pero gusto kong pag-isipan nyong mabuti. You know what happened to your Mom
and Dad." Ani Judge Nick habang nagsasalin ng kanin sa plato ng kanyang asawa.

"Sigurado

na po kami." Deuce confidently said. Hindi ako kumibo. Pinakiramdaman ko ang suot
kong singsing. Is this really what Deuce should be doing? Tama ba ito? He should be
busy doing his dreams at ang paghahanap ng asawa ay hindi kasama doon.

Wala sa sariling sumakay ako ng sasakyan ni Deuce matapos naming magpaalam at


magpasalamat kina Judge. Hawak ko sa aking kamay ang marriage contract na kami ang
magrerehistero. I looked at Deuce, mukha syang masaya at pakanta kanta pa. He
really wanted this.

Mabilis lang kaming nakarating sa kanyang condo o hindi ko lang namalayan dahil sa
matinding pag-iisip.

"Bakit tahimik ka?" Tanong ni Deuce na humilig sa balikat ko. Ipinaghahanda ko sya
ng kape dahil magrereview kaming dalawa.

"W-wala. May iniisip lang."

Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Deuce at pinaharap ako sa kanya.

"Tell me." Aniya.

Umiling ako pero mas lalo lang nangulit si Deuce.

"Baby, tell me. Mag-asawa na tayo ngayon kaya kailangan na nating mag-isip bilang
isa."

"Pag sinabi ko ba ang iniisip ko, makikinig ka?" Tanong ko.

"Oo, makikinig ako."

"Sasang-ayon ka?"

"Syempre depende sa sasabihin mo."

I sighed "Ikaw pa din ang masusunod hindi ba?"

"Ano ba kasi yun? Pinag-iisip mo ako."

"Wag muna nating i-file ang marriage contract natin." Pumikit ako at nasabi iyon
kay Deuce.

"A-ano?" Mas lalong nagsalubong ang kilay nya.

"Wag muna nating i-file." Ulit ko.

"Raeven--"

"Deuce, I am saying this

dahil ayokong maramdaman mo na kinailangan mo akong pakasalan dahil mawawala ako.


This shouldn't be a responsibility. Isa pa, hindi pa natin ito nasasabi sa mga
magulang natin."

"Kaya nga hindi natin sinsabi dahil paglalayuin tayo hindi ba?" He pointed out.
Bahagya akong natawa.

"And you are doing this for an escape?" Tanong ko. Hindi sya nakasagot. He remained
silent at tinitigan lang akong mabuti.

Marriage is freedom but it is not an escape from reality.


"Do you love me, Raeven?" Tanong nya pagkalipas ng ilang sandali. Tumango ako ng
walang pag-aalinlangan.

He nodded too and embraced me tightly. "Okay.. Sapat na sa akin yon. Let's prepare
for a big wedding. No buts. Ipapakilala kita kay Daddy at sisiguruhin kong papayag
syang magpakasal tayo."

"Paano mo gagawin yon?"

Nag-iwas sya ng tingin.

"No buts Raeven. By the end of the year, you will be Mrs. Deuce Montemayor."

Hindi ko alam kung papaano, pero magtitiwala ako. I am in the position that I am
left with no choice but to hope and believe that everything will turn out fine
because I love him so much. Kahit lumaki ako sa realidad ng buhay, hindi ko pa din
maiwasan ang mangarap kung si Deuce ang nakataya.

xxDEUCExx

"Attorney!" Nakasanayan na talaga ni Daddy ang tawagin akong ganon. Umuwi talaga
ako ng bahay para kausapin sya ng masinsinan, tulog p si Raeven ng iniwan ko sya sa
condo namin and I want to take the opportunity to do what I have to do.

"Dad, bakit naman

si Patricia ang pinapunta mo sa dinner nung isang araw?" Umupo ako sa sofa na
nakaharap kay Daddy. Itinabi nya ang kanyang libro, at nakangiting hinarap ako.

"Isn't my surprise amazing? Naka-score ka ba anak?" Nakangising tanong ni Dad.

"Anong score? Dad, sinabi ko na sayo noon, may girlfriend na ako."

"You should break up with her then. Walang babae ang babagay sayo kundi si
Patricia, future CPA Lawyer. Anong masama doon?"

"Ang masama hindi ko sya mahal. I am in love with someone else Dad."

"Mawawala din yan." Balewalang sinabi ni Daddy at bumalik ang tingin sa kanyang
libro.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Daddy. Mawawala? Kahit tulog ako ay hindi ko
naisip na mawawala ang pakiramdam kong ito. Sa sobrang tindi nga gusto ko na
ipacheck ang utak ko kung normal pa ba ang takbo. Dalawang taon na akong kinikilig
kay Raeven ah.

"I want to get married Dad." Lakas loob na sabi ko. I want to show Raeven that I
can stand up for her at alam kong kaya ko.

"Saka ka na magdesisyon kapag abogado ka na o di kaya si Patricia Crisostomo ang


pakakasalan mo." Aniya sa mahinahon na boses pero alam kong nagpupuyos na ang galit
sa dibdib nya.

"Dad, I will marry Raeven. Don't make it hard for me. Please."
"I am not making it hard for you. I am actually making things easy for you,
Patricia is a good catch. Ano ba ang tinapos nyang pinagmamalaki mong girlfriend
mo?" Kumunot ang noo ni Dad and his eyes went pitch black.

"She's still studying." I said.

"At ano? Gatasan ka? Ikaw ang nagbibigay sa kanya ng pera?" Nagtiim bagang ako sa
panunuya ng tatay ko sa babaeng mahal ko.

"She's not like that, Dad. Iba si Raeven. Papakasalan ko sya and you will say yes."
Wika ko.

"What if I don't?"

"I will still marry her."

"I'll cut your allowance and your cards, Deuce."

"Then you will never have a son that will become a lawyer." Paninindigan ko.
Pinanliitan ako ng mata ni Daddy.

"You will never do that..." Naiiling na sabi nya. "You will never do that Deuce."

"I will. And I did." Inangat ko ang print out ng registration form ko where I
cancelled all my subjects. Binagsak ko iyon lahat sa lamesa at tumalikod na.
Nanatiling nakatuon doon ang mga mata niya.

Nakakalimang hakbang pa lang ako ng marinig kong magsalita si Daddy.

"Give me a date. When will the wedding happen?" He asked. I inwardly smiled because
I won this time.

MAKI SAY'S: Excited na ako sa climax � Pasilip lang itong Kabanata 1 hanggang dito
(hanggang kabanata 10) sa nangyari kay Deuce at Raeven and the focus of this story
is the same as Whirlwind's timeline, matatagpuan ulit natin ang Dyosa ❤

=================

Kabanata 8

Hindi Kahit Kailan.

xxRAEVENxx

Literal na nangingig ang kamay ko. Alam kong mayaman si Deuce pero hindi ko alam na
ganito kayaman. Sobrang laki ng bahay nila, well hindi ito bahay, mansyon talaga.
"Nervous?" Tipid akong ngumiti kay Deuce, hinaplos nya ang aking likod at umupo sa
arm rest ng inuupuan ko.

"You don't have to. He don't have to like you. Ang importante lang ay pumayag sya
sa kasal natin, and he said yes." Bulong nya sa akin.

Tumango ako kahit alam kong importante din na sumangayon sa aming dalawa ang
kanyang ama. It's not really only about me and Deuce, he's a family, hindi kahit
kailan mababalewala ang opinyon nya.

"Good evening." Napatayo ako bigla sa baritonong boses na nagsalita. Ang boses
nyang yon, kilalang kilala ko pa din. Nagkatinginan kaming dalawa ni Attorney Hades
Montemayor, ako ang unang nagbawi ng tingin pero ng magbalik ako ng tingin, alam
kong nakatingin lang sya sa akin.

Hindi maaring makilala nya pa ako hindi ba? Maliit na tao lang si Papa, imposibleng
makilala nya pa ako na ako yung batang nagmakaawa sa kanya para palayain ang Papa
ko noon.

"Have a seat." Utos nya sa akin. Umupo akong muli sa kinauupuan ko kanina, umupo
naman si Attorney Hades sa aking harapan. Dumako ang mata nya kay Deuce.

"Have you lifted your dropped subjects? Pumapasok ka na ba ulit?" Tanong nito.
Hindi ko maintindihan ang pinaguusapan nila kaya lumingon ako sa kanila.

Tumikhim si Deuce at inakbayan ako.

"Yes Dad, the wedding will happen next month. March 6. That's our second year
anniversary." Sabi ni Deuce. Binanggit na nya sa akin yon kagabi, sumang-ayon naman
ako sa petsa.

"That fast?" May himig ng pagkadismaya si Attorney Hades.

"Dad, tapos na ako sa Law School by March, I will just review. Gusto ko habang
nagrereview ako ay wala na akong iniisip. I want to tie the knot with my girl
before I top the Bar." Gumapang ang mga kamay ni Deuce sa akin, napanatag ako ng
husto. I smiled at him and he smiled back. I really hope we are doing it right.

"Alright then.."

Ang mga lumipas na araw ay sadyang mabibilis. Isang ready to wear gown ang napili
kong suotin, pero hindi pumayag si Deuce na basta basta lang iyon. He made sure na
branded ang lahat ng aking gagamitin mula ulo hanggang paa.

Hindi na din ako halos umuuwi kay Nanay. Wala syang kaide-ideya sa magaganap na
kasalan. Ilang beses na akong pinilit ni Deuce na ipakilala sya kay Nanay pero
nagdadahilan na lang ako na nas probinsya ang stepmother ko. He didn't insist.
Ganoon naman sya, wala syang pakialam sa kahit sino bukod sa akin. Tumingin ako sa
kalendaryo na nakasabit sa condo ni Deuce at bahagyang napangiti. Isang linggo na
lang pala ang hihintayin sa nakatakda naming kasal, this time, it's for real.
Siguro naman kung magbabago ang isip ni Deuce tungkol sa akin ay tatlong linggo na
nyang napagtanto.

**Kring **Kring

Isang unknown number ang nagflash sa screen

ng cellphone ko. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nagsalita na ang nasa kabilang
linya.

"Raeven Frances Mendoza, this is Hades. Nasa baba ako ng condominium nyo. I want to
talk." Nanlamig ang aking mga palad sa boses nyang iyon. Hindi nya ako kinausap
noong pinakilala ako sa kanya ni Deuce, halata ang disgusto sa kanya but Deuce is
really persistent, iniimpluwensiyahan nya akong wag pansinin ang mga ganoong bagay
at sa kanya lang tumingin.

Nagbihis ako ng simpleng bestida at bumaba na ng condo unit. I saw Attorney Hades
comfortably sitting in the condominium's lobby. Tumayo sya at nauna syang maglakad
kaysa sa akin nang makita ako, sumunod naman ako sa kanya.

"Sakay." He ordered. Tumapat sa amin ang isang itim na BMW at pinasakay nya ako sa
likod, doon naman sya sa tabi ng driver umupo. Bawat segundong lumilipas
kinakabahan ako dahil pamilyar ang binabaybay naming daan. Hindi na ako nagtaka
kung bakit nya nalaman ang lugar kung saan ako nakatira.

Ako ang naunang bumaba nung huminto ang sasakyan, naglakad ako patungo sa bahay
namin. Laking gulat ko ng pumasok ako, nakangiti sa akin si Nanay. Sa palibot nya
ay malalaking maleta at halos lahat ng gamit namin sa bahay ay nakalagay na sa
kahon.

"Raeven! Kanina pa kita iniintay! Halika na at uuwi na tayo sa probinsya ni


Romualdo. Nagsabi na ako sa mga tiyahin mo na doon ka muna---"

"Anong ginagawa nyo?" Tanong ko sa boses na naiinis. Kinuyom ko ang mga palad ko
dahil sa pagpipigil na sigawan sya. Ilang ulit kong kinalma ang sarili ko at
pinaalalang

matanda ang aking kaharap.

"I paid your mother. Umalis na kayo at magpakalayo layo." Mula sa likuran ay
narinig ko si Attorney Hades. Hindi sya tuluyang pumasok.

"Hindi ko sya Nanay." Matigas na sabi ko. Isang malakas na sampal ang tumama sa
pisngi ko.
"Hindi kita Nanay!" Ulit ko, pero mas malakas na sampal ang binigay sa akin ng
madrasta ko.

"Pasensya na Sir, napakatigas talaga ng ulo ng batang ito." Ngumiti naman si Nanay
kay Attorney Hades at halos matakpan na ang kanyang mukha dahil sa sobrang
pagkakayuko.

"Okay lang Elena. Hindi na ako magtataka kung wala syang modo. Lumaki syang walang
tatay-"

"Kasalanan mo kung bakit ako nawalan ng tatay." Mariin kong sabi. Humarap ako kay
Attorney Hades. I am ready to put up a fight kung idadamay nya si Papa sa usapan.
His face remained blank.

"Kilala mo ako hindi ba? Kilala mo ako. Ako ang anak ng taong ipinakulong mo kahit
walang kasalanan." Puno ng hinanakit na sabi ko. Attorney Hades started stepping
inside our small house. Pinagpagan pa nya ang suot nyang amerikana sa aking
harapan.

"Well, it's not my fault if I am really great." Sabi nya ng hindi tumitingin sa
akin.

"Pero namatay sya! Namatay ang tatay ko sa loob ng kulungan kahit wala syang
kasalanan!" Lumuluhang sabi ko.

"Hija, that's out of my hands. Hindi ko naman pinapatay ang tatay mo. Hindi din ako
ang nagsampa ng kaso sa kanya. No matter how you hate me, hindi ko kasalanan, I am
just doing my job as a lawyer. And now, I am doing

my job as a father. Let go of my son. Alam kong may galit ka sa akin." Kalmado
nyang sabi.

"Labas si Deuce dito." Sabi ko.

"You can deny the fact, Raeven pero hindi ako magpapaloko sayo. You will break my
son at some point at habang hindi pa huli ang lahat, umalis ka na. Hindi ko
hahayaang saktan mo sya dahil gusto mong gumanti."

"Isoli mo na ang pera, Nay." Imbes na sagutin ang paratang nya sa akin ay yun ang
sinabi ko.

"Hindi ko tatanggapin." Wika ni Attorney Hades.

"Wala akong kinalaman sa pera na yan dahil hindi ako ang tumanggap. Makakaalis na
kayo." Sagot ko.
"Iwanan mo muna kami Elena." Sa akin nakatingin si Attorney Hades habang inuutusan
nya ang madrasta ko. Mabilis pa sa alas kuwatro ay umalis na si Nanay at lumabas ng
bahay. Alam kong walang balak isaoli ni Nanay ang pera kaya pabor sa kanya ang
paglabas ng bahay.

"You are tougher than I thought." May panunuya si Attorney Hades sa kanyang salita.
Hindi ako kumibo, hinayaan ko lang na sipatin nya ako mula ulo hanggang paa.

"Okay." May kinuha sya na puting sobre sa bulsa ng Amerikana nya. Inabot nya sa
akin ang laman nito.

A picture.

"Sya si Ysobelle." Tinitigan ko ang litrato ng isang teenager na babae ang nandoon.
Masaya ang kanyang ngiti at may naalala ako agad sa ngiti nyang yon.

Si Mama.

"16 years old. At kapatid mo." Natigilan ako sa sinabi ni Attorney Hades. Hindi.
Imposible. Nung anim na taong gulang ako, naalala

kong nabuntis si Mama hanggang sa makapanganak sya pero hindi ko nakilala ang
sinasabi nilang kapatid ko, wala silang inuwing sanggol. Sabi nila namatay daw
dahil mayroong cancer si Mama kaya mahina ang bata.

"I-impossible."

"Inampon ng mag-asawang doctor na nagpaanak sa Mama mo si Ysobelle dahil sa


congenital heart disease, but unfortunately, the couple died in a plane crash last
year. Nagkataon na may mga ganid na kapatid, they threw your sister out of the
house. Ngayon ay nasa ampunan sya at walang nag-aalaga." Hindi ko maintindihan kung
bakit kahit hindi ko nakilala ang bata sa litrato, naiyak na lang ako sa kalagayan
nya.

"I am giving you a chance to see her. Alam ko kung nasaan sya." Kapagkuwan ay
sinabi ni Attorney Hades sa akin.

"You really do your research very well Attorney Montemayor." Tangi kong nasabi.

"Of course, kapakanan ng anak ko ang nakataya dito. Now tell me, Raeven, gusto mo
bang malaman kung nasaan sya?"

"What's the catch?" Sagot ko.


"Maliit na bagay lang naman ang hihilingin ko sayo. Layuan mo ang anak ko. You
don't know what I am capable of. Tinaggap ng madrasta mo ang pera kapalit ng
kalayaan ng anak ko at kaya ko kayong kasuhan ng extortion kung hindi kayo tutupad
sa usapan. O di kaya, paulit ulit kong ilalayo ang kapatid mo hanggang hindi mo na
sya makita hanggang sa huling hininga nya."

"Wala kang kasing sama!" Tumulo na lang ng kusa ang luha ko. Hindi ko alam kung
anong gagawin ko. Kapag naiisip kong mag-isa ang kapatid ko

sa ampunan at mayroong sakit, hindi ko maatim na mamuhay sa kumportableng buhay na


inaalay ni Deuce. If I will choose to be with Deuce, alam kong gagawin lahat ni
Attorney Hades para hindi ko makita ang kapatid ko.

"Lalayo ako, kapag nakapag-exam na si Deuce ng Bar." Humihikbing sabi ko.

"At ano? Maikakasal kayo at magkakaroon ka ng karapatan sa yaman nya? Lumayo ka na


ngayon!"

"Anong klase kang ama!" Sigaw ko.

"I am just protecting my son from you. Alam ko ang tipo mo, ginagamit ang mukha at
katawan para makakuha ng pera, and worst, gusto mo akong gantihan. Sasaktan mo ang
anak ko!"

"You are asking me to hurt him!" Sagot ko pabalik.

"He can take it! Saktan mo sya hangga't may natitira pa sa kanya. I am giving you
three days. Kapag hindi ako nakatanggap ng tawag mula sayo, ibig sabihin ay
tinatanggihan mo ang kapatid mo." Pagkasabi non ay umalis na sya at nilisan ako.
Inantay kong bumalik si Nanay pero hindi na nya ginawa. Talagang aalis sya kasama
ang pera.

Wala sa sariling bumalik ako sa condo ni Deuce. Wala pa sya noong dumating ako, I
started to keep myself busy. Pinalis ko ang luha ko habang naghahanda ako ng
pinakbet na ipapakain ko sa kanya sa dinner. Naninikip ng husto ang dibdib ko,
pakiramdam ko ay binibilangan ko ang aking sarili sa mga huling sandali na
makakasama ko sya.

"Hi Baby!" Dumungaw muna si Deuce sa pintuan bago tuluyang pumasok. Ngumiti ako ng
tipid, kumunot ang noo ko ng makita syang may bitbit na bouquet ng bulaklak. Halos

kalahati ng katawan nya ay matakpan na dahil sa sobrang laki non.

"Para sa pinakamaganda, at pinakamaasikasong babaeng nakilala ko." He said as he


kissed me in the forehead.

"Ang galing mong mambola." Bahagya ko syang kinurot sa tagiliran. Umiling sya.
"Liligawan ko ang mapapangasawa ko araw araw. Ang swerte mo sa akin." Kumindat pa
sya sa akin kaya bahagya akong natawa.

"Kumain ka na." Nilagay ko muna sa vase ang mga bulaklak na binigay sa akin ni
Deuce at dinaluhan sya sa lamesa. He's just staring at me the whole time.

"This is so peaceful." Sabi nya pagkatapos hulihin ang kamay ko mula sa paglalagay
ng kanin sa kanyang plato.

"Huh?"

"I want us to stay like this forever, Rae. Uuwi ako galing sa trabaho tapos
papakainin mo ako ng gulay. Tapos irereview mo ako-"

"Hoy wag mo sabihing may balak kang magreview habangbuhay Deuce! Gusto ko pumasa
ka. Ipasa mo ang Bar exam para sa sarili mo." Tinulak ko ang kanyang noo. Ngumiti
sya.

"Para sa atin, Babe. Ipapasa ko para sa atin." Pagtatama nya.

Napayuko ako. Sasaktan ko sya sa susunod na araw. Magagawa pa ba nyang ipasa ang
Bar?

"Hey, umiiyak ka? Natouch ka ba sa sinabi ko? Alam mo namang ganoon lang ako
magsalita." Hindi ko namalayan na naiyak pa pala ako habang nag-iisip.

Umiling ako, "I just want you to be the best lawyer Deuce. Hindi dahil sa akin
kundi dahil gusto mo. Para sa sarili mo. You have to dream on your own and reach
for your dreams because you are capable of anything, hindi habang buhay nandito
ako." I said. Pinalis ni Deuce ang luha ko.

"Hindi habang buhay? Pwede ba yung ganon? Asawa nga kita eh. Ibig sabihin wala ka
ng takas." He chuckled. Hinaplos ko ang mukha nya at kinabisado ko iyon ng husto.

"I love you Deuce, kahit anong mangyari. Tatandaan mo na mahal na mahal kita. Ikaw
lang."

He nodded like a kid being promised of something special. It ripped my heart seeing
how happy he is.

I will break him. I will break this guy who know nothing but to love me honestly.

Alam kong sa mga susunod na araw kamumuhian na nya ako, pero habangbuhay kong
dadalhin ang alaala ng Deuce na minahal ko at minahal ako ng husto.
And someday, I hope that I can ask for his forgiveness.

Siguro sa panahong yon, hindi na ako.

May iba na sya at masasaktan ako.

Isang huling sulyap ang ginawa ko sa lalaking mahal ko habang tahimik syang
natutulog ng gabing yon. I kissed him on the cheeks, mayroong butil ng luha ang
nalaglag sa kanyang pisngi. Hindi na ako nag-abalang punasan iyon. Tinakpan ko ang
bibig ko at impit na umiyak. Tumayo ako at kinuha ang backpack na may kakaunting
gamit ko.

"Paalis na po ako. Nasaan na ang kapatid ko?" Bulong ko sa telepono. I looked at


him again before I close the door behind me.

Hindi pa ngayon, Deuce.

Hindi siguro kahit kailan.

=================

Kabanata 9

Im Sorry.

xxRAEVENxx

"Bukas ay araw na ng kasal nyo." Malamig na sabi sa akin ni Attorney Hades


pagkasakay ko ng sasakyan. "Pasalamat ka at binigyan pa kita ng isang linggo na
makasama sya." He continues. Tumango ako.

"Dalhin nyo na ako sa kapatid ko." Sabi ko.

"We will get there. Gusto ko lang magkaliwanagan tayo Raeven. Hindi ka maaring
magpakita kay Deuce, I can bring you to hell if you will do it. Kayo ng kapatid
mo."

"Hindi kayo magkakaproblema sa akin." Pinalis ko ang luha na pumatak sa akin at


ramdam ko ang pagpiga ng puso ko. Tiningnan ko ang condominium kung saan ko iiwan
si Deuce. Hindi ko alam kung paano nya pa ako mapapatawad.

Tiniyak ni Attorney Hades na magiging malayo ako kay Deuce kaya ang driver nya
mismo ang naghatid sa akin.

Madaling araw ang naging byahe ko patungo sa kung saan. Matapos ang ilang oras,
tumapat ang sasakyan sa isang malaking gate, mula doon sa labas ay matatanaw ang
nakakaengganyong garden na natataman ng pagsikat ng araw. Sumagi sa utak ko si
Deuce, Siguro sa mga panahong ito, gising na siya at hinahanap ako.

Inalis ko ang nararamdamang panghihinayang at pagkabigo. Kailangan kong magfocus sa


kapatid ko, kailangan ko syang mailabas sa ampunan at maninirahan kaming malayo sa
gulo. Attorney Hades even offered money pero tinanggihan ko iyon. Pinagtawanan
lamang nya ako.

Kumbento, dito ipinatapon ng pamilya nya ang kapatid ko. Nawala din naman

ang pag-aalala ko sa kalagayan nya ng makausap ko ang Mother Superior na tumanggap


kay Ysobelle, mukha syang mabait.

"Belle." Nakasunod ako sa kay Sister Amy na nautusan ni Mother Superior para dalhin
ako sa kapatid ko.

"Hi Sister Amy!" Isang magandang babae ang lumingon at ngumiti sa direksyon namin.
She looks exactly like me, kulay abo din ang kanyang mga mata. Ngunit kabaligtaran
ng naiimagine ko na mahina sya at may sakit, she looked vibrant and full of life.

"OH MY GOSH! AS IN OMG! Ikaw na ba yan Ate?" Nanlalaki ang mata nya at patalon
talon pang naglakad patungo sa akin.

"Belle, wag masyadong malikot!" Suway ng madre kay Ysobelle.

"This is my sister, Sister! Taray ang ganda!" Hinawi ni Ysobelle ang buhok ko,
halos kasingtangkad ko na sya at dalagang dalaga na.

"K-kilala mo ako?" Nagtatakang tanong ko.

"Of course golf course! May isang prophet ang nagsabi na darating ka daw." Masaya
nyang kwento.

"P-prophet?" Kumunot ang noo ko.

"Joke! Masyado kang serious! Sabi ni Tito Hades darating ka daw today para sunduin
ako." Maarteng sabi ni Ysobelle.
"T-tito Hades? So kilala mo sya?" Lalo akong nagulahan.

"Oo naman! Kapatid sya ni Mommy. Yung nag-ampon sa akin." Kwento nya pa. Kung gayon
ay malapit lang si Attprney Hades kay Ysobelle noon pa man? Nawala ang aking
iniisip ng hawiin ni Ysobelle ang kanyang buhok at nakangiting humarap kay Sister
Amy.

"But anyway, all my bags are

packed, Im ready to go." Pinagmasdan ko syang maglakad patungo sa kama nya at may
kinuha doong malaking maleta.

"So Sister Amy, I really hate to say this but I am leaving." Sabi nya pagkatapat sa
madre na kasama ko. Kung makipag-usap sya sa madre ay parang kaibigan nya lang.

"Ikaw talagang bata ka! Hindi ko pa nakakausap ang kapatid mo, masyado kang
excited." Napailing na lang si Sister Amy kay Ysobelle. "Maiwan ka muna dyan at may
ibibilin lang ako sa kanya."

"Tsk, ito talaga si Sister, pag-aalalahin mo pa ang Ate ko eh. Baka matakot yan at
hindi na ako kunin." Inakbayan ni Ysobelle si Sister Amy at hinalikan sa pisngi,
tumawa lang ang madre.

"Hindi mo ako makukuha sa paglalambing mong bata ka! Kakausapin ko pa din ang
kapatid mo." Naglakad na si Sister Amy papalabas ng silid ni Ysobelle at hinila nya
ako.

"Pagpasensyahan mo na ang batang yon. Makulit talaga at isip bata. Napakamasayahin,


lahat ay kaibigan nya." Ngumiti lang ako at tumango. Maayos syang napalaki ng nag-
ampon sa kanya, mabuti naman kung ganon.

"Hindi naman alagain ang kundisyon ni Belle. Mayroon syang gamot na iniinom para
hindi na umatake ang sakit nya sa puso. She takes a good care of herself, ayaw nya
kasing mayroong nag-aalala sa kanya at hindi sya tinuturing na normal. Naalala ko
nga noong unang dinala yan dito ng mga kapatid nya, she's smiling at nagpasalamat
pa ng husto sa mga taong nang-iwan sa kanya. Sabi nya nga, maswerte sya sa
pamilyang napuntahan nya dahil inalagaan sya ng mga ito kahit may sakit sya." I
smiled

with the thought. I am proud of her.

"Lagi mo lang syang pipilitin na mag-light exercise. Tanghali kasing gumising ang
batang yan. Yung pamangkin kong doktora ang tumitingin sa kanyang kalagayan ngayon.
Sya din ang nagbibigay ng gamot."

"Talaga po? Maraming salamat." Singit ko.

"Naku, kaibigan na kasi ni Ysobelle yon, napamahal na din ang pamangkin ko kay
Ysobelle. Kaya sana, wag kayong lumayo sa bayan na ito para madadalaw pa din namin
sya at matitingan sya ni Phen, ang pamangkin ko. Mamaya ay ayain mo si Ysobelle
doon para maipakilala ka nya. Magbibigay yon ng gamot kay Belle. Teka, mayroon ba
kayong matutuluyan?"

Nahihiya man akong sabihin na wala, pero parang mahirap magsinungaling sa isang
madre. Nasa kumbento pa naman kami.

"Maraming matutuluyan dito sa Tagaytay, pero sa tingin ko mas makakabuting kay Phen
na lang kayo tumuloy." Suhestyon nya.

"N-naku, hindi na ho. Nakakahiya po dahil inaalagaan nya na si Ysobelle tapos


makikituloy pa kami." Hinawakan ni Sister Amy ang kamay ko ng mahigpit at nginitian
ako.

"Lumaki si Phen sa kumbento, naulila sya ng kapatid ko. Kaya alam nya ang
pakiramdam ng walang matutuluyan. Tutulungan kayo non. Teka, ang mabuti pa ay
tatawagan ko lang." Iniwanan ako ni Sister Amy at pumasok sa isa sa mga pintuan
doon.

Naglakad lakad ako sa ampunan, nakita ko ang masasayang batang nagtatawanan at


naglalaro. Kung siguro napunta na lang din ako sa ampunan simula ng mawala si Papa,
mas naging masaya talaga ako.

"Ang

lungkot naman ng mukha mo, Ate. Smile ka lang. Mas bagay sayo." Sumulpot sa harapan
ko si Ysobelle at malapad na nakangiti. Nahawa na din tuloy ako sa pagngiti nya.

"Sabi ni Sister kay Sissy Phen daw tayo titira?" Excited ang boses ni Ysobelle,
mukhang close nga sila nung tinutukoy na pamangkin ni Sister Amy. "Mabait yon Ate,
saka bagets. Hahawaan ka namin ng kakikayan."

"Hindi ba ako kikay?" Nakangiting tanong ko.

"Ang manang mo kaya!" Humalakhak si Ysobelle. Nakitawa din ako sa kanya.

"Hello Philippines! And Hello World!" Isang malakas na boses ang nakakuha ng
atensyon namin ni Ysobelle.

"Ate Phen!" She almost jumped for joy ng makita ang isang babaeng nakaputi pero
nakasuot ng pink na headband at sandals. She's a big boned woman pero maamo ang
mukha. Sya pala ang tinutukoy napamangkin ni Sister Amy.

"Hello! Hi! Ay ikaw ba ang Ate ng babaitang ito? Ikaw si Raeven? Hala, tingnan mo
nga naman. Gwapa ka gyud!"
Ngumiti ako pero hindi ko naintindihan ang huli nyang sinabi.

"Maganda ka daw." Bulong ni Ysobelle. "Nag-aaral kasing mag-bisaya ito si Ate Phen
kasi yung crush nya na pasyente, Cebuano, so sya ang nag-aadjust."

"Ay naku, chinismis mo naman ako kaagad sa Ate mo, baka sabihin nanghaharass ako ng
pasyente ko!" Reklamo ng doktora.

"Hindi ba?"

"Minsan!"

Puno ng ingay ang sasakyan ni Phen habang nagmamaneho sya papauwi sa kanila.
Kumakanta ng maiingay na kanta si Ysobelle at Phen. Lagi

daw silang nagda-drive sa Tagaytay kapag walang pasyente si Phen.

"Ikaw Raeven? Nalibot mo na ba ang Tagaytay?" Ngumiti ako at umiling sa tanong ni


Phen. Bumaling naman si Phen kay Ysobelle at pinanliitan ng mata ang kapatid ko.

"Ang tahimik ng Ate mo! Sigurado ka bang hindi sya poser?" Humalakhak si Phen kaya
natawa din ako.

"Ikaw naman, baka may pinagdadaanan lang..." Pagtatanggol sa akin ni Ysobelle.

"PInagdadaanan? Alam ko ang sagot dyan!" Nagkindatan si Ysobelle at Phen nang


magkatinginan pagkatapos ay inilipat nila ang mga tingin nila sa akin. Ngumisi
silang dalawa na parang may gagawing hindi maganda.

"Hindi ako umiinom!" Sabi ko.


-----

"Ayun nga... Hindi ko naman kasi sya iiwan kaya lang minsan, hindi lang kayo meant
to be..." Suminok ako at ramdam na ramdam ko ang pamumungay ng mga mata ko. Hindi
ko alam kung pang-ilang bote na ito pero nandito pa din, masakit pa din. Namimiss
ko pa din si Deuce.

Pati ata ang sakit na nararamdaman ni Deuce, sinama ko sa akin. I wish I could talk
to him pero hindi maari, isinuko ko kay Attorney Hades ang cellphone ko bago kami
magkahiwalay.

"Ah, alam ko yan... Hindi meant to be. Hala, grabe beh, si Cholo, yung ex ko, nung
nalaman nyang sa kumbento ako lumaki, hindi na ako tinext! Akala nya kasi hindi sya
makakaiscore sa akin. Yan tuloy kay Bonbon ko naibigay yung virginity ko. Yung
secretary ko sa clinic." Humagikgik si Phen, pulang pula na sya at halatang halata
na lasing na.

"Boyfriend mo yun?" Nakuha ko pang

itanong.

"Gaga, hindi, secretary ko lang." She giggled. "Sinarhan namin yung clinic tapos
ayun na. "

"Ay grabe, Ate Phen! 16 pa lang ako, kung ano ano na ang pinaririnig mo." Reklamo
ni Ysobelle habang umiinom sya ng kanyang juice.

"Oo nga! Baby girl ka pa lang. Basta kapag inaya ka ni Mico sa madidilim na lugar,
wag kang sasama. Kilala mo ba si Mico, Rae? Ayang kapatid mo, may boyfriend na!
Kaklase nya pa."

Nanlaki ang kaninang nanliliit na mata ko. "Ang bata mo pa Ysobelle!"

"Ano ka ba, Ate Raeven, YOLO! Pag masyado mong iniiisip ang mga bagay bagay, hindi
ka magiging masaya. Just fall in love without thinking that you will be hurt."

"Tomoohhhh!" Humalakhak si Phen pagkatapos ay sumalampak na sa lamesa.


Nagkatinginan kami ni Ysobelle. Tulog na si Phen. Mabuti na lang at kapitbahay lang
nya ang bar na pinuntahan namin kaya hindi kami nahirapan ni Ysobelle na bitbitin
sya.

"Dito Ate.. Dito ang kwarto ni Ate Phen. Tapos tayo, dito tayo sa kabila matutulog.
Punta ka na don, ako na ang bahala kay Ate Phen." Sabi ni Ysobelle, dumiretso sya
doon sa cabinet sa silid ni Phen at kumuha ng malinis na damit.

"Tutulungan na kita." Alok ko.

Tinitigan ako ni Ysobelle na parang hindi makapaniwala pagkatapos ay tinusok ang


tagiliran ko, "Oy si Ate, ang tibay. Wala pang amats?" Panunukso nya. Nagtataka din
ako kung bakit hindi ako tinablan ng sobra sobrang alak na nainom ko kahit unang
beses kong uminom. Maybe the pain is too big that even the alcohol

can't wipe it away.

"Sige na Ate, magshower ka na habang may malay ka pa. Sanay na ako dito kay Ate
Phen, lasenggera talaga tong doktora na to, buti nga may mga nauuto pang mga
pasyente." Tumawa si Ysobelle, and for some reason, hiniling ko na sana ay katulad
ko na lang sya. And for a while I thought, wala akong karapatan na maging
malungkot.

Lovelife lang yan Raeven. Nangako ka naman na hindi ka na magmamahal ulit di ba? At
least hindi ka magtataksil kay Deuce. Hindi ka pa din gagawa ng ikakaselos nya.
Totoohin mo na sa kanya ka lang, kahit marahil sya ay hindi na.

Nagshower ako at sobrang nanginig ako sa lamig. Masyadong mababa ang temperatura sa
Tagaytay, wala akong masyadong nadalang damit. Mabuti na lang at mayroon akong
binaon na Tshirt ni Deuce, makapal yon at mahaba, yon ang sinuot ko. Sa ganitong
paraan, ramdam ko pa din ang yakap nya. I can smell his skin from his shirt.

"Hi Ate.." Sumilip si Ysobelle, nakapagpalit na din sya ng pantulog at yumakap sa


akin nang mahiga sya sa tabi ko. "Bakit mukhang malungkot ang Ate ko?" Malambing na
tanong ni Ysobelle sa akin.

"Hindi ako malungkot-"

"Pero hindi ka din masaya." Hinila ako ni Ysobelle para humarap sa kanya.

"Ate, life is beautiful. Dapat masaya lang! Madami mang challenges but it will
define us. Masaya akong nagkita na tayo Ate. Nabanggit sa akin ni Mommy noon na may
kapatid pa ako. Gusto kitang makita kaya lang hindi ko alam kung alam mo bang
nageexist ako.. Kaya nga nung sinabi ni Tito Hades na magkikita na tayo, tuwang

tuwa ako. Hinanap ka nya para sa akin-"

"Mabait ba si Tito Hades mo sayo?" Kyuryoso kong tanong. Wala syang kaide-ideya sa
ginawa sa amin ng taong yon. Masyado talagang maliit ang mundo.

"Yup. Hindi ko nga alam kung paano nya na laman na may kapatid pa ako. Although my
life is an open book. Alam ng lahat na ampon ako. Hindi ko naman ikinahihiya yon,
nakakatuwa nga kasi maayos na buhay ang binigay sa akin nila Mommy, may educational
plan pa ako."

"Hindi sumama ang loob mo kahit na pinaalis ka nila?"

Mabilis na umiling si Ysobelle, kitang kita ko ang repleksyon ng lampshade sa


kanyang mukha. "Wala silang obligasyon sa akin. Kung hanggang saan ang inabot ng
tulong nila, hindi ako hihingi ng sobra pa doon. Isa pa, masyado akong blessed para
mastress! Hindi Nya ako pinababayaan."

Tumango ako, I am really inspired by Ysobelle. Napakapositive nyang bata. Akala ko


positibo na ako, pero tinalo nya ako. I promised that from day-on, hindi na ako
malulungkot. I won't dwell in the past. Sana ay kaya ko.

Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi ako sanay sa klima, masyadong malamig, kaya
ito ang gumising sa akin. Nakialam na ako sa kusina ni Phen at nagluto na ng
almusal. Hindi ako tiyak sa maaring kainin ni Ysobelle kaya naghanda din ako ng
gulay para sa kanya.

Nagtimpla ako ng kape para sa akin at sumilip ako sa labas. It's 6 in the morning
kaya ang makakapal na fog pa ang nakikita ko.

"Good morning, andyan ba si Ysobelle?" Muntik ng malaglag ang tasa na hawak

ko.

I really thought Deuce is standing in front of the gate. The guy is wearing a plain
white shirt and blue jeans, nakapamulsa sya at nakatingin sa aking mabuti. Hindi
ako agad nakasagot.

"Tres! Anong ginagawa mo dito?" Nakasimangot ang mukha ni Ysobelle na nakatingin sa


lalakeng akala ko ay si Deuce. "Bubwisitin mo na naman ako umagang umaga! Sinabi ba
ni Sister Amy na nandito ako? Sabi ko sabihin na nasa Timbuktu na ako pag ikaw ang
naghanap eh!" Nagkakamot pa ng ulo si Ysobelle habang naglalakad patungo sa gate,
hindi man lang sya nakapagsuklay. Naghilamos na ba ang batang yon?

Tumawa ang lalakeng kausap ni Ysobelle, it sent me shivers, kaboses na kaboses nya
si Deuce.

"Magpakabait ka, nandito na ang Ate ko." Naririnig ko pang binubulungan ni Ysobelle
ang kausap.

"Good Morning! Tres Montemayor." Nilahad ng lalake ang kanyang kamay sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag ng mapagtantong hindi iyon si Deuce, he looks more younger
but he also has the playful aura like Deuce.

Doon pa lang nag-sink in na lumaki si Ysobelle na kinikilalang pinsan sina Deuce. I


wanted to ask her if she knows Deuce but I don't want to cross the line. Ayoko ng
malungkot at malaman pa ni Ysobelle na sya ang pinili ko kaysa kay Deuce. I don't
want her to feel guilty.

"Bakit ka nandito?" Ysobelle asked habang inaabutan ng baso si Tres. Nakapout pa


sya na tiningnan ito.

"Grabe ka sa akin. Sinong pinagmamalaki mo? Yung patpatin mong boyfriend?" Umirap
naman si Tres sa kapatid ko.

"May pangalan si Mico, KUYA Tres!" Ysobelle give emphasis to the word 'Kuya'

"Kamusta ang puso mo?" Tres looked at my sister. Hindi ko alam kung imahinasyon ko
lang yon but there's softness in his eyes. Malapad na ngumiti ang kapatid ko.

"Uy concerned sa akin." Humalakhak si Ysobelle.

"Tsk. Wala lang akong maisip na itanong" Nag-iwas ng tingin si Tres.


"Namiss mo ko kaya ka pumunta dito sa Tagaytay hindi ba?"Pangungulit ni Ysobelle.

"Kapal ng mukha mo." Umismid si Tres pero mas lalong tumawa si Ysobelle na hindi ko
maintindihan kung masokista sya na gustong gusto na binabara ng kausap. "Magulo sa
bahay. I went home for Kuya's wedding pero hindi natuloy. Nandoon nga sya sa
simbahan kahapon kahit alam nyang walang dadating na bride."

Halos masamid ako sa pagkukwento ni Tres. Nanatili lang akong nakatalikod sa kanila
at nakikinig.

"Sino ang girl?" Kyuryosong tanong ni Ysobelle.

Oh Please no.

"I forgot her name, hindi naman kasi namin alam na may girlfriend pala si Kuya.
Bigla na lang daw ikakasal, kaso ayon, hindi natuloy. He was really devastated.
Nagwala sya doon sa simbahan."

Sa pagkakataong yon, tumulo ang luha ko. Hindi ko kayang makinig. I can just
imagine Deuce's reaction. Tumungo na lang ako sa kwarto at nanatili doon.
Pinagmasdan ko ang litrato naming dalawa kung saan sobrang saya nya pa dahil sa
akin.

Im sorry Deuce. Makakalimutan mo din ako.

=================

Kabanata 10

Maki Say's: Taray ni Deuce-Ko-Lerd, numa-number 94 agad sa Wattpad Worldwide.


Salamat sa nagbabasa :) By the way, fast paced chapter ito. And Yahoo! WHIRLWIND
timeline na next chappies :) (Thanks for your kind and sweet messages about my
health. I am a bit okay now. Thank you! )

Let Her Go.

xxDEUCExx

"Deuce, let's go. She won't be coming."


Inalis ko ang kamay ni Daddy sa aking balikat. I couldn't believe it. Masaya kami
kahapon. Sinabi nyang mahal na mahal nya ako. Where is she now?

Nanatili akong nakaupo sa harap ng simbahan. I am still wearing my suit. Kahit


nagising kaninang umaga na wala sya, I still pushed through with the preparations,
wala akong pina-cancel na supplier. From our priest to catering. Kahit ang mga
bisita ko ay nagpunta din.

Umasa ako, hindi nya ako iiwan dito, hindi nya ako hahayaang nagkakaganito.

"Kuya." Nag-angat ako ng tingin kay Tres. "Kuya, gabi na." Naikuyom ko ang mga
palad ko. Alam kong gabi na, at habang gumagabi, mas lalo akong nawawalan ng pag-
asa.

"Wala akong pakialam! T*ngina wala akong pakialam. Hanapin nyo si Raeven at sabihin
nyong nag-iintay ako dito! Mag-iintay ako dito. Dad! Use your connections!"
Desperadong sigaw ko.

"Deuce, she left you. Ano ba ang hindi mo maintindihan don?" Matigas na sabi ni
Daddy.

"Umalis na kayo! Baka ayaw magpakita ni Raeven sa inyo. She might just want to talk
to me. Just leave!

All of you!"

"Deuce.. Let's go home first. Let's settle this as a family." Ate Unah sat down
beside me. Humilig ako sa kanyang balikat at umiyak.

"Umalis sya Ate Unah.. Nangako sya, nangako sya na hindi nya ako iiwan. Sinabi ko
sa kanyang ipapasa ko ang Bar para sa kanya. I promised her the top spot basta
hindi nya ako iiwan."
"Things change, people change. Siguro hindi pa natin alam ang dahilan nya ngayon
but you will get through and you will know the truth. You are a strong man, Deuce.
You'll get through this.." Niyakap ako ni Ate Unah. Maya maya pa ay narinig ko na
ang tahimik nyang pag-iyak kasama ko. Alam kong naawa sya sa akin.

Nang halos magaalas dose na ng madaling araw tumayo na ako. Hinawakan ni Ate Unah
ang kamay ko, sya na lang ang naiwan dito sa simbahan para samahan ako and I know I
have to go home para makapagpahinga na din sya.

"P*tngina Raeven! Ang sarap naman ng pa-anniversary mo sa akin!" I shouted as I


stood up in the middle of the church grounds. Wala akong pakialam kung may
makakarinig sa akin. This is too painful to bear.

I gave her my all. Ano pa bang kulang para iwanan nya ako? At least I deserve an
explanation! For two f*cking years minahal ko sya ng sobra. Pinaramdam ko sa kanya.
Why she would do this on our special day?

"Deuce, tama na." Ate Unah said.

Sumama ako kay Ate Unah pauwi ng gabing iyon, with one thing in mind, hahanapin ko
si Raeven. Sa kabila ng sama ng loob

ko na hindi sya dumating ngayong araw na to, mas lamang pa din ang pag-aalala na
baka napahamak sya. Pinilit kong hanapin sya ng mga sumunod na araw. I even tried
to look for her school records at nahanap ko ang address na tinirhan nya but no
signs of her.

"Deuce, where are you? Hinahanap mo na naman ba sya?" Tanong ni Daddy sa telepono.
I shook my head, sumandal ako sa pintuan ng bahay nila Raeven at ramdam ko na ang
pagod.

"Pumunta ka sa bahay. I have something to tell you about her." Dahil sa narinig
kong yon, nagmadali akong umuwi. Siguro ay pinahanap sya ni Daddy, siguro naawa na
sila sa akin.

Pero ganoon na lang ang panlulumo ko sa narinig ko kay Daddy.


"Hindi na sya babalik." Dad said. Pinagmamasdan ko syang palakad lakad sa aming
library, my jaw tightened. Sa ilang araw na pag-hahanap ko, umaasa akong makikita
ko sya and these are the words that I don't want to hear.

"Kung yan lang ang sasabihin mo, aalis na ako. Hahanapin ko sya ulit." Tumayo na
ako at handa ng umalis.

"Gumaganti sya sa akin." Sambit na Dad.

Just when I was about to leave I stopped. Nilingon ko si Daddy. He heaved a sigh at
tiningnan ako ng diretso.

"Gumaganti lang sya because his father lost a case and got jailed, I was the lawyer
of the complainant. Namatay ang tatay nya sa kulungan then after his death, binawi
ang kaso doon sa tatay nya, huli na ang lahat at hindi na ito

muling nakauwi sa kanyang anak."

Napakuyom ang palad ko. Hindi nya sa akin nabanggit ang bagay na yan but I could
just imagine her life. Nahirapan sya dahil walang nag-aalalaga sa kanya. But Raeven
is so kind, I don't think she will revenge her father's death.

"Hindi ganyan si Raeven." Sabi ko. Hindi nabubuwag ang tiwala ko sa kanya.

"And I have to pay her and her mother para layuan ka." Nagpantig ang tenga ko sa
sinabing iyon ni Daddy. Sinugod ko siya at kinwelyuhan.

"You did not do that!" Galit na sabi ko.

"Tinanggap nila ang pera, ipinagpalit ka ng nobya mo sa pera." Pagpapatuloy nya pa


na hindi nagpapatinag sa galit ko.
"Hindi nya yan gagawin! Bakit mo sya binigyan ng pera para layuan ako? Sana
binigyan mo sya ng pera para hindi ako iwan at hindi ako masaktan ng ganito. Kasi
ang sakit na! Ang sakit sakit na!" Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Sa
kabila ng galit hindi ko mapigilan ang masaktan.

Totoo si Raeven. Totoong minahal nya ako.

"She never loved you!"

"She did!"

"Kung gayon ay nasan sya? Iniwan at ipinagpalit ka nya para sa pera. She's a
goddammed gold digger! Ganoong klaseng babae ba ang gusto mo? Akala ko matalino ka?
Bakit ka nagpapauto sa kanya? Hinayaan mong maloko ka ng isang babae!" Hindi ko
napigilan ang sarili ko at sinuntok ko si Daddy.

If she's a gold digger, wala akong pakialam. Sa kanya

ang lahat ng sa akin.

"Deuce bumalik ka dito!" I heard Dad shouted, pero hindi ako lumingon. How could he
tempt Raeven for money?

Mula noon ay hindi na ako nagpakita sa bahay. Kinalimutan ko na may tatay pa ako.
Sya ang gumawa sa akin nito. Kung hindi sya nakialam sana ay kasama ko pa din si
Raeven.

That day I am still full of hope, not until days passed at hindi pa din sya
nagpakita. Sobrang sakit na hindi talaga nya ako kinausap. Did she really exchange
me for money?

"Puro aral." Kinuha ni Beni ang libro ko.


"Tara, let's chill." Aya nya. Nandito ako ngayon sa condo ni Beni, kasama sina
Oswald at Rodrigo.

Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko pero gusto kong lunurin ang sarili ko
sa libro para makalimutan ko sya.

But my friends gave me an idea how to forget Raeven, and not too long I found a
better escape....

Alak, sigarilyo at babae.

"Deuce.. Come on. Bitin pa ako." I watched Patricia stripped naked in front of me.
Nandito ako sa condo unit nya at walang nakakaalam sa pamilya namin that we are
f*cking. We both wanted this. No pressure. Isa pa, she has a boyfriend. And she's
cheating on him, with me.

I get a cigarette stick and lit it. I inhaled the smoke like my life depended on
it. P*ta, mukha na naman ni Raeven ang naaalala ko.

"I have to review." Nanatili akong nakatayo sa balcony at malalim ang iniisip.

/>

"You really want to top the Bar, don't you?" Mahinang tumawa si Patricia.

"I will top the Bar, Patricia, because I can." Malamig kong sabi.

"Okay.. You will top the Bar, Attorney Montemayor. But I'll get on top of you
first. Come on, lie down, loverboy."

Sinunod ko ang kanyang sinabi. We let our earthly desires unleashed. The entire
room was filled with moans and I never get tired of doing it. This is better.
No attachment. Hindi ako masasaktan. Ayoko nang masaktan.

Iba ibang babae ang tinikman ko. Everyone that's better than her. Hindi pupwedeng
sya lang di ba? Imposibleng hindi ko sya makakalimutan. It's been 8 months since
she left. Hindi ko alam kung gaano katagal bago ko ititigil na gawin syang basehan
ng mga panahon na lumipas.

"Fck you, Monica! Bakit mo sinabi sa press that we are dating?" Galit na binato ko
ang mga dyaryo na nakita ko.

"Babe, alangan naman sabihin ko that we are fcking?! Hindi naman pang-newspaper
yon!"

"But the point is, we are not dating!" Pagpupunto ko.

Monica is a complete bitch. She's a well known model and everyone believes in her
facade of being a good girl. She's a whore in the making, and I liked her for that.
She satisfies me and I can say that I satisfy her too. But what I hated the most is
that she's telling everyone that we are dating.

"That's

why I don't want to do celebrities!" Buong pagsisising sigaw ko. Ngumisi lang sa
akin si Monica. She started undressing herself in front of me. I felt something
growing inside my pants when she playfully did a strip tease.

"But you can't resist me right? I am tall, I am sexy and I am so good in bed
Attorney."

I attacked her lips and carried her. I bring her to her bed, I released all my
stress to her. All my problems, all my thoughts. It should fade away.
Pero p*tngina. Hindi.

Hindi ganon kadali.

"Gago! Bar topnotcher amputa! Magpalechon ka naman! Saan tayo magcecelebrate?" May
luha pa si Oswald sa kanyang mga mata because he saw his name in the projector in
front of Supreme Court. But me? I remained emotionless.

I am expecting this to happen. I know I will top the Bar. Kung noon ay may malalim
akong dahilan, ngayon ay wala na. Just to earn a lot of money maybe.

To be filthy rich that's it.

Sunod sunod ang pagtunog ng cellphone ko. I turned it off. Wala akong gustong
makausap. Humiwalay na ako kay Oswald at Beni. I just went to my car and drove
away.

I stopped by a convenience store to grab cans of beer at muling nagmaneho kung


saan. Finally, after three hours of driving I found a perfect spot. A space
overlooking the city. Binuksan ko ang lata ng beer at sa isang inuman, naubos ko
yon.

I opened another one after the other at parang tubig lang na dumadaan yon sa tyan
ko. Kinuha ko ang wallet ko, mula sa likod ng mga ids ko, hinanap ko ang litrato
nya na kinuha ko mula sa school records nya. It's just a two by two ID Picture. Ito
na lang ang natira na alaala nya dahil nasira ang cellphone ko noong nawala sya.

"This is not how I imagined it. Hindi ko alam na ganito ako magcecelebrate. Para
sayo to eh. Para sayo pero iniwan mo ako." Pinunasan ko ang luhang nasa mata ko at
patuloy na kinausap ang litrato nya.
"Kung humingi ka ng tawad noon, papatawarin pa din kita pero isang taon. Isang taon
na Raeven. Talagang hindi mo na ako binalikan."

"It's too late to come back now Rae. Hindi na ako ang Deuce na iniwan mo. I,
Attorney Deuce Montemayor, oath to forget you. And when I see you again, I will
make sure that you will regret that day that you chose to leave me."

And that day, I promised that it would be the last tears that I will shed because
of her. Ang mga susunod na luha ay dapat sa kanya na, at wala na akong mararamdaman
pa dahil ubos na ang natitira kong pagmamahal sa kanya.

Kasabay ng pangunguna ko sa Bar exam was also the day I chose to let her go.

=================

Kabanata 11

Minsan Pangalawa, Minsan Demonyo.

xxRAEVENxx

"Anong drama nyang Ate mo? Nagbabasa lang ng dyaryo, umiiyak na. Eh 2 years ago pa
ata ang binabasa nyan, nakuha nya don sa ilalim ng table ko. Krung krung talaga yan
si Rae, manang mana sayo."

"Sa akin pa talaga nagmana eh mas matanda sya sa akin." Sagot naman ni Ysobelle kay
Phen.

Naiiyak lang ako.

Nung nagvolunteer akong linisin ang clinic ni Phen dahil malelate daw ng dating si
Doc Martin, aksidenteng nakita ko ang dyaryo na may result ng Bar Exam, luma na ito
at hindi talaga naialis ni Phen sa clinic nya. I saw Deuce name, nakapasa sya sa
bar, higit pa don, top 1 sya, I am so happy for him.
"Bakit ka kasi hindi naglilinis ng clinic mo!" Umiiyak na paninisi ko kay Phen.
Nanlaki ang mata nya at napaawang ang labi.

"Ay hala si Ate oh, natuluyan na!" Napakapit sa dibdib nya si Phen at eksaheradong
lumalayo sa akin.

"Ano ba kasi yan?" Hinila ni Ysobelle ang hawak kong dyaro.

"Bar Exam Result. Oh, si Kuya Deuce pala ang topnotcher nung batch nya? Hindi man
lang sinabi sa akin ni Tres." Ysobelle said. "Ano naman nakakaiyak dito?"

Umiling ako.

"Ate ang korny mo! Kung ano man yan, two years ago na yan. Ikwento mo na dali."
Pamimilit ni Ysobelle.

Two years. Ganyan na pala katagal ang lumipas. Naka-survive naman kami ni Ysobelle

kasama si Phen. Namasukan ako bilang secretary ni Doc Martin sa ospital kung saan
nandoon din ang clinic ni Phen. My journey wasn't easy. Nanatili pa din ang utak at
puso ko kasama si Deuce sa loob ng dalawang taon.

"Pumasa kasi yung ex ko." Sabi ko. "Ngayon ko lang nalaman."

"In fairness may Ex!" Humalakhak si Phen na parang hindi makapaniwala.

"Anong akala mo sa akin?" Tinaasan ko ng kilay si Phen.

"Grabe, galit agad? Nung dumating ka kasi dito, manang na manang ka eh. Akalain mo
oh, may nagkagusto sayo." Panunuya ni Phen sa akin, Ysobelle giggled.

Umirap ako. I don't feel something about me changed, masyado ba talaga akong
seryoso noon? Maybe something really changed because I found Ysobelle. Sya ang
nagturo sa akin kung paano maging masaya sa mga maliliit na bagay na mayroon ako.
"Manang ako pero maganda ako!" Pagtatanggol ko sa aking sarili.

"Oo na, maganda ka na.. Kaya nga type ka ni Doc Martin hindi ba?" Panunukso ni
Phen, mas lalong lumakas ang tawa ni Ysobelle. Crush kasi nilang dalawa si Doc
Martin pero sa akin nila tinutukso.

"May girlfriend ang tao, kayo talagang dalawa." Napailing ako at pinunasan ang luha
ko.

"Girlfriend pa lang naman, hindi pa asawa. Pustahan tayo mga beh, magbibreak din
yan sa 23!"

"Sira ka talaga Phen, can someone tell me kung bakit naging doktora ka?" Pag-iiba
ko ng usapan.

"Because I am witty, beautiful and hot!"

Nagpose pa sya na parang modelo. "O ano na Ateng, anong iniiyak iyak mo eh pumasa
ang ex mo? Kakasuhan ka ba nya kasi ninakaw mo ang puso nya at itinakbo mong
Tagaytay?"

Ngumiti ako ng mapait saka umiling "Masaya lang ako para sa kanya, pangarap kasi
naming dalawa yon."

Umupo si Ysobelle sa tabi ko "Eh bakit kayo nagkahiwalay?"

"Because I chose something important. I know he will get by, pero yung pinili ko,
alam kong kailangan ako." Malungkot akong ngumiti.

"Ako ba yun Ate? Iniwan mo sya para sa akin?" Niyakap ako ni Ysobelle at umupo sa
tabi ko.

"No regrets." Ginulo ko ang buhok ni Ysobelle. Totoo yon. Successful si Deuce
ngayon, I know he is more than okay at alam kong hindi sya mahihirapang humanap ng
mag-aalaga sa kanya. Sa lambing nyang yon, hindi sya mahirap mahalin.
"Naku, ganyang ganyan yan si Rae kapag nambobola. For sure baby girl full of
regrets yan, nalaman nyang napakakulit pala nung kapatid nya! Kung ako yon, jowa o
ikaw? Jowa na! Masaya pa ang vajeyjey ko!" Pang-aasar ni Phen kay Ysobelle,
sumimangot naman agad ang kapatid ko kay Phen.

"Paano pag nagkita kayo ulit?" Ysobelle asked.

"Sa tingin ko hindi na ulit Ysobelle. Saka panigurado, may iba na yon. Baka hindi
na nga ako natatandaan." Sabi ko.

"Imposible naman yun, sino bang makakalimot sa Ate ko?"

"Hi Girls!" Napatingin ako doon sa may pintuan kung saan sumilip si Doc Martin.
Naputol din ang kwentuhan

namin.

"Hi Papa Doc!" Malanding pagbati ni Phen. Bulgar na bulgar sa pagkacrush kay Doc
Martin.

"Sunduin ko lang ang secretary ko." He said.

"Ay matindi, may pagsundo pang nagaganap." Humagikgik si Phen, sinenyasan ko syang
manahimik pero mapanukso pa din ang kanyang mga mata. Ganoon din si Ysobelle ng
tingnan ko.

"Did you had lunch, Rae?" Tanong ni Doc Martin sa akin. Tatango sana ako kahit
hindi pa talaga ako kumakain. Paniguradong aayain nya kasi ako pag sinabi kong
hindi, nakakahiya at ililibre na naman nya ako.

"Hindi pa yan kumakain Doc, nagk-crave nga ng Bulalong Batangas yan eh. Kakasabi
nya lang."

"Phen!" Suway ko. Wala naman akong sinabing ganon!


"Ako din, gusto ko din ng Bulalo. Leslie's tayo?" Hindi mawala ang ngiti sa labi ni
Doc Martin, palibhasa alam nyang yun ang asset nya. He's a boy next door type at
mas charming sya kapag nakangiti.

"Naku hindi na Doc.. Ito talaga si Phen. Bibili na lang ako ng sandwich sa
canteen." Pagtanggi ko.

"Pfft. Sandwich. Halika na, gutom na din ako." Pamimilit pa ni Doc Martin.

"O halikan na daw.." Bulong ni Phen na kunyari ay tinitingnan ang kanyang mga kuko
sa kamay. Napairap ako kay Phen, mamaya talaga ang isang to sa akin.

Sumama ako kay Doc Martin dahil bukod sa pinagtutulakan ako ni Ysobelle at Phen,
mapilit sya. Nagkakaroon na tuloy ako ng impression na ang lahat ng doktor ay
makukulit.

/>
Pinagmasdan ko si Doc habang nagsasalin ng bulalo sa bowl, he gave the first bowl
to me with all the best parts of the beef. Ganito sya lagi, mabait sa akin kaya
tinutukso na kami hindi lang ni Phen at Ysobelle kundi ng buong ospital. Inaantay
ko na nga lang ang araw na susugurin ako ng girlfriend nya.

"How's your day so far?" Magalang na tanong sa akin ni Doc Martin.

"Okay lang." Tipid na sagot ko.

"Okay lang? Hindi mo man lang ako namiss or something?" Nakangising tanong sa akin
ni Doc Martin.

"Hoy Martin ha, tigilan mo na ako sa panlalandi mo." I call him Martin kapag kaming
dalawa na lang, he insisted it. Tumawa sya dahil huling huli ko na naman sya.

"I am not flirting! Ang kaibigan ba, hindi namimiss?" He asked. Umiling ako.

"Hindi kita namimiss kasi mas gusto ko nga yung wala ka, kasi wala akong trabaho."
I truthfully said.
"Gusto mo bang humanap ako ng ibang secretary?" Tanong nya muli habang sumusubo ng
pagkain.

"Eh di humanap ka." Umirap ako, humalakhak lang si Martin sa akin.

"Gusto mo ba kay Doc Sanchez? Matanda na yon at uugod-ugod."

"At least hindi kasing palikero mo." Tumusok ako ng patatas at kinagat yon.
Tiningnan ako ng mataman ni Martin habang kumakain.

"I really like you Rae." Kinagat nya ang pang-ibaba nyang labi at tinitigan ako sa
mata.

Here we go again.

He likes me, ang akala ng

iba na tuksuhan lang sa pagitan namin ay totoo talaga. He likes me. Yun nga lang ay
girlfriend nya si Vanessa, ang anak ng mayari ng ospital.

"Martin, alam mo naman di ba?"

"Na hindi ka na magmamahal ng kahit sino. Ulit."

Tumango ako. Matagal ko ng sinabi sa kanya yon and I want him to understand that it
will be useless kung hindi nya pagpapatuloy ang relasyon nila ni Vanessa. My heart
is locked up, naiwan kay Deuce ang susi. Pumayag ako na maging kaibigan ni Martin,
nagkakaintindihan naman kami sa parteng yon.

He did not insist his feelings for me pero may mga pagkakataon na kagaya nito,
hindi nya mapigilan ang pagsasabi ng kanyang nararamdaman. I don't feel awkward
though, Martin is a friend, at alam kong he is trying his best to be a friend to
me.

Martin is cute. For a doctor, he's totally a hunk. Para syang modelo na inilabas sa
isang fitness magazine, maganda ang pangangatawan and his smile is to die for.

"Totoo bang aalis na kayo sa Tagaytay?" Martin sighed again. Huminto ako sa
pagkain.

"Si Phen kasi nakakuha ng opportunity don, dahil clingy kami ni Ysobelle, sasama
kami sa kanya papunta ng Maynila." Sagot ko na binabalewala ang pagkalungkot. Kung
ako lang, ayoko na sanang iwan ang Tagaytay. Napamahal na sa akin ang lugar at wala
akong inaalala kapag nandito ako.

"Mag-clinic na lang kaya ako doon? Yung pinsan ko may clinic sa Makati Med, I think
he can help me."

"Ano ka ba? All your doctor

years nandito ka sa Tagaytay, di ba sabi mo nga famous ka dito? Bakit mo iiwan?


Sige ka pag pumunta ka ng Maynila hindi na ikaw ang pinakagwapo doon." Pananakot
ko.

"So inaamin mo na na gwapo ako?" Nakangiting tanong ni Martin, I stopped eating.

"On a Tagaytay level, yes. 300 lang naman ang population ng lalaki dito, yung 298
males 70 years old na, yung isa 90 years old. Tapos ikaw lang ang 26 years old."

"Paborito mo talagang asarin ang kagwapuhan ko." Tumawa syang muli. "But seriously,
I am planning transfer in Manila."

Nagkibit balikat lang ako. Ang totoo ay kinakabahan din ako sa pagbabalik ko, hindi
ko alam kung ano ang kahaharapin naming magkapatid doon. Inaantay lang naming
matapos ang school year ni Ysobelle, second year college na sya sa kursong Interior
Design, thank God that her educational plan still supports her. Ang gamot naman nya
ay pinoprovide ni Phen.

Everything seems okay, I guess. Except for a huge void inside my heart, alam kong
may kulang pa din.

xxDEUCExx
"Attorney.. Napagbintangan lang po ang anak ko." Nanatili akong nakatayo sa labas
ng court room, I am finishing my cigarette at isang matandang babae ang lumapit sa
akin at hinawakan ako sa kamay. I am trying to remove her hands off me pero
nanatili syang nakahawak.

"Lahat ng kriminal, yan ang sinasabi pagdating sa korte, Misis. Ang courtroom,
parang sabungan. Pagalingan na lang ng manok." Malamig kong sabi. The mother
wailed. Sa paraan ng pag-iyak

nya, dinig ko ang kawalan nya ng pag-asa.

Do I believe that her child is also a victim in this case?

Yes. But I am paid to prove otherwise.

Binayaran ako ng complainant para idiin ang ibang tao para hindi madungisan ang
kamay nya. Pinagtatanggol ko ang isang ama na pinatay ang kanyang sariling anak. Of
course, someone needs to be jailed when someone was raped and murdered, at ang anak
ng babaeng nasa harap ko ang minalas na tinuro ng pamilya ng biktima.

"Attorney, pakiusap po!" Sigaw ng babae pero naglakad na lang akong muli papunta sa
aking sasakyan. Sanay na ako sa ganito. Magmamakaawa ang partido ng mga kalaban ko,
because I never lost a case. Alam nila na kapag ako ang humawak ng kaso ay pabor
lagi sa kliyente ko ang resoluyon.

I was able to put up my own Law firm. Sa pamamagitan ng sarili kong pagsisikap. I
was able to build a name on my own at hindi nakakabit kay Hades Montemayor. Hindi
na kami muling nagkita ng sarili kong ama pagkatapos ko syang suntukin. Pati ang
mga kapatid ko ay hindi ko na din masyadong kinausap.

"Ayan na si Attorney!" Narinig ko ang mga abogado ko sa Law frim na nagbubulungan


pagpasok ko ng pinto. I smirked. Takot sila sa aking lahat.

"Where's Genevive?" Sigaw ko.

"S-she resigned, Attorney." Kinakabahang sagot ni Bori.

"What? Suzette! Can you hire someone na tatagal ng isang buwan? Lagi na lang ako
ang mag-isang pumupunta sa mga court trials ko." Reklamo ko. Pang-ilang

sekretarya na ba ang nagresign ngayon buwan? Nakakainis na.

"Yes Attorney. May interview ako mamayang hapon." Sagot naman sa akin ng HR Manager
ko. Napailing ako. Dumiretso ako sa aking opisina. Pinahinga ko ang likod ko sa
swivel chair at hinilot ang aking sentido. I am so stressed.

Tumunog ang cellphone ko. I am silently praying that it's a booty call. I need to
get laid para matanggal ang stress ko.

Arabella: Hey Attorney. Stressed? Care to take it away? You have my keys.

Napangisi ako. Hinanap ko ang susi ng condo ni Arabella mula sa naparaming susi ng
iba't ibang babae doon sa drawer ko. I have to organize them and put names in it
para hindi ako malito. I drove fast, iniwan ko ang lawfirm. I need to combat my
stress kahit hapon pa lang.

"Ang bilis ha."

Napangiti ako ng makita ko si Arabella, she really knows what I want. She's in her
red and black lingerie. She's really hot.

"Wala kang shoot ngayon?" Lumapit ako sa kanya, I encircled my hands in her small
waist. Kumapit sya sa aking leeg and kissed me hungrily.

"Mamaya pa, let's have fun first. I thought of you and I felt my pussy beat."
Bulong nya sa akin. That's my cue to attack her, hindi na namin inabot ang kanyang
kwarto because we did it in her kitchen.

Umuwi na ako pagkagaling ko kay Arabella, I hate cuddling, umuuwi talaga ako
pagkatapos kong mairelease ang init.

I am staying

in a condo alone. Hindi pa din ako makatulog. Sa dami ng kasong hinahawakan ko,
hindi pa din ako kayang patulugin ng pagod. I opened a whiskey and it's my normal
routine every night. Nilulunod ko ang sarili ko sa alak. Hindi ko maintindihan kung
ano pa ang kulang, nakuha ko na ang lahat ng gusto ko. The inner peace though, is
really hard to find.

Hindi ko namalayan kung kailan ako nakatulog, ang alam ko ay kailangan ko nang
gumising para pumasok. Just like an ordinary day, sa Law firm ako dumidiretso kapag
wala akong trial sa umaga. My life is really boring. Walang bago.

"Good Morning." Bati ko sa lahat pagkapasok ko ng firm. Napalingon agad ako sa


babaeng nakatayo sa lamesa ni Elmo.

Para akong nakakita ng multo. I really thought it's Raeven, she has gray eyes too.
Huminto pa ako para titigan syang mabuti.

"Ikaw." Tawag ko sa kanya ng wala sa sarili.

"A-ako Sir?" Nagtatakang tanong nya.

Sir.

I hate being addressed as Sir, I passed the Bar and I earned the title. I hate
being addressed ordinarily.

"Attorney. Attorney Deuce Montemayor." Pagtatama ko.

Lumunok ang babaeng kaharap ko ngayon, napangiti ako. She's scared. It didn't
surprised me though. I love the power I have now, and if it scares people, it's a
bonus. Matagal na akong huminto sa pagpapasaya ng ibang tao, I want people around
me to please me instead.

Tumuwid sya mula sa pagkakatayo "Okay rewind... A-ako, ATTORNEY?" She even smirked.
Nangunot ang noo ko. What's with this girl? Hindi ba sya natatakot sa akin?

Lalo akong nainis nang nagsi-tawanan ang mga staff ko, "What's so funny?" Inis na
sigaw ko. Napayuko silang lahat. "Anong pangalan mo?" iritadong tanong ko sa
babaeng sobrang pilosopo.
"Ako? Ako si Clover. Clover Simone Torres." Buong pagmamalaking sabi nya like
there's something to be proud of about her name.

"Okay Miss Torres, my name is Deuce, sometimes my name means the second, but it
also means the Devil. I hate being the second so I prefer to be the devil." Ngumisi
din ako sa kanya. Nagtaas sya ng kilay.

She's really in for a fight.

"Ah, nice to meet you ATTORNEY DEUCE na minsan pangalawa, minsan demonyo. Looking
forward to work with you. PUSH! Okay na?" Humalukipkip pa si Clover na parang
matangkad na babae.

Lumakas ang tawanan sa buong opisina ko. Nakaramdam ako ng pagkapahiya. Everyone in
my firm respects me and scared of me. Tapos ngayon pinagtatawanan nila ako dahil sa
babaeng ito?

"Gawan mo ako ng kape!" Utos ko. Mukhang hindi ata alam ng babaeng ito ang posisyon
nya sa Law firm ko. Pero nagulat ako sa sumunod nya ng sinabi.

"Where's your please?" Asik nya sa akin.

And there, she reached my boiling point.

"Who hired you?"

=================

Kabanata 12

No Remedy.

xxDEUCExx
"Who hired you?"

"Si Miss Suzette po." Buong pagmamalaki nyang sabi. Seriously, I really wanted to
squeeze her to stop talking. Hindi ba sya mauubusan ng salita?

"Hindi mo ba ako kilala?" I raised a brow at her.

"Kilala na. Kanina hindi. Ikaw si Attorney Deuce Montemayor, minsan pangalawa
minsan demonyo."

"You know that I could fire you by the way you speak, Miss Torres."

"You know you can't do that Attorney Deuce Montemayor, ikaw ang nagpakilala sa
sarili mo. Hindi magandang pakinggan di ba? If you don't want to be called demonyo,
don't introduce yourself as such. Hindi porket iningles mo lang, maganda na
pakinggan. Saan ba ang pantry dito at igagawa na kita ng kape." Pag-iiba nya ng
usapan. Hindi ako halos makapaniwala sa babaeng kaharap ko. She's lost cause a
lunatic.

The long day started with that crazy girl, naging baliktad tuloy, imbes na ako ang
kinakatakutan, ako ang umiiwas sa kanya. Baka kung anong nakakainis na naman ang
gawin, uminit na naman ako ulo ko.

I can see her workstation from my office. Nadidistract ako lalo na pag nakikita ang
mukha nya. Malaki talaga ang pagkakahawig nila ni Raeven lalo na sa mata, yun nga
lang, Clover is really outspoken, ang daming sinasabi. Ang sakit sa tenga.

I was about to go home that day at nakakarinig pa din ako ng pagtunog ng computer.
And I saw Clover typing something, marahil ay yung inuutos ko,

sabi ko kasi sa kanya kanina, kung hindi nya matatapos ang pinapagawa ko in three
days ay tatanggalin ko sya. For the first time, magvo-volunteer akong magtanggal ng
secretary, hindi siya ang magkukusang umalis.

I was about to go home, kinuha ko na ang laptop ko ng makarinig ako ng paghikbi. I


creased my forehead at iniikot ko ang paningin ko sa buong opisina, it's just me
and Clover.

Umiiyak sya?

Hindi agad ako mapakali, all those years akala ko madami na ang nagbago sa akin,
pero isa pa rin pa lang ang nanatili sa akin. Ayokong makakita ng umiiyak.

"Take this." I offered her my hanky. "Umiiyak ka." Sabi ko. Mukhang hindi pa nya
naintindihan ang sinabi ko at kinapa nya pa ang mukha nya bago kunin ang panyo ko.
"Thank you." She said pagkatapos ay kinuskos nya ang mukha nya ng walang pag-iingat
sabay suminga doon. Napangiwi ako, nagtataka nya akong tiningnan.

"Bakit? Hindi ka ba sumisinga?" Tanong nya.

"I do but for pete sake, nasa harap ka ng ibang tao."

"So?"

"Anong so? It's gross. Ugh. Umuwi ka na." Utos ko.

"Bakit?"

"Wala ng naiwan dito, umuwi ka na." I said.

"Hindi na, gusto ko pang magtrabaho." Bumalik ang kamay nya sa keyboard at nagtype
muli.

"I wont pay for your overtime." Sabi ko.

"Okay."

Napakatigas ng ulo nya. Sa lahat ng pinapauwing empleyado, sya ang ayaw.

"Umuwi ka na nga dahil aalis na ako

Miss Torres. Wala ka ng kasama dito."

"Ako na lang ang magsasara ng opisina, umuwi ka na lang." Baling nya sa akin.

"What are you saying? Mamaya magnanakaw ka pa at kunin mo lahat ng gamit dito." Of
course, I don't really mean that. Habang tumatagal ay naaliw akong kausap sya,
hindi kasi sya nauubusan ng isasagot. Malamang kung sya ang kalaban ko sa korte,
may tsansang matalo ako.

"Eh di wow Attorney Montemayor, sa liit ng katawan kong to, iniisip mo palang
mabibitbit ko ang buong opisina." Umirap sya sa akin. See?

"Umuwi ka na nga." Pinatay ko ang computer nya. Gulat na gulat naman ang mukha nya
and I can't help but to notice that her facial expressions are really cute.
"Bakit mo pinatay?! Umiistyle ka lang ata eh! Ayaw mong matapos ko yon in three
days kasi gusto mo akong matanggal. Gusto mong umalis ako dito kasi sinasagot kita,
ayaw mo sa akin kasi salbahe ka-" Nagulat na lang ako ng bigla na syang umiyak.

"Hey, hey.. Miss Torres.." Nataranta ako ng husto.

"Sh*t, may hika ka? Where's your meds?" Kinuha ko agad ang bag nya at hinanap ang
gamot nya.

"Ang tapang tapang mo, hikain ka pala." I kidded after she recovered her asthma
attack. She rolled her eyes at me and later on she smiled and I was again reminded
by someone through her smile.

"Ikaw, ang sungit sungit mo, concerned citizen ka pala." She said, I laughed
softly.

"Of course not, baka mamaya mamatay ka sa opisina ko, ako pa ang pagbintangan."

/>
"Tseh!"

"Ihahatid na kita." Seryoso kong sabi. But she just shook her head.

Hindi ko na sya pinilit dahil ayokong isipin nya na masyado akong nag-aalala sa
kanya. Pasimple akong nag-utos sa security to hail a cab for her and to write the
plate number. I don't understand why I am being extra nice to her.

Days passed and I can't help but to notice Clover, hindi naman sya nagpapapansin
kaya lang standout talaga ang kakulitan nya. Natanggap ko na hindi na sya matatakot
sa akin, madalas pa nga ako ang natatakot sa mga attacks nya. Pakiramdam ko
mawawalan ako ng dangal sa sarili kong opisina kapag nagpatuloy pa sya.

"Hoy ikaw, bakit ganito ang resulta ng kasong ito?" Sinugod nya ako sa opisina ko.
I asked her to write an essay about my past cases and what would be her verdict
about it, at hindi na ako nasurpresa na ang lahat ng iyon ay pakontra sa akin.

"Because I am great?" Sagot ko sa kanya. Hindi sya nakuntento sa sagot ko kaya


umupo sya sa aking lamesa.

"What?" Reklamo ko ng takpan nya ang screen ng laptop ko para kunin ang atensyon
ko.

"Attorney Minsan Pangalawa, Minsan Demonyo, gusto kong malaman mo na ang propesyon
mong ito ay magkakaroon ka ng tsansang manalo ng all expense paid trip papunta sa
impyerno. Grabe! Napakaimoral ng kliyente mo, halatang halata na sya ang humalay sa
anak nya pero ang napagbintangan yung boyfriend nung bata? My gulay! At talagang
sinuportahan mo pa yung kriminal! Bestfriends ba kayo ni Satanas?"

Hinilot ko ang

sentido ko sa haba ng kanyang sinabi.

"It's my job." Sagot ko.

"Sa dami ng sinabi ko, ang isasagot mo lang sa akin 'It's my job'? Ayoko na
magreview ng mga kaso mo kasi nadidismaya ako sayo. Yung katiting na kabusilakan ng
loob mo sa imahinasyon ko, konting konti na lang!" Umirap pa sya. Hindi ko
maiwasang matawa sa kanya. Ibang klase.

"Bakit mo ba pinoproblema kung mapupunta ako sa impyerno? Concerned ka?"

"Hindi! Nag-iipon lang ako ng katropa sa heaven, syempre baka maout of place ako
don kapag wala akong kaibigan."

"Siguradong sigurado ka talagang mapupunta kang langit ha?" Tanong ko naman.

"Dun kaya ako nakatira! Bumaba lang ako saglit para mabahiran naman ng swerte ang
mga makakadaupang palad ko. Bye." Tumayo na sya at bumalik na sa workstation nya.
Ang hirap pigilan ng pagngiti ko especially when she's being cute.

I can't help but to look at her the whole time. Lagi na lang ganon. Napapatingin
ako tuwing nagsasalita sya at kausap ang mga kaibigan nya. She's friends with
everyone. Hindi sya mahirap pakibagayan.

Inayos ko na ang gamit ko para umuwi. I am in a good mood actually, these past few
days lagi na lang akong masaya. Tumunog ang cellphone ko bago ako tuluyang
makalabas ng office ko.

Patricia: Hey, loverboy.. Want to hang out?

And when she means hangout, she really means sex. Binura ko ang mensahe nya at
binulsa ang cellphone ko. I shrugged my shoulders and walked outside my office.

"Hey

guys, dinner?" Aya ko kay Bori, Elmo at Clover.

Nagtataka naman ang mukha nilang tatlo at paulit ulit pang kumurap si Bori at Elmo.
I know, I don't usually do that. This is the first time actually.

"Wow, manlilibre ka ba Attorney?" Clover asked right away, kinuha agad ang kanyang
bag at nilagay sa kanyang balikat.

"Hindi, KKB." I answered.

"Ay hindi na lang, diet ako." Napawi ang ngiti nya.

"Pero nung nag-aya ako halos lumabas na yung eyeballs mo saka pumalakpak yung tenga
mo." Pinipigilan kong matawa.

"Eh bakit hindi ka manlilibre, ikaw ang nag-aya." Tanong nya.

"Bakit, pag hindi ba ako nag-aya hindi kayo mag-didinner?"

"Magdidinner. Pero para sabihin ko sayo, isang napakalaking prebiliheyo ang


makasabay sa pagkain ang isang dyosang katulad ko. Malay mo, maipakiusap ko pa kay
San Pedro yang soul mo." Buong pagmamalaki nyang sabi na para ba silang matalik na
magkaibigan ng mga nandoon sa langit.

"O sige na, it's on me. Let's go.."

Sumama sila sa aking tatlo ng gabing yun, ang isang dinner ay nasundan pa ng
nasundan. And it's my favorite part of the day. Di ko maiwasang maaliw kay Clover,
for once I realized that it's been a long time since I smiled and laughed. Masarap
pala ang pakiramdam.

xxRAEVENxx

"Oy teh, kung makaligpit ka naman dyan masyadong OC, uuwi pa din tayo dito pag
weekend para naman madalaw ka ni Doc Martin na nakipagbreak nga nung 23.."
Tiningnan ko si Phen habang inaayos ang

mga utensils namin sa kusina. Tinatakpan kong mabuti dahil ayokong maalikabukan.
Gabi ang byahe namin patungong Manila dahil iniiwasan namin ang traffic.

"Bahay mo na nga ang inaayos ayaw mo pa." Umismid ako sa kanya.

"Ate, dadalhin natin ang newspaper na to?" Lumabas si Ysobelle galing sa kwarto
namin. Iniangat nya ang result ng Bar exam kung nasaan ang pangalan ni Deuce at
mayroong graduation picture nya dahil sya ang topnotcher.

Tumango ako.

"Ikaw ha, hindi mo pa sinasabi sa amin kung sino yang jowa mo na yan."
"Ex." Pagtatama ko.

"Oh sino nga? Mukhang di ka pa nakakamove on. Di tumatalab ang pangiti ngiti ni Doc
Martin, eh ilang beses na nga nalaglag ang panty ko doon kahit ikaw naman ang
nginingitian, next time nga magsusuot na ako ng panty na may belt para hindi na
malaglag!" Sabi ni Phen. Tumawa lang ako.

"Ex ko yung topnotcher ng Bar." Sabi ko. Tumawa si Ysobelle.

"Eto talaga si Ate simula natuto mag-joke, ang benta. Anong punchline?" My sister
remarked. Tiningnan ko lang sya ng seryoso. Nanlaki ang kanyang mga mata ng hindi
ako nakitawa sa kanya, "Weh di nga? Si Kuya Deuce? Yung Kuya ni Tres? Weh Ate?"
Lumapit sya sa akin.

Napabuga ako ng hangin saka tumango.

"Patingin nga ng picture?" Hinila ni Phen kay Ysobelle ang dyaryo at ngumiti na
parang baliw.

"Ay oo nga, ang yummy. In fair! Kaya pala di makalimutan. Sige beh, bagay kayo.
Kami na lang ni Doc Martin."

"Tapos na kami,

matagal na." Sabi ko, itinuon ko muli ang aking atensyon sa ginagawa.

"Oh no, don't say that. Mawawalan kami ng pagasa ni Doc Martin kapag inayawan mo
itong si Attorney." Eksaheradong sabi ni Phen na nakatitig pa din sa litrato ni
Deuce.

Siguro ngayon ay makakalimutan na din ako ni Deuce, kung mayroon mang alalala,
malamang yung galit na lang nya sa akin, but just in case magkita kami, hihingin ko
ang kapatawaran nya, no matter what.

Tumunog doorbell sa labas kaya tinalikuran ko sina Phen para ako na ang magbukas ng
gate.

"Hi Raeven." Nakangiti si Doc Martin doon sa labas, may hawak syang long stemmed
rose sa kanyang kanang kamay. Mukhang galing pa sya sa kanyang shift dahil pormal
pa ang kanyang suot.

"Martin!" I smiled at him. "Muntik mo na kaming hindi maabutan." Biro ko.

"Imposible yon, sabi ni Phen, aantayin nyo daw ako bago kayo umalis." Inabot nya sa
akin ang bulaklak at tinanggap ko naman. He just broke up with Vanessa, sabi nya
wala na daw talaga syang maramdaman, nung una ay nag-guilty pa ako pero sinabi nya
na wala akong kinalaman, may iba man syang gusto o wala, ang punto nya ay hindi na
nya daw mahal ang kanyang girlfriend.

"Si Phen talaga inabala ka pa. Dapat nagpapahinga ka na kasi gabi na." Sabi ko.
Tumango sya.

"May hihilingin sana ako sayo." Sumeryoso ang kanyang mukha. Ngumiti akong muli sa
kanya.

"Pupwede bang sa akin ka na sumakay? Gusto kasi kitang ihatid sa Manila para alam
ko kung saan kita dadalawin."

/>
Bubukas na sana ang bibig ko para tumanggi pero inunahan lang ako ni Martin na
magsalita.

"As a friend, Raeven. Hayaan mo lang ako. Mapapagod naman siguro ako di ba. Ang
hirap lang kasi kapag walang pinagbabalingan ng nararamdaman. Masikip sa dibdib.
Tanggap ko naman, hayaan mo lang ako na alagaan ka hangga't ikaw pa ang laman
nito." Tinuro nya ang kanyang dibdib, nakaramdam ako ng awa. Palagay ko hindi ko
deserve ang kanyang pagsusumamo dahil ako ang hindi makakasukli ng atensyon nya.

Tiningnan ko si Martin at seryoso talaga sya. Martin is a good catch, kung effort
rin lang ang pag-uusapan, hindi sya nagkulang. Sa tingin ko nga ay lilipat din ito
ng Manila in no time.

"Sige Martin, pero uulitin ko, sana wag ka ng umasa. Masasaktan ako pag masaktan
kita. You are a good friend." Tumango sya at ngumiti.

Pumayag ako na kay Martin sumakay patungong Manila, dalawang oras lang naman ang
byahe, kaya lang nag-alala ako kung babalik pa si Martin sa Tagaytay. He said that
he will go home to his cousin kaya napanatag ang loob ko.

Ang pag-adjust sa Maynila ay hindi naman naging mahirap. Hindi ako nahirapan sa
paglilipat ng school kay Ysobelle dahil si Tres ang nag-asikaso non. Napakiusapan
ko naman si Ysobelle na wag na magbanggit kay Tres na ako ang dapat papakasalan ng
Kuya nya. Hindi na din naman daw umuuwi si Deuce sa kanilang pamilya, I wonder what
happened.

"Frenny! Kamusta ang interview mo kay Mrs. Dolor?" Sinalubong ako ni Tatiana,
tinulungan nya akong makapag-apply sa pinagtatrabahuhan

nyang hotel bilang parte ng housekeeping.

"Pupwede na daw akong magsimula bukas!" Masayang pagbabalita ko. Tumili si Tatiana
at tuwang tuwa.
"Thanks, Tat ha.." Wika ko.

"Ay, wala yon! Alam mo namang namiss kita. Kung hindi ka pa nakita ni Buloy hindi
na talaga tayo magkikita ulit. Ikaw naman, pinagtaguan mo lang si Papa Deuce,
dinamay mo pa ako. Alam mo namang kasangga mo ako." Ngumiti ako ng matipid. Wala
kasi akong choice ng panahong yon, ang cellphone ko na tanging kuneksyon ko sa
aking mga kaibigan ay kinuha din ni Attorney Hades Montemayor.

Dumiretso ako sa apartment namin para magpahinga pagkatapos kong magpaalam kay
Tatiana. Sa isang apartment na malapit sa ospital kung saan mayroong clinic si Phen
napili naming manuluyan para hindi mahirapan si Phen magbyahe kung magkakaroon ng
emergency. Sagot ni Phen ang bahay at ako naman ang sa pagkain kahit hindi naman
ako hinihingian ng kahit ano ni Phen.

Nadatnan kong magkaaway si Tres at Ysobelle at masasabi kong totoong away nga dahil
walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Ang lambingan kasi nila ay magbangayan at
yun ang nakasanayan ko.

"Ay iba to, hindi na World War 3. Prayer rally kaya tahimik?" Biro ko sa dalawa.
Tumingin sa akin si Ysobelle at inilipat ang kanyang mga mata kay Tres na
nakasimangot, umirap muli ang kapatid ko.

"Serious?!" Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig habang hindi inaalis sa
dalawa ang tingin ko. Pinagmamasdan ko lang sila, Tres sighed after a few minutes.

"Ate, uuwi na ako. Pakitingnan

na lang si Ysobelle." Tumayo na si Tres. Kahit galit sya ay hindi nya iniiwan si
Ysobelle mag-isa kaya yun ang ipinagpapasalamat ko, may nakakatuwang ako sa pag-
aalaga. He even transferred in Tagaytay to look after my sister, at ngayon ay
bumalik din sya ng Maynila kasabay namin.

"Nag-hi lang naman ako kay Mico, ano bang kinagagalit mo?!" Nawindang ang sa sigaw
ng kapatid ko sa nakatalikod na si Tres. Bihira ko kasi makitang mainis si
Ysobelle, lagi syang nakangiti.

Umiling lang si Tres at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng apartment. Nagulat na


lang ako ng bigla na lang humikbi si Ysobelle.

"Ysobelle." Tawag ko, pero bago pa ako makalapit ay dinaluhan na sya ni Tres na
hindi pa nakakalapit sa may pinto.

"Sige na, hindi na ako galit." Bulong ni Tres. "Wag ka ng umiyak, makakasama sayo.
Sorry na." Pang-aalo ni Tres.

I felt my heart constrict, parang may kamay na humawak doon, imbes na kiligin sa
nakikita ko, nakaramdam ako ng panghihinayang. Ganyang ganyan si Deuce noon. Ayaw
nyang nakikita akong umiiyak.

"Ayaw ko lang naman kasing masaktan ka kasi makakasama nga sayo di ba? Don't fall
inlove, Ysobelle." Dugtong ni Tres habang yakap ang kapatid ko na umiiyak sa dibdib
nya.

"Hindi naman ako masasaktan eh! Kaya nga ako nagboboyfriend ng hindi ko mahal para
hindi ako masaktan. Kita mo ikaw, pinapaiyak mo ako! Break na kami ni Mico at hindi
naman ako umiyak. Ngayon lang kasi sinasaktan mo ako ngayon!" Humikbi muli si
Ysobelle, lumapit na ako sa kanilang dalawa at inabutan ang kapatid ko ng tubig.

Magboyfriend ng hindi mo mahal para hindi masaktan? Will that really work?

In Ysobelle's case maybe. But playing safe will never be the best option. Kapag
takot kang masaktan, hindi ka magiging masaya. If you will choose to be with the
people who love you but you don't love, you will only deny your opportunity to be
happy, and you will not make other people happy because you don't truly love them.

There's no remedy in true love. Walang second best, isa lang talaga.

Mas mabuti na lang sigurong mag-isa ako. Hindi ko man makuha ang kaisa-isang
minahal ko, hindi ko naman lolokohin ang sarili ko.

=================

Kabanata 13

Ganito Kasakit.

xxRAEVENxx

"Ano bang meron ngayon?" Tanong ko kay Tatiana habang inaabutan sya ng malilinis na
table cloth. Inaayos kasi namin ang Filipiniana Hall para sa isang importanteng
event mamayang gabi.

"Masanay ka na, Rae. Sa five star hotel tayo nagtatrabaho kaya halos araw araw may
malalaking event. Ngayon ay stockholder's meeting daw ng Valdemar Industries kaya
bawal magkamali." Sagot naman ni Tatiana. Tumango ako.

Lumapit naman ako sa cleaning supplies ko at nagsimulang mag-mop ng sahig. All


around kasi ang housekeeping dito, basta lahat ng may kinalaman sa paglilinis ay
kami ang gumagawa. Mas pinili ko na ito kaysa sa Food and Beverage Department dahil
hindi masyadong nakikisalamuha sa tao ang housekeeping. Tama na yung mga kapwa ko
empleyado ang pinapakisamahan ko, hindi pa requirement ang magpaganda dito sa
houskeeping, nakakatamad kasing mag-ayos.

"Raeven, Tatiana at Oscar.." Tawag samin ni Mrs. Dolor, ang head ng housekeeping na
nakatayo doon sa may pinto ng hall. Agad kaming lumapit sa kanya.

"Kulang ang F&B ngayon. Kayo ang may experience sa pagwe-waiter kaya punan nyo muna
ang kulang. Iwan nyo na ang mga ginagawa nyo dito at kunin nyo ang uniporme nyo
doon kay Sonya, nandon sya sa quarters." Utos sa amin ni Mrs. Dolor. Sumunod naman
kaming tatlo kahit alanganin ako dahil iniisip ko pa lang kanina na ayoko sana sa F
& B.

Nang makapagbihis na kami ay nilapitan ako ni Tatiana

para alukin ng make-up, matigas ang naging pag-iling ko.

"Hindi naman kailangan yan, Tat." reklamo ko.

"Anong hindi kailangan? Maputla kang tingnan pag wala. Hindi ka pa din talaga
nagbabago. Manang ka pa din." Napailing si Tatiana sa akin ng nadidismaya. Ngumuso
ako at pinagmasdan syang lagyan ng brown na eyeshadow ang aking mata.

"Wag kang malikot. Ngayong gabi lang naman ito, sa Housekeeping hindi kailangan ng
make-up pero kung haharap ka sa tao kailangan. Doon sa restaurant ni Ma'am Atasha,
hindi mahigpit doon, pero ito, five-star, kailangan lahat maganda." Pangaral nya
pa.

"Ayoko ng pulang lipstick." Sabi ko agad ng makita ko si Tatiana na pumipili ng


lipstick para sa akin.

"Yes Madam, baby pink lang para sa pabebeng kagaya mo." Sabi nya, sumimangot ako.
Sumunod na ginawa ni Tatiana ay kinulot ang dulo ng buhok ko. Nang makuntento na
sya sa aking itsura, pinatayo nya ako sa lifesize mirror dito sa quarters.

"Ay ang ganda mo! May itinatago ka pa palang ganda bwisit ka! Akala ko todo na yang
mukha mo! Lechhhh! Tinalbugan mo ako!!" Sinipat sipat ako ni Tatiana kaya alanganin
naman akong ngumiti. Pati si Oscar ay napapalingon na din tuloy sa amin.

Nang umalis si Tatiana sa likod ko para sya naman ang mag-makeup, pinagmasdan ko
din ang sarili ko. Medyo nag-improve nga naman ako kaysa kanina.

Huminga ako ng malalim ng nakita kong unti unti nang napupuno ang mga upuan.
Lumabas na kami ni Tatiana sa quarters at humalo sa mga
waiters at waitresses na nagsisilbi ng drinks.Hindi naman mahirap ang ginagawa,
tatanungin lang kung ano ang gusto ng guests, ang mga pagkain naman ay buffet,
halos drinks lang ang inaabot namin at ang pag-aasiste sa mga upuan.

"Frenny, jingle lang ako. Ikaw na magpasok sa kitchen ng mga basong ito." Iniabot
sa akin ni Tatiana ang hawak nyang tray na may mga baso. Nilagay ko ito sa
dishwashing area pagkatapos ay muling lumabas.

Nagsisimula na ang conference ng lumabas akong muli. Nanatili akong nakatayo at


nag-iintay ng tatawag sa akin para sa kung anong request.

'May we give the floor to the legal counsel of Valdemar Industries, Attorney Deuce
Montemayor.'

Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang sinabi ng emcee. Ilang beses
akong napalunok at nanatiling nakatuon lamang doon sa stage kung saan umaakyat ang
lalaking iniwan ko dalawang taon na ang lumipas. He's in his all black suit,
simpatikong simpatiko ang kanyang dating.

He still looks... the same. Mula sa tindig at ang kurba ng kanyang mga labi. Sya pa
din ang Deuce na minahal ko ng sobra noon. But in his eyes, mukhang mayroong
kulang...

"We all gather here to discuss about the status of stocks of Valdemar Industries.
Juan Miguel, my friend initiated this meeting to let you know that we are against
of further opening the shares to the public.." Umingay ang buong hall, mukhang
tanda ng pagtutol.

"And my advice is, anyone who will go against it, can sell their shares now and
return it to Valdemar property." Malamig na sabi nya.

Mas lalong umingay ang hall. Hindi ko naiintindihan ang kanilang pinag-uusapan pero
mukhang lahat ito ay disgusto sa sinabi ni Deuce. Tumindig lamang si Deuce sa gitna
at mukhang walang pakialam sa mga pagtutol. Like a cold beast ready for a fight.
Wala ng init at ngiti sa kanyang mga labi.

"Ibang klase si Montemayor. Ang bangis. Pati sa pagnenegosyo masyadong matalino."


Narinig ko ang isang naka-amerikanang lalaki sa aking harapan. I can't help but to
be proud for Deuce. Malayo na talaga ang kanyang nararating at kilalang kilala na
sya.

"Ikakapahamak nya yan, Luis. Iba din ang tabas ng dila ng isang yan. Arogante."
Sabi naman nung isa.

"At walang awa. He's the ruthless lawyer hindi ba? Dinaig pa ang kanyang ama."

Napaawang ang mga labi ko. Hindi maaring ganon. Why would he become worst compared
to Hades Montemayor? Hindi ko nakitaan ng ganoong senyales si Deuce. He's selfless
at magaling makisama. Masyado syang mabait para maging ganoon. Bumalik ang tingin
ko sa stage. At ganoon na lamang ang panlalamig ko, when his eyes met mine.....

xxDEUCExx

Hindi pa ba nasanay ang mga taong ito sa akin? They want to offer Valdemar shares
in public, alam ko naman ang nasa isip nila, they want to play with the market,
sila din ang bibili ng shares at dahil alam nila ang nangyayari sa loob ng negosyo,
they want to be at the advantage when to sell or to buy the shares.

Naging maingay ang Filipiniana Hall kaya kailangan kong tumigil sa pagsasalita,

kinailangan kong antayin na makabawi ang lahat sa kanilang pagkabigla bago sabihin
ang susunod pang mga salita. Pinaikot ko ang mga mata ko. Hanggang sa isang
pamilyar na mukha ang nahagip ng tingin ko.

She stood out because of her shiny hair that was curled. Mapapansin agad ang
kanyang tangos ng ilong at ang kanyang mga mata. She really looks different among
the waitress here.

Nagtiim bagang ako. Kung saan saan ko sya hinanap noon, dito ko lang pala sya
makikita?

Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya, may ilang napapansin na din ako na
tumitingin sa kanya, agad akong nakaramdam ng pagkainis. What to adore with that
beautiful woman? Sa likod naman ng magandang mukha, nagtatago ang katauhan nya na
magaling mang-iwan.

Pucha, hindi ako naniniwala na mapagbiro ang tadhana, ngayon lang talaga. Gusto ko
syang sugurin at agad na kumprontahin, gusto kong ipakita sa kanya kung ano ako
ngayon, kung sino na ang iniwan nya. Kung ano na ang halaga ng ipinagpalit nya sa
barya na ibinigay sa kanya ng sarili kong ama.

"Attorney.. Attorney.." Tawag sa akin ni Leona, ang emcee. Doon bumalik ako sa
katinuan, bago ko ialis ang tingin ko sa kanya, nagtama ang mga mata namin. Ngumisi
ako sa kanya, pero tumalikod lang sya at naglakad na papalayo.

Nagsimula na ulit akong magpaliwanag ng mga mangyayaring pagbabago sa Valdemar


Industries, hinahanap sya ng mata ko pero hindi ko na sya muling makita. Hanggang
sa makababa ako, hindi ko na sya nakita pang muli. Nang magsimula na ang dinner,
tumayo din ako, hindi para kumuha ng pagkain kundi

para hanapin si Raeven.

Pasimple akong pumasok patungo doon sa kitchen, alam kong bawal ako dito pero wala
akong pakialam, I want to see for myself that she's real. She's back.
Napangiti ako ng makita ko syang nakasandal doon sa may entrada ng kitchen at
tulala, agad kong kinuha ang kamay nya at hinila papalayo.

"D-deuce.." Napapikit ako. Sa unang pagkakataon narinig kong muli ang boses nya.
Wala pa ding pagbabago iyon. My senses still recognize it but now, I feel nothing
but hate.

Dinala ko sya sa backdoor ng kitchen kung saan dumadaan ang deliveries, lumayo pa
kami ng kaunti mula doon sa pinto. I cornered her, sumandal sya doon sa pader at
ikinulong ko sya sa magkabilang braso ko na nakadikit din sa pader na sinasandalan
nya.

"Hi Raeven Mendoza, long time no see." Malamig kong sabi.

Her eyes locked mine, hindi ko maintindihan kung ano ang ekspresyon nyang yon, but
I can see that her lips are trembling. Madilim na madilim sa parteng iyon ng hotel,
walang ingay kundi ang tunog ng paghampas ng hangin sa mga puno, marahil ay
giniginaw sya, but I don't feel like offering my suit to her, para ano pa? Wala na
syang kahit anong halaga sa akin.

Ganito pala ang pakiramdam kapag napuno na, mabubura na ang lahat. Hindi ako
makapaniwala sa ibinigay ko noong atensyon sa kanya.

Ganito lang?

Ito lang sya pero nasaktan nya ako ng sobra? I had girls better than her! Mas
maganda at edukada. Mga babaeng mas bagay sa akin, hindi kagaya nya.

"D-deuce,

Im sorry." Bulong nya sa akin.

xxRAEVENxx

"P*tangina sorry lang?" Galit na galit na sigaw ni Deuce, nanlilisik ang kanyang
mga mata na nakatuon sa akin.

"Pinagpalit mo ako sa pera, sorry lang? Bakit mo ako iniwan Raeven?" Buong
hinanakit na sigaw nya.

"May mga bagay lang akong kailangang piliin, Deuce." Nanginging ang boses ko pati
ang mga kamay ko, kinailangan ko pang kumapit sa laylayan ng palda ko para humiram
ng lakas doon.
"At hindi ako yon?" Puno ng pait nyang tanong.

"Im sorry... Hindi kita ipinagpalit sa pera, kung yan ang sinasabi sayo ng Daddy
mo. Hindi. Hindi ko ginawa yon, Deuce. Si Nanay ang binayaran nya pero hindi ako
kasama ni Nanay nung nawala ako."

"Sinungaling! Bakit ka nandito? Naubos na ba ang pera mo? Manghuhuthot ka na naman


ng mayayaman?" Nasasaktan ako sa mga paratang nya pero hindi ko masabayan ang galit
nya. His anger is at it's boiling point and it's melting me up. Although I know
it's useless to defend myself pero susubukan ko pa din.

"Deuce, I am sorry. Nalaman kong may kapatid ako bago tayo ikasal at may sakit
sya. Kailangan kong piliin ang kapatid ko, mas kailangan nya ako, Deuce."

"Sinungaling!" Sigaw nya muli sa akin, ang mga palad nya ay kumuyom at hinampas nya
ng malakas sa pader, napaigtad ako sa lakas non. "O baka naman totoo na gusto mo
akong sakitan dahil gumaganti ka sa Tatay ko? You never loved me."

Umangat ang palad ko para haplusin ang kanyang

pisngi pero marahas nya lang na pinalis ang mga kamay ko. Nasaktan ako ng husto sa
pagtataboy nya.

"I love you.. Deuce, minahal kita. Hindi ko alam kung anong sinabi sayo ng Tatay mo
pero pinalayo nya ako kung hindi sasaktan nya ang kapatid ko."

"Kaya pinili mo ako ang saktan ganon ba? Kasi iniisip mo na baka hindi kita kayang
pagtanggol?" Magsasalita pa sana ako ng ilagay ni Deuce ang kanyang daliri sa aking
mga labi.

"Hindi na. Wala na akong pakialam. Pinagpalit mo ako sa pera, pinagpalit mo ako sa
kapatid mo o ginamit mo lang ako para gumanti ka sa Tatay ko, isa lang ang totoo.
Iniwan mo ako at wala na tayo. This fcking turmoil in my head will end tonight.
Siguro ito lang ang kailangan ko, kailangan ko lang makita ka at ipakita sayo kung
ano na ngayon ang iniwan mo." Napakalamig ng bawat salita nya. Hindi ko na
maramdaman ang init na pinadarama nya sa akin noon, kahit ang pag-iingat ay wala
na.

Kitang kita ko sa mga mata nya ang kagustuhang saktan ako. Handa sana akong
tanggapin yon, but he never lift a finger, maybe he just don't feel that I even
deserve his muscle to hurt me.

"Deuce Im sorry." Humikbi ako. Kadalasan noong umiiyak ako, isang patak pa lang ng
luha ko, aamuhin na nya ako, pero iba na ngayon, hindi na sya kagaya ng dati. Hindi
na sya ang Deuce na iniwan ko. I made him a cold hearted man.
"Nandito lang ako para sabihin sayong hinding hindi kita mapapatawad Raeven. Wag ka
ng mag-aksaya ng laway at luha mo dahil hindi na kita kailangan. Nakatayo ako mag-
isa. Kaya ko ng wala ka at matagal na kitang kinalimutan." Pagkasabi non ay marahas
nya akong tinulak kaya napaupo ako sa damuhan. Tumalikod na sya na mayroong
malalaking hakbang.

Naiwan akong nakasalampak lang sa lupa kung saan ako iniwanan ni Deuce, basang basa
ng luha ang kubuuan ng mukha ko, my chest tensed and my breathing became rigid.
Gusto ko syang habulin, yakapin at humingi ng tawad pero hindi nya ako hahayaan.
Ayaw na nya sa akin. Hindi na nya ako mapapatawad.

Sari saring pagsisisi ang naramdaman ko, sana ay hindi ko pinatagal ng ganito. Sana
humingi ako ng tulong sa kanya noong pinagbantaan ako ng tatay nya. O di kaya mas
pinagbutihan ko pa ang pagsusumamo kay Attorney Hades Montemayor noon para hindi
kami paglayuin ni Deuce, siguro ay hindi kami aabot sa ganito.

May mga bagay talagang hihilingin mo na sana ay ginawa mo at makakaramdam ka ng


sakit kapag nakita mo na ang resulta. I've seen this coming, pero ni minsan, hindi
ko inakala na magiging ganito kasakit.

=================

Kabanata 14

Harapin.

xxRAEVENxx

Bumalik ako sa quarters para magbihis, tapos na ang event kung nasaan si Deuce at
hindi ko na sya nakita pa sa hall.

"Frenny! Nandoon si D--- Nagkita na kayo?" Tumaas ang kilay ni Tatiana ng makita
ang namamaga kong mata. "Pinaiyak ka nya, Frenny?"

"Kasalanan ko naman kasi.. Iniwan ko sya ng walang paalam, iniwan ko sya sa araw ng
kasal namin." Humikbi ako, nilapitan ako ni Tatiana at hinagod ang likod ko.

"Sinaktan ko sya, Tat. At nasasaktan din ako na marinig sa kanya na hindi na nya
ako mapapatawad." Humagulgol ako sa balikat ni Tatiana. Ramdam na ramdam ko ang
panghihina ng tuhod ko dahil sa nangyari kanina.

"May dahilan naman di ba? Naikwento mo na dahil sa kapatid mo. May dahilan ka,
Raeven.. Dapat ay maintindihan nya yon." Pang-aalo ni Tatiana.

Umiling ako. Tama si Deuce, kahit anong dahilan sana kumapit lang ako, sana
nagtiwala lang ako sa pagmamahal nya sa akin.

"Halika na, umuwi na tayo para makapagpahinga ka. Gabi na.." Itinayo ako ni Tatiana
mula sa upuan. Humarap ako sa salamin at matindi ang pamamaga ng mata ko pati ang
pamumula ng ilong. Hinawi ko ang buhok ko at inilagay iyon sa gilid para matakpan
ng kaunti ang mukha ko.

Sabay kami ni Tatiana sa sakayan ng jeep pero magkaiba ang sinakyan namin. Halos
makatulog ako sa byahe dahil sobrang pagod, pisikal at emosyonal.

"Miss.. Dela Rosa na." Namulat ako sa panggigising ng katabi kong ale. Tumango ako
at ngumiti. Nang makita ko na ang kanto namin, pumara

ako at nagsimulang maglakad.

Napansin kong mayroong sasakyan sa aking likuran na mabagal ang takbo, gumilid ako
para padaanin sya pero hindi naman din bumilis ang takbo nito.
Baka mayroong hinahanap na bahay.

Nilakihan ko ang hakbang ko at ng marating ko ang apartment namin, kumatok ako doon
sa gate ng makita kong bukas pa ang ilaw.

"Ate!" Parang bata si Ysobelle pagkakita sa akin. Malapad ang kanyang salubong na
ngiti.

"Ate, I missed you!" Yumakap pa sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Hala, bakit
ganyan ang mukha mo? Umiyak ka? Sinong nagpaiyak sayo?" Sunod sunod na tanong nya.
Tipid akong ngumiti at umiling.

"May nang-api ba doon sa hotel na pinagtatrabahuhan mo? Sabi ni Tres malapit daw
sila sa mayari nung pinagtatrabahuhan mo, gusto mo ba isumbong natin?" Hindi ako
tinigilan ni Ysobelle hanggang sa makapasok ako sa loob ng apartment.

"Hindi ako inaapi, Ysobelle. Asan si Tres?"

"Umalis na nung dumating si Ate Phen. Tulog na si Ate Phen eh. Inaantay lang kita."

"Sana natulog ka na, gamot mo?"

"Ininom na." Nakangiting sabi sa akin ni Ysobelle. "Kain ka na muna, Ate." Lumapit
si Ysobelle sa lamesa at ikinuha ako ng kanin at ulam.

"Si Tres na naman ang nagluto?" Pinanliitan ko ng mata si Ysobelle.

"Ate naman, alam mo namang palpak ako sa kusina eh. Sabi nya okay lang naman daw.
Mahilig naman daw syang magluto." Napakamot pa si Ysobelle ng kanyang ulo. Spoiled
talaga ni Tres ang batang ito.

"Anong meron sa inyo ni Tres?" Tanong ko kay Ysobelle

ng hindi sya tinitingnan.

"Hala grabe ka Ate. Walang malisya! Lumaki kami bilang magpinsan." Kitang kita ko
ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Ysobelle, hindi ako bulag. Kung ano man yan, wag mong sasaktan si Tres. Ibang
klase masaktan ang mga lalaking sobra kung magmahal." Lumunok ako ng isang beses ng
maramdaman ko ang pag-uulap ng mata ko. Umupo si Ysobelle sa aking harapan at
gumapang ang kanyang kamay sa mga palad ko.

"Nagkita na kayo ni Kuya Deuce?" Malungkot nyang tanong sa akin. Tumango ako at
kinagat ang pang-ibabang labi ko.
"Ate, kung mahal ka nya talaga, mapapatawad ka pa din nya."

"Nakalimutan na nya ako." Pinahid ko ang butil ng luha sa aking mata.

"Then it's about time to move on. Nangyari na yun Ate. Nagkamali ka at ayaw nyang
magpatawad, there's no point na ipilit mo pa ang sarili mo."

I sighed. Kung ibang tao si Deuce hindi ko hahabulin ang kapatawaran nya, pero
naging matigas ang puso nya dahil sa pang-iiwan ko sa kanya. I don't want him to be
a monster like his father. Gusto ko ang dating sya, gusto kong ibalik ang lambing
sa kanyang mga mata.

Kahit hindi na para sa akin, kahit para na lang sa babaeng susunod na mamahalin
nya.

-----

"Raeven, nagrequest ng housekeeping ang 1602." Tumingin sa kanyang chart si Mrs.


Dolor. Kinuha ko agad ang panglinis ko at dumiretso sa service elevator.

Ito na ang huling lilinisin ko, patapos na kasi ang shift ko. Tumingin ako sa
orasan at alas sais na ng hapon. Gusto ko sanang makauwi agad para maipagluto si

Ysobelle, kung hindi ay ipagluluto na naman sya ni Tres. Ginagawang alalay ng


kapatid ko ang kapatid ni Deuce.

"Housekeeping." Kumatok ako sa pinto ng sinasabing guest. Mayroong nakasabit na


card sa doorknob na mensahe para linisin ang kwarto.

"Housekeeping." Paniniyak ko na walang tao, wala pa ding sumagot.

Kinuha ko ang magnetic card ko at tinapat ko sa pinto at nagbukas yon. Hinila ko


ang cleaning supplies ko at ganoon na lang ang pangungunot ng noo ko ng makarinig
ako ng pag-ungol mula doon sa silid.

"Oh Deuce!" Narinig kong sigaw ng isang babae.

Natanawan ko ang pagkilos sa ilalim ng kumot ng isang babae at ang lalaki, alam ko
na si Deuce. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Tatalikod na sana ako ng
marinig ko ang boses ni Deuce.

"Housekeeping. Close our door and clean the sitting room. Properly." Utos nya.

Tumango ako at hindi ako halos makatingin sa itsura ni Deuce. Sinarhan ko ang pinto
at huminga ng malalim. Ang daming kalat sa presidential suite ni Deuce. Iba't ibang
klaseng bote ng beer at wine. Maaga pa ay umiinom na sya?

Dumiin ang paghawak ko sa disinfectant spray ng maulinigan ko ang pag-ungol na


nagmumula doon sa silid ni Deuce. May pumatak na luha na lang sa akin. Inabala ko
ang sarili ko sa madiin na pagkuskos sa lamesa pero patuloy pa din ang pag-iingay
na ginagawa nila sa loob ng kwarto.

Halos papatapos na ako sa sitting room at dining room ng nakarinig ako ng pagclick
ng pinto, pinunasan ko agad ang aking luha para wala ng makakita ng pag-iyak
ko.

"Ayusin mo ang kwarto." Malamig na sabi ni Deuce. Napatingin ako sa kanya. He is in


his pants now, pero wala syang pang-itaas. His body is in its full glory. Bakas na
bakas ang kanyang abs at ang kanyang v-line.

"Drooling?" May panunuya nyang sabi sa akin. Umayos ako ng pagkakatayo at nagtungo
doon sa kwarto. Laking gulat ko ng makita ko doon ang babaeng kasama nya sa
restaurant ni Ma'am Atasha noon. Patricia Crisostomo. Ang pinagselosan ko ng husto
kaya kami nauwi sa pagpapakasal ni Deuce.

Kumunot ang noo ko ng magkatinginan kami. I know this girl is now married to a
senator, tandang tanda ko ang mukha nya, pero mayroon ba silang relasyon ni Deuce?
Kabit nya si Deuce?

"Don't stare at me like that!" Mataray na sambit ng babae. Yumuko ako at nagpanggap
na lamang ako na walang nakikita.

Pinalitan ko ang bedsheet ng kama, at inayos ko ito ng mabuti. Damang dama ko ang
sakit sa bawat pagkilos ko sa isang kwarto kasama si Deuce pero wala akong choice
dahil trabaho ko ito. Ipinagpasalamat ko ng husto ng matapos ako. Nakayuko akong
lumabas sa sitting room, nakita kong nakabukas ang balcony, wala pa ding pang-itaas
si Deuce at nakita ko syang naninigarilyo.

Kailan pa sya natutong manigarilyo?

"T-tapos na po ako, Sir."

"Attorney. Call me Attorney." Pagtatama nya.

"Tapos na po ako, Attorney." Ulit ko.

"Dalhin mo ang pagkain ko. Inorder ko na doon sa restaurant." Malamig na utos nya.

"Dadalhin naman dito yon ng F & B--"

"Sinabi kong ikaw ang magdala. Go." Nagtataka man ay sumunod

na din ako. Nagmadali akong bumaba at nagtungo doon sa kitchen. Masyadong madami
ang inorder na pagkain ni Deuce. Siguro nagutom sya sa ginawa nya kanina. Sumakit
na naman ang puso ko dahil sa isiping iyon.

Kumatok akong muli pagtapat ko sa pinto ni Deuce, hindi sya muling sumagot kaya ako
na ang nagbukas. Hindi nya ako tinitingnan kaya ako na ang nag-ayos sa lamesa ng
mga pagkain.

"Attorney, ready na po." Untag ko. Nakahilera ang pasta, steak at stirred
vegetables sa lamesa. Mayroon pang strawberry cheesecake na kasama.

"Upo." Wika nya.

"H-ha?"

"Sabi ko upo." Pagod ang mga mata nya nang tumingin sa akin. Naglalakad na din sya
papalapit sa lamesa.

"Bawal po." Totoo naman. Bawal sa amin ang makihalubilo sa guest.


"Uupo ka o ipapatanggal kita sa trabaho?" Banta nya. Nagmadali naman akong umupo.
Sabi ko nga uupo na ako.

Umupo din si Deuce sa aking harapan. Itinapat nya sa akin ang pasta at yung
strawberry cheesecake. Sa kanya naman ang steak at yung gulay.

"Kain."

"Attorney, bawal nga p--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng samaan nya ako ng
tingin. Napilitan akong sumubo ng pagkain. Ang totoo ay kanina pa ako gutom. Alas
syete na kasi ng gabi. Hindi ko na din nasunod ang pag-uwi ng maaga.

Tahimik si Deuce. Hindi sya tumitingin sa akin pero ang mata ko naman ang
nagpipyesta sa kanya. Nakasalubong ang makakapal nyang kilay habang kumakain.

Hindi ko akalain na magiging ganito kami kalapit muli kaya kahit papano,
nagugustuhan ko din ang distansya.

Tumikhim ako pagkatapos

kong kumain.

"Attorney." Wika ko. Nag-angat sya ng tingin.

"Yung sinabi ko kagabi..." Panimula ko.

"Hindi pa din kita pinapatawad. That was Patricia's food kaya lang kailangan nya ng
umalis. Ipinakain ko na lang sayo." Tinuro nya ang plato na pinagkainan ko.

Nasaktan ako sa kanyang sinabi pero tipid lang akong ngumiti at tumango.

"Gusto ko lang matiyak na hindi mo sasabihin kay Attorney Hades na nagkita tayo.
Ayokong gawan nya ng masama ang kapatid ko." Wika ko.

Nagulat ako ng ibagsak ni Deuce ang kanyang kubyertos sa plano. Puno ng galit ang
kanyang mga mata ng ituon nya sa akin.

"Ano bang pakialam ko sa inyo ng kapatid mo?" Madiin nyang sabi. Hindi agad ako
nakasagot. Gusto kong maiyak pero alam kong lalo lang syang maiinis.

"Oo nga pala, wala. Sorry Attorney. Pasensya na po." Tumayo na ako at niligpit ang
pinagkainan namin. Hindi ko alam kung tinitingnan pa ako ni Deuce pero hindi na ako
nag-angat ng tingin.

Nang mailagay ko na ang lahat sa food cart tumayo ako sa harapan ni Deuce at
yumuko.

"Salamat po sa pagpapakain nyo ng naiwang pagkain ng girlfriend nyo, Attorney.


Masarap po. Goodnight." Sabi ko.

Hindi kumibo si Deuce kaya tumalikod na ako. Ramdam ko ang mabibilis na tibok ng
puso ko ng makalayo ako sa kwarto ni Deuce. Hanggang sa makarating ako sa quarters
para magpalit ng damit, nanginginig pa din ang mga kamay ko.

Masanay ka na, Raeven..

Nakauwi na si Tatiana kaya ako ang mag-isang umuwi. Nang makababa ako sa kanto,
napansin

ko na naman ang sasakyan kagabi na nakasunod sa akin. Sa pagkakataong ito,


kinabahan na ako. Hindi kaya ang tatay ito ni Deuce at pinasusundan na ako?

Mas mabilis akong naglakad pero nakasunod pa din ang sasakyan. Nawala lang ito ng
makapasok na ako sa loob ng apartment ko.

"Tres.." Una kong napansin si Tres na nakasalampak sa sahig ng aming salas habang
nagsusulat ng kung ano. Nagpamewang ako at tinaasan ng kilay si Ysobelle.

"Pati ba naman ang assignment mo, si Tres din ang gumagawa?"

Napakamot ng ulo nya si Ysobelle. "Mahina ako sa algebra, Ate.."

"Bakit hindi kaya magpaturo ka imbes na sya ang gagawa?" Sermon ko.

"Okay lang, Ate Raeven.. Madali lang naman." Pagtatanggol ni Tres sa kapatid ko.
Sinimaan ko ng tingin si Ysobelle pero ngumisi lang sya sa akin.

Binalik ko ang mata ko kay Tres. Siguro ay panahon na para harapin ang problema
kong tinakasan ko noon.

"Tres, pupwede ko bang makausap ang Daddy mo?"

Nagtataka akong tiningnan ni Tres.

"May gusto lang akong linawin sa kanya. Day off ko bukas." Dugtong ko.

"Okay, nasa bahay lang naman yon. Sabay ka na sa amin ni Ysobelle paghatid ko sa
kanya sa school dadalhin kita sa bahay. Gusto mo bang sabihin ko muna sa kanya na
kakausapin mo sya?"

Umiling ako.

Nang gabing yon, napakaraming pumasok sa isip ko. Nag-aalala ako na baka magalit si
Attorney Hades at pagbantaan na naman ang buhay namin ng kapatid ko. Kung kailangan
kong magmakaawa sa kanya, gagawin ko. Wala naman na akong panghahawakan pa. Wala na
din sa akin si Deuce.

Masayang kumaway sa amin si Ysobelle ng ibaba namin sya sa school nang mag-umaga.
Kinakabahan ako dahil magkakaharap na naman kami ng taong nagpahiwalay sa akin kay
Deuce.

"Si Dad?" Tanong agad ni Tres sa kanyang kasambahay pagkapasok namin sa kanilang
mansyon.

"Nasa library po."

Tumungo kami sa library. Sinenyasan ako ni Tres na mag-intay sa labas ng pinto.


Sumilip sya sa library.

"Dad, may gustong kumausap sa inyo." Narinig kong sabi ni Tres.

"Sino?" Ang boses nyang yon, nakakatakot pa din.

Niluwangan ni Tres ang pinto. Napaawang ang labi ni Attorney Hades, ganoon din ako.
Dahil ang makapangyarihang lalake noon na nakilala ko, ngayon ay nakakulong sa
wheelchair at mukha ng mahina.

=================

Kabanata 15

Nandito Pa Din.

xxRAEVENxx

"Miss Mendoza, what a surprise.." Nakangiting sabi ni Attorney Hades, mas mapayapa
ang kanyang mukha kaysa sa huli naming pagkikita. Lumipat ang tingin nya kay Tres.

"Iwan mo muna kami, Tres." Utos nito. Tumango si Tres pero tumingin muna sa akin.

"Just call me if you need something, Ate."

Ngumiti lang ako sa kanya at inantay na sarhan nya ang pinto.

"What do you need?" Tumikhim si Attorney Hades. Nakaramdam ako ng awa sa kanyang
kalagayan. He looks so weak. Inayos nya pa ang kumot na nakabalot sa kanyang binti.

"Nandito po ako para makiusap.." Wika ko. Tumango sya at nanatili lang ang mata nya
sa akin. Itinabi nya ang hawak nyang libro, nilagay ang kanyang kamao sa kanyang
baba at inantay ang aking sasabihin.

"Inaamin ko, aksidente kaming nagkita ni Deuce sa trabaho nung nakaraang araw.
Galit na galit sya sa akin, wala ng pag-asa na magkaayos pa kami kaya sana---"
Pumikit ako "---sana hayaan nyo na kami ng kapatid ko, Attorney."

Malakas ang pagbuntong hininga ni Attorney Hades.

"Pinagsisisihan ko ang ginawa ko noon." Sabi nya. Nabigla ako sa kanyang sinabi.

"Hindi ko alam na dahil sa ginawa ko mawawala ang anak ko sa akin. Kaya sana ay
patawarin mo ako, gusto ko sanang itama.." Tumawa sya ng mahina, "Nalalapit na ako
sa hukay kaya gusto kong itama ang pagkakamali ko, pero hindi na sya muling
nagpakita pa. Kinalimutan na nya ang na mayroon syang ama at pamilya. Lumayo sya ng
husto. Ganoon ka nya minahal. Sinumpa

nya ako at ang pamilyang ito." Malungkot ang mata ni Attorney Hades, tinanggal nya
ang kanyang salamin at nagpahid ng luha.

Ganoon kalala ang nangyari noong mawala ako?

"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na lang sana ako nakialam. Akala
ko noon mahina si Deuce. Sa lahat ng mga anak ko, sya ang emotional. Masyado syang
attached. Noong nawala ang Mommy nya dito sa bahay, sya ang bukod tanging hindi
kumain. Kahit anong laruan, hindi nya gusto. Kaya sobra sobra ang pag-iingat ko sa
anak kong yon. Sa totoo lang hindi ko huhusgahan ang pagiging mahirap mo, natakot
lang ako na sasaktan mo si Deuce dahil sa nakaraang nagdudugtong sa atin.. Baka
hindi kayanin ng anak ko kung mag-asawa na kayo at saka mo sya lolokohin."
I felt my chest crumpled. Ni sa hinagap hindi ko naisip na saktan si Deuce, kung
sana ay nakinig sya sa pakiusap ko noon, hindi kami hahantong sa ganito.

"Huli na. Hindi na nya ako mapapatawad." Pinunasan ko ang luha ko. Luha ng
panghihinayang. "Gusto ko lang pong tiyakin na walang masamang mangyayari sa amin
ni Ysobelle. Sya na lang ang mayroon ako."

Tumango si Attorney Hades sa akin "Im sorry Miss Mendoza. Minaliit ko ang
pagmamahal ng anak ko sayo noon."

"Ayos na po iyon.. Magpagaling po kayo." Pagkasabi ko non ay tumayo na ako at


tumalikod.

"Lalambot ang puso sayo ng anak ko, hindi nya matitiis ang babaeng pinakasalan
nya." Natigilan ako at tiningnan syang muli ng naguguluhan.

"Ikinasal kayo ni Nick hindi ba?" Tanong nya sa akin.

Tumango ako, remebering the civil wedding we had.

"Hindi po rehistrado yon." Sabi ko.

Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Attorney Hades at parang may malalim na iniisip.
Hindi ko na inantay kung may sasabihin pa sya.

"Mauna na po ako. Ingat po."

Nakita kong nakaabang si Tres sa may pintuan ng library pagkalabas ko, mukhang
nakikinig talaga sya sa usapan namin ng Daddy nya.

"So ikaw ang dapat papakasalan ng Kuya ko?"

Hindi ako umimik.

"Small world huh." Sambit nya, nanguna sya sa paglalakad kaya sumunod naman ako.

"May dahilan ako kaya ako umalis." Sabi ko.

"Sure. My Dad could be nasty at times. Paborito kasi nyan si Kuya." Kalmadong sabi
ni Tres.

"Noong mga nakaraang araw kasi may sumusunod sa akin, Tres. Akala ko ang Daddy mo.
Nagbanta kasi sya noon na may mangyayaring masama sa amin ni Ysobelle kapag
nagpakita ako kay Deuce. Aksidente kong nakita si Deuce nitong nakaraang araw."

"May banta sa buhay ni Ysobelle?" Tumaas ang kilay ni Tres.

"Kay Ysobelle at SA AKIN. Puro ka Ysobelle. Magkamukha na kayo." Napapailing na


lang ako na lumabas ng kanilang mansyon.

"Sorry Ate. Don't worry. Aalamin ko kung sino ang sumusunod sayo."

"Salamat, Tres. Saka, secret lang natin sa kapatid mo na magkakilala tayo ha."
Ngumiti si Tres at tumango.

xxDEUCExx

Hindi pa din mawala sa isip ko si Raeven. T*ngina three days na yun ah? Tatlong
araw na simula nung unang araw na nakita ko sya ulit.

Paulit

ulit kong inalog ang ulo ko. There's something wrong with this stupid head of mine.
I need to divert my attention.

I should start dating seriously para tuluyan ko ng makalimutan ang p*tnginang


feelings na nakakap*tngina dahil pang-teenager ang pota. I sighed. I am being
sentimental again.

Naistorbo ang pag-iisip ko dahil sa maingay na tunog sa firm. Tiningnan ko ang


pinanggagalingan ng ingay. I creased my forehead and I saw Clover tapping the
manual typewriter. What is she doing?

Tumayo ako agad at nilapitan sya.

"Stop." Utos ko. Kitang kita ko ang pamumula ng mata nya. Sinasabayan ba ako ng
isang to sa pagda-drama?

"You are hurting yourself, look at your tiny fingers." Tiningnan ko ang daliri
nyang pulang pula na.

"Gusto kong mag-ingay." Anunsyo nya.

Tama. Ingay. Kailangan ko ng ingay. Kailangan kong paputukin ang utak ko para
mawala na si Raeven. I need a diversion and Clover is the best person to be with.

"Let's go.." I said.

Hindi nagtanong si Clover kung saan kami pupunta, magmaneho lang ako. Masyado
kaming tahimik sa byahe, wala syang plano magsalita at ganoon din ako.

Nagtungo kami sa Yacht Club kung saan nakaparada ang yate ko. Regalo ito sa akin ni
Daddy noong pinasa ko ang isang law subject ko. Si Raeven ang reyna ng yate ko
noon, sya ang nagdisenyo, lahat ng nakalagay kaming dalawa ang bumili.

P*ta Raeven na naman.

"Pasok." Utos ko kay Clover.

"Dito? As in dito?" Paniniyak nya.

"Hindi. Doon. Doon sa kabilang yate." I kid. She

glowered at me.

Sinundan ko si Clover pagpasok at nagtungo agad ako doon sa deck para simulan na
patakbuhin. I first turned on the engine for the A/C then the GPS. Hindi naman kami
lalayo.
There are two ways to kill the noise inside your head, ang una ay ang mas mag-ingay
pa, ang sumunod ay ang manahimik na lang sa paligid ng magagandang bagay. Today I
opt to kill the noise through silence and solitude of the sea.

"Ang gara!!! Sayo to o nang-Ya-Yatenap tayo?" Napalingon ako kay Clover. Just when
I said silence and solitude, napakaingay naman ng kasama ko.

"Anong Yatenap?" I know her answer would be stupid but I am more stupid to ask.

"Yatenap. Kapag Car ang ninakaw, Carnap.. Kapag Yate, Yatenap. Or Yachtnap?" Tanong
nya pa.

Instead of frowning I ended up bursting in laughter. Ibang klase.

"There's no such thing as Yachtnap because I own this Yacht, Miss." Sabi ko.

"Wow, ang yaman mo pala. Akala ko mahirap ka lang kasi pag nililibre mo ako ng
kape, sa 7'11 lang, tapos kapag sumasabay ka sa lunch okay ka na sa canteen, o pag
lumabas naman tayo, kung hindi pa ako magagalit sayo, hindi mo ako nililibre." I
laugh again. It's true. Ang sarap nya kasing inisin.

"Kasi hindi naman kita nililigawan, we are not dating." --- Although I am thinking
about the possibility many times.

I actually don't care about her past. Clover came from a failed marriage, may anak
sya na nawala and they are considering an annulment. But I like her. Tingin ko ay
hindi ako mauubusan ng tawa kapag sya

ang kasama ko.

"Ah ganon? Kapag nagkaroon ka ng liligawan, ibubulgar ko yang pagiging makunat mo!
Para hindi ka sagutin at ----"

"Pwede na tayo?" Biro ko. Nanlaki ang mata nya.

"Yuck ka. Hindi tayo pupwede kasi nga Gwapo ka lang tapos Diyosa ako." She said as
she shrieked when I manuevered the yacht.

"Marunong ka ba nito? Oo lulunurin mo lang ako?!" Sigaw nya pa.

"Marunong. Ang daldal mo. Kapag nagkamali ako dito bahala ka, isa lang ang lifevest
ko dito."

"Bakit isa lang?! Teka at bababa ako." Akmang bababa nga sya pero mas lalo kong
binilisan.

"Okay lang ba sayo ang lumangoy?" Humalakhak ako. Lumapit sa akin si Clover at
kumapit ng mahigpit sa braso ko, halatang kinakabahan sya.

Huminto kami sa gitna at inaya si Clover sa weather deck ng yate.

"Ang ganda.." napangiti ako kay Clover. I cannot blame her to be in awe. The sea is
serene, tahimik at hindi masakit sa balat ang araw dahil papalubog na ito.
"Madalas ka ba dito?" Tanong niya.

"Dati.. Pero ngayon ko na lang ulit ito minaneho."

"Bakit naman?"

"It's a memory of her.."

"Her?" Hindi man nakatingin sa akin si Clover, alam kong nakikinig sya.

"She designed this. We used to ride on this Yacht and get away from the City. Rae
and I." Kwento koZ

"Rey? Lalaki?! Walanjo sabi na nga bading ka eh!" Her face distort as she
judgementally look at me.

"Raeven Frances Mendoza. My ex." I rolled my eyes at her.

"Bakit

naman kayo naghiwalay?"

"Ang chismosa mo." I don't want to answer.

"Ang damot sa information. Hindi pa nakakamove on!"

I sighed. No, I've moved on. Kung mayroon pang kakaunti, desidido akong burahin
yon. Hindi na nya ako masasaktan ulit.

"Bakit ikaw, nakamove on ka na?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Hindi pa but I am getting there.."

Tningnan ko si Clover at nag-iintay sya ng aking sasabihin tungkol kay Raeven.


Siguro mabuti na ring may mapagsabihan ako kung gaano kasakit, dalawang taon na
sinarili ko ito.

"She left me at the altar. Walang sinabi kung bakit. Dahil tanga ako, hinanap ko..
Sabi ko sa sarili ko, handa akong tanggapin sya pabalik . Alam ko kasi may dahilan,
kilalang kilala ko sya eh. B-but I saw her, sinabi nyang hindi nya ako pwedeng
pakasalan dahil may kailangan syang unahin, maybe she wanted to get even dahil
naipakulong ng Daddy ko ang Tatay nya. P*tngina yon, Clover. Yung sakit, solid.
Galit pa din ako hanggang ngayon."

"Ang saklap naman non." Clover is crying. "I hope she got the justice that she
wanted. Alam kong araw araw syang bubulabugin ng kunsensya nya so paano sya
matatahimik?" Pinunasan ni Clover ang luha nya pagkatapos ay ngumiti sa akin.

"Ikaw? Bakit mainit ang ulo mo?" I asked instead.

"Kasi pinagmu-move on na nya ako, eh ayoko pa nga."


"Ganon lang?" Pinanliitan ko sya ng mata.

"Oo, ayoko pang magmove on Deuce. Isang taon palang kaming magkahiwalay, mahal ko
pa. Ay hindi, mahal na mahal ko pa. At dahil mahal ko, hinahayaan ko sya

sa gusto nya kahit masakit."

I shook my head, unbelievable. Ang swerte ni Jacinto. Ganitong babae ang masarap
mahalin bakit pinapakawalan nya?

"Pero pinatawad na nya ako. Akitin ko na lang kaya para bumalik?" Tanong ni Clover.

"Effortless ka sa part na yan." Di ko mapigilang sabihin. Hindi naman kasi ako


nahihirapang maattract sa kanya. Madali sa kanya ang kumuha ng atensyon. Bukod sa
maganda, walang tigil ang bibig nya sa pagsasalita.

"Don't tell me naakit ka sa akin? Hay nako Minsan Pangalawa Minsan Demonyo ka ha,
nasa gitna tayo ng dagat! Subukan mong lumapit!"

"That's not what I meant. Panigurado, hindi ka pa nakakalimutan non, may annulment
papers na ba?" Kahit ako ay inaantay ang annulment papers na yon but obviously her
husband don't want to let go of her. Clover is just so dense to notice.

"See? Kaya wag ka na mag-emote dyan. If ever he wont get back to you, you can
always have someone at your side Clover.."

And I really mean myself.

"Ikaw din. Wag ka ng mag-emote. Kung hindi ka na nya babalikan..."

"NA-KARMA KA!!! Bigyan ng jacket yan!" she said to me. I frowned and she laughed
harder, nahawa na din ako sa tawa nyang yon.

Nagdinner lang kami pagkatapos ng sea trip namin at ngayon nga ay ihahatid ko na
sya sa apartment nya. I can say that this day is well spent. Nakalimutan ko
panandalian si Raeven dahil kay Clover. Maybe this is what I really need. Maybe she
is who I really need.

"Tandaan mo ang gabing ito Clover. I treat you dinner.

Pati yung gasolina ng Yate."

"Hoy ikaw nga Deuce, kanina ka pa ha." Kinurot nya ako sa tagiliran.

"Tapos ihahatid pa kita sa bahay mo."

"Hay nako, hindi na to mauulit. Nakakahiya naman sa pagsasamantala ko sa kabaitan


mo." Umirap sya. I chuckled.

"Welcome." I said.

My forehead creased when I saw a car in front of Clover's apartment. Apparently,


her husband's car. Mukhang inaantay sya. Suddenly I felt the urge to protect her
from him. Am I being possessive now?

"Wag kang bababa, ako na." Pigil sa akin ni Clover but I didn't listen. I still
went out to open the door for her.

"Goodnight Clover. I hope you had fun today." Nakatuon ang mata ko kay Ashton
Jacinto. The business tycoon Clover married. I saw his hand balled into a fist. I
smirked. He's threatened of me.

Nilagpasan ko na sila Clover ng makita kong sumakay sya sa sasakyan ng kanyang


asawa. Ako naman ay papauwi na.

Papauwi na talaga ako.

Pero..

P*tngina!

Isang pulang Ducati ang humarang sa sasakyan ko. Gusto kong iuntog ang sarili ko sa
manibela because I cannot drive away. Not unless willing akong sagasaan ang sarili
kong kapatid.

Bakit ba kasi nandito ako?

I pressed my horn pero mas pinarebolusyon lang ni Tres ang kanyang motorsiklo. Gago
talaga ang batang to.

Bumaba ako at sinalubong ako ni Tres sa gitna ng kalsada.

"Kuya! Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong nya.

"Bakit mo ba ako hinaharangan?

I-- I was just driving!" Galit na sabi ko pero hindi ako makatingin ng diretso
kahit hindi naman nya alam kung bakit nasa Makati ako kahit sa Quezon City talaga
ang bahay ko.

Why the hell Am I here?

"Eh kasi akala ko ikaw yung---Fck ikaw nga! Sinusundan mo si Ate Raeven?" Nanlalaki
ang mata nya. At this moment I want to shoot him in the head, paano nya nakilala si
Raeven?!

"Ate Raeven? Close kayo?" Tanong ko ng naiinis.

"Sya ang totoong pamilya ni Ysobelle, yung inampon ni Tita Moira."


Naguguluhan pa din ako. Si Ysobelle ang sinasabi ni Raeven na kailangan nyang
unahin kaya nya ako iniwan?

"Mauuna na ako." Tumalikod ako at akmang babalik na sa sasakyan.

"Pwede bang wag mo ng pakabahin si Ate Raeven? Muntik na kitang ipapulis eh.
Stalker." Sigaw sa akin ni Tres. Naikuyom ko ang kamao ko.

"Hindi ko naman sya sinusundan ah! Napadaan lang ako dito, I have a client around
the area. Umiiwas lang ako sa traffic kaya nandito ako." Pagdadahilan ko. Lumapit
sa akin si Tres, he smirked at me. I know there's something with his smile pero
pilit kong inignora iyon.

"Itim na Lexus? Kuya, hindi araw araw may dadaang Lexus dito sa street nila. Denial
king."

"Anong sabi mo?" Tinaasan ko sya ng boses. Lumabi sya at umiling.

"Sabi ko sasabihin ko kay Ate Raeven na ikaw lang yang stalker nya."

Tarantado talagang batang ito! Porket hindi na ako umuuwi hindi na talaga ako
ginalang?

Sumipol pa sya at naglakad papabalik doon sa motor nya. Napabuga ako ng hangin.

"What do you want?" Agad na bumalik si Tres at ngumisi sa akin.

"Pahinging pera."

Napapailing ako na kinuha ang wallet ko. Kinuha ko ang lahat ng cash ko at binigay
ko sa kanya.

"I really don't know why I am paying you to keep quiet. You can tell her that I am
the one following her." Reklamo ko habang nagbibilang ng pera ang kapatid ko.

"Really?" Nagtaas ng kilay si Tres.

"I am just checking out how miserable her life is. Pagkatapos ng ginawa nya sa
akin?" Napailing ako at maglalakad na sana papasakay ng sasakyan ko ng may marinig
akong nagsalita.

"Masaya ka na ba kasi miserable ako? Ito ba ang gusto mo Deuce? I said Im sorry!
Bakit ba galit na galit ka!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko si Raeven.
Nakatingin sya sa akin at punong puno ng luha. Sa likod nya nakatayo si Ysobelle.

Wrong timing.

My jaw tightened. Malamig ko syang tiningnan.

"Hindi pa. Kulang pa yan, Raeven. Kulang pa yang luha mo sa iginapang ko noon. For
all that goddamned insecurity, for all the hatred that you teached me. Kulang pa.
Aantayin ko na lang ang isang araw na kakailanganin mo ulit ako, because I will be
more than happy to reject you. Para maramdaman mo naman kung ano ang naramdaman ko.
Puro ka iyak, hindi mo alam ang pinagdaanan ko." Tumalikod na akong tuluyan at
sumakay ng sasakyan. Bumisina ako ng malakas at agad namang tinabi ni Tres ang
kanyang Ducati.
I drove as fast as I could. Dapat kahit galit ay wala na pero nandito pa din.
T*ngina nandito pa din.

=================

Kabanata 16

Kahit Anong Paraan.

xxRAEVENxx

"Tumahan ka na Ate.. Ganoon lang siguro dahil parehas kayong nagkasakitan." Pang-
aalo sa akin ni Ysobelle.

I nodded. Tumango ako kahit hindi ko maintindihan. Alam kong galit sya sa akin pero
ganoon na ba kasagad sa buto para matuwa sya sa hindi magandang kalagayan ng ibang
tao? He was never like that. I taught him to appreciate things and to be humble and
he was. He was so gentle and kind before.

"Ibang iba na si Kuya, Ate." Inabutan ako ni Tres ng baso ng tubig. "Ngayon lang
ulit kami nagkita. Sinubukan ko syang puntahan noon sa lawfirm para sabihin ang
kalagayan ni Daddy pero bukod sa hindi ko sya naabutan, tinext nya lang ako na wala
syang pakialam."

Seriously? Ganoon kasama?

"Ewan ko nga kung titino pa yan si Kuya." Malungkot na sabi ni Tres.

"Kung mapagmalinis ka naman Tres! Di ba ikaw nga ang dami mo ngang girlfriend,
kelan ka din ba titino?" Umirap si Ysobelle kay Tres.

"Flings, Ysobelle. Magkaiba yon."

Napabuntong hininga ako at tumayo na mula sa sofa. Gusto kong mahiga. Pakiramdam ko
napakahaba ng araw mula sa pakikipag-usap ko kay Attorney Hades hanggang sa
pagkikita muli namin ni Deuce ngayong araw na to.

Naging matamlay tuloy ako kinabukasan, pakiramdam ko lalagnatin pa ako dahil bigla
akong inubo at nananakit ang aking likod.

"Frenny, masama ang tunog ng ubo mo ha. Umuwi ka kaya muna? Samahan kita kay Mrs.
Dolor para magpaalam." Nag-aalala ang mata ni Tatiana na nakatingin

sa akin. Nandito kami ngayon sa quarters para kunin ang gamit namin sa paglilinis.

"Ubo lang ito Tat." Tipid akong ngumiti. Agad naman nyang dinama ang leeg ko.

"Oh, mainit ka eh!"


"Ayos lang ako. Kaya pa." Ngumiti muli ako at tinulak na ang cart ng cleaning
supplies ko.

Sa 14th floor ako naka-assign ngayon. Pang-limang kwarto na ang nalilinisan ko at


lilipat na sana ako sa pang-anim.

Tinulak ko muli ang cart ko at napahinto ako sa gitna, my chest tightened, nakita
ko na naman sya. Nandito muli si Deuce at may kaakbay na namang ibang babae,
mukhang isang modelo dahil pamilyar ang mukha.

Tumingin sya sa akin ng diretso pero ako ang nag-iwas ng tingin.Nalagpasan ko na


sila ng bigla akong nakaramdam ng pagkaliyo. Ilang beses ko kinurap kurap ang mata
ko at huminto muna sa paghakbang.

"Raeven, ayos ka lang?" Nakasalubong ko pa si Bernie na isa sa kasamahan ko sa


housekeeping, nag-aalala ang mukha nya na papalapit sa akin. Humigpit ang kapit ko
sa handle bar imbes na sumagot. Pinakiramdaman ko ang aking sarili.

"Raeven.." Tawag muli sa akin ni Bernie. Naging malikot ang mga mata ko dahil hindi
ko na mapigilan ang panlalabo nito.

"Raeven!" Narinig ko muli ang boses ni Bernie na lubos ang pag-aalala, napaupo kasi
ako sa sahig. Hindi ko na maidilat ang mata ko, unti unting nawawalan ng malay.

"Don't you dare touch her!" Yun ang huling salitang narinig ko pero hindi ko tyak
kung guni-guni ko ba iyon o ano.

----
Nagising ako sa malambot na higaan. Kinusot kusot ko ang

mata ko paulit ulit. Ramdam ko pa din ang panghihina. Kinapa ko ang noo ko at
mayroong nakalagay na cooling gel strip, sa gilid naman ng lamesa ay mayroong mga
gamot.

Napasinghap ako ng mapansin kong nasa isa ako sa kwarto sa hotel. Dito ba ako
dinala ni Bernie? Baka mapagalitan kami. Agad akong bumangon, uuwi na lang ako at
sa bahay na magpapahinga. Nagsisi naman ako sa biglang pagkakatayo dahil nanlambot
muli ang tuhod ko.

"Easy. Bakit bigla kang bumangon?" Pakiramdam ko na parang binuhusan ako ng malamig
tubig ng marinig ko ang boses ni Deuce sa tapat ng aking tenga. Sapo nya ang aking
likod at napakalapit sa akin.

"Uuwi na ako." Nilinga linga ko pa ang hotel room sa abot ng matatanaw ko, hindi
ba't may kasama sya kanina? Nasaan na ang babaeng yon?

"Magpahinga ka muna. Nagpadala ako ng pagkain. Kakainin mo yon bago ka uminom ng


gamot, tapos matutulog ka ulit."

"Hindi na, uuwi na ako. Salamat na lang." Tinutulak ko ang katawan nya papalayo sa
akin. Mas lalo akong nanghihina kanyang bango, sana ay dumistansya ng kaunti.
"Raeven, bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Mukhang nawawalan na ng pasensya na sabi ni
Deuce. Lumabi ako at umupo na lang.

"Look, I am not fighting with you dahil may sakit ka."

Tiningnan ko sya ng mabuti dahil sa kanyang sinabi. Kapag masigla pala ako, aawayin
nya pa din ako.

"Pinagpaalam na kita sa manager mo na magpapahinga ka. If you will not stay, she
will not honor your leave."

"Blackmail." I can't help it but to roll

my eyes.

"I don't care." Umismid din sya sa akin, sakto naman ang pagtunog ng doorbell,
siguro ang inorder na pagkain ni Deuce ay dumating na.

Lumabas si Deuce para daluhan iyon. Agad akong nagtalukbong ng kumot. Ayokong
makita ako ng mga kasamahan ko sa hotel na nakikihiga pa sa kama ng kliyente namin,
baka kung ano ang isipin nila.

"Why are you covering yourself? Baka mahirapan kang huminga." Pilit na hinihila ni
Deuce ang kumot ng makabalik sya sa silid.

"Sir, saan ko po ilalagay ang pagkain?" Narinig kong tanong ng taga-restaurant.

"Dyan na lang, malapit sa TV."

"Don't cover yourself, silly." Baling ni Deuce sa akin at hinihila pa din ang
kumot. Bakit ba ang kulit ng isang to?

"Tigilan mo ako, Deuce." Sabi ko sa ilalim ng kumot. Nang marinig ko na ang


papalayong naghatid ng pagkain, sumilip na ako mula sa kumot, nakaabang si Deuce at
nakataas ang kilay sa akin.

"What's your problem?" Tanong nya.

"Hindi nila ako maaring makita dito na prenteng nakahiga sa kama ng kliyente
namin."

"May sakit ka."

"Kahit pa."

"Anong masama doon?" Inosente nyang tanong. Lumapit sya sa pagkain at dinala
malapit sa akin. Arroz Caldo at fruits and nandoon sa tray.

"Hindi ba pwedeng maging good samaritan ang isang kagaya ko?" Umangat ang gilid ng
kanyang labi na parang nanunuya.

"Sana hinayaan mo na lang ako." Nag-iwas ako ng tingin.

"Una, hindi ko pupwedeng hayaan ang nakikita ng dalawang mata ko." Itinapat nya ang
isang kutsarang lugaw

sa bibig ko. Alangin kong sinubo iyon.

"Pangalawa, don't put such meaning on this, Rae. Mabait lang talaga akong tao."

Hindi pa din ako kumibo.

"Pangatlo, I think deserve ko naman ang pagpapasalamat mo na hindi kita iniwan doon
kahit iniwan mo ako sa altar di ba?" Walang kaemo-emosyon ang mukha nya na patuloy
lang akong sinusubuan ng pagkain. Hindi ko tinanggap ang pang-huli at nanatili lang
ang mata ko sa kanya. Maya maya pa ay naramdaman ko na ang masaganang pag-agos ng
luha ko.

"I said Im sorry." Sambit ko. Pinunasan ni Deuce ang luha ko gamit ang kanyang
palad pagkatapos ay sinubuan akong muli ng pagkain. Hindi man lang sya nagulat sa
pagluha ko, mukhang nasasanay na sya at wala talaga syang pakialam.

Humikbi ako at sumubo muli, "Kung may choice lang ako.."

Pinalis muli ni Deuce ang aking luha, nananatiling blanko ang ekspresyon.

"Im sorry pero masaya ako sa tagumpay mo. Kung ako ang napangasawa mo, hindi tayo
bagay." Sambit ko. Binagsak ni Deuce ang kutsara at masama akong tiningnan, naging
mabilis ang paghinga nya.

"I can't do this." Sabi nya. "I can't pretend to be nice to you, Raeven. Just eat
and drink your medicines." Binalik nya sa tray ang lugaw pagkatapos ay tumayo na.
Akmang lalabas na sya ng silid ng tumayo din ako.

"Then don't. Don't be nice to me, Attorney. Hindi ko din kaya ang makita ka kaya
wag ka ng susulpot kung saan saan dahil ayoko na." Wika ko. Kumuyom ang palad ni
Deuce pero hindi sya sumagot.

Nauna na ang paghakbang ko

at mabilis na lumabas ng kwarto ni Deuce. Bumaba ako agad ng quarters, wala doon si
Tatiana pero nakita ko si Mrs. Dolor doon at mukhang inaantay ako.

"Raeven, umuwi ka na. Nakaayos na ang gamit mo, pinaayos ko na kay Tatiana."
Tumango at ngumiti. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng quarters, doon ako sa
backdoor dumaan, nagulat pa ako ng makita ko doon si Tres.

"Ate! What a coincidence!" Ngumiti si Tres sa akin at umayos ng pagkakatayo mula sa


pagkakasandal sa kanyang sasakyan. Ngiting ngiti sya sa akin kaya kinunutan ko sya
ng noo.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nakaparada kasi sya sa exit door ng mga hotel
staff, kung guest sya, dapat doon sya sa parking lot pumwesto.
"What a coincidence!" Ulit nya na mas lumapad ang ngiti. What's with him? "Pauwi na
ako, sabay na tayo."

"Hindi tayo sa iisang bahay nakatira." Umirap ako. Napatingala sya at tila nag-isip
saglit.

"Ang sungit mo naman, Ate. Dadalaw lang ako kay Ysobelle kasi wala syang pasok
ngayon." Binuksan ni Tres ang kanyang sasakyan.

Sumakay na din ako dahil kinuha nya ang bag ko. Doon ako sa shotgun seat pumwesto,
napansin kong mayroon doong plastic ng mga gamot.

"May sakit ka?" Tanong ko sa kanya pagsakay nya sa driver seat.

"Wala Ate. Ikaw ba meron?" Tanong nya pabalik ng hindi nakatingin sa akin.

"Konting lagnat lang." Sagot ko naman.

"What a coincidence!" Wika muli nya. Binuksan ni Tres ang plastic bag at inabot sa
akin ang paracetamol, may

kinuha sya sa gilid ng kanyang sasakyan na isang bote ng mineral water.

"Inom ka muna." Sabi nya. Nagtaka ako ng husto.

"Tres. Magkano ang binayad sayo ng Kuya mo?" Tinaasan ko sya ng kilay. Lumikot ang
mga mata nya.

"W-wala." Binigyan muli nya ako ng isang plastikadong ngiti. Hindi na ako muli
nagtanong sa kanya hanggang sa makauwi kami ng bahay.

Should I be thankful na concerned sya? Palagay ko ay gusto nya lang iparamdam sa


akin ang distansya namin.

Should I really mind? No. Dapat ko ng tanggapin ang paglayo nya sa akin.
Tatanggapin ko na lang kahit mahal ko pa.

Siguro ganon naman yon, you cannot really hold on to the hands that keeps on
pushing you. Gusto ko man syang hawakan at humingi ng kapatawaran, if he's really
not for it, he wont be ready.

"Ate kamusta na daw ang pakiramdam mo? I Ah, I mean, kamusta ang pakiramdam mo?"
Sumilip si Tres sa kwarto namin ni Ysobelle. Kakagising ko lang at mas maayos na
ang pakiramdam ko kaysa kanina.

"You're really a bad liar, Tres. Epic fail ka." Umismid ako sa kanya.
"Are you better now? May gusto ka ba?" Inignora lang ni Tres ang sinabi ko.

"Malaki ba ang budget na binigay ni Kuya Deuce para sa Ate ko, Tres? Pa-pizza ka
naman." Pumasok si Ysobelle sa kwarto ko at dinama ang leeg ko. Ngumiti sya sa akin
at hinalikan pa ako sa noo.

"Anong budget? Wala ah."

"Sus! Mukha ka kayang pera! Dali, libre mo akong Veggie Pizza." Pamimilit pa ni
Ysobelle kay Tres. "Sabihin

mo kay Kuya Deuce, mataas ang lagnat ni Ate at gusto nya ng pizza, carbonara saka
coke."

"Ysobelle bawal sayo yon. Tigilan mo ako." Seryosong sabi ni Tres kay Ysobelle.

"Kayo talagang dalawa. Maayos na ako. Matutulog lang ako ulit." Umayos ako ng higa
at muling pumikit.

"Rest well, Ate." Hinaplos ni Ysobelle ang buhok ko at lumabas na sila ng kwarto.

Dalawang araw akong hindi nakapasok simula ng lagnatin ko, binawalan din kasi ako
ni Phen dahil stress daw ang dahilan ng pagkakasakit ko, hindi lang basta bastang
ubo kaya kahit wala na akong lagnat kinabukasan, nanatili lang ako sa bahay at
namahinga.

Nakakainip din ang manatili sa bahay, busy din si Ysobelle sa pag-aaral kaya ako
lang ang naiiwan maghapon. Nagluluto ako ng hapunan nang dumating si Phen galing
ospital.

"Beh." Untag nya sa akin.

"Hm?"

"Pag nakulong ako, araw araw nyo akong dalawin ni Ysobelle sa kulungan ha."
Malungkot na sabi nya. Nilingon ko si Phen ng nagtataka.

"Anong sinasabi mo dyan? Joke ba yan?" Binaba ko ang sandok na hawak ko pagkatapos
kong haluin ang niluluto kong nilaga.

Umupo ako sa lamesa na katapat ni Phen.

"Beh, katapusan na ng career ko!" Bulalas ni Phen at bigla na lang syang umiyak.

"Phen!" Nag-aalala akong nilapitan at niyakap sya.

"May ginawa ka bang masama? Nangholdap ka ba ng bank? May kinidnap? May napatay ka
ng hindi sinasadya? Phen, sabi ko na nga ba sayo wag kang nagre-rape ng pasyente
eh. Sana pinigilan mo ang sarili mo." Pumasok sa utak ko ang napakalalang maaring
mangyari.

"Hindi Beh! Gaga! Anong rape? Namatayan kami ng pasyente sa Operating room. Si Dr.
Chong ang head surgeon non, ako ang assistant. Nagalit ang pamilya, medical
malpractice daw. Si Dr. Chong nagtago, ako ang sumunod na hinahabol nila. Juice ko
97 years old na yung kamag-anak nila, ayaw pa nilang pagpahingahin." Humihikbing
lahad ni Phen.

"Phen, may due process naman yan di ba? Kumalma ka nga."

"Paano ako kakalma? Eh yung ex-jowa mo ang abogado nung complainant. Wala pang
natatalo na kaso yon! Sigurado akong sa kulungan ang diretso ko."

"S-si Deuce?"

"Plangak!" Sabi ni Phen na patuloy na umiiyak.

"Waaah!! Ibebenta ko ang bahay ko sa Tagaytay. Kayo ni Ysobelle, bumili kayo ng


bahay dito sa Maynila galing sa mapagbebentahan tapos pakasalan mo si Doc Martin
para may titingin kay Ysobelle." Patuloy nya pa.

Napangiti ako sa sinabi ni Phen. Talagang kahit nasa alanganin, kapakanan pa din
namin ang iniisip nya.

"Hindi ka makukulong, Phen. Gagawa ako ng paraan kahit ano."

At pag sinabi kong kahit anong paraan, I really mean my words.

Nakatayo ako ngayon sa Montemayor Lawfirm at makikiusap ako sa kanya. Sana sa


pagkakataong ito, makinig sya.

=================

Kabanata 17

Luma.

xxRAEVENXX

"Hi Miss Beautiful! How may I help you?" Kumunot ang noo ko sa isang matangkad na
lalake, tsinito at makulay ang pananamit. Kulay green kasi ang kanyang pantalon at
blue naman ang kanyang polo.
"A-ah... Andyan ba si De--- Attorney Montemayor?" Nahihiyang tanong ko. Hindi ko
kasi tiyak kung kinakailangan ko pa bang magpa-appointment o kung ano, kung dati
rati ako ang priority ngayon ay hindi na. Kung pwede lang siguro akong ilagay sa
pinakalikod na pila, gagawin nya lalo pa't malalaman nya na walang saysay ang
hihilingin ko sa kanya, walang sense para sa kanya pero para sa akin,
napakaimportanteng bagay na hindi nya maipakulong si Phen, ang taong tumulong sa
amin ng kapatid ko.

"Oo, andito, may appointment ka ba? Halika." Hinila ako sa kamay ng kausap ko,
hindi naman ako nailang dahil kitang kita ko ang pagpilantik ng mga daliri nya pati
ang pag-indayog ng kanyang bewang.

"Bori-hilda, wala pa si baklang Clover?" Tanong nung kausap ko doon sa isang


babaeng maganda. Nagkibit-balikat lang ito.

"May appointment ka ba, Miss? Wala kasi dito ang assistant ni Attorney kaya hindi
namin matiyak, at kapag wala yon, parang may Dungeon dyan sa opisina nya, tipong
may maririnig kang pagbato ng gamit---"

BLAGGGG!

Isang malakas na tunog na parang tumama sa pinto ang narinig namin. Hinanap ko yon,
pero hindi ko makita

kung saan. Tumaas ang kilay ng kausap ko.

"See? May kasama pang pagsigaw---"

'P*TNGI*A BAKIT NGAYON LANG YAN SOCRATES? DI BA LAST WEEK PA YAN? PAANO KAPAG
NATALO ANG KASO KO? PANGALAN MO BA ANG MADUDUNGISAN?'

"Tapos, magro-rollcall yan ng abogado nya in three, two,o---"

Marahas na bumukas ang pintuan na tantya ko ay opisina ni Deuce.

"Attorney Bori, Attorney Jane, Attorney Ramon, Attorney Condrad, Attorney Exekiel,
Attorney Tristan, Attorney Voltaire, Attorney Elmo sa opisina ko, bilisan!"
Tumayo agad ang halos lahat ng tao doon sa opisina ng nakayuko, parang may
magaganap na paghuhukom at si Deuce naman ang dyos.

"Ako yun, ako si Attorney Elmo. Wait lang ganda ha." Nakangiwing sabi ng kausap ko.

"ELMO! Nak ng, ang tagal!" Sigaw muli ni Deuce.

"Attorney! Im coming!" Tumakbo si Attorney Elmo sa harapan ni Deuce, salubong ang


kanyang kilay at nakasimangot. Ang sungit sungit nya pero ang gwapo pa din.
Nanatili ang mga mata ko sa kanya dahil alam kong hindi nya ako nakikita.
Paniguradong magagalit sya kapag nakita nyang tinitingnan ko sya.

"ARTICLE 1381, sagot!"

Tumahimik ang lahat.

"Article 1381!" Ulit ni Deuce.

Kahit ang tunog ng aircon ay halos mahiya sa pag-gawa ng ingay sa sobrang


katahimikan. Ano bang ginagawa ni Deuce sa mga abogado nya?

"Kapag walang nakasagot ng Article 1381 dito sa opisina

ko, tatanggalin ko kayong lahat ngayon din! I will make sure that you will get a
very bad feedback from me at tingnan natin kung may tatanggap pa sa inyo! Why do I
hire stupid people in my firm? Walang kakain at uubusin nyo ang oras nyo sa
pagbabasa ng Civil Code kapag walang sumagot sa akin ngayon din!" Dismayadong sabi
nya pero ako ang mas lalong nadismaya sa inaasal nya.

"Ano?!" Pati ang puso ko ay halos mapalundag sa nakakatakot na mukha ni Deuce.

"Article 1381, When the civil action is based on an obligation not arising from the
act or omission complained of as a felony, such civil action may proceed
independently of the criminal proceedings and regardless of the result of the
latter." Sagot ko bigla. Nakakainis kasi ang trato nya sa mga abogado nya, parang
hindi naman tama ang ganoong ugali.
"Anong ginagawa mo dito?" Nagtiim ang bagang ni Deuce, nahawi ang mga abogado nyang
natatakot sa kanya at unti unti syang naglakad papalapit sa akin. Nagtaas ako ng
kilay at umayos ng tayo, sinalubong ko ang iritadong titig nya at buong tapang na
nagsalita muli.

"Article 32. Any public officer or employee, or any private individual, who
directly or indirectly obstructs, defeats, violates or in any manner impedes or
impairs any of the following rights and liberties of another person shall be liable
to the latter for damages:
(1) Freedom of religion;
(2) Freedom of speech;
(3) Freedom to write for the press or to maintain a periodical publication;
(4) Freedom from

arbitrary or illegal detention;


(5) Freedom of suffrage;
(6) The right against deprivation of property without due process of law;
(7) The right to a just compensation when private property is taken for public use;
(8) The right to the equal protection of the laws;
(9) The right to be secure in one's person, house, papers, and effects against
unreasonable searches and seizures;
(10) The liberty of abode and of changing the same;
(11) The privacy of communication and correspondence;
(12) The right to become a member of associations or societies for purposes not
contrary to law;
(13) The right to take part in a peaceable assembly to petition the government for
redress of grievances;
(14) The right to be free from involuntary servitude in any form;
(15) The right of the accused against excessive bail;
(16) The right of the accused to be heard by himself and counsel, to be informed of
the nature and cause of the accusation against him, to have a speedy and public
trial, to meet the witnesses face to face, and to have compulsory process to secure
the attendance of witness in his behalf;
(17) Freedom from being compelled to be a witness against one's self, or from being
forced to confess guilt, or from being induced by a promise of immunity or reward
to make such confession, except when the person confessing becomes a State witness;
(18) Freedom from excessive fines, or cruel and unusual punishment, unless the same
is imposed

or inflicted in accordance with a statute which has not been judicially declared
unconstitutional; and
(19) Freedom of access to the courts.
In any of the cases referred to in this article, whether or not the defendant's act
or omission constitutes a criminal offense, the aggrieved party has a right to
commence an entirely separate and distinct civil action for damages, and for other
relief. Such civil action shall proceed independently of any criminal prosecution
if the latter be instituted, and may be proved by a preponderance of evidence.
The indemnity shall include moral damages. Exemplary damages may also be
adjudicated." Mahabang litanya ko. Napaawang ang labi ng lahat, pero nanatiling
nakakunot lang ang noo ni Deuce, nakahalukipkip pa sya at titig na titig sa akin.
"P*ta, ang bangis." May narinig akong nagsalita doon sa mga abogado ni Deuce.

"Abogado ba yan?" Tanong pa nung isa.

Nanggigigil na hinawakan ni Deuce ang aking siko. Kaunti na lang ay malapit na nya
akong kainin ng buhay dahil sa init ng ulo nya, when did he got this kind of
temper? Dahil ba sa pag-alis ko kaya nagkaganyan sya o talagang may tinatago talaga
syang ganyan noon pa man? Hindi ko na alam. Mas humigpit ang paghawak ni Deuce sa
aking siko at tiyak kong mamumula na ito.

"Article 33. In cases of defamation, fraud, and physical injuries a civil action
for damages, entirely separate and distinct from the criminal action, may be
brought by the injured

party. Such civil action shall proceed independently of the criminal prosecution,
and shall require only a preponderance of evidence." Wika ko.

"Stop it, Raeven. Anong ginagawa mo dito?" Gigil na tanong nya.

"Gusto kitang kausapin." Kalmadong sabi ko.

"May appointment ka ba? Tiyak kong wala dahil wala dito ang assistant ko,
makakaalis ka na." Tumalikod na sya at umastang maglalakad papalayo sa akin.

"Tatlong minuto, yun lang ang hihingin ko."

"Wala akong tatlong minuto."

"Pero kung nambababae ka mayroon kang buong araw ganoon ba?"

Bumalik ng tingin sa akin si Deuce at saka ngumisi.


"Nagseselos ka ba?" He asked.

"Hindi." Diretsang sagot ko. Mayroong emosyon na dumaan sa kanyang mga mata dahil
sa sagot ko, hindi ko lang maipaliwanag kung ano iyon.

"Kilala kita Raeven. Just get out of my sight, sino bang nagpapasok dyan?" Nilingon
nya ang mga abogado nya at nakita kong namutla si Attorney Elmo.

Naglakad ako para sundan sya, akmang sasarhan nya ang pinto kaya pinilit kong
isiksik ang sarili ko, bahagya pa akong naipit pero hindi ko na ininda iyon.
Nakapasok ako sa malaki nyang opisina. Sinamaan nya ako ng tingin at tinanggap ko
lang iyon. Galit sya, lagi syang galit. Dapat masanay na ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Lumingon pa si Deuce sa kanyang wristwatch. "Two minutes


37 seconds."

"Two

minutes 34. Two minutes 33." Patuloy nya pa.

"Paano ako makakapagsalita sa loob ng tatlong minuto kung nagcocountdown ka sa


pagmumukha ko." Naiinis na sabi ko. Binaba nya ang kanyang pulsuhan at tinitigan
ako.

"Make sure it's worth it."

"Josephina Palma. Mayroong kaso si Josephina Palma." Panimula ko.

"And?" Nagtaas sya ng isang kilay, umupo sya sa kanyang malapad na upuan at
nagpangalumbaba sa akin. Bakas ang kawalang interes nya sa kanyang mukha pero hindi
ko na iyon inalintana, baka nga matapos na lang bigla ang tatlong minuto at hindi
ko pa nasasabi ang ipapakiusap ko.

"Makikiusap ako na tulungan mo sya." Buong tapang na sabi ko.


Umaktong nagulat si Deuce at nakangising hinarap ako.

"Hindi sya ang kliyente ko." Magkasalubong ang kilay na sabi nya.

"Alam ko, pero kung hindi mo sya tutulungan, makukulong sya."

"At ano naman sa akin?" Tanong nya ng natatawa.

"Sya ang tumulong sa amin ni Ysobelle."

"Ah, dapat pala talagang makulong. Kaya malakas ang loob mo dahil may tumutulong
sayo." Umismid pa sya sa akin. Issue pa din talaga sa kanya ang pag-alis ko.

"Hindi ka ba talaga titigil sa pagiging ampalaya mo, Deuce? Nagsorry na nga ako
hindi ba?"

"Hindi ka din ba titigil sa kaka-sorry mo? Sinabi ko na ngang ayoko din ng sorry mo
diba?"

"Titigil. Nagsosorry ba ako sayo? Pinaalala ko

lang na nagsorry ako sayo noon." Pabalang kong sagot.

Bubukas pa sana ang bibig nya pero pinili na lang nyang samaan ako ng tingin.

"Gagawin ko ang lahat para tulungan mo ang kaibigan ko, and when I say lahat, lahat
ng gusto mo Deuce."

Umangat ang gilid ng labi ni Deuce at maya maya pa ay nagsimula na syang tumawa,
papalakas ng papalakas. Yung tawa nyang nakakainsulto. Pagkakataon ko naman para
magtaka.

"And what do you think I want to do with you? Wala, Raeven. Para sa akin, isa ka na
lang basura. Wala kang pakinabang sa akin, walang halaga. Hindi ko isasangkalan ang
reputasyon kapalit sa kung ano man yang gagawin mo kahit sabihin mo pang 'lahat' ay
kaya mong gawin, because to tell you honestly, kaya ko ding bilhin ang 'lahat' ng
gusto ko. And the fun part is, kaya kong ikulong ang kahit sinong gusto ko! Your
three minutes is up Miss, better leave."

"Ang sama mo!" Hindi ko napigilang isigaw sa kanya. Nangingilid luha ko dahil sa
kawalang pag-asa. Hindi ko napigilang kunin ang maliit na unan na nandoon sa upuang
nasa harapan ni Deuce at binato ko sya sa sobrang inis.

"Sana may mapala yang kayabangan mo, wala ka talagang puso." Pinahid ko ang butil
ng luha ko, buti at isa lang ang pumatak.

Wag mong iyakan yan Raeven. Walang kwenta.

"Oo tngina, wala akong puso, sinama mo kasi eh! Sinama mo nung umalis ka, pero
kahit ibalik mo pa yan, hindi ko na tatanggapin kasi hindi ko na kailangan." Sigaw
nya pabalik. Natigilan ako at

parang gusto kong matawa sa sagot nya pero nakakainis pa din kasi.

"Bitter!" Singhal ko sa kanya.

"Gwapo naman."

"Pangit! Salbahe!" Sigaw ko muli.

"Leave!" Sigaw nya. Galit akong tumalikod at binuksan ang pinto, halos matumba pa
si Attorney Elmo at ang kausap nyang babae kanina dahil nakadikit ng husto ang mga
ulo nila sa pinto ng opisina ni Deuce, nakikinig. Ngumiti sila pagkakita sa akin,
tinanguan ko lang sila.

Bumaba ako ng opisina ni Deuce na nagngingitngit sa inis. Kailangan kong makaisip


ng paraan kung paano ko mapapabago ang isip nya.

Ano ba kasi ang sinabi kong gagawin ko ang lahat? Wala naman talaga akong ideya
kung ano ang iooffer ko. Kung bakit ba kasi nagmadali pa akong magtungo dito, wala
man lang akong bitbit sa utak ko na proposal.
xxDEUCExx

Ako pa ang tinawag na bitter. Ibang klase. Bitter ba ako? Galit lang ako pero wala
akong pakialam sa kanya!

Tsk. Akala ko naman itutuloy tuloy nya na ang pagiging mabait sa akin at magpapaawa
na naman, pero ngayon sinagot sagot pa ako at nagwalkout pa! Di ba dapat ako ang
gumagawa non sa kanya?

Napabuntong hininga ako, sumakit ako ulo ko doon.

I know Raeven, kahit gaano pa nya piliting magpa-mature, she's like a kid, ayaw nya
lang aminin. She do say sorry pero kapag hindi pinansin ang pagso-sorry nya,
mababaliktad ang sitwasyon at sya pa ang galit. Kagaya ng ginawa nya kanina. Dati
ay

aamuhin ko sya at ako ang hihingi ng tawad, pero ngayon? What the heck?

Napatingin ako sa unan na binato nya sa akin.

Para talagang bata.

Napailing na lang ako. Hindi ka pa din talaga nagbabago Raeven Frances Mendoza.

Pumikit ako at dumaan naman sa utak ko si Clover. Bakit ba hindi pumasok ang isang
yon? Simula nung sinundo sya ng asawa nya, hindi ko na sya ulit nakita, sabagay
kahapon ay absent sya saka ngayon, Hindi kaya minurder na yun ng asawa nya sa
sobrang kadaldalan? Napangiti ako, ano naman kaya ang huling salita nya kung
sakali? Malamang 1,000 words at minimum yon.

Sakto namang tumunog ang cellphone ko.

Clover: Nakita ko na ang anak ko! Buhay sya. Yipieee!!! Bukas na ako papasok.
KTXNBYE.

I smiled while reading her text, para kasing nakikita mo ang pagmumukha nya pati sa
text nya and I know she's happy. Natulala ako ng ilang minuto na nakatingin lang sa
cellphone ko. Hindi naman siguro magkakabalikan sila dahil bumalik na ang anak nila
hindi ba?

Wait, what the f*** I am thinking?

Hindi ko naman itatanggi that I like her, and I should hope for the best right? I
am hoping that they will totally break up honestly. Aagawin ko talaga si Clover sa
Jacinto na yon. Makikita nya.

Then an image of Raeven crossed my mind, yung mukha nya kanina na ang sama ng loob
sa akin.

Sh*t! Ugh!

Imbes na replyan si Clover, hinanap ko ang

numero ni Raeven at nagtype ng mensahe.

"I will see you on Thursday. I'll be at Centaurus Hotel, let's talk after your
shift."

Make sure you are doing it right, Deuce.

Raeven: Okay.

Okay? Okay lang? She really have the guts to get into my nerves, at nakakainis na
lagi akong apektado. Hindi na talaga nagbago.

xxRAEVENxx

"Ysobelle, gagabihin ako mamaya, wag mo na akong intayin. Pilitin mong magluto ng
masarap para naman ganahan kumain si Phen, nangangayayat na." Bilin ko sa kapatid
ko bago ako pumasok sa hotel, sila lang ni Phen ang maiiwan sa bahay dahil
nakaleave si Phen sa ospital, one week naman ang break ni Ysobelle sa school.

Ngayong araw na ito ang nakatakdang pag-uusap namin ni Deuce. Hindi ko talaga alam
kung anong aasahan ko, siguro matagal na pag-uusap? Iiyak ako ulit? Aawayin nya
ako?

"Okay Ate, gaano kagabi?"

"Basta gabi at wag kang mag-intay. Matulog ka ng maaga." Ulit ko. Tumango naman
sya.

Nagtungo ako sa tapat ng pintuan ni Phen at kumatok ako. Nung mga nakaraang araw ay
wala na talaga syang kibo, hindi ko na kinwento na kinausap ko na si Deuce, baka
mawala lang sya lalo ng pag-asa kapag nalaman nyang tinanggihan ako ni Deuce.

"Phen, aalis na ako." Sinilip ko lang ang ulo ko doon sa pinto nya, ibinaba nya ang
librong hawak at nag-angat lang ang ulo sa akin mula sa pagkakahiga.

"Sige ingat ka, Beh." Walang ganang

tugon nya. Nakakamiss na ang ingay ni Phen sa bahay. Kailangan talagang maging
maayos ang pag-uusap namin ni Deuce mamaya.

Ilang ulit kong sinilip ang cellphone ko kahit hapon pa lang, sabi ni Deuce gabi
kami mag-uusap pero maaga pa ay inaabangan ko na ang mensahe nya, baka nakalimutan
nya ang sinabi nya sa akin pero mag-iintay talaga ako.

Nung gumabi na, mas lalo akong napuno ng antisipasyon kahit hindi pa tapos ang
shift ko.

"Frenny, umupo ka nga! Breaktime na breaktime para kang kiti-kiti dyan, ano bang
meron?" Tanong sa akin ni Tatiana habang sinasalinan nya ako ng kanin sa plato ko.
Nasa quarters lang kami para sa isang oras na dinner break.

"Mag-uusap kasi kami ni Deuce." Bulong ko sa kanya.

"Si Deuce? O bakit daw?"


"May ipapakiusap lang ako sa kanya, kinakabahan ako kasi baka hindi sya pumayag na
tulungan ang kaso ng kaibigan ko."

Nagtaas ng kilay nya si Tatiana. "Ay papayag yun, yun nga lang hindi natin alam
kung anong kapalit." Ngumisi si Tatiana at tiningnan ang kabuuan ko. Alam ko ang
kalokohang iniisip ni Tatiana.

"Hindi naman siguro!" Nanlalaki ang mata na sabi ko. Kung noong kami pa nga, hindi
nya kinuha ang puri ko, ngayon pang galit sya sa akin. Malamang mandidiri yon.

"Malay natin, people change!"

Nang matapos na kaming kumain, isang oras kaming pupwesto sa lobby para mag-abang
ng lilinisin doon, nakakabit lang sa bewang ko ang disinfectant at may maliit na
hawak na pamunas.

Wala pa ding mensahe si Deuce kaya ganoon na lamang ang gulat ko ng pumasok sya sa
restaurant ng hotel na mayroong kasamang babae na-nakapantulog?

Nakasuot ito ng kulay dilaw na ternong pajama at nakaakbay si Deuce sa kanya. May
isang parte sa puso ko ang kumirot dahil sa nakikita. Yung akbay kasi ni Deuce,
kakaiba, hindi kagaya noong mga sexy at pangmodelong babae ang mga kasama nya,
ngayon ay punong puno iyon ng ingat.

Umupo sila sa pwesto na hindi malayo sa amin, nagtama ang mga mata namin ni Deuce
at sa isang iglap nakarinig ako ng pagbagsak ng baso, hinanap ko iyon at natigilan
ako ng makitang sa gilid iyon ng lamesa nila Deuce, naestatwa ako. Dapat ay lalapit
ako pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko.

"Okay ka lang?" Malamyos na sabi noong babaeng kasama ni Deuce.

"Okay lang ako Sweetheart." Malambing nasagot naman ni Deuce. Parang nagdugo ang
puso ko.

"Raeven!" Narinig ko sa di kalayuan si Mrs. Dolor, natataranta akong lumapit sa


nabasag na baso at pinulot ko ang bubog.
"Naku Miss, wag mong hawakan yan, ayos lang kami. Kumuha ka ng---"

"Aw..." Napapitlag ako at hindi ko na napansin ang sinasabi nung babae na kasama ni
Deuce dahil sa masaganang pag-agos ng dugo sa palad ko. Hindi ako makatingin sa
kanila dahil ramdam ko ang pagkapahiya. Dali-dali namang kumuha ng alcohol at
wetwipes ang babae doon sa kanyang bag at pilit na inaabot ang kamay ko.

"Akin na, Miss. It's okay.." Pagpapanatag

nya pa sa akin. Iaabot ko na sana ang kamay ko doon sa babae ng bigla syang hilahin
ni Deuce sa kamay.

"Hayaan mo nga sya Sweetheart. It's her job." Inis na sabi ni Deuce. Nakita ko ang
pagprotesta sa mukha noong babae nang hilahin sya papalayo ni Deuce. Nagtungo sila
sa elevator area at umakyat na sila.

"Frenny!" Sumugod naman agad si Tatiana na may dalang dustpan at maliit na walis.
"Ako na Frenny, linisin mo ang sugat mo doon sa likod." Utos nya. Wala sa sariling
tumango ako at nagpunta sa quarters pero imbes na gamutin ang sugat ko, mas nag-
abala akong punasan ang luha ko.

Ganoon pala ang pakiramdam pag nakita mong nagmamahal sya ng iba tapos hindi mo
magawang mainis sa bago nyang minamahal kasi ang bait bait nya. Talong talo ka na.

"Raeven, umuwi ka na. Ipahinga mo na yan." Lumapit sa akin si Mrs. Dolor, umiling
ako.

"Gusto ko po sanang mag-overtime. Maglilinis na lang po ako doon sa 15th floor."

Tiningnan ni Mrs. Dolor ang aking mukha pagkatapos ay nag-iwas ng tingin. "Problema
sa puso. Mabuti naman at kahit may problema ka puso ay masipag ka. Sige, isang oras
lang ang iextend mo pagkatapos ay umuwi ka na. Mag-a-out na ako." Inayos pa ni Mrs.
Dolor ang kanyang salamin at kinuha ang kanyang bag sa locker.

Tumuwid ako ng tayo, ang totoo ay gusto ko lang magpaalam kay Deuce. Hindi na ako
magtatrabaho, aalis din ako kapag nakapagpaalam na ako at sasabihing pag-usapan pa
din naman ang sitwasyon ni Phen sa ibang araw. Nagtungo ako sa front

desk at kinusap si Trevor.


"Trev, saan nakacheck in si Attorney Deuce Montemayor?"

"Pag sinabi ko ba, sasagutin mo na ako?" Nakangising tanong nya. I rolled my eyes,
isa si Trevor sa mahilig magparamdam sa akin dito na may gusto daw sa akin, pero
sya lang talaga ang nakakalapit ng husto dahil siguro makapal ang mukha nya.

"Sagot agad? Hindi ka muna dumaan sa panliligaw?" Sagot ko. Tumawa sya.

"Tiyak na babastedin mo ako eh. Bawal sa front desk ang magbigay ng information."

"Hindi naman ako manggugulo." Sabi ko, alam ko kasing wala naman syang pakialam sa
rules ng hotel, pinapahirapan nya lang talaga ako.

"Alam ko, pero bawal nga not unless, coffee tayo sa break ko mamaya."

"Aantayin pa kita?" Reklamo ko. Panggabi kasi sya, alas nwebe na ng gabi at tyak na
ang breaktime nya ay alas-onse pa. Hindi naman bago sa akin ang sumabay sa kanya sa
pagmemeryenda, madalas naman syang sumasabay sa amin ni Tatiana kapag parehas kami
ng shift.

"Syempre! Sige na, wala akong kasabay sa break ko. Gago kasi yon si Nica, sinabihan
ko lang na hindi bagay ang suot nya, inilipat ako sa pang-gabi. Ang hirap mag-
adjust!"

"Alam mo, kayo dapat ni Nica ang nagkakatuluyan, para kayong aso at pusa. Take
note, manager mo sya pero kung pintasan mo sya, mula ulo hanggang paa, may kasama
pang death threat." Naiiling na sabi ko.

"Sya kasi! Hindi man lang nya kinikilala na ako ang mayari ng Centaurus."

"Trevor, Daddy mo ang mayari ng Centaurus hindi ikaw. May katok ka talaga." Umirap
ako sa kanya. Yes, ang pamilya ni Trevor ang mayari ng hotel na pinagtatrabahuhan
ko. Hindi kasi sa normal na pamilya lumaki si Trevor, pinapahirapan sya ng Daddy
nya bago iturn over sa kanya ang hotel, nag-umpisa nga sya sa pagiging bellboy.
Buti ngayon ay front desk officer na, hindi lang sya kumbinsido na promotion ang
nagaganap sa career nya.
"Ano? Sasabyan mo ba akong kumain mamaya o uuwi ka na lang at hindi ko ibibigay ang
hinihingi mo."

"O sige na, akin na."

Umakyat ako sa hotel room na binigay ni Trevor. Ilang beses akong lumunok bago
pindutin ang doorbell. Tinitigan ko ang doorknob ng tumunog iyon at ilang sandali
pa ay nasa harapan ko na si Deuce.

"Anong ginagawa mo dito? Just leave." Malamig na sabi nya.

"U-uwi na ako.." Sabi ko.

"Then just go, hindi kita kailangan dito."

Napayuko na lang ako at umastang aalis na, napaangat pa ang balikat ko ng pabagsak
na sumara ang pinto.

Nakalimutan nya nga talaga ang usapan namin samantalang ako, ilang ulit kong
minemorya kung paano ko sya kakausapin ng mahinahon ngayon.

Madali talagang makalimot ang tao, lalo na pag natagpuan mo na ang bagay na higit
pa doon sa inalagaan mo. Bakit ka nga naman mattyaga doon sa luma?

=================

Kabanata 18

Maki Says: Happy Valentines! ❤

Medyo matagal ang update dahil Linggo ngayon, nagpaka-nanay at nagpaka-asawa muna
ako dahil FAMILY TIME!!! :)

Bukas ko pa maasikaso ang nanalo sa One Shot Writing Contest ko. Thank you sa
nagbabasa at nag-iintay!
P.S. Medyo sabaw ito. Wala ako sa mood today huhu :(

Service Contract.

xxRAEVENxx

Kinalma ko ang aking sarili habang pasakay ng elevator pabalik ng quarters.


Pinagmasdan ko ang sugat ko na hindi pa nagagamot, siguro ay ito ang aasikasuhin ko
habang iniintay ang break ni Trevor. Bakit ba kasi wala ako sa sarili ko kanina...

Tsk, sa lahat kasi ng babaeng nakita kong nakadikit kay Deuce, sya ang bukod
tanging naiiba. Lahat naman kasi maganda, pero ang isang yon parang napakabait.
Yung tipo talagang gugustuhin at seseryosohin hindi lang ni Deuce, kundi ng kahit
sino.

"Ano, Raeven? Nakausap mo ba?" Bungad sa akin ni Trevor pagdaan ko sa kanyang


harapan. Wala syang ideya sa pakay ko kay Deuce kaya ngumiti na lang ako sa kanya
sabay tumango.

"Yon! You owe me one!" Nakangising sabi nya, hindi nya inalis ang tingin sa akin at
sumilay ng husto ang kanyang dimples.

"Oo na, sa quarters lang muna ako. Doon mo ako puntahan ha, mag-iintay ako." Baling
ko sa kanya.

" 'Mag-iintay ako' Sarap naman pakinggan!" Pumikit pa si Trevor na parang


nangangarap. Sanay na ako sa kakulitan

ni Trevor kaya hindi ko na pinansin ang kunwaring kilig nya, natatawa na lang ako
lagi.

Pagod kong inihakbang ang mga paa ko, masyadong mahaba ang araw na ito para sa
akin. Kung sana kinausap na ako ni Deuce, malalaman ko na sana ang desisyon nya.
Kung hindi kasi nya kami tutulungan ni Phen, hahanap ako ng ibang paraan, kahit ano
basta hindi makulong si Phen.

Hinilot ko ang batok kong nangalay sa maghapon na pagtatrabaho, gusto ko na sanang


umuwi kaya lang si Trevor kasi! Wala naman pala akong mapapala doon sa room number
ni Deuce, napalayas pa ako at muntik na namang maiyak. Papasok na ako sa quarters
ng may maramdaman akong humila ng kamay ko, muntikan pa akong mapatili sa sobrang
gulat.
"D-deuce.." Wika ko. Walang kangiti ngiti ang mata ni Deuce na nakatuon sa akin,
gulat na gulat naman ako na nasa harapan ko sya ngayon matapos nya akong
ipagtabuyan kanina. Agad nyang tiningnan ang kamay ko na nasugatan kanina dahil sa
bubog at nagsalubong ang kilay nya na para bang galit.

"What the-hindi mo pa din ginagamot ang sugat mo?" Naiinis na tanong nya sa akin.
Nagtataka naman akong tiningnan sya. Samantalang kanina, gagamutin na nung
girlfriend nya, kinaladkad naman nya papalayo, tapos ngayong hindi pa nagagamot,
magtatanong sya.

"W-wala akong oras. Kakausapin sana kita muna dahil baka matutulog na kayo ng
girlfriend mo. N-nakalimutan mo naman pala yung usapan natin, pero sa ibang araw na
lang, magpahinga ka na."

His forehead creased and his jaw tightened. Mataman nya akong tiningnan.

"Ihahatid

na kita." Maawtoridad nyang sabi.

"Hindi na." Mabilis na pagtanggi ko. Bakit nya ako ihahatid? Nandoon nga ang
girlfriend nya sa itaas.

"I am not being nice, ihahatid kita para pakinggan ang mga sasabihin mo tungkol sa
kaso ng kaibigan mo."

Hindi nya nakalimutan ang usapan namin ngayon?

Nabuhayan naman ako agad ng loob, at least bibigyan nya ako muli ng pagkakataon
para makiusap. Kaya lang nakakahiya pa kung ihahatid nya din ako pauwi kahit
malapit lang naman ang apartment namin mula dito sa hotel.

"Hindi mo na ako kailangang ihatid, dito na lang tayo mag-usap." Desisyon ko.
Siguro maari naman kami sa labas at makakabalik din ako agad para sabayan si Trevor
kumain.

"Gabi na, habang nag-uusap tayo mabuti ng papauwi ka." He insist. Napangiti ako.

"Wag mo na akong ihatid. Nangako ako kay Trevor na iintayin ko ang breaktime nya
para sabayan syang kumain."

"Trevor who?" Mas lalong nagsalubong ang makakapal nyang kilay.

"Yung kasamahan ko sa trabaho na nagbigay ng room number mo ngayon gabi. Gusto


nyang sabayan ko sya kumain sa breaktime nya kapalit nung impormasyon sa kwarto
mo."
"What the f---" Hindi naituloy ni Deuce ang kanyang sasabihin dahil sinimangutan ko
sya. Effective pa din pala ang pagpipigil nya sa pagmumura tuwing sinasamaan ko sya
ng tingin. Palamura kasi sya noon pero nagbago naman nung naging kami na.

"You should have texted me and asked for my room number!" Inis na sigaw nya na
parang pinapagalitan ako.

/>

"Hindi mo nga naalala na may usapan tayo."

"Alam ko kaya nga ako nandito. Let's go. I will bring you home." Masungit pa ding
sabi nya.

"Paano ang girlfriend mo?"

"She's sleeping. Tara na."

Umayon ako kay Deuce at kinuha ang bag ko sa quarters, naiwan naman si Deuce sa
labas na nag-iintay, lalabas na sana ako ng maalala si Trev, nagsulat ako ng note
at dinikit iyon sa locker ni Trevor.

'Trev, bawi ako, sorry. May emergency'

Lumabas na ako, nakita ko si Deuce na nakasandal sa pader sa tapat mismo ng


pintuan, nakalagay ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon at nakapikit sya.
Tumikhim ako kaya nagmulat sya ng mata.

Nauna syang maglakad at sumunod naman ako. Doon kami sa Parking elevator nagtungo
kaya hindi ko na mapupuntahan pa talaga si Trevor para magpaalam. Siguro ay bukas
na lang, sasabihan ko din si Tatiana na sabay kaming mag-iintay kay Trevor para
makabawi ako sa kanya.

"Are you thinking about Trevor?" Hindi ko namalayan na nakapasok na sa loob ng


elevator si Deuce at iniintay ako.

Tumango ako habang sumasakay sa elevator.

"Hindi ka man lang nagdeny." Umismid sa akin si Deuce. Nagtataka pa din akong
tinignan sya. Bakit naman ako magdedeny kung talagang iniisip ko nga?

Nang bumukas na ang elevator, hinila ni Deuce ang kamay ko palapit sa itim nyang
sasakyan at pinagbuksan pa ng pinto. The familiar scent welcomed my nose, amoy
lavender. Paborito ko ito noon.
Kinabit

ni Deuce ang seatbelts ko at sumunod naman ang pagkakabit nya ng kanya. Nang maayos
na kami, pinaandar na ni Deuce ang kanyang sasakyan.

"Sana matulungan mo si Phen, Deuce. H-hindi mo naman ipapatalo ang kaso pero sana
kumbinsihin mo ang kliyente mo na wag ng magsampa ng kaso." Hindi na ako nag-aksaya
ng panahon para sabihin ang kailangan kong sabihin dahil kung magbabyahe patungo sa
apartment namin mula sa hotel, mayroon lamang akong limang minuto para magsalita.

"Mamaya natin pag-usapan." Napaawang ang labi ko. Mamaya na? Baka dalawang segundo
na lang ang ibigay sa akin ni Deuce na oras para magpaliwanag tapos papababain na
ako ng kanyang sasakyan.

Bumaba ang tingin ko sa aking kamay na halos natuyo na ang dugo, ramdam ko pa din
ang hapdi pero iniiwasan kong mapangiwi dahil papagalitan na naman ako ni Deuce
kapag napansin nyang hindi ko na naman inasikaso ang sugat. Nag-angat ako ng tingin
ng napahinto si Deuce. Huminto si Deuce sa isang botika, hindi pa kami halos
nakakalayo ng hotel.

"Dyan ka lang." Sabi nya, tumango ako ulit. Pagbalik nya may dala dala na syang
kung ano anong panlinis ng sugat, pumwesto sya muli sa driver seat pero ngayon ay
medyo nakapaharap na sa akin.

Kinuha nya ang kaliwang kamay ko na walang sugat at pinatong nya sa binti nya.
Tinanggal ko pero marahas nya lang na ibinalik yon saka nya binuksan ang ilaw sa
loob ng sasakyan.

"Mahapdi to. Diinan mo lang ang binti ko pag nasasaktan ka." Utos nya at tumango
naman ako. Nilabas nya nga ang alcohol at tinapat sa kamay

kong may sugat, hinugasan nya iyon ng alcohol kaya napangiwi ako sa hapdi. Kinagat
ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa sakit.

"Put the pressure on my legs not on your lips, masusugatan din ang labi mo."
Masungit nyang sabi, sinunod ko ang ginawa nya. Mabuti nyang pinagmasdan ang sugat
ko habang pinupunasan ng bulak. Naglabas pa sya ng betadine at pinahiran ang sugat
ko na mayroong kalaliman pala. Bilang pang huli, nilagyan nya ng manipis na benda
ang aking kamay, pagkatapos ng kanyang ginawa, marahan nyang tinanggal ang kamay
kong nakapatong sa kanyang binti. Napahiya pa ako ng kaunti kasi parang nasiyahan
pa ako sa pagkakapwesto ng kamay ko doon.

Nagmaneho muli sya si Deuce pero imbes na sa bahay ang direksyon nya, parang
papunta kami sa ibang lugar. Papalayo na kasi ang ruta nya. Tinangaka ko na
magtanong pero hinayaan ko lang sya, magkasalubong kasi ang kilay nya at parang
ayaw ng may kausap.

Huminto kami sa tapat ng isang magarbong condominium building at sumaludo sa kanya


ang mga gwardiya at pinapasok sya sa loob ng parking building para iparada ang
kanyang sasakyan.

"Halika." Wika nya.

Sumunod ako sa kanya ng sumakay sya sa elevator. Namangha ako sa ganda condominium
na nagsusumigaw sa karangyaan. Ang muebles mula sa paintings at kristal sa
chandelier ang magsasabi sayo na hindi ito basta bastang condominium. Mayroong pang
music sa buong lugar at amoy ng bulaklak sa paligid
.
"I live here." Kaswal na sabi ni Deuce. Tumango tango ako, malayo na talaga ang
narating nya at nakakatuwa na malaman ang

ganoong bagay. Sinong mag-aakala na tamad syang pumasok noon dahil gusto nyang
magkasabay kami sa MRT kahit na magkanda bagsak bagsak pa sya sa subjects nya.

1108.

Tinapat ni Deuce ang kanyang card doon sa pinto.

Kung namangha ako sa labas ng condominium, mas namangha ako sa pad ni Deuce,
malinis at maayos ito. Mayroon ding paintings at sculpture sa loob, hindi ko alam
na mahilig sya dito. Sabagay, nagbabago naman talaga ang interes ng tao habang
naiiba ang estado nila. Kagaya ng paintings at sculptures, pangmayaman at
pangmatatalinong tao lang ang ganito.

"Upo."

Umupo ako sa dark orange na sofa dito sa sitting room. Nakatingin lang ako kay
Deuce, pinanliitan naman nya ako ng mata at humawak sa kwelyo ng kanyang polo.
Halos mapasinghap ako ng isa isang tanggalin ni Deuce ang butones. Napatakip pa ako
ng bibig sa sobrang gulat.

"What?" Inis na tanong nya sa akin at huminto sa ginagawa. Dumiretso sya sa kanyang
kwarto at paglabas nya nakasuot sya ng tshirt na puti at jogger pants na gray.

Kasalanan ni Tatiana, kung ano ano ang sinabi sa akin kanina kaya naging
greenminded ako bigla, grr.

Kumportable syang umupo sa aking harapan at tiningnan lang ako, ako naman ay halos
mangatog ang tuhod sa kaba.

"Talk." Utos nya.

"Magpapatulong sana ako---"

"Alam ko na yan, I want you to talk about what you can offer. Look, Raeven. Gusto
mong ipaatras ko ang kaso? I never do that."

Lumunok ako at kumurap kurap pa. "Alam ko."

/>

"And?"

"Kaya nga gusto kong ikaw na ang magdesisyon kung ano ba ang gusto mo. K-kung anong
gusto mong kapalit, g-gawin ko." Psh, sana tama yang sinasabi mo Raeven.

"I really don't know what I want to do to you, Rae. Wala akong maisip na tutumbas
doon sa hinihingi mong kapalit, more so, wala akong naiisip na pangangailangan ko
sayo."

"W-wala? K-kahit katiting?" Paniniyak ko.

Umiling si Deuce at diretso akong tiningnan.

Nanlulumo akong tumayo, wala talagang pag-asa.

"S-sige, uuwi na ako." Sabi ko ng hindi tumitingin kay Deuce. Sobra sobra ng
pagkapahiya ang nararamdaman ko. Normal na manliit ako sa layo ng estado naming
dalawa pero ang ipamukha nya sa akin na walang halaga ang pagkatao ko ay mas lalong
nakakasakit.

Nagpanggap ako na naubo para hindi masyadong nakakailang ang katahimikan habang
lumalabas ako.

"Resign to your work and work for me." Narinig ko si Deuce ng makalapit na ako sa
may pinto.

"A-ano?"

"Umalis ka sa trabaho mo at dito ka magtrabaho sa akin bilang personal maid ko. I


also have a lot of paperworks kaya maari mo ding gawin yon. Susweldo ka, pero hindi
ganoon kalaki because you will be living here with me, everyday." Sabi nya sa akin
ng hindi tumitingin.

'you will be living here with me, everyday' Nag-echo pa iyon sa aking pandinig.
Seryoso ba sya sa sinasabi nya? Wala man lang kasing kaekspre-ekspresyon ang mukha
nya, hindi ko tuloy alam.

"S-si Ysobelle.." Naisip

ko agad ang kapatid ko, matagal na byahe ang Makati to Quezon City, hindi ko alam
kung magiging maayos ba ang pagbyahe ko araw araw para silipin sya. Tyak na hindi
papayag si Deuce na mag-uwian ako, kaya lang mag-aalala naman ako ng husto pag
hindi ko nakikita ang kapatid ko.

"Hindi kita pinipilit. Take it or leave it."

"May sakit sa puso si Ysobelle, Deuce. Hindi ko sya maaring pabayaan." Lumabi sya
at tiningnan ako na parang walang pakialam.

"Well, then, I think simulan mo na ang pamamaalam doon sa kaibigan mo." Nagkibit
balikat lamang sya.

"Pupwede bang ibigay mo sa akin ang araw ng Linggo para masilip ko si Ysobelle?"
Kahit yun na lang, sana pumayag sya.

"Depende." He smirked. Iniinis nya talaga ako.

Napabuga ako ng hangin, matigas talaga sya pagdating sa akin.

"Pag-iisipan ko." Bulong lang iyon.

"Ngayon na." Matigas nyang sabi. I sighed.

Para talaga sayo to Phen.

"Pumapayag na ako." Pumikit muna ako bago ko itinuon ang tingin ko sa kanya.
Nanatili pa ding blangko ang ekspresyon ni Deuce.

"Ako na ang magpapasa ng resignation mo. You will start at this very moment--"
Tumingin pa sya sa kanyang wristwatch. "Papayagan pa kitang kumuha ng gamit mo
bukas."

Bumagsak ang balikat ko. Gusto kong magreklamo, sana sinulit ko muna ang buong araw
na kasama si Ysobelle, kaya lang hindi ko naman sya maisasama dahil mas mabuting si
Phen ang kasama nya dahil doctor yon.

Kinuha ni

Deuce ang kanyang laptop mula sa isang drawer at umupo sya sa tabi ko, umusog ako
ng kaunti, pinagmasdan ko lang ang bawat ikinikilos nya.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang tinatype nya.

'SERVICE CONTRACT'
Abogadong abogado talaga ang isang ito.

"Mayroon akong rules, number one, 'No invasion of privacy'" Yun nga ang
kaunaunahang tinype nya.

"Number 2, 'No personal questions'" Sabi nya muli.

"Number 3, Do as I say.."

"Parang lugi naman ata ako don---" Reklamo ko.

"May reklamo?" Tumaas naman ang kanyang kilay. Hindi ba obvious na nagrereklamo
ako?

"Pag sinabi mong magpapakamatay ako, magpapakamatay nga ako?" Pagbibigay ko pa ng


halimbawa.

"Why would I say that?" Inirapan nya ako. Fine.

"Number 4, do not fall inlove with me." Patay tayo dyan.

"Number 5, I will change the rules as I want to."

"Ang daya mo. Lahat naman yan pabor sayo eh." Pag-alma ko, kulang na lang agawin ko
mula sa kanya ang laptop nya at gagawa din ako ng sarili kong rules. Sumusobra na
ang pagka-maldito ng isang to sa akin.

"Ang ano mang paglabag will cost you 1,000,000 pesos or your imprisonment.
Notarized by Attorney Deuce Montemayor." Ngumisi sya sa akin at nag-click ng print.
Ilang sandali pa ay tumunog na ang printer sa di kalayuan pagkatapos ay nilapitan
nya. Bumalik sya sa akin dala ang papel na may kasama pang ballpen.

"Tss, Number 4, don't fall inlove with me? Kahit saang korte mo ito dalhin,
matatawa sila sayo." Umismid ako pero nagsimula naman na akong pumirma doon sa
tapat ng pangalan ko.

"Lima ang rules, yan talaga ang napansin mo? Mahirap bang gawin?" Pagsusungit nya
pa.

"Hindi, nakakatawa lang, hindi hindi naman kasi mangyayari ang rule number 4."

Dahil hanggang ngayon inlove pa din ako sa kanya. Yun nga lang hindi ko maamin,
ayaw naman nya eh.

"Teka, hanggang kailan ang kontrata natin?" Naalala ko na itanong. Nakakapagtaka


naman ang kontrata na walang terms. Tiyak ko naman na hindi nya kakailanganin ang
serbisyo sa mahabang panahon.

Nag-angat ako may Deuce ng tingin mula sa pagbabasa ng kontrata nung hindi sya
sumagot. Nahuli ko syang nakatingin lang sa akin.-
"Hanggang kailan ang kontrata natin?" Ulit ko dahil baka hindi nya narinig.

"Forever." Sagot nya na ikinalaki ng mata ko ng husto.

=================

Kabanata 19

Test.

xxRAEVENxx

"O bakit? May reklamo ka?" Masungit na naman na tanong nya sa akin.

"May katok ka ba?! Paano kung magkapamilya ka na? Nandito pa din ako, ganun ba?"

"Syempre! Ikaw ang magsisilbi sa amin, ikaw ang magluluto, maglilinis ng bahay.
Ikaw ang mag-aalaga ng mga magiging anak ko." Inisa-isa nya pa talaga!

"Gawaing housewife naman yon." Bulong ko.

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko, isang karangalan ang pagsilbihan ang Montemayor family." Ngumiti ako ng
pilit.

"Ha! Talaga! Isang karangalan talaga yon." Buong pagmamayabang nyang sabi.

Ang awkward siguro non, nakatira ako sa iisang bubong kasama ang muntik ko ng
mapangasawa at yung magiging asawa nya. Sa dami pa ng mga salita ni Deuce
paniguradong masasabi nya sa kanyang asawa na may nakaraan kami, at ano?
Mamaltratuhin ako pagkatapos?

Saka mo na isipin yon, Raeven. Ang mahalaga hindi makulong si Phen. Mayroon namang
prescription period na sampung taon ang korte, ibig sabihin, pagkatapos ng sampung
taon, hindi na nila maaring habulin ng kaso si Phen. At baka pagkalipas ng sampung
taon, makaipon si Phen ng isang milyon para tubusin ako kay Deuce.

Walang forever, Attorney Montemayor!


"Babalik na lang ako bukas, dala ang mga gamit ko." Tumayo na ako, nakaramdam na
din ng matinding pagkaantok.

Tiyak na babalik din naman si Deuce sa hotel dahil naiwan nya ang girlfriend nya.

/>
"Sumabay ka na sa akin." Tamad nyang sabi, halatang inaantok din dahil mpupungay na
ang kanyang mga mata.

"Ah hindi na.."

"Rule Number 3, do as I say."

Tinaasan ko sya ng kilay, sagutin ko kaya sya ulit ng Artikulo ng Civil Code!

"Okay." Yun naman ang nasabi ko.

Mabilis lang ang pagmamaneho nya, nakarating kami agad sa apartment namin, kaya
lang alas tres na ng umaga. Hindi ko akalaing inabot kami ng ganon katagal sa pag-
uusap.

"This is my keycard." Inabot sa akin ni Deuce ang isang card patungo sa kanyang
pad.

"Ang unit number ko--"

"November 8." Sagot ko na hindi na inantay ang kanyang sasabihin. Tandang tanda ko
pa kasi ang numerong nakakurba doon sa kanyang pinto.

"H-ha?"

"Yung unit number mo, November 8." Ulit ko.

"1108." Pagtatama nya at nag-iwas ng tingin. Ngumiti ako sa kanya nang mapatingin
sya muli sa akin pero lalo lamang sumama ang itsura nya. Sabi na nga ba...

Naaalala nya pa. Birthday ko kasi ang November 8. Ngumiti ako sa kanya saka
binuksan ang pinto ng sasakyan nya.

"Walang ibig sabihin yon ah!" Binaba nya pala ang kanyang bintana para sabihin yon.

"Ha? Bakit? Ano ba ang November 8?" Pagpapatay malisya ko.


"Ewan ko! Ewan ko sayo!" He said dismissively. Kumindat ako sa kanya pero nanlaki
ang mata nya.

Pumasok na ako sa maliit na gate ng may ngiti sa labi, hindi pa din umaalis si
Deuce. Nang

masusian ko na ang pinto at makapwesto sa loob, saka pinaharurot ni Deuce ang


kanyang sasakyan.

---

"Ano Ate? Magtatrabaho ka kay Kuya Deuce?" Dismayadong sabi ni Ysobelle. "Eh ang
layo ng tirahan non tapos hindi din sya pwedeng puntahan ni Tres, paano tayo
magkikita?"

"Ysobelle, susubukan kong dalawin ka kada linggo." Hinawakan ko ang kanyang kamay.
Nasa harap kami ng pagkain at nag-aalmusal. Wala pa ding kibo si Phen at mukhang
wala sa sarili. Nginitian ko sya ng magtama ang mga mata namin.

"Phen, kumain ka na ng madami. Tutulungan ka ni Deuce. Nangako sya." Ngumiti ako


kay Phen pero tiningnan nya lang ako.

"Alam mo, hindi ko tiyak yang pagtatrabaho mo kay Deuce. Kung ginagawa mo yan dahil
sa akin--"

"Oo, ginagawa ko para sayo, Phen. Madami ka ng naitulong sa amin. Isa pa, ang
hihilingin ko sayo, mag-ipon ka ng isang milyon at tubusin mo ako kay Deuce okay?"
Ngumiti ako. Napabuntong hininga naman si Ysobelle. Pilit kong pinapagaan ang
sitwasyon para hindi maapektuhan si Ysobelle dahil kahit mukha syang walang sakit,
alam kong madali syang maistress.

"Madali ang isang milyon. Sa alindog kong taglay, makakapang-akit ako ng DOM. Ang
inaalala ko, paano na kapag minaltrato ka nun? Yun bang mga nilalagay sa maleta,
Beh?" Tanong ulit ni Phen.

"Hindi gagawin ni Deuce yon, kilala ko sya. Suplado yon pero mabait." Pagpapanatag
ko.

"Sana yummy din para kung maltratuhin ka, mabuti nang sa kama at mageenjoy ka
naman." Kumindat kindat pa sya sa akin.

/>
"Phen!" Suway ko.

Kumagat si Phen sa kanyang hotdog. Humagikgik naman si Ysobelle, pinamulahan naman


ako ng mukha! Parang walang problema kung makapagbiro si Phen. Sabagay, lutas na
ang sa kanya, sa akin ay hindi pa.

Pagkatapos naming mag-almusal, nagsimula na akong magimpake ng mga gamit ko. Hindi
ganoon karami ang dadalhin ko dahil may palugit pa ako sa aking sarili, baka hindi
naman kami magkasundo ni Deuce, tiyak na dito rin naman ang bagsak ko. Sana sa
panahong iyon, naiatras na ang kaso ni Phen.

Hiniram ko ang laptop ni Ysobelle at nagtype ng resignation letter para sa


Centaurus. Kahit naman sabihin pa ni Deuce na sya na ang bahala, hindi ako dapat
magpakampante. May sarili naman akong mukha para harapin ang desisyong ginawa ko.

"Ate, mag-iingat ka doon." Malungkot na sabi ni Ysobelle, sinamahan nya pa ako sa


labas para kumuha ng taxi.

"Babalikan ko pa ang mga gamit ko, dadaan muna akong Centaurus para magsubmit ng
resignation letter, pagkatapos kukunin ko ang gamit ko dito." Tumango si Ysobelle.

Oras ng shift ko ang ipinasok ko, nakatingin sa akin si Mrs. Dolor pagkapasok ko sa
quarters.

"Nagsabi na si Attorney Montemayor." Bungad nya sa akin, ngumit ako ng nahihiya.


Ano naman kaya ang dahilan na sinabi ni Deuce?

"Alagaan mong mabuti ang asawa mo, hija." Malungkot pang sabi nito na halos
ikasamid ko.

"A-asawa?"

"Oo, sabi nya, kailangan daw ng atensyon ng asawa mo. Tsk, hindi maganda yang
nagtatalo

kayo ng asawa mo dahil sa trabaho. Wag mo syang sukuan, dapat nandoon ka lang sa
tabi nya. Asikasuhin mo dahil ganoon ang responsibilidad nating mga babae." Mahaba
pang paliwanag nya habang nanatili lang ako na nakatulala sa kanya. Talaga bang
sinabi ni Deuce yon?

Napakapilyo talaga ng isang yon!

Inantay ko si Tatiana ng makaalis na si Mrs. Dolor. Malungkot syang tumingin sa


akin pagbungad nya.

"Frenny, akala ko naman matagal pa tayong magkakasama! Sabi ni Mrs. Dolor


magreresign ka na daw, hindi naman sinabi sa amin ang dahilan. Personal daw."
Yumakap pa sa akin si Tatiana at ramdam ko ang lungkot nya.

Ako din naman nalulungkot, kahit papaano, maayos ang pagtrato sa akin dito. Parang
pamilya na lang lahat.

"Hindi personal, Tat. Naalala mo ba yung sinabi ko sayo na hihingi ako ng tulong
kay Deuce para sa kaibigan ko, eto na yun. Magtatrabaho ako sa kanya bilang
kapalit." Bumulong pa ako at tiniyk na wala masyadong makakarinig.

"Ay! Teh! Anong klaseng trabaho? Imoral ba yan?"

"Syempre hindi! Basta, yun lang yon. Dadalawin pa din kita dito kapag may
pagkakataon o di kaya magkita tayo sa labas."

"O sya sige.. Nakakaloka naman Frenny ang biglaan lang ng pagreresign mo."
Nakasimangot na sabi ni Tatiana kahit alam kong naiintindihan naman nya ako.
Natigilan kami sa pag-uusap ng bumukas ang pinto.

"Whoah! Nabalitaan ko ang resignation mo! Ikaw talaga, hanggang kailan mo ako
sasaktan Raeven Frances! Inindyan mo ako kagabi tapos ngayon, iiwanan

mo na ako?" Nanlulumong bungad sa akin ni Trevor pagkapasok nya sa quarters ng


Housekeeping Department.

"Lakas din ng pang-amoy mo, Trevor ah! Mamaya pa ang shift mo, bakit andito ka na?"

"Huh? Nandyan lang naman ako sa taas eh. Nakwento kasi sa akin ni Bernie na
magreresign na si Raeven kaya nagmadali akong bumaba to confirm." Naalala kong dito
sa Centaurus umuuwi si Trevor lalo na't kapag panggabi sya para hindi sya naabala
sa pagbabyahe, at least yon ang lamang nya kaysa sa mga normal na trabahante sa
kanilang hotel.

"A-ah, oo.. Kailangan kasi-"

"Dahil dyan, magcoffee tayo. Dali. My treat." Kaswal na pag-aaya nya. Lumipat ang
mata ko kay Tatiana na nagkibit balikat naman.

"Pagbigyan mo na, Frenny. Baka mabaliw yan kapag namiss ka." Sambit ni Tatiana na
mayroong mapanuksong tingin.

"Hindi ka ba sasama?" Tanong ko kay Tatiana.

"Naku, si Tatiana, nerbyosa yan. Di ba Tat? Nerbyosa ka kaya hindi ka nagkakape?"


Sabi pa ni Trevor kay Tatiana. Mahilig kaya sa kape si Tatiana! Ako ang hindi
masyado.

"Wag ka ng mag-imbento, hindi naman din ako makakasama sa inyo dahil shift ko pa.
Wag mong ilalayo ang kaibigan ko." Bilin pa ni Tatiana kay Trevor pagkatapos ay
lumabas na ng quarters.
Nagtungo kami ni Trevor sa malapit na coffee shop sa hotel. Kung tutuusin, pupwede
namang doon na lang sa canteen pero ayaw nya.

"Bakit ka magreresign?" Tanong agad ni Trevor pagkaupo nya sa aking harapan. May
dalawang mug ng kape sya na hawak at

iniabot nya sa akin ang isa.

"Kailangan ko kasing magtrabaho" Simpleng tugon ko. Tinaasan nya ako ng kilay
habang sumisimsim mula sa kanyang mug.

"Hindi ba trabaho ang nasa Centaurus?" Tanong nya, napanguso ako. Oo nga ano?

"May--- may pinagkakautangan kasi ako, kailangan ko sa kanyang magtrabaho."

"Tss. Bakit kasi pinapatagal pa ni Daddy ipamana sa akin ang hotel, eh di sana ako
na lang ang magbabayad ng utang mo." Sambit nya, pagkakataon ko naman para tumaas
ang kilay.

"Hoy Trevor ha, hindi mo ako mabobola."

Mahina syang tumawa. "Wala naman akong ibig sabihin, gusto lang kitang tulungan
bilang kaibigan. Assuming ka pala, Raeven."

Ako pa ngayon?!

Tumawa sya at tumawa na din ako. Madami pa kaming napag-usapang dalawa, ang madalas
na kwento naman nya ay yung pagkainis nya sa manager nyang si Nica, samantalang
nanatili lang akong nakikinig sa kanya.

Maya maya pa, tumunog ang chime doon sa coffeeshop, marahas ang pagkakatunog non
kaya sabay kaming napalingon ni Trevor sa entrada, muntik pa akong masamid ng
makita ko si Deuce na pumapasok at diretso ang tingin sa akin.

"D-deuce." Awtomatiko ang pagtayo ko. Hinila nya ang aking pulsuhan dahilan kung
bakit bigla akong napatayo.

"Kanina pa akong umaga nag-iintay sayo, gabi na Raeven! Dito lang pala kita
makikita!" Galit na sigaw nya. Napayuko ako at napapahiya sa mga customers doon sa
coffee shop.

"Pre, nasasaktan si Raeven." Pilit naman na


hinihila ni Trevor ang kamay ko kay Deuce pero hindi natinag si Deuce, hindi man
lang nagbago ang higpit ng hawak nya.

"Okay lang ako, Trevor."

"Trevor? Yan si Trevor?" Nanggagalaiti na tanong ni Deuce.

"Trevor. Trevor Noah Kim." Pormal na inilahad ni Trevor ang kanyang kamay kay Deuce
pero tinitigan lang iyon ni Deuce.

"Wala akong paki." Walang ganang tugon ni Deuce.

"Deuce!" Suway ko sa kanya. Nakakahiya kay Trevor. Si Trevor ay Half Filipino, Half
Korean at sikat ang kanilang pamilya sa larangan ng Hotelier at Restaurant business
hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa Asia at Europa. Respetado sila at kinikilala
ng husto lalo na ang Daddy ni Trevor na si Mr. Won Hee Kim.

Tumitig lang si Trevor kay Deuce at nagtiim bagang. "Hambog ka pala talaga
Montemayor."

"Ha! Ako pa ngayon ang hambog? Eh ikaw, anong tawag sayo? Binitbit mo si Raeven
dito imbes na nakauwi na sya sa akin!"

Nilipat ni Trevor ang tingin nya sa akin at ako naman ang hindi makatagal sa titig
nya. Nakakahiya na talaga ang nangyayari!

"Are you related?" Tanong ni Trevor.

"Yes." Si Deuce.

"No!" Sabi ko naman.

"Magkita na lang tayo ulit, Raeven. Be safe. Thanks for your time." Tinapik pa ni
Trevor ang balikat ko pero hinawi lang iyon ni Deuce.

Galit na nilipat ni Deuce ang kanyang tingin sa akin.

"Halika na." Walang gana nyang sabi. Bumalik kami sa Centaurus at kinuha

ang sasakyan nya. Sumilip pa ako doon sa upuan sa likod ng kanyang sasakyan at
nakita ko na doon ang maleta ko.

Nanggaling na sya sa amin?


"Una akong pumunta sa apartment nyo, nandito ka daw sabi ni Ysobelle."

Tumango ako at hindi na lang muli umimik. Hindi ko nagustuhan ang pang-aaway nya
kay Trevor.

Maya-maya pa, prumeno ng malakas si Deuce at gigil na hinampas ang manibela nya.
Tumingin ako sa harapan, baka kasi mayroong nasagasaan pero wala naman, nakahinto
lang kami sa gitna ng kalsada.

"Anong problema?" Naiinis na tanong ko. Konti na lang ay tatalsik na ako.

"Talagang hindi mo pinalagpas na makasama ang Trevor na yon." Akusa sa akin ni


Deuce.

"Kaya ka ba nagpreno ng malakas para sabihin sa akin yan?"

"H-hindi. Nagpreno a-ako k-kasi may pusang d-dumaan."

At nauutal sya.

"Kaibigan ko si Trevor." Matigas ang boses na sabi ko.

"He likes you!" Pasigaw na saad nya. Pinaandar muli nya ang kanyang sasakyan. Kung
tutuusin malapit na kami sa kanyang condominium kung hindi lang sya huminto bigla.

"Ano naman ngayon? Bawal na bang magkagusto sa akin?" Medyo tumataas na din ang
aking boses.

Pumasok si Deuce sa parking building na hindi man lang pinansin ang mga gwardiya na
sumasaludo sa kanya. Pati ang paraan ng pagkaka-park nya ay masyadong mabilis at
hindi naiayos.

"Hindi ganon ang sinasabi ko. Naiinis ako dahil nag-intay ako! Tinatawagan kita,
bakit

hindi mo sinasagot?!"

Gods, he's really shouting.

Pumasok kami sa elevator at kaming dalawa lang ang nasa loob.

"Na-lowbat ako! Sira ang battery ng cellphone ko. Pati ba naman yun kailangan kong
ipaliwanag! Pupunta naman ako sayo, nandito na nga ako eh!" Pagrarason ko naman.
Hindi pinansin ni Deuce ang huling sinabi ko. Nauna syang lumabas ng elevator at
sumunod naman ako sa kanya. Salubong na salubong ang kilay nya at mabibigat din ang
hakbang. Sya ang nagswipe ng keycard nya sa pinto at mabilis na tinanggal ang
kanyang jacket ng makapasok sa loob ng kanyang unit.

Hinubad ko naman ang sapatos ko at walang sapin sa paang naglakad sa fully carpeted
nyang sahig.

Magtutungo sana ako sa kusina para ipaghanda si Deuce ng kanyang pagkain ng hilahin
nya ang aking siko. Nakakunot ang kanyang noo na parang inaaral ang mukha ko. His
eyes were full of emotions, mga emosyon na hindi ko kilala. Para syang galit pero
nasasaktan. Bahagya pa syang hinihingal.

"D-deuce.." Bulong ko.

Unti-unting naging malumanay ang paghawak sa akin ni Deuce, tinitingnan ko lang ang
bawat pagkilos nya, hanggang sa mag-angat ako ng mukha na halos isang daliri na
lang ang pagitan ng mga mukha namin.

"I hate you, Raeven. Akala ko tinakasan mo na naman ako.." Bulong nya. Damang dama
ko ang init ng hininga nya sa tungki ng aking ilong.

Bakit ganito kalapit?!

"Halos mabaliw ako kanina kakaintay." Wika nya pa.

Lumunok ako.

"Hindi ko alam kung matutuwa ba akong makita ka, lalo pa't may kasama kang iba."

"D-deuce..."

Nawalan na ako ng susunod pang sasabihin dahil hinalikan ako ni Deuce, pakiramdam
ko mababali ang likod ko habang dinidiin nya ang labi nya sa akin, napapaliyad ako.
His kisses were hungry, needing and wanting. Napakapit ako sa dibdib nya, tinugon
ko ang mga halik nya na pamilyar na pamilyar sa akin. Inalalayan nya ako hanggang
sa mapaupo sya sa sofa while I straddled him.

I heard him moan so I give in. Hinayaan ko ang sarili ko na maliyo sa parehas na
sensasyon na binibigay nya sa akin. Dalawang taon. Dalawang taon kong tinalikuran
ito. And now it tastes nothing but home.
"D--deuce."

Tumulo ang luha ko habang pinapakiramdaman ko ang magagandang bagay na hatid ng


kanyang halik, his tongue skillfully played through the contours of my mouth.
Pakiramdam ko ang init init!

Sa kalagitnaan ng halik, inilayo ni Deuce ang sarili nya sa akin. Nagulat ako ng
ngumisi sya sa akin.

At doon ko naalala na mayroon nga pala syang girlfriend!

Nanlumo akong humiwalay sa kanya. Tumayo ako at nanatili lang syang nakatingin sa
akin.

"B-bakit mo ako hinalikan?" Matapang na tanong ko kay Deuce. Tumingin sya sa akin
habang nakangiti at isinadal nya ang sarili nya sa sofa.

"I am just testing if you will break rule # 4. Do not fall inlove with me Raeven. I
am just reminding you." Matigas nyang sabi.

=================

Kabanata 20

Kinuha.

xxRAEVENxx

Kagat kagat ko ang labi ko ng lumayo ako pagkasabi nyang sinusubok nya lang ako.
Gusto kong magalit at mainis, pero ano ba ang magagawa ko, I made him------that.

Yung Deuce na walang puso, yung Deuce na galit, yung Deuce na pinagsisisihan kong
iniwan ko kahit huli na ang lahat, ako ang may gawa. Kaya di ba, tiisin ko hangga't
kaya?

Lumapit ako sa lamesa at sumilip sa ref. Kung dati tiyak ako sa ipapakain sa kanya,
ngayon ay hindi na. Hindi na kasi sya yung dating Deuce. Baka hindi na sya kumakain
ng sinigang o adobo. Steak siguro ang madalas nyang kainin kaya lang hindi naman
ako marunong non.
Tumikhim ako at tumingin sa direksyon ni Deuce na nakayuko lang doon sa may sofa,
hindi sya nag-angat ng tingin kaya nagsalita na din ako.

"A-ano ang gusto mong kainin?" Tanong ko. Sa pagkakataong yon, tumingin sya sa
akin. Tumayo sya at humakbang papalapit habang seryoso ang mukha.

"Nagluto na ako kanina." Lumapit sya sa direksyon ko, sa sobrang lapit, napailag pa
ako, yun pala ay aabutin nya lang ang bowl doon sa pinakataas na cupboard, tinaasan
nya ako ng kilay at napanguso pa sya sa reaksyon ko, itinapat nya sa mukha ko ang
kinuha nyang lalagyanan ng pagkain at nagkibit balikat.

"A-ako na." Presinta ko ng makita kong sya na ang naghahanda ng lamesa pero hindi
nya ako pinansin, sya na ang gumawa ng lahat, nilahad nya pa sa akin ang upuan ng
matapos sya ng mag-ayos, umupo sya sa harapan ko.

Nagluto sya ng pansit, lechon kawali, crabs at hipon. Well, based on my judgement,
home cooked ang lahat dahil nanggaling pa lahat sa kaldero.

Ang ipinagtataka ko lang...

May pyesta ba? Ang dami nyang inihanda!

"Ang dami naman nito.." Di ko napigilang sabihin. Umismid sya sa akin.

"Ginanahan lang ako magluto." Tipid nyang sagot. Tumango tango ako at hinarap ang
plato ko.

Nawala ang inis ko kay Deuce ng magsimula akong kumain. Ang sarap ng pagkain at
paborito ko lahat. Hindi talaga ako makpaniwala na sya nga ang nagluto pero ayoko
nang tanungin dahil baka sungitan na naman nya ako.

Nang matapos kami kumain, hindi ko na sya hinayaan na maghugas pa ng pinggan, para
naman kaming nagkapalit ng kalagayan, sya na ang taga-silbi at ako na ang
pinapagsilbihan.

Tulala akong nagsasabon ng plato at napansin kong parang namamanhid pa din ang mga
labi ko dahil doon sa halik kanina.

Ang tanga tanga mo Raeven. Inakit ka lang nya, bumigay ka naman agad!

Dapat hindi ko nakalimutan na mapanukso talaga ang lahi nyan ni Deuce, malandi at
haliparot syang lalaki noon pa man. Napapangiti na lang ako pag inaalala ko kung
paano nya ako inirespeto noon kahit hirap na hirap sya, at napapasimangot na lang
ako pag naalala kong hindi na nya ako nirerespeto ngayon.
"Tsk, aksayado sa sabon." Muntikan ko ng mabitawan ang plato na sinasabon ko ng
magsalita si Deuce, kapag nagkataon, hindi lang sabon ang nasayang ko kung hindi
pati

plato dahil maibabagsak ko talaga sa sobrang gulat.

"Bakit ka ba nanggugulat?" Reklamo ko, ramdam ko pa din ang mabilis na pagkabog ng


dibdib ko.

"Kanina pa kita pinagmamasdan, ang tagal mo kasi." Naiinip na sabi nya. Itinulak
nya ang aking katawan at humarap din sya sa sink. Sya ang nagbabanlaw ng mga
platong nasabunan ko na.

"Kasama mo na nga ako sa bahay, iniisip mo pa ako." Bulong nya pa. Natigilan naman
ako at nakapamewang na hinarap sya.

"Ang kapal mo pa din. Ang dami daming iisipin, naisip mo pang ikaw yon?" Umirap ako
sa kanya at nagsabon ng baso.

"Tss, bakit hindi? Sa paraan ng halik mo kanina---"

"Wag mo na ngang ipaalala! Sa lahat ng nanloloko sa girlfriend, ikaw pa ang proud!"


Binuksan ko ang gripo para magkaroon ng ingay sa pagitan namin.

"Girlfriend?" Natatawang tanong nya. Wag nya sabihing itatanggi nya na girlfriend
nya ang magandang babaeng kasama nya kagabi, sweetheart pa nga ang tawag nya.

"Di ba girlfriend mo ang kasama mo kagabi?" Paglilinaw ko.

"Ah yun ba?" Ngumiti lang sya ng malapad at hindi nagsalita. Nag-iwas na ako ng
tingin dahil parang ang saya saya nya pa.

"Mamaya, magtatype din ako ng rules ko." Anunsiyo ko.

"At bakit naman? Paano ka magkakaroon ng rules eh ikaw nga yung nakikiusap." Wika
ni Deuce.

"Karapatang pantao naman ang hihingiin ko ah!"

"Tss."

Hindi na kami nagkibuan ni Deuce hanggang sa matapos kami


sa paghuhugas ng plato. Lumapit ako sa maleta ko pagkatapos para magsimula ng
magpalit ng pantulog. Nagpalinga linga pa ako ng ilang ulit at laking pagkadismaya
ko ng mapansing..

Isa lang ang kwarto!

Sakto namang pagsulpot ni Deuce sa harapan ko at nagtataka akong tiningnan, tapos


lumipat yung mata nya sa maleta ko pagkatapos bumalik ang tumingin nya sa mukha ko
na tumatango tango pa.

"S-saan mo ako papatulugin? Dito ba?" Turo ko sa sofa sa sitting room dahil hindi
sya nagsalita.

"No, you can't sleep there. Baka mag-amoy laway ang sofa ko kapag dyan ka natulog."

Ugh! Ang sarap nyang tirisin!

"Hindi tumutulo ang laway ko kapag natutulog!" pagtatanggol ko sa akin sarili.


Deuce smirked, lalo akong nainis, parang siguradong sigurado sya sa ibinibintang
nya.

"Ano? Saan mo ako papatulugin? Alangan naman kung tabi tayo!" Tanong ko ulit.

"Tsk, teka nga, nag-iisip ako! Nawala sa isip ko na stay in ka nga pala." Kakamot
kamot pa sya ng kanyang ulo at nagpalinga linga din sa kanyang unit.

"Bakit kasi ang laki laki ng unit mo, iisa lang ang kwarto!" Inis kong sabi.

"Wow, sorry ha. Bachelor's pad kasi ito, wag kang mag-alala kapag nagka-anak na
tay---- AKO! Kapag nag-kaanak na Ako, mayroong labing limang kwarto, papagawan kita
ng sarili mong walk in closet at iba pa doon ang tulugan mo"

"Ako? Eh bakit naman ako kasali sa mansyon mo?!" Humalukipkip ako at inis syang
tiningnan.

"Eh

di ba FOREVER ang terms ng contract natin? Kaya wala kang choice." Mayabang nyang
sabi.

Tsk, kung ganito rin lang, mabuti pang hindi na ako magstay in. San naman kasi nya
ako papatulugin?

"O sige na, wala na tayong choice, don ka matulog sa kwarto ko." Desisyon nya
pagkalipas ng ilang sandali.
"At ikaw?" Pinanliitan ko sya ng mata.

"Sa kwarto ko din, malamang, kwarto ko yun. Ako pa ba ang mawawalan?!" Masungit na
sagot nya, pero kahit nagsungit sya, pinandilatan ko pa din sya ng mata.

"Deuce, hindi ko gusto yang ideya mo! Ano na lang sasabihin ng girlfriend mo?"

"M-mabait ang girlfriend ko, maiintindihan nya."

"Hindi. Kahit mabait sya, magseselos yon."

"Wow, maganda ka?" Tanong nya sa akin na may pang-uusig ang mata. Nginisian ko sya.

"Di ba sabi mo ako ang pinakamagandang nakilala mo?" Pagpapaalala ko sa kanya.

"N-noon yon! Ikaw pa lang ang taong nakakasalamuha ko!" Sigaw nya pa sa mukha ko.

"Ah, kaya pala gwapong gwapo din ako sayo noon. Ngayon, ordinaryo na lang."
Nagkibit balikat ako.

"Hoy, anong ordinaryo ka dyan?! May ganito ba kagwapo sa bundok?" Hinaplos pa nya
ang kanyang mukha at inilapit sa akin. Itinulak ko naman sya gamit ang aking palad.
Lapit ng lapit!

"Hindi naman ako sa bundok nanggaling, sa Tagaytay lang!"

"Oh eh di sa Bulkan! Doon ka sa Taal Volcano di ba?"

"Iba yon sa sa Tagaytay!"

"Tsk, ang

ingay mo talaga! Akin na nga yang maleta mo." Inagaw ni Deuce sa akin ang maleta ko
pagkatapos ay sinundan ko sya patungo sa kwarto. Napakalapad ung kama nya! Kasya
siguro ang limang tao at kaya pang magpagulong gulong.

Tiningnan ko si Deuce na yumuko sa gilid ng kama at may hinila doon na kung ano.
Nagulat ako sa nakita. Isa pang kama na nakakabit doon sa kama nya! Baby pink ang
kobre kama noon na tumerno sa baby blue nyang beddings. Parang pina-customize.

"Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?" Hindi ko namalayan na kay Deuce na pala ang
mga mata ko. Hindi ako nakapagsalita agad. "H-hindi ko naisip na wala kang
matutulugan kaya magkasya ka na dyan sa ibaba ng kama ko." Nag-iwas sya ng tingin
pero napangiti ako, it's more than enough! May sariling frame din naman ang higaan
at mayroong malambot na kutson at comforter.

"You may use my bathroom too, pero ayoko ng makalat, ayoko ng amoy strawberry ang
banyo ko." Dagdag nya.

Ngumuso ako sa kanya, alam ni Deuce na paborito ko ang strawberry scent, mula sa
shampoo, sabon, lotion saka cologne.

"Basta ayokong maramdaman na mayroong ibang presensya dito bukod sa akin. Hindi ako
sanay ng may kasama sa bahay, naiintindihan mo ba ako?" Tanong nya.

Tumango lang ako at lumapit doon sa maleta ko. Inayos ko ang pagkakasalansan noon
sa bakanteng espasyo sa closet ni Deuce. This is really awkward. Hindi ko alam kung
nakatingin ba sya sa akin pero inisip ko na lang na baka hindi, ayaw nya daw
maramdaman ang presensya ko eh.
----

xxDEUCExx

/>
Tch. This weird girl. Bakit ba ako napapayag nito na manilbihan sa akin kapalit
nung kaso ng kaibigan nya? Kung tutuusin hindi naman na kailangan dahil nakumbinse
ko naman ang complainant na gagastos lang sila sa kaso at maabala dahil 97 years
old na ang pasyente, hinahabol na non ang calltime nya kay San Pedro dahil baka
mapagsarhan sya ng gate. Inabot pa ng 97 years old bago magparaya! Anong klase yon?
Dapat kapag umalis na, hayaan na nila, baka doon sya magiging masaya.

Pinagmasdan ko si Raeven habang nag-aayos ng gamit nya. Akala ko ay mahihiya sya na


tumira sa unit ko pero nakikipagsigawan na din sa akin. Palibhasa alam na alam
nyang cute sya kapag nakikipag-away sya at tuwing napipikon sya mas lalo syang
gumaganda.

Napahawak ako sa labi ko, kani-kanina lang, nahalikan ko na naman sya. It's still
as sweet as before. Ang totoo hindi ko din naman alam kung bakit ko sya hinalikan,
siguro dahil nakakainis sya. Kanina pa ako nag-iintay, ang dami ko tuloy niluto
para hindi mainip kakaantay, yun pala nakikipagcoffee date pa sya kay Trevor.

Hindi naman sa nagseselos ako.

Bakit naman ako magseselos?

Mas gwapo naman ako sa Trevor na yon.

Saka hindi na.... Tapos na yun.


Hindi na ako magseselos, nakamove on naman na ako kay Raeven.

Paano ko nalaman?

Nung nakita ko si Clover na umiiyak kagabi, nakaramdam ako ng matinding awa and I
felt the urge to protect her from harm kaya naman dinala ko sya sa hotel suite ko
kung saan ko sana kakausapin

si Raeven. Hindi ko naman nakalimutan ang usapan namin ni Raeven kagabi, yun nga
lang, napili kong si Clover ang samahan ko. Doon ko nakapa ang sarili ko, hindi na
ako tulad ng dati. Hindi na ako katulad ng dati na isang tingin lang ni Raeven,
mapapasunod nya na agad. Hindi na ako kagaya ng dati na halos hamakin ang lahat
para makita lang sya. Hindi na ako ganoon, dahil kay Clover.

Si Clover ang araw araw na nagpapangiti sa akin. But of course, I really need to
keep my distance bilang respeto sa kanya at sa anak nya. I just need to stick with
her until she realize that there's no turning back but to move forward, with me.

Hindi ko akalaing magkakagusto pa ako sa iba, kay Clover pa talaga! Lagi ko syang
inaaway at sinusungitan noon, pero sya lang ang mayroong abilidad para pangitiin
ako. Yung mga ganoong klaseng tao, lalo pa't masiyahin, hindi sila dapat
pinapalungkot. Sila na nga lang ang nagbibigay ng kulay sa mundo, may aagaw pa ng
ngiti nila.

I really care for Clover, at desidido akong mapasaakin sya.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng makita ko si Raeven sa harapan ko, nakatingin sya sa
akin at sinusuklay ang mahaba nyang buhok. Nakapantulog na sya ng kulay pink,
paborito nyang kulay.

"Pahiram ng laptop." Sabi nya sa akin. Inosenteng inosente pa din ang tingin nya at
angat na angat pa din ang mahahaba nyang pilik mata.

"H-ha?" Nakakahipnotismo pa din, Kingina Deuce, tumigil ka!

"Pahiram ng laptop, gagawa ako ng rules ko." Untag nya pa sa akin. Wala sa sariling

iniabot ko sa kanya ang laptop ko na nakapatong lang naman sa kama.

Tumayo na ako para ako naman ang magshower. Kinuha ko lang ang towel ko at pagpasok
ko sa loob ng banyo...

Amoy strawberry!

Tsk. That girl.


Lalabas pa sana ako para pagalitan sya pero...

Napapikit na lang ako.

Namiss ko ang amoy na 'to.

Naalala ko nga kung gaano ako hirap na hirap alisin ang amoy na to sa sistema ko.

Flashback
"Amoy chicks." Nag-angat ng ulo nya si Oswald at tumingin kay Beni. Sabay pa nilang
ibinaba ang kanilang mga libro at nagpalinga linga.
"Dude, ikaw yon?" Tanong ni Socrates na nakatingin na pala akin. Nagrereview sila
sa kiosk para finals namin, huli na naman akong dumating dahil hinanap ko pa si
Raeven simula umaga at papalubog na ang araw saka lang ako nag-pakita sa school.
Napapahiya akong yumuko.
"T*ngina Dude, sabi ng tigilan mo na. Dapat itapon mo na ang lahat ng
nakakapagpaalala sa kanya, bakit ginagamit mo pa din pati ang sabon at shampoo
nya?!" Inakbayan ako ni Beni, alam kong hindi nila ako inaasar, kitang kita ko sa
mga mata nila ang awa dahil alam na alam nila ang nangyari sa naudlot kong kasal.
Sa pagkakataong iyon, ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko, at sa harap ng mga
kaibigan kong lalaki, bigla akong napaiyak.
"P*ta, miss na miss ko na." Humihikbing sabi ko, umupo ako doon sa kiosk at
tinakpan ang mukha ko ng aking palad.
Naamoy ko pa din si Raeven pero wala na sya dito, wala na sya sa tabi ko. Tama nga
sila, kailangan ko na syang pakawalan. There's no point in holding on to someone
who chose to leave you. Kapit ka ng kapit pero sya ang kusang bibitaw dahil ayaw na
nya, dapat ay bigyan mo din ang sarili mong magkaroon ng laya para may matira sayo
kahit konti. Sa lagay ko, wala na talagang natira.

Pumailalim ako sa shower at nagtiim bagang, pag-naalala ko ang sarili ko noon,


mukha pala talaga akong gago. Mukha akong mahina, dinepende ko ang lahat kay
Raeven, itinaya ko ang lahat kaya nung iniwan nya ako, nagmukha akong tanga.

Pumikit ako ng mariin, nahihilam na naman kasi ang mata ko dahil bukod sa tubig
mula sa shower, mayroong mainit na likido ang lumalabas sa mga mata ko, naiiyak pa
din ako pero sa pagkakataong ito, hindi ko na hinayaan na mayroon pa muling
makakakita.

Ilang beses ko na bang pinaniwala ang sarili ko na wala ng kirot? Nasasabi kong
wala na yung pagmamahal pero nandito pa din yung iniwan nyang sakit. Paano ka
magmamahal ulit di ba? Paano ka magtitiwala?

Kung higit pa sa pinusta mo ay kinuha na nya.

Maki Say's: Salamat talaga sa pagbabasa ha! Di pa ako makasagot ng mensahe kasi
pagoda tragedy akiz. Pero Thank you! Ruma-ranking si Attorney! Kinakabog si Clover.
=================

Kabanata 21

Selos.

xxRAEVENxx

"Rule Number 1, work will start at 9AM to 6PM only, day off every Sunday. Ano to? 9
hours a day?" Nakakulubot at salubong na salubong ang kilay ni Deuce habang
binabasa ang isinulat kong rules.

Tumango tango ako. Nakaupo sya sa kanyang kama at ako naman doon sa extension ng
kama nya, naka indian sit. Magkaharap kaming dalawa.

"Look, I go to work at 8, I come home by 9PM, 8PM will be the earliest time that I
can go home, ibig sabihin ay hindi mo na ako pagsisilbihan sa mga oras na yan?"
Gulat na gulat na tanong nya.

"Oo naman.. Asa labor code ang oras ng pagtatrabaho hindi ba?" Ngumisi ako sa
kanya.

"Ang almusal ko? Dinner ko? Alangan naman late akong papasok at maagang uuwi. Ano
to? Ako pa ang mag-aadjust?! Isa pa, malay ko ba kung nagtatrabaho ka ng tama. Baka
mamaya natutulog ka lang kung wala ako."

"E di icheck mo kung may alikabok ang pad mo. Pwede mo akong tawagan ng alas nwebe
hanggang alas sais ng hapon. At doon sa pagkain mo, iluluto ko yon sa oras na wala
ka, iinit mo na lang."

Sinamaan nya ako ng tingin tanda ng pagprotesta. Ngumiti lang ako sa kanya ng
mapang-asar.

"Tsk. Rule number 2, no personal questions. Ha! As if naman interesado ako sa


personal na buhay mo." Mayabang nyang sabi, umirap lang ako.

"B-bakit nga pala 9-6PM? U-uwi ka ba sa inyo pagdating ng 6PM?" Tanong nya pa.

"Hindi ka interesado di ba?" Tinaasan ko sya ng kilay.

Pagkakataon naman nya para umirap sa akin at tumahimik bigla.

"Hindi

ako uuwi araw araw. Tuwing linggo lang, kailangan kong silipin si Ysobelle." Sabi
ko.
Suplado syang tumango.

"Rule Number 3, No kissing, flirting or any sexual harrasment acts. Gandang ganda
ka talaga sa sarili mo no?" He asked sarcastically.

"Ikaw ang nauna kanina." Pagpupunto ko. Naalala ko na naman ang halik na yon. Nag-
iwas sya ng tingin at hindi sumagot.

"R-rule number 4, do not fall in love with me." Napaawang ang labi nya at tiningnan
ako. "H-H-Hoy, kakapalan na to ha. Mukha ba akong---"

"Oo."

"YUCK. Makatulog na nga. Walang kwenta yang rules mo." Hinagis nya pa sa akin ang
papel na naglalaman ng rules ko, humiga sya at tumalikod pa sa akin.

Aba! Wala talagang modo ang isang to.

"Pirma ka muna!" Kinalabit ko sya pero nakahalukipkip lang sya at mariin na


nakapikit.

"Ang daya mo. Pirma ka muna!" Ulit ko. Sumampa ako sa kama nya, napadilat naman sya
agad at masama akong tiningnan.

"Bakit nandito ka sa kama ko?" Tanong nya na parang magbubuga na ng apoy.

"Pirma ka muna.."

Imbes na sumagot at tinabig nya ako at sinubukang itulak papabalik doon sa higaan
ko.

"Alis!" Sabi nya pa. Nagmatigas ako at hindi umalis kahit ilang beses nya akong
pinagtulakan. Isang malakas na pagtulak pa at naitulak nya ako pabalik sa higaan ko
at naging malakas ang pagbagsak ko dahilan sa pagtama ng noo ko doon sa bedframe
ko.

Aray!

"R-rae.."

Hindi ako kumilos o kumibo. Masakit talaga! Tch. Seriously?

"R-rae.."

Si Deuce naman ang bumaba doon sa higaan ko para kalabitin ako. Hinila nya ang
pulsuhan ko at agad na iniharap ang mukha ko sa kanya para tingnan.

"May bukol.." Sabi nya pa. Pinanliitan ko sya ng noo at kinapa ang noo ko,
nakaangat nga ang maliit na parte malapit sa sintido ko. Nakakainis at makirot!

"Sige na, matutulog na ako. Inaantok na ako." Humiga ako at tumalikod na kay Deuce.
Binalot ko ang sarili ko ng comforter at nagtakip ng mukha. Nayamot na ako ng
husto. Ang OA naman kasi nyang makapagpaalis, nabukulan pa tuloy ako.
Naramdaman ko ang pagtayo ni Deuce mula sa kama ko at lumabas ng kanyang kwarto,
pagbalik naman nya ay nakaramdam ako ng pagyugyog. Tiningnan ko si Deuce at may
dala syang icepack.

"Gagamutin ko." Mabait nyang sabi, malamlam pa ang kaninang nanlilisik nyang mata.
Umirap lang ako at nagtalukbong muli ng kumot. "Gagamutin na nga, ang arte."

Tse. Bahala ka dyan.

Naramdaman ko ang paghiga ni Deuce sa tabi ko at pinipilit akong ipaharap sa kanya.

"Ano ba.." Inis kong sabi. Gayunpaman, nagawa nya akong ipaharap sa kanya. Dahan
dahan nyang tinanggal ang kumot na nakatakip sa mukha ko.

Nakasimangot lang ako at nanatili lang na blangko ang mukha nya. Maingat nyang
dinampian ng malamig na icepack ang parte ng nabukulan sa akin. Titig na titig
naman si Deuce sa mukha ko habang ginagawa nya yon.

"Pangit na nga, mas pumangit pa." He said. Hindi ako umimik. Hinayaan ko syang
lagyan ng yelo ang noo ko at pumikit naman ako dahil naiilang ako sa mukha nya pag
ganito sya kalapit. Isa pa naiinis

din ako dahil kasalanan nya. Kung pwede lang gumanti sa kanya kagaya ng dati...

....

......

Di ko namalayan nakatulog na pala ako at pagkagising ko...

"Hala, hoy bakit ka dito natulog?!" Pilit kong ginigising si Deuce dahil bukod sa
magkatabi kaming nakatulog, yakap nya ako sa bewang at nakasiksik ako doon sa
dibdib nya. Ang sarap pa ng pagkakapikit nya.

Marahan syang nagmulat ng mata at mukhang di pa alam ang kaganapan kaya pupungas
pungas pa sya. Nagtataka ang kanyang mga mata na tiningnan ako.

Tumingin ako sa kisame. Pakiramdam ko kasi may gayuma ang mata ni Deuce tuwing
tumitingin. Nakapanlalambot.

"Bakit kita katabi?" Namamaos pang tanong nya. In fairness ang bango pa din ng
hininga.

"Nauna akong makatulog sayo.. Ikaw? Bakit kita katabi?" Mataray kong tanong.
Nagpalinga linga pa sya at tiningnan ang paligid nya. Kinuha nya ang ice pack doon
sa ulunan ko at tinapat sa mukha ko.

"Nakatulugan ko." He said. Sinipat nya pa ang noo ko at marahang hinaplos ang bukol
ko, "Sakit pa?" He asked, mababa ang kanyang boses pero may himig iyon ng pag-
aalala.

Umiling ako kahit medyo masakit pa, hindi naman sya dapat nag-aalala dahil galit
naman sya sa akin hindi ba.

Bumangon na ako dahil alas-siyete na ng umaga, ipaghahanda ko si Deuce ng almusal.


Dumiretso ako sa banyo para maghilamos. Ilang minuto lang ang itinagal ko doon pero
paglabas ko, nakarinig na ako ng pagkilos sa kusina.

Natagpuan ko doon si Deuce na naghahanda na ng breakfast. May nailuto

na nga syang sunny side up eggs. Agad akong lumapit para tulungan sya.

"Ako na."

"Ako na. Di ba 9AM pa ang shift mo? Ako muna ang magluluto mahal na Prinsesa."
Sarkastiko nya pang sabi.

Umupo ako sa bar stool at pinagmasdan ang kanyang ginagawa.

I sighed. Mukhang sanay na sanay na syang magluto. Sanay na sanay na syang mag-isa.
Mabuti naman at may naidulot sa kanya ang paglayo ko. Dati rati kahit ang magprito
ng itlog, hindi nya talaga kaya, pero ngayon, iba na.

"Luto na. Tulala ka dyan." Pinindot pa ni Deuce ang ilong ko, nakita ko nga ang
hotdogs at ham sa plato. Nilagay nya sa harap ko ang slice bread, pati ang plato
sya din ang naglagay.

Tinaasan nya ako ng kilay ng hindi ako kumilos.

"Wag mo sabihing susubuan pa kita dahil nahihiya ka. Ikaw ang may sabing 9AM to 6PM
lang ang shift mo hindi ba?"

"Hindi ka pa naman pumipirma eh." Mahinang sabi ko.

"Hindi ko na kailangan pumirma. Fair akong tao, pagsinabi kong yun ang shift mo, eh
di yun." Pinagmasdan ko syang sumubo ng pagkain. Kahit sa paraan ng pagsubo ang
brusko nya talaga kumilos, hindi pa din nagbabago.

"Paano ang ibang rules ko? Apat yun ah."

"Pinagbigyan ka na nga sa shift mo gusto mo pang pipirma ako doon sa rules mo.
Mahal ang pirma ko." Masungit nyang sabi, napanguso ako. Ibig sabihin yung sa
schedule lang sya pumayag?

Inabala nya ang kanyang sarili sa pagkain, ganoon din ang ginawa ko. Ang sungit nya
sa akin kaya hindi na ako nagsalita.

Nang naghahanda

na si Deuce sa kanyang pagpasok, ako naman ang humarap sa kusina para ipagluto sya
ng lunch. Siguro exemption na lang ang paghahanda ko ng pagkain para sa kanya,
basta pagdating ng 6PM hindi na nya ako maaring utusan not unless magkukusa akong
pagsilbihan sya.

"Here's the money. Check on my supplies and maggrocery ka, mayroon dyan sa baba.
Ask them to assist you in carrying the groceries to my door." Nakatayo ako sa may
pintuan para ihatid si Deuce palalabas ng pad nya.

Tumango ako at kinuha ang lilibuhin na perang inabot nya. At least mayroon naman
akong gagawin maghapon.

"Ano to?" Takang takang tanong ni Deuce ng iabot ko sa kanya ang lunchbox nya
pagkatapos kong ilagay sa bulsa ko ang pera.

"Lunch." Nakangiti kong sabi.

"H-hindi na kailangan. Bihira naman akong maglunch dahil on the go ang schedule
ko." Tanggi nya at nilalagay sa kamay ko ang nakapack na lunchbox. Hindi ko kinuha
yon.

"Dapat ay naglulunch ka sa oras. Magkakasakit ka. Alam mo naman yon hindi ba?"

"Mas nakakapag-isip ako kapag hindi ako busog."

"Pero hindi mo naman kailangang magpagutom."

Hindi na sya umimik at kinuha na lang sa akin ang inaabot ko. "Tsk. Bukas wag mo na
akong lulutuan." Sabi nya pa. Hindi ako tumango. Magluluto pa din ako. Hindi nya ba
inaalala ang kalusugan nya? Masyado syang tutok sa trabaho.

Pagkaalis ni Deuce, inabala ko ang aking sarili sa paglilinis ng pad nya. Wala
naman masyadong lilinisin dahil masinop sya sa kanyang lugar. Nakakabilib para sa
isang lalaki.

**kring

kring..

Napalingon ako sa telepono doon sa may sidetable ng magring iyon.

"Hello?"

"Kamusta ka dyan?" Pormal ang boses ni Deuce sa kabilang linya.

"Maayos naman. Kakatapos ko lang maglinis--"

"Naglunch ka na ba?" Putol nya sa sinasabi ko.

"Mmm. Ikaw?"

"Kumakain."

"Talaga? Kinain mo ang inihanda ko?"


"Hindi. I don't feel like eating tuna today." Aniya. Napanguso ako sa tugon nya.
Pan seared tuna kasi ang inihanda ko sa kanya at sari saring gulay.

"Akala kasi gusto mo yon, nasa freezer mo kasi."

"No. Mona bought it. She's on a fish diet." Sagot naman ni Deuce.

Sino namang Mona yon? Yun ba ang pangalan ng girlfriend nya? Sabagay, bakit naman
nya ipapaalam, maid na lang nya ako ngayon. Nanikip ang dibdib ko sa isiping iyon.

"Ah." Yun na lang ang naisagot ko. "S-sige, ibaba ko na ito. Maggo-grocery pa
ako.."

"Antayin mo na akong dumating, maaga akong uuwi para makapagGrocery tayo." Utos
nya.

Tumango ako kahit hindi nakikita ni Deuce, nakaramdam kasi ako ng pagbabara sa
lalamunan.

"Bye." Pagkasabi ko non, agad kong ibinaba ang telepono at umupo doon sa sofa para
alalahanin ang usapan namin ni Deuce.

'Mona bought it. She's on a fish diet'


'Mona bought it. She's on a fish diet'
'Mona bought it. She's on a fish diet'
'Mona bought it. She's on a fish diet'

Nakaramdam ako ng kirot..

Masakit sa dibdib...

Iba talaga

ang pakiramdam kapag harap harapang ipinapamukha sayo na hindi na ikaw. Tapos
ginagawa nya ang mga bagay na ayaw mong ginagawa nya. Parang may humahawak sa puso
mo na hindi maalis kahit ang hapdi na.

-----
xxDEUCExx

"Sige na, patikim lang ng isa." Nagpuppy eyes pa si Clover at nakatingin sa


lunchbox ko. Kakababa lang ni Raeven ng tawag ko.

Bigla lang nya akong binabaan ng tawag, may sasabihin pa sana ako sa kanya, yung
babae talaga na yon!

"Ang damot mo!" Nakasimangot na sabi ni Clover ng hawiin ko ang tinidor nyang
itutusok nya sa pagkain ko.

Hindi ko masabi kay Raeven na ako ang kakain ng niluto nya. Kasi naman
nakakabadtrip pag nakikita syang masaya, natutulala ako at naguguluhan pa.
Ano bang magulo don?

Hindi na kami tapos napapatingin pa din ako sa kanya, ang gulo di ba?!

Hindi ko na sya gusto pero nag-aalala pa din ako. Tsk! Napakapabaya naman kasi sya,
nabukulan pa tuloy sya. At ako naman si gago, nag-alala pa, nagising tuloy ako sa
tabi nya!

Napabuga ako ng hangin at tiningnan ang pagkain na ayaw ko sanang kainin kaya lang
hindi ko maatim na itapon na lang o di kaya ipamigay.

Hindi ko din paborito ang tuna, but the moment I ate the food, I felt comfort.
Akala ko lang siguro ayaw ko nito, nasanay kasi ako na nagiisip kung anong gusto
kong kainin, but this time someone cooked for me and I just have to eat, masarap sa
pakiramdam.

Sa maghapon na lumipas nakatingin lang ako sa orasan kasi yung pag-andar sobrang

bagal! Bakit hindi pa alas-singko?! Tss, bahala na nga!

"O? Uwi na?" Tanong sa akin ni Clover ng dumaan ako sa harapan nya. Tumango lang
ako. Nagmamadali pang mag-lakad kahit alas tres pa lang ng hapon.

Dahil alanganing oras, nakarating ako sa pad ko sa loob ng labing limang minuto at
naabutan ko doon si Raeven na nag-aayos sa kusina. Una kong sinipat ang itsura nya
kung mukha ba syang napagod ng husto, hindi naman siguro dahil maganda pa din sya.

Kaya lang pagdating ko tiningnan nya lang ako at hindi binati. Napakurap pa ako
dahil sa uri ng tingin nya. Nakakatakot yung tingin nyang yon, hindi sya galit pero
malungkot.

"H-halika na.. Magready ka, mag-go-grocery tayo." Nauutal na utos ko. Tumango naman
sya at binitawan ang hawak nyang basahan.

Nagtungo sya sa kwarto ko at ilang sandali lang nakapagpalit na sya agad ng damit.
Nakasuot sya ng simpleng bestida na bulaklakin at angat na angat ang maputi nyang
kutis.

'Tss, stop it Deuce!'

Tiningnan nya ako at tumango na parang nag-aaya. Nauna pa syang lumabas sa pad ko
at sumunod lang ako.

Parang mapapatid naman ang paghinga ko ng nasa loob kami ng elevator, hindi kasi
sya umiimik. Nakatingin lang sya doon sa elevator buttons na parang may kung anong
interesante doon.
Ang dami kong tanong. Hindi nya ba nagustuhan ang ginawa nya maghapon? Napagod ba
sya ng husto? Galit sya sa pinapagawa ko?

Pero lahat yan ay hindi masasagot dahil hindi ako magtatanong.

Isinakay

ko sya sa sasakyan ko, pagbubuksan ko pa sana ng pinto pero nauna na naman sya sa
pgbubukas.

Argh! Ano bang nangyayari?! Alam kong hindi naman kami close, pero mas gusto ko
yung nagsisigawan kami kaysa yung ganito.

Ang cold nya.

Nang makarating kami sa grocery nagmadali talaga ako na abutin ang pushcart,
tiningnan nya lang ulit ako pagkatapos tumingin doon sa listahan na dala nya.

Bwiset!

Sumusunod ako sa pinupuntahan nya at sya na ang naglalagay ng mga bagay doon sa
cart. Wala syang gana doon sa ginagawa nya, pansin na pansin ko yon pero bakit ba
apektadong apektado ako?!

Paki ko di ba?

Napakamot ako ng ulo at luminga sa paligid ng shelves na mayroong breakfast


essentials.

"Ah, Raeven.. Gusto mo ba ng cereals sa umaga?" Tanong ko para may mapag-usapan


lang.

Tiningnan na naman nya ako ng blankong ekspresyon at umiling.

"Eh nuggets? Di ba favorite mo yon-- noon." Ugh! Okay this conversation is getting
weird.

Umiling syang muli at naglakad papalayo, tinulak ko ang cart at hinabol sya.

"Rae.. Oatmeal with fruits?---" Tanong ko ulit. Ayaw huminto ng bibig ko sa


pagsasalita kahit hindi nya ako pinapansin.
Hindi sya umiling pero hindi sya tumango.

HINDI NA AKO PINANSIN?!

Ah! Frustrating!

Ano bang ginawa ko?!

Mga babae talaga!

"Y-yung kanina, gusto mo ba ng ganong breakfast? Ah, pancakes!

Di ba paborito mo yun? Yung mayroong strawberry jam." Subok kong muli.

Tiningnan nya lang ako at napansin kong namumula ang ilong nya.

At Kapag ganyan sya....

Ang susunod dyan ay....

LUHA.

Umiiyak sya bigla at pinunasan ang mata nya tapos naglakad ulit papalayo sa akin.
Mabuti na lang at wala masyadong tao sa supermarket kaya madali syang sundan.
Natataranta ako ng husto sa kinikilos nya.

"Rae.." Tawag ko sa kanya.

Pucha naman, nakakapraning naman kapag ganito sya, hindi ako mapakali.

Binitawan ko ang hawak kong cart at hinila ko sya sa siko. Tumigil naman sya sa
paghakbang at nagulat na lang ako ng bigla syang humilig sa dibdib ko at doon nga
sya umiyak.

Pinagtitinginan kami ng mga crew ng supermarket pero wala akong pakialam. Ang nasa
isip ko lang kung bakit sya umiiyak.

Napabuntong hininga ako at hinagod sya sa likod.

"Raeven, ano bang problema mo?" Malumanay na tanong ko sa kanya. Hindi sya kumibo
at hinayaan ko na lang syang umiyak sa dibdib ko kahit basang basa na ang suot kong
polo.
"Hindi kita bati, pangit ka." Humihikbi na sabi nya.

Natigilan ako sa paghaplos sa likod nya.

At dahan dahang pumikit...

Hindi ko alam kung bakit ang sarap pakinggan nung sinabi nya.

Ninamnam ko ang bawat salita nya. Yung mga salitang unang sinabi nya simula bumalik
ako galing sa trabaho.

Ang sarap sa puso. Nakakatunaw ng pagod na kahit

walang kwenta yung sinabi nya, at least nagsalita na sya.

"Hindi kita bati!" Ulit nya pa na parang bata. Napangiti ako.

"Di ba hindi mo naman talaga ako bati?" Tanong ko sa kanya. Tumango sya pero nandon
lang sya sa dibdib ko.

"Pero mas hindi kita bati ngayon." Bulong nya.

"Ganun ba? Okay lang." Pang-aasar ko sa kanya. Nilingon nya ako at nakasalubong ang
kilay nya. Hinampas nya ako sa dibdib at tinalikuran ako.

"Kapag hindi kita bati, ayokong marinig ang boses mo. Ayaw din kitang makita kaya
wag kang magpapakita sa harapan ko." Padabog pa syang humakbang papalayo sa akin.

Tiningnan ko lang ang likod nya at natulala.

Ibang klase.

Bakit bigla syang nagkaganyan?

Normal pa naman kami kaninang umaga ah.

Nag-usap lang kami kanina sa telepono.. Sinabi ko sa kanyang hindi ko kinain ang
niluto nya.

Ah!
Nagtatampo sya?

Tama! Nagtatampo nga sya!

Kinuha ko ang cart namin at tumakbo papalapit sa kanya.

"T-tinikman ko ang niluto mo." Sabi ko sa kanya.

Hindi nya man lang ako tiningnan. Pumipili sya ng isda doon sa fish section.
Napabuga ako ng hangin.

"Okay. Kinain ko. Ako ang kumain non Raeven. Totoo."

Nakatingin sa amin yung naglilinis ng isda, napapahiya naman ako dahil para akong
nakikipag-usap sa hangin. Di man lang ako tinitingnan ng kausap ko.

Naglakad na naman si Raeven.

Ugh! Ano pa ba? Bakit galit pa din?!

Dahan dahan syang lumingon sa direksyon ko at matalim akong tiningnan. Agad naman
akong kinabahan.

"Yung tuna, kukuha pa ba ako? Para hindi na bumili si MONA kapag nagpunta sya sa
pad mo." Nakataas ang kilay na tanong nya.

Hindi agad ako nakakakibo.

Pinagmasdan ko syang kausapin ang naglilinis ng isda at inabot ang tuna doon kahit
hindi ako sumagot.

Unti unting umangat ang gilid ng labi ko hanggang sa tuluyan nang mapangiti.

Nagseselos to!

At hindi ko maintindihan kung bakit ang saya ko pa at bumilis ng husto ang tibok ng
puso ko.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa siko, pinalis nya ang kamay ko pero hindi
mawala ang mga ngiti ko.
Nakakaexcite. Pucha. Anak ng teteng naman oh! Bakit parang nakakakilig?

=================

Kabanata 22

Maki Say's: Pasensya na sa nag-intay ng matagal. Sobrang busy lang. I really try my
�very best to update as much pero tao lang, pagoda ever nung nakaraang week � ✌��
Pagpasensyahan nyo na ito.. Alam ko bitin. Mamaya ulit ang karugtong ❤

Move it.

xxRAEVENxx

Argh! Bakit ba sya nakangisi? Hindi ko na halos mahawakan ang mga isdang gusto kong
bilhin dahil sa pagkatuliro. Kanina ay galit ako, pero pag nakikita ko ang mga mata
nyang nakasabay din sa ngiti nya, natutunaw na ang inis ko.

Pero hindi. Naiinis pa din ako.

Wala naman sa kontrata namin ang bawal mainis kaya ipagpapatuloy ko lang ang
nararamdaman.

"Rae.." Malambing ang paraan ng pagkakatawag noon ni Deuce kaya mas lalo akong
nainis, alam nyang galit ako and he's trying hard to calm me down sa pamamagitan ng
paglalambing.

Nilingon ko sya ng may blangkong ekspresyon sa mukha pero nakangiti pa din ang
kanyang mga labi.

"Wag ka na bumili ng tuna. Hindi naman na nagpupunta si Mona sa bahay."

Nagtataka ko syang tiningnan pero sandali lang iyon, humarap ako muli sa mga isda.
Nakakairita pa din na magbanggit sya ng pangalan ng ibang babae, ang sakit sa
tenga.

"Tsk, halika na. Uwi na tayo." Nagulat pa ako ng hawakan ni Deuce ang aking palad.
Para akong nakuryente kaya hihilahin ko sana ang kamay ko papalayo pero hindi ako
hinayaan ni Deuce.

Nagtungo kami sa cashier at pinagtulungan naming ilagay ang mga pinamili namin,
doon

nya lang ako binitawan.

Hindi pa kumpleto ito pero nag-aya na kasi sya. Isa pa, nakaramdam ako ng
pagkapagod. Nakakapagod palang umiyak ng ilang oras, nakalimutan ko na ang
pakiramdam non, ngayon na lang ulit.
Ilang segundo kong tinitigan si Deuce habang abala sya, iba pa din ang epekto nya
sa akin, kaya pa din nya akong saktan kahit hindi nya sinasadya. Maybe because I
love him too much. Yung mga totoo mong minahal lang naman kasi ang magbibigay sayo
ng sobrang sakit. And seeing him happy with other girl recklessly hurt my chest,
stabbed me and probably will put me to death.

"Magpahinga ka na, ako ang magluluto ng dinner natin." Anunsiyo ni Deuce habang
naglalakad na kami sa lobby patungo doon sa pad nya. Tiningnan ko lang sya, nasa
isip ko pa din na ako na lang ang magluluto imbes na sya kahit yun ang sinabi nya.
Ako ang taga-silbi at sya ang amo, yun ang kuneksyon namin.

Nang makapasok na kami doon sa pad nya, dumiretso ako sa kusina para ayusin ang mga
pinamili, lumapit din agad sya sa akin para tulungan ako.

"Rae.. Anong gusto mong kainin?" Tanong nya sa naglalambing na boses. Nakakapagtaka
naman na biglang lumambot ang ekspresyon nya.

"Wala--"

"Tch, nagseselos ka ba?" Deretsa nyang tanong sa akin. Nanatili akong nakatingin sa
kanya ng maalaa ko ang rule nya.

'Rule # 4, do not fall inlove with me'

He is testing me again.

"H-hindi. Bakit naman ako magseselos?" Patay malisya na sabi ko.

Napawi ang

ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi at napalitan yon ng pagkunot ng noo.

"Hindi ka naman magagalit sa akin ng walang dahilan di ba?" Binaba nya sa lamesa
ang hawak nyang delata at mapanuri akong tiningnan.

"Hindi ako galit."

"Bakit ka umiyak kanina?" Mapaghamon nyang tanong.

"May galit bang umiiyak?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"I know you Rae, you only cry when you are jealous."
"Eh bakit ba pinagpipilitan mong nagseselos ako?" Nakapamewang na tanong ko sa
kanya.

"Bakit ka ba kasi tumatanggi?" He crossed his arms around his chest.

"Kasi hindi nga!"

"Tch, ayoko ng magluto." Naiinis na deklara nya sabay hagis ng plastic na


naglalaman ng mga bawang at sibuyas.

"Wala naman akong balak kumain ng niluto mo." Ganti ko sa kanya.

"Ah ganon? Wala kang balak? Pwes wala din akong balak kainin ang niluto mo."
Masungit nyang sabi sabay talikod sa akin at nagtungo pabalik ng kanyang kwarto.

Tsk! Ang bilis talagang magbago ng mood non. Ginulo nya lang ang kaninang inaayos
ko.

Nang mailagay ko na sa tamang shelves ang pinamili namin, nagsimula na akong


magplano ng lulutuin. Nasilip ko si Deuce sa kanyang silid na nakahiga at nakatakip
ang kanyang braso sa mga mata. He's like that if I do something that he hates, and
what now? Gusto nya na nagseselos ako? He just wanted to test me at hindi ako
bibigay.

Ilang segundo akong nakatayo sa may pintuan ng kwarto nya at nakatingin sa kanya.
Hindi

man lang nagpalit ng damit.

Lumayo na ako para makapagsimula na. I prepared the beef, magluluto ako ng bulalo,
tingnan natin kung matanggihan nya ang iluluto ko.

I was in the midst of my cooking ng lumabas si Deuce mula sa kanyang kwarto. Bago
syang shower at nakapagpalit na ng khaki shorts at plain white vneck shirt. Bitbit
nya ang susi ng kanyang sasakyan. Awtomatikong nag-landing ang mga mata ko doon sa
wallclock, 8PM.

Aalis sya?

Hindi sya nagsasalita ng palabas na sya ng pinto.

"Bukas kailangan kong umalis." Hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko.
Magpapaalam sana ako mamaya o bukas na mismo kaya lang baka hindi naman sya dito
matutulog ngayong gabi.

Napatigil sa paghakbang si Deuce at nakataas ang kilay na tiningnan ako.


"Sabado pa lang bukas." Sabi nya.

"K-kailangan ni Ysobelle ng kasama bukas sa school. S-si Tres kasi nasa Singapore
daw."

Ilang segundo akong tiningnan ni Deuce at nagkibit balikat.

"Bahala ka."

Tumango ako at muli syang pumihit para lumabas na ng kanyang pad.

Napabuntong hininga ako dahil hindi man lang sya nagsabi kung saan sya pupunta.
Tiningnan ko ang niluluto ko, malambot na ang karne pero hindi ko man lang sya
nagawang ayain.

O di kaya naman ay pigilan umalis.

Bakit ko naman gagawin yon?

Wag ko nga daw i-invade ang privacy nya.

Nakakatampo lang kasi..

Pinatay ko na ang kalan at ang

ilaw sa kusina pagkatapos na maluto ang bulalo. Nawalan na din ako ng gana kumain.
Paniguradong nagsisiya na naman yan si Deuce sa piling ni Mona o kung sino mang
babae nya.

Itinira ko lang ang malamlam na lampshade sa may salas at naghanda na para matulog.

Nakatingin ako sa malapad na kama ni Deuce, yon ang ginawa kong pampaantok pero
hindi epektibo hanggang sa aksidente kong mailagay ang yakap kong unan sa aking
ilong. I sniff on the pillowcase in my bed. Amoy ni Deuce, dito kasi sya
aksidenteng nakatulog kagabi. With that thought, nakatulog ako ng mahimbing na
parang yakap yakap nya lang.

---

xxDEUCExx

Aist! Hindi man lang ako pinigilan. Ayaw ko pa namang umalis ngayon.
Umaasa ako na nagseselos sya. Siguradong sigurado ako base doon sa ikinikilos nya,
pero bigla ba namang itinanggi.

Tsk, bakit ko nga ba hinahangad na magseselos sya?

-Wala lang! Galit ako sa nagsisinungaling!

Naku naman! Kanina pa ako paikot ikot na nagmamaneho, hindi ko alam kung saan ako
pupunta. Yung babae talaga na yon! Ano pa't nagluluto sya kanina kung hindi man
lang ako aayaing kumain?

Eh ano naman kung sinabi kong hindi ako kakain ng niluto niya? Dapat nag-aya sya
dahil amo nya pa din ako!

Naiinis akong nag-U turn pagkatapos kong magmaneho ng ilang kilometro. I think I
should go home and face her dahil kung naiinis sya sa akin mas naiinis ako sa
kanya.

Nasa isang hindi kumportableng sitwasyon kami pero kailangan kong masanay sa mga
ganitong---

/>
Tampuhan.

Kingina bakit may tampuhan?

May tampuhan ba sa pagitan ng amo at ng maid nya? Dapat ay wala hindi ba?

Padabog kong binuksan ang pad ko pero ganon na lang ang gulat ko ng nakapatay na
ang mga ilaw.

Tulog na?

Lampshade na lang ang nakabukas, tumungo agad ako sa kwarto ko at doon ko nga sya
nakitang mahimbing na natutulog na may yakap na unan.

Marahan kong sinarhan ang pinto at sinilip ang kusina. Nandoon pa din ang niluto
nyang bulalo. Ang kanin na niluto nya, wala ding bawas. Hindi ba sya kumain?

Nakaramdam agad ako ng pangungunsensya sa isiping hindi sya kumain dahil nagtatampo
sya pero mas lamang ang pagkalam ng sikmura ko.

Kumuha ako agad ng plato at pinagsilbihan ang sarili ko. I started eating my heart
out. Sarap magluto ni Raeven. Halos maubos ko ang kanin na niluto nya but I saved
something for her, baka sakaling magising sya at magutom.
After washing my plate I headed to my room and shower. I am planning to light a
cigarette in my veranda, kaya lang pinakatitigan ko si Raeven. Mabagal ang kanyang
paghinga, ibig sabihin ay tulog na tulog sya.

Bakit hindi man lang sya kumain? May hunger strike ba na hindi ko nalalaman?

Isang beses ko pa syang tiningnan, gusto ko pa syang asarin pero tinulugan naman
ako.

A naughty thought crossed my mind when I saw the bottle of scotch rested in my
table. Naglagay ako non sa wine glass at nagtungo sa CR. I mouthwashed

with the alcohol pagkatapos ay nakangiting lumapit sa natutulog na si Raeven.

Pumwesto ako doon sa pagitan ng kama ko at sa gilid ni Raeven. Hindi man lang sya
kumilos at kapag nagising sya, sasabihin ko na lang na lasing na lasing ako.

Inamoy ko ang buhok nya, it's so fcking addicting. Dinaig pa nito ang amoy ng
mamahaling pabango ng mga babaeng nakatabi ko. Her scent is cheap, but it smells
home. I like it..

So much..

Bahagyang nag-inat si Raeven at nanigas ang katawan ko. Akala ko gigising na sya
pero sumiksik sya sa dibdib ko at pinatong ang kamay nya sa bewang ko. Nakakunot
ang noo nya.

Kung anong bait nya kapag gising, sya namang sungit nya kapag tulog. Napangiti ako
at hinaplos ang noo nya para unatin ito, bumabalik lang yon sa pagsimangot.

"Hay Raeven.. Bakit ba hindi ka kumain? Inintay mo ba ako?" Bulong ko sa kanya na


para bang naririnig nya ako.

"Bakit ba ayaw mo ding aminin na nagseselos ka? Ayos lang naman yon dahil gwapo
ako, hindi na ako magtataka kung hanggang ngayon hindi mo pa din ako makalimutan.
Haha!"

Para namang narinig ako ni Raeven dahil mas kumunot ang noo nya pero mas lalo syang
nagsumiksik. Sa liit ng kama nya, naipit ako ng husto.

Pero ayos lang.. Masarap sa pakiramdam.

Bumuntong hininga ako.


Malungkot kong tiningnan si Raeven, "Kailan ka kaya mauubusan ng dahilan para hindi
ako iwan? Ang hirap kasi yung pakiramdam na andon ka na eh, hinehele ka na sa ere
tapos bigla kang maiiwan

mag-isa. Ang hirap... Ang hirap balikan nung dati. Gusto mo pa pero mas lamang yung
ayaw mo na." Tahimik kong pinunasan ang luhang nagbadya sa mga mata ko habang
nakatitig sa babaeng minahal ko pero sinaktan ako ng husto.

---

Ahh! Saturdays! Isa ito sa pinakapaborito kong araw. I get to relax, watch dvds and
wake up a little bit late than usual...

Marahan kong minulat ang mga mata ko. Halos mapabalikwas ako ng makita ang mukha ni
Raeven na nagtatakang nakatingin sa akin habang kumukurap kurap pa.

Una kong napansin, ang cute nya!

Pero bigla syang nagtaas ng kilay at kinurot ako sa tagiliran. Yung madiin at
maliit na kurot.

"Aww!" Reklamo ko. "Bakit?" Nakangiwi ako sa sobrang sakit.

"Anong bakit? Bakit ka nandyan?!" Nanlilisik ang mga matang tanong nya sa akin.

"E-ewan ko. Nakainom--" Hinampas ako ni Raeven sa dibdib kaya mas lalo akong
napangiwi. Doble ang sungit nya ngayon.

"Bakit ka uminom?"

"I-im bored." Sagot ko. Umirap sya sa akin at tumalikod. Kapag ganito sya kasungit
at may topak sa umaga..

Isa lang ang dahilan..

"Gutom ka?" Tanong ko. Padabog nyang hinawi ang buhok nya at humalukipkip.

Pucha bakit napakacute?

"Oh, sige. Magluluto ako. Mabilis lang to." Hindi sya kumibo pero bumangon na ako.
Nagmamadali akong naghanda ng pancake batter para sa kanya. Paborito nya ang
pancakes at napapakalma sya ng strawberries at ng kahit na anong matatamis.

"Rae, luto na.." Tawag ko sa kanya. Nakasimangot

pa din syang bumangon at dumiretso sa lamesa. Walang pag-aalinlangan syang kumain..

ng kumain..
ng kumain...

ng kumain..

Nanlaki ang mata ko na pati ang parte ko sa nilutong agahan, kinuha din nya! Pero
napangiti lang ako muli ng samaan nya ako ng tingin.

Gutom na din ako eh!

"Bakit hindi ka pa kumakain? Wala ka bang gana?" Nakatingin sa akin si Raeven na


parang maamong pusa. Tsk, busog na kasi kaya mabait na ulit!

Tinaasan ko sya ng kilay at nginuso ang plato na wala ng laman. Pagkakataon naman
nya mapangiti.

"S-sorry." She said.

Kapag ako ang kumakain, naalala ko sya, samantalang nasa harapan na nya ako, bigla
akong kinalimutan?!

"Okay lang.." Kahit hindi.

Tumayo sya agad at nagtungo sa ref para ipaghanda ako ng pagkain. She left me while
eating breakfast. Saka ko lang naalala na aalis nga pala sya ngayon.

Lumabas sya ng kwarto ko na nakaligo na at nakasuot ng puting bestida. Winawagayway


ng hangin ang mahabang buhok nya sa bawat pagkilos. Her cheeks is naturally pink as
well as her lips. Maganda sya pero wala syang ideya kung gaano.

"Deuce?" Untag nya sa akin. Bumalik ako mula sa malalim na pag-iisip ng marinig ko
ang boses nya.

"Sabi ko una na ako. Pupunta ako sa school ni Ysobelle para sa activity nya. Bukas
ng gabi na ako babalik."

"Bukas pa?" Buong panghihinayang na tanong ko.

Binigyan nya ako ng nagtatakang tingin, "Ibawas mo na lang sa sweldo ko ang


dalawang araw. Pasensya na, kailangan ako ng kapatid ko."

Tumango ako kahit labag sa loob ko.

Bakit kailangang bukas pa sya babalik kung pwede namang mamaya?


Hindi na nasagot ang katanungan ko dahil hindi naman ako nagtanong.

Umalis nga si Raeven at iniwan ako mag-isa. Bumalik ako sa kwarto ko at inabala ang
sarili ko sa panonood ng dvds kagaya ng dati kong ginagawa hanggang sa mapansin
kong gabi na.

I tried to jog in my treadmill that night to spent myself pero hindi naman ako
makatulog.

Aist! Dalawang araw pa lang naman syang natutulog dito pero hindi na ako sanay na
wala sya.

Tumingin ako sa maliit na kama nya. Doon ako nahiga at niyakap ang unan nya.

I miss her..

Hanggang sa mag-umaga na kinabukasan at hindi na ako nakatulog.

Nagmadali akong magshower at magbihis. I found myself driving in her place.


Susunduin ko sya. O kaya sasama ako sa kung anong gagawin nya ngayong araw na to.

Kahit ano...

Basta kasama ko sya.

Napangiti ako ng makita ko si Raeven na papalabas ng maliit na gate ng apartment


nila. Nakangiti sya habang nakatingin sa kanyang likuran.

And there I saw a guy smiling at her too..

It crumpled my heart right away. Parang dinudurog, parang sinasaksak.

Doon ko lang naramdaman na hindi lang pala ako ang binigyan nya ng mga ngiti nyang
yon, kagaya ng pagbabago ko, marahil sya din ay nagkaroon ng pagbabago. Hindi ko
lang namalayan dahil tutok ako ng sobra sa nararamdaman ko.

I have to move it otherwise papanoorin ko kung paano sya maagaw ng iba.

=================

Kabanata 23

I Give In.
xxRAEVENxx

"Beh! May bisita kang gwapo!" Nagsusumigaw si Phen doon sa salas. Abala ako sa pag-
aayos ng cabinet ni Ysobelle habang natutulog pa sya.

"Raeven!" Sigaw muli ni Phen.

Lumabas ako at kamuntikan ng mapaatras ng makita si Martin na nakaupo doon sa


salas. Nakangiti sya agad paglabas ko.

He's wearing a blue polo and black straight cut jeans. Kaswal na kaswal sya at isa
ito sa pinakapaborito ko. Hindi sya kagaya ng dati na laging seryoso.

"M-martin.." I smiled automatically kahit hindi ko alam kung anong ginagawa nya
dito.

"Hi Rae! Namiss kita ah!" He said it like it was the normal thing to say. I felt my
cheeks blushed kaya yumuko ako para hindi nya mahalata.

"Alam mo ba? Dito na naka-assign yan si Doc! Matutupad na ang pangarap mong
lovestory!" Humahalakhak na sambit ni Phen. Sumimangot ako sa kanya at binalikan ng
tingin si Martin.

Napakamot sya ng batok na parang nahihiya.

"Mas madalas na kitang makakasama." He said sweetly.

"Yieee!!" Agad naman na tumili si Phen na parang kilig na kilig. Sinenyasan ko sya
na wag maingay kung hindi ay mas lalong mahihiya si Martin.

"Aayain sana kitang lumabas para makapagkwentuhan naman tayo."

"Naku, walang trabaho yan ngayon, tamang tama!" Segunda naman ni Phen.

"Sige. Maghahanda lang ako.." Tumalikod na ako at nagmadaling maghanap ng susuotin.


Isang maong jumpsuit

ang napili ko. Hindi na ako nag-abala pang magmakeup o kung ano. Lumabas lang ako
pagkatapos magsuklay.

"Tara?" I asked.

Martin gave me an approving look, nauna akong magmartsa sa labas at nakasunod sya
sa akin.
"Mas lalo kang gumanda nung nandito ka." Narinig kong sabi ni Martin kaya lumingon
ako sa kanya at binigyan sya ng ngiti.

Inalalayan pa nya akong makasakay sa sasakyan pagkatapos ay nagmaneho na sya


patungo sa isang sikat na mall sa Makati.

He did not ask what I wanted to do. Martin knows what I like to do.

Naupo kaming magkaharap sa isang coffee shop at walang nagpapaunang magsalita. I


enjoyed sniffing the coffee aroma around the place and my nose welcomed the sweet
smell of the pastries entricately displayed at the counter.

"Sabi ni Phen, may trabaho ka daw at stay in ka?" Binaba ni Martin ang kanyang tasa
pagkatapos sumimsim doon.

Ngumiti ako at tumango.

"At... doon sa ex mo." Diretsahan nyang sabi. He then sighed.

Mabuti kong tiningnan si Martin. Malungkot ang malamlam nyang mata, pati ang
makakapal nyang kilay ay naka-arko din. Malaki din ang pinagbago nya, mas lumaki
ang pangangatawan nya at binago nya ang ayos ng buhok, hindi na ito kasing pormal
ng dati, mas magulo na ito ng kaunti na mas nagpaangat ng gwapo nyang mukha, he
literally looks young, younger than before.

Kilala nya si Deuce sa pangalan. Nabanggit ko na sa kanya noon kung bakit ko sya
kinailangang iwan. He may be worried about me.

"Ayos lang

ako." Pagpapanatag ko sa kanya.

"Ako hindi.. You know that I like you Rae, and I will do something about it."
Sumandal sya sa couch at ako naman ang napabuga ng hangin.

"Martin.. Kailangan kong gawin to para kay Phen."

"Yun lang ba?" Tanong nya at tinaasan ako ng kilay. Paulit ulit nyang kinagat ang
sadyang mapupula nyang labi at pailalim akong tiningnan.

Matalino si Martin. He knows everything. Kung mayroon mang nakakakilala sa buong


pagkatao ko, sya yon. Hindi ko alam kung may ganon ba talaga syang katangian o
partikular lang sa akin ang pagiging mapanuri nya.

"O-of course.. Deuce has a girlfriend.. Hindi ko na mababago yon."

"Mababago pa, depende sayo." inilapit sa akin ni Martin ang kanyang mukha, hinaplos
nya ang pisngi ko, I didn't even flinched. I am too comfortable with him, siguro
dahil wala akong naiisip na malisya. Mas napapatalon pa nga ako kapag si Deuce ang
kaharap ko.

Dumating na ang aming pagkain at madami pa kaming napag-usapan. Nabanggit nya ang
dahilan kung bakit sya lumipat ng Maynila, apparently mag-aaral sa Amerika ang
pinsan nya at inilipat sa kanya ang pangangalaga sa clinic nito pati na din ang mga
pasyente.

"I'll just go to the restroom." Pagpapaalam ni Martin sa gitna ng pag-uusap namin:


Tumango naman ako at inabala ang sarili sa pagbabasa ng magazine nasa harapan ko.
Martin took longer than usual. Sinilip ko ang cellphone ko para tingnan kung may
mensahe sya pero wala naman.

Pagbalik ni Martin, hinawakan nya ang kamay ko at hinila kung saan.

"Gusto mo bang manood

ng movie?" Huminto kami sa tapat ng cinema. Tumingin ako sa orasan ko at napansing


alas kwatro na pala ng hapon.

"Baka hindi na, kailangan ko na ding bumalik, nangako ako kay Deuce na babalik ako
ngayon."

"Wala naman sya sa bahay nya ngayon eh." Sabi ni Martin. Nagtataka ko syang
tiningnan pero hinawakan nya ako sa siko at iginiya na patungo doon sa parking lot.

Ang weird ni Martin.

"Let's drive around? Namimiss ko ng makipagkwentuhan sayo." Ani Martin habang


pinagbubuksan ako ng pinto ng kanyang sasakyan.

Bahagya akong tumawa, "Nagkukwentuhan naman tayo ah."

"Yung tayong dalawa lang." May pagdidiin nyang sabi at bahagya pang malakas iyon
kaysa sa normal.

"Tayong dalawa lang naman." Sabi ko pagkasakay ni Martin sa kanyang sasakyan.

Umiling lang si Martin at ngumisi sa akin. He has something on his mind, hindi ko
naman maintindihan kung ano.

"Ano palang clause ng kasunduan nyo ni Attorney Montemayor?" Tanong ni Martin


habang nagmamaneho. Binabaybay na namin ang balik ng pad ni Deuce, walang kung
anong pagmamadali kay Martin, inintindi ko na lang dahil baka namimiss nyang
makipagkwentuhan sa akin.

"Clause? I will work for him kapalit ng pag-atras ng kaso laban kay Phen."

"What's your way out?" Kaswal nyang tanong.

"Magbayad ng isang milyon."

"I will transfer money in his account--"

"Martin." Awat ko sa kanya. "Kaya ko to."

Nagpreno si Martin sa stoplight at nilingon ako.

"Hindi mo naman
kailangang magtiis eh. Raeven, he's just manipulating you. Paano kung gantihan ka
nya at masasaktan ka lang?"

"I am guarding myself, Mart. Hindi mo kailangang mag-alala." Paninindigan ko.

"Siguraduhin mo lang, Raeven. Isang tawag lang ako, and you know that. I am willing
to rescue you from hell." Seryoso nyang sabi. He manuevered his car at doon ko lang
napansin na nasa tapat na kami ng condo ni Deuce.

"Martin.." Hinaplos ko ang braso ni Martin. His breathing is rigid. Parang


nagpipigil ng emosyon o pagkainis. Tumingin sya sa akin, mayroon pa ding galit doon
sa mata nya, "Okay lang ako. Tatawag ako kung kinakailangan." Masuyo kong sabi.

"Bakit kasi nung may nangyaring masama kay Phen hindi agad ako ang una mong
tinawagan." May halong pagtatampo sa boses nya. Napangiti ako.

"Doktor ka, hindi abogado. Sa tingin mo ba ay tatanggap ng bayad mula sayo si


Deuce? He values his reputation more than money. Ganon yon. Wag ka ng mag-aalala. I
am stronger than you think."

Pinatong ni Martin ang kamay nya sa kamay kong nakalagay sa kanyang braso.

"I will pick you up on Sunday. Labas tayo nila Phen."

Ngumiti ako at tumango.

Lumabas na ako ng sasakyan ni Martin at nagmamadaling nagtungo sa pad ni Deuce. Ang


totoo ay nakita ko ang sasakyan ni Deuce na papaakyat din ng parking lot. Kailangan
kong mauna sa kanya, di ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kaba.

Halos mapatalon ang puso ko ng makita ko si Deuce na nakaupo sa may sofa, magkadaop
ang kanyang palad.

"Nagmamadali

ka?" Malamig nyang tanong sa akin.

"A-ah. Hi!" Nakangiti ako sa kanya pero nag-iwas lang sya ng tingin.

"I won't let you go out again!" Sigaw nya sa akin. Napalitan naman ang mukha ko ng
pagtataka.

"D-deuce.."

"Attorney! Call me Attorney." Galit nyang sabi. Napayuko ako.

"S-sorry, a-attorney." Halos bulong lang iyon.

"Anong sabi mo?" Nakakatakot ang paraan nya ng pagtatanong, "Anong sabi mo? I can't
hear you. Repeat!" Utos nya. Kagaya kung paano nya tratuhin ang mga emplyado nya.

"Sorry, Attorney."

"Good. Ipaghanda mo ako ng pagkain." Malamig nyang utos. Hinubad ko lang ang
sapatos ko at nagmamadaling lumapit sa ref para maghanap ng lulutuin. Nakakatakot
sya dahil mainit ang ulo nya kaya hindi ko na sya natanong ng gusto nyang pagkain.
Di ko alam kung magugustuhan nya ang hinanda ko. Nagtungo agad ako sa laundry area
ni Deuce at doon ako naging abala sa pag-lalaba para makaiwas sa pagsusungit nya.

Hindi ko alam ang oras na ginugol ko doon. Lumabas lang ako ng matapos ko na ang
lahat ng labahan. Magtutungo na sana ako sa kwarto para magpahinga ng tawagin ako
ni Deuce.

"Hindi ka ba man lang magwawalis? Dalawang araw kang nawala." Hindi ako nakakilos
agad. Bakit ang sungit sungit nya bigla sa akin? Nagpaalam naman ako ng maayos sa
kanya kahapon.

Kinuha ko ang walis at naglinis doon sa palibot ng pad nya habang mayroon syang
hawak na kopita sa kamay at umiinom ng alak. Tutok lang ang mata nya sa soccer game
at seryosong nanonood.

"Tapos na, Attorney.

May ipag-uutos ka pa?"

Tiningnan nya muna ako bago umiling.

Doon ako nakaramdam ng distansya sa pagitan namin. Kahit hindi ko alam kung bakit
sya nagkakaganyan, sobra sobra ang sakit na idinudulot ng pagiging malamig nya sa
akin.

Nakapaghanda na ako sa pagtulog at humiga na doon sa kama ko. Malakas ang tv sa


labas kaya naman hindi ako agad makatulog. Wala syang pakialam sa akin, he will do
what he wants and he's being a brat again.

Pinunasan ko ang luhang kumawala sa mata ko. He's so cold and distant. Kung
ipagpapatuloy nya ang ganito, mas mahihirapan ako.

Hindi ko namalayan na napapapikit na ako, when I felt a mere fondling in my breast.


Napadilat ako bigla at nakita ko si Deuce halos nakapikit na at nakayakap sa akin
and he is massaging my breast for crissakes!!

"Deuce!" Untag ko sa kanya. He smelled mint and alcohol. Mukhang madami syang
nainom kaya ganito sya kumilos.

"Raeven.." He called my name, mapupungay ang mga mata. Pumaibabaw sya sa akin at
ginawaran ako ng halik.

"You are not allowed to go out again." Bulong nya sa tenga ko. Nakakakiliti,
nakakapanghina.

The sensation is crazy, parang nababaliw ang pintig ng puso ko na para bang gustong
kumawala nito kung mabibigyan ng pagkakataon.

"Deuce.." Mas naging mapanukso ang halik nya hanggang sa bumaba na ito sa aking
leeg. I really cannot contain the shallow breathing, kinakapos ako sa paghinga.

"You are mine, Raeven. Bumalik ka kasi akin ka." Puno ng poot ang mga mata nya. He
attacked me like a hungry beast with a prey in front of him. Hindi ko alam kung
kailan o paano, pero nakataas na ang damit ko.

"You are mine, right?" Pag-uulit nya.

Naramdaman ko ang mainit na luha na kumawala sa mata ko. Hinaplos ko ang mukha nya.
Mabilis akong tumango.
Sa kanya, noon hanggang ngayon, sa kanya.

Sumilay ang pag-asa sa kanyang mga mata. Hindi na sya nagsalita. Hinayaan ko ang
sarili kong magpadarang ng kusa sa apoy na nararamdaman nya.

That night...

I give in.

=================

Kabanata 24

Kinalimutan.
xxRaevenxx

"What the F just happened?!" Nagsusumigaw si Deuce pagkakita nya sa akin ngayong
umaga.

We both woke up naked, ang pinagkaiba lang, may naaalala ako at sya ay wala.

"D-Deuce--"

Pumikit si Deuce na parang nagpipigil ng inis.

"Attorney! Call me Attorney."

"Attorney, may nangyari sa atin." Hayag ko. Pinalakihan naman ng mata si Deuce at
mabilis na umiling iling.

Kitang kita mo sa mukha nya ang anyo ng napagsamantalahan at nadungisan ang puri.

"D-did you just--- Did you just rape me?!" Sigaw nya. Hinila nya ang kumot mula sa
akin kaya ako naman ang nawalan ng takip.

Hinila ko din ang kumot kaya sya naman ang nawalan ng takip.

"Ano ba?!" Halos mapatalon ako sa pagsigaw nya.

"Tinatanggalan mo kasi ako ng kumot.." Nakayukong sabi ko.

"At ako? Ayos lang na walang takip?"

Ngumuso ako sa kanyang sinabi at tiningnan ang palad kong magkadaop. Nakita ko
naman na ang lahat.

"May nangyari na naman sa atin so--"

"Don't you dare say that! Paano nangyari yon? I was mad at you! Paanong--- paanong
may nangyari.."

"Ginapang mo ako, Attorney.." Namula ng husto ang pisngi ko. Nakakahiya ang usapan
namin.
"Hah! Maganda ka? Sexy? Yuck."

Sumimangot ako agad. "Sabi mo kagabi maganda ako. Magandang maganda."

"Ha.. Malamang nagsasalita ako ng tulog." Umirap pa sya sa akin.. "At ikaw, gumawa
ka ng paraan para gapangin ako."

"B-bakit

ako?"

"Ewan ko! Matagal mo na akong pinagnanasaan di ba?"

"Hala---" Sabi nya ng may pagpoprotesta.

"Wag ka ng magsasalita. Naiinis ako!" Tumigil na nga ako sa pagsasalita.

"Pahiram ng kumot, magbibihis ako." Bahagya kong hinila ang kumot pero mahigpit ang
kapit ni Deuce.

"At anong ipantatakip ko ng ano ko?"

"Kamay?" Sagot ko naman.

"Hindi kasya!" Reklamo nya.

Tumingin ako doon sa baba nya na natatakpan ng kumot. Ah baka hindi talaga kasya
kasi---

"Hoy! Ano bang tinitingnan mo dyan?" Iritableng tanong nya.

"Pipikit na lang ako." Suhestyon ko.

"Tss." Kumuha sya ng unan at itinakip doon sa bahagi nya. "Dapat ako ang maunang
maligo pero sige na. Pagkatapos natin maligo mag-uusap tayo."

"S-sabay tayo?"

Pinanlakihan si Deuce ng mata dahil sa tanong ko "Hindi! Bakit ganyan ka mag-isip!


Tigilan mo ako Raeven."

Nagtungo na ako sa bathroom habang takip takip ng kumot. Baka magalit sya bigla.

----
xxDeucexx

Kingina, this can't be real. Pero may dugo ang bedsheet. She can't stay pure for so
long lalo na't may boyfriend na sya.

O baka hindi naman to dugo.

Pinipikot ako ni Raeven. Tama, pinipikot nya ako!

Tsk, mayroon na ngang doktor, gusto pa din ako.


Bakit ba hindi ko maalala?

Tandang tanda ko pa nung patayin ko ang TV para matulog, pero hindi ko maalala ang
lumapit ako kay Raeven at pinagsamantalahan nya ako.

Kung sana hindi ako uminom ng sobra hindi

nya makukuha ang katawan ko.

Naman oh!

Paano kung makabuntis ako?

Sht! Ang galing galing kong mag-ingat, ngayon pa pumalya.

Bumangon ako habang nasa bathroom si Raeven. Kukuha sana ako ng towel ng biglang
lumabas si Raeven doon sa may pinto.

"What the fck!" Hindi ko alam kung paano ako magtatakip ng katawan.

"W-wala akong towel.." Nakatitig sya doon mismo!

Ang twalya na para sana sa akin ay iniabot ko na sa kanya.

"Ano?" Asik ko ng hindi pa din nya sinasarhan ang pinto.

"Yung ano mo tinuturo ako. Galit ata sa akin." Mahina ang pagkakasabi nya noon pero
klarong klaro sa pandinig ko.

Uminit ng husto ang pisngi ko.

"Close the door! Goodness! what's happening? Panaginip ba to?!" Sigaw ko. Nakita ko
pang ngumiti si Raeven at dali daling sinarhan ang pinto.

I am proud of my body, I was never ashamed of my body, ngayon lang! Nakakairita!


Bakit naman ako mahihiya sa kanya? Sigurado akong hindi naman sya sexy! I never
looked at her the sexual way dahil hindi naman sya sexy. Kaya naman ang nangyari
kagabi ay talagang nakakapagtaka.

Hindi ako diretsong makatingin sa kanya lalo na ng makalabas na sya ng banyo. Ako
ang pumalit. Pumailalim ako sa shower ng sobrang tagal. Nakakainis!

Badtrip!

What is this game she's playing?

Imbes na magbihis ng suit para pumasok sa Lawfirm, nagsuot lang ako ng tshirt at
shorts. We need to talk and settle this once and for all.
Naabutan ko si Raeven

sa may kusina na nagluluto ng almusal.

"Kain na Attorney." Bumaling sya sa akin at tipid na ngumiti.

Umayos ako ng upo at kumuha ng pagkain. Tiningnan ko sya at hindi sya kumikilos.
Nakatayo lang sya doon sa harap ko.

"Sumabay ka na." Sabi ko ng hindi nakatingin.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na umiling sya.

"Ayaw ko ng hotdogs ngayon, Attorney."

Natigil ako sa pagnguya at hinarap sya, "Ayaw mo? Bakit ito ang niluto mo?"
Natigilan ako at pinanliitan ng mata si Raeven.."Teka, Wag mo sabihing buntis ka?!"

"Nabubuntis ba agad kapag ganon?" Nakakunot ang noong tanong nya.

"Malay ko! Ikaw ang babae dapat alam mo?"

"Hindi ko alam..." Umiling sya ulit.

"P-pero paano kung--" Kinakabahan ang kanyang mukha.

"Don't say bad words!" Awat ko ulit sa gusto nyang sabihin. Langya ayoko ng
marinig! Of course I know that sperm can impregnate within 24 hours pero hindi ko
na alam ang detalye kung kailan ba yon malalaman. Baka naglilihi na ang isang ito
ng hindi ko alam!

Huminto ako sa pagkain at sinenyasan si Raeven na umupo sa harapan ko.

"Upo."

Sumunod naman agad sya.

"Una, ayokong may makakaalam nito.. Maliwanag?"

Tumango si Raeven.

"Pangalawa, why do you still have blood? The fck Rae! It's really creepy!"

"Malay ko, Attorney. Hindi ba yon normal?" Inosenteng tanong nya sa akin. Napakamot
ako ng batok.

"Rae, don't tell me hindi nyo ginagawa ni Martin yon?"

"Paano mo nakilala

si Martin?" Nagtataka ang kanyang mga mata.

"That's out of the question." Umiwas ako ng tingin.

"Hindi namin ginagawa yon ni Martin... Bakit naman namin yon gagawin? Hindi naman
sya lumalapit sa akin ng lasing."
Fck so I just got her virginity.

"Anong base na ba kayo?" Sumunod na tanong ko. It must be somewhere there right?
Siguro hindi pa homerun but somewhere near there.

"Base?" Kumurap kurap si Raeven na parang wala talaga syang ideya.

"Base. Anything from waist up, first base.. Oh nevermind! Ano bang nangyari
kagabi?"

"Ikukwento ko?" Paniniyak nya.

"Oo."

"Detailed?"

"Oo.."

"Okay... Natutulog na ako tapos nakaramdam ako ng kamay sa boobs ko in a massaging


motion tapos sabi mo 'Raeven..' Magsasalita sana ako pero nilagay mo ang lips mo sa
lips ko. Tapos inangat mo ang blouse ko.. Tapos hinalikan mo ang boobs ko, masakit
pero umungol ka kaya hindi na ako nagsalita. Yung kamay mo nilagay mo sa puson ko
tapos bumaba doon sa loob ng panty ko tapos tinusok mo---"

"Enough! Sabi ko detailed hindi narration! Pucha hindi pa din ako makapaniwala!"
Sambit ko. Napayuko naman si Raeven at kinutkot ang placemat sa kanyang harapan.
Nakaramdam naman ako ng awa dahil mukhang pagod nga ang kanyang mukha.

"Masakit pa ba?"

Tumango sya.

Lumapit ako sa kanya at kinarga ko sya. Alam kong mahihirapan syang maglakad. I
positioned her in my bed at naglagay ako ng unan sa kanyang balakang.

"Don't move alot. Understand?"

"Yes, Attorney."

Lumabas ako para maghanda ng almusal para kay Raeven. Kailangan nyang kumain bago
ko sya bigyan ng Ibuprofen.

Bakit ba hindi na lang sya tumanggi kagabi? Eh di sana hindi sya nasaktan.

I brought her breakfast in bed, pancakes and fruits. Kinuha ko din ang bedsheet na
mayroong mantsa at nilabhan ko agad.

Binalikan ko sya pagkatapos icheck kung kumain ba sya ng maayos.

"What's the deal?" Umupo ako sa gilid ng kama. Lumingon si Raeven sa akin at
kinunutan ako ng noo.

"Anong deal?"

"A-anong kapalit?"
Bumakas naman ang sakit sa kanyang mukha.

"W-wala." She said. "Kagabi tinanong mo ako kung sayo lang ba ako sinabi kong OO,
hindi ko alam na hindi mo matatandaan." Humikbi sya kaya nataranta ako.

Tsk, ano ba Deuce! Be gentle with your words. Babae yan!

"H-hindi naman sa ganon. Okay, Im sorry. Wala talaga kong matandaan. Hindi na
mauulit."

"Talaga! Talagang hindi na. Ang sakit kaya.." Lumabi sya at tumingin aa ibang
direksyon.

"I-- I will just enroll you to school.. Alam kong hindi mapagtatakpan ang ginawa ko
but just let me help you. Kahit sa maliit na paraan lang."

"Parang D.O.M ganon? Pag-aaralin mo ako kapalit ng puri ko?" Diretsang tanong nya.

"Raeven, hindi na nga yon mauulit. Saka anong D.O.M ka dyan. Im young and hot!
Dapat nga ipagpasalamat mo na ako--"

"Aw!" Kinurot ako ng madiin ni Raeven sa pisngi.

"Wag ka na ulit iinom." Pinalis nya ang luha nya at ngumiti sa akin. "Kakalimutan
ko na, Attorney."

Tumango ako, kung kakalimutan nya na...

Sana naman maalala ko hindi ba?

=================

Kabanata 25

Andito Na.

xxRaevenxx

"Basta kapag nag-aaral ka na ulit, ipagluluto mo pa din ako ng lunch.." Sinusundan


ako ni Deuce habang inaayos ko ang pananghalian nya doon sa lunchbox.

Para syang bata na biglang dumami ang pangangailangan noong napag-usapan na ang
pagbabalik ko sa eskwela.

I don't complain though. I like the feeling of being needed, by Deuce particularly.
Handa nga akong ibigay ang lahat, naibigay ko na nga ang lahat.

Sa totoo lang, nawala na sa isip ko ang pag-aaral. Naging mapilit lang si Deuce
dahil nakukunsensya ata sa ginawa nya sa akin.

Although alam kong hindi sya dapat makunsensya, ang gusto ko lang maalala nya ang
nangyari. Nasaktan ako ng nakalimutan nya..
Ang mali ko lang, hindi ko inisip na makakalimutan nya at ako ang nasa lubos na
katinuan, dapat ako ang umawat.

"Oo.. Aalagaan pa din kita..." Pinadaplis ko ang palad ko sa likod ng palad nya.
Para naman syang nakuryente na agad umiwas.

Takot na ata syang mapagsamantalahan ko ulit. Kung pananamantala ba ang tawag doon
sa hindi ko pag-iwas dahil ako ang nasa katinuan.

"Bakit ka ba naiilang?" Ngumisi ako at inayos ko ang kanyang kurbata. Mas lalo
nyang inilayo ang kanyang katawan.

"R-rae.. Masyadong malapit.."

Madali na syang tuksuhin ngayon dahil alam ko na ang kahinaan nya. Kapag inaasar
nya ako, ilalapit ko lang ang aking sarili at lalayo sya agad.

"Sige na, umalis ka na.. Uwi ka sakin agad ha." Ngumiti ako ng matamis, nag-iwas
sya ng tingin at parang biglang

natakot.

"B-bakit ako uuwi sayo?" Nauutal na tanong nya.

"Syempre, sa isang bahay tayo nakatira---"

"Aist! Hindi na ako makapag-intay na pumasok ka na sa eskwela. Hindi na kita


makikita lagi." Umirap sya sa akin.

Kaya naman kinabukasan, sinamahan ako ni Deuce para mag-enroll, mukhang hindi na
talaga makapag-intay na hindi ako masyadong makita sa pad nya.

"So, natapos mo hanggang Third Year ng Education? Itutuloy mo ang Fourth Year.."
Tumango tango si Dean Arnaldo, dito pa din ako sa Unibersidad de San Jose papasok,
ang dati kong school. Hindi na ako pumayag na ilipat pa ni Deuce ng school kahit
gusto nyang doon ako magtapos sa school nya. Inisip ko kasi baka magkaroon ng
problema ako sa matching ng units, baka hindi macredit ang karamihan ng subjects
ko.

"Yes Dean." Ngumiti ako at tumango. Nakaupo sya sa kanyang lamesa at nasa harapan
ako, nakikinig lamang si Deuce.

"Matataas ang grades mo, yun nga lang ay lumiliban ka ng isang sem. Nung nakaraan
ang pinakamahaba, dalawang taon. Ganito pa din ba ang plano mo?" Sinuri ako ni Dean
Arnaldo.

"Itutuloy nya po ang isang buong taon. I will pay for her tuition for the entire
year." Sabad ni Deuce na nakaupo sa aking harapan.

"So you are Ms. Mendoza's guardian? Tito ka ba niya?"

Nanlaki ang mga mata ni Deuce na napatingin sa akin. Namula agad ang kanyang tenga.
Kinagat ko naman ang labi ko para magpigil ng tawa.

"Amo ko po sya." Pagtatama ko.


Tumango tango naman si Dean Arnaldo at ngumiti. "If that's

the case, welcome back to the university. Ako na ang bahala sa ibang professors.
Nahuli ka na ng isang buwan, pero dahil wala pa ang prelims, pupwede ka pang
humabol sa school year na ito."

Mabuti pala at hindi ko kailangang mag-intay ng matagal. If I will graduate, I


should make it fast. I have to excel if I need to. Ayokong sayangin ang ilalagay ni
Deuce para sa pag-aaral ko.

"Hay salamat! Nakaenrol ka na din. I can have a breather tuwing wala ka."
Pagpaparinig ni Deuce ng makalabas kami ni Dean. Sinimangutan ko sya at sinamaan ng
tingin.

Naglakad kami ni Deuce patungo sa parking lot. Napangiti ako sa pamilyar na lugar.
Ang matatayog na mahogany ang nagsisilbing shade sa buong campus na tinitirhan din
ng mga ibon. Angat sa pandinig ko ang masayang tawanan ng mga estudyante,
napaglipasan na ako ng panahon. Hindi ko nakilala ang mga mukha ng nandito bukod sa
admin at propesor.

"Raeven!" Napalingon ako sa likod ng may tumawag sa akin. Awtomatiko ang pagngiti
ko ng makita ko si James who's in his basketball uniform.

"Bumalik ka!" Humahangos syang tumakbo papalapit sa akin. Nilingon ko si Deuce na


diresto lang ang lakad patungo sa kanyang sasakyan.

"Nag-aaral ka pa din?" Natatawang tanong ko. Si James ang isa sa pinakamagaling na


basketball varsity ng school. I think he's staying dahil kailangan pa sya ng team.
It's not that he really needs to work right away, pinapasahod naman sya ng school
dahil sa paglalaro nya para sa San Jose.

"Basketball. Alam mo na.. Kamusta ka na? Bigla kang nawala ah." Nakangiting

tanong nya. Kaibigan ko si James dahil parehas kami noong representative ng 2nd
year sa kani-kaniyang course. He represented College of Engineering samantalang ako
naman sa Education. We did a lot of school activities together.

"Okay lang, babalik na ako ulit sa Monday.." May pagmamalaking sabi ko. Pinaikot ni
James ang bola sa kanyang hintuturo habang nakikinig sa sinasabi ko.

"Si Ross nandito pa din. Si Jem saka si Hyros naglalaro pa din. Si Reema
sinasabayan si Allan. May makakasama ka naman kahit papaano." Kwento pa nya. Natuwa
naman ako. May mga kabatch pa pala ako dito.

"Raeven." Isang malamig na boses ang nagsalita sa aking likuran. Pag lingon ko,
nakita ko agad si Deuce na nakapamewang at nakatingin kay James.

"James, si Attorney Montemayor, amo ko." Pagpapakilala ko kay Deuce.

Tumango si James kay Deuce na parang walang pakialam.

"O basta sa Monday ha. Alam mo na kung saan kami pupuntahan. Sports quarters lang
kami maghapon pati si Reema." Baling sa akin ni James pagkatapos ay nag-jogging na
papalayo.

"Tsk, presko." Narinig kong bulong ni Deuce sa aking likuran. Tiningnan ko sya ng
nagtataka pero sinamaan nya ako ng tingin. "Wag kitang maabutan na nakikipagusap
doon, kung hindi ililipat kita ng school."

Sumimangot ako, hindi pa nga ako nagsisimulang pumasok, lilipat na agad.

"Alam ko ang schedule mo kaya susunduin kita tuwing matatapos ang klase mo." Aniya
pa habang binubuksan ang pinto sa front seat.

Akala ko ba excited na syang pumasok ako para hindi na kami magkita

ng madalas ngayon ay susunduin pa ako..

"Hindi na kailangan. Pupwede naman akong mag-tren papasok at pauwi."

"At ano? Sabay kayo ng mahangin na yon? Tch. Di na." Masungit nyang sabi. Napangiti
ako. Pinatong ko ang kamay ko sa kanang binti nya ng makaupo na sya sa driver seat.

"Nagseselos ka?" Nakangiting tanong ko. Padabog nyang pinalis ang kamay ko.

"Hindi. Wag kang umasa."

Ngumuso ako dahil sa sagot nya.

Mabilis ang mga sumunod na araw. Nakasuot ako muli ng uniporme at pumapasok sa
University. Nahihirapan akong mag-adjust dahil sinisugurado ko talagang
napaghahanda ko din ang kailangan ni Deuce para sa opisina. Madalas nga ay wala na
din akong tulog. Mabuti na lang at nagagawa din ni Deuce na mahatid at sundo ako
kundi baka bumigay ang katawan ko sa byahe.

"You look terrible." Puna sa akin ni Deuce ng kunin nya sa aking kamay ang baon na
inihanda ko para sa kanya. Umaga pa lang ramdam ko na ang pagbahing at pag-ubo.

Mahina ang immune system ko, madali akong dapuan ng sakit kapag pagod na pagod.
Isang bagay na hindi ko inaamin kay Deuce noon pa. Dahil kung noon, alam na nya ang
kalagayan ko, sya na ang susustento sa pag-aaral ko. Kaya nga ako humihinto sa pag-
aaral tuwing magtatrabaho ako dahil hirap akong pagsabayin dahil sa pagkakasakit.

Isa pa, the pressure is on kaya kahit hindi ganoon ang hirap sa pag-aalaga ko kay
Deuce, nagkakasakit pa din ako. Kailangan kong maging mahusay para hindi masayang
ang pampaaral sa akin ni Deuce.

"Okay lang ako. Nag-aalala ka ba?" Nakakangiting tanong ko sa kanya.

Naiinis sya tuwing binibiro ko sya pero hindi ko naman mapigilan.

"No." He scoffed. Kinuha nya ang backpack ko saka yung mga libro ko mula doon sa
sofa at nauna na syang lumabas ng pinto. Sumunod ako hanggang sa makarating kaming
parking lot.

Hawak ko ang libro ko habang nagmamaneho si Deuce, kahit sa byahe, nagbabasa ako.
Ayoko kasing may masayang na oras. Hindi naman ako inaabala ni Deuce, nahuhuli ko
pa nga syang pinapatayan ng tawag ang mga tumatawag sa kanya kapag nakikita nyang
nag-aaral ako.

"There you go.." Anunsiyo ni Deuce ng tumapat ang sasakyan nya sa Education
Building. Tumalima na ako at kinuha ko na ang bag ko mula kay Deuce.

"5:30 is your last class. I will be here by 5:15." Tumango ako sa matipid na sinabi
na yon ni Deuce. Kahit wala nga syang sinasabi, dumadating sya ng kusa. I think he
memorized my schedule.

Ramdam ko ang panghihina habang nagkaklase, hindi din ako nakakakain ng maayos na
lunch dahil sa sama ng pakiramdam. I think I can get through the day kung hindi ko
kakailanganing mag-isip o magparticipate masyado.

"Ate Rae, ayos ka lang?" Paniniyak sa akin ni Elaine, kaklase ko sya at sya ang
unang naging kaibigan ko sa pagbabalik ko. Dinikit nya ang upuan nya sa akin para
damhin ang braso ko. Iniilag ko naman yon dahil ayokong mag-alala pa sya.

"O-oo.." 3PM pa lang pero ramdam ko na pinagpapawisan ako ng malamig. Mainit din
ang pakiramdam ko.

"Kanina ka pa kasi nag-e-space out. Gusto mo dalhin kita sa infirmary? Rest ka


muna. Reporting lang naman tayo kay Arrubo." Pangungumbinse nya.

Ngumiti ako ng pilit. Uupo lang naman ako at makikinig. Kaya ko pa ang pakiramdam.

Natapos ko ang klase ko ng hindi bumibigay ang katawan ko. Tumingin ako sa orasan.
5:45 PM. Nakaupo ako sa ilalim ng puno ng mahogany kung saan ako pinupuntahan ni
Deuce.

Nag-aalala ako dahil wala pa sya. Abogado sya at maraming galit sa kanya. Tuwing
nahuhuli sya sa oras sobra sobra ang kaba ko. Sinubukan ko syang padalhan ng
mensahe para kamustahin pero wala naman akong natanggap na reply.

Nag-intay pa ako hanggang sa magdilim na ang paligid at naubos na ang mga


estudyante. Tatlong classroom na lang ang nagkaklase sa Education Building.

Isang malaking patak ng tubig ang bumagsak sa braso ko hanggang sa sunod sunod na
ang paglagapak nito sa lupa. Galit na galit ang tunog ng yero sa buong campus dahil
sa lakas ng pag-ulan.

Biglaan.

I was about to stand up ng makaramdam ako ng pamamanhid ng paa. Hindi ko maihakbang


dahil sa sobrang panlalambot.

Umupo akong muli at nag-intay ng taong darating para dalhin ako sa maari kong
silungan pero bigo ako. Kahit ang guards sa school ay marahil nanatili sa loob ng
guard house dahil sa sobrang lakas ng pag-ulan. Ramdam ko ang pagbigay ng aking
katawan. Gusto ko ng mahiga.

'Asan ka na, Deuce..'

--
xxDeucexx

"Ang aga ulit uuwi ni Attorney." Narinig kong bulong ni Elmo kay Bori. It's 3:30 in
the afternoon and yes, aalis ako ng ganito kaaga para mahabol ko ang uwian ni
Raeven.

Iniisip ko na lang kabayaran ko ito sa mga kalokohang pinag-gagagawa ko

nung nakaraan. Hindi ko kasi mapigilang asarin sya. Ang cute nya pag tinatago nya
ang pagkapikon nya sa mga sinasabi ko.

"Eh si Cloverita hindi na bumalik? Ano ba ang nakain non at nagtagal ng husto sa
CR?" Tanong ni Bori kay Elmo.

"Nakain? Wala teh. Malamang ampalaya at lumaklak din yon ng Papaitan kaya bitter!
Binasted ang panliligaw ng asawa tapos nagdadrama kasi hindi pa daw umuuwi? Aba eh
matindi!"

I creased my forehead. Bago ako tuluyang umalis nagtungo ako sa CR at kumatok.

"Clover, are you there?" Tanong ko.

"Wala." Isang maliit na boses ang nanggaling doon.

Napangiti ako. Alam kong si Clover iyon.

"Lumabas ka na. Naiihi na ang mga kasamahan mo." Biro ko.

"Pahiram mo muna ang men's toilet! Parehas lang naman yon." Sigaw nya mula sa loob.

"Lumabas ka kaya dyan kaysa inaabala mo sila. Dali, may surprise ako sayo."

Ilang sandali pa nakarinig ako ng pagclick ng pinto. Nakayuko si Clover. Iniangat


ko ang baba nya at nakita kong pulang pula ang kanyang mata at ilong.

"Nagda-drugs ka?" Tanong ko sa kanya. Hinampas naman nya ako sa braso.

"Gagi. Brokenhearted ako." Suminghot sya mamaya pa ay sumabog ang malakas nyang
pag-iyak.

"Okay lang yung umalis eh. Pero yung hindi ako kontakin? Anong akala nya sa sarili
nya? Bill ng kuryente? Isang beses isang buwan lang magpaparamdam? Tapos kapag
dumating obligasyon ko pa na pansinin sya kundi ako ang mawawalan? Anong akala nya
sa feelings ko? TV? Bubuksan lang pag gusto nyang manood? Mashaket beh!" Umiiyak

na sabi ni Clover. Nagsilingunan ang mga staff ko pero imbes na kaawaan sya, natawa
silang lahat. Pinakamalakas ang tawa ng mga kaibigan nyang si Bori at Elmo. She
sniffed again.

"Maganda ako pero may hangganan talaga ako.. At ngayon hanggang---"

"Hanggang dito na lang?" Dugtong ko sa sasabihin pa ni Clover.

"Hanggang dulo ng walang hanggan! Magiintay ako." Deklara nya.

"Mag-iintay ka naman pala eh bakit ka umiiyak?" Tanong ko ng natatawa. Hindi ko


mapigilang isipin na ang swerte ni Ashton sa kanya.

"Syempre namimiss ko. Pagkatapos nya akong patikimin ng ligaya--"

"Clover, that's inappropriate. Nasa opisina ka." Bulong ko.

"Bakit? Bastos na ba ang ligaya ngayon? O di sige kasuhan mo si Jollibee! Lagi yong
masaya." Umismid pa sya sa akin.

I am fascinated by Clover's wit. I enjoy her company alot too, ngayon ko lang ulit
sya nakausap ng matagal simula umalis si Ashton.

"Ice cream tayo?" Pag-aaya ko.

"Libre mo?" Tanong nya agad. Ngumiti ako at tumango. Inakbayan ko sya habang
lumalabas kami ng lawfirm at nag-drive ako sa Ice cream shop na malapit sa inuuwian
nya.

Mabuti na rin yon at para hindi na ako mag-aalala sa pag-uwi nya. Madami kaming
napag-usapan. Mostly about her lovelife, patuloy kong pinapalakas ang loob nya pero
kapag nakita ko talagang hindi worth ang pag-iintay nya sa Ashton na yon, titiyakin
kong wala ng babalikan si Jacinto.

"Alam mo, madilim na. Di ba maaga ka uuwi dapat?" Nakataas ang kilay ni Clover
habang nakatingin sa akin. Nakatatlong serving

kami ng ice cream at literal na nakalimutan ko ang oras habang kausap ko sya.

Lumingon ako sa labas at napansin kong madilim na nga. Tiningnan ko ang orasan ko
at nakita kong mag-aalas syete na.

Si Rae!

Kinuha ko ang cellphone ko at nagdial doon ng numero ni Raeven. Binato ko iyon sa


passenger seat ng hindi naman nagriring ang phone nya. Hindi ko alam kung
nakapagpaalam pa ba ako kay Clover. Natagpuan ko ang sarili ko na nagmamaneho ako
patungo sa school ni Raeven.

Magbabakasakali pa din ako.

Napangiwi ako sa lakas ng ulan at trapikong sinuong ko. Mahihirapan si Raeven umuwi
kung ganito.

Mabuti sana kung nakauwi na sya pero kung hindi....

Patay.

Magagalit yun tiyak.

Naiimagine ko na ang nakasimangot at nagdadabog na si Raeven.

"Boss may estudyante pa?" Kinakabahang tanong ko. Tumingin ako sa oras doon sa
dashboard ng sasakyan ko.

Sht, 9PM.

Lumapit sa akin ang gwardiya na naka-kapote at malaking payong.

"Umuwi na lahat." Sagot nito sa akin, bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung
bakit.

"Pwedeng sumilip?" Tanong ko. Nagtataka akong tiningnan ng gwardiya. Nilabas ko ang
lisensya ko at inabot sa kanya. Binasa yon ng guard at bumakas ang pagkakakilanlan
sa mukha nya.
"Sige ho Attorney. Kunin ko lang motor ko. Magpapatrol na din ako."

Inantay kong bumalik ang guard dala ang kanyang motor. Pinaikot ko ang sasakyan ko.
Tutok ang mata ko doon building ni Raeven. Lumingon ako sa puno ng mahogany kung
saan ko sya madalas na sinusundo.

Napansin kong parang mayroong nakahiga doon. My chest hammered.

Please, no..

Bumaba agad ako ng sasakyan at sinalubong ang malakas na ulan.

"Raeven!" I held her by the wrist. Malakas ang panginginig ng katawan nya at hindi
kumakalma, nakatingin lang sya sa akin pero parang hindi naman ako nakikilala.

"Raeven. Andito na ako.." Bulong ko.

Niyakap ko sya ng mahigpit, unti unting bumagal ang paghinga nya at nawalan ng
malay.

=================

Kabanata 26

Nag-alala.
xxDeucexx

Nanginginig ang kamay ko habang ipinapasok ko sa loob ng sasakyan si Raeven, basang


basa sya. She's half awake at hindi ko tiyak kung naririnig ba nya ako.

Paulit ulit kong tinatawag ang pangalan nya. Kinabitan ko sya ng seatbelts at
dinala sa pinakamalapit na ospital.

"Doctor Martin Fonacier, Hematologist."

Nagulat pa ako ng bumungad sa akin ang kasa-kasama noon ni Raeven noong day-off
nya.

"Anong nangyari kay Raeven?" Nakatingin sya kay Raeven habang inihihiga ko sa
stretcher.

"Wala bang babaeng doktor?" Sabi ko imbes na sumagot sa kanyang tanong.

"Mapili ka pa, emergency case na nga si Raeven." Tumawa sya ng nanunuya.

"I have the right to choose dahil magbabayad ako."

"Whoever you will choose will still call me, Attorney Montemayor. I am her doctor."
Kalmadong sabi pa nito sa akin.
"Hindi nya kailangan ng espesyalista dahil nilalagnat lang sya."

"Family doctor din ako, but if you are not that confident, I will call Doctora
Josefina Palma so she could check. Jona, paki-page nga si Doctora Palma, emergency
case Raeven Mendoza."

Pagkasabi non ay umalis si Martin sa kinaroroonan ni Raeven. Wala akong pakialam.

Tiningnan ko si Raeven at mahigpit na hinawakan ang kamay nya.

Kasalanan ko. Alam na alam kong kasalanan ako.

Kanina ko pa napansin na masama ang lagay nya but I chose to be insensitive.

Kung bakit kasi pagdating sa kanya awtomatiko ang pagiging defensive

ko. Ayokong makita nya na concerned ako.

I guarded myself up, wala akong hinahayaang pumasok lalong lalo na sya. Ang babaeng
sinaktan ako ng husto.

She broke me. Hindi ko alam kung paano ako magpapatuloy noong umalis sya. Wala
tuloy akong choice kundi mamanhid na lang sa lahat ng mga bagay na may kinalaman
sya. Ni hindi ko na nga matandaan kung bakit nya piniling iwanan ako at wala na
akong pakialam doon.

Kawalan ng interes. Dumating ako sa puntong yon.

It won't matter now, she left and that's it, sinaktan nya ako at sya lang ang may
kapasidad na gawin yon paulit ulit lalo na kung hahayaan ko kaya ako naging ganito.

"Uhmm.." Umungol si Raeven.

Napatayo ako ng lumapit sa kanya ang doktora na kaibigan nya, si Phen. Tumango sya
sa akin at agad na chineck ang vital signs ni Raeven.

"High Fever. Yuan did you get a blood sample?"

Lumapit ang isang nurse sa kanya at tumango.

"Early signs of dengue?" Tanong ni Phen sa Nurse.

"Nagative Doc."

"Platelet count?" Sumunod na tanong nito.

"In one hour Doc.."

"Make it Thirty. Tawagan mo ang Medtech. Sinong naka-assign?" Iritadong tanong


nito.

"Si Alvin po Doc."

"Naku sabihin mong dugo yon ng girlfriend ni Doc Martin, lagot sya sa amo nya kapag
nagmabagal sya."

Pumihit si Phen at naghanap muli ng nurse.

"Sarah, kabitan ng IV. Attorney?" Napaayos naman ako bigla ng tayo ng lingunin nya
ako.

"Kalma." Ngumiti sa akin si Phen. Kinapa ko ang mukha ko. Mukha ba akong nag-
aaalala?

/>
"She's just stressed. Baka hindi na sanay pumasok sa school, kumulot ang brain nya
kaya nilagnat." Pagbibiro ni Phen. I didn't get the humor in it pero ang tumatak sa
akin ay yung salitang 'stressed'.

Malamang isa ako sa dahilan.

Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang maamong mukha ni Raeven. Pinahirapan ko sya ng
husto. Siguro napapagod na sya kakaasikaso sa akin at sa pagpasok sa eskwela.

Pakawalan ko na kaya sya?

Kaya lang panigurado naman na magtatrabaho pa din sya dahil kakailanganin nya ng
pambaon.

At saka kung uuwi sya sa kanila, mas lalayo sya sa school nya. Eh di mapapagod din
sya sa byahe.

Isa pa, hindi sya lalo makakakain sa oras dahil sa mahabang byahe.

Argh! Deuce, decide now! Patuloy mo lang syang papasakitan kung mananatili sya
sayo.

Pero hindi ko sya mababantayan kung hindi sya mananatili sa akin.

Sabagay, bakit ko sya babantayan? Guardian nya ba ako?

Sht, oo nga pala!

Hindi ko namalayan na nakatulog ako na nakaupo sa gilid ng kama ni Raeven. Hindi ko


tiyak kung anong oras na nung magsimula syang kumilos.

"D-deuce?"

Napatayo ako bigla at lumapit kay Raeven.

"M-may gusto ka ba? May masakit?" Sunod sunod na tanong ko. Maputla pa din sya pero
nakahinga ako ng maluwag ng nakapagsalita na sya.

"Si Martin?" Agad na tanong sa akin ni Raeven, napaawang ang labi ko. May konting
konting inis ang dumaplis sa akin. Konti lang naman at dahil napagtanto ko na isa
ako sa nagpapastress kay Raeven, nagtimpi

ako.

"Si Phen ang tumingin sayo.." Sagot ko.

"Hindi ba nila tinawagan si Martin? Sya ang doktor ko.. Pwede ko ba syang tawagan?"

Nagtiim bagang ako. Aanhin nya pa ang Martin na yon kung nandito naman ako?
Tiningnan ko ng ilang saglit si Raeven bago kumilos pero wala na syang sinabi na
kasunod. Gusto nya talagang makausap ang Martin na yon.

Lumabas ako at tumawag ng nurse para ipatawag si Martin. Wala pang dalawang minuto,
nasa harap na ng pinto ng kwarto ni Raeven si Martin. Pumasok din ako kasunod nya.
Nakatingin lang si Raeven kay Martin at ganoon din si Martin. Para silang nag-uusap
sa tingin.

Pumagitna ako para maputol ang titigan nila.

"Attorney, pwede mo ba kaming iwan?" Sambit ni Raeven pero kay Martin sya
nakatingin.

Nawala ako sa sarili ng sabihin ni Raeven yon pero dahil ayaw kong mapahiya,
iniwanan ko sila kahit nagngingitngit ako sa inis.

---
xxRaevenxx

Mataman akong tiningnan ni Martin. Hindi ko din inalis ang tingin sa kanya. Masyado
akong nanghihina para makipagsagutan sa kanya pero nanunuot sa buto ang mga tingin
nya.

"Nagsinungaling ka." Dismayadong sabi sa akin ni Martin. Kumuyom ang kamao nya at
inis na lumapit sa akin.

"Hindi ka nagpakonsulta kay Dra. Caedo." Akusa nya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin.

"Suspected pa lang hindi ba?" Nakayukong sabi ko.

"Raeven, stage 1. You have stage 1 symptoms of Leukemia. Your anemia worsened. You
should consult an oncologist bago lumala."

Nanlamig ang mga kamay ko.

Anemia. Yan ang sakit na binalewala ko. Noong nagtatrabaho pa ako kay Martin,
binibigyan nya ako ng gamot at noong umalis kaming Tagaytay, ibinilin nya ako sa
kaibigan nyang Doktor para matingnan, hindi ko iyon ginawa dahil sa dami ng
inasikaso ko.

"A-alam ba nila?"

Umiling si Martin sa tanong ko. Nakahinga ako ng maluwag.

"Raeven, you need to have medications."

Pinalis ko ang luha ko, wala nga akong sariling pera para ipagamot si Ysobelle,
magpapagamot pa ba ako?

"Kung mamamatay eh di mamamatay." Ngumiti ako ng mapait. "Yung mama ko namatay din
sa cancer."

"Sa tingin mo hahayaan ko? Simula pa lang ng laban Raeven, lumaban ka naman. Para
kay Ysobelle, kailangan ka din ng kapatid mo." Pangungumbinse sa akin ni Martin.

Lumapit sa akin si Martin at tiningnan nya ako ng mataman habang nakahalukipkip.


Pagod ang kanyang mga mata pero puno ng pag-asa.

Napailing ako, "It sucks right. Naulila na nga kami, pinamanahan pa ng sakit."

Hindi ko maiwasan ang sunod sunod na pagluha. Agad na dinaluhan ako ni Martin at
ikinulong ako sa yakap nya.

Ayoko mang sisihin si Mama at Papa sa buhay na nagkaroon kami ni Ysobelle pero
hindi ko maiwasang magalit sa takbo ng buhay namin. Iniwan kami na parehas na may
sakit.

"Gagawa tayo ng paraan. Ipapagamot kita. Ssssh..." Pagpapanatag sa akin ni Martin.


Kumapit ako sa bewang nya para doon kumuha ng lakas.

"Tanggap ko kung hanggang saan.. Pero si Ysobelle.." Humikbi ako.

"Kaya nga, hindi ka pa pwedeng mamamatay.

Si Ysobelle kailangan ng pamilya."

"Wag mong sasabihin sa kanila.." Bulong ko kay Martin. Naramdaman ko ang pagtango
nya habang hinahagod ang buhok ko.

Sa totoo lang nakaramdam ako ng takot. Kung masakit maiwanan, doble ang sakit sa
taong mangiiwan. You may wreck people, you may bring with you their will to move
on. Hindi lang ikaw ang aalis, bitbit mo din ang pangarap na binuo nila kasama ka.

I wish I can have Ysobelle's positive outlook when it comes to life. Sana ganon.
Sana kaya kong maging masaya sa mga natitirang sandali. That I can move forward
with uncertainty.

Because uncertainty is not a choice. Life will give you uncertainties so you can
determine your purpose, to stop procrastination, to endure, to inspire and to give
your whole being to the people you love because our life is not ours.

May pumatak na luha sa akin. Kailangan kong pumili ng isa, ang maging duwag o
maging matapang, ang maging malungkot o masaya.

"Tulungan mo ako, Martin.." Wika ko. I need to function, I cannot accept defeat
without fighting.

"Kahit hindi mo sabihin, Raeven. Nandito ako para sayo."

Nasa ganoon kaming ayos ng pumasok si Deuce sa silid ko. Pasimple kong pinunasan
ang mga luha ko.

"What the fck? Bakit mo sya yakap? Bawal yan di ba?" Nakalapit agad si Deuce kay
Martin at inilayo nya sa akin. Nagtiim bagang si Martin at halatang nagpipigil ng
inis.

"Nagseselos ka naman agad." Pilit kong pinanormal ang boses ko at ngumiti kay
Deuce. Lumikot ang mga mata nya at binitiwan si Martin.

"H-hindi

ah!" Tanggi nya. Napangiti ako.

Para syang bata, gusto ko pang mawala ang galit nya sa akin bago ako mamatay. Alam
ko at ramdam kong may galit pa din sya sa puso nya at gusto kong bumalik sya sa
dating sya. Those times when he's expressive and free to love.

"Nagugutom ako, Attorney."

"Magpapadala ako dito ng customized meal, Raeven." Singit naman ni Martin.

"Attorney ka ba? Di ba Attorney nga daw? Ako ang bibili ng pagkain."

Napabuga ng hangin si Martin at tiningnan si Deuce, "Just make sure you will
include organic red meat and leafy vegetables in her diet. Raeven, una na ako. Mag-
usap tayo bukas.." Tumalikod na si Martin at lumabas ng kwarto ko. Sumimangot si
Deuce habang nakatanaw sa may pinto.

"Aist, bakit pa kayo mag-uusap bukas?" Hindi nya sa akin direktang tinanong yon
dahil nakatingin pa din sya sa may pintuan.

"Si Martin ang doktor ko, A-anemic kasi ako..." Pagsisinungaling ko.

"Ganoon ba? Wag ka kasing nagpupuyat. Tsk. Sige antayin mo ako dyan."

Napabuntong hininga ako ng umalis si Deuce. Pumikit ako dahil ramdam kong hindi pa
nakakabawi ang katawan ko. Mabuti na lang at wala akong klase bukas.

Dumating si Deuce at sya mismo ang nagpakain sa akin. Ang sarap sa pakiramdam ng
inaalagaan nya ako, pakiramdam ko nagiging maayos ang lahat kahit malayo sa
pagiging maayos.

Pinagpahinga ko si Deuce sa may sofa na katabi ng kama ko pagkatapos kong kumain.


Hindi pa ako inaantok dahil nakatulog naman ako ng mahaba, hindi kagaya nya.

Maliwanag na sa labas, gising pa din ako. Mahihinang katok

ang pumukaw sa akin at nakita kong sumilip doon si Phen sa may pinto. Napangiti
ako. Tumingin sya kay Deuce na natutulog at tahimik na humakbang.

"Ay pahinging kanin, may nakahiga palang ulam dito.." Bulong sa akin ni Phen habang
iningunguso si Deuce.

Mahina akong natawa.

"Kamusta ka na beh? Anong eksena mong hima-himatayan? Akala ko may Dengue ka kasi
ang putla mo kagabi. Hindi ko naman nakita ang CBC mo, sabi ni Papa Doc maayos ka
naman daw. In fairlaloo hindi umuwi ang lolo mo. Doon sa clinic nya natulog.
Tatabihan ko nga sana kaso nag-lock."

Ngumiti ako kay Phen, "Maayos na ang pakiramdam ko. Salamat."

"Ang ganda mo talaga beh! Dala-dalawa ang yummy na nag-aaalala sayo. Yang isang yan
halos patayin kami sa titig kapag walang nag-aasikaso sayo. Eh alangan naman ulit
ulitin ko ang procedures ko kagabi para lang makita nyang ina-attend kita!"

"G-ganoon ba? Pagpaensyahan nyo na sya ha. Mabait naman yan. Bossy lang talaga."

"Okay lang, kinilig nga ako eh. Well, hindi ka pa pwede idischarge hangga't hindi
ka nakakausap ni Doc Martin. Isa pa yon, ang OA! Ito na pala ang gamot mo Beh,
special delivery." Inabot sa akin ni Phen ang lalagyanan ng dalawang capsule at
isang bottled water. Ininom ko yon.
"Uuwi na ako. Si Baby Ysobelle walang kasama. Naghahanap na din kami ng apartment
na malapit dito. Na-assign kasi ako dito dahil alam mo na, yung kaso sa akin." Pag-
papaalam ni Phen.

"Natawagan mo ba si Ysobelle kagabi? Baka nag-alala sa akin dahil hindi ko sya


natext."

"Tinext ko na, sabi ko magkasama

tayo. Okay na yun. Problematic yang sisterette mo beh! Magkaaway sila ni Tres at
this time, seryoso na. Isang bwan ng missing in action."

Nabanggit sa akin yon ni Ysobelle. Sinabihan ko syang wag umiyak kaya lang wala
naman syang pwedeng gawin kundi ang umiyak nung sandaling yon. Ang pag-iyak kasi
ang pinakamadaling paraan para ihinga ang nararamdaman.

Agad na bumili si Deuce ng pagkain ko pagkagising nya. Nangangalumata pa sya at


mukhang wala pa sa wisyo. Pagbalik nya, pumasok din sa Martin sa kwarto ko para
magbigay ng reseta.

"Pupwede ka ng umuwi, Raeven. Ito ang mga gamot mo. I will call you to remind you
about this.." Inabot ni Martin ang napakaraming gamot. "After 3 days I will check
on you."

"After 3 days? Bakit ganoon kabilis? Saka bakit ikaw?" Protesta ni Deuce.

"Anemic si Raeven--"

"Attorney.. Si Martin ang pinagkakatiwalaan ko." Putol ko sa nagsisimula na namang


bangayan sa pagitan nila.

Tumahimik si Deuce at nagkuyom ng palad.

Hanggang sa madischarge ako sa ospital, nanatiling tahimik si Deuce. Mukhang hindi


nya matanggap na si Martin ang doktor ko.

"Galit ka?" Tanong ko kay Deuce habang naglalakad kami sa lobby ng pad nya.

Umiling sya.

"Galit ka eh." Ngumuso ako at pinauna sya sa paglalakad.

Napahinto din sa paghakbang si Deuce, mabilis na nagtaas baba ang balikat nya na
parang nahihirapang huminga.

Binalikan ako ni Deuce at hinila sa kamay kaya hawak kamay kami habang naglalakad
kami papasok ng pad nya.

Binagsak nya ang gamit ko sa sahig pagkapasok namin at nagulat ako sa sumunod nyang
ginawa. Mahigpit nya akong niyakap at sumiksik sa leeg ko.

"D-deuce..." Untag ko pero parang mas lalong humigpit ang yakap nya na tila
naghahanap ng kalinga.

"Nag-alala ako. Im sorry, Rae.." Bulong nya sa nanghihinang boses.

=================
Kabanata 27

Ang Panda at ang Kawayan.

xxRaevenxx

"Apology accepted, Attorney. Nag-alala din ako dahil akala ko may masamang nangyari
sayo." Tinapik ko ang likod nya pero pinanatili ang yakap nya sa akin. Gumaan ng
husto ang pakiramdam ko, parang ito lang ang kailangan ko sa kabila ng sama ng
pakiramdam ko kahapon.

This is one of those things na kailangan ko para maniwala ako na kailangan kong
mabuhay. To still feel this warmth and comfort. Sana lang bigyan nya ako lagi ng
dahilan para lumaban. Dahil ang paghinga ko, nakadepende na lang sa mga taong
umaasang mananatili ako kahit hindi nila alam ang kalagayan ko.

Hinawakan ako ni Deuce sa magkabilang braso at pinanliitan ako ng mata. He pressed


my nose twice kagaya ng ginagawa nya noon kapag may ginagawa akong hindi nya
nagugustuhan.

"Wag mo ng uulitin yon. Kapag hindi ako dumating sa oras, umalis ka na.."
Mahinahong sabi nya.

"Paano kung dumating ka pero wala na ako?" Tanong ko pabalik.

"Ayos lang. Basta panatag ako na hindi kita pinag-intay."

"Dumating ka naman di ba? Pag sinabi mong dadating ka, mag-iintay ako."

Mas lalong nanliit ang mat ni Deuce at napakamot ng kanyang ulo.

"Aist! Ang tigas ng ulo. Gutom ka ba? Nasaan na ang diet plan na binigay nung
doktor na yon?" Naiinis na tanong nya. Ibinigay ko ang papel na hawak ko mula kay
Martin at agad nyang binasa iyon.

"Sige, magluluto ako. Higa ka muna sa kama at pilitin

mong matulog. Nagpupuyat ka kasi kaya ka Anemic. Tingnan mo, may pasa ka na."
Hinawakan ni Deuce ang braso ko pero iniwas ko yon sa kanya.

Ang bilis ng simtomas sa akin. Sana makuha ng gamot na inireseta sa akin ni Dra.
Caedo, ang oncologist na kaibigan ni Martin. Si Martin lang ang bumili ng gamot
para sa akin pero ang reseta, galing sa doktor na espesyalista sa cancer.

Stage 1 cancer. May pag-asa pang labanan, pero mas mabilis ang pagkalat kaysa sa
proseso ng pagpapagaling,

"Papasok ka pa hindi ba?" Sumunod ako sa kanya patungo sa kusina. Tutok ang mata
nya doon sa meal plan na hinanda ni Martin habang naglalabas ng kung ano ano sa
ref.

"Hindi.. Hindi na siguro. Dito muna ako para mabantayan ka. Bukas wag ka munang
pumasok sa school--"

"Ayoko." Sagot ko agad. May importante kaming report kaya hindi ako maaring
umabsent. Nagtaas ng kilay nya si Deuce.

"Tsk, siguro gusto mo talagang magkasakit para makita ang Martin na yon?" Akusa
nya.

"Importante ang klase ko bukas."

"At ang kalusugan mo, hindi? Tsk, dapat hindi na lang kita pinabalik sa eskwela."

Napayuko ako, gusto ko pa ding makapagtapos sana lalo na may tsansa na mamatay ako.
Deuce sighed then pat my head tapos binigyan ako ng ngiti.

"Nag-aalala lang ako okay?"

Tumango ako.

Naniniwala nga akong nag-aalala sya dahil kinabukasan, nagseat-in sya sa klase ko.
Pinagtitinginan sya ng mga kaklase ko pero wala syang pakialam. Madami ang namangha
ng husto sa kagwapuhan

nya but Deuce don't mind, nakasimangot sya at diretso ang tingin sa akin.
Pinagmamasdan nya ako at nakikinig sa klase.

"Miss Mendoza, so your opinion contradicts what's written in your book, sigurado ka
bang nagbasa ka?" Tinaasan ako ng kilay ni Professor Lou, mabagsik talaga ito at
dati pang kinakatakutan ng lahat ng estudyante.

"Yes, Prof. I just said that because based on the examples that the author have
given, mayroong loophole--"

"It's been proven for years!" Sinigawan ako ng propesor ko, napakagat ako ng labi,
si Elaine naman nanatili sa sulok at hindi makasagot. Halatang natatakot na din.

Tumahimik ang buong klase. Namula ang pisngi ko. Hindi nya ako hinahayaang matapos
sa pinupunto ko kaya hindi ko mapaliwanag ng maayos.

"Bakit mo sya sinisigawan ha?" Tumayo si Deuce mula doon sa upuan nya at galit na
tiningnan ang Prof ko. Mabibilis ang kanyang paghinga na animo susugurin ang
propesor.

"Deuce!" Awat ko, bumilis ang pintig ng puso ko.

"And who are you Mister?" Inayos ni Professor Lou ang kanyang salamin at sinipat si
Deuce.

"Maganda ang argument Rae, tama sya. Kung mali, wag mong sisigawan.." Dugtong pa ni
Deuce.

"Deuce.." Pakiusap ko.

Kinabahan ako sa tunog ng takong ni Professor Lou. Tinatapik nya ang palad nya ng
stick na kanyang hawak at nilapitan si Deuce.

"Sa classroom na ito, ako ang propesor. Ako ang magsasabi kung tama o mali. Sisigaw
ako kung gusto ko."

Hindi nagpatinag si Deuce at nakipagtitigan.


"Kakasuhan

kita." Banta ni Deuce. Napaawang ang labi ni Professor Lou samantalang napasinghap
si Elaine. Napatakip ako ng mukha dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari,
hindi magpapatalo si Deuce.

"Ate Rae, sino ba yang kasama mo? Sabihin mo wag nang sumagot baka mapahamak ka
pa.." Bulong naman ni Roda.

"Kakasuhan kita dahil inaaway mo si Raeven!" Kinuha ni Deuce ang bag ko at bigla na
lang ako hinila papalayo.

Narinig ko ang bulungan sa klase. Parang napakagaan ko kung hilahin ni Deuce kahit
nagpapabigat pa ako.

"Deuce.." Tawag ko sa kanya ng makalayo kami. Galit pa din sya.

"Bakit mo hinahayaang sigawan ka non?" Naiiritang sabi nya. Huminto kami sa gitna
ng lobby, ipinagpasalamat ko na wala masyadong tao ang dumadaan.

"Paano pa ako babalik don kung inaway mo ang Professor ko?" Galit din na tanong ko
sa kanya.

"Ha, eh di wag ka ng bumalik!"

"Hindi na kita isasama sa school ko kahit kailan. Isip bata." Nauna akong maglakad.

Nakakainis! Akala nya ba biro lang ang ginagawa ko?

"Rae.."

"Rae.."

"Rae, sorry.. Sige na. Hihingi ako ng sorry. Babalik tayo doon. Magsosorry ako."
Huminto ako sa paglalakad at tinaasan ko sya ng kilay.

"Talaga?" Tanong ko.

"O-oo.."

Naawa ako sa mukha nya. Paano sya magsosorry, napakataas ng ego nya?

Ganunpaman hinila nya ang kamay ko at bumalik kami ng classroom. Tapos na ang klase
at nahuhuling lumabas si Professor Lou.

"Prof.." Sumunod agad kami sa naglalakad kong propesor. Hindi man lang sya huminto.

/>
"Prof Sorry..." Ako ang unang nagsalita.

Nakanguso lang si Deuce at parang wala talaga syang balak gawin ang sinabi nya na
paghingi ng tawad.

I should have known!

"You failed this sem, Mendoza!" Lumingon sa amin si Professor Lou at sinamaan ng
tingin si Deuce. Nanlaki ng husto ang mga mata ko at hindi nakapaniwala.
Bagsak?

"Naku Prof! Masama hong pinapasama ang loob ng buntis.."

Buntis?

Nagtataka kong tiningnan si Deuce.

"Who's pregnant?" Masungit na tanong ni Professor Lou kay Deuce.

"Yung misis ko ho.." Sagot nya sabay akbay sa akin. "Pasensya na ho kayo, kailangan
ko syang ipagtanggol sa inyo kanina kasi sobrang sensitive nito.. Umiiyak sya kapag
sinisigawan.. Di ba Baby?" Nilingon ako ni Deuce, my jaw dropped at kinuha naman
yon ni Deuce na pagkakataon para ilagay ang labi nya sa labi ko.

He's kissing me in front of my Professor!

"Okay lang yan Baby.. Sabi sayo magpahinga ka na lang kapag buntis ka eh.. Kayang
kaya naman kitang buhayin." Sabi nya pa sabay kurot sa pisngi ko. Ilang ulit akong
napakurap ng maramdaman ko ang init ng labi ni Deuce sa akin.

"Enough. Okay. Im sorry Ms. Mendoza---" Hinarap ako ni Professor Lou at lumambot
ang kanyang tingin.

"Mrs. Montemayor..." Pagtatama ni Deuce.

Aba't talagang pinanindigan!

"Okay. Mrs. Montemayor. Im sorry for being tough. Naiintindihan ko ang


pinagdadaanan mo. Nanay din ako." Tinapik pa ni Prof Lou

ang balikat ko at naglakad na papalayo.

Nang natiyak kong hindi na nya kami maririnig, kinurot ko si Deuce sa tagiliran.

"Napakapilyo mo! Napakasinungaling mo pa! Hindi ka naman nagsorry eh!


Nagsinungaling ka." Umirap ako sa kanya at nagpatiuna sa paglalakad. He chuckled
habang sinusundan ako.

"Malay mo nakabuo na tayo?" Pang-aasar nya pa.

Natigilan ako sa sinabi nya. Oo nga pala.

Sana hindi.

Kawawa naman ang bata kung maaga rin lang naman akong mamamatay at papamanahan ko
din sya ng sakit.

Kung magiging katulad rin lang ng buhay ko sana hindi na lang dahil magiging mag-
isa lang ang bata na yon. Walang ina na magmamahal, at sa uri din ng trabaho ni
Deuce baka maaga din sya mawawalan ng tatay.

"Uy joke lang. Naoffend ka ba?" Tumakbo si Deuce patungo sa akin. Ngumiti ako at
umiling.
"Okay lang naman kung hindi tayo nakabuo. Ulitin na lang natin." Biro nya ulit.
Siniko ko na ang kanyang tyan at naglakad na papalayo.

"Rae.. Gutom na ako. Wala ka ng klase di ba?" He asked. while jogging backwards in
front of me. Ano ba namang klaseng seat in na to? Kung ano ano ang pangangailangan.

"Hindi na kita isasama sa susunod." Sambit ko. Lumabi sya at lumapit sa akin.

"Ang bait ko kaya. Tara kain na tayo, tapos uuwi na." Masayang deklara nya.

Nagtungo kami sa isang Japanese restaurant. He's trying to feed me sushi. Maganda
daw ito para sa anemic kaya lang hindi naman ako kumakain ng hilaw.

"Parehas lang naman kung hilaw at luto di ba?" Nakangiwing

tanong ko at akmang susubuan nya ako gamit ang chopsticks.

Natigilan sya. "Ayaw mo?"

"Hilaw eh.." Nahihiyang sabi ko. Nagtaas ng kamay si Deuce at tumawag ng waitress.

"Can you grill this?" Tanong ni Deuce sa babae.

"Sir?"

"I said, can you please grill this." Ulit ni Deuce,

"Sir, sushi po--"

"Alam ko, naglilihi ang misis ko, gusto nya ng inihaw na sushi." Umismid si Deuce,
mabilis naman na kinuha ng waitress ang mga sushi at nginitian ako.

"Kailan ka ba titigil sa pregnant jokes mo?" Pinanliitan ko ng mata si Deuce.

"Cos I can easily get away by saying it. Parang magic word no?" Humahalakhak na
sabi nya.

I looked at him and smiled while he is laughing his heart out. Slowly, my smile
vanish. Mas madali siguro kung sasabihin ko sa kanila na may cancer ako. Maybe the
world will be easier, maybe I can really get things that I want, maybe I could make
him love me again.

Love out of pity.

Posible yon hindi ba?

Kasi pag namatay na ako, pupwede naman syang magmahal ng iba ulit.

Sht, ang sakit isipin. Mawawalan na ako ng pag-asa na mahalin sya kahit malayo kasi
titigil na sa pagtibok ang puso ko.

"Tingnan mo si Ate, naka-costume ng panda." Tinuro sa akin ni Deuce ang mascot na


habang bitbit ang ulo ng panda. Napangiti ako.

"Mmm. Naalala ko noon nung nag-aaral ka pa ng law gusto mong maging panda." Sabi ko
kay Deuce.

"Yeah." Nagningning ang mga mata ni Deuce habang tumatango, "Kain tulog di ba? Ang
sarap maging panda!" Humalakhak sya. "Ikaw, anong gusto mong maging bukod sa maging
teacher?"

Natigilan ako at tumingin ng diretso sa mga mata nya.

"Kawayan." Sagot ko sabay ngiti.

"Ah, tama.. Kinakain ng panda ang kawayan di ba?" Humagikgik si Deuce. Ngumiti ako
ng malungkot.

"Gusto kong magkaugat sa isang lugar na minahal ko. Hindi na ako aalis. Umulan,
bumagyo nandoon lang ako, sumusunod sa kumpas ng hangin, tumitibay sa init. Bamboos
don't die easily. Ang trabaho nya lang maging matayog. Nakatunghay sa lahat kasi
sobrang taas nya. Kapag malapit na syang mamatay---" Huminga ako ng malalim.
"Pwedeng gawing pinto, o di kaya lamesa. Makikita pa din. Maaalala. Gusto kong
maging kawayan." Nalungkot ako sa paghahalintulad ng sarili ko sa kawayan.

"Umiiyak ka." Nilagay ni Deuce ang hintuturo nya sa gilid ng mata ko at sinalo ang
luha ko. He sighed.

"Ang lungkot naman ng kawayan na yan. Sige sasamahan ka ng panda para hindi ka na
malungkot. Basta damihan mo ang dahon mo ah. Yung malagong malago para lagi mo
akong masisilungan. Kasi--- hindi na aalis yung panda kapag madami kang d-dahon.
Makakatulog ako ng mahimbing sa lilim mo."

I smiled bitterly. He did too.

Sana nga, Deuce. Sana..

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang mas malakas na pag-iyak. Unti
unting gumuguho ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang pagdepende ni Deuce sa
akin.

Kahit hindi nya sabihin, ramdam ko..

Kailangan nya ako.


---

�Maki Say's: Tiwala lang �✌�


✌�

=================

Kabanata 28
Maki Say's: Aloha! Just a friendly reminder, ang dahilan ng isang linggong hindi
pag-update ay dahil month-end closing ng aming departamento sa Accounting. Sobrang
aga kong pumapasok at late umuuwi. Ang prosesong ito ay magaganap tuwing FIRST WEEK
of the month so-alam nyo na mga beh! Masipag akong mag-update except sa mga araw na
iyan.
And... if you want to know the updates about my update (redundant), kung meron ba o
wala, maari nyo akong i-add sa facebook, isearch nyo lang ang 'Makiwander Stories',
dalawa ang mahahanap nyo sa facebook results---- isang fanpage ko--Naks! fanpage
haha! (paki-like na din) at isang facebook account (i-add nyo ako sa friend). Ciao!

Touch Me Again.

"Raeven, makinig ka." Nagpamewang si Martin sa aking harapan. Bumisita ako sa


kanyang clinic dahil sinamahan nya ako sa kaibigan nyang espesyalista sa dugo.
Nanlumo ako ng ibalita sa akin na mabilis pa sa inaasahan ang simptomas na mayroon
ako. Maraming termino ang hindi ko naintindihan kanina pero ayon kay Dra. Caedo, I
have to undergo treatment next month at kailangan kong kumain ng madami dahil
mahihirapan tumanggap ang katawan ko ng gamot kapag underweight ako.

"You should tell everybody about your condition dahil kung hindi, hindi ka
maalagaan ng tama."

"Ayoko ng inaalagaan, Martin. I want them to treat me normally." Giit ko. Tiningnan
ako ni Martin na parang naiinis, umangat ang gilid ng labi nya habang napapailing
ng dismayado.

"You are not normal, Raeven.

Yours is a special case."

Hindi normal. Kung yun ang tingin nila sa lahat ng may kondisyon na kagaya ko, mas
lalong dadali ang aming buhay. There are some things that you just have to breathe
in, you have to take and go with the usual process. Kahit ang agila na ilagay mo sa
napakagandang hawla, pakainin ng higit sa tatlong beses isang araw--- it will never
be the same as the wild kung saan malaya syang lumilipad at walang limitasyon ang
lawak ng kanyang pagaspas, it may experience hunger but it will also feel the joy
of finding food on it's own. Kung ang lahat ng ito ay kukunin sa kanya, ang laya na
sumayaw sa awit ng buhay, it will die fast.

"Magpapalakas ako, Martin. Next month magiging mas mataba na ako." Ngumiti ako ng
mapait, "Para pupwede na akong gamutin. Yun lang naman ang kailangan hindi ba?" Mas
lalong lumapad ang ngiti ko para ikubli ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata.

Seryoso akong tiningnan ni Martin, para bang isa akong mamahaling vase na maaring
mabasag sa isang pagkakamali.

"Cancer lang to, Martin, hindi ba? Cancer lang to." Buong tatag kong sabi. Kinagat
ko ang pang-ibabang labi ko at ikinulong sa aking palad ang tuhod ko. Hindi ako
iiyak na lang at hindi lalaban. Ayokong maging kagaya ni Mama. I don't want to give
up. Marami akong rason para lumaban.
Kinulong ako ni Martin sa mainit na yakap, doon na bumuhos ang luha ko. "Natatakot
ako, Martin." Pag-aamin ko. "Paano kung hindi ko malagpasan? Paano kung magaya ako
kay Mama?"

"Don't be. Nandito ako, Raeven. Hangga't gusto mong

mabuhay, ibibigay ko yon sayo. I will fight for you and fight with you." Mayroong
humaplos sa puso ko dahil sa kanyang sinabi. I embraced Martin tight, sya lang ang
lakas na mayroon ako at sya lang ang maari kong makasama sa laban ko.

I am scared, I am damn scared. Natatakot akong madismaya ang mga taong naniniwala
sa tapang ko. I don't want them to see me in my death bed. Ayokong tingnan nila ako
ng nakakaawa at sasabihin nilang nakakapanghinayang ako. I want to live my life to
the fullest; at it's heightened capacity. Gusto kong nandito pa ako kapag kailangan
ako ng mga taong mahal ko. Naiisip ko ang mukha ni Ysobelle, ni Phen, ni Tatiana,
ni Martin-o pati na din ni Deuce kapag malalaman nila ang kundisyon ko.

Hanggang sa makabalik ako sa school nang araw na yon, wala ako sa aking sarili.
Isang bagay lang ang nasa isip ko, kailangan kong magpalakas.

"Miss Mendoza, you are spacing out. Are you still sick?" Tanong ni Professor Lou sa
akin.

I am Ma'am, I will always be sick.

Ngumiti ako at umiling, pinilit kong magfocus sa discussion namin o kahit na lang
manatili ang mga mata ko sa blackboard para hindi mahalata na hindi ako nakikinig.
I am really tired at hindi nawawala ang pakiramdam ko na parang nilalagnat. That's
just few of the many symptoms na dinadanas ko ngayon.

Nang matapos na ang klase, nganguna ako sa pagbaba ng Education Building. I want to
go home and study. Inilabas ko ang cellphone ko para itext si Deuce na wag na akong
sunduin, pero nakita ko agad ang kanyang sasakyan

na nakahinto sa tapat ng building namin.

"Kamusta?" Tanong ni Deuce pagkasakay ko ng kanyang sasakyan. Ngumiti ako ng tipid.

"Okay lang, pagod." Nagkibit balikat ako. Hindi nakaayos si Deuce na pang-opisina,
nakasuot lang sya ng shorts at tshirt, kahit ang buhok nya ay gulo gulo din.

"Nagluto na ako. Fish and veggies. Tinawagan ako ng doctor mo, sabi nya nanggaling
ka daw doon? Bakit hindi ka nagsasabi?" Nakakunot ang noo ni Deuce.

"Sumaglit lang naman ako dahil mahaba ang vacant ko kanina. Anong sinabi nya sayo?"
"Bakit interesado ka?" Balik-tanong nya. Hindi na ako umimik, ayoko lang naman pag-
alalahin sya ni Martin. Baka mamaya nabanggit ni Martin na mayroon akong leukemia.

"Ang sabi nya kailangan mo daw kumain ng madami kaya nagluto ako ng madami, ubusin
mo lahat yon. Aalis naman ako."

"Aalis? Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Kay Clover." He answered. Pinagmasdan ko ang mukha nya na kalmado habang


nagmamaneho. "Baka gabihin ako kaya wag mo na akong inatayin." Dugtong nya.

Nakaramdam ako ng panghihinayang. I thought I can stare at him while I am studying.


Sino ba ang Clover na yon? Nung mga nakaraang araw laging kausap ni Deuce ang taong
yon sa telepono, minsan kahit nagmamaneho pa sya. Sa lahat ng tawag, sya lang ang
hindi nya pinapatayan ng kanyang cellphone.

Marahil dahil espesyal ito sa kanya?

My chest weakened with the thought.

But I cannot be selfish right? He looks

so happy lately, para bang ang gaan ng turing nya sa palagid. Marahil magandang
impluwensya sa kanya si Clover at kahit mainggit pa ako, wala naman akong mapapala.
I really can't hold on to Deuce lalo na't alam ko ang posibilidad na iiwanan ko na
naman sya at magagalit syang muli sa mundo kapag nangyari yon.

"Hindi na ako mag-pa-park." Inihinto ni Deuce ang kanyang sasakyan sa tapat ng


entrada ng condo. Kinuha ko ang bag ko at ang mga libro ko pagkatapos ay bumaba na.
Papaharap pa lamang ako kay Deuce para magpaalam ng paandarin nya ang kanyang
sasakyan, mukhang nagmamadali. Tumalikod na ako para umakyat ng condo.

Una akong nagtungo sa kusina, mayroong limang grilled fish doon at fresh lettuce.
Kumuha ako ng malaking plato at naglagay ng tatlong slice ng salmon at naglagay ng
napakaraming lettuce. Kumain ako ng kumain. Wala akong gana nung mga nakaraang araw
pero ito din ang panlaban ko sa sakit ko kaya pinipilit ko na lang.

I ate in silence alone. Ang pagnguya ko lang ng malutong na gulay ang maririnig sa
buong pad. Tinutulak ko ng tubig tuwing nahihirapan akong lunukin.

Madilim na ng matapos akong kumain, I finished it all!

I washed the plate pagkatapos ay nilabas ko naman ang gamit ko sa bag. I started
reading kahit na bumabagsak na ang talukap ng mga mata ko. Madami pa akong
kailangang gawin sa eskwela.
"Hay, Raeven... Ano ka ba naman?" Napamulat ako sa boses ni Deuce, my heart almost
jumped for joy ng makita kong umuwi na sya. Tumingin ako sa orasan at nakita kong
ala una

na ng madaling araw, napansin kong nakahiga na ako sa sofa at nakabalot ng kumot


habang si Deuce naman ang nakaupo sa carpeted na sahig at hawak ang notebook ko at
isang ballpen. Hindi nya ako direktang kinakausap, nakaharap sya sa notebook ko at
mistulang nagsasagot.

"Oh, yeah. Tama. Buti naalala ko pa yung Chemistry class ko noong highschool." Wika
muli ni Deuce habang napapakamot ng ulo nya at nagsusulat.

Sinasagutan nya ang assignment ko..

Hinayaan ko sya sa kanyang ginagawa habang pinagmamasdan sya. Sinandal nya ang
likod nya sa sofa na tila ba nagpapahinga, hinilot nya ang kanyang sentido
pagkatapos nilingon nya ang kinaroroonan ko. Nagtama ang mga mata namin. He creased
his forehead tapos pinanliitan ako ng mata.

"Kanina ka pa gising?" Nagtatakang tanong nya.

Ngumiti ako at tumango.

Napailing sya, "Gusto mo talaga akong nakikitang nahihirapan, ano? My brain almost
bleed habang sinasagutan ang assignments mo. Naabutan kitang natutulog kanina. Ano
bang nangyayari? Tinatamad ka na mag-aral?" Tanong nya. Ngumuso ako at umupo sa
sofa, nainis ba sya?

Kinuha ko ang notebook ko pero binawi lang iyon ni Deuce sa akin.

"Ako na ang magtatapos." Deklara nya.

"Sabi mo dumudugo na ang utak mo?"

"Magpahinga ka na, mukhang antok na antok ka. Masama pa din ba ang pakiramdam mo?"
Hinaplos ni Deuce ang aking noo. May bahid ng pag-aalala sa kanyang mukha habang
dinadadama ang noo at leeg ko. His hand is very gentle and comforting,

gusto kong hilahin yon at hawakan pero hindi ko maaring gawin. I have to treasure
on what was left between us.

"Sabi na nga ba hindi magaling ang doktor na yon." Umismid si Deuce. "Papatingnan
kita sa ibang doktor." Aniya.

Umiling ako, "Magaling si Martin. Syempre hindi naman ako agad agad gagaling, isang
linggo pa lang naman ang lumilipas, bumabawi pa ako ng lakas." Pagsisinungaling ko.
"Sige, ipagtanggol mo pa." Naiinis na sabi nya. Iniwas nya ang mga mata nya sa akin
kaya hindi ko makita ang ekspresyon nya.

Malungkot ko syang tiningnan, "Kamusta yung lakad nyo ni Clover, mukhang masaya ka
ah?"

Ngumiti sya at bahagyang sumulyap sa kanyang mga kamay, "It was fun. Nakapaglaro
kami ng anak nya. She was able to brought up her son with values, nakakabilib kahit
magulo ang sitwasyon nila ng ex-husband nya."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. He looks so---happy. Kitang kita ko sa mata ko
kung paano magningning ang mga mata nya habang binabanggit ang pangalan ni Clover.
It's seems I am watching the man I love, fall in love with another woman.

"G-gusto mo ba sya? Si Clover?" Tanong ko kahit alam ko ang sagot.

Lumabi sya at hinarap ako. "No personal questions, hindi ba?" Nakangising sabi nya.
He's smiling ear to ear habang sinasabi iyon. Isang biro. Yan ang tingin nya sa
akin. Isang biro.

Tumango ako at tipid din na ngumiti, "Sorry."

Nanatili kami sa katahimikan ni Deuce. I wonder what is he thinking. Nakatingin


lang sya sa palad

nya at ako naman, pasulyap sulyap sa kanya.

"Do you like Martin?" Sa isang iglap tanong ni Deuce.

Tumayo ako at nagsimulang kunin ang mga libro ko, "No personal questions, right?"
Sabi ko sa kanya pagkatapos kong maisaoli ang mga libro ko sa bag. "Inaantok na
ako." Sambit ko at nagtungo na sa silid ni Deuce nang hindi na inintay kung may
sasabihin pa sya.

Will it matter to him kung may magustuhan akong iba? Katulong ang trato nya sa
akin.

Nagtungo ako sa banyo para magshower ng mabilisan bago matulog. Napadako ang tingin
ko kay Deuce na nakaupo sa gilid ng kanyang kama at nakatingin sa akin. His stares
are so deep. Nailang ako kaya nag-iwas ako ng tingin. Nagtungo ako doon sa higaan
ko at kunyari inablang icheck ang cellphone ko para sa mga texts.

Naramdaman ko ang paglubog ng gilid ng kama ko. Umupo si Deuce doon.


"Galit ka sakin?" Malumanay na tanong ni Deuce.

Umiling ako but he just sighed.

"May pasalubong ako sayo." Sambit nya pagkatapos ay yumuko sya at may kinuha sa
gilid ng kanyang kama, inilahad nya sa harap ko ang isang slice ng cake mula sa
paborito kong bakeshop, mango cake. Nakangiti nyang binuksan ang transparent box at
nagtusok ng tinidor, itinipat nya sa bibig ko ang kinuha nya pero umiling ako
bilang pagtanggi.

"Nagtoothbrush na ako." Sagot ko. Nawala ang ngiti sa kanyang mukha at napalitan ng
pagsimangot.

"Eh di magtoothbrush ka ulit!" Parang batang pagrarason nya.

"Inaantok na ako eh." Nagkibit balikat ako pagkatapos

ay humiga na. Pabagsak nyang binalik ang plastic fork doon sa lalagyanan at
sinarhan iyon, nakita ko pang nilagay nya iyon sa side table.

"You are so annoying." Sambit nya. Nagpanggap ako na walang naririnig at pumikit na
lang.

"You are such a brat. Kapag nagagalit ka sa akin, hindi ka magsasalita. Alam kong
nakakainis ako, iniinis talaga kita kasi gusto kong magsalita ka. I want to hear
you, Rae. Bakit hindi mo sabihin kapag naiinis ka sa akin? Kung nagseselos ka?"
Litanya nya dahilan kung bakit ako napabangon. Kumuyom ang mga palad ko.

"Pag sinabi ko bang nagseselos ako, may magbabago ba?" May kalakip na hinanakit na
sabi ko, mabilis na nag-ulap ang mga mata ko. Napaawang ang labi ni Deuce dahil sa
sinabi ko.

"Ayaw mong mahalin kita. Pinapirma mo ako hindi ba? Mabuti yon dahil kung hindi mo
yon binanggit sa akin, magseselos ako ng husto, masasaktan ako na parang babaeng
mayroong karapatan kahit wala naman, hahanap ako ng dahilan para lang mahawakan ka
kahit na nandidiri ka, marahil magsasamantala ako.... Gusto kong gawin ang lahat
lahat kagaya ng dati, Deuce pero pinipigilan ko." Kalmadong sabi ko kahit unti-
unting pinupunit ang puso ko.

"Gusto ulit kitang maramadaman pero tinitiis ko. Hindi ka na kasi akin. Kitang kita
ng dalawang mata ko kung paano ka magmahal ng iba, at kahit ang sakit sakit na,
pinapakinggan kita kung paano mo ituring ang iba ng may pagpapahalaga! Dati ako yon
eh. Ako yon Deuce, ako lang." I broke down. I covered my face with both of my
hands, habang nanginginig ang dalawang balikat ko. My voice almost roared, nag-
uunahan ang mga salitang gusto kong sabihin kaya naging pag-iyak na lang.

Nilagay ko sa iyak ang lahat ng kinikipkip ko ng ilang buwan simula nang magkita
kami ni Deuce.
I cried like a wounded tiger. Ilang ulit ko na bang pinilit na magpakatatag?
Maraming beses na. Dahil pinili kong manatili sa kanyang tabi dahil higit sa sakit,
mas matimbang pa din ang pagmamahal at ang kagustuhang makasama sya.

May mga pagmamahal talagang nakakasakit but he is the pain I choose to endure. Sya
ang sakit na pipiliin ko danasin. I can love him even I am already shattered, even
what's left are just the fragments of myself. Kahit pira-piraso na kayang kaya ko
syang mahalin ng walang pagdududa.

Tuwing tinitingnan ko sya, naalala ko ang taong minahal ako ng buo. Ang taong ayaw
na makitang nasasaktan ako. Ang taong AKO ang kauna-unahang minahal. Higit pa sa
lahat ng yon, alam kong sya ang aking una at huli. Kahit humaba pa ang buhay ko at
madugtungan pa, sya lang at wala ng iba pa.

Nangyayari talaga na kahit napakasaya nyo noon, magkakasakitan kayo. Because love
is not love if it's not painful. Magkasama silang dalawa. The person you love will
always have the ability to hurt you, wala ng iba pa. Nasaktan ko sya noon at nagawa
nya akong saktan ngayon. That's how it is.

"Gusto mo ulit akong maramdaman?" Deuce coldly asked. Nag-angat sya ng tingin at
nakita ko ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Sunod sunod din ang pagpatak ng
luha nya.

"Then, Touch. Me. Again."

He grabbed me by the waist and pulled me closer. Parehas nabasa ang mga mukha namin
ng kani-kaniyang luha habang naghahati kami sa isang halik.

=================

Kabanata 29

Warning: R-18.

Madaya.

The kisses went deep. Parang may sarili itong isip na na naglalakbay. I can feel
Deuce, his hands manuevered and feel every inch of my skin. Nakakapaso.

"Deuce.." I whispered. Mapupungay ang mga mata nya na tiningnan ako.

"Maalala mo hindi ba? Hindi ka nakainom?" Naalala ko na naman ang unang beses na
nangyari noon, ang pakiramdam ng pagkapahiya na gumising sya ng walang maalala.
Masakit yon. Napakasakit.

"I will remember this, Raeven." Bulong nya habang maingat akong inihihiga sa kama.
Pinalis nya ang mga luha ko gamit ang kanyang kamay.

"Mas maganda ka kapag hindi ka umiiyak." Malambing nyang bulong. I nodded. He


kissed me again, this time he is teasing my ears. Para akong kinukuryente sa bawat
pagdampi ng labi nya sa aking tenga at leeg.

Deuce feel my mounds underneath my blouse, I moaned in close eyes. Pagdilat ko,
pinagmamasdan lang ako ni Deuce habang kagat nya ang pangibabang labi nya. He's
watching my reaction kaya namula ang pisngi ko.

"Nahihiya ka?" Tanong nya. I honestly nodded. Inabot nya ang lampshade sa sidetable
at pinatay nya yon kaya kinain kami ng kadiliman.

"You are very beautiful, Raeven. Wala kang dapat ikahiya." Deuce breathing pattern
became rigid lalo na ng ilapit nya ang kanyang mukha sa akin. He kissed me
passionately in the lips but his hand movements became aggressive. I can feel
something growing underneath his boxers.

/>

Naramdaman ko ang malamig na hangin sa akin balat ng mabilis na tinanggal ni Deuce


ang aking damit.

"D-deuce.." nahihirapan kong sabi, the sensation is great but the feeling is
awkward. He kissed me to keep me quiet while caressing my lady part with his hands.

"Let go.." He whispered gently, tumango ako.

I responded with every touch freely. He's taking every part of me. Para akong
nahahati sa gitna. I screamed when I felt to, in return Deuce's groans became
louder.

Napakagat ako ng labi when Deuce tried to pierce through me. Nakita ko ang nag-
aalalang mukha ni Deuce sa akin nang makapag-adjust na ang mga mata ko sa dilim.
"Im okay.." Bulong ko. He nodded and he continued slowly with his pokes.

We both danced without the music until we are almost out of breathe.

I felt small eruptions within me as Deuce collapsed his body to mine. He's panting,
ganoon din ako. I gently stroke his back habang parang wala pa sya sa sarili.

"I love you, Deuce.." I whispered.

Wala akong inaasahan. Kahit alam kong naririnig nya ako, I don't want him to answer
just because of this. Pero hinigpitan ni Deuce ang yakap nya sa akin at hinalikan
ang noo ko.

Umayos ng pagkakahiga si Deuce sa gilid ko ng makabawi na sya ng lakas, nilagay nya


ang kanyang kamay sa aking mga bewang at masuyong hinalikan ang buhok ko.

"Ayaw mo ba akong magmahal ng iba?" Tanong

nya.

Humarap ako sa kanyang dibdib bago ako tumango. Napangiti sya.

"Selosa ka pa din." Sabi nya.

Kailan ba hindi? Lahat naman ng nagmamahal makakaramdam ng selos.

Humigpit ang yakap nya sa akin, "Do you promise that you will not leave me again,
Rae?"

"If I leave, will you find me?" Tanong ko pabalik imbes na sagutin ang kanyang
tanong.

Napasinghap si Deuce, nilingon ko sya at nakita ko muli ang madidilim nyang mga
mata.

"Kung umalis ka, choice mo yon Rae. Lahat ng ginagawa ng tao, it's because they
choose it. Magpahinga ka na." Kinabahan ako sa malamig na pagkakasabi non ni Deuce.
Sumiksik ako sa kanya pero hindi na sya gumalaw. Nahimbing ako dahil na din sa
pagod.

Nagising ako na wala na si Deuce. Madali lang naman hanapin kung nandito pa sya,
sumilip ako sa kusina pero naiwan lang doon ang pagkain na niluto nya. Wala akong
pasok ngayon kaya siguro hindi na nya ako inintay.

I ate everything he prepared for me, naghanda din ako ng makakain ko sa tanghali.

I texted Ysobelle ng makapagpahinga ako. Agad naman syang tumawag.

"Hi Ate, I miss you." Napangiti ako, miss na miss ko na din ang kapatid ko.

"Kamusta ka na? Umiinom ka ba ng gamot on time?"

Tumahimik ang kabilang linya. "Ysobelle." Untag ko sa kanya, I heard a deep sigh on
the other line.

"Naubos na kasi ang inialarm

ni Tres sa phone ko kaya minsan nakakalimutan ko." Pag-aamin nya.

"Ysobelle, hindi mo dapat iniaasa kay Tres ang kalusugan mo. Kapag wala na ba sya,
iitigil mo na din ang pag-aalaga sa sarili mo? Do you live for him?"
Pangungunsensya ko.

"Naku, hindi Ate! Nakakalimutan ko lang po. Syempre, I live for you. Gusto pa
kitang samahan hanggang sa pagtanda mo. Di ba mag-aalaga pa ako ng maraming
pamangkin mula sayo?" Inosente nyang tanong. Napakagat ako ng labi.

I don't have the capability to be a mother, but I have to fight. Kung ako ang rason
ng kapatid ko para mabuhay, dapat ganoon din ako.
Binaba ko na ang tawag ko ng malungkot. Para akong naghahanap ng kasagutan sa
sarili kung ano ba ang dapat kong gawin. Do I need to tell them?

Nahulog ako sa malalim na pag-iisip at nagising ako sa pagbeep ng cellphone ko.

Deuce: I'll meet you in Centaurus Hotel, 7PM.

Napakunot ang noo ko. Bakit bigla bigla naman yata? Tumingin ako sa orasan at alas
sais na. Wala na akong panahon para sumagot ng text nya kaya naghanda na ako para
umalis. Siguro isang dinner yon. Naghalungkat ako ng pinakamaayos na damit sa
cabinet at nakita ko ang poweder blue na dress na mataas ng kaunti sa tuhod.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at mabilisang naglagay ng kaunting makeup
at kinulot ang dulo ng buhok. Pati ang mga pasa ko ay pinasadahan ko din ng
concealer.

Napangiti ako ng magustuhan ko na ang ayos ko sa salamin. Kinuha ko ang maliit na


sling

bag sa lamesa at umalis na. Pumila ako sa MRT kahit siksikan dahil rush hour.
Nabubunggo ako at medyo iniinda ko ang pagkiskis sa balat ko, ayokong matanggal ang
makeup na nilagay ko sa mga pasa ko. Tiyak na mag-aalala si Deuce.

7:15 nang dumating ako sa Centaurus, kinuha ko ang cellphone ko para itext sana si
Deuce kaya lang nakita ko agad si Tatiana na nakangiting sinalubong ako.

"Frenny! Sa wakas dinalaw mo ako!" Humahalakhak na sabi nya sabay yakap sa akin.

I pat her back at gumanti din ng yakap.

"Nakita mo si Deuce?" Tanong ko. Unti unting napawi ang ngiti ni Tatiana at
nagtataka ang mga matang tiningnan ako.

"O-oo, pero---"

Hindi ko na inintay ang susunod nya pang sasabihin, late na ako. Naglakad ako para
hanapin si Deuce sa restaurant ng makaramdam ako ng mahigpit na hawak sa braso ko.
Nakita ko si Tatiana na sinusundan ako.
"Nandito sya pero may kasama syang iba." Malungkot na sabi ni Tatiana.

Umiling ako, malinaw na itinext ako ni Deuce at pinapunta nya ako. Baka nagkakamali
lang si Tatiana. May awa sa matang tiningnan ako ng kaibigan ko.

"Isa sa mga function hall ang ipinasara ng pamilya ni Deuce para sa Birthday ni Una
Montemayor. Nakita ko ang matandang Montemayor at ang mga kapatid nya. Pati ata mga
Tito at Tita nya. Nandito sila lahat at dumating si Deuce, sinalubong nya ang isang
babae na maganda. K-kagaya nga ang mata mo, kulay gray din. Di ko nga alam kung
contact lens ba ang

kanya, pero yung sayo di ba, tunay yan Frenny?" Kinakabahan na pangkakalma sa akin
ni Tatiana. Wala akong naramdaman. I need to see Deuce to confirm.

Pinasadahan ko ng tingin ang hotel at nakita ko ang taga F&B na may malalaking tray
na bitbit patungo sa isang function hall. Sumunod ako sa kanilang likod at inantay
na mabuksan nila ang pintuan. Agad kong nakita ang mukha ni Attorney Hades
Montemayor, nakatingin sya sa isang babaeng nakaitim at tumatawa sya, ito ang
parehas na babae na kasama ni Deuce noon. Yung nag-alok na gamutin ang sugat ko.

Puno ng halakhak ang buong kwarto habang ang babaeng tinitingnan nila sa gitna ay
napapatawa. Sa gilid, nakita ko naman si Deuce na tumatawa din at halos maiyak pa.

He seemed so happy. Hindi sya naging ganyan sa akin kahit noon pa. Hindi kasi ako
magaling magpatawa.

Nakaramdam agad ako ng panibugho at panliliit.

"I like you, Clover. Napasagot mo na ba sya Deuce?" Nakatawang tanong ng isang may
edad na babae. My heart crumpled. Gusto kong marinig ang sagot ni Deuce pero sumara
na ang pinto.

Clover pala ang pangalan nya. Sya pala ang pinagtutuunan ng pansin ni Deuce.

"Raeven-" Nakatayo sa likod ko si Tatiana at inakbayan nya ako.

Nanginig ang balikat ko habang inaalo ako ni Tatiana.


"Magpahangin muna tayo." Bulong nya sa akin.

Hinayaan ko si Tatiana na hawakan ang kamay ko at dalhin sa pinakamataas na bahagi


ng hotel. Doon

ko binuhos ang lahat ng hinagpis.

He likes her.

Madali syang magustuhan dahil nakapagpapasaya sya pero ako, mahirap akong
magustuhan dahil puro sakit lang ang dala ko. Hindi ako madaling unawain. I am
nothing but a wrecked ship!

"Ang lahat ng tao doon, bukod sa Tatay nya na inayawan ako, hindi ko pa kilala.
Hindi ko nakilala ang pamilya nya sa loob ng ilang taon na naging kami ni Deuce."
Puno ng pait na sabi ko. Pinahid ko ang isang luha na pumatak.

"Raeven, wag kang ganyan. Nagse-self pity ka na naman." Suway sa akin ni Tatiana.
Hinangin ang buhok ko at sumaboy iyon, suminghot ako at kinagat ang labi pero hindi
ko mapigilan ang pag-iyak.

"Hindi kasi ako perpekto hindi ba? Walang dapat ipagmalaki sa akin. I cannot please
his family. Hindi ko kayang makapagpasaya ng ganoon."

Inayos ni Tatiana ang buhok ko.

"Eh frenny, iba iba naman ang uri ng tao. Mayroong introvert, mayroong extrovert.
Syempre madaling umangat ang mga extrovert dahil hindi sila mahihiyain pero hindi
ibig sabihin kailangan mo silang gayahin. Madali kang mahalin kahit hindi ka ganoon
dahil espesyal ka. Maganda ka, napakabait mo pa. Matagal na nga akong nagdududa
kung re-encarnation mo ba si Tandang Sora eh!"

"Kung mabait ako, bakit ako nasasaktan?" Humihikbing tanong ko. Mayroon bang mabait
na mahirap mahalin at mayroon din bang madali?

Will loving a person ends up in just being fun? Doon ka sa nakakapagpatawa

sayo ng literal?

"Eh kasi nga mabait ka, ang mga mababait, madalas inaabuso."
Suminghap ako.

"Iwan mo muna ako.."

"Huh! Ayoko nga! Baka mamaya tumalon ka diyan tapos syempre ako ang mumultuhin mo
kasi ako ang bestfriend mo!" Nanlalaki ang mga mata ni Tatiana.

"Hindi ako magpapakamatay. I am clinging to my life, Tat. Marami akong dahilan para
mabuhay." Nakangiti kong sabi sa kabila ng pag-iyak.

"Good. O sya, bababa muna ako, basta magpapaalam ka kapag uuwi ka na ha. Alam mo
kung saan ako pupuntahan." Tumango ako at pinanood ko si Tatiana na maglakad
papalayo sa akin. Tumayo ako sa pinakasulok ng rooftop at pinagmasdan ang mga ilaw
na unti unting parang nagiging bituin sa lupa. Even the busy streets caused by the
traffic is really alive. Magandang panoorin ang liwanag sa gitna ng kadiliman.

Nakarinig ako ng pagtunog ng chime sa di kalayuan kaya inilagay ko ang sarili ko sa


mas madilim na parte para walang makakita ng sobra sobrang pag-iyak ko.

"My family likes you." Pinagmasdan ko si Deuce na nakapamulsa, halo halong sakit
ang dumampi sa akin pero hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko.

"Gusto ko din sila. You are my least favorite among your family. Lahat sila ay
normal, talagang may lumalabas na factory defect sa isang population noh?" Said
Clover, napangiti ako. She's like a ray of sunshine, kahit ang umiiyak ay nakakaya
nyang patawanin.

Deuce laughed heartily. Ang

tawa na matagal ko nang pinapangarap na marinig muli.

"I am the best version" Pagmamalaki ni Deuce. Pinagmasdan ko si Deuce kung paano
pakatitigan si Clover na walang kamalay malay na nakatingin naman sa malayo. I was
reminded of myself sa paraan ng pagtingin na yon ni Deuce. I always look at Deuce
like that, sumusulyap ako tuwing hindi sya nakatingin.

"Clover..."

Napapikit ako sa paraan ng pagtawag ni Deuce sa pangalan ng ibang babae. It's very
familiar. Ganoon sya tumawag ng pangalang tuwing----

"I like you.." Deuce said. I covered my mouth right away. Ayaw kong gumawa ng ingay
mula sa pagtulo ng luha nang sunod sunod.

Clover grinned as if she heard a joke.

"Sus, sino ba namang hindi? Like lang? Hindi ba love? I am a very lovable person!"
Nakatawang sabi nya.

She is. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit talo ako ng babaeng ito.

"Pwede ding ganon, pwede ding love.." Sagot ni Deuce. Nanghina ang mga tuhod ko,
napakapit ako sa railings na bakal. I can feel the shivers down my spine, pati na
din ang pag-guho ng mumunting pag-asa sa akin. We made love last night!

"W-wait, seryoso ba yan?" Clover asked, she blinked many times at halatang nagulat.

"Dead serious, Clover." Namamaos ang boses ni Deuve sa pagsabi non.

With that, I died.

"T-teka, I am married Deuce.."

"You know I can do something about that.."

"I have a son-"

"Kaibigan ko si Pareng Avery." Deuce smiled dreamily. Sa paraan ng pagpipilit nya


sa kanyang sarili, namatay na sa akin ang pag-asa, , parang kandila na pinatayan ng
ilaw sa pamamagitan ng tubig, it cannot be possibly lit up again.

"D-deuce.." Ang dapat na pagsinghap ay naging pagtawag ng kanyang pangalan. Parehas


na napalingon si Clover at Deuce sa direksyon ko.

"Raeven, what are you doing here?" Nagtatakang tanong nya.

Kinuha ko ang cellphone ko para hanapin ang mensahe nyang pinapunta nya ako dito
kanina. Nanginginig ang kamay ko ng buksan ang pangalan nya sa inbox. Kasunod pala
ng mensahe nyang pagpapapunta sa akin dito ay isang pagbawi.

Deuce: Sorry Rae, wrong send. I'll come home late.

Nanghina ako ng husto.

"Ang daya mo, Deuce!" Yun na lang ang tangi kong nakayang sabihin at buong lakas
akong lumayo kahit alam kong nakuha ko na ang hatol ng buhay ko.

I live for him, and he's killing me in his hands right now.

=================

Kabanata 30

xxRAEVENxx

"Pumunta ka.." Walang kagana-ganang sambit ko. Tahimik na umupo si Martin sa tabi
ko at kasabay ko, pinagmasdan namin ang madilim na dagat sa aming harapan. Ang ilaw
lang na nanggagaling mula sa malalayong barko ang tanging nagbibigay ng repleksyon
sa dagat. Walang buwan at bituin, mukhang pinagtataguan ako.

Pinagdaop ni Martin ang kanyang mga kamay. He's still wearing his doctor suit,
mukhang hindi nya natanggal dahil sa pagmamadali. Tumawag kasi ako sa kanyang
umiiyak, nag-alala sya ng husto.

"Nasaktan ka." Bulong ni Martin, hindi yon tanong kundi isang konklusyon. Hindi ako
umimik. Tumango sya at hinila ang kanang kamay ko para humilig ako sa balikat nya.

"Ayoko nang lumaban." Impit ang naging pag-iyak ko. I hate the realization I made,
I live for Deuce, only for him. Wala akong ibang rason. Kahit si Ysobelle hindi
pumasok sa utak ko nang masaktan ako, the pain is too painful to bear, ang mawalan
ng pag-asa na maayos pa kaming muli ay higit pa sa pagpatay sa akin unti unti.

"You will fight, Raeven." Matigas ang pagkakasabi non ni Martin. "Nasaan na ang mga
gamot mo? Dapat umiinom ka na ngayon." Kinuha nya ang maliit kong sling bag at
hinalungkat yon, para syang wala sa sariling hinahanap ang bagay sa bag ko na para
bang may iba pa akong paglalagyan non.

"Halika, tumayo ka dyan, bibili tayo ng gamot." Tumayo na si Martin na hawak pa din
ang kanang kamay ko. Hindi ako kumilos. Nagtama ang mga mata namin, I can see
sadness

and frustration in his eyes. He really wanted me to fight pero ayoko na. Sumuko na
ako. Narating ko na ang sukdulan. Umiling ako sa kanya, unti-unting bumagsak ang
balikat nya hanggang sa mabitawan nya ang mga kamay ko.

"Ganyan ka ba talaga ka-selfish, Raeven?" Puno ng hinanakit na sabi ni Martin. He


stood up in front of me, hands in his waist. "I am fighting not for my life but for
your life. Ang gagawin mo lang ay makicooperate sa procedures! That's it. I am not
asking for anything. Just stay alive." Kumislap ang sulok ng mga mata ni Martin.
Kitang kita ko kung gaano sya nasasaktan.

Humikbi ako at napayuko. Anong gagawin ko? Staying alive needs to have a reason,
ang sa akin ay wala na. Ni hindi ko alam kung mabibigyan ko pa ng pansin si
Ysobelle dahil sa sobrang kalungkutan. Walang nabubuhay para sa sarili, I cannot do
that.

"Wala na akong natitirang lakas para ipamigay sa inyong lahat, Martin." Tumayo ako
at nagsimulang humakbang. Nanginig ang tuhod ko, I took a step one by one. Bawat
paghakbang ay nahihirapan akong gawin.

"Raeven!" Narinig ko si Martin na tinawag ako pero parang unti unti nang bumibigay
ang tuhod ko. Paliit ng paliit ang nakikita ko at pinagpapawisan ako ng malamig. I
knelt down in the grass.

"Miss!" I heard a woman's voice said, bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong
magsalita at tawagin si Martin pero sobrang hina ko na.
Pagkatapos non, everything went black.

That

was the last memory I had.


---
xxDEUCExx

"Raeven?" Pangalan nya ang una kong tinawag pagkadating ko sa pad ko. Mayroong ilaw
kaya nagkaroon ako ng pag-asa na umuwi sya.

Tumungo ako sa closet, lahat ng gamit nya ay nandoon pa din.

Nagalit sya.

Tsk! Bakit ba kasi wrong timing?

Kung kailan nagtatapat ako kay Clover saka naman sya nandoon.

Sabagay, bakit din naman ako makukunsensya, hindi nga nya maipangako na hindi na
ulit nya ako iiwan.

That was her last card, I am expecting that she will stay, she will never leave but
she didn't even choose to say it!

Spur of the moment ang sinabi ko kay Clover kanina. I like her. Nakikita ko kung
paano sya manatili at antayin ang asawa nyang umalis, nakaramdam ako ng inggit.
Bakit nakakaya nyang mag-intay? Bakit nakakaya nyang manatili? Bakit si Raeven ay
hindi?

Binuksan ko ang whiskey sa side table ko. Itinapat ko sa aking ilong at agad na
sumalubong sa akin ang alcohol. Tsk, makakatulog ako nito.

Tumungo ako sa kusina at nag-gawa ng kape. Napangiwi ako sa timpla na ginawa ko.
This is not how Raeven makes my coffee. May sarili ba syang brand?

Tiniis ko na din ang lasa ng matapang at mapait na kape. Nakatingin ako sa orasan.

12 midnight

1 AM.

/>

2 AM.

3 AM.

Hindi na ako mapakali at nagpalakad lakad. Hinilot ko ang sentido ko, hindi ako
inaantok kundi sumasakit lang ang ulo.

Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang numero ni Tres. Isang maingay na tunog
ang naririnig ko sa kabilang linya ng sagutin nya.

"Tres.."

"Kuya!" Maligayang pagbati pa sa akin ng kapatid ko. Halatang nakainom.


"Nasaan ka?"

"Valk." Tipid na sagot nito.

"Hanapin mo si Raeven kina Ysobelle. Check kung nandoon ba sya."

"Ysobelle? Ayoko, Kuya. Ikaw na lang!"

"Tres, please." Napahilamos ako ng aking mukha. "I don't need her to come back kung
nandoon sya, I just want to know that she's safe."

"Kuya naman, magkaaway nga kami ni Ysobelle-"

"Tres-" I cut him off.

"Okay Okay."

Nag-intay ako ng 15 minutes ng tumawag sa akin si Tres.

"Kuya Deuce?" Boses ng babae ang sumagot.

"Ysobelle?" I asked.

"Wala po dito si Ate...Hindi ko nga din po ma-contact eh. Saka po si Tres wala na
ding malay, pupuntahan nyo po ba sya dito?" Napakamot ako ng ulo at tumingin sa
orasan 4AM.
"Ayos lang ba kung dyan muna ang kapatid ko? Pero wag mo syang subukang buhatin,
makakasama sayo."

/>

Ginulo ko ang buhok ko. Nagtungo ako sa shower para maligo, it's 5AM pero patungo
na ako sa kalsada, nagmamaneho. Hinahanap ko si Raeven kung saan saan. I went back
to Centaurus para kunin ang numero ni Tatiana pero sinabi nyang hindi nya nakita si
Raeven at hindi din nagpaalam sa kanya ng umalis ito sa hotel.

Alas syete na ng umaga, huminto ako sa tapat ng Law Firm ko. Pabalik balik kong
tiningnan ang contact's list ko. There's not much people Raeven can find a refuge.
Wala syang masyadong kaibigan.

Huminga ako ng malalim at pinakatitigan ang numero ng walang kwentang doktor na


yon. Ilang beses akong huminga ng malalim. Umaasa ako na sabihin nyang ligtas si
Raeven pero ang isiping magkasama silang magdamag ang hindi matanggap ng sikmura
ko.

Pumikit ako at nilagay ang cellphone sa aking tenga ng makita ko ang numero ni
Martin.

'The subscriber's cannot be reached, please try your call later.'

Kingina. Kinabahan pa ako! Nakapatay din pala ang phone!

Pumasok na ako sa opisina ko na hindi pa din nawawala ang pag-iisip kung nasaan nga
ba si Raeven. Naghanap muli ako ng numero ng makakatulong sa akin.

"Agent Yushima." I sighed. "May ipapahanap ako sayo."


Nag-usap kami ng private detective na kakilala ko. Sabi nya wala pa daw 24 hours na
nawawala si Raeven kaya hindi pa maaring i-declare as missing but I don't need him
to declare that she's officially missing. Kahit

limang minuto pa lang syang nawawala pag sinabi kong nawawala sya, nawawala sya--
ganoon lang, he just need to find her. Sinabi ko ang lahat ng detalyeng kailangan
nya at sinabi nyang hindi iyon madaling magagawa dahil wala ng CCTV paglabas ng
hotel.

Hinilot ko muli ang sentido ko, Clover showed up in front of my office.

"Deuce.." She called.

"Clover."

"Bakit ganyan ang itsura mo?" She asked right away.

"Si Raeven.. Hindi ko na naabutan si Raeven pagkadating ko sa bahay.." I just felt


I needed a release, kung hindi ay talagang mababaliw na ako.

"Si Raeven? Yung ex mo? Nasa bahay mo?"

"S-she's my---"

"Wag mo nang ituloy." Nagtaas ng kamay si Clover, I can see the disappointment in
her eyes. Syempre, ang magpakita na tuliro ako dahil sa ibang babae pagkatapos kong
magdeklara ng pagkagusto sa kanya ay hindi katanggap tanggap.

"Clover, Im sorry.. Masyado kasing---"


"Char lang! O e di nawawala pala si Raeven eh di hanapin mo. Ang landi landi mo pa
kasi, gagamitin mo pa ako para pagselosin sya-"

"I didn't use you, Clover. I like you." Protesta ko.

Totoo yon, I like her and I entertained the idea na baka sakaling kami na lang
dahil parehas lang naman kaming sinasaktan.

Parehas kaming sinasaktan ng mga 'asawa' namin...

/>

I shook my head with the thought. I remember the foolishness I did years back. Sa
takot ko na mawala sa akin si Raeven, nirehistro ko ang kasal namin ng hindi nya
alam.

"Sigurado ka ba?" Tanong sa akin ni Oswald. Sya ang kasama ko noon ng nagpunta kami
sa munisipyo para ayusin ang dokumento ng kasal namin ni Raeven.

"Ikakasal na nga kami sa isang buwan di ba?"

"Bakit, may duda ka ba na hindi matutuloy? Parang pinipikot mo naman si Raeven


nyan, Dude!" Tutol ni Oswald.

"Hindi ko sya pinipikot, ikakasal na kami at pumayag sya, I just want to seal our
first deal. Itong unang kasal namin. Sasabihin ko din naman sa kanya sa araw ng
kasal namin eh!"

"Mr. Montemayor.." Tawag sa akin ng nasa harap ng cashier's window.

"Updated na ang cenomar mo, kasal ka na ngayon. Congratulations!" Ngumiti sa akin


ang matandang babae at iniabot sa akin ang marriage certificate na mayroong selyo.

I am about to tell her the truth.


That she's my wife. Raeven is my wife.

Ang tanging pumipigil lang sa akin ay yung galit ko at yung takot ko. Ayoko nang
masaktan ulit sa mga kamay nya. Ayoko na. I just needed to know why among all the
things that she needs to sacrifice ako ang napili nya! Mahal na mahal ko sya. Hindi
ako nagkulang pero bakit ang pagmamahal nya napakababaw? Bakit mayroong hangganan?
Bakit walang kasiguruhan?

She will always be the stubborn girl with a steady heart. Matigas

sya kahit kanino, kahit sa akin. Kaya nya akong tiisin.

Pero hinding hindi ko magagawa sa kanya ang pagtitiis na yon.

Bawat segundo na hindi sya matagpuan para akong mababaliw. Umalis ako ng maaga sa
opisina at uminom, sinamahan ako ni Tres sandali pero nawalan ako ng malay sa
sobrang kalasingan. Nagising ako sa pad ni Tres at madilim pa, hindi ako nag-aksaya
ng oras at nagtungo sa sasakyan para magmaneho.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nakarating ako ng Quezon ng walang humpay na
pagmamaneho. Paulit ulit kong tinawagan si Agent Yushima pero wala syang balita.
Hapon na ng bumalik ako sa Maynila dahil sa pamimilit ni Clover. Nag-aalala na daw
ang mga staff ko.

I ended up being in front of Ashton and Clover. They encouraged me to talk but I
can't. Wala akong masabi lalo na't ang pinakamagagaling na detective sa bansa ay
hindi pa din sya nakikita.

"Hello?" Nanlamig ang mga kamay ko ng tanggapin ang tawag ni Agent Yushima. Kahit
kailan ay hindi pa sya tumawag sa akin, sabi nya tatawag lang sya kapag may balita
na. Ibig sabihin ay may balita na.

Inihanda ko ang sarili ko sa kahit ano, pero walang tamang klase ng paghahanda sa
sumunod na narinig ko.....
"Raeven Frances Mendoza, she's in Saint Lukes Global. Coma." Walang kaemo-emosyong
sambit ni Agent Yushima. I felt an avalanche in my chest. Sunod sunod ang pagbayo.

"Okay sige, I will be

there." Nagawa ko pa ding sabihin kahit halos maglock ang panga ko, pakiramdam ko
tumigil ang mundo.

"Tres, puntahan mo ako sa Saint Lukes." Nanginging ang boses ko habang nagmamaneho.
Dinama ko ang pisngi ko at hindi ko na namalayan ang pagluha. Para akong nakalutang
at sumisingit ako sa bawat butas na masisingitan ko sa kalsada.

"Kuya, may nangyari bang masama sayo?" Nag-aalala ang boses ng kapatid ko. Hindi
ako sumagot at umiling na lang at pinatay ang aking cellphone.

Halos liparin ko ang Quezon City patungong Taguig. It's crazy, hindi nabawasan ang
kaba ko.

"Raeven Frances Mendoza." Tumungo agad ako sa information. Nagkatinginan ang


dalawang nurse na naka-istasyon doon.

Hinampas ko ang marmol na na division kaya parehas silang nataranta at hinanap ang
records.

"ICU sir, third wing." Itinuro ng nurse ang lugar kung nasaan si Raeven. Halos
matumba ang tuhod ko dahil wala pa akong tulog at ito ang dadatnan ko.

Napakuyom ako ng palad ng makita ko ang salamin at nandoon si Raeven, maputla at


walang malay. Nagtungo agad ako sa pinto at pilit na binuksan yon pero naka-lock.
Pinilit kong bayuhin para masira pero bigo ako. Malakas kong hinampas ang pintuan
sa frustration.
"Attorney Montemayor." Mula sa di kalayuan napalingon ako kay Martin.

I attacked him, hinwakan ko sya sa kanyang kwelyo pero matapang nyang sinalubong
ang titig ko.

/>
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Gigil na tanong ko.

"It's the patient's request." Kalmado nyang sabi.

"Request? Paano pa sya makakapagrequest kung wala syang malay?!" Puno ng hinanakit
na tanong ko.

"It's her request after she was diagnosed with Leukemia. She's under severe stress
and in a span of one month, her condition aggreviated to Stage 2."

Leukemia? Kailan pa?

"P*tngina bakit hindi ko alam?!" Sigaw ko, wala akong pakialam kung sino ang
makakarinig. The hospital guards came rushing to our direction at pilit akong
hinihiwalay kay Martin pero hinawakan ako ni Martin sa braso at hinila papalayo sa
guards.

"Iwan nyo muna kami." Utos ni Martin sa mga gwardiya.

Kumuha si Martin ng card mula sa kanyang bulsa at iniswipe nyo yon sa kwarto ni
Raeven. Mula sa pinto, pinagsuot muna nya ako ng scrub suit at mask at
pinagdisinfect, isa pang glassdoor ang humaharang pero gusto ko nang lumusot doon
para lapitan si Raeven but I can't.
Nanginginig ang mga kamay ko ng matapos akong magbihis. Tinulak ko agad ang
glassdoor at nilapitan si Raeven, payapa syang natutulog, kitang kita ang mga pasa
sa mga braso nya. Mga pasa na hindi ko man lang napansin noon.

"Rae... Gising. Uuwi na tayo." Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay. Napatakan
pa ng luha iyon.

"Stage 2 Leukemia, survival rate 50%, in Raeven's

case it's 30%"

"Gawin mo ang lahat." Hinaplos ko ang buhok ni Raeven, ang kanyang mukha at labi.

"You don't have to say that. Bago sya nawalan ng malay, yun ang sinasabi ko sa
kanya but she gave up. Sumuko sya nung araw na yon." Pumiyok si Martin sa
pagsasalita. Unti unti akong nag-angat ng tingin. Umiiyak din sya kagaya ko.

Walang humpay ang pagtulo ng luha ko.

"Raeven.. Bakit ganon? Ha? Sabi mo ako ang madaya pero ikaw yon. Ikaw ang madaya
kasi iiwan mo na naman ako!" Hinalikan ko ang likod ng palad ni Raeven. Hindi sya
gumagalaw. Walang reaskyon.

"I will bring her to the States tonight, Attorney Montemayor." Nagsalita muli si
Martin. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Raeven.

"Sasama ako."

"Hindi maari. Private plane ang magdadala sa kanya doon. Inarrange ko na ang
documents namin kaya hindi ka makakasabay."
"S-saang ospital? Susunod ako." Tanong kong muli.

"Mas makakabuti kung hindi na."

Tumayo ako at muling kinwelyuhan si Martin, "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Bakit
hindi mo ako isasama? Kailangan ako ni Raeven!"

Ngumisi si Martin at umiling.

"Kailangan nga ba o ikaw ang magiging dahilan ng pagdali ng buhay nya?" Unti unting
lumuwag ang pagkakahawak ko.

"Nong isang linggo, stage 1, ngayon stage 2. Sino ba ang nagpapahirap sa kanya?
Ikaw hindi ba? Ayaw na nyang mabuhay Attorney, at ang Raeven na nakikita mo na
nakahiga dyan, yan na lang natitira sa kanya. Yan ang tanging naisalba, yan na lang
ang mayroon sya. I still want to save her even the chances are small kaya hindi ako
makakapayag na kunin mo pa sa akin ang katiting na pag-asa na yon."

"Kaya mo ba syang buhayin?" Kumuyom ang mga palad ko.

"Hindi ako Diyos." Nagtiim bagang sya.

"Mangako ka, bubuhayin mo sya, babalik sya. Mag-iintay ako, Martin. Iinatayin ko
ang asawa ko."

Hindi ko na inintay ang sasabihin pa ni Martin. Tinutok ko ang paningin ko kay


Raeven.

Sa huling iglap pinagmasdan ko syang natutulog, wala syang kaalam alam kung gaano
kalaki ang pag-aalala ko. Ilang ulit kong hinalikan ang labi nya sa pagitan ng
mask, ilang beses kong napatakan ng luha ang katawan nya pero hindi na talaga sya
gumalaw.

"Attorney, it's time." Napalingon ako sa pinto at may pumasok ng mga nurse, all of
them are foreigners, lumapit sila sa kama ni Raeven at may mga pinindot na aparato
doon.

I cried hard. Hindi ko alam kung ano pang magagawa ko para hindi matuloy, hindi ko
alam kung paano ko pa sya pananatilihin na malapit sa akin.

Dahil sa pagkakataong yon, hindi ko na hawak ang lahat.

=================

Is this Goodbye?

xxDeucexx

"How is she Martin?" Ilang ulit ko syang tinanong pero nakatingin lang sya sa akin.
I've been here in L.A since she was brought here pero hindi ko man lang sya
nakikita. Halos dito na nga ako tumira ng isang taon.

"Raeven don't want to see you.." He whispered.

I looked at the wine glass in my hands pagkatapos ay pagalit kong binagsak iyon.

"Nagkamalay na sya hindi ba? She should be looking for me! Alam nyang mag-aalala
ako!" I yelled. Pati ang mga nasa kabilang lamesa ay napatingin na din. Nanatili
lang kalmado si Martin kaya mas lalo akong nainis.
"Sinabi ko na sayo na yun ang kahilingan nya. Nagpapalakas pa sya. She will undergo
series of chemo next week, this time higher dosage--"

"She needs me. I want to stay by her side. Isang taon ko na syang hindi nakikita.
Are you hiding her from me?"

"I am not hiding anyone, Attorney." Matigas na sabi sa akin ni Martin.

"Then I want to see her." May pagdidiin na sabi ko.

"I will talk to her but I won't promise you anything." Tumayo na si Martin at
iniwan akong mag-isa sa bar kung saan kami madalas nag-uusap tungkol sa kalagayan
ni Raeven. Hindi sya naging madamot, he shares the information as keen as possible
pati mga litratong kinuha nya palihim ay pinapakita nya din sa akin.

Hindi na ako nag-intay na magsabi kay Raeven si Martin.

Sawang sawa na ako sa pagsasabing bawal ako doon sa facility ni Raeven. Bakit
bawal? Bakit ang Martin na yon ay pupwede?

Dahil ba sa doktor sya?

"Sorry Sir, the nurses said you are not allowed to enter the vicinty as per
patient's request." Sabi sa akin ng amerikanong gwardiya sa Cancer Center.

Ilang araw na akong nagmakaawa pero hindi ako pinapapasok. Naubos ang lahat ng
angas ko sa katawan.

"I just want to talk to her. I want to tell her Im sorry. I need to tell her that I
love her. I want to hold her hand and tell her that I am waiting for her to come
back." Pakiusap ko at halos maiyak na. Nanatiling walang emosyon ang mga mukha nila
kaya nawalan ako ng pag-asa, naisip ko na baka sanay na sila sa ganitong eksena
kaya hindi na sila naawa.

"Young man!"

Isang matandang nurse ang naglakad papalapit sa akin. Nakangiti sya at maamo ang
kanyang mukha kahit bakas na ang katandaan, hindi nya iniaalis ang tingin nya sa
akin.

"Guards, I want to talk to him." Pinaalis ng matandang nurse ang mga bantay.
Lumapit sya doon sa gate at kinausap ako sa kabila ng pagitan namin.

"Do you want to have some coffee, young man?" She politely asked. Tumango ako kaya
naman sinenyasan nya ang mga gwardiya na nandoon para buksan ang gate.

Tahimik syang naglakad papasok ng ospital. Sumunod lang ako sa nurse. Huminto kami
sa isang area para magsuot ng suit at mask. Ginagaya ko ang lahat ng ginagawa

nya kahit wala akong idea kung para saan. I was never there for Raeven, I was never
part of her battles kaya hindi ko alam kung anong ginagawa namin, I felt guilt all
over with the thought.

Nagpalinga linga ako sa paligid ng makapagbihis kami, umaasang makikita ko si


Raeven pero bigo ako. Wala akong makitang pasyente, pawang mga nurses lang at
doctor ang nandoon sa hallway.

"You are Raeven's friend?" The lady nurse asked. I sighed and looked at her
seriously.

"I am her husband. But she didn't know."

Kumunot ang noo ng babae pagkatapos ay humalakhak ng madami. Hinampas nya pa ako sa
aking balikat.
Akala nya ba ay nagbibiro ako?!

"You are a very funny guy. My name is Nida. I am Raeven's private nurse." Hindi na
nya nilahad ang kamay nya at pumasok sa canteen. Kumaway sya sa ilang mga taong
nandoon at itinuro ang lamesa para doon kami pumwesto.

Inabutan nya ako ng kape mula sa vendo machine pagkabalik nya.

"Thank you. Why did you go there and help me?" Tanong ko ng makaupo sya sa upuan sa
harapan ko.

"Because I am so amazed! They said Filipinos are the better version of Romeo &
Juliet. You guys profess love in the weirdest moment!" Nida laughed.

"Today is the first time you saw me." I said. Para magkaroon sya ng sinpatya sa
akin ng ganun ganun na lang ay parang imposible. Tumingin sya sa akin ng
makahulugan pagkatapos

ay ngumiti.

"I listened to you every day! Every day I bring Raeven at the porch and we are both
watching you."

Natigilan ako. Nakikita nya ako? Bakit hindi nya ako lapitan?

"You know sweetheart, Raeven is a very sad girl, she cries every day. But everytime
she sees you, she would cry but at the end of the tears, she will smile and ask me
to bring her back to her room."

"Then why don't she talk to me? Why does she hide from me?" Naguguluhan na tanong
ko kay Nida.

"It's for her to answer." Tumingin si Nida sa kanyang orasan. Ngumiti sya at hinila
ang kamay ko. Nagtungo kami doon sa exit ng ospital, isang garden ang natagpuan ko
sa likod ng pinto. Maraming namamahingang mga pasyente doon, karamihan ay walang
mga buhok.

Sa isang sulok napansin ko ang may hawak na bulaklak, bumilis ang tibok ng puso ko.
Nandoon si Raeven at pinaglalaruan ang dahon sa kanyang tabi. Bumuntong hininga sya
at mukhang malalim ang iniisip.

"Raeven..." Malambing na tawag ni Nida sa kanya. Nag-angat ng tingin si Raeven pero


nangunot ang noo nya pagkakita sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Agad nyang tanong. Akmang lalapitan ko sya at yayakapin
pero humakbang sya palayo.

"Umalis ka." Namumula ang kanyang mata. Malaki ang binagsak ng katawan nya, pero
magandang maganda pa din. Ang kanyang buhok ay natatakpan ng wig, pero hindi
nabawasan non ang lakas ng dating nya.

"Rae, I just want to

talk to you.." Nakikiusap na sabi ko.

Umiling sya at sunod sunod na pumatak ang luha.

"Just be happy, Deuce." Aniya.

"Raeven, ano bang sinasabi mo? I want to stay with you. I love---"

"Hindi ko kailangan ng awa mo." Matigas nyang sabi sa akin.

"Hindi ako naawa--"


"You fell out of love at nandito ka dahil nag-gu-guilty ka? No, Deuce. You don't
have to. Gusto kong maging masaya ka sa totoong mahal mo. Hindi mo kailangang
matali sa sitwasyon ko dahil hindi na ako makakalabas dito, I will die Deuce.
Mamamatay na ako. Hindi mo ba nakikita?" Nanginginig ang balikat nya habang dahan
dahan nyang inaalis ang wig nya.

Wala ng natitira sa buhok nya, inangat nya pa ang braso nyang puro pasa. Sa
pagkakataong yon, nag-iwas ako ng tingin. I don't want to see her like that. No!
Gusto ko yung nakangiti sya. Gusto ko yung malakas na Raeven, it's really hard to
see her like this!

"Im dying." Umangat ang gilid ng labi nya habang pinakatitigan ako, "No one can
save me." Halos bulong lang iyon.

"Isama mo naman ako sa laban mo.." Pumatak din ang luha ko na parang
nakikipagpaligsahan sa mga luha ni Raeven. "Hindi pa nga ko nabibigyan ng
pagkakataon, tinatanggihan mo na ako."

Tiningnan lang ako ni Raeven at umiling.

"Find your way home, Deuce. mas magiging masaya ka pa.." Tumalikod na sya at
naglakad papalayo.

"Raeven!" Tinawag ko ang kanyang pangalan pero

hindi sya lumingon. Para bang dinudurog ang puso ko sa bawat paghakbang nya
papalayo.

Ang sakit sakit na!

Susundan ko sya pero hinawakan ako ni Nida sa braso, tiningnan ko sya but she just
shook her head sadly.

"She can't be stressed." Aniya.

Lumipas ang mga araw na nanatili lang ako sa LA. Nagba-baka sakali na puntahan
akong muli ni Nida sa gate ng facility, baka sakaling maawa sya sa akin at baka
makinig sya sa pakiusap ko na makausap ko muli si Raeven pero bigo ako.
"Kuya..." Nanginginig ang boses ni Ysobelle nang lingunin ko, tatlong araw na ang
nakakalipas simula noong huli naming pagkikita ni Raeven at hindi na ako umalis
dito.
Nakatayo lang ako sa harapan ng Cancer Center dahil ito na ang pinakamalapit na
distansya ko kay Raeven

Nandoon pala si Ysobelle sa likuran ko ng hindi ko namamalayan.

"Ysobelle. Kamusta ang Ate mo?" Agad kong tanong.

"She's having delusions, Kuya. Hindi na maganda ang pagtanggap ng katawan nya sa
gamot.. Dalawang araw na syang walang malay.." Ysobelle covered her mouth and
cried.

"Kanina mayroong mass doon sa loob. Kuya, hindi ko kayang makita na dinadasalan na
sya." Humikbi si Ysobelle at kumyom naman ang palad ko.

"Gusto ko syang makita Ysobelle." Hindi kumibo si Ysobelle.

"Gusto ko syang makita!" Ulit ko. "Gusto ko syang makita, t*ngina bakit hindi
pupwede? Bakit ang tigas ni Raeven! Bakit ayaw nya!" Ramdam ko

ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Umiiyak lang si Ysobelle sa gilid ko.

"Im sorry Kuya, Im so sorry.."

Tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Martin doon sa screen. He''s
doing a video call, I took the call at ang bumungad sa akin ay ang higaan ni
Raeven.

"Imposibleng makapasok ka, Attorney. But here she is right now.." Malungkot ang
boses ni Martin sa linya. Tutok ang mata ko kay Raeven na may kung ano anong
aparato sa katawan. Wala syang malay.

"Rae, wake up.. Baby.." I said in a loud voice.

"Baby, wag namang ganyan. Alam ko nagtatampo ka sa akin, pero wag namang ganito.
Babawi ako. Lagi naman akong bumabawi hindi ba?" Pagsusumamo ko.
Umangat ang dibdib ni Raeven.

"Raeven, hold on." Nakita ko si Nida na lumapit at hinawakan ang mga kamay ni
Raeven. Inggit na inggit ako kay Nida at sa mga doktor dahil ganoon sila kalapit.
May tatlong doktor ang pumalibot sa kama nya, Martin moved the camera at tinutok sa
mukha ni Raeven.

She's trying to catch her breath. Hirap na hirap ang kanyang mukha, ayokong makita
pero hindi ko maiwasan.

"Ate!" Narinig ko si Ysobelle sa background, nakapasok na sya sa loob ng facility


nang hindi ko namamalayan.

Isang malakas na pagsinghap ang narinig ko and a long echo of a steady sound from
the machine.

"Time of death, 4:04 PM"

Nanatili lang akong nakanganga habang si Martin

naman ay naibaba na ang camera. Dinig ko ang pag-iyak ng lahat doon sa kwarto ni
Raeven pero hindi ako makapasok.

"Sir, you cannot come in.." Iniharang ng gwardiya ang kanyang katawan.

"No! I want to see her! My wife just died!"

Walang nakinig sa akin kahit patuloy ako sa pagwawala. Gabi na ng lumabas si Martin
mula doon sa facility.

"Ysobelle decided to cremate the remains of her sister, Attorney. Pinapasabi nyang
papunta na si Tres para samahan ka, kasama ang buo mong pamilya. Belle is
requesting for an alone time with Raeven, I hope you understand."
Tumango ako kahit hindi ko naiintindihan. Wala namang pagkakaiba kung makikita ko
pa ang bangkay nya o hindi. Hindi na sya babalik. Ang gusto ko ay yung Raeven na
buhay at malayo nang mangyari yon.

Martin offered to drive me back to my apartment. Nanatili syang tahimik at tila


malalim na nag-iisip. Pinalis ko ang luha ko dahil sa matinding pagluluksa.

"Gusto nyang maging masaya ka. Yun ang sinabi nya noong pangalawang chemo nya bago
sya hindi na magising."

Wala sa sariling tumango ako. My palms are sweaty. Pagkababa ko ng apartment agad
na sinalubong ako ni Tres at ni Ate Unah, parehas na umiiyak ang mga kapatid ko.

"Im sorry Deuce.." Ate Unah embraced me tight. Doon ko binuhos ang lahat. Noong
araw na yon hindi ko alam kung paano ako nakatulog o kung nakatulog nga ba ako. Ang
alam ko lang ay wala na sya at hindi na babalik pa.

/>

"Kuya, kumain ka muna." Inabutan ako ni Tres ng sandwich pero kahit ang pag-angat
ng kamay hindi ko magawa. Nakatingin lang ako sa larawan nya noong punong puno pa
sya ng sigla.

"Kamusta si Ysobelle?" Tanong ko sa kapatid ko.

"Yung kalahati ng ashes, sinaboy daw nila sa Golden Gate Bridge, paborito daw doon
ni Ate Rae.." Pinagmasdan ko ang urn na hawak ko na naglalaman ng kalahati ng
pagkatao nya. Ang buong pamilya ko ang nandito para magbigay ng huling respeto sa
asawa kong hindi nila nakilala ng husto.

"Hindi ka na pala buo." Ngumiti ako sa malamig na urn na yakap ko at pinahid ang
luha ko.

"She's in a better place now. Wala nang magpapasakit sa kanya doon. No more chemo..
No more-"
"No more pain from me hindi ba?" Ngumiti ako ng mapait.

"Kuya, wag mong sisihin ang sarili mo. Hanggang doon na lang ang buhay ni Ate
Raeven.."

Hanggang doon. Gusto kong magwala pero wala akong magawa. Alam ko naman, kasalanan
ko..

Dito na din nagtatapos ang kapalaran ko. Isinusumpa ko, si Raeven ang huling
babaeng mamahalin ko.

Not everything may be a happy ending. Sinabi ko non sa sarili ko na papasayahin ko


sya habang buhay pero hindi naman ako nabigyan ng pagkakataon.

Hanggang dito na lang siguro, patuloy akong mabubuhay kahit hindi ko alam kung
papaano. For now, the reality is that she left me- she left with every piece of
me..

------------------

Maki Say's:
-If you will JUDGE the story to this part at hindi na ipagpapatuloy ang pagbabasa,
YOU ARE MISSING THE CLIMAX OF THE STORY and the MORAL LESSON BEHIND THIS.

=================

Prologo II

"Is it possible to take you out from the dead, Rae?"

-Attorney Deuce Montemayor


"Aba gago ka talagang tao ka eh, hindi nga ko si Rey.. Lul!"

-Dalisay

-----
Next Chapters will be the part 2 of Touch Me Again.
Bago magreact, basahin muna ang susunod. You will not find out the plot if you will
�stop, a good reader loves to stretch their minds in reading beyond the lines.�

=================

Part 2.1

Weird.

"Attorney Montemayor, are you ready for your acceptance speech?" Mula sa
pagkakaidlip napadilat ako sa bulong sa akin ni Bori. Tumingala ako at naglinga
linga pa sa paligid. Everybody's waiting for me. Patricia walked confidently
towards me. Hindi ko na sya inantay, umakyat na ako ng stage.

Nakita ko pa ang kanyang pagsimangot. She just annulled her marriage with the old
senator at sinusubukan nyang magkaroon ng kami. Hindi ko magagawa yon ngayon, ayoko
na.

Tumayo ako sa stage at tiningnan ang paligid. Daddy is in front of the stage
together with Attorney Crisostomo.

"I would like to thank everyone for attending this dinner ceremony. Montemayor Law
firm is a stand alone firm for 5 years now, no lost cases--- still keeping our
fingers crossed but I can confidently say that we stayed as the number one firm in
the country today." Ngumiti ako at nagpalakpakan ang lahat, inantay ko silang
matapos bago muling nagsalita.

"Today, marks the day that we have to rekindle the ties with the family who have
helped the first Montemayor Law Firm led by my father, Attorney Hades
Montemayor---" Tumayo si Daddy gamit ang isang baston at kumaway sa mga tao.

"And Attorney Antonio Crisostomo." Kumaway din si Attorney Crisostomo.

"We guarantee that Crisostomo Montemayor Law Firm will offer better services with
top caliber lawyers among our rosters. I, Attorney Deuce Montemayor together with
the Attorney Brent Antonio Crisostomo promise to give the

utmost service to serve our clients better, whether it's corporate cases or
criminal cases."

Tumayo ang si Brent at kumaway din sa lahat, panganay syang anak ni Tito Antonio,
who happened to practice law in England. Ngayon lang sya muli bumalik dahil sa
request ni Tito Antonio na ipagpatuloy ang pag-aabogasya sa Pilipinas.

"Ma'am hindi nga po pwe-"

"Anong hindi pwede! Kung hindi pwedeng pumasok ang mahirap na kagaya ko, pwes para
sabihin ko sayo, may mas mahirap pa sa akin dyan sa mga nakaupo na yan ha! May
utang sya sa akin ngayon, sabihin mo sa akin, sino ang mas mahirap!" Napakunot ang
noo ko sa isang babaeng nagpupumilit pumasok sa function hall. Nakasunod sa kanya
ang gwardiya at hindi talaga sya mapigilan.

She walked furiously going towards table number 20, nilapitan nya ang date ni Mayor
Fuentes na di hamak na mas bata doon sa politiko.

"Ikaw! Magbayad ka na ha!" Galit na dinuro nya ang babaeng nakagown. Napakamot ako
ng ulo, what a scene stealer. Hindi na nahiya.

"A-ano bang sinasabi mo? Hon, hindi ko sya kilala!" Yumakap ang babae kay Mayor
Fuentes at napayuko ako sa matinding pageeskandalo na ginagawa ng babaeng dumating.

"Anong hindi mo kilala? Bili ng bili ng pabango, class A na nga lang hindi pa
mabayaran! Kuya, sa mall, 5,000 itong Ralph Lauren ko pero nakuha nya sa akin ng
800!"

"Miss, it's Ralph Lauran" Hindi ko napigilang sumingit sa kanilang usapan. I


corrected the pronunciation of the mad girl.

"Ralph Loren o Ralph

Loran, parehas lang yan!" Galit akong hinarap ng babae, una kong napansin ang
maigsi nyang buhok at bangs, kulay brown ito. Naglakad sya papalapit sa akin,
umakyat pa sya ng stage, may kinuha sya sa bulsa nya at agad na napailag ako. Bigla
nyang inispray ang kung ano sa hangin.

"Parehas lang ang amoy ng tester at ng orig di ba?" Nakangising tanong nya. My
mouth flew wide open. Hindi ako makapaniwala ng husto sa nakikita ko.

"R-rae?" Bulong ko pero tiyak na narinig nya ako.

Sa labi, sa ilong sa hugis ng mukha, it's Raeven.


Speaking of ilong, biglang umusok ang ilong nya sa galit. Her face turned bright
red.

"Nak nang hoy! Ang judgemental mo, hindi porket nakapantalon ako at malaki ang
tshirt ko lalaki na ang tingin mo sa akin! Sinong Rey? Aba oo at Jejemon ako! Pero
wala kang karapatan na tawagin akong Rey. Pinaganda mo ba eh, ba't di na lang kaya
Baldo para mas hard?" Umismid sya sa akin, pati ang paraan ng pag-irap nya
kamukhang kamukha sya ni Raeven.

"At ikaw Corina, bwisit ka talaga sa buhay ko. Bayaran mo ako ng 800 dahil magre-
remit ako ngayon sa Divisoria, tikoy ka talagang babae ka eh, naka-silat ka na nga
ng matandang mayaman tapos para 800 lang pinagtataguan mo pa ako!" Naglalakad na
papalayo ang babaeng kamukha ni Raeven pero nakatitig lang ako sa kanya.

That's Raeven.

"Kuya." Di ko namalayan na nakalapit na sa akin si Tres, inakbayan nya ako at


umiling.

"Tres, nakita mo yon?"

"Imposible Kuya..." Umiling si Tres sa akin.

Oo, alam ko imposible. Raeven's death certificate was sent to me. I was devastated
that time. Ang pinayagan lang sa treatment unit na pinagdalhan sa kanya ay ang mga
doctor at si Ysobelle lang but I saw it in the camera how she breathe her last
breath.

Nakita ko lahat. Hindi ipinagdamot sa akin ni Martin ang bagay na yon.

Tuluyan ng nabuhat ng mga gwardiya ang babaeng kamukha ni Raeven papalabas ng


function hall, hindi na ako nagdalawang isip na bumaba ng stage, tinapik ko si
Brent at iniabot ko sa kanya ang mic, he nodded at narinig ko ang boses nya na
nagapologize sa mga panauhin sa naantalang seremonyas.

Padabog na naglakad ang babaeng kamukha ni Raeven. Sinundan ko sya hanggang sa


makalabas sya ng hotel. Nagpamewang sya at sinipa ang bato na nasa harapan nya pero
napangiwi naman sya ng hindi natinag ang bato at sya ang nasaktan.

"Ow, bwisit naman oh!" Sigaw nya.

"Miss." Untag ko. Nakasimangot syang humarap sa akin.


"O ano?" pagalit nyang sabi.

"A---"

"Hoy Ralph Loran. Wag mo nang dagdagan ang init ng ulo ko, kung inaakala mong
magsosorry ako sa pagwawala dyan sa sosyalan nyo, pwes hindi."

"H-hindi ako si Ralph Loran. Im Deuce, Deuce Montemayor."

"Wala akong paki." Sabi nya pa sabay irap sa akin. "Hay nakakainis!" Ginulo gulo
nya pa ang buhok nya at naglakad muli papalayo.

She really looks like Raeven pero malayong malayo ang pagkilos nya. Malumanay si
Raeven at ang isang ito parang

lalaki kung kumilos.

"Miss, may kamukha ka." Sumunod ako sa kanya.

Huminto ang babae at pumihit papaharap sa akin. Nanlilisik ang kanyang mga mata at
nakataas ang kanyang kilay.

"Seryoso? Sasabihin mong kamukha ko si Rey? Sinundan mo pa talaga ako hanggang


dito? Badtrip to eh! Makapang-insulto, perfect ka?!" Tiningnan nya ako mula ulo
hanggang paa at bahagya syang natigilan, "Oh eh ano naman kung perfect ka, wala pa
din akong paki!"

Padabog syang muling naglakad papalayo sa akin. Ano ba tong babaeng to? Hindi ba
sya mapipirmi sa kinatatayuan nya?

"Anong pangalan mo?" Hindi pa din ako sumuko, gusto kong marinig ang boses nya
dahil ang tinig nya ay kay Raeven din.

"Ako si Dali." Huminto sya sa wakas at tiningnan ako ng seryoso.

"Dolly?" Paniniyak ko, agad na nalamukos ang mukha nya.

"May problema ba tayo sa pronunciation? Hindi talaga magkawavelength ang mga burgis
at masa noh? Hindi Dowly, DALI. DALI. Ako si Dalisay Bituin Madlangsakay." Buong
pagmamalaki nyang sabi, hindi ko mapigilan ang pagngiti dahil sa pagbigkas nya ng
kanyang pangalan.

"Aba-pintasero si Kuya, bakit ka natatawa?" Tanong nya sabay malakas na siko sa


tyan ko.
Napangiwi ako sa sakit, grabe! Ang lakas nya!

"Sige na, sibat na ako, wag mo na akong susundan ulit. Hindi ako si Rey, ayos ba?"

Tumango ako. Imposible talagang sya si Raeven because her eyes are jettblack.

---

"Ah!

Nakakapagod. Nagmadali talaga akong umuwi, miss na kita eh." Wika ko habang nakaupo
sa aking kama, my back rested in the headrest.

Inabot ng alas-dose ng madaling araw ang pakikipag-usap sa mga kliyente at ganito


ang pinakaayaw ko. I rarely accept cases now kaya tinanggap ko na ang partnership
with Crisostomo's. I just need to pay the bills, hindi ko kailangan ng madaming
madaming pera kaya hindi na din ako magtatrabaho na parang kalabaw para yumaman ng
husto, para kanino pa hindi ba?

"Grabe yun, hindi ako nakakain." Sumbong ko. "Paano ba naman mayrong umeksena doon
at nagwala dahil sa lang sa 800 pesos. Pathetic talaga, Babe." Hinilot ko ang
sentido ko.

Napabuga ako ng hangin at niyakap ang urn ni Raeven, "Kamukha mo. Akala ko ikaw..
Pero hindi ko sya type ha. Mas maganda ka don, Baby ko."

This is my daily routine, tuwing magigising ako hanggang sa bago matulog,


kinakausap ko si Raeven, alam ko naman na hindi sya sasagot pero pakiramdam ko
malapit lang sya at binabantayan ako. This is the only thing that keeps me going.

"Baka naman tinetest mo ako, Babe kaya nakita ko ang Dalisay na yon, pero hindi,
iyong iyo pa din ako. Di ba promise ko sayo walang wala ka ng pagseselosan sa akin?
Kaya lang baka may pogi anghel dyan ah? Pag-akyat ko dyan baka iba na ang mahal mo
at hindi na ako." I sighed.

I am very sure na sa langit ang punta ni Raeven kaya kahit papaano sinusubukan ko
na magpakabait. Soon, I may leave my Law Firm at magiging adviser na lang siguro
ako sa isang corporation. Less dirty jobs,

more chances of going to heaven.

Kinuha ko sa bedside table ko ang litrato ni Raeven, "Mas malakas talaga ang dating
mo don, Babe kasi ang mata mo, gray. Lamang na lamang ka don."

Natigilan ako at nakaramdam ng inis sa sarili ko.


Argh! Bakit ko ba sila kinukumpara?

Hindi sya si Raeven, at di nya mapapantayan si Raeven dahil nag-iisa lang ang asawa
ko.

Humalik ako sa urn ni Raeven bago ko maingat na inilagay iyon sa bed side table ko
at pumikit na.

Bukas, hindi ko na maaalala si Dalisay.

----

"Hi!" Namulat ako ng kinaumagahan ng makita ko si Rae-no, si Dalisay na naka-indian


sit sa sofa ko, suot nya pa din ang damit nya kagabi noong nakita ko sya but this
time mukhang kakagising nya lang.

"Anong ginagawa mo dito?" Hindik na hindik na sabi ko.

Paano sya nakapasok?!

Tumingin ako agad sa paligid na maari kong ipang depensa kung sakaling may mga
kasama syang masasamang loob.

"Naku, sorry ha nakatulog ako. Gigisingin sana kita kagabi, kaya lang tulog na
tulog ka na." Humihikab pa na kuwento nya, napaiwas ako ng tingin, pati ang
paghikab nya si Raeven din ang nakikita ko, but this girl is a complete lunatic!

"Anyway.. Napulot ko kasi ang keycard mo doon sa hotel kung saan tayo huling
nagkita. Nung sabi kong sisibat na ako, bluff lang yon, inaabangan ko talaga si
Corina! Walang hiyang babaeng yon. Nagalit tuloy sa akin si Aling Tale at hindi na
ako pinakuha ng

mga pabango." Kaswal na pagkukwento nya na para bang close kami.

"So paano mo nalamang keycard ko yan?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Duh, may name ng condo at ng room number. Kulang na lang pangalan mo at ID


picture, kandidato ka na sa susunod na bibiktimahin ng budol budol gang." Ugh!
She's too talkative in the morning!

"O sige na, sige na. Umalis ka na." Humalukipkip ako at sumandal sa gilid ng pinto
ng aking kwarto.
"Ay grabe ka, tsong! Ang harsh mo. Pwedeng makiligo?" Tanong nya. How can she talk
like things are interrelated kahit hindi naman? Yung utak nya siguro may pakpak,
laging lumilipad.

"B-bakit?" And I am more stupid to ask!

"Bakit? Hindi ka ba naliligo?" Balik tanong nya. Aist! Smart ass!

"Bakit naman ako magtitiwala sayo?" Humalukipkip ako at hinarap sya. Hinawi nya ang
bangs nya at pinanliitan ako ng mata.

"Hoy, kung magnanakaw ako dapat kagabi ko pa ginawa. Ang mantika mo kaya matulog."

Aminado naman ako don, kailangan nya pa talagang i-point out?!

"Sige na, paligo na ako dito sa balur mo.. May raket pa ako ngayon araw eh. Baka
ma-late ako sa appointment ko." Lumabi pa sya at nagpaawa ang mukha.

"Wow, appointment, big word." Di ko mapigilang matawa. Sa ayos nya kasi para syang
leader ng gang doon sa purok nila. Mas lalo syang sumimangot na parang pusa, tumayo
sya at inilapit nya ang mukha nya sa akin.

"Nakakaintindi ako ng Ingles ha!

Wag mo akong pagtatawanan. Kayo lang bang burgis ang may karapatan sa salitang
appointment?" Pumasok sya sa kwarto ko.

"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ko.

"Maliligo!" Confident na sagot nya.

"At paano mo naman nalaman na may banyo dyan?" I asked curiously.

She stopped for a while pagkatapos ay hinarap ako ng mayroong nakakalokong ngiti.

"Syempre, mga burgis lang naman ang may banyo sa kwarto di ba? Pahiram nga ng
towel, wala akong buni promise!"

Wala akong nagawa kundi kumuha ng malinis na towel doon sa cabinet, pagharap ko kay
Dalisay, nakaupo sya sa carpeted floor at nakapangalumbaba sa litrato ni Raeven sa
gilid ng kama ko. Pinakakatitigan nya itong mabuti.
"Anong ginagawa mo dyan?" Naiinis na tanong ko. Kinuha ko ang litrato ni Raeven at
inilayo sa kanya.

"Girlfriend mo? Chicks ah." Bahagya nya pa akong siniko sa tagiliran kaya mas
lumayo pa ako sa kanya.

Hindi ako kumibo.

"Alam mo may kahawig sya.." Bahagya pa nyang hinawi ang maigsing buhok at humarap
sa whole body mirror ko na nakatabi sa may pintuan, nanlaki ang mga mata nya na
parang biglang may naalala.

I smirked, she noticed..

"Ah! Kamukha nya yung kapitbahay namin, yung anak ni Mang Berto saka ni Aling
Busay. Alam mo bali-balita nga na ampon yon si Nina dahil mestisa si Bakla! Eh
kayumanggi yung mag-asawa, pinoy na pinoy. Di ba ang weird naman ng ganon? Ligo na
ako ha." Kinuha nya ang towel sa kamay ko ng nakangiti at may kasama pang
pagkindat.

Napaiwas agad ako ng tingin at napahilamos ng mukha.

Nang masarhan na ni Dalisay ang banyo, umupo agad ako sa gilid ng kama ko at kinuha
ang urn ni Raeven. Napabuga ako ng hangin habang tinitingnan ang urn.

"Baby, ang weird!" Sumbong ko sa kay Raeven sabay yakap sa mga abo nya.

---

Maki Say's: Amnesia, may kakambal, tinago ni Martin (kawawa naman si Doc Mart
haha!)--- Ano pa? Hahaha Seriously naaliw ako sa haka-haka nyo. Hindi na ako
sasagot dahil baka madulas pa ako sa susunod na pangyayari :) Goodnight.

P.S. Di ko sure ang update bukas. 70% ang chance na wala. Matulog kayo ng maaga
bukas para hindi mahopia.

PS ulit, di ako nanonood ng Probinsyano kaya di ko alam ang kuneksyon ni Coco


Martin, Doc Martin at Dalisay.. HAHAHA kayo talaga!

=================

Part 2.2
Banana Man.

xxDEUCExx

"Psst.."

"Psst.."

Nagluluto na ako ng breakfast ng makarinig ako ng tumatawag sa akin. Muntikan ko


pang makalimutan na may kasama nga pala ako ngayon.

Unbelievable.

Its been 928th day since she was gone.

"What?" Inis kong nilingon ang tumatawag sa akin. Nakasilip ang ulo nya mula doon
sa kwarto ko, nakatakip ang kanyang buhok ng towel, at kapag ganito, she really
looks like my--

love...

"Taray!" Umismid pa sya. The nerve of this girl!

"May pwede bang maarbor na damit dyan saka brief?"

Napakunot ang noo ko sa kanya. I am amused! Ano bang klaseng babaeng ito?! Bago pa
man ako makasagot, bumukas muli ang bibig nya.

"Sige na. Wala kasi akong damit na dala. Isosoli ko ang brief mo--"

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Napangiwi sya pagkakita ng reaksyon ko.

"Ayaw mo? Sige remembrance na lang yung brief. Hindi naman sa gusto kong gawin yon
pero ayaw mo kasing isoli ko."

Tinapik pa nya ang ulo nya saka bumulong "Tsk, dapat hindi na ako napaalam."

Napabuntong hininga ako, yung malakas at ubos hangin. Kahit na kamukha pa sya ni
Raeven, unti unting nasasagad ang pasensya ko! Ano bang sa tingin nya ang ginagawa
nya?!

Pinatay ko ang kalan at naglakad papalapit sa kanya.

"Miss---"
"Dali na lang o di kaya ay Dalisay, masyado ka namang pormal.." Ngumiti pa sya ng
napakalapad

na para bang tuwang tuwa ako sa pakikipag-usap sa kanya.

"Una, hindi ako sang-ayon sa pag-pasok mo sa bahay ko kahit pa ang dahilan mo ay


isasaoli mo ang keycard ko. Maari mo yong iwan sa guard." Napayuko si Dalisay at
pinagdaop ang dalawa nyang palad na parang inosente sa ginawa nyang kapilyahan.

"Pangalawa, hindi naman ako pumayag na makiligo ka dito kaya hindi ko problema na
wala kang susuotin." Tumango tango sya at lumabi.

"Pangatlo--"

"May pangatlo pa?!"

Nagpamewang ako at seryoso syang tiningnan.

"Pangatlo, lumabas ka na bago ako tumawag ng pulis." Banta ko. Agad naman na
nanlaki ang mata nya at tuluyang binuksan ang pinto. Napaiwas ako ng tingin ng
makitang nakatapis lang sya ng tuwalya.

Umupo sya sa sofa ko at walang anu ano ay nagsusuot na ng kanyang rubbershoes.

"Nakiusap naman ako ng maayos pero napakasungit nya. Hay!" Bumubulong bulong pa sya
habang pilit na isinusuot lumang sapatos.

Nang maisintas nya na iyon, tumayo na sya at akmang lalabas na ng pad ko--

With just a towel around her body!

"T-teka, saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Lalabas! Sabi mo ipapa-pulis mo ako?"

"With my towels?" Nakataas na kilay na tanong ko. Sinamaan nya ako ng tingin na
para bang nauubusan na ng pasensya.

"Alam mo masyado kang madamot, wag kang ganyan, hindi tinatanggap sa langit ang mga
ganyan--" Sambit nya habang tinatanggal ang towel na nakabalot sa ulo nya.

"O---o! O! Ano ba?!" Tumalikod ako ng akmang tatanggalin naman

nya ang towel sa kanyang dibdib. This girl is crazy!

"Isuot mo ang tuwalya! Papahiramin na kita ng damit!" Utos ko sa kanya. Nag-intay


pa ako ng ilang segundo bago ako magtungo sa kwarto ko nang hindi sya titingnan.

Binuksan ko ang cabinet kong hindi pa din nababago ang ayos. Magkahati ang gamit ko
at ang kay Raeven. Humarap ako sa urn ni Raeven dahil may kumudlit na kunsensya sa
utak ko. Kaunting kaunti lang naman and I know it's not mine, si Raeven lang naman
ang kunsensya ko mula noon hanggang ngayon.

"No Baby, I know what you are thinking pero hindi natin ipapahiram sa kanya ang mga
damit mo." Sambit ko doon sa urn ni Rae.
Sakto namang napadako ang mga mata ko sa bagong damit ni Raeven. I usually buy
stuffs for her kahit wala na sya. Pag sumagi sa isip ko ang mukha nya at namimili
ako ng gamit ko, binibilhan ko din sya. It's my way of coping up, kahit na alam ko,
kahit kailan ay hindi ako makaka-cope up. Sino ba namang niloko ko? It's impossible
to find another Raeven, kaya nga imposible itong babaeng nasa pamamahay ko ngayon.
Her looks may be deceiving pero hindi lang naman ang mukha ni Raeven ang minahal ko
sa kanya kundi ang buong pagkatao nya. Kasama na doon ang pagiging maasikaso nya at
mahinhin.

Pumunta ako sa lalagyanan ko ng damit, niladlad ko ang isang tshirt na hindi ko na


masyadong ginagamit. With Dalisay's petite figure malamang magmumukha syang tao na
kinain ng tela.

Sabagay, anong paki ko?!

Inihagis ko sa kama ko ang puting tshirt. Nagtungo ako sa pantalon at kumuha muli

ng isa para pagmasdan. Sa liit ng bewang nya malamang malalaglag ito!

Nagkibit balikat ako. Whatever.

Nagtungo ako sa dresser mga underwear ko. Isa isa kong pinagmasdan yon. Hinawakan
ko ang isa pero natigilan ako. My skin against hers----

Argh! Bwisit na babae talaga yon! Hindi na sya makakaulit.

Pikit mata akong nagtungo sa mga gamit ni Raeven at kumuha ng dress na hindi pa
nailalabas sa paperbag.

Lumabas akong muli at iniabot kay Dalisay ang paperbag. Nagliwanag ang mukha nya at
ngumiti na parang bata.

"Thank you Bossing!" Nakangising sabi nya. Napalunok ako. Masama sa loob kong
pakawalan ang gamit ni Raeven at ibigay sa iba, ito ang unang pagkakataon. I really
don't think about when will be the next dahil gusto ko ng huminto dito. I want to
stay where Raeven left, that's it. No changes.

Napatunayan ko na kay Raeven lang umikot ang mundo ko noon at ngayon. Tuwing
umaalis sya, tumitigil ito. Mas mapayapa lang ako sa pangalawang pag-alis nya dahil
may naiwan na alaala at alam ko kung nasaan sya. Alam ko naman na hindi sya
ibabalik ng Diyos sa akin at tinanggap ko na-- kung pagtanggap ba ang tawag sa
pamumuhay mag-isa.

Umupo ako sa sofa at naiwang tulala habang nagbibihis si Dalisay sa kwarto ko.
Nakaramdam na naman ako ng matinding lungkot. I miss Raeven, and Dalisay is getting
into my nerves! Nabuhay tuloy ang matinding pagkamiss ko kay Rae.

"Mm, sarap." Napalingon ako sa kusina kung saan may nagsasalita. Nakita ko si
Dalisay na ngumunguya at mayroong hawak na bacon sa kanang kamay

at ang kaliwa naman ay naghahanap pa ng maaring kuhaing pagkain doon sa lamesa.


Natulala ako dahil sa ayos nya ngayon, that's how I pictured Raeven wearing that
yellow dress. And now, this girl is chewing her food like Raeven would do it! I
shook my head. It can't be.

"Ipapapulis mo din ba ako kasi kumain ako ng bacon?" Tanong ni Dalisay.

"Kumain ka ng maayos pagkatapos ay umalis ka na." I stood up not minding her.


Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang urn ni Raeven at ang cellphone ko. Tamad akong
humiga sa kama ko at hinanap ang numero ni Bori. She's currently doing the admin
works simula umalis si Clover.

"Bori, Im not feeling well." Wika ko agad na hindi pinapatapos ang pagbati ni Bori
ng Good Morning sa kabilang line.

"A-again, Sir?" Mas humigpit ang yakap ko sa urn at napapikit ng mariin.

Sa isang linggo, dalawa hanggang tatlong araw na lang talaga kung pumasok ako. Mas
madalas pa din yung napakalungkot ko at magkukulong kasama ang urn ni Raeven.

"Yes. Kayo na bahala. Bye." Pinatay ko ang cellphone ko at inihagis ito sa


bakanteng side ng kama.

Pumikit ako at niyakap si Raeven.

Ilang minuto pa, naramdaman ko ang pagtitig sa akin. Pagmulat ng mata ko, I saw
Dalisay sitting in the floor at nakatingin sa akin ng mataman. Magagalit sana ako
kaya lang nakita ko ang ekspresyon nya.

At first her eyes were sad but then she flashed her annoying smile again.

"Bakit ka may yakap na vase?" Tanong nya sa akin.

"This is not a vase. Umalis ka na, gusto kong mapag-isa."

Mas lalo akong sumiksik at hinila ang kumot para balutin ang buo kong katawan.

"Ah. May ibang tawag ba sa ganyan ang mga burgis? Hulaan ko, Vase-si-detchi!"

Hindi ako umimik at nagtalukbong ng kumot.

"Ay, grabe talaga sya..." Nakaramdam ako ng paglubog ng kama ko pero ayoko ng
magsalita. I am too weak to get mad, I was too consumed by sadness right now.

"Alam mo, male-late na ako sa appointment ko, kaya lang hindi kita maiwan ng
nagkakaganyan kasi pag namatay kay today, ako ang paghihinalaan nila---"

"Hindi ako magpapakamatay! Alis na.." Ungot ko. Narinig ko pa ang pagbuga ng hangin
ni Dalisay.

"Sama ka na lang sa akin." Aya nya pa.

"No."

"Sama ka na." Ulit nya na parang parrot.


Inis akong bumangon at hinarap sya, "Bakit ba ang kulit mo?! Ayoko nga! Ayoko. I
want to stay here! Sumusobra ka na sa kadaldalan and I really hate it! Masyadong
masakit sa tenga."

Awtomatiko naman ang paglabi nya na parang maiiyak. Yumuko pa sya at kitang kita ko
ang pagpatak ng isang luha sa mga mata nya.

"Sige, alis na ako. Salamat at sorry." Mabagal syang tumayo at naglakad papalabas
ng kwarto ko.

Pinagmasdan ko syang mawala sa paningin ko. I want to go near her but I can't, I
won't. She reminds me of being sad again, she reminds me how far Raeven is right
now, that I cannot hope for the dead. Dalisay is reality, Raeven is not here
anymore.

Nagulat ako ng bumalik si Dalisay sa kwarto ko.

"Ito nga pala yung keycard mo." Bulong nya habang nakalahad ang

kamay nyang hawak ang keycard ng pad ko.

Kukunin ko na sana iyon pero mahigpit ang hawak nya, parang ayaw pakawalan. Pinilit
ko pa ding agawin yon pero nagmatigas sya, kinagat pa nya ang labi nya para sa
pwersa pero nakuha ko pa din. Sinamaan ko sya ng tingin and I just saw her sad
eyes. This is getting really creepy. Kapag seryoso pala sya mas lalong kamukha nya
si Raeven.

She sighed again. What's with her? Bakit ba ayaw nyang umalis?

Tumalikod na sya at mabagal na humakbang.

Dammit! I can't stand to see her face sad. Pakiramdam ko si Raeven din ang
pinapalungkot ko.

Tumikhim ako.

"S-saan ba ang appointment mo?" Hindi ko napigilang magtanong.

"Sasamahan mo ako?" Her face lit up when she faced me. Inayos nya ang kanyang bangs
at malapad na ngumiti, para syang bata na naglakad papalapit sa akin.

Why is she's so happy?

At nalaman ko na lang kung bakit sya masaya noong nakarating kami sa 'appointment'
nya.

"Hawakan mo yan Bossing ah. Kailangan lang natin ubusin ang paninda ni Aling Lelay
tapos makakauwi na tayo." Nakangiting sabi nya habang iniaabot sa akin ang plakard
na may nakasulat.
MASARAP ANG BANANA KO, FIVE PESOS LANG.

"How can the country consume this much banana? Are they turning into monkey?"
Reklamo ko habang inaayos ni Dalisay ang cart na napakaraming saging. Nakahinto
kami sa tapat ng isang malaking opisina sa Makati.

I am wearing a baseball cap, khaki shorts and off white shirt, suhestyon ni Dalisay

na ganito ang suotin ko. Sana hindi ako makilala ng mga kliyente ko.

"Mukhang masarap nga ang banana nya girl, ang ganda ng katawan!" Humagikgik ang mga
babae sa di kalayuan. Yumuko ako para hindi nila makita ang mukha ko.

"Deuce!" Tawag sa akin ni Dalisay, napaangat ako ng tingin dahilan kung bakit
nagsigawan ang grupo ng babae. My face was totally exposed!

"Gaaah!! Bili tayo dali!" Parang mga langgam na lumapit sa kariton ni Dalisay ang
mga mamimili.

May kinukurot ako sa braso at pisngi. Anong kala nila sa akin? Stuffed toy?!

"Pogi, baka pwedeng pa-kiss?" A petite woman with a fair complexion came to me.

"Naku, si Ma'am Anna, gustong maka-score!" Humagikgik ang ilang babae doon sa sa
likod nya.

Natigilan ako. This girl in front of me is persistent. Ang mga kasamahan nya ay
nagvi-video na.

"KISS! KISS! KISS!" Kantyaw nila.

"H-hindi pwede!" Singit ni Dalisay sa pagitan namin. Nakita kong namumula ang
kanyang pisngi at tenga. "Tara na, Deuce. Ubos na ang paninda ko."

Tinulak nya ang cart at sumunod na din ako sa kanya.

Malapit na kami sa pwesto ni Aling Lelay ng hinigpitan ko ang hawak ko sa cart


dahilan kung bakit hindi iyon maitulak ni Dalisay.

"Bakit tahimik ka?" Tanong ko sa kanya na pinanliliitan ng mata.

imbes na sumagot, umiling lang sya at tinulak ang cart.

Oh now I get it.

Napangiti ako at hinabol sya.

"May crush ka sakin noh?" I grinned at her pero simangot ang sinagot nya sa akin.

"Kasi kung wala, bakit hindi ka pumayag na halikan ako nung babae?" Nang-assar na
tanong ko.

Pagkakataon naman nya para panliitan ako ng mata.

"Bakit, gusto mo?" Nagtaas sya ng isang kilay. "Eh di magpahalik ka! Bwisit na to!"
Galit na wika nya at padabog na tinulak ang cart.
Anyare?!

=================

Part 2.3

Lobo.

xxDeucexx

Pumasok kami sa gate ni Aling Lelay. She smiled when she saw the empty cart. Pagod
na umupo si Dalisay doon sa monobloc na nakalagay sa may gate samantalang ako ay
nag-obserba.

"Ubos na?" Dalisay smiled and nodded. Nagtama ang mga mata namin ni Dalisay pero
inirapan nya lang ako. Napalunok ako.

Galit ba talaga sya sa akin?

"Ito na ang bayad mo, bukas ulit ha!" Aling Lelay said while she handed Dalisay
money. Ngumiti muli si Dalisay at binilang ang pera na hawak nya. Pinagparte nya
ito pagkatapos ay tumingin sa akin.

"50/50" Sambit nya sabay lahad sa akin ang ilang pirasong papel na binilang nya.
Tinaasan ko sya ng kilay. Tinaasan din nya ako ng kilay. Sinamaan ko sya ng tingin,
ganoon din ang ginawa nya sa akin.

"Hindi ko kailangan." Sabi ko. Nagkibit balikat sya na parang walang pakialam.

"Okay, more for me.." Aniya.

Nainis ako!
"Teka nga, galit ka ba sa akin?" Humarang ako sa dadaanan nya kaya huminto sya.
Tumingala pa sya para magtama ang mga mata namin.

"Bakit naman ako magagalit sayo?" Nakairap na sabi nya.

"Eh bakit nga ba?" Tanong ko pabalik.

"Kung galit man ako, ano naman sayo? Wala pa ngang bente kwatro oras tayong
magkakilala apektado ka agad." Akusa nya. Kung makipag-usap

ang babaeng ito sa akin para bang ang tangkad tangkad nya.

"Ano? Affected ka?" Panghahamon nyang tanong.

"Hindi ah!" Sagot ko naman.

"Pwede ba, tanggalin mo sa imahinasyon mo na magkakagusto ako sayo dahil may nobyo
na ako!" Nabigla ako sa kanyang sinabi, parang may katiting na kirot sa dibdib ko,
hindi ko alam kung mula ba sa surot ng saging.

"Eh ano naman kung may boyfriend ka? Sa dating mong yan, hindi na ako magtataka
kung magkagusto ka sa akin! Matang mapang-akit, katawang marikit--" panunuya ko sa
kanya. Gusto kong matawa sa ekspresyon nya, para syang bata na natalo sa isang
diskusyon.

Boyfriend pala! Ha! Buti may pumatol! Malamang bingi iyon dahil masyadong masakit
sa tenga si Dalisay.

"Mas matipuno yon sayo, mas gwapo, mas matalino, mas---"

"Maniwala naman ako sayo! Hindi pa ipinapanganak ang tatalo sa kagwapuhan ko!"
Pagmamayabang ko. She frowned harder, mukhang inis na inis na sya dahil namumula
ang kanyang ilong.

Nakakainis kapag ganitong galit sya sa akin. Parang mayroon syang karapatan magalit
kahit wala naman. The nerve of this girl! Hindi ako magpapatalo!

"Pangga!" Natigilan ako ng biglang tumili si Dalisay. Nilingon ko ang tinitingnan


nya at nakita ko ang isang lalaking nagtataka na nakatingin sa kanya ang pumapasok
doon sa gate nila Aling Lelay. Tumayo si Dalisay at sinalubong ang lalaki para
yumakap doon.

Nag-iwas ako ng tingin.

Her skin against his. Ang sakit sa mata sa totoo lang!

"Palangga, I miss you! Jojo, si Deuce-- sya naman si Jojo, ang gwapong gwapong
Palangga ko!" Buong pagmamalaking sabi ni Dalisay. Pinasadahan ako ni Jojo ng
tingin mula ulo hanggang paa, ganoon din ang ginawa ko. Nanlaki ang mga mata ko.

Gusto kong matawa. Kayumangging kayumanggi ang kulay ni Jojo, malaki ang tyan at
kalbo. Nakasuot sya ng kulay pink na sando at kulay neon green na shorts! Hindi
naman ata lalaki ito!

"Pangga, napagod ako.." Nakalabi pang sumbong ni Dalisay.

Bumaba ang kamay ni Jojo sa bewang ni Dalisay at nakaramdam ako ng kurot. Ano ba
yung kanina pang sumasakit sa akin?! May problema ata itong pwesto ni Aling Lelay.

"Uwi na tayo Pangga, mamaya ha.." Sabi pa ni Jojo sabay kurot sa pisngi ni Dalisay.
I almost vomit when Dalisay did the same.

Tumalikod na ako at umaktong sasakay na sa sasakyan ko.

"Aalis na ako! Thanks for nothing Dalisay." Malamig kong sabi. Hindi ko na inantay
ang kanyang isasagot.

Tulala si Dalisay ng pagmasdan ang sasakyan kong papalayo mula sa garahe ni Aling
Lelay. Kitang kita

ko sa rearview mirror kung paano umabrisyete si Jojo kay Dalisay, muli ay tumingin
na lang ako sa kalsada.

Aist! Bahala nga sya! Sya na nga ang tinulungan sya pa ang galit!

Nagmamadali akong magmaneho pauwi sa pad ko. Mas mabuti pang kay Raeven ko na lang
inaksaya ang oras ko kaysa sa babaeng yon.
This is my solitude. Niyakap ko muli ang urn ni Raeven habang nag-i-scroll ako sa
tablet na hawak ko. Dumako ang mata ko sa isang artikulo na mayroong litrato ko!

BANANA MAN: PANIBAGONG KINABABALIWAN!

I scrolled some more at doon ko nakita ang napakaraming komento sa litrato at video
ko. Many have shared my photos at sinasabing hahanapin daw nila ako!

"Baby, nakita mo yon?!" I asked Raeven's urn na para bang sasagot sya.

Tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Oswald doon. Napatapik ako ng
aking noo!

"Hello Banana Man!" Humalakhak si Oswald sa kabilang linya at may background din na
may tumatawa ng malakas.

Mga kaibigan ko.

style="text-align:left;">

Buong pag-uusap namin ay puro kantyaw ang inabot ko. Papangalanan daw nila ako para
daw mas masaya. Of course I didn't agree! Kaya lang kalaunan ay nagviral talaga ang
litrato at ang inakala kong araw na pananabik ng mga tao ay naging linggo.

Hindi ako nakalabas ng bahay dahil doon. Si Bori na lang ang pinapakiusapan kong
maggrocery para sa akin. I've finished watching all the dvds that I have.

Napadako ang mga mata ko sa damit ni Dalisay na nakalagay sa isang paper bag. Tsk,
hindi na talaga sya nagpakita pagkatapos ng insidenteng yon. Humanda talaga sya
pag-nagkita kami ulit!

Hindi ko na nabantayan ang mga araw. Unti unti ay mas nagugustuhan kong manatili na
lang sa pad ko at walang iniisip na kung ano kundi ang pakikipag-usap kay Raeven. I
stopped knowing what day it is dahil kahit ang oras ay hindi naging mahalaga.
Natutulog ako kung kailan ko gusto at kakain ako kapag may pagkain.
Tumunog ang cellphone ko at nag-appear ang litrato ni Daddy sa screen.

"Hello Dad.." Bulong ko sa kabilang linya. Nagising lang ako sa tawag na yon at
napapikit akong muli dahil sa sikat ng araw na nanggagaling sa labas. It's almost
lunch time. I think.

"Deuce, can we

talk?" Puno ng awtoridad ang boses nya. Napangiwi ako. Simula nagkaayos kaming
dalawa, he's been limiting our conversation. Mas mabuti na siguro ang ganito dahil
wala kaming pinag-aawayan.

Naghanda ako patungo sa mansyon. Sa totoo lang ay tinatamad ako, bilang respeto na
lang talaga ang pagpunta ko sa pamamahay ni Attorney Hades Montemayor.

Pinalibot ko ang mga mata ko sa bahay na aking kinalakihan, ilang beses na ba akong
pinilit ni Tres, Ate Unah at Dad na manirahan dito kasama sila simula ng mawala si
Raeven, maraming beses na. Kaya lang mas gusto kong manatili kung saan ang huling
alaala namin ni Raeven. Wala naman akong planong hindi sya maalala, I don't want to
end up not remembering her in every minute of my life.

Wala akong memoryang buburahin pagdating sa kanya, pangit man o hindi.

"Dos.." Napalingon ako kay Dad na humahakbang gamit ang kanyang tungkod. Nagmadali
akong lumapit sa kanya para tulungan sya. Nang maiupo na sya, umupo na rin ako sa
kanyang harapan. Kyuryoso ako sa kung ano mang sasabihin nya kaya tumikhim ako.

Ilang segundo nya akong pinakatitigan bago nagsalita "Ano ba ang ginagawa mo sa
sarili mo?" Hindi galit ngunit may halong pag-aaalala ang boses ni Daddy.

"Dad, I-Im

fine.." Sagot ko. Umiling si Daddy.

"Noong umalis ang Mommy mo, ikaw ang pinakanaapektuhan. Isang taon kang walang gana
sa kahit anong activities. Tinanong ko ang Tita Ubeng mo, ang sabi nya, emotionally
weak ka daw. Hindi ko kinalimutan ang bagay na yon hanggang sa umibig ka na. Sa
takot kong pagsamantalahan ka ng babaeng pinili mong mahalin dahil sa isang motibo,
inilayo kita.. Pinagsisihan ko, anak." Nakita ko ang pagkislap ng mata ni Daddy,
pulang pula ito ngayon.

"Sa pangalawang pagkakataon na nawala sya, hindi ko akalain na magiging ganyan ang
epekto sayo. You refuse to be happy. You are locking yourself up. Kinakausap mo
kami pero kitang kita ko ang butas na ginawa sayo ng pagkawala nya."
I sighed. "Dad, kay Raeven ang parte ng pagkatao ko. Sana naiintindihan nyo kung
bakit ganito ang nararamdaman ko."

"But she's the one who died! Ikaw, patuloy kang nabubuhay pero kung umakto ka, para
kang namatay din."

Lumabi ako at nagkibit balikat, "It's been 952 days, Dad.. Tagal na. Hanggang
kailan kaya ako mag-iintay para magkasama kami? I can't wait to die."

Tumigas ang ekspresyon ni Daddy, "Don't talk about your death wish in front of the
person who gave you life Deuce Ageus!" Galit na sabi nya.

/>
Napayuko ako. People are selfish. They want their loved ones to stay pero hindi
nila alam kung gusto pa ba ng taong yon ang manatili. They will not ask you, basta
ang mahalaga nakikita ka nila, they just want you to co-exist kahit na hirap na
hirap ka. They dont realize na wala sa kanila ang gamot para bumalik ka sa dati
pero mapilit pa din sila.

Nawalan na ako ng dahilan para mabuhay nung mawala sya. Buong parte ng pagkatao ko,
kinuha na nya. Nakikita lang nila akong gumagalaw pero matagal tagal na din simula
ng huminto ang puso ko sa pagtibok, they can sense that, but they don't feel it.

"Buong buhay ko, inalagaan kita, Dos. Kung pwede ko lang iharang ang katawan ko sa
gustong manakit sayo at sa mga kapatid mo, gagawin ko. But this pain of yours, I
cannot take it away. Kung pupwede ko lang kunin si Raeven at makiusap na bumalik,
ginawa ko na pero sya lang ang makakasagot nyan."

"But she cannot answer anymore right? She's gone." Mapait kong sabi. Inintay ko ang
sagot ni Daddy pero tumingin lang sa labas ng aming bahay.

**Beep **Beep

Unknown Number: Coffee? - Dalisay

Napakunot ang noo ko, kahit nagtataka kung saan na naman nya nakuha ang numero ko,
my heart flutter in

an instant.

Una kong gagawin ang awayin sya! Kasalanan nya kung bakit nag-viral ang litrato ko,
dahilan kung bakit hindi ako nakalabas ng ilang linggo. Tapos ngayon lang sya
magpaparamdam?

"Dad, I need to go.." Sabi ko. Humarap ako sa malaking salamin kung saan nakapatong
ang mga picture frames ng pamilya namin. Bahagya kong inayos ang aking buhok at
kinapa ang aking baba.

Sht, stubbles.

Pumihit agad ako para magtungo sa kwarto ko. Isang mabilisang shave lang bago
umalis.

"I'll just shave and change clothes." Anunsyo ko pa. Nakita ko ang pagkunot ng noo
ni Daddy.

"Seeing someone?" He asked.

"H-hindi. I'll just get some fresh air."

Sa tingin ko ay kailangan ko si Dalisay ngayon. I need to escape from this


conversation. Masyadong napagdidiinan na kailangan kong kalimutan si Raeven. Kahit
ang mga kaibigan ko ay ganoon din ang suhestyon pero hindi ko posibleng magagawa
yon dahil ayoko. Hindi ako handa.

Mabilis akong nagmaneho patungo sa coffee shop na binanggit ni Dalisay. Nakita ko


agad sya pagkababa ng sasakyan

dahil doon sya nakapwesto sa may pinakagilid, doon sa may salamin na natatanaw mula
sa labas.

She looks so peaceful. Yung hindi magaspang ang kilos dahil hindi naman sya
gumagalaw ngayon. Pagala gala ang kanyang paningin sa paligid at ngumingiti sya sa
tawanan ng nasa kabilang lamesa.

Tsismosa talaga.

Mas maayos ang itsura nya ngayon. Nakasuot sya ng puting dress at puting sneakers
habang ang magkabilang kamay nya ay nakapatong sa kanyang upuan. Para syang bata
kung mag-intay, hindi nya hinahawakan ang kanyang cellphone para pagbalingan ng
inip. She just stares at people and things na para bang nabubusog sya sa pagtingin
doon. She swayed her feet like a kid at nang napadako ang tingin nya sa cactus doon
sa may lamesa, kinuha nya ito at hinawakan ang bawat tinik. Nginitian pa nya ang
cactus!

Weird talaga!

Pumasok na ako sa coffee shop at agad nya akong nakita, she's very observant.
Ngumiti sya ng malapad at kumaway sa akin.

"Anong gusto mo?" She asked while giving me the menu halos kakaupo ko pa lang.
"Mmm, Latte." I answered without checking the menu.

style="text-align:left;">Tumawag sya ng waiter na lumapit naman agad. "Isang latte,


hot. Saka isang green tea frappe." She chirped. Bahagya akong natulala sa mukha nya
na binaling muli ang paningin doon sa menu at tumingin sa mga litrato.

I shook my head. No, I wont say it again. Kailangan ko nang ipaunawa sa sarili ko
na coincidence lang na kamukhang kamukha sya ni Raeven at parehas ang kanilang mga
gusto. Her eyes are black and Raeven won't cut her hair that short!

Maybe I just miss her so much.

Pinakatitigan ako ni Dalisay. Nailang ako bigla kaya nag-iwas ako ng tingin at
nagkunyaring busy sa aking cellphone. Inantay nya lang na dumating ang order namin
bago sya magsalita.

"Kamusta ang financial status mo?" Seryoso nyang tanong pagkatapos kong uminom ng
aking kape.

Nagtaas ako ng isang kilay. Ano bang klaseng tanong yan?

"Bakit mo tinatanong?"

"Wala naman, nabalitaan ko lang kasi na hindi ka na pumapasok sa trabaho." Tumingin


sya ng diretso sa akin.

"At pano mo naman nalaman yan?"

"Nagpupunta

ako sa opisina mo at hinahanap kita, kaso wala ka daw." Ngumuso sya at pinaglaruan
sa kamay ang hawak na tissue.

"May kailangan ka?" I placed my arms to my chest and slouched on the wooden chair.

"Mmm.." She nodded.

"Bakit hindi mo ako pinuntahan sa pad ko?"

Her face lit up.


"Talaga? Pupwede na ako pumunta don? Hindi mo na ako ipapapulis?!" Nanlalaki ang
mga matang tanong nya. She's really excited about the idea.

"Kung may kailangan ka lang." Pagtatama ko. "So-- Ano bang kailangan mo?"

Ngumiti sya at itinapat ang kamay nya sa akin, tila nagpapahintay. She drank good
amount of frappe before starting her stunt.

Inabot nya ang laptop nya at nagsimulang magtipa ng kung ano ano doon bago ako
muling hinarap.

"Gusto mo bang maexperience ang financial freedom?" Nakangiting tanong nya.

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ko.

"Yes or no lang ang sagot!"

She insisted. Para syang bata na mayroong script na tinitingnan at kailangang


eksakto ang sagot ko kung hindi ay mawawalang sya ng guide sa susunod na sasabihin.

"Yes of course." Sagot ko naman.

"Alam mo ba kung ano ang financial freedom?" Tanong nya muli. Tumango ako.

"Of course."

"Yun yung kinukuha mo ang panggastos mo mula doon mismo sa income mo at hindi mo
inutang. Tapos may matitira ka pang pera para sa savings mo at investment, that's
financial freedom." Sabi nya at halatang binasa nya lang iyon sa laptop nya.

"I just said, alamko ang ibig sabihin ng financial freedom." Naiinis kong sabi.

"Ah." Tumango tango sya. Nagscroll ulit sya sa laptop nya na parang may hinahanap.

"Bibigyan kita ng opportunity para kumita ng pera ng hindi napapagod kakatrabaho.."


Sabi nya habang nagbabasa.Tumawa ako.

"Kalokohan! Anong klaseng trabaho ang may kita ng hindi ka kumikilos? I earned my
company through hardwork!"

Pinanliitan nya ako ng mata. "Hindi ka nga nagtatrabaho!" Sambit nya. "Aba, itong
opportunity
na ibinibigay ko sayo, kailangan mo lang mag-invest ng 15,000 pesos para sa starter
kit--"

"Wait, Dalisay, is this networking?" Putol ko sa kanyang sinasabi.

"Hindi! Lehitimo ang business na ito. Inaalok kita para maging business partner
ko!" She then said. Napailing ako. Hindi ako makapaniwala. Inaya nya ako magkape
para gawing miyembro?

"Isa pa, magagamit mo naman ang glutathione para sa mga pangangailangang pisikal.
Maganda sa skin! Kailangan mo lang pumili ng tatlong downline at sila na ang
magtatrabaho para sayo."

"And what makes you think that I would do that?" Naiinis na tanong ko sa kanya.

"Kasi wala ka namang ibang ginagawa kundi dumikit doon sa vase." Sagot nya.

"Hindi yon vase!" Giit ko. Anytime sasabog na talaga ko pero hindi alintana iyon ni
Dalisay.

"Ako naman ang upline mo at tutulungan kita! Makakaasa ka! Power!" Tinaas pa nya
ang dalawang daliri nya para mag-peace sign. Mas lalo akong nagngitngit.

Walang pag-asa ang babaeng ito na makabenta sa networking. She's the worst!

Tumayo na ako at kumuha

ng pera sa wallet ko para bayaran ang inumin namin. This conversation is going
nowhere.

"Sandali!" Nakita ko pang kinuha ni Dalisay ang dalawang cup ng inumin namin sa
lamesa at hinabol ako.

Im so done with this.

Sumakay ako sa aking sasakyan na parang walang naririnig pero paulit ulit na
kinatok ni Dalisay ang aking bintana.

"Ano?!" Singhal ko.

"Pupwedeng makisabay?" Kunyaring nahihiya pa nyang tanong.

"Hindi pwede!" Sagot ko agad. Lumabi si Dalisay at halatang nadisappoint.


Nakunsensya naman ako bigla.
Nakakainis at nakakaawa sya. Bakit ba kasi nakadamit sya ng pambabae?

"Saan ka ba pupunta?" Walang ganang tanong ko.

"Sa seaside! Doon sa may tabing dagat!" Sagot nya.

Talaga naman oh! Seaside na nga, tabing dagat pa! Kailangan bang madaming salita
ang lagi nyang sasabihin?

"Hindi mo na ako bebentahan ng produkto mo?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Hindi naman kita binebentahan, inaalok kita para maging business--"

/>
"Bye!" Sambit ko sabay sara ng bintana. Kumatok muli sya kaya binaba ko ulit ang
bintana.

"Hindi na! Promise" She said, raising her left hand. Pinanliitan ko sya ng mata.

"Hindi ba dapat kanan ang nakataas?" Tanong ko, itinaas naman nya agad ang isa pa
at ngumiti. Inunlock ko na ang sasakyan ko at sumakay sya doon sa shotgun na parang
masayang masaya.

"Ayoko ng madaldal." Sambit ko sa kanya habang nagkakabit sya ng seatbealts. Sunod


sunod naman ang kanyang pagtango.

My car just left the coffee shop's parking lot, nagsalita agad si Dalisay.

"Ang daming tao sa Pilipinas no? Nakakatuwa.." She said. I know she's just trying
to pull a conversation pero bakit ang populasyon pa ang naisip nya?

Hindi ko sya pinansin. She's just grinning.

"Siguro nag-iisip ka kung bakit nakakatuwa na madaming tao ano?" She asked.

Nagsalubong ang kilay ko at umiling, "I know. Para marami kang maalok ng
networking, right?"

Lumabi si Dalisay at tumingin sa labas.

"Hindi.. Nakakatuwa kasi ang daming gustong mabuhay." Wika nya.


I shook my head, "Mukha lang madaming gustong mabuhay. Madami ding nabubuhay kasi
wala silang choice kasi hindi pa sila namamatay, kagaya ko."

Natahimik si Dalisay. Pinakatitigan nya ako ng malungkot and it creeps me out!


Parang gustong pumasok ng kaluluwa nya sa akin. Hindi na sya muling nagsalita and I
got the silence that I wanted.

Nang

makarating kami sa sea side, nagtatakbo si Dalisay patungo doon sa isa sa mga
benches. Tahimik syang naupo doon at huminga ng malalim sabay lagay ng palad nya sa
kanyang dibdib. Parang tanga!

Aasarin ko sana sya kung hindi ko lang nakita kung gaano kapayapa ang mukha nya
habang pinagmamasdan ang mga barko sa di kalayuan. Napangiti sya bigla. Umupo ako
sa kanyang tabi pero hindi man lang nya ako nilingon.

"Akala ko hindi na ako makakabalik pa sa lugar na to.." Bulong nya.

Parehas lang kaming nakatingin sa malayo, naging kulay orange na ang ulap dahil sa
papalubog na araw. The waters shone like a diamond. Tumahimik lalo ang paligid
dahil siguro sa dami nang naengganyong mga tao na pagmasdan ang lugar kung saan
kami nakatingin ngayon ni Dalisay.

"Libre mo ako.." Wika nya pagkatapos ng napakahabang katahimikan. Record breaking.

Nilingon ko si Dalisay na nakatingin pa din sa papalubog na araw.

"Bakit ko naman gagawin yon?" Tanong ko.

"Kasi gusto ko." Simpleng sagot nya sabay titig sa akin. Parang nahipnotismo naman
akong tumayo at naglakad sa pinakamalapit na restaurant pero hinila ako ni Dalisay
sa harap ng nagtitinda ng ice cream.

"Ito ang gusto mo?" Paniniyak ko sa kanya.

Excited syang tumango habang nakapila kami sa Ice cream cart. "Gusto ko makakain ng
germs." She laughed. And when she laughs, I heard a distinct tone of--- her...

"Tch, sana pala lupa na lang ang pinakain ko sayo." I muttered.

"Wala namang lasa yon!" Sabi nya ng nakanguso.


Madami kaming kinain ni Dalisay, tantya ko ay hindi naman sya sanay sa fine dining
pero sabik na sabik sya sa streetfoods. Parang binigay ko sa kanya ang buong mundo
tuwing hinahayaan ko syang kumain ng fishballs.

"Bilhan mo ako non.." Turo ni Dalisay doon sa mamang naglalakad at may bitbit na
lobo.

Nagtataka kong tiningnan sya, nakalapit na agad sya sa nagtitinda ng lobo at kumuha
ng dalawang pink at isang yellow na lobo kaya kinuha ko ang wallet ko para bayaran
yon.

"Birthday mo?" Tanong ko habang nagbabayad. Siguro nga birthday nya kaya ang dami
nyang gusto ngayon, pero bakit kaming dalawa ang magkasama? Bakit hindi yung
boyfriend nya?

Mataman na tumitig sa akin si Dalisay and a small smile formed her lips, "Parang
ganoon..." She whispered pagkatapos ay nilipat nya ang tingin nya doon sa mga lobo.

----

Maki Say's: Whoever dislikes my plot, do not let me know here for this is my wall,
feel free to air your side privately for it affects my writing and the reading
experience of the readers who said they loved it. Thank you.

=================

Part 2.4

The Truth.

xxDalisayxx

Naglakad ako bitbit ang mga lobo.

Nakakatuwa. Nakakatuwa panoorin habang nagpupumilit ito na umakyat sa langit pero


nandoon ang kamay mo para pigilan ito kaya hindi sya makaalis.
Sumunod sa akin si Deuce habang masaya akong naglalakad sa gilid ng dagat. Lumapit
ako sa tubig at dinama ng paa ko ang maliliit na alon.

"Tsk. Kung birthday mo, bakit ako ang kasama mo?" Sigaw sa akin ni Deuce, nakalayo
na kasi ako at hindi nya ako nasabayan sa paglalakad.

Tumigil ako at humarap sa kanya ng nakangiti.

"Gusto mo na bang umuwi?" Tanong ko.

"So pinapauwi mo na ako? Pagkatapos kitang samahan..." Kumunot ang noo nya at
nagsalubong ang kilay nya. Natutuwa akong panoorin ang ganoong ekspresyon nya.
Galit sya pero kunyari lang. Hindi naman nya ako maloloko eh.

"Akala ko gusto mo nang umuwi kaya ka nagrereklamo. Ang gulo mo talaga! Abogado ka
ba talaga?" Tanong ko sa kanya. He smirked, yung confident nyang smile nandon ulit.
Natatawa na lang ako. Tuwang tuwa sya kapag mas magaling sya sa kapwa nya.

"Ang pinakamagaling na abogado na makikilala mo!" Sagot nya pagkatapos nagjogging


sya patungo sa dirkesyon ko. Kaswal lang ang damit nya, shorts at tshirt na black,
leather slip ons na kulay brown. Yung buhok nya hindi masyadong maayos, parang
hindi nya binabantayan ang pagtubo.

/>

"Magpagupit ka na. Hinahangin na ang buhok mo." Puna ko. Tinaasan nya ako ng kilay.

"Anong paki mo?"

"Wala." Nagkibit balikat ako at nilagpasan sya sa paglalakad.


"A---Ano? Wala kang paki?!" Paniniyak nya,

"Gusto mo ba may paki na lang ako?" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Hindi! Yung boyfriend mo na lang na kalbo ang pagtuunan mo ng pansin. Siguro kaya
kalbo yon dahil gusto mo yung mga walang buhok."

Natawa ako. Muntik ko nang makalimutan na pinakilala ko nga pala sa kanya si Jolina
bilang boyfriend ko. Inis na inis sa akin si Jolina noong araw na yon, buti na lang
at umalis ako sa apartment namin ng ilang linggo kaya nakalimutan na ni Jolina ang
kasalanan ko.

Pinagmasdan ko si Deuce na hinahati ang tubig sa kanyang paghakbang. Mababagal ang


kanyang lakad kaya kitang kita ko ang swabe ng kanyang kilos. Kahit nakapamulsa
sya, kitang kita ang hubog ng kanyang malapad na likod na parang masarap sandalan.

"Deuce." Tawag ko sa kanya. Huminto sya sa paghakbang at lumingon sa akin. Hindi


sya sumagot pero iniangat nya ang dalawang kilay nya. Unti unting napawi ang ngiti
ko at napalitan ng pagtambol ng puso. Ang kapal ng kilay nya, mapula ang mga labi
at matangos ang ilong. Madilim kung tumitig ang mga mata nya na parang laging galit
kaya nakakatuwa kapag nakakayang magpatawa ng kagaya nya kahit hindi nya
sinasadyang maging katatawanan.

"Ayaw

mo ba talagang maging business partner ko?" Pinipigilan kong matawa lalo na nakita
ko na naman ang pagsimangot nya ng husto. Ang cute cute!

"Hindi nga! Wag mo nang---"

Hindi nya natuloy ang sasabihin nya dahil tumunog ang cellphone ko. Tumalikod ako
kay Deuce para kunin ang tawag. Narinig ko pa ang pag'Tsk' nya.
"Hello?"

"Lumabas ka na naman." Hindi tanong yon nang nasa kabilang linya kundi konklusyon.

"Nagpahangin lang ako.." Sabi ko.

"Kasama sya?"

Kinagat ko ang aking labi, hindi ko alam kung paano sasagot.

"Uuwi na ako." Sabi ko na lang sabay baba ng kabilang linya.

"Salamat ngayong araw." Hinarap ko si Deuce at ngumiti sa kanya. "Uuwi na ako."

Tumango sya at nagpatiuna sa paglalakad.

"Hatid na kita.." Sabi nya ng malapit na kami sa kanyang sasakyan. Natigilan ako
kaya kinailangan nya ako muling lingunin.

"Ayaw mo?" Tanong nya na mukhang malapit na namang mainis. His lips formed a thin
line.

"Nakakahiya naman.."
"Sus! Ngayon pa nahiya! Maghapon na kitang nililibre tapos ngayon pa nahiya." Puna
nya. Napayuko ako, si Deuce talaga walang filter...

"Saka yang lobo mo, puputok agad yan kapag nag-commute ka." Wika nya. Pinagmasdan
ko ang lobo at napabuntong hininga ako.

/>
Wala na akong nagawa kundi sundin sya. Pinagbuksan nya ako ng pinto ng sasakyan at
parang nagulat pa sya sa ginawa nya. Ayaw nya kasing maging mabait sa akin,
nagpapanggap syang masungit lagi.

Kaswal akong sumakay sa kanyang sasakyan. Noong nagsimula na syang magpaandar,


natahimik na ako. Matatapos na muli ang araw na ito. Ano kayang magiging dahilan ko
sa susunod?

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Deuce kaya napalingon ako. Pula ang ilaw ng
stoplight.

Ngumiti ako "Madami.." Sagot ko.

"Sana naman sa 'madami' na iniisip mo kasama doon ang pagtuturo kung saan ang bahay
mo." Sarkastiko nyang sabi. Napakamot ako ng ulo at napahiya.

"Malapit doon kila Aling Lelay.." Sagot ko. Nagmaneho si Deuce at mukhang
natatandaan nya pa. Nang makarating kami sa Baranggay nila Aling Lelay tinuro ko
naman ang daan papunta doon sa bahay ni Jolina.

Naabutan ko sa labas si Jolina na may hawak ng supot ng softdrinks at umiinom


habang nakasandal sa may gate. Nakatingin sya doon sa mga binatilyong nagba-
basketball na paborito nyang gawin tuwing gabi.

Akmang hahawakan ko na ang pintuan ng gumaya si Deuce sa ginawa ko.


Aksidente nyang nahawakan ang mga kamay ko dahil doon. Natigilan ako. Ganoon din
sya. Nagkatitigan kami at kitang kita ko ang malalim na paglunok nya.

"It's the same.." Bulong nya na parang wala sa sarili.

Ngumiti ako sa

kanya kahit ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

"O---O di ba parehas lang ng kamay ang mga burgis at jejemon!" Ngumisi ako sa kanya
habang natatarantang binuksan ang pinto ng sasakyan.

Hindi ko na inintay na pagbuksan ako ni Deuce. Bumaba kaagad ako, kumuyom ang mga
palad ko dala ng pagkatuliro.

Nagliwanag ang mukha ni Jolina pagkakita sa akin, mukhang namiss ako ng husto.

"Bak-----" Papatili na sya ng panlakihan ko sya ng mata at nginuso ang sasakyan ni


Deuce.

"Pangga!" Lumaki at lumalim ang boses nya at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.

"Pare." Pinanlakihan ako ng mata ng inihiwalay ni Jolina ang katawan nya sa akin at
nakipagkamay kay Deuce. Hindi ko inaasahan na susundan pa ako ni Deuce hanggang sa
pagbaba.

"Naiwan mo.." Iniabot sa akin ni Deuce ang tatlong lobo na inilagay nya sa likod ng
sasakyan nya kanina. Titig na titig si Jolina kay Deuce na nanatili ang nga mata sa
akin.
"Ay ano yan bakit may balloon? Nagpaputok kayo?" Bulong sa akin ni Jolina sa tenga
na siniko ko naman agad sa tyan.

"Salamat Deuce.." Nakangiting sabi ko sa kanya, hindi nya inalis ang tingin nya sa
akin kaya nailang naman ako parang may gusto syang sabihin na ayaw nyang ituloy.

"S-sige, pasok na kami sa loob. Ingat ka.."

Hindi sumagot si Deuce at tumalikod na lang. Mabilis pa nyang pinaandar ang


sasakyan nya papalayo.

/>

"Ikaw talagang baklita ka! Ginamit mo na naman ako bilang jowa mo! Pupwede namang
sabihin mong joke lang yon." Nakangusong sabi ni Jolina habang sinusundan ko sya
papasok ng apartment nya. Hindi ako kumibo kaya patuloy lang syang nagsalita.

"Kamusta ka naman? Isang buwan kang nawala ah." Umupo si Jolina sa kanyang sofa at
ganoon din ang ginawa ko.

Hindi ako sumagot at malungkot na yumuko. Tumikhim si Jolina at inilapit ang sarili
nya sa akin sabay hawak sa kamay ko.

"H-hindi pa din?" Kinakabahang tanong nya. Napabuntong hininga sya ng hindi ako
sumagot.

"Bakla, ganoon naman talaga ang buhay, minsan may mga bagay na kahit anong hiling
natin hindi ibibigay kaya wag kang magtatampo--"

Ngumiti ako ng malapad kay Jolina kaya napaawang ang labi nya. Mangiyak ngiyak na
pala sya kanina.

"Gaga ka!! Maayos ang lahat?! Magaling ka na?" Hindi makapaniwalang tanong nya.
Ngumiti ako at tumango.
"Ay baks! Mag-isaw at betamax party tayo! Panghimagas natin puto na may dinuguan!"
Natatawang sambit ni Jolina. Tumawa lang ako. Ganyan pala ang itsura ko tuwing
ginagaya ko sya. Masaya. Walang inhibitions. Lahat ng iniisip pupwedeng sabihin.

Malakas ang pagbusina ng sasakyan sa labas kaya naputol ang kwentuhan namin.
Dumungaw si Jolina at nilingon ako.

"Check mo nga bakla kung may tracker ka sa paa. Damang dama nya kung asaan ka eh."
Ngumuso si Jolina

sa labas at tinapik ako sa balikat.

"Nood muna ako ng basketball, naglalaro si Ivan. Baka sakaling maka-score ako.
Hehe!"

Tumuwid ako sa pagkakaupo ng lumabas si Jolina. Sya namang pasok ng bumibusina


kanina sa labas.

"Nagpagod ka?" Unang una nyang tinanong. Ngumiti ako at umiling.

"Kahit naman sinabi sayo ng doktor na maayos ka na, hindi ka pa din dapat
magpadalos dalos." Puno ng inis na sabi nya sa akin. Kahit ganon, hindi ko magawang
mainis pabalik. Inalagaan nya ako ng husto.

"Maayos na ako." Kampante ako don. Lahat ng test na ginawa sa akin nung isang buwan
ay nagpakita ng positibong resulta.

"Raeven, bakit mo ba ginagawa ito? Desisyon mong lumayo, bakit ka bumabalik?" Puno
ng hinanakit na tanong nya.

Napayuko ako sa pagtawag nya sa totoo kong pangalan.


"Kailangan nya ako--"

"Pero may kasalanan sya sa yo!" Pagdidiin nya.

"Miserable sya.." Bulong ko. Tinapik tapik ko ang binti ko gamit ng aking mga
daliri.

"Sa tingin mo dahil sayo? Ikinasal ang babaeng mahal nya. Hindi mo ba naiisip na
ginagawa ka lang nyang dahilan para itago ang totoong nararamdaman nya?" Tumalikod
siya sa akin at nagbuntong hininga.

May bumahid na sakit sa akin sa posibilidad na yon. Maybe he is not longing for me
after all...

"I just need to check on him, Martin. Ayokong bumalik pero nakiusap

ang Daddy nya na bantayan sya. Tumatanaw lang ako ng utang na loob. Pinagamot nya
ako--"

"Dahil guilty sya, Raeven!" Sigaw nya sa akin. Natahimik ako.

"Pinaglayo kayo ni Deuce hindi ba?" Tanong muli sa akin ni Martin. Tumayo ako at
lumapit kay Martin para pakalmahin sya, kumapit ako sa kanyang braso pero iniiwas
nya lang iyon.

"Wala syang hinihinging kapalit--" Nakikiusap na sabi ko.

"Hindi pa ba kapalit ito? Tingnan mo ang sarili mo... Kitang kita ko sa mata mo na
umaasa ka. At nasasaktan ako dahil masasaktan ka na naman.. Bakit ba lapit ka ng
lapit sa apoy?" Puno ng frustration ang mukha ni Martin.

"Sa tingin mo ba hindi ako natatakot na mangyari ang lahat ng iniisip mo? Ayokong
bumalik Martin.. But I need to." Nanghihinang sambit ko.

Naawa ang mga mata ni Martin ng tiningnan ako. Nakadama ako ng guwang sa puso ko.
It's very far from being happy because I survived the sickness, mas nag-aalala ako
sa inaakto ni Deuce ngayon ayon sa obserbasyon ng Daddy nya. He's strong and alive
but he don't want to live.

"Pagod na pagod na din ako Martin. Dalawang taon akong pinilit ni Hades Montemayor
na mabuhay para sa anak nya na hindi ko alam kung umaasa pa bang mabuhay ako. He
fell out of love and I know Deuce is just guilty!" Pagpupunto ko. Pinalis ko ang
luha at naalala ang tagpong nagtatapat sya sa ibang babae. Ramdam na ramdam ko pa
din ang sakit ng pagpupumilit nyang tanggapin ng babaeng yon habang ako,
pinagbawalan nyang mahalin sya. Kung hindi pa nya nalaman

na may sakit ako, hindi na sya babalik sa akin.

Pangalawang pagkakataon? Hindi ko alam na mayroon palang ganon. There are some
things you thought the end up but you will wake up one day and you will realize
that things didn't happen the way you expected things to turn out. Nabigyan ako ng
pangalawang pagkakataon kaya nandito ako ngayon.

Tandang tanda ko ang araw na yon. 952 days to be exact..

Nagbuga ako ng huling hininga. Ramdam ko ang pagpalahaw ng iyak sa kwartong


tinutuluyan ko. Hindi ako makapaniwala na yon na ang huli.

Gusto kong kumapit pero wala akong makapitan. Unti unti akong nakakaramdam ng
pagsara ng pangunahing pakiramdam. Namanhid ang katawan ko at walang nang
maramdaman, my ears began to get stuffed by silence. My body is gradually shutting
down.

"Rae.. wake up, Baby.." Narinig ko ang boses nyang yon. Hindi ko alam kung ilusyon.
Unti unti naramdaman ko ang muling pagkibot ng puso ko. Mahinang mahina at hindi
sapat para makapagsalita. My heart beats for that voice.

"Doctor Smith, t-there's a vital sign.." Hindi makapaniwala ang boses ng humawak sa
pulso ko.

"Raeven.." May tumawag sa aking pangalan.


Samu't saring tunog ang narinig ko hanggang sa unti-unti kong nagalaw ang daliri
ko. Hindi pa din ako makadilat pero naramdaman ko ang pag-galaw ng mga labi ko.

"Don't tell. Deuce." Yun ang huling namutawi sa labi ko bago ako mawalan ng malay.

/>

"Hindi ba? Hindi ba ikaw ang nagsabi na wag sasabihin sa kanya? For him you are
dead Raeven, hindi ka na nya kayang saktan! Bakit lumalapit ka ulit?" Ginulo ni
Martin ang kanyang buhok.

"Because if I won't, he will live in guilt, Martin. Pinili kong magtago dahil gusto
kong bumitaw sya sa akin. Akala ko na mas mabuting hindi na nya maisip na may
responsibilidad sya sa akin. Pero nagkamali ako, naiwan sya doon sa panahong akala
nya namatay ako. Kailangan ko syang kunin at tulungang magpatuloy kahit hindi nya
alam na ako si Raeven."

"Hindi ka ba napapagod magpanggap? This is not you! Your hair, your eyes!
Pinapalitan mo pa ng kulay. Are you really sure that it's you he needs to heal?"

Pinalitan ko ang lahat, i underwent stroma surgery to change my eye color. I cut my
hair short, kinaibigan ko si Jolina na nakilala ko si Singapore kung saan ako
nagpapagamot. Hiniling kong kausapin nya ako dahil gusto kong mag-iba ako. I want a
360 degree-change, yung hindi magdududa si Deuce na ako si Raeven.

"Kahit hindi ako ang tamang tao, susubukan ko. At least I could take away the
guilt. Kahit yun lang, magawa ko para sa kanya at kay Attorney Hades." Nag-iwas ako
ng tingin.

Attorney Hades saved my life. Noong araw na inakala ni Deuce na namatay ako,
nandoon sya sa ospital para kausapin sana si Ysobelle na kunin ang katawan ko para
paglamayan ni Deuce, Ysobelle told him that Im alive. Ilang beses na nya akong
kinausap para magpakita kay Deuce pero hindi ako pumayag lalo na noong proseso pa
ng pag-gagamot ko. I don't want Deuce to get involve with my sickness. Alam ko ang
burden ang pag-aalaga ng taong mayroong karamdaman, I don't want him to limit
himself, I don't want him to rely his future decisions on me. Gusto kong mamuhay
sya ng normal.
"Masasaktan ka ulit dahil magmamahal sya ng iba at nandoon ka lang habang
pinapanood sya." Napailing si Martin. My hands balled into fist. Titiisin ko. I
know what I did, I will stand by my decisions.

"Tutupad lang ako sa pangako ko kay Attorney Hades na tulungan si Deuce sa


pagbangon, pagkatapos sasabihin ko kay Deuce na naging diamond na ako." Seryoso
kong sabi.

"Diamond?" Kumunot ang noo ni Martin.

"Ang pinakamataas na posisyon sa networking." Ngumisi ako kay Martin at mas lalo
syang napailing sa biro ko.

"What if you fall inlove again?" Seryoso akong tiningnan ni Martin. Umupo ako sa
sofa ni Jolina at kinagat ang pang-ibabang labi ko. I can't fall inlove again
because I still do. Hindi nawala sa akin ang pakiramdam.

"Titiisin ko."

"What if he fall inlove with the identity you are making up? It's not you, Raeven."

Tumahimik ako. Hindi ko alam ang sagot..

=================

Part 2.5

Dahilan.
xxDalisayxx

Umalis si Martin sa apartment ni Jolina dahil hindi ko nasagot ang kanyang huling
tanong.

Paano nga kaya kung mahalin ni Deuce ang bagong pagkatao ko? Hindi pupwede hindi
ba?

Dahil si Dalisay ay hindi totoo.

Si Dalisay nabubuhay lang para tulungan syang umahon.

Si Dalisay ay ako. Ang taong inakala nyang patay na.

I really don't have any plans of showing up again. Two months ago, nag-iintay ako
ng resulta kung nalabanan ko ba ang cancer cells sa katawan ko. But I was ready. I
was hoping that by this time Deuce is already happy and I could die easily. Sapat
na ang tatlong taon para makuha si Clover o kung hindi naman, sapat na ito para
makahanap ng bago nyang mamahalin.

Ayoko syang matali sa responsibilidad sa akin. If he wanted to catch the love of


his life, he should be free to do it. Hindi ako kumapit sa maliit na posibilidad ng
pangako nya noon. He knows I love him, I know he felt it. At sinabi nya ding mahal
nya ako para may kapitan ako, para lumaban ako.

Mahal nya ako dahil may sakit ako.

Mahal nya ako kasi nakakaawa ako.

Mahal nya ako para may panghahawakan akong pag-asa na lumaban.

I don't want to be selfish. Alam kong mas lalo syang matatagalan na kunin ang
babaeng pinapangarap nya kung ginawa ko syang bilanggo sa kalagayan ko. Mamatay din
naman ako sa huli,

bakit ko pa sya itatali sa buhay ko? Life is so short, I know that. We have to live
chasing what we want as much as possible. That time, I want Deuce but I know my
deadline, I was left with one choice, to sacrifice my own happiness.
Siguro kung magmamahal man sya ng iba kapag wala na ako, hindi na ako masasaktan
kasi hindi ko na makikita. That was my thinking...

Kaya lang kapag ngayon sya magmamahal ng iba, makikita ko pa pala. Masasaktan pala
ako ulit. Hindi ko alam kung kaya ko.

Bumagsak ang balikat ko sa isiping iyon. Ipinahinga ko ang likod ko sa matigas na


upuan ni Jolina. Dito ako tumitira kapag nandito ako sa Pilipinas. Ayaw kong
manirahan kya Martin o kahit pa sa bahay na iniaalok ni Attorney Hades sa akin.
Sobra sobra na ang naitulong nilang dalawa sa akin at kay Ysobelle.

Ang apartment ni Jolina ay kasya lang para sa aming dalawa na may tig-isang kwarto.
Tiningala ko ang kulay dilaw na light bulb sa kisame. Nakasabit lang ito ng hindi
maayos at sumasayaw kasabay ng pag-ikot ng electric fan. This place saw everything
about my comeback. Sa lugar na ito, pinakiusapan ako ni Attorney Hades na bumalik
dahil miserable si Deuce, noong una ayaw kong maniwala na iyon ay dahil sa akin.

Bumagsak ang ilang bahagi ng buhok sa aking mukha at hinipan ko ito ng hangin para
umangat. Napatingin ako sa mga lobo na nakatali sa arm rest ng sofa na aking
hinihigaan, naalala ko si Deuce.

Ang mukha nya kung paano yakapin ang urn na akala nya

ay naglalaman ng abo ko. He's really guilty kahit wala naman syang kahit anong
kasalanan. Kung ano mang guilt ang meron sya ngayon, doble ang nasa akin. Niloloko
ko sya at hindi ko na alam kung lalakad ba ako pabalik o pasulong. Maybe I am not
helping him and I am digging a more shallow pain in his heart. Marahil kapag
nalaman nyang malusog ako, magagalit sya dahil ikinulong ko sya sa pagsisisi sa
loob ng tatlong taon.

"Magpagaling ka para kay Deuce.." Mahina ang boses ni Attorney Hades habang nakaupo
sya sa gilid ng kama ko. Kakatapos lang ng chemo therapy session ko and I am too
weak to talk. Every hope in me vanished. Dalawang taon na treatment at wala pa ding
nangyayari.

Umiling ako, "Hindi na po ako gagaling.."

"Umaaasa sya sayo. Mahal ka nya Raeven.."

"Kung yan ang sinasabi nya, pwes tulungan nyo syang magmahal ng iba. Wag kayong
titigil hangga't hindi nyo nakikitang totoong masaya na sya."

"Ikaw ang gusto ng anak ko!" Tumayo si Attorney Hades at tumingin sa bintana. Hirap
syang maglakad pero pinilit nyang magtungo sa Amerika para tiyakin na nagagamot
akong mabuti. He's fighting for my life too. Para kay Deuce.

"Hindi pupwedeng ako. Mamamatay na ako, Attorney." Pinalis ko ang luha ko at


pahigang tumalikod sa kanya.

Hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako. I had a good fight. Hindi ko alam
na posible pang mabuhay ako. If I just had hope, I would have held on to Deuce.

But

hope and selflessness is conflicting. You cannot do both. If I had hope, I will be
selfish. Panghahawakan ko ang bagay na hindi ko mapapanindigan. I can be gone along
the process, I could have stolen his time.

Tumayo ako at kinuha ang sling bag na dala ko kanina at umaktong papalabas. Hindi
ko matiis, I should apologize and he should know the truth.

Nasalubong ko si Jolina sa may pintuan at nagtataka akong tiningnan.

"Saan ka pupunta? Masyado mong ipinamumuhay ang buhay ni Dora the Explorer ha."
Sita nya sa akin.

"Magpapahangin lang ako, Jo.."

Hindi ko na inintay ang susunod na sasabihin ni Jolina. Sumakay agad ako ng pedicab
para ihatid ako sa sakayan ng tren. Sari sari ang gumugulo sa utak ko. Simula sa
komplikadong pagbabalik ko at ang pagpapanggap. Gusto ko na lang mawala at huminto
pero hindi ko magawang iwan si Deuce. It's not just him that I care about, I am
slowly drifting to selflessness. I now have hope. I want to hope then I will be
selfish. His presence is so addicting, ang lahat ng mga bagay na may kinalaman sa
kanya ang ayaw ko na bitawan.

Nakarating ako sa condo ni Deuce, binati pa ako ng gwardiya pagkakita sa akin at


hindi na nagtanong.I am not sure if he thinks I am who I am.

Tumayo ako sa harap ng pintuan ni Deuce. Imbes na pumasok ng tuluyan dahil mayroon
akong keycard dito, pinindot ko ang doorbell, ilang saglit pa, niluwa na sya ng
pintuan. He's in his boxers at walang kahit anong
pang-itaas. Napalunok ako at nilipat ko na lang ang tingin sa mukha nya.

"Anong ginagawa mo dito?" Iritableng tanong nya. Bumukas ang bibig ko para sana
magsalita pero naging pagsinghap lamang ito.

I lose it. I missed him. I missed his touch so much and I don't want to care
anymore!

Sinalubong ko sya ng yakap. Kumapit ako sa kanyang tyan. Hinayaan ko ang sarili
kong lumuha ng marami. Hinayaan ko ang aking sarili na dumikit sa kanyang balat ng
husto. Namiss ko ang init na dala ng katawan nya. This has reminded me where I
belong. It reminded me who owns me. I cried every tear, buong pagsisisi na sana
wala akong pinakawalan, sana wala akong sinayang.

Unti unti kong naramdaman ang paghagod ni Deuce sa aking likod.

"What's wrong?" May bahid ng pag-aalala sa kanyang tono. Everything was gray. Hindi
ko alam ang gagawin ko. I just want to tell him who I am to end the guilt and let
him be mad at me. Siguro mas madali yon.

Huminga ako ng malalim. Nakita ko ang mga mata ni Deuce na naawa sa akin. Hinila
nya ako sa pulsuhan at dinala sa kanyang sofa. Hinawi nya ang buhok kong sumaboy sa
mukha ko at dinikit dikit ng mga luha.

"Sinaktan ka ba ni Jojo?" Seryosong tanong nya. Kumunot ang noo ko. Why is he
thinking about Jojo this time?

"Hindi ko naman sya masisisi kung maiinsecure sya sa akin kasi ang pangit pangit
nya. Exotic din ang taste mo no? Kakaiba."

Matalim ko syang tiningnan pero napangiti sya

at maya maya pa ay mahinang tumawa "Pinapatawa lang kita. Kumain ka na?"

Umiling ako.
"Mabuti naman. Hindi kasi kita aalukin."

Sinugod ko syang muli ng yakap sa bewang, naramdaman ko ang pagpipigil nya ng


hininga. Unti unting naging banayad ang kanyang pagkilos, siguro hindi nya alam ang
gagawin kung hahawakan nya ba ako o hindi,but he ended up pulling me closer, ramdam
ko ang higpit ng yakap nya sa akin. Miss na miss ko na si Deuce.

His breathing became rigid, nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakapikit sya.
Ilang sandali pa nanatili kaming ganoon hanggang sa unti unting lumuwag ang
pagkakayakap nya.

"Ano ba Dalisay? Nakakarami ka na ah.." Reklamo nya. I am smiling in the verge of


tears. He can make me feel better. Paano ko natiis ang taong ito? Paano ko piniling
malayo sa gamot ko? Paano ko piniling saktan ang sarili ko at hindi naisip na
masasaktan ko din sya.

How dare I am to think what's the best for both of us?

I could have hoped, I should have faith in him simula una pa lang. Sinabi nyang sa
kanya lang ang tingin, sana naniwala ako. Sana nagtiwala ako. Sana ang wala ng
lahat ng ito at ang matitira ay sya lang at ako.

"Pagod ako." Bulong ko. Inilayo ni Deuce ang sarili nya sa akin at pinakatitigan
ako.

"At

ano? Gusto mong pagsilbihan kita?" Naiinis na tanong nya. I shook my head.

"Pwedeng dito muna ako?"

"Hindi pwede!" Mabilis nyang sagot. Malungkot akong ngumiti at tumango. For him I
am a stranger. It won't matter if I am sad. He shouldn't care for me.

Tumayo ako at lumapit sa kanyang pintuan. Babalik na lang ako sa apartment ni


Jolina.

"S-saan ka pupunta? Babalik ka ba sa Jojo na yon? Dumito ka muna."

Nagkaron ako muli ng pag-asa. Ayaw nya akong umalis.

"Pwede?" Paniniyak ko.


"Paulit ulit?" Naiinis na naman na tanong nya. Bumalik ako doon sa sofa nya. Tumayo
sya at nagtungo sa kwarto nya, pagbalik nya nakasuot na sya ng puting tshirt at
jogger pants.

Inabutan nya din ako ng puting tshirt para siguro suotin.

"Lalabhan mo ang lahat ng ginagamit mo sa tirahan ko okay?"

Tumango tango ako at pinunasan ang natira pang luha sa mukha ko.

"A-ano ba ang gusto mong kainin?" Alanganing tanong niya at nandoon na agad sya sa
kusina. Ngumiti ako sa kanya at umiling. Sapat na ito, malapit ako sa kanya at
hindi nya ako masyadong pinagtatabuyan. Medyo lang.

"Ayoko ng madaldal. Hay! Bakit ba tuwing malapit ka sa akin, kailangan ko pang


sabihin yon? Bakit hindi ka na lang maging matahimik para masaya ang mundo?" He
asked. Napangiti ako. Kunyari galit ulit sya. Abala sya sa paghahalungkat ng kung
ano sa ref nya.

"Gusto mo ako na ang magluto?" Alok ko.

"Hindi na, baka sumakit pa ang tyan ko. Magpahinga ka na, masyado ka kasing malikot
kanina kaya siguro napagod ka." Sabi nya nang hindi tumitingin.

Dumiretso ako sa kwarto nya para magpalit ng damit. Umabot sa tuhod ko ang puti
nyang tshirt. Hinagod ko ang aking buhok dahil humahaba na ang aking bangs,
pagkalabas ko, nakita ko si Deuce na abala sa paghihiwa ng mga sangkap. Lumapit ako
sa kanya at kumuha din

ng sariling chopping board at kutsilyo. Sa tingin ko doon sa mga sangkap, gusto nya
ng sinigang. Paborito nya pa din pala hanggang ngayon.

Nagpatuloy si Deuce kahit lumapit ako sa kanya. Hindi din ako nagsalita kagaya ng
kagustuhan nya. Hindi nga ako tumitingin dahil baka mainis syang muli.

"Aw!" Nagulat ako kay Deuce na nakatingin sa daliri nya na mayroong dugo, agad
akong kumuha ng kitchen towel para tulungan sya. Nakangiwi sya. Mababa ang
tolerance ni Deuce sa pain kaya nag-alala ako.

Nagmadali akong magtungo sa lalagyan ng medicine kit nya na nakalagay doon sa


katabi ng pantry supplies. Nakita ko doon ang alcohol at bandage, binalikan ko si
Deuce at iniangat muli ang daliri nya.

"Tumingin ka sa mga mata ko." Sabi ko sa kanya. Hindi sya kumilos, pagkakita ko sa
kanya, nakatingin na talaga sya sa akin, hindi ko mabasa ang ekspresyon nya.
Pinakawalan ko ang kanyang daliri at may umagos na naman na dugo mula roon.

"M-medyo masakit." Naiilang na sabi ko. Binuhusan ko yon ng alcohol, he didn't even
flinched. Tiningnan ko sya at nakatingin pa din sya sa akin.

"Okay na ba?" Nag-aalala kong tanong. Tipid syang tumango. "Ako na lang ang
magpapatuloy. Sinigang ba ang sinusubukan mong lutuin? Ako na." Sabi ko sa kanya.
Nagtungo

sya sa sofa nya at tahimik na umupo doon. Wala na syang sinabi hanggang sa makaluto
ako.

Inaya ko sya papalapit sa lamesa nang makapaghanda na ako ng pagkain. Nailagay ko


na ang mga plato at baso sa lamesa, sa gitna naman ang ulam at kanin. Umupo na din
si Deuce doon sa upuan na kaharap ko. Kinakabahan ako sa katahimikan, lalo na ng
sumubo sya ng pagkain. Tinitigan nya ako ng mataman at kumunot ang noo nya.

"Kapag sumakit ang tyan mo, wag mo akong ipapakulong ha." Nakangiting sabi ko para
ikubli ang kaba. Napailing sya at ipinagpatuloy ang pagkain ng tahimik. Madami
syang nakain, hindi ko naman nagalaw ang sa akin.

Bakit bigla syang natahimik?

Mukhang nasiyahan naman sya sa kinain nya.

Nahulog din ako sa pag-iisip kung bakit nagbago ang mood nya, iniisip kung may
nagawa ba akong mali. Hindi na ako nakapagtanong dahil tumalikod na si Deuce
pagkatapos nyang kumain.

Ako na din ang naghugas ng pinagkainan namin. Pagharap ko doon sa sitting room,
nandoon na din si Deuce at may bitbit na mga unan.

"You will sleep here." Sabi nya ng seryoso. Tumango ako. Hindi ko naman inaasahan
na tatabi ako sa kanya ngayon.

Pinatay

ni Deuce ang mga ilaw sa salas at ang tanging itinira nya ay ang lampshade
pagkatapos ay tahimik na pumasok sa kanyang silid. Nang wala na akong marinig na
kahit anong ingay, nahulog na din ako sa antok at nakatulog na ng tuluyan.

-----
xxDeucexx

At first it's cute. It's funny. Pero habang tumatagal iisa lang ang naalala ko.
Siya.

Bawat pagkilos, ang paraan ng pag-aalala, pati ang mga gamit na hindi ko alam kung
nasaan--alam nya. Ang luto nya ng paborito kong pagkain.

Siya.

Huminga ako ng malalim at sinilip kung nakatulog na ba si Dalisay. Her breathing is


peaceful. Malalim na syang nahihimbing. Kinuha ko ang telepono ko at binuksan ang
veranda ng aking pad. Dinial ang numero ng makakatulong sa akin.

"Agent Yushima, please investigate Dalisay Bituin Madlangsakay. Saan sya nanggaling
at kahit anong may kinalaman sa kanya." Sabi ko sa kabilang linya.

"Yes Attorney." Sagot sa akin sa kabilang linya. Yun lang at pinatay ko na ang
tawag.

Sino ka ba talaga Dalisay? Hindi ako naniniwalang wala kang kinalaman sa kanya.

Matagal na akong hindi naniniwala sa pagkakataon.

Ang bawat pag-alis ay may dahilan, ang bawat pagdating ay may pinupuntahan.

You went straight to me like a fallen angel. But a devil will always know where you
came from.
=================

Part 2.6

Bitiw.

xxDeucexx

Naging mahimbing ang pagtulog ko, hindi ko alam kung bakit ganon. I thought I heard
the angels sung me a lullaby last night. Gusto ko pa sanang pumikit muli but I
smelled bacon and eggs from the outside.

Ang bango.. Mabilis akong bumangon pero natigilan din ako nang may mapagtanto.

Oh sht, Dalisay is here.

Napahilamos ako ng aking mukha. I still have issues with Dalisay. Hindi ako dapat
magtiwala sa kanya but I am letting her use my freaking kitchen!

May mga pumasok na posibilidad sa isip ko but there's only one thing that is
possible and realistic.

Maybe someone is using her to plot something against me. That they copied Raeven's
face to get my attention and then what?

I don't know. Sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip!

Hindi ko sya maaring pagbintangan ng ganun ganun na lang dahil kahit saang korte ko
dalhin, she's innocent until proven guilty. I have to wait for Yushima's feedback,
mula doon, saka na ako magdedesisyon.

Mahihinang katok ang kumuha sa atensyon ko, bumukas din ang pinto pagkatapos ng
tatlong katok at niluwa noon si Dalisay.

"Good morning Attorney Pogi! Breakfast is ready!" Maligayang pagbati ni Dalisay sa


akin. Nag-iwas ako ng tingin. Kapag nalaman ko talagang may binabalak sya sa aking
masama, hindi ako titigil hangga't hindi naipapakulong ang kahuli-hulihang kamag-
anak nya below 18 years old.

Nakita ko sa peripheral

vision ko ang paghakbang ni Dalisay patungo sa akin. Her hair is in messy bun.
Damn, she looks good on my shirt. Umupo sya sa tabi ko, hindi ako nakahinga,
pakiramdam ko sinisiksik nya ako kahit hindi naman ako nasisikipan.

"Deuce.." She whispered. Her voice is small and enticing, parang ang sarap tikman
ng boses na yon. Argh! Ano ba? Bakit tikman? Hindi naman nakakakagat ang boses!

Dalisay bit her lower lip while she moved her leg up and down. Parang kinakabahan
sya but her face remained emotionless.

Her right leg brushed my left leg. King ina, kinilabutan ako!

"Deuce.." Ulit nya sa mas malambing na boses. I grabbed my robe and covered myself
as if my jogger pants isn't enough.

Ano bang nangyayari sa akin? Ang init!

"Bakit ka ba tawag ng tawag sa pangalan ko?! Nakakainis na ah!" Sabi ko sabay takbo
sa bathroom.

Tsk, napapaisip ako habang nagsa-shower. Dapat lumayo ako kay Dalisay. Kung ganito
ng ganito na naiimagine ko na sya si Raeven, baka ako pa ang kasuhan nya ng sexual
harrassment!

Pumikit ako at dinama ang malamig na tubig na dumadaloy sa balat ko. I just missed
Raeven, that's it. If someone is tricking me with Dalisay, Fck! It will probably
work because I badly miss my wife!

Nagtagal ako ng husto sa bathroom. Sana ay umalis na si Dalisay, kung mayroon syang
impormasyong kinukuha sa akin I bet nakuha naman na nya at makakaalis na sya. Hindi
yung ganitong ginugulo nya pa ako!

I finished my shower

longer than usual. Nagsalubong ang kilay ko ng makita ko si Dalisay na hawak hawak
ang urn ni Raeven at seryosong tinititigan ito.

Dammit! What is she doing?

"Anong ginagawa mo?!" Matigas na tanong ko. I saw Dalisay's shoulder flinched,
masyadong mataas ang balikat nya kaya kitang kita ko kung paano nya nabitawan ang
urn dala ng pagkagulat. Hindi agad ako nakahinga at ang tunog ng matinis na
pagkabagsak ang syang nagpatahimik sa akin.

Puta?!
Dalisay looked at me horrified. Pagkatapos ay bumaba ang tingin nya doon sa urn na
nagkalat na sa sahig, dumami ito dahil naging maliliit na bubog! Mabilis syang
lumuhod at tinipon sa kamay nya ang abo. Nanginginig ang palad nya.

"Dalisay!" Sigaw ko sa kanya na punong puno ng galit.

Raeven's remains scattered on the floor and it breaks my heart! Para syang itinapon
at binalewala, para bang hindi inirespeto ang alaala nya! Pinagsisishan ko na
tinanggal ko ang ang wood casing ng urn ni Raeven, kung sana nandoon iyon, sana
hindi nabasag!

Lumapit ako pero hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin. Pilit na pinagsasama
sama ni Dalisay ang mga abo kahit na pumapatak na din ang dugo sa kanyang kamay
dahil sa mga bubog.

"Achoo!" Lalo akong nainis ng bumahing si Dalisay at mas nagkalat pa ang abo.

Hinila ko sya sa pulso.

"D-deuce, a-aray.." She complained. I gritted my teeth. Hindi ko gawaing manakit ng


babae pero gustong gusto ko syang saktan ngayon.

"Alam

mo ba kung ano ang tinapon mo? Alam mo ba!" Nanggigigil na tanong ko.

Her eyes began to water, agad namula ang kanyang mata at ilong.

"Sorry... A-achoo!" Di nya talaga mapigilan ang pagbahing. Hindi ko iyon pinansin.
Ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko ngayon.

"That." Tinuro ko ang urn na nabasag, "That is my life." Madiin kong sabi.

"Hindi mo alam kung anong alaala ang sinira mo, Dalisay. That is Raeven's body!"
Puno ng frustration na sigaw ko. Gods, how can I explain it to her? Para sa kanya,
abo lang ito but, no. For me, this is my life, this is what I am clinging on to!
Nakatingin lang sa akin si Dalisay at tahimik na lumuluha. Umiwas ako ng tingin. I
am beginning to picture Raeven in her again!

"Hindi ko naman sinasadya, nagulat lang ako.." Humihikbi na sabi nya. She sounded
like a kid at mas lalo akong nahirapan na maglit sa kanya.

"Nagulat! Nagulat ka lang? Itinapon mo ang alaala ng babaeng mahal ko! Ano ba
talaga ang ginagawa mo dito? Sumulpot ka noong nananahimik ako. When everything is
in order, you just start ruining it for me! Hindi ka nakakatulong! Alam mo ba yon?
You are nothing but a nuisance!" I want her to feel every word. Every
disappointments. Every pain.

Mas lalong bumilis ang pag-agos ng luha nya. Binitawan ko ang pulso nya ng padabog,
napasinghap sya sa ginawa ko.

"You are trying to bend me til I break Dalisay. You are consuming every patience I
have when I don't have much. Get out of my sight baka kung ano pa ang magawa ko
sayo.

Wag ka ng babalik!" Sigaw ko.

Isang matalim na titig ang binigay sa akin ni Dalisay doon sa huling sinabi ko. Her
redness is at full extent. Kumuyom ang kamao nya at hinampas nya pa ako ng isang
beses sa dibdib.

"Ang sama mo talaga! Dahil lang sa abo nagagalit ka sa akin! Hindi dyan nakadepende
ang buhay mo. May sarili kang lungs kaya wag kang maarte. Tama lang na nangyari yan
para bumitiw ka na dyan at simulang tumingin sa mga may buhay at gumagalaw! Dahil
sa abo na yan, hindi ka na kumikilos, binabantayan mo sya na para syang aalis kahit
hindi naman! Kinakausap mo sya kahit hindi sya sumasagot. Nakakaligtaan mo na ang
mga dapat mong kausapin. Ang mga kaibigan mo, ang katrabaho, ang kapamilya,
inaaksaya mo ang oras mo na makasama ang mga taong dapat mong makasama dahil
kumakapit ka sa isang bagay na wala namang halaga!"

"Aba't----"

"Wala kang pinagbago! Salbahe!Sungit!" Sigaw nya at tumalikod na sya sa akin.

Natigilan ako at nagulat sa inasta nya.

Pasimple ko pa syang sinilip mula sa kwarto ko at nakita kong kinuha nya lang ang
kanyang sling bag, jacket at rubber shoes. Lumabas sya ng pad ko na tanging tshirt
ko lang ang suot. Gusto ko sana syang pigilan pero syempre galit ako sa kanya.

Wala na akong pakialam!

Dammit! Naiwan ako sa pad ko na gulong gulo.

Ilang minuto kong tinitigan ang abo ni Raeven. Hindi ko magawang walisin ito na
parang ordinaryong alikabok. These are Raeven's parts! Ang kinakausap ko araw araw.
Napagdesisyunan kong ipunin

ang abo at ilagay ito sa empty jar. Napabuntong hininga ako habang ginagawa ito.

"Baby, Im sorry. Maling mali talaga na pinapasok ko yung Dalisay na yon eh. Kita mo
ang ginawa sayo. Inihulog ka nya at ikinalat."
Nanatili lang ako ng araw na iyon sa pad ko. I felt a hole in my heart, hindi ko
alam kung sa pagkakabasag ba ng urn ni Raeven o dahil sa walang kwentang sinabi ni
Dalisay.

Tngina, wala kasing kwenta ang sinabi nya pero may punto.

Niyakap ko ang maliit na jar na mayroong laman ng abo ni Raeven, an idea popped in
my head but I am still not decided to go for it. Hindi madaling magparaya ng bagay
na nakasanayan mo na. Hirap na hirap nga akong makalimot, magpakawala pa kaya?

"No Baby, dito ka lang sa akin." I kissed the jar and let myself fall asleep.

Ang mga sumunod na araw, naging matahimik nga ang buhay ko. Walang Dalisay ang
gumulo sa akin. Hindi ko lang alam kung ano ang na-develop ko na pakiramdam, tuwing
may nagdodoorbell kasi inihahanda ko na ang pagsimangot ko dahil iniisip kong si
Dalisay ang nasa labas ng pinto pero kapag nakita kong hindi, imbes na mapanatag
ako, mas lalo akong naiinis at parang nadidismaya pa. Palagay ko ay hindi pa tapos
ang galit ko sa kanya.

**Ding Dong

Binaba ko agad ang hawak kong plato mula sa sink at halos patakbo na nagtungo sa
pinto. Kagaya ng nakagawian, nakasimangot ulit ako, just in case it is Dalisay at
my door.

"Biyernes Santo ah." Nakangisi si Clover sa tapat ng pinto

ko. Hindi na ako nagulat, lagi naman nila akong pinupuntahan dito ng asawa nya.

"Im sorry.." Sambit ko. Niluwangan ko ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok si
Clover.

"Kamusta ang pagtatanim natin ng kamote?" Biro nya sabay higa doon sa sofa ko at
yakap ng isang unan.

"Im not in the mood for your jokes." Hindi ko nilingon si Clover at dumiretso muli
sa sink para ipagpatuloy ang ginagawa.

"Ikaw naman! Ikaw na nga ang dinalaw tapos parang galit pa! Inaano ka ba? Hindi ka
man lang nagbigay pugay sa kagandahan ko eh. Bastos ka talaga!"

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko na lang.

"Kasama ko si Ashton, nandyan sya sa baba, kameeting nya yung client nya na dito
din nakatira." Sabi nya habang bumabalik sa pagkakaupo.

"Ayos ah, bantay sarado.." Panunuya ko sa kanya habang nagpupunas ng kamay. Umismid
lang sya at humalukipkip.

"Tch, Isinama nya ako kasi lagi nyang namimiss ang alindog ko." Aniya, ilang
sandali pa, sumeryoso ang mukha ni Clover at tinitigan ako ng mataman. "Kamusta na
Deuce?" She asked, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

I smiled sadly.

"Ganoon pa din. Namimiss sya."

"Deuce ha, hindi na maganda sa kalusugan yan. Ayos lang naman na mahalin mo sya
pero yung tumigil ang mundo mo dahil lang wala na sya, that is so wrong. Tingnan mo
ang itsura mo, para kang buhok na tinubuan ng katawan. Kaunti na lang iisipin kong
fur ball ka, o di kaya buhok sa kili-kili ng gorilya. Yung skin mo parang props

na lang sa buong pagkatao mo. Yung kilay mo, may side bangs na, pwede mo na ipa-
rebond yan. Gusto mo i-dreadlocks ko yang bigote mo para reggae ang feels? Uso yon
dahil summer." Dire-diretso nyang sabi.

Hindi ko na napigilan ang matawa. "Walanjo! Bumalik ka na nga sa asawa mo!"

"Susunduin daw nya ako dito pagtapos na sya." Ngumisi si Clover.

**Ding dong

"O ayan na ata, namiss agad ako."

Natigil kami mula sa kwentuhan ng tumunog ang doorbell. Ako ang unang lumapit sa
pinto. Malamang si Ashton na yan at sinusundo si Clover. When Clover and her
husband got married again, we've been in good terms, yun nga lang, wala talaga ako
sa mood para lumabas simula ng mawala sa akin si Raeven.

Nagulat ako ng makita si Dalisay sa harap ng pinto ko. She's wearing a blue and
white polo shirt in pants and white sneakers. Nakasuot sya ng baseball cap pero
kitang kita ang mukha nya noong nag-angat sya ng tingin.

"Deuce, sino yan?" Tumayo si Clover at naglakad papalapit sa akin. Nakatuon lang
ako ngayon kay Dalisay na parang inuusig ako ng tingin. Malungkot ang mga mata nya
at namumula na naman ang kanyang ilong.

"B-billing po ng tubig nyo, Sir." Hindi na inantay ni Dalisay na makuha ko ang


sobre sa mga kamay nya dahil inihampas nya yon sa dibdib ko pagkatapos tumalikod na
sya papalayo.
"Ang taray naman ng collector ng Maynilad." Puna ni Clover na nakatingin din kay
Dalisay na papalayo.

Nang gabing yon, aaminin ko na, hindi ako pinatulog ni Dalisay. Pakiramdam

ko, may malaki akong kasalanan sa kanya, hindi ko lang mapunto kung ano.

Argh! Bakit ba sya ganon tumingin? Nagbibigay lang naman sya ng billing ng tubig
pero bakit nagulat pa sya na ako ang humarap sa kanya? Alam naman nyang dito ako
nakatira ah! Dapat aawayin ko pa sya kaya lang tumalikod na sya.

Huminga ako ng malalim at doon ko naalala ang huling sinabi ni Dalisay. Hindi ako
ang namatay. Nabubuhay pa ako. Baka yun naman ang ikinagagalit nya, dahil ba nakita
nya ako na hindi nag-aayos ng sarili at hindi nakinig sa sinabi nya kaya sya galit?

Teka, ano naman sa kanya? Concerned?

Kinuha ko ang jar sa side table ko, I sighed.

"Hindi ko alam kung kaya ko, Baby. I know, my time is up the moment that you left.
Hindi ko na maaring ipadama sayo yung love ko sayo. Nabigyan ako ng pagkakataon
pero sinayang ko. I hate to admit it but Dalisay is right, you won't feel my love
anymore kasi wala ka na dito.."

Niyakap ko ang jar hanggang sa makatulog ako. This is the last closest encounter
with Raeven, because tomorrow, I choose to let go.

Maaga akong nagising ng araw na yon. Nagshower akong mabuti, I shaved and I called
Joel, my personal barber to cut my hair. Humarap ako sa salamin, siniguro kong
maayos na polo ang suot ko at plantsado ang pantalon. Kinuha ko ang jar ni Raeven
at bago ko binuksan ang pinto, pinaikot ko muna ang jar doon sa palibot ng pad ko.

"Baby, say goodbye to our place." I felt a lump on my throat. Ramdam ko ang
pagtanggi ng sistema ko sa gagawin ko pero

hindi ko din maikakaila na I have to do this not only for Raeven but for myself
too.

Nagmaneho ako patungo sa isang subdivision, pinarada ko ang sasakyan ko sa harapan


ng puting gate. Kinuha ko ang susi ko at sinusian ang padlock na nagdudugtong sa
makapal na kadena.

Umihip ang hangin habang pinagmamasdan ko ang paligid. Kagaya pa din ito ng dati.
Nandito pa din ang mga damo, ang slide at ang swing, mayroong malaking puno sa
magkabilang gilid na naging lilim ng buong lugar.
"Naaalala mo ba ang lugar na to, Babe?" Panimula ko.

"Dito mo ako sinagot." Ngumiti ako ng mapait habang inaalala kung paano ako
nagtatatalon noong araw na yon. "Pinangako ko sayo na magpapayaman ako para mabili
ko to. Ito na. Kahit hindi ibinebenta, nabili ko kasi naging kliyente ni Daddy ang
developer nito. Ireregalo ko sana ito sayo nung araw ng kasal natin pero umalis
ka.."

Pinunasan ko ang pumatak na luha sa aking pisngi "Dito mo din sinubukang hiwalayan
ako kasi nagsinungaling ako at nagselos ka.. Hindi nangyari yon dahil pinakasalan
kita agad nung araw na yon. Takot na takot kasi akong mawala ka. Iba ang naramdaman
ko nung araw na yon, pakiramdam ko, desidido ka talaga na iwanan ako.." Suminghap
ako. Naglakad ako papalapit sa swing kung saan ako mismo sinagot ni Raeven. Umupo
ako doon.

"Kaya pinakasalan kita. Akala mo hindi rehistrado pero ipinarehistro ko. Kasi Baby,
gusto kong magpatali sayo non. Gustong gusto ko talaga na ako lang, ganoon kita
kamahal. Handa kong ibigay sayo ang lahat lahat ng meron ako.

Nakita ko kasi sayo na mahal mo ako bilang ako, hindi bilang si Attorney Deuce
Montemayor. Pinagtyagaan mo ako nung bobo pa ako, minahal, inalagaan ng sobra sobra
kaya dumepende ako sayo----" Ramdam ko ang paninikip ng dibdib kaya huminga ako ng
malalim. Hindi nakatulong iyon dahil may panibagong yugto na naman ng luha ang
pumatak sa mga mata ko.

"Pero umalis ka naman. Nung bumalik ka, gusto kitang gantihan. Gusto kong ipamukha
sayo na kaya kong mag-isa, kaya ko kahit wala ka. But you know what? Nasanay lang
ako na wala ka, I just survived because that's the only choice that was left for
me. Kailangan kong magpatuloy. Yun lang. Iba pa din kapag nandito ka, mas masaya."

Naalala ko ang pagtatyaga sa akin ni Raeven noon, halos wala syang tulog basta
maireview nya lang ako. Hindi nya nakakalimutan na paalalahanan ako na maging
mabait. Kaya noong umalis sya, ginawa ko ang lahat ng kabaliktaran, lahat ng ayaw
nyang gawin ko ang syang ginawa ko at ngayon, nagsisisi ako ng husto na ipinadama
ko sa kanya ang pagbabago kong yon.

"Hindi pa nga ako nakakabawi sayo, kinuha ka na agad. Ito lang abo mo ang
pinanghahawakan ko eh. Ayoko sanang bitawan kaya lang parang ikaw naman ang
humihiwalay na sa akin. Lumabas ka sa urn mo."

Tumayo ako sa gitna ng park.

"Dito kita iiwan, dito ka magpaikot ikot, Baby.. Sayo kasi tong park na to.. Ikaw
na ang magbabantay. Lagi din akong magpupunta dito, kasi kapag nandoon ka sa pad
ko, hindi na ako nakakalabas. At least kapag nandito, alam ko kung saan kita
pupuntahan. Babalikan ko ang alaala nating dalawa."

Binuksan ko ang jar at dahan dahang isinaboy yon sa palibot ng park at mabilis
naman itong hinahangin.
"I love you, Baby.." Nanginig ang boses ko, ang hirap sa pakiramdam na pakawalan si
Raeven dahil kung ako ang papipiliin, hindi ko ito gagawin.

Ilang sandali pa akong nanatili sa park bago tuluyang lisanin ang lugar na iyon.
Pinapadlock ko na muli ang gate ng may mahagip ang aking paningin.

"Dalisay?" Hindi pa sya halos nakakalayo sa sasakyan ko. Sa balikat nya, mayroong
kahon na mayroong nakadikit na logo ng ice drop. She's wearing a jeans, white shirt
and red chaleko.

"Dalisay!" Sigaw kong muli pero mas bumilis ang paglalakad nya.

Tumakbo ako at mabilis na hinuli ang siko nya para ipaharap sya sa akin. Nag-iwas
sya ng tingin.

"Bitiw." Malamig na sabi nya.

Hindi ko yon sinunod kaya nagpumiglas sya. "Bitiw sabi, ano ba?!"

I felt something is breaking from the inside. Ito siguro ang binabanggit ni
Dalisay, if you talk with real people, mas may epekto ang bawat salita.

Habang binabanggit nya ang salitang 'bitiw' may naalala ako. It reminded me of
things that I refuse to do. I always refuse to let go.

Let go? Hindi, nagawa ko na iyon kanina, bakit hindi ko mabitiwan ang kamay ni
Dalisay? Paang mas mahirap kaysa ginawa ko kanina.

"Hindi kita bibitiwan." Bulong ko.

=================

Part 2.7

Wala Na Sya.

xxDeucexx
"Hindi kita bibitiwan... Look, Im sorry.."

Her mouth went half opened. Tiningnan ko lang sya at inantay ang kanyang sasabihin.
I know I offended her few days ago at hindi ako magtataka kung galit sya.

"Gusto ko ng kausap. Can I talk to you?" Dugtong ko ng hindi sya magsalita. Unti
unting lumambot ang kanyang ekspresyon. Tumango sya at tiningnan ang box na
nakasabit sa balikat nya.

"Kailangan ko tong ubusin.." Sabi nya.

"Ako na lang ang bibili."

"Naku, wag na. Aanhin mo naman ang madaming ice drop.. Ibebenta ko lang ito
sandali--"

"Alam mo namang hindi kita iiwan na mag-isang nagbebenta nyan hindi ba? But the
last time I did that, tinawag akong Banana Man. No, I won't let that happen again.
Bibilhin ko yan."

"Tapos?"

"Tapos? Tapos na! Hindi naman natin makakain lahat yan."

"Pupwede ko bang ibigay sa mga street children?" She then asked. Tumikhim ako, oo
nga pala, maari din iyon. Hindi ko naisip dahil matagal na akong hindi mabait.

Kinuha ko kay Dalisay ang ice box at nilagay iyon sa likod ng sasakyan ko.
Nagmaneho ako tulad doon sa itinuturo ni Dalisay. Ilang liko pa at natagpuan namin
ang isang public park na maraming batang naglalaro. It's a hero monument pero
ginawa ng tirahan ng mga squatters.

"Bababa tayo?" Alanganing

tanong ko.
Tumango sya kaya napangiwi ako. Paano na lang kung hindi kami makalabas ng buhay.

"Parang campsite no.. Mayroong tent tapos kahit tanghali na, tulog pa din yung iba.
Yung itak ni Andres Bonifacio ginawang sampayan. Tapos yung kabayo ni Gregorio del
Pilar, tinanggal na nila yung paa." Puna ko sa lugar. I am actually discouraging
her.

"Natatakot ka? Ako na lang.." Nakangiting tanong ni Dalisay. I groaned. She's


really up for it.

"Sasamahan kita, baka kung mapano ka pa.." Sambit ko. Lumapad ang ngiti ni Dalisay.

"Nag-aalala ka?" Tanong nya na mayroong kinang sa mata. Tss, sabi na nga ba at may
crush sya sa akin!

"Normal na sa akin ang mag-alala." Nag-iwas ako ng tingin.

"Normal. Salbahe ka kaya." Pagpupunto nya. "Di ba sabi mo wag na akong babalik."

"Napigilan ba kita nung bumalik ka?" Tanong ko pabalik.

"Hindi ko gustong bumalik. Dinala ko lang yung bill mo ng tubig." Umismid pa sya.
Naiinis na naman ako. Ganon? Wala talaga syang balak magpakita at nagkataon lang
lahat ng yon?

"Eh di sana iniwan mo na lang doon sa baba ng pinto!"

"Kasi may babae ka doon nung araw na yon?" Nakataas ang kilay na tanong nya.

"Hindi ko babae si Clover!" Sigaw ko. Napayuko sya at tumingin sa labas ng bintana.
Kitang kita ko kung paano lumungkot ang mga mata nya tapos yung puso ko biglang
lumakas ang tibok habang pinagmamasdan sya.

/>
Argh! Ano na namang problema sa muscle ko sa dibdib!?

Dahan dahang naglakbay yung kamay ko sa kamay nya hanggang sa tuluyan ko ng


mahawakan. Halos magwala ang puso ko sa ginagawa ko pero hindi ko na maialis ang
kamay ko.

"Baba na tayo.." Mahinahong wika ko sa kanya pero hindi man lang sya kumilos.
Nakatingin lang sya doon sa mga batang naglalaro.

"Kaibigan ko si Clover. May asawa yung tao." Paliwanag ko. Teka, bakit nga ba ako
nagpapaliwanag?!

"Pupwedeng magpa-annul yung ganon di ba?" Malungkot na tanong nya.

"Pwede, depende sa kanila. Teka nga. Ano bang pakialam natin sa kanila?!"

"Ewan ko, baka may pakialam ka." Sarkastikong sambit nya.

"May pakialam lang ako bilang kaibigan nilang dalawa."

"Okay." Walang ganang tugon nya. Nauna pa syang bumaba sa akin. Kinuha nya sa likod
ng sasakyan ang ice box habang nagpapatay ako ng makina.

Dire-diretso syang naglakad doon sa gitna ng mga batang naglalaro at namahagi ng


ice drop at nagmadali akong sumunod sa kanya. Naglapitan ang mga bata na parang
kilalang kilala sya.

"Bigyan mo ang kapatid mo, Hajid. Wag kayong mag-aaway." Nakangiting sabi nya.

"Okay po, Ate Ganda." sagot naman ng bata.

"Ate Ganda! Si Putot po tinubuan na ng buntot." Masayang pagbabalita ng maliit na


batang babae. Sabay pakita kay Dalisay ng isang tuta. Napaiwas ako dahil baka
mangagat iyon, hihilahin
ko sana si Dalisay papalayo pero inagaw ni Dalisay ang tuta doon sa bata.

"Magaling, Putot." Hinawakan ni Dalisay ang ulo ng tuta pagkatapos ay lumuhod para
harapin ang batang babae.

"Nena, madumi na naman ang damit mo. Di ba binigyan na kita? Nasaan na ang
maruruming damit mo? Kunin mo na din yung kay Kuya Elton nang malabhan ko ulit."

"Ate Ganda, nakakatamad naman po kasing magpalit ng damit at maglinis ng katawan!"

"Hindi mo dapat kakatamaran yon dahil yon ang mag-iiwas sayo sa sakit. Sige na.
Kunin mo na yung mga labahan nyo at isama mo na yang suot mo ngayon. Mag-iintay
ako." Utos ni Dalisay.

Namahagi si Dalisay ng ice drop sa mga bata. Mabilis lang naubos yon. Kakilala nya
nga ang lahat at parang malalapit na kaibigan kung pagsilbihan nya ang mga ito.

"Ganda! Bukas birthday ng Tatay Goryo mo, magpapansit kami, punta ka ha.." May
lumapit na isang matandang babae kay Dalisay na tinatawag nilang 'Ganda'.

"Talaga po? Ito ho, idagdag nyo na.." Kumuha si dalisay ng pera mula sa kanyang
bulsa at iniabot yon sa matanda.

What the fck?!

Sya nga itong kaliwa't kanan ang trabaho tapos namimigay pa?! Mayaman lang ang
peg?!

"Bakit mo ba tinutulungan ang mga yon?" Kyuryosong tanong ko habang nagliligpit si


Dalisay ng ice box, nagsialisan na ang kaninang ini-sponsoran nya ng feeding
program.

"Bakit hindi?"

"Dalisay, ang mga tao dapat tinuturuang mangisda.

Hindi yung ilalapit na lang sa kanila ang grasya." Turan ko.


"Hindi lahat ng tao kasing swerte mo."

"Hindi ako swerte, nagtatrabaho ako." Pagdidiin ko. Totoo naman yon! I just don't
sit and wait for food. I work for it. Lahat ng bagay makukuha mo kung
pagtatrabahuhan mo.

"Ang mga taong yon kahit buong buhay silang magtrabaho, hindi nila kikitain ang
isang buwang kita mo. Mas mahirap pa nga ang trabaho nila sayo. Nakabilad sila sa
init at madalas basurahan ang kinakalakal nila. Yung pagtulong ko, paraan yon para
bigyan sila ng pag-asa. Kung wala na kasing pag-asa ang isang tao, gugustuhin na
lang nilang mamatay."

Nakunsensya agad ako sa sinabi ni Dalisay. Sya yung tipong kung mangaral,
mararamdaman mong napakasama mong tao. Sya yung tipong kung mangaral, parang gusto
mo na lang magpakabait. Sya yung tipong parang--- Siya.

"Deuce.." Napatingin ako kay Dalisay. She stared at me for a moment. Inabot nya ang
kamay ko at nandoon na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Hindi maari to. Kung ganito ang reaksyon ko, I am not really letting go of Raeven.
Dahil ba pinakawalan ko na ang abo nya, ibababaling ko naman kay Dalisay ang
atensyon ko?

"Miss na miss ko na si Raeven. Sya lang ang babaeng minahal ko at mamahalin ko."
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yon. Napangiti si Dalisay.

"Paano kung bumalik si Raeven?" She asked.

"Impossible--"

"Paano nga!" Pagpupumilit nya.

Aist! Bakit ba ang kulit ng babaeng ito?

"Hindi ko alam.. Kung babalik sya tatanungin ko sya kung bakit sya nagsinungaling
kung ayaw nya ng mga taong sinungaling.. Kung babalik sya tatanungin ko kung bakit
pinagtulakan nya ako noon nung may sakit sya. Gusto ko lang namang alagaan sya."
Napabuntong hininga ako.Napawi ang ngiti nya.

"Deuce--" Tawag nya sa aking pangalan.


"Excuse me." Agad kong kinuha ang cellphone ko nang tumunog iyon at tinalikuran si
Dalisay.

"Attorney Montemayor. Can we talk privately?" Sabi ng nasa kabilang linya.

"Agent Yushima."

"Magpaalam ka kay Dalisay." Utos nya sa akin.

"Ihahatid ko lang---"

"Maybe it's not safe."

Nagtataka kong binalikan ng tingin si Dalisay. Sa kanyang tabi nandoon si Nena na


ipinapakita ang tuta na hawak nito kanina.

"Carsan Group. Does it ring a bell? Lumayo ka na at puntahan mo ako sa coffee shop
kung saan kayo malapit. My guys are watching on you kaya wag kang mag-alala sa mga
nakasunod sayo."

Kinabahan ako. Carsan is the biggest drug syndicate in the country. Noong nakaraang
taon lang, naipakulong ko ang leader nila. I was never afraid, after all, ginagawa
ko lang naman ang trabaho ko. Tumango ako kahit hindi ko masyadong naiintindihan.

"Dalisay, I have to go. May emergency meeting ako." Pagpapaalam ko kay Dalisay.
Tumango sya at ngumiti sa akin.

"Ingat

ka sa pagdadrive." Pagpapaalam nya. Ilang segundo ko syang tinitigan. If she has


something to do with the syndicate, napakagaling nyang umarte. May parte ng puso ko
ang nanghinayang, akala ko magiging magkaibigan kami.

Mabilis akong nagmaneho patungo sa coffee shop na sinabi ni Agent Yushima. At my


back are motorcycles and sports car, probably Yukan'na.
Yukan'na is Agent Yushima's group of gangsters funded by a Mafia but they exist to
protect not to harm.

(Maki Say's: Promoting The Bad Boy's Slave =p)

Sa pinakasulok na bahagi ng coffee shop, pinuntahan ko si Agent Yushima. Tumayo


agad sya pagkakita sa akin.

Napansin ko agad ang makapal na brown envelop sa ibabaw ng lamesa. Nagsimula syang
maglabas ng litrato ng isang babae na hindi ko kilala.

"Dorothy Fereira. Girlfriend of Vince Young, Carsan leader." Sambit ni Agent


Yushima.

"Nawala sya nung na-convict si Vince. According to my sources nagtungo sya sa


Amerika at doon nagpa-plastic surgery, she went to Beverly Hills. From Dorothy, to
this girl." Nilabas ni Agent Yushima ang before and after photo ni Dorothy.
Napaawang ang labi ko dahil si Dalisay ang nasa kanang litrato. Hinawakan ko ang
medical records and it is confirming what changes they did to Dorothy to be
Dalisay.

"Five months ago, Dorothy went to Go'quiao, Chinese syndicate. Sikat sya sa Amerika
na taga-falsify ng documents. Go'quiao do not fake documents, he make them appear
to be legal.

Simula late registration of birth, dadaan sa legal na proseso. Sumunod ang school
records, examination to be accelerated na hindi na kailangang pumasok sa eskwela
hanggang sa passport."

Nilabas ni Agent Yushima ang kopya ng birth certificate, diploma, passport at


litrato ni Dalisay sa isang aesthetics clinic na mukhang sa labas nga ng bansa.

"Where did you got these pictures? If these was five months ago, hindi ko pa sya
pinapaimbestigahan." I asked.

"Sa isang Intel nanggaling yan. Nasa watchlist si Dorothy noon pa man. Hindi man
sya nakasuhan, of course they want to make sure if she is really innocent.
Nakaabang kung sakaling gagawa ng masama." Nagkibit balikat si Agent Yushima.
"So you are saying that Dorothy and Dalisay is just one person?" Pagkukumpirma ko.

"Probably. And Dorothy has a motive in getting close to you."

"Ano naman?"

"Attorney, these are drug addicts. They will kill for nothing. Hindi ko naman
sinasabing maniwala ka, but this serves as a warning. Wag kang mag-alala, anu't ano
man ang mangyari, Yukan'na is watching on you 24/7. Of course we can't inside your
pad, but I suggest, itago mo ang deadly weapons kung nasa paligid si Dorothy."

Wala sa sariling nagmaneho ako pabalik ng condo ko. Hindi ko lubos maisip na si
Dorothy at Dalisay ay iisa. What is she thinking? Hindi ko maiwasan na magalit ng
husto. She's playing on my feelings! Ginagamit nya pa si Raeven!

Sumakit ang ulo

ko pagkauwi ko. Although I know someone's protecting me, naiinis ako sa isipin na
may nagnanais na ilagay ako sa panganib. These people aren't playing fair! I get
Dom Perignon from my wine cellar at pinuno ang wine glass ko na puno ng yelo. I
drank it straight.

Whatever it is you are doing Dorothy, I am sure you will get what you deserve.

-----

xxRaevenxx

"Hello Dora!" Nakangising bati sa akin ni Jolina pagkapasok nya sa apartment.


Sumimangot ako at binalik ang tingin ko sa aking laptop, kausap ko si Ysobelle.

"Ate, si Jolina ba yon?" Tanong ni Ysobelle mula sa kabilang linya.

Tumango ako. Ngumiti si Ysobelle maya maya pa ay tiningnan ako ng seryoso.

"Alam na ni Kuya Deuce?"


"Hindi pa.. Kanina dapat sasabihin ko na kaya lang mayroong tumawag sa kanya."

Nadidismaya ang mukha ni Ysobelle kaya ngumiti ako.

"Mamaya sasabihin ko na." Pagpapanatag ko sa kanya.

"Ikaw naman kasi, pinabago mo pa ang kulay ng mga mata mo eh." Napakamot ang
kanyang ulo.

"Ginawa ko lang naman iyon nung hindi ko pa alam na magaling na ako. Wala akong
intensyon na makilala nya ako, pero ngayong magaling na ako, pupwede na ulit
Ysobelle." Nangingilid ang luha ko sa sobrang saya. Narinig ko lahat ang sinabi ni
Deuce doon sa park, mahal nya talaga ako at dapat magtiwala ako doon. Kahit magalit
sya kapag nalaman nya ang totoo, hindi ako susuko

na suyuin sya basta magtitiwala sya sa akin.

Naghanda ako pagkatapos ng pag-uusap namin ni Ysobelle. Sinuot ko ang damit na


ipinahiram sa akin ni Deuce noong una kaming magkita bilang si Dalisay. I know that
this is really for me. Alam nya ang sukat. Isang kulay dilaw na dress ito. Pinaayos
ko kay Jolina ang buhok ko, humaba na ang bangs ko pati na din ang buhok.

Nilagyan din ako ng manipis na makeup.

"Ang ganda.. Lalo na siguro kung kulay abo ang mata mo hindi ba? Pero hindi
nakabawas ng ganda!" Wika ni Jolina habang pinagmamasdan namin ang repleksyon ko sa
salamin.

"Kailangan ko na umalis. Hindi na ako makapaghintay."

Tumango si Jolina at nginitian ako. Alam kong masaya sya para sa akin, at masaya
din ako sa tapang na mayroon ako ngayon. Deuce is worth the risk, alam kong
mamahalin nya ako ng buong buo pagkatapos ng lahat. Kinuha ko ang cellphone ko at
idinial ang numero ni Attorney Hades.

"Raeven.." Alam nya agad na ako ang tumatawag.


"Ngayon ko na po sasabihin."

"T-talaga?" Hindi makapaniwalang sagot nya. Maya maya pa narinig ko ang mahinang
pagtawa nya, nanginig ang kanyang boses, "I hope you will both be happy. Yun lang
ang hihingin ko. Take care of my son."

"Opo. Salamat din po Attorney."

Pagkababa ko ng kanyang tawag, humakbang ako papalapit ng pinto. Mayroon pa akong


dapat pasalamatan. Dinial ko din ang kanyang numero.

"Martin.."

Hindi

ako nakarinig ng pagsagot mula sa kabilang linya.

"Martin, salamat sa lahat."

Nakarinig ako ng pagsinghap sa kabilang linya. Hindi ko tiyak kung anong ginagawa
nya, kung galit ba sya o kung ano but I have to be fair and let him know.

"I am really hoping you will find someone for you." Wika ko pagkatapos pinatay na
ang tawag.

I am not dense. Alam kong umaasa si Martin kahit malinaw ang sinabi ko na wala
syang aasahan. Hope is what keeps a person going but it also takes away life. Ayaw
kong mangyari kay Martin iyon. Kaya nanatili ako bilang kaibigan nya habang
nagpapagaling ako. I am not meant for him. He knows that. Lalo na siguro kung
malalaman nyang kasal pala kami ni Deuce.

Tumuwid ako sa pagkakatayo sa tren. These are the memories that I wont forget. Dito
kami nagkakilala ni Deuce, ito ang umpisa ng lahat.

Sa simpleng tren...

Madami nang nangyari. Pinaghiwalay kami ng kanyang ama, pinaghiwalay kami ng sakit,
pinaghiwalay kami ng kamatayan. I want to say that we surpassed it all. Ours is not
a perfect relationship. We may be happy but we lied so many times, not because we
want to but we have to.

Faults are not there to break, it's for us to get stronger.

Kinuha ko ang keycard na mayroon ako sa pad ni Deuce. I opened it right away.
Nakita ko sya na nakaupo sa sofa at nakayuko.

Lumapit ako sa kanya at nakita kong nakapikit sya.

"Deuce." I whispered.

Tinapik ko ang kanyang pisngi, umungol sya. His breath reeks alcohol.

"Mmm.."

"Deuce, bakit ka naglasing?" I asked. Minulat nya ang kanyang mata at tiningnan
ako.

"You are here.." Bulong nya. Hinila nya ako pabagsak ng katawan nya. Nagtataka ko
syang tiningnan. Nakangisi sya sa akin at mapupungay ang mga mata.

"Bumalik na ako, Deuce. Magaling na ako." Sambit ko ng buong antisipasyon.


Napangiti sya at umiling.

"Really?" He asked.

"Ako to.. Si Raeven." Nanginig ang boses ko.

"Of course!" He chuckled.

"So what to do you want as a welcome party, huh?" Natatawang tanong nya.

"Nakainom ka, Deuce." Pigil ko sa kanya.


"I still know what Im doing." Pagkasabi nya non, siniil nya ako ng halik. The
kisses came too strong but I didn't mind it. Ito ang gusto ko sa umpisa pa lang. It
brings back a lot of memories. I want to understand the rhythm, slowly, I answered
back. Natigilan sya at tinitigan ako. I rechead for the hem of his shirt at kumapit
doon.

Kumapit sya sa aking bewang. His hands went up and down. Hindi ko matandaan kung
kailan ito naging sobrang sensitibo pero tumatayo ang balahibo ko sa bawat
paghawak.

"Deuce.." I whispered. Sa sobrang lambing ng boses ko, nahiya ako sa pagkakabigkas


non. Pinakiramdaman ko ang kanyang kamay na naglakbay sa ilalim ng aking dress.
Mapupungay ang kanyang mga mata habang hinahaplos ang mga binti

ko.

Hindi nya pinuputol ang halikan sa pagitan namin. Damn. Gusto ko munang makapag-
usap kami ng masinsinan pero hindi nya ako pinagbibigyang magsalita!

He carried me like a paperweight doll at ibinunggo ang aking likod sa pinto ng


kanyang kwarto. Hindi ako dumaing, I wrapped my hands around his neck at tinitigan
syang mabuti. In his eyes I can see different type of emotions pero angat na angat
ang lungkot at hinagpis.

Binaba ni Deuce ang strap ng aking dress kasama ng aking bra, my mounds totally
exposed, he cupped it right away. Napaungol ako sa sensasyon. Nakaramdam ako ng
pag-iinit ng pisngi lalo na ng mataman akong titigan ni Deuce. This is not how I
imagined my confession but I missed him so much!

He touched me like he knows where to put his hands to make my body arch, bawat
haplos umaangat ang aking likod. I want him! So bad.

Pinanliitan nya ako ng mata at muli akong siniil ng halik. He pulled my dress once
more at sa pagkakataong iyon, nasira na ito.

"Deuce!" Wala na akong magagawa, he kissed my stomach and went down slowly. He
placed his legs in between my thighs and I can't help but to get aroused with his
movements. Iniangat ko ang likod ko at hinila ang kanyang tshirt, he got what I
wanted to do, he paused and then removed his shirt pati ang kanyang pantalon at
tanging boxers na lang ang natira sa kanya.
I can feel his maleness poking my lady part as he placed his mouth on my breast,
halos masabunutan ko sya sa kanyang

ginagawa. Pumikit ako at kinagat ang pang-ibabang labi. He pulled my panties habang
abala sa paghalik, sa isang iglap, I felt his shaft in my entrance. Walang pasubali
iyon. I gasped in pain as he made his way to my entrance.

Hinayaan ko sya kahit masakit, his thrust is rough and rigid, parang walang
direksyon at walang pakialam. Lumuluha ako ng husto dahil sa hapdi pero hinaplos ko
ang kanyang mukha na pinagpapawisan ng husto, tinabig nya ang kamay ko. Pumikit sya
sa bawat pag-indayog, sinalubong ko ang kanyang pag-galaw para hindi ako masyadong
masaktan.

He didn't utter a word, tumingala lang sya habang patuloy sa kanyang ginagawa. His
maleness is in its full glory kaya napaimpit ako sa pag-ungol. Masakit at mahapdi
kahit hindi ito ang unang beses. He let a soft groan as he moved faster, humawak
sya sa aking balakang at hinampas ang aking sarili sa kanya. Naliliyo ako sa
kanyang ginagawa. Fck he's so turned on! Ilang sandali pa, I can feel his liquid
gush through me, binagsak ang kanyang mukha sa aking leeg, hindi ko na alam ang
nangyayari. I just want to satisfy him and I think I did.

"Why are you doing this to me?" Ito ang kauna unahang salita ang sinambit ni Deuce,
nabasa ang aking leeg, hindi ko alam kung ng pawis o luha.

Kung luluha naman sya? Bakit?

"Deuce, binalikan kita, magpapaliwanag ako. Mag-iintay ako hanggang sa maintindihan


mo." He stopped moving at lumalim ang kanyang paghinga, palagay ko ay tulog na sya.

Nanlumo ako ng pagkagising ko wala na sya.

-----

Maki Say's: Hi!

Wala akong masabi kundi Thank you for reading. Sobrang layo nito sa mga sinulat ko
noong una, pero sana maintinidhan nyo na naghahanap ako ng tamang timpla at genre.
Kung may mali, may butas, may kulang, sasabihin ko pa din na andito ang kaluluwa
ko, pinagpaguran at pinag-isipan. Sobra. Huminto na ako sa pagbabasa ng comments
kasi nadidiscourage na ako noon pa man. Masakit. Kaysa idiscontinue ko si Attorney,
I still stood up and put my faith in this story--tatapusin ko. Alam kong binasa nyo
ito dahil sa Whirlwind, expecting that the flow will be the same, but there's no
two story alike. Kagaya ng buhay mo, ay hindi katulad ng buhay ng kaibigan mo. O ng
kamag-anak mo, kahit ng kapatid o magulang mo, iba pa din ang sa bawat isa.

Hugs! Thank you for staying with me til the end.


See you in the last 2 chapters! :)

=================

Part 2.8

Why?

xxRaevenxx

"Ate!" Sinalubong ko si Ysobelle sa airport hila ang napakalaking maleta. Kakabalik


nya lang mula sa Amerika.

"Bakit ang dami mong dala? Hindi ka ba nahirapan?" Nag-aalala kong tanong. Ngumiti
naman ang kapatid ko at umiling. Sumilip ako sa kanyang likuran at doon ko nakita
ang isang may katangkarang lalake, palagay ko ito ang tinutukoy ni Ysobelle na
manliligaw nya sa bago nyang trabaho doon.

"Ate, this is Grant, Grant, this is my Ate, Ate Raeven." Pormal na pagpapakilala ni
Ysobelle.

"Hello." Bati sa akin ni Grant ng mayroong English Accent, I just nodded and
smiled. Lumapit sa akin si Ysobelle at hinaplos ang aking tyan.

"Ang bagal naman lumaki!" Puna nya sa aking sinapupunan.

"Dalawang buwan pa lang! Alangan naman malaki agad." Umismid ako pero kapagkuwan ay
ngumiti din.

Yes, I am pregnant. Nagbunga ang ginawa namin ni Deuce nitong huli. Malungkot akong
ngumiti ng ako naman ang humaplos sa aking tyan.

"Hindi pa din ba sya nakikita ni Tito Hades?" Tanong sa akin ni Ysobelle.


Binibitbit na ni Grant ang maleta ng kapatid ko patungo doon sa cart.
Umiling ako. Sabi sa akin ni Attorney Hades malapit na syang makita, kaya lang
tuwing malapit na syang makita, magtatago ulit sya. Siguro ayaw nyang maging tatay
kaya ganon. Nararamdaman nya kaya na nabuntis nya ako?

Sinadya nya kaya?

Dalawang buwan na syang hindi nagparamdam. Gusto kong mainis ng husto kaya lang,
bawal sa akin ang mastress. Tanging si Ysobelle lang ang nakakaalam ng kalagayan ko
pati na din si Phen kaya doble ang hirap. Hindi ko maipagsigawan dahil ayokong
malungkot ang mga tao dahil sa kalagayan ko.

"Belle!" Tumili si Phen habang bumababa ng kanyang sasakyan. Sinalubong nya ang
kapatid ko. Hindi na sya nagpapractice ng pagkadoktor dahil nagkaroon sya ng
foreigner na boyfriend na syang sumusuporta sa kanya. Pati tuloy ako ay nagawa
nyang ampunin at ngayon pati si Ysobelle ay babalik sa pangangalaga nya.

"Ganda mo teh! Ang pogi ni Kuya oh. Naiintindihan ba ako nyan?" Nginuso ni Phen si
Grant na nakangiti lang dahil hindi naman naiintindihan ang aming pag-uusap.

"Hindi po, Ate Phen. Nagpunta sya dito para magbakasyon." Paliwanag ng kapatid ko.

Sumakay kami sa sasakyan ni Phen at nagdrive sya patungo sa kanyang bahay.

"Eh paano naman si Tres? Laging nasa TV ang mokong ah, pinag-aagawan ng mga
artista." Sumilip pa si Phen sa rearview mirror para tingnan ang kapatid ko.

"Ewan ko po sa kanya, bahala po sya sa buhay nya." Ngumuso si Ysobelle at tumingin


sa labas ng bintana.

"Sus! Alam mo masyado kayong pabebe nitong Ate mo. Ano, naging masaya ba kayo?
Ikaw, english ka ng english para makakuha ng boylet, etong Ate mo naman, naging
dalagang ina!" Humalakhak si Phen kaya siniko ko sya.

"Ang sama

mo, Phen! Marinig ka ng baby ko."

"As early as two months, hindi pa nadedevelop ang pandinig---"


"Tigilan mo ako sa pangaral mo, Phen. Wala ako sa mood." Umirap ako kunyari. Alam
na alam ni Phen ang mga pinagdadaanan ko sa pagbubuntis kaya naalalagaan akong
mabuti, kaya lang ramdam ko pa din ang kulang. Hindi naman talaga magiging buo
dahil ang dami pang question mark sa future naming dalawa ng baby.

Ngumisi si Phen, binabalikan nya lang ako ng tingin hanggang sa makarating kami sa
kanyang bahay. Yung tingin na nang-aasar pero alam ko namang concerned sya sa akin.

"Ang gara ng bahay!" Bulalas ni Ysobelle na hindi makapaniwala sa tirahan ni Phen


ngayon. Malaki kasi ito at nakapwesto sa isang ekslusibong subdivision sa Makati.
Nakakatuwa din na mayroon itong garden na maari kong lakaran tuwing umaga bilang
ehersisyo.

"Oo, kahit nagsinungaling kayong dalawa sa akin na deds na itong si Raeven,


maeenjoy nyo pa din ang perks ng pagiging kaibigan ako." May himig pang-uusig na
turan ni Phen. Lumapit si Ysobelle kay Phen at yumakap.

"Sorry na, Ate.. Request ni Ate Raeven yon eh."

Ngumiti lang ako at tumango ng tingnan ako no Phen na nakairap sa akin. Natawa na
lang ako.

Ako ang kusang nagpunta kay Phen noong nalaman kong buntis ako. Hiningi ko ang
detalye kay Ysobelle dahil sila ang madalas magkausap. Hindi ko na nilapitan pang
muli si Martin dahil alam kong hindi naman sya sang-ayon sa mga naging desisyon ko.
Lalo pa't buntis

ako at umalis si Deuce, tiyak na madidismaya sya ng husto.

"Dumating na nga pala ang damit mo. Itinawag sa akin ni Doray kanina. Doray!!!"
Tili ni Phen na ang tinatawag ay ang kanyang househelp. "Pakidala ang damit ni
Raeven."

Lumabas mula sa kitchen si Doray na mayroong bitbit na dalwang paperbag.

"Hindi sabi ako pupunta eh." Umiling ako ng makita ko ang damit na inilaladlad na
ni Phen, ang sapatos naman ay yakap yakap ni Ysobelle.
"Ang ganda! Galing ba ito kay Tito Hades?" Tanong sa akin ng kapatid ko na kulang
na lang ay halikan ang sapatos.

Tumango ako. It's Attorney Hades' birthday at iniimbitahan nya ako. Hindi nya pa
alam na magkakaroon na sya ng apo sa akin pero mukhang tanggap na tanggap na niya
ako bilang parte ng kanyang pamilya.

"In fairness, love ka na ng Montemayor family, kaso naglaho yung leading man.
Pumunta ka, ihahatid kita tsaka susunduin, malapit lang naman ito di ba?"
Panungumbinse sa akin ni Phen.

"Ayoko. Anong gagawin ko doon?" Tanggi ko.

"Duh, socialize! Di ba kamaganak mo na sila kasi kasal pala kayo nung Attorney
Yummy?"

Hindi na ako umimik pero may punto si Phen. Iniencourage talaga ako ni Phen sa
paglabas. I am grumpy this past few days, nahihirapan ako sa paglilihi. May
hinahanap ako lagi pero pag nasa harapan ko naman, parang ayoko na. There are
things that I want to do pero tamad na tamad din ako.

Wala na akong nagawa ng humapon na, nagpatawag

pa si Phen ng makeup artist para sa akin.

"Ang ganda mo Ma'am!" Pambobola sa akin ng makeup artist pagkatapos akong maayusan.
I faked a smile. Smokey eyes at nude lipstick ang nilagay sa akin, kinulot naman
ang buhok ko.

Inantay ko na lang na makapag-ayos at makaalis ang makeup artist ko bago ko sinilip


ang damit na nakalahad sa kama ko. It's a platinum halter dress na sumisilip ang
pagka-itim kapag hindi natatamaan ng liwanag. Exposed ang likod at ang hita pero
hindi naman ito bastusin dahil ang mahaba kong buhok ang tatakip sa likod ko.

Hinubad ko ang robe at sinilip muna ang aking tyan mula sa salamin, maliit na
maliit ang umbok but the baby is growing really fine ayon sa ultrasound.

Wag ka sanang mag-mana sa amin ng Tatay mo ng katigasan ng ulo.


Napangiwi ako sa heels na suot, tantya ko ay 3 inches ito pero simula noon pa ay
hindi ako nagsusuot ng mga ganito, hindi naman ako maaring magrubbershoes kung
sakali. Lumabas na ako ng kwarto ng makapagbihis. Sa living room ay dinig na dinig
ko ang masayang pagkukwentuhan ni Phen, Ysobelle at Grant. Walang ginawa si Phen
kundi asarin si Grant.

Natahimik sila ng makita nila ako. Nakangiting lumapit sa akin si Phen at


pinagmasdan pa ako ng ilang segundo.

"Taray! O di ba, kamukha na kita. Magkasing ganda!" Bulalas bigla ni Phen na syang
nagpangiti sa akin.

"Ang ganda mo Ate. Pakisabi kay Tito Hades mayroon akong bisita na hindi maaring
iwan kaya hindi ako nakarating. Please send my

Happy Birthday!"

"Sus! Isa pa tong chikadora! Ayaw lang makita si Baby Tres! Hindi ka ba man lamng
kyuryoso sa itsura nya? Mas yummy sya ngayon beh!"

Sumimangot si Ysobelle. Masyadong updated si Phen sa tsismis, kung ako nga ay hindi
pa nakikita muli si Tres.

Madaming ibinilin sa akin si Phen habang nasa sasakyan. Sabi nya ay lagi lang akong
ngingiti kapag may nakatama ako ng tingin. Tumango lang ako at sumang-ayon.

Bumaba ako sa harap ng mansyon ng mga Montemayor. Mula sa labas, kitang kita ko na
ang liwanag at dinig din ang jazz music. Maingat akong humakbang dahil natatakot
ako sa suot kong heels. Nakapakapit pa ako sa aking tyan at tiniyak kong
napoprotektahan ko iyong mabuti.

Lumakad ako sa may hardin, hinanap agad ng aking mga mata si Attorney Hades, sya
lang naman ang tinungo ko dito. Kailangan ko syang makita para makakauwi agad ako
mamaya.

Nakita ko sya sa isang kumpulan ng mga kalalakihan na kasing edad nya. Puro mga
naka-amerikana ang mga ito. Mabuti na lang talaga at pinaayusan ako ni Phen, kahit
papaano ay bumagay ako sa lugar.
"Raeven!" Masayang pagbati sa akin ni Attorney Hades. Nakakapit sya sa kanyang
tungkod kaya lumapit ako sa kanya para bumeso.

"Happy Birthday po, Attorney.." Bati ko. Tumango sya at tinapik ako sa balikat.

"Gentlemen, meet my daughter in law, Raeven Frances Mendoza-Montemayor." Nanlaki


ang mga mata ko ng ipakilala ako ni Attorney Hades sa kanyang mga kaibigan.

/>

"Daughter in law kanino, Panyero?" Tanong ng isang lalaking pinakabata sa grupo.

"Sa panganay ko." Buong pagmamalaking sambit ni Attorney Hades, hindi ako nakaimik
kundi ngumiti na lang. Ito ba ang plano? Ipapakilala nya ako bilang asawa ni Deuce
kaya nagpumilit syang pumunta ako?

"I thought hindi natuloy ang kasal?" Tanong nung isa.

"Attorney Sycip, Deuce is a Montemayor, we can't help but to get sneaky at times."
Kumindat pa sya at humalakhak. Hinarap ako ni Attorney Hades pagkatapos ng kanilang
masayang kwentuhan at itinuro ang buffet table.

"Nandoon ang mga pagkain, Raeven. Sabihin mo lang ang pangalan mo at mayroon kang
sariling lamesa. Or if you want, you may get inside the mansion if you prefer
silence, mag-utos ka na dalhan ka ng pagkain." Nagkibit balikat pa ito habang
nakangiti. Tumango ako, hindi naman ako nakakaramdam ng gutom, mamaya na lang
siguro. Pumasok ako sa mansyon, tutal naman mayroong permiso, gusto ko nga ng
katahimikan.

Umakyat ako sa ikalawang palapag dahil natanawan ko na don ang daan patungo sa
veranda, lumagpas ako patungong library at napakunot ang noo ko ng makarinig ako ng
pag-ungol na nanggagaling doon.

Sumilip ako at sa kabila ng dilim, nakita ko ang pagkilos ng isang bulto at isang
babae doon sa may sofa. Kinabahan ako bigla lalo na ng mag-angat sila ng tingin sa
may pinto kung saan ako nakatayo.

"Im sorry!" Hinging paumanhin ko.


Sasarhan ko na sana ang pinto ng marinig

kong nagsalita ang babae, 'Come on Tres, make it quick.'

"Tres?" Bumalik ako at binuksan na ng tuluyan ang pinto.

"Ate Raeven?" Lumabas sya at umalis na mula sa pagpapaimbabaw sa babae.

"Fck, hindi nga nagjo-joke si Dad! Buhay ka!" Nilapitan ako ni Tres at niyakap ako
ng mahigpit. His naked upper body carressed by exposed back. May pantalon naman sya
na pang-ibababa.

"Hindi nga nagjojoke si Phen, babaero ka na." Napailing ako sa kanya, dismayado.
Akala ko ay mayroon syang gusto sa kapatid ko.

"Tss, I am always like this." Sambit nya.

"Sabi nga pala ni Ysobelle, Hi." I muttered, nanlaki ang mga mata nya.

"Sinabi nya yon?"

Ngumuso ako at pinagmasdan magtaas baba ang adams apple nya. Ngumisi ako ng
mapansin ko na parang kinabahan sya kaya bumagsak ang balikat nya "She wouldn't say
that, right?"

Tinapik ko ang kanyang balikat at iniwan na sya doon sa library. Nagpatuloy ako sa
paglalakad patungo sa veranda. I find the silence endearing, sa baba ay ang mga
nagkakasiyahang mga guest. Sanay na sanay ang mga ito sa ganitong okasyon, hindi ba
sila napapagod ngumiti?

Nanatili ako doon ng ilang minuto. Nahagip ng mata ko ang isang kumpulan, bigla
kasing nagsilapitan doon ang mga bisita. Isang pamilyar na paghalakhak ang dumaan
sa pandinig ko.
"Where have you been?" Halos pare-parehas ang tanong ng mga nandoon. Kumalabog ang
puso ko ng nagkaroon

ng kaonting space doon sa may kumpulan at inuluwa noon si Deuce! Pakiramdam ko


nilatigo ang puso ko at inutusan akong gumalaw.

Maingat akong tumalikod at humakbang pababa ng veranda. Nang makarating akong muli
ako sa garden kung saan ginaganap ang pagtitipon, mas lalong bumilis ang tibok ng
puso ko.

Unti unting nahati sa gitna ang kaninang kumpol at doon ko tuluyang natagpuan si
Deuce. He's in his all black suit at nagkaroon na sya kahit papaano ng laman.
Maayos ang kanyang gupit at ang kanyang pagkaka-ahit. He looks better now!

"D-deuce.." Bulong ko, kumunot ang noo nya. Hahakbang na sana ako papalapit sa
kanya pero mayroong humagip sa kanyang braso na isang babae na hindi ko pa
nakikita.

"How was London?" Tanong nito sa kanya. Humalakhak si Deuce.

"Come on, Tanya, you were there two weeks ago." Sagot naman ni Deuce.

Magkasama sila Two weeks ago? Tumawa ang babae, yung masakit sa tenga.

"Of course! I was just kidding. Akala ko nga makukumpleto natin ang dalawang buwan
na magkasama tayo."

Pakiramdam ko sinaksak ang aking puso. Nangilid ang luha ko. Mabilis akong naglakad
papalabas ng mansyon at nilagpasan ko sila. I heard Attorney Hades called me, even
Tres pero hindi ko sila nilingon. Mabibilis ang paghakbang ko, nakakagulat dahil
kanina ay halos hindi ko maihakbang ang paa ko pero ngayon parang nakapaa lang ako
kung humakbang.

Nakalabas ako ng mansyon. Palayo na ng palayo ang ingay. Fck, I even forgot my bag!
Hindi ko alam kung paano ako magpapasundo kay Phen.

Naglakad ako ng naglakad. Hindi ko alam kung tama pa ba ang direksyon ko, wala
naman talaga kasi akong ideya kung paano aalis sa lugar na ito pero ayaw ko namang
bumalik. That douche! Wala syang karapatan maging ama ng dinadala ko kung ganoon na
lang sya kung mambabae.

Natatanawan ko na ang exit ng village, doon sa pwesto ng mga guards, nagkaron ako
ng pag-asa na makasakay ng taxi mula roon.

Napalingon ako sa likod ng may tumunog na busina, isang itim na Lexus ang nandoon.
Agad na bumaba doon si Deuce, galit ang kanyang tingin pero hindi ako nagpatalo,
sinalubong ko din ng galit ang mga mata nyang yon.

"Raeven! Bumalik ka doon." Utos nya. Napapikit ako. He knows! He knows I am Raeven
but fck why he was with another girl?!

=================

Part 2.9

xxRaevenxx

"Hindi ako babalik!" Matigas na sabi ko.

"At bakit?" Mabilis syang nakalapit at pinaliit ang distansya namin.

"Kasi galit ako sayo!" Sigaw ko. Pinipigilan kong bumuhos ang galit pero hindi ko
naman mapigilan. Lalo akong nainis ng makita ang pagmumukha nya.

"Galit ka? Ha! Ikaw pa ang galit! Sino ba ang nagsinungaling sa atin? Hindi ba
ikaw? Ikaw ang nagpapaniwala sa akin na patay ka na. Para akong baliw na niyayakap
ang abo na hindi ko alam kung saan mo kinuha!"

"Sa toystore ko yun kinuha!" Sambit ko. Mayroong tinitinda doon na iba't ibang
kulay ng powderized sand at ideya ko yon. Di ko naman alam kung ganoon ba ang
itsura ng na-cremate na tao, inakala ko naman kasi na hindi nya mabubuksan ang urn
pero ako pa ang nakabasag doon.

"What the---" Nanggagalaiti ang mukha ni Deuce. Lalo akong nagalit.


"I cried for it Raeven! I mourned for it. Simula ng inakala kong patay ka na,
nagluksa ako. Then babalik ka pagkatapos parang normal lang ang lahat?"

"Im about to apologize! But you are such a jerk to leave after you had sex with
me!" Sinipa ko ang kanyang tuhod kaya napangiwi sya sa sakit. Hindi ako nagsisi o
naawa man lang sa ginawa ko.

"But now, I won't apologize. Kasi mukha namang masaya ka na. Habang nag-iintay ako
dito, nandoon ka sa London at mayroon kang kasamang babae!"

"Nandoon ako sa London dahil may sinundan akong

makakapagsabi ng tunay na pagkatao mo! Alam mo, I shouldn't care. Kung gusto mong
lokohin ang lahat ng tao sa peke mong pagkamatay, then do it! Wala na kaming
magagawa."

"You don't care?! You don't care pala ha!" Mabilis kong hinubad ang sapatos ko at
binato sa kanya. Tumama yon sa kanyang dibdib kaya napasimangot agad sya. Mas
mabilis akong makakalayo kung walang suot na sapatos. Naglakad akong muli,
natigilan ako ng unti unting may pumatak na tubig sa aking balat.

Dammit! And now it will rain.

Oh, fck. Umulan na nga!

Sa isang iglap nabasa agad ako! Ang buhok ko ay dumikit agad sa balat ko.

"Raeven!" Sigaw sa akin ni Deuce. Tumatakbo sya papalapit sa akin hanggang sa


naharangan na nya ng tuluyan ang lalakaran ko. Napahinto ako dahil nakaramdam ako
ng lamig.

"Wear your shoes" Lumuhod si Deuce at itinapat ang sapatos sa aking mga paa pero
sinipa ko lang iyon papalayo. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Mukha bang may
pakialam pa ako kung naka-paa ako ngayon?!

"Ayoko! Ayoko ng sapatos! Uuwi na ako!"


"Paano ka uuwi? May pamasahe ka ba?" Panunuya sa akin ni Deuce, basang basa ang na
din ang kanyang katawan dahil sa sobrang lakas na ulan.

"Maglalakad ako kung kinakailangan at wag kang lalapit!" Umirap ako at nagsimulang
humakbang.

"Tsk!" Tumakbo muli si Deuce at hinarangan ako. Hinubad nya ang suot nyang suit at
nilagay nya sa harapan ko.

Napahinto ako

ng simulan nya ding tanggalin ang kanyang longsleeves at nilatag din sa kalsada.
Pati ang belt ng kanyang pantalon ay hinuhubad nya din.

"Bakit ka naghuhubad?!" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"You don't like your shoes, dyan ka maglakad." Masungit nyang sabi.

His body is freaking wet, mas umangat tuloy ang pagkamaskulado nito dahil
kumikinang pa gawa ng tubig. Mas lumaki ang kanyang katawan mula doon sa huli
naming pagkikita. Kumapit sya sa butones ng kanyang pants kaya ako naman ang
nataranta.

"Tama na! Susuot ko na yung sapatos!" Bumalik ang tingin ko kung saan ko sinipa ang
sapatos pero hindi ko na makita ang isa.

"Tsk, wala na! Ang tigas kasi ng ulo mo." Si Deuce naman ang nagtanggal ng kanyang
sapatos at nilahad iyon sa akin paa. Medyas na lang ang natitira sa kanya. Sinuot
ko yon at pinanood si Deuce habang pinapagpag ang kanyang buhok.

Masungit ang mukha nya at halatang naiinis.

"Sumakay ka na ng sasakyan ko. Wag kang mag-alala, kung galit ka sa akin, galit pa
din ako sayo. Hindi pa tayo tapos mag-usap."
Sumunod ako sa pagsakay sa kanyang sasakyan. Pinatay nya ang aircon at binuksan ang
heater. Nagmaneho sya papabalik sa kanilang bahay, doon sya dumaan sa gilid kung
saan pumapasok ang mga sasakyan ng mga Montemayor.

Bumaba kami agad, wala syang pang-itaas kaya halatang nilalamig sya, samantalang
ako naman giniginaw din pero hindi ko pinahalata. Mayroong hagdan sa likod ng
bahay, tingin ko

ay fire exit ito. Nang makaaykat kasi kami, doon na kami lumabas sa second floor,
tanaw naman sa baba ang mga guest sa ng mga Montemayor, mukhang nagsipasukan sila
sa living room ng bumuhos ang napakalakas ng ulan.

"Whoah, Kuya, hindi maganda yang nagpapakita ka ng katawan kapag may bisita si
Daddy.." Nasalubong pa namin si Tres na lumalabas mula sa isa sa mga silid. Parang
kanina lang ay sya ang nagbibilad ng katawan.

"Hi Ate.. Kuya, si Ate baka sipunin." May himig ng pang-aasar si Tres.

Hinila ni Deuce ang aking kamay at nagtungo kami sa isa sa mga kwarto. Kulay sky
blue at gray ang bumungad sa akin sa isang napakalaking silid. Napakunot ang noo ko
ng mapadako ang tingin ko sa isang picture frame sa bedside table, it's us. College
days.

Lalapitan ko sana kaya lang ay agad akong hinila ni Deuce patungo sa bathroom na
mayroong, bathtub. He turned on the tub's faucet at dinama ang tubig na lumalabas
mula roon.

Pinaupo nya ako sa gilid ng tub, kumuha sya ng isang tuwalya at ipinunas iyon sa
aking mukha. Hinawakan nya ang laylayan ng suot kong dress at mabilis nyang nahubad
iyon sa katawan ko. I instantly covered my breast with my arms.

"Nakita ko na yan." Malamig na sabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Hindi ngayon ang panahon para makita mo ulit." Sagot ko.

Ipinatong ni Deuce ang isang makapal na towel sa likod ko at agad akong nakadama ng
ginhawa pero saglit lang dahil bigla ba naman nyang hinubad ang pantalon nya at
tanging

brief nya lang ang natira.


"Ano ba yan!" Reklamo ko sabay iwas ng tingin.

"O bakit? Nakita mo na din naman ito." Tumalikod sya sa akin at may hinalungkat na
kung ano doon sa cabinet ng bathroom nya. May kahon syang kinuha at inihalo sa
tubig sa tub na agad namang bumula at naglabas ng mabangong amoy. Pinatay nya na
ang tubig sa tub ng mapuno iyon. Walang sabi sabi ay nagtanggal na din si Deuce ng
kanyang brief. Napa-facepalm na lang ako dahil sa ginagawa nya.

Lumuhod sya sa harapan ko at pilit nyang inaalis ang panty ko.

"You have to take a bath, baka sipunin ka." Seryoso nyang sabi na kung titingnan mo
ay parang labag din sa loob nya ang ginagawa.

"Wag kang titingin. Tatanggalin ko pero wag kang titingin!"

Napabuntong hininga sya tumayo, tumagilid pa sya sa akin at hindi nga tumingin.
Nang matanggal ko na ang dapat tanggalin. Nilubog ko ang aking paa sa maaligamgam
na tubig at natukso agad akong pumalilalim doon. Maya maya pa humarap na si Deuce
at dinaluhan ako sa bath tub.

Nanigas ang katawan ko dahil hindi ako kumportable. Ang dami ko pang gustong
sabihin, ang dami ko pang gustong itanong. Ang dami ko pang gustong ibuhos na
hinanakit sa kanya but here he is, parang gusto nyang ipagpaliban ang lahat.

Tumabi sa akin si Deuce, bahagya akong nasiksik sa ilalim ng tubig. Tinagilid ko


ang ulo ko para hindi sya mapagmasdan pero ang hirap na hindi sya harapin dahil
mayroong rubberduck na lumulutang patungo si direksyon

ko. Gods, bakit may mga sisiw dito?

Tiningnan ko si Deuce at nakita kong unti unti nyang tinataboy ang mga sisiw
papunta sa akin. Nang samaan ko sya ng tiningn, ibinaba nya ang kanyang kamay at
tumingin sa kisame na parang walang kasalanan.

"Galit ako sayo." Bulong ko.

"Ako din." Sagot nya.


"Anong gagawin natin?" I asked.

"Ewan ko."

"Bakit sabay tayong naliligo?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi mag-asawa naman tayo."

Napabuga ako ng hangin, ganoon din sya.

"Hindi ko lang naman sinabi sayo yung totoo kong kalagayan kasi gusto kong maging
malaya ka Deuce."

Bahagya syang natawa. Kinuha nya ang rubberduck na nakalutang at tinitigan iyon.
Umaktong yon ang kanyang kausap.

"To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for
poorer, in sickness or in health, to love and to cherish till death do us part.
Bakit mo ako pinagtatabuyan? Sa tingin mo ba, Rae, kapag nagkapalit tayo ng
sitwasyon, magugustuhan mo ang pakiramdam na itutulak kita? Sa tingin mo ba,
maghahanap ka ng ipapalit sa akin habang nakahiga ako at nakikipaglaban sa buhay?"
Tanong sa akin ni Deuce na punong puno ng hinanakit. Nangilid ang luha ko.

"Hindi ko naman alam na ganoon eh. Hindi ko naman alam na mabubuhay pa ako. Hindi
ko naman alam na may nararamdaman ka pa. Huminto akong lumaban noong nagtapat ka ng
pagmamahal kay Clover. Wala na akong dahilan

para mabuhay, at ayokong kunin mo ako dahil naaawa ka sa akin. Ayokong maging
unfair sayo Deuce."

"But you are! Unfair ka Raeven! Hinayaan mo akong mag-isa na nangungulila sayo.
Nagpaaalaga ka kay Martin pero sa akin ay hindi! Ano sa tingin mo ang mararamdaman
ko? Do I have to be happy that you came back?"

"Sige, kung hindi ka masaya, wag mo na lang isipin na bumalik ako." Humikbi ako. Sa
ilalim ng tubig pinagdaop ko ang mga palad ko at kinurot yon. Damn this hormones,
gusto kong makipagusap ng maayos pero ang sama ng aking loob!
Tumahimik sya, ganoon din ako. Naiinitindihan ko ang nararamdaman nya. Everything
else is new to him. Nagsinungaling ako and that's the truth. But this time I want
to demand for forgiveness because -- just because! Gusto ko lang maging maayos na.

Mula sa pagkakasandal sa tub, bahagyang umangat si Deuce at binasa ang aking buhok
gamit ang shower hose.

"I hate that you have to change your eye color. Isa yon sa pinakapaborito kong
parte ng mukha mo." Bulong nya na may himig na pagtatampo.

"Then why did you have to cut your hair so short? Tingin mo ba ay bagay sayo yon?
Hindi. Pangit mo." Napalabi ako dahil sa walang pakundangan nyang komento.

"E di pangit." Hindi ko napigilan ang paghikbi.

"Akala mo ba, pogi ka? Tingnan mo yang ilong mo. Lumaki masyado kasi lagi kang
galit. Yang noo mo, mayroong wrinkles kasi lagi kang nakasimangot."

Bumuntong hininga si Deuce at inabot ang shampoo sa sa may ulunan ng tub. Naglagay
sya sa kamay nya at marahang

nilagyan ang buhok ko at kinusot iyon.

"Nagpanggap kang patay dahil akala mo hindi kita kayang alagaan? Kaya kong gawin
lahat Raeven. Gusto ko lang magtiwala ka. Kapag sinabi mong tinatamad kang maligo,
ako ang gagawa para sayo. Kapag wala kang ganang kumain, ipagluluto kita at
susubuan kita. Kahit ako ang ngumuya tapos ilalagay ko na lang sa bibig mo kapag
durog na."

"Yuck! Ano ako, ibon?!" Reklamo ko habang naluluha. Hindi nagbago ang ekspresyon
nya at tinitigan akong mabuti.

"Kapag lumuluha ka sa sakit, hahawakan ko ang kamay mo at sasabihing magiging


maayos din ang lahat. Susuntukin ko ang mga doktor kapag hindi ka nila napagaling.
Akala mo ba hindi ko kayang gawin yon?" May panguusig na tanong sa akin ni Deuce.

Nahiya ako sa aking sarili. Alam kong kaya nyang gawin pero hindi ako nagtiwala.
Binuhat ako ni Deuce matapos nya akong mapaliguan. Ipinaupo nya ako sa kanyang kama
at nagtungo doon sa closet nya para kuhanan ako ng damit. Sya din ang nagsuot sa
akin ng tshirt na masyadong malaki para sa akin.

"Dumito ka muna." Sabi ni Deuce ng makapagbihis na sya. "Ikukuha kita ng pagkain sa


baba."

Tumango ako dahil nararamdaman ko na din ang pagkalam ng aking sikmura. Kawawa
naman ang baby ko kung nagugutom na sya. Ano kaya ang mararamdaman ni Deuce pag
nalaman nyang magiging Daddy na sya?

Napangiti ako sa pag-iisip kung paano ko sasabihin. Siguro mawawala ang tampo nya.
Siguro--

"Sige na? Pasilip ng room mo. Noong nasa London tayo, hindi mo din ako pinapapasok
sa hotel mo--"
"Tanya, please? Nagmamadali ako. Gutom na ang asawa ko." Matigas ang tanggi na
boses ni Deuce ang narinig ko. Tumayo ako at sumilip sa labas ng silid.

Gulat ang mukha ni Deuce na nakatingin sa akin nang mabuksan ko ang pinto, lumipad
ang tingin ko doon sa kamay ni Tanya na nakapakapit kay Deuce. Humalukipkip ako at
tumaas ang kilay.

"R-raeven.." Wika ni Deuce. Agad na bumitiw si Tanya sa kanya.

"Sorry. Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo kaya kumuha ako ng madami."
Tiningnan ko ang plato na bitbit ni Deuce at madaming nandoon. Nagpipigil ako ng
inis pero gusto ko na sumabog.

"Ayoko nyan." Malamig na sabi ko.

Bumagsak ang balikat ni Deuce.

"Gusto ko ng ginataang langka na mayroong ube! Ngayon din." Tumalikod ako at


pinagsarhan sila ng pinto.

---

Maki Say's: Part 2.10 will be the last chapter (Deuce POV). Then Epilogue.

Kaonting kembot tapos balik ako sa Rom Com haha napagod ako kay Attorney. Please

�add I Fell For A Gay Guy and The Bad Boy's Slave �

=================

Part 2.10

Final Chapter.

xxDeucexx

"Tres! May langka ba tayo saka ube?" Natigilan ang kapatid ko sa pagkuha ng tubig
mula sa ref.

"Bakit? Gawa ka ng halo-halo? Gabi na." Sabi nya.

"Hindi. Gusto ni Raeven ng ginataang langka na may ube." Napakamot ako ng aking
ulo. Hindi ko alam kung anong laman ng bahay ni Daddy pero kahit doon sa condo ko,
hindi din naman ako bumibili ng langka saka ube.

"Wow, ulam at dessert in one. Ayos yan." Humalakhak si Tres at akmang iiwan na ako
sa kusina. Hinawakan ko sya sa balikat. I cannot do this alone.

"Di ba kaibigan mo ang mayari ng Macy's? Pakitawagan mo nga, kailangan ko ng langka


at ube."

"Luh! Anong petsa na Kuya? Bukas na lang!" Matigas na tanggi ni Tres. Pinanlakihan
ko sya ng mata.

"Ngayon nga! Magbabayad ako kahit magkano."

"Eh bakit ba excited na excited ka sa langka at ube? Panigurado namang makakapag-


antay si Ate bukas." Tinalikuran akong muli ng kapatid ko na mukhang nais balewlain
ang sinabi ko.

"Tres! Hindi nya ako papapasukin sa kwarto ko kapag walang Ginataang langka na may
ube, kaya please naman.." Pagsusumamo ko. Langya naman eh, parang hindi pa
nakakaranas ng pagmamahal ang taong to eh.

"Sa guest room ka na lang!" Sagot nya.

"No! Ngayon lang kami ulit nagkita

tapos sa guest room ako? No way! Babawi ako-"

"Enough, enough! Ayokong marinig ang sex life nyo ni Ate! Sige na, antay ka lang
dyan. Papabuksan ko yung pinakamalapit sa atin na supermarket. Tsk!"

"Susunod din pala!" Panunuya ko pero umirap lang si Tres.

Inantay ko si Tres na makabalik, kalahating oras ang inabot dahil wala din syang
ideya sa mga bibilhin. Hindi na ako nagreklamo kung bakit sya natagalan dahil tyak
na maiinis sya. Ngayon naman ay tinitigan ko ang mga sangkap. So paano ako
magluluto ng langka na may ube?
"Need help?" Alok ng kapatid ko. Sinuot ko ang apron ko at napailing. Kinuha naman
ni Tres ang ipad at binasa ang instructions sa pagluluto ng gintaang langka. We
started rolling. Parehas na hindi alam ang ginagawa.

Si Tres ang nagsimulang mag-gisa ng karne.

Habang ako naman ay nagsimulang maghiwa ng iba pang sangkap.

"Kuya, malapit na maluto ang baboy, ano kaya ang susunod?" Tanong sa akin ni Tres.

Kingina, I don't have any fcking idea. Gusto ko na katukin si Raeven sa kwarto ko
kaya lang tiyak na galit pa siya sa akin dahil kay Tanya. Wala naman kaming
ginagawang masama, she's Oswald's sister. Nagkita kami sa London dahil umattend sya
ng convention doon. Not that we talked about seeing each other. I just needed Tanya
that time. Napailing na lang ako.

Napakaselosa talaga ni Raeven, pero nakakakilig talaga ang pagseselos nya.

"Coconut Milk daw, sabi dito." Sagot ko while reading the step by step
instructions. Tumango si Tres at ibunuhos ang canned coconut milk. Kahit papaano ay
may ideya sya sa pagluluto, lamang sya sa akin ng kaunti sa bagay na yon. Sa
kagwapuhan lang naman ako lumamang, ayos na yon, aanhin ko ang galing sa pagluluto
kung mas magandang lalaki naman ako.

"Ah! Tikman mo Kuya, ayos na kaya ang lasa?" Tanong ng kapatid kong walang kamalay
malay sa naglalaro sa utak ko na kapangitan nya.

"Paano magiging maayos ang lasa nyan kung mayroong minatamis na kasama. Try mo
tikman ang baboy na may kasamang asukal." Naiinis na sagot ko kay Tres. Napakamot
pa sya ng kanyang ulo dahil sa pagsusungit ko.

Gayunpaman, sinalin namin ito sa serving bowl, nakapagsaing na din ako ng mainit na
kanin para sa mahal ko. Nag-alok si Tres na tulungan ako sa pagbitbit pero hindi na
ako pumayag, nilagay

ko ang pagkain at juice sa tray, pasimple pa akong pumitas ng sunflower sa pot doon
sa kitchen at nilagay ko sa ray.
Kinakabahan ako habang umaakyat ng hagdan. Paano kung hindi magustuhan ni Raeven?
Tapos bilang parusa sa akin, ipapakain nya sa akin ang lahat? Napangiwi ako sa
ideya. Pinatong ko muna sa ibabaw ng drawer ang tray bago kumatok sa pintuan ng
kwarto namin ni Raeven.

"Goodnight Kuya!" Kumaway pa sa akin si Tres bago pumasok ng kwarto nya, nakangisi
sya at may halong pang-aasar. Tatlong katok ang ginawa ko bago sinubukang buksan
ang doorknob, nagulat pa ako ng nakabukas lang yon.

Natagpuan ko si Raeven na nakasandal sa headboard ng kama at nakaupo. Nakapikit pa


sya habang may yakap na unan.

Tulog na? Masyado ba akong natagalan sa pagluluto?

Binaba ko ang tray sa side table at tiningnan ang natutulog na si Raeven. Hindi ako
makapaniwala na buhay talaga sya at nandito lang sya sa tabi ko. Hindi ko naman
pinagdasal na mabuhay sya ulit noong akala ko wala na sya, yun pala dininig ang
panalangin ko na wag syang kukunin sa akin noong panahong nasa LA sya at
nagpapagamot.

I never thought that she would come back, ni hindi ko inasahan na malalaman ko pa
na bumalik nga sya pagkatapos ng ibinalita sa akin ni Yushima na maaring si Dalisay
ay parte ng isang sindikato.

Nabuo ang hinala ko ng huling gabing yon nang may naganap sa amin.

Nagising ako na hindi pa din malinaw ang naganap ng gabing

iyon. Halos mapatalon pa ako ng makita ko kung sino ang nasa tabi ko.

Si Dalisay o si Dorothy?

Sinilip ko ang maamo nyang mukha na may yakap na unan. Natutukso akong haplusin ang
kanyang mukha pero hindi ko magawa because in reality, I am scared.
"Deuce.." Dalisay whispered. Nilapit ko ang aking tenga sa kanyang mga labi. I want
to hold her so bad and pretend she's Raeven. Hindi ko naman inaasahan na may
mangyayari kanina. I even thought it was a dream but in the middle of it, I felt
her flesh and was drawn to it.

"Wag mo akong iwan.." She whispered. Sa paraan ng pagkakasabi nya non, mas lalo
akong naguluhan. Natigilan lamang ako when her phone beeped. Inantay kong gumising
o kumilos man lang si Dalisay pero hindi, siguro ay napagod ko sya ng husto. When I
confirmed that she didn't heard her phone, ako na ang nagmadaling hanapin iyon. Ito
na ang pagkakataon kong malaman kung ano ba talaga ang pagkatao ni Dalisay.

Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko ang mensahe sa isang lumang cellphone.

Martin: Sorry for not saying anything earlier, I don't want to be rude but I don't
want to lie about what I feel. I will be in London for a Doctor's convention, let's
talk when I come back. Take care.

Nilingon ko si Dalisay na payapang natutulog sa kama ko.

Martin, isang Martin lang ang kakilala ko, lalong lalo na isang Doctor. Imposible!

/>
Kilala nya si Dalisay? O baka naman si Dalisay at si Raeven---

Imposible!

Hindi na ako nag-isip dahil mas magpapatagal pa iyon, dali dali akong nagbihis.
Pinagmasdan ko si Dalisay, gusto ko syang gisingin at tanungin pero alam kong maari
syang magsinungaling kapag ginawa ko yon. If she has really bad intentions, I won't
have a way to find out.

But if she's Raeven....

Isang posibilidad pero maaring isa ding patibong.


What if she's Raeven? What if she's not?

Isa lang ang paraan para malaman ko. Nagtungo ako sa airport at bumili ng ticket
patungong London kung saan magtutungo si Martin, wala akong bitbit na gamit kundi
sarili ko lang.

"Oswald. Can you ask Tanya where will be the Doctor's Convention in London? Yung
mayroong mga Pilipino." Oswald's sister will be my last straw. She's a doctor too.

"Nandoon sya ngayon. Hilton London, Bro. Bakit?" Sagot ni Oswald.

"I will go there. Now."

"T-teka-"

Binaba ko na ang tawag dahil simula na ng boarding ng eroplanong sasakyan ko. I am


clueless of what's waiting for me there. Hindi ko nga alam kung ano ang una kong
aalamin. Martin must know something.

Pero paano kung ibang Martin ang nagtext kay Dalisay? Paano kung upline nya yon sa
networking?

Yun ang nasa isip ko habang

nakatanaw ako sa madilim na himpapawid sa labas ng eroplano. Sayang pala ang effort
ko kung nagkataon. Syet.

Yun nga lang hindi ako nagkamali. Una kong nakasalubong si Tanya sa Hilton Lobby
pagkadating ko. She recognized me right away dahil daw tumawag si Oswald sa kanya.
Nanghingi ako ng tulong na alamin kung nandon ba si Martin sa convention, on the
third day she confirmed na nandoon nga. Nahirapan lang syang alamin noong una dahil
limandaan daw ang attendees.

"I am sorry Sir but we cannot give you the details of our guest not unless the
guest will allow it." A lady with a very strong english accent shook her head.

Tangina, isang buwan na akong nagbabakasakali na makikita si Martin pero negative,


marahil daw ay hindi sa Hilton na ninirahan si Martin, but the nearby hotel is
Marriot, wala din akong makuhang impormasyon dahil bawal nga. Kahit ang makalapit
sa venue ng convention nila ay hindi ko magawa, sa lobby pa lang ay hinaharangan na
ako kahit kasama ko pa si Tanya.

Gusto kong magmura, mukha ba akong terorista?

"Ano? Akitin ko na?" Humalakhak si Tanya sa aking harapan. We decided to chill in a


bar that night.

Umiling ako habang umiinom ng whiskey. I don't want to use other person just to get
what I want.

"Mailap si Doctor Martin Fonacier, Deuce. Wala syang kinakausap. Noong minsang
sinundan ko kung saan sya pupunta, mabilis syang naglakad papalayo. Dati ikaw ang
type ko, nagbago na ang

isip ko. Mas gusto ko yung challenging hindi kagaya mong marupok." Panunuya sa akin
ni Tanya.

"Ha, hindi ako marupok, Tanya. Loyal ako and I need to talk to Martin para
matahimik na ang buhay ko. Gusto ko na din bumalik sa Pilipinas." Naisip ko ang
mukha ni Dalisay, o ni Dorothy, o ni Raeven. Kapag nakausap ko si Martin at itanggi
nya na si Dalisay at si Raeven ay iisa, si Dalisay naman ang babalikan ko para
ipahuli sa pulis. Hindi ako magpapadala sa inosenteng pagmumukha nya.

Nawawalan na ako ng pag-asa habang nalalapit ang pagtatapos ng convention nila


Tanya, isang linggo na lang kasi at babalik na sila sa Pilipinas. Not until one
day, I received a message from Tanya.

Tanya: Deuce, Doctor Fonacier is in my room! Dali!

Kinuha ko lang ang robe ko at bumaba doon sa hotel room ni Tanya, parehas kaming
naka-check in sa Hilton. Kumatok ako at bumukas agad ang pinto, nginuso ni Tanya si
Martin. Natagpuan ko agad si Martin na seryosong nakaupo sa sofa. Nagkatinginan
kami agad. Lumipat ang mata nya kay Tanya na napangiwi dahil sa masamang
pagkakatitig sa kanya ni Martin.

"Sorry, Doc.. He really wanted to talk to you." Lumabas si Tanya sa kanyang hotel
room at binigyan kami ng privacy.
"What is it?" Mabilis na tanong ni Martin. Nahihimigan ko ang pagkabalisa sa
kanyang tono.

"Where is Raeven?"

"Dead." Walang kagatol-gatol na sagot nya. Naikuyom ko ang kamao

ko. He's telling me like it is the truth but I wanted him to say otherwise! Lalo na
sya ang Martin na nagtext kay Dalisay. Hindi naman maaring may dalawa syang
kaibigan na magkamukha hindi ba?

"Really? Dead? Do you send text message to the dead, Martin? Sino ang pumupunta sa
bahay ko? Kakambal ni Raeven? Either you tell her she's alive or she has a twin
because that's the only thing that is possible!"

"I don't know what you are talking-"

Hindi ko na napigilan ang paglipad ng kamao ko. Halos mamanhid ang kamay ko sa
lakas. Napahiga si Martin sa sahig ng suntukin ko sya. Hindi ko na mapigilan. I
just want to know if it's Raeven or not. Kung hindi si Raeven si Dalisay,
magtatanong ako kung bakit may kakilala pa syang kamukhang kamukha ni Raven. Kung
si Raeven at Dalisay ay iisa, wala na kong gustong malaman pa. Gusto ko na lang
umuwi sa kanya!

"She's dead, Deuce! Hindi mo lang matanggap!" Tumayo agad si Martin at pinalis ang
dugo sa pumutok nyang labi. Hindi man lang sya lumapit para gumanti.

"Do you want me to sue you, Martin? Malalaman at malalaman ko din kung nagsasabi ka
ng totoo at wag mong iintayin na ako mismo ang makaalam ng nililihim mo because I
can drag you to hell and burn your license into ashes."

"Tingnan natin." Mayabang pa na sagot ni Martin, lalagpasan na sana nya ako ng may
pumutol na ingay sa pagitan namin.

Tumunog ang cellphone ni Martin, nakapatong iyon sa centertable, nagflash

ang mukha ni Phen kaya agad kong dinampot at sinagot ang tawag. Hindi ako nagsalita
at nilagay lang sa loudspeaker ang cellphone.
"Fafa Mart, buhay si Raeven? Akala ko minumulto na ako nung nakatayo sa harap ng
bahay ko! Alam mo daw at ni Ysobelle---"

Pinatay ko ang tawag ni Phen, nanginig ng husto ang kalamnan ko at sinugod si


Martin.

"How dare you!" Nadaganan ko si Martin sa tyan at walang habas na pinagsusuntok sya
sa mukha. Tinanggap ni Martin ang lahat ng suntok.

"Sya ang may ayaw magpakita sayo Deuce! Ayaw nyang umasa ka sa wala!" Sigaw sa akin
ni Martin pero halos hindi ko sya pagbigyan na makapagsalita. Lintik lang ang
walang suntok.

"What did you do to her? Bakit mo binago ang kulay ng mata nya?!" Galit na galit na
tanong ko. Kitang kita ko ang pag-alpas ng dugo sa bibig ni Martin pero sinusubukan
nya pa ding magsalita sa pagitan ng pagsugod ko sa kanya.

"Sya a-ang m-may gusto. Y-yung credentials nya lang ang binago ko n-noong nakiusap
ang Daddy mo sa kanya na balikan ka."

Natigilan ako.

So my Dad knows.

Bumalik ako muli sa pagsuntok dahil sa frustration. Tngina lang, alam nilang lahat
at pinapaikot nila ako?

"Gago ka pa din! You faked her identity para isipin kong parte sya ng sindikato na
maaaring maghiganti sa akin? Hindi mo ba alam na maaring ikapahamak ni Raeven ang
katarantaduhan mo!

You are a doctor but you are stupid! Paano kung inunahan ko sya at ipinapatay ko?"

"Deuce! Tama na!" Sumulpot si Tanya mula sa pinto. Pilit nyang hinila ang braso ko
kahit ayaw kong tumigil. Hindi ko na halos makilala ang pagmumukha ni Martin pero
matapang pa din syang nakatingin sa akin.
"Sasaktan mo lang sya. Ayaw ka na nyang makita dahil sinaktan mo sya, Deuce. She
almost lose hope in living because you are capable of loving somebody else while
she bleeds in pain! Noon lang ako nakakita ng taong pinipilit buhayin ng mga tao sa
paligid nya pero sya mismo ang tumatanggi dahil para sa kanya, mas masakit ang
mabuhay kaysa mamatay. Lahat ng pasyente halos lumuhod sa harapan ko para buhayin
sila but Raeven would cry every night because she lost the ability to hope, she
wanted to die!"

Unti unti akong tumayo mula sa pagkakadagan kay Martin. Kumapit si Martin sa lamesa
para tulungan ang sarili na tumayo.

"Your father spent Billions to keep her alive, para ibalik sya muli sayo pero
tumanggi sya. Ayaw na nyang bumalik, Deuce."

"You are wrong. Binalikan nya ako! Lagi nya akong pinupuntahan."

Umiling si Martin, "She did dahil pinakiusapan sya ng Tatay mo. Your father is
desperate to bring her back to you at tumatanaw lang ng utang na loob si Raeven
ngayon kaya wag kang masyadong umasa. Aalis din sya at iiwan ka ulit!" Puno ng
sarkasmong sabi ni Martin. Nagawa nya pang tumayo kahit na nakabaluktot ang kanyang
katawan.

/>

Susugurin kong muli sya pero niyakap na sya ni Tanya para hindi ako makalapit.

"Deuce, bibig ang ginagamit sa pakikipag-usap hindi kamao. Magpalamig ka muna!"


Sigaw sa akin ni Tanya. Kumuyom ang palad ko. Tumalikod ako at padabog na lumabas
ng hotel room ni Tanya dahil kung hindi baka makapatay ako at hindi na makabalik ng
Pilipinas.

Hindi ako pinatulog ng isiping yon. Kinuha ko ang aking telepono at tinawagan si
Daddy. Inantay ko lang na mag-umaga sa Pilipinas bago ako tumawag.

"Dad..." Pagod ang boses ko. Hinilot ko ang aking sentido habang nakapasandal sa
upuan.

"Deuce, where are you in London? Pinapahanap kita pero bigla ka daw nawawala sa
paningin nila. Nasaan ka?" Puno ng pag-aalala na sabi ni Daddy. Of course he would,
alam nya ang lahat ng kilos ko.
"Dad, is Raeven alive?" I know she is but I need to hear from my Dad kahit minsang
isa din sya sa nanlinlang sa akin.

Katahimikan ang pumagitan sa amin ni Daddy. Nakarinig ako ng malakas na pagbuntong


hininga.

"She is."

Napahilamos ako ng palad sa aking mukha.

"Dad, bakit hindi mo sinabi sa akin? Para na akong baliw na araw araw umiiyak at
unti unting sinisira ang buhay pero hindi nyo man lang sinabi sa akin?" Puno ng
dismaya kong tanong. I am beginning to question my Dad's ability to take care of
me, pumalpak na naman sya sa pangalawang pagkakataon.

/>

"Gusto kong sabihin pero gusto kong respetuhin ang desisyon ni Raeven.."

"So she really don't want to see me? Wala syang intensyon na makasama ako?" Parang
bubog ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko. It cuts my throat deep, mapait ang
panlasa ko sa bawat salita.

"Because she was very ill, son.. And you fell inlove with Clover." Kalmadong
paliwanag ni Daddy.

"Tngina naman Daddy eh.."

"Your mouth Attorney Montemayor!" Biglang galit agad ang Tatay ko. Napakamot ako sa
batok, tumayo ako at sumilip sa malaking bintana kung saan tanaw ang liwanag sa
City of London.

"Okay, sorry. Pero Dad naman eh. Bakit nyo ba ako pinagbibintangan na may mahal na
iba? Wala man lang bang magtatanong sa akin kung ano ang pakiramdam ko? Dad, mahal
na mahal ko si Raeven. Patay na patay ako doon sa tao, dapat nga ako ang pinagtirik
nyo ng kandila eh simula noon pa eh."
Naalala ko ang unang pagkakataon na nakita ko si Raeven. Gandang ganda ako sa kanya
kahit napakasimple nya. Tinamaan agad ako. Sagad sa buto. Hindi nagbago ang
pakiramdam ko noon pa man.

"I am sorry, Son. Sana maintindihan mo kung bakit mas pinili kong respetuhin ang
desisyon ni Raeven na wag ipaalam sayo na buhay pa siya. I also don't want to
stress her out when she's under going treatments. Nagtiwala sya sa akin."

Tumango ako, pero kingina, ayaw nya talaga akong balikan? Napilit lang sya ni Daddy

kaya nagpakilala sya bilang Dalisay?

Ha, sya pa talaga ang may gana na tanggihan ako.

Tinitigan ko ang mukha ni Raeven. Sinubukan ko syang tiisin na hindi makita kaya
nagtagal pa ako sa London. I am thinking na mag-i-iiyak sya sa harapan ni Daddy
para ipahanap ako pero dalawang linggo ang lumipas, ako lang ang mas lalong
nakamiss sa kanya.

Hindi pa sana ako uuwi sa birthday ni Daddy kaso tinukso nya ako na dadating si
Raeven, napabili tuloy ako ng ticket kahapon kahit triple ang presyo ng ticket
pabalik ng Manila.

Miss na miss ko na ang mahal ko..

Hinawi ko ang buhok nya na tumatakip sa maganda nyang mukha.

Humikab pa si Raeven kahit nakapikit.

Hanep talaga yung Baby ko, tulog na nga inaantok pa din. Napangiti ako nang maisip
ang itsura nya kanina na galit na galit sa akin kasi iniwanan ko daw sya pagkatapos
ng may mangyari sa amin. Ang cute cute nyang mainis. Ang sarap halikan kaso dapat
galit ako hindi ba?

Napaka-easy to get naman kung patawarin ko sya agad.


"Deuce?" Napakapikit pa din sya.

"Yes, Bab-Raeven?"

"Nandyan na ba yung pinaluto ko?" Tanong nya.

"Oo, naluto ko na. Gising ka na at kumain ka na din."

Umiling sya.

"Antok ako, subuan mo ako habang nakapikit." Utos nya. Agad na nanlaki ang mga mata
ko. May kumakain bang nakapikit?!

"Wala

namang kumakain ng nakapikit-"

Dumilat si Raeven para matalim lang akong tingnan. "Gusto kong kumain pero inaantok
nga ako eh...." Angil nya tapos bigla syang lumabi na parang maiiyak "Kung ayaw mo
akong subuan dahil galit ka pa din sa akin, eh di sige. Doon ka na sa Tanya mo.
Magsama kayo. Parehas kayong malalandi."

"Rae, paano naman napasok si Tanya sa usapan?" Desperadong tanong ko.

Nagulat pa ako ng biglang humikbi si Raeven. Mas malakas kaysa kanina, anytime,
papalahaw na talaga ng iyak.

"Kahit naman galit ka sa akin, galit din ako sayo kaya quits lang tayo. Bakit ang
sama sama mo?"

"Rae!" Untag ko sa kanya. "Ano bang problema? May acting workshop ka bang sinalihan
at homework mo yan? Aw! Aray! Bakit mo ako sinipa sa tyan?" Reklamo ko sabay hilot
ng tyan ko na sinipa nya bigla. Buti na lang may abs kaya di ako masyadong
nasaktan.
"Wala pa yang sipa na yan kumpara sa ilang buwang magiging paninipa sa akin ng anak
mo sa tyan ko no!" Sigaw nya. My mouth flew wide open. Hindi ko na napansin ang
pag-iyak nya, mas inintindi ko ang sinabi nya.

"Anong---Anak? Anak ko? Saan?" Hinawakan ko sa magkabilang pisngi si Raeven na


hindi na makatingin sa akin.

"Raeven, buntis ka?" Tanong ko ng hindi sya sumagot. Hindi ko mapigilan ang
mapangiting tagumpay. She's pregnant with my child!

Ang galing mo talaga Dos! Yahoo!

"Dalawang buwan mo akong hinayaan na pagdaanan ang paglilihi

nang mag-isa." Buong pagtatampong sambit ni Raeven. Hinalikan ko sya ng buong


lambing sa noo. Kawawa naman pala ang Baby ko kung ganon.

"Sorry Baby.. Hindi ko naman alam na ikaw pala yan.."

"Kahit na! Nagbago lang ng kulay ng mata at gupit, hindi mo agad nakilala..."

"Baby naman.. Ayaw nga kitang palitan eh. Nanindigan ako na kahit may dumating pang
higit sayo, hindi kita ipagpapalit, eh di lalo pa kung kamukha mo! Mas gusto ko pa
din yung ikaw. Yung mahinhin pero matindi magalit lalo na kapag nagseselos."
Hinalikan ko si Raeven sa kanyang ilong. Iniligay nya ang kanyang mga kamay sa
bewang ko.

"Talaga? Kahit nagsinungaling ako?"

Nagkibit balikat ako. "I cannot do anything about that. Pupwede naman nating bawiin
ang lahat ng yon. Sa tingin mo ba, Baby, maihahabol pa natin ang kambal? Ang daming
panahon na ang nasayang sa atin eh."

Dahan dahan kong inihiga si Raeven sa kama. Ngumiti sya habang nakatitig sa akin.

She hasn't changed. Yung paraan ng pagtingin nya sa akin, parang inlove na inlove.
Yung tingin na parang nakakuha ng jackpot kasi ako ang nasa harapan nya.

"Yung mata mo, hugis puso na." Panunukso sa akin ni Raeven.

Napailing ako. Imahinasyon ko lang pala ang nakita ko sa mga mata nya. Sa totoo
lang, ako ang inlove na inlove at nakakuha ng jackpot sa babaeng ito. She's a pain
in the ass but I love her.

I can be all that she want because I, Attorney Deuce Montemayor, aimed to make this
girl happy, forever and now I am living it.

"Kailan ako kakain?" Raeven asked while I am planting small kisses on her neck.

"Ngayon. Kakain ka, kakain din ako." Ngumiti ako sa kanya. Exciting!

"Hindi yon ang ibig kong sabihin!"

Humalakhak ako at pasimple kong inilagay ang kamay ko sa ilalim ng tshirt na suot
nya ngayon.

"Basta ako, yun ang ibig kong sabihin.." Bulong ko sabay halik sa kanyang mga labi.

=================

Epilogue

Maki Say's: Thank you for reaching this point. I strongly (with conviction)
DEDICATE this story to my Facebook group page members ng MAKI DYOSA (Wag Matakot)
and MAKIWANDER STORIES' facebook friends ( I know masyadong feeling ang name ng
facebook group ko hehe). Para sa inyo to. I just want you to know na THANK YOU, for
PATIENTLY waiting for my UPDATES. And ENCOURAGING me to take my TIME. Yes, I took
my time. Hindi ako nag-update dahil mayroong nagpapa-update sa akin ng story na
ito. Hindi ako huminto sa panghuli na parte ng story kahit na sobrang
nakakapressure ang paraan ng paghingi ng update ng iba. Araw-araw na may kasamang
panghuhusga ang kesyo 'matagal' ko daw na update--- hind man lang nag-Please teh!
Kahit lagi akong nagpapaliwanag ng pinagdadaanan ko kung bakit hindi ko pa ito
maprioritize, I still read those rants. 'Update please' will do, keri pa ng nerves
ko pero sana mga kapatid, unawain ang author. Accountant at Nanay ang lola nyo. Pag
mayaman na ako, magsusulat na lang ako maghapon di ba? Kaya lang may pinapa-gatas
pa ako at pinag-aaral.

These people are the same people na 'nawalan daw ng gana' sa story ko nung pumasok
sa part 2. Just so you know:
1.) I don't update dahil lang sinabi mo.
2.) Itigil mo/nyo na ang gawain na panghuhusga sa story nang wala pa sa climax
dahil may kilala akong author na inunpublish ang buong story ng hindi pa tapos
dahil sa mga kagaya mo/nyo.

I don't want to close this story with rant. Thank you sa matyagang nag-intay.
Ramdam ko na gusto nyo akong kulitin

pero tiniis nyo dahil naunawaan nyo ang post ko dito sa wattpad at sa facebook.
Mabuhay kayo. I rarely read comments now (because I get frustrated most of the
times and I will end up in long Author's Note like this) but reachable ako sa
messages EXCEPT questions or messages or follow up when will be the next update
STILL won't be answered, dahil kahit ako ay hindi tiyak kung kelan. Yun lang.

✌�

Salamat! �

xxRaevenxx

Lahat ng gusto ko nandito. Simpleng mga bulaklak pero iniutos ni Deuce na punuin
ang buong lugar. Kaunti lang ang bisita, si Tatiana, si Phen, si Ysobelle, ilang
kaibigan ni Deuce at ang buo nyang pamilya.

Nanginginig ang kamay ko, mula sa maliit na belo na sapat lang para takpan ang
mukha ko, kitang kita ko ang pagluha nya habang papalapit ako.

Mag-isa akong naglalakad-- dalawa pala kami ng baby girl ko. Medyo malaki na ang
tyan ko pero hindi ako nahiyang ipakita yon sa lahat, isang fitted serpentine gown
ang suot ko, simple lang samantalang ang groom ko napakagwapo sa itim na tuxedo at
puting panloob.

"Baby, bilisan mo nang onti ang lakad, excited na ako." Narinig ko pang bulong ni
Deuce. Napangiti ako at di na napigilan ang pagluha.

Today, I am marrying the man that I love, and this time, nandito na ang mga mahal
namin sa buhay. Hindi man naging perpekto ang pinagdaanan namin but God gave me a
second chance to try it again. Ganoon talaga siguro yon, kung sino ang nakalaan
sayo, kahit ano pang pumagitna sa pagitan nyo ay walang magagawa.

/>
The destination made me realize how our journey became worthwhile. Walang nasayang
na kahit ano, mas tumibay lamang kami at tumapang.

"Raeven, I am happy that you will be the new addition in my family. Napasaya mo ang
anak ko." Kumislap ang mata ni Attorney Hades Montemayor nang makarating ako sa
unahan at salubungin ni Deuce.

"Dad, don't tell her that. Baka sabihin nya patay na patay talaga ako sa kanya.
Ipagdiinan pa daw ba?" Umismid si Deuce, napangiti ako at hinaplos ang kanyang
mukha. Mapagbiro talaga ang asawa ko. Bahagya syang ngumiti at bigla na lang akong
kinintilan ng halik sa labi.

"Ay hindi nakapag-intay ang lolo nyo!" Napalingon kami sa nagsalita, si Clover ang
tumayong 'Best Woman' ni Deuce. Nabalitaan kong Man of Honour nya si Deuce sa
kanyang kasal. Napaganda din nya sa suot nyang puting dress at nakakapit sa kanyang
bewang ang asawa. Ang triplets nila ang tumayong flower girls, coin bearer at ang
panganay naman ang ring bearer.

"Baka kasi mapaanak ka na kapag matagal!" Humalakhak si Deuce at nanunuyang


tiningnan ang tyan ni Clover na naglalaman ng kambal.

"Pag mas lumamang talaga kayo ng anak kaysa sa amin, pagtatawanan din kita!" Umirap
si Clover kay Deuce. Nahihirapan tanggapin ni Clover na puro kambal ang
ipinagbubuntis nya pero kitang kita naman ang kasiyahan sa kanya.

"Mahal, niloloko ka lang.. Kalma na." Hinalikan naman ni Ashton si Clover sa


kanyang mga labi.

Nakakakilig! Kahit siyam na taon na silang mag-asawa, hindi nababawasan ang


pagtitinginan nila sa isa't isa. Hindi nga ako makapaniwala

sa tindi ng pinagdaanan nila base sa kwento ni Deuce. Pero mula noon hindi na ako
nakadama ng selos kay Clover, kagaya ko ay mahal na mahal nya din ang kanyang
asawa.

"Halika na nga, Baby. Panira talaga ng moment ang madaldal na yan." Bulong sa akin
ni Deuce.

Kinuha ko ang kamay ni Deuce at sabay kaming humakbang sa pulang carpet patungo sa
pari. Nakangiti nya kaming sinalubong at tiningnan ang kamay naming magkahawak.
Tumikhim aya at tumango tango.

"Ganyan nga. Kapag dumating ang pagsubok, dapat hindi lang sa masasayang bagay ang
paghahawak nyo ng kamay. Dapat ay sa lahat ng oras." Panimula sa amin ni Father.

Nanatiling mapayapa ang buong seremonyas, humahampas ang malakas na hangin na


nagmumula sa limang nakabukas na pinto ng dome, kung saan kami ikinakasal.
Sumasayaw ang mga dekorasyong bulaklak at puting kurtina dahil sa ihip ng hangin.
Sa labas ng dome ay malawak na hardin at dito din gaganapin ang reception.

Paulit ulit na tatatak sa memorya ko ang espesyal na araw na ito. Ipinagpapasalamat


ko na nabiyayayaan ako ng maayos na kasal katabi ang mahal ko.

"Baby, noong unang nakita kita, inaantay ko talagang sabihin mong ang gwapo gwapo
ko pero nagkabaliktad, ako ang namangha sa kagandahan mo." Natawa ako sa pagsasabi
ng totoo ni Deuce. Nahiya din ako dahil masyado namang papuri ang kanyang
sinasasabi.

"Sabi ko non sa sarili ko, pasasayahin ko ang babaeng ito buong buhay ko-- but I
failed. Naging marupok ang katawang lupa ko.. Naging lalaking mababa ang lipad.."
Tumawa ang mga bisita namin kahit

nangingilid na ang luha ni Deuce, hindi naman kasi sya nagbibiro, ganito lang
talaga sya. Buong suyo kong hinaplos ang mukha ni Deuce.

"Pero lahat yon, pinagsisisihan ko. Hindi ako perpektong tao. Gwapo lang talaga
ako. Sa totoo lang ilang beses kong pinilit na pumantay man lang sa kabutihan mo,
hindi ko kaya eh. Talo ako Baby. Simula naunawaan ko na ang pag-iwan mo sa akin
noon ay hindi tanda ng pagsuko kundi sakripisyo, mas lalo kitang minahal." Nanginig
ang labi ni Deuce habang nakatingin sa aking mga mata. Suminghot sya at mukhang
nahihirapan sa gustong sabihin.
"But Baby, I just want you to know that when you will leave me again--" Huminto si
Deuce at napasinghap. Iniangat nya ang kamay naming magkahawak na hindi pinuputol
ang tinginan namin "----I will hold your hands this tight. Dahil ang paraan ng
pagmamahal ko sayo ay taliwas sa sakripisyo. I want you to know that I can give up
everything, except you. Tandaan mo yan."

Inayos ni Deuce ang kanyang bowtie bago nagsalita ng panibago. Napangiti sya at
namumula ang pisngi, mukhang nahihiya sya.

"Pag nagkaanak tayo, sana kamukha mo. Sana kasing bait mo, sana kasing tapang mo.
Sana makuha nya ang lahat sayo, but if they will be weak, turuan mo silang maging
kagaya mo, because I am sure they will be proud of themselves when they grow up. I
love you Baby.."

Tumango ako habang pinapalis ni Deuce ang luha ko. Paulit ulit nyang pinadaanan ng
halik ang mga labi ko. Nagpalakpakan ang mga tao. Masayang masaya para sa amin..

Pero ganoon nga siguro talaga,

mayroong lubak sa bawat kalsada. Dadaan at dadaan kayo sa isang mabato na daan at
hindi iyon maiiwasan.

Lumipas limang taon sa amin......

"Ma'am Raeven.. Hindi po talaga tatanggap ng bisita ang nasa loob ng function room.
Close door meeting po kasi.."

Pinandilatan ko ang humaharang sa akin na receptionist ng restaurant kung saan ko


hinanap sa pamamagitan ng tracker si Deuce. Hindi nya alam na inactivate ko yon sa
kanyang cellphone.

"Close door?! Dalawa lang sila!" Pagpupuyos ko! Ilang ulit na ba nangyari ang
ganito? Makikita ko si Deuce sa isang lugar tapos bigla syang mawawala kapag sinabi
kong nasa parehas na lugar lang ako. Ngayon ay wala na syang kawala! Kapag
nakalusot pa sya sa pader kung saan siya nakikipagmeeting, ewan ko na lang!

"Ma'am kasi---"

Walang pakundangan na binuksan ko ang pinto na pribado sa restaurant, doon ko


nakita si Deuce na nakikipaghalakhakan sa isang babae na di hamak na mas bata sa
kanya.

"R-rae---" Gulat na gulat pa si Deuce pagkakita sa akin. Pinanliitan ko sya ng


mata.

"Excuse me, Reese. Can I have a second with her?" He smiled apologetically to the
girl, tumango din ito pabalik. Maingat nya pang sinarhan ang pinto bago ako
hinarap.

"Raeven.. Ano bang ginagawa mo dito? Nasa trabaho ako.." Bulong ni Deuce habang
inaaalalayan nya ako papalabas ng restaurant.

"Trabaho? Nakikipagharutan ka sa kanya--"


"Porket maganda ang kliyente nakikipagharutan agad?!" Naiinis na sagot sa akin ni
Deuce.

"So

sinasabi mong maganda sya?" Humalukipkip ako sa kanyang harapan. Ang anino ng
kanyang sasakyan ang lumililim sa amin ngayon.

"Magseselos ka ba kung hindi?" Pabalag nyang sagot.

"Nagtext ako sayo, tumawag. Hindi ka sumasagot." Dahil siguro may kaharap syang
halos lumuwa na ang dibdib at sumilip ang singit dahil sa igsi ng suot!

"Because Im on a fcking meeting!" Halos pasigaw ang kanyang pagkakasabi.


Naiintindihan ko na malaki ang stress nya sa trabaho pero ang laki ng ipinagbago
nya, di na sya kasing init ng dati. Madalas ay natutulog na sya pagkauwi nya at
galit naman kapag kinukwestyon sa oras nya.

"Hinahanap ka sa akin lagi ni Olivia." Pumiyok ang aking boses nang banggitin ang
pangalan ng kaisa-isa naming anak na hindi na namin nasundan kahit apat na taon na
dahil lagi syang stress.

Napahilamos si Deuce ng kanyang palad. Alam kong ayaw nyang binabanggit ko ang
pangalan ng anak namin sa gusot naming dalawa pero hindi ko mapigilan. Nalulungkot
ako sa kawalan ng oras ni Deuce para sa amin.

"You know, you should start doing something. Masyado kang nafo-focus sa akin dahil
nasa bahay ka lang. Negosyo, tama. Magnegosyo ka. Magiging abala ka doon--"
Suhestyon ni Deuce. Malungkot akong umiling. Pinunasan ko ang luha na nagbadya sa
aking mga mata.

"Hindi ako humihingi ng pagkakaabalahan, oras mo ang hinihingi ko, Deuce." I smiled
bitterly, "Pasensya ka na kung ginulo ko ang meeting mo. Apologize to your client
for me." Tumalikod na ako at nagtungo sa sasakyan ko.

"Raeven--" Tawag nya sa akin pero hindi ko na sya pinansin.

Pinatunog ko ang sasakyan na iniregalo sa akin ni Deuce sa first wedding


anniversary namin.

I know that our wedding isn't the happy ending just like in fairytales. Wala naman
kasi non. Ang kasal ay simula pa lang ng mas napakaraming pagsubok sa inyo. At ang
sa amin ni Deuce, oras.

Oras ang pinakamalaki naming kalaban.

Nagtungo ako sa shop ng napangasawa ni Tatiana pagkatapos ng ilang ulit na pag-


iisip. Mayroong auto shop si Carlo at nagbu-buy and sell din ng sasakyan.

"Mini Cooper?" Nagtaas ng kilay si Carlo Habang sinisipat ang sasakyan ko. Pinapa-
assess ko sa kanya ang kotse ko para sana ibenta.

"Mataas pa ang value nyan at last week lang may nagpapahanap sa akin."

"Teka, Frenny! Di ba regalo ni Papi Deuce yan. Baka magalit--" Singit ni Tatiana.
Malungkot akong umiling. Baka nga hindi nya mapansin na hindi na ito nakaparada sa
garahe ng bahay namin dahil sa sobrang abala nya.
"Magtatayo naman ako coffee shop. Doon din mapupunta ang pera, regalo pa din iyon
sa akin, mas makabuluhan pa." Matagal ko na ding iniisip ang isang coffee shop na
mayroong library at serbisyong movie rental na maaring panoorin doon sa coffee shop
gamit ang tablet na ipaprenta din.

Hindi ko lang sinasabi kay Deuce dahil alam kong ipupursige nya akong gawin yon
agad kahit wala pang sapat na pag-aaral hindi kagaya ngayon. Nakakita ako ng isang
perpektong lugar sa may estasyon ng tren na malapit sa school ko at doon kay Deuce.
Mababa ang renta dahil kakilala ako ng mayari at tiyak na dadayuhin ng mga
estudyante kaya hindi kwestyunable

ang kita.

"Raeven, 3.5 million, last price." Nagkibit balikat si Carlo pagkababa ng telepono.
Sinubukan nyang ialok agad ang sasakyan. Ngumiti ako, sapat na siguro yon para sa
iniisip ko.

Inantay namin ni Carlo at Tatiana ang buyer ng aking sasakyan, nagkwentuhan kami sa
labas ng auto shop habang nag-iintay. Dumating ang isang may katandaang lalaki
pagkalipas ng treinta minutos na agad na sinubok ang aking sasakyan. Nalaman kong
nagkokolekta sya ng cooper at nagustuhan nya agad ang akin dahil hindi ko maayadong
nagagamit. Nagtungo kami nila Tatiana sa bangko ng magkasundo sa presyo at
prinoseso agad ang bank transfer sa aking pangalan bilang kabayaran.

Huminga ako ng malalim habang hinahaplos ang bawat muebles ng sasakyan. Ito na ang
huling regalo sa akin ni Deuce na malaking bagay, madalas ay nakakalimutan na din
nya ang mga petsa ng anibersayo namin. Hindi ko sya masisi dahil simula nang
dumating si Olivia, nagpakapagod sya ng husto. Naging triple ang inilaki ng kanyang
Law firm at hanggang ngayon ay wala pa ding natatalong kaso.

"Ihatid ka na namin, Frenny.." Anunsiyo ni Tatiana habang nagmamaneho si Carlo.

"Salamat."

Inantay kong makaalis ang sasakyan nila Carlo bago ako pumasok sa loob ng bahay
namin. Malaki ito para sa tatlong tao pero ako ang punong abala dito. Katuwang ko
si Yaya Delia kay Olivia pero ako pa din ang gumagawa ng lahat, mula sa pagluluto
hanggang sa paglilinis. Nag-invest si Deuce sa security. Madami kaming bodyguard sa
loob at labas ng bahay. Mayroon din syang driver bodyguard simula nang mag-asawa
kami dahil

sa dami ng hinahawakan nyang kaso.

"Mommy!" Si Olivia ang nagbukas ng pinto. Napangiti ako dahil suot suot na naman
nya ang t-shirt ng Daddy nya at pulang pula ang kanyang labi dahil sa laruan na
lipstick.

"Hi Baby!" Buong sigla ko syang niyakap kahit pagod ako maghapon kakasunod kay
Deuce.

"Hi Ma'am. Luto na ang hapunan. Kain na.." Anyaya sa akin ni Yaya Delia. Tumango
ako at pinalibot ang aking mga mata.

"Wala pa po si Sir." Sambit ni Yaya Delia habang inaayos ang nakakalat na laruan ni
Olivia. Tumango ako. Sanay na.

Binuhat ko si Olivia para magtungo sa hapag kainan. Pinaupo ko na din si Yaya Delia
para sabay sabay na kaming maghapunan.

"Where's Dad?" Walang muwang na tanong ng anak ko. Ngumiti ako ng mapait.

"He's at work so he could buy you toys.." Inayos ko ang takas na buhok ng aking
anak. Maputi sya na kulay gatas, malintog ang pisngi at bilugan ang mata.

"I don't like toys. I like Dad. I want him to be here.." Turo ni Olivia sa katabi
nyang upuan.

"Don't worry, Baby. I will talk to him." Malambing kong sabi sa aking anak sabay
kurot sa kanyang pisngi. Isang pangako na sinusubukan kong gawin kaya lang at
nauuwi naman kami sa away.

Nang gabing iyon halos papahulog na ako muli sa antok ng maulinigan ko si Deuce na
tahimik na pumapasok sa aming kwarto.

Nagpanggap akong tulog. Nakaramdam ako ng paglubog ng kama, isang marahan na haplos
ang dumaan sa aking buhok.

"Nakakaguilty naman din talaga, Baby. Kaya lang ginagawa ko ito para sa inyo. Hindi
ko babae

si Reese o kung sino man ang pinagdududahan mo. I just need to be a good provider
for you and Olivia. Gusto kong ibigay ang lahat. Miss na miss na din kita, Babe.
Tinitiis ko lang.."

Ramdam ko ang pagkurot sa puso ko habang kinakausap ako ni Deuce. Walang tigil ang
paghaplos nya sa aking pisngi. Bahagya akong kumilos para takpan ang aking mukha na
naiiyak na naman.

Marriage is not a bed of roses. Isang gasgas na kasabihan pero totoo. Hindi lahat
matatamis. Dadaan kayo sa pagsubok na hindi pa-cute. Yung mga pagsubok na hindi
madadaan sa lambing at sorry, kundi maayos lamang sa lawak ng pang-unawa.

Pinili kong unawain sya, kasama yun sinumpaan ko. Staying inlove is not an option,
it's a must. And I love him! Hindi mahirap gawin ang lahat ng yon dahil mas malaki
lagi ang pagmamahal ko.

Nagsimula na ako sa sikretong construction ng coffee shop. Pag-umaalis si Deuce


para pumasok sa lawfirm, imbes na sundan sya, nagtutungo ako sa coffee shop na
ipinatatayo ko. Hindi ko isinasama si Olivia dahil masyadong madaldal ang anak
namin. Gusto kong sorpresahin si Deuce kapag naitayo ko na ang lahat.

I want him to see me soaring. I want him to see that I also have my own dreams.
Gusto kong makita nya na indibidwal pa din ako na kayang tumayo sa sarili kong mga
paa. That I am still the old Raeven.

"Ang ganda ng pagkakaayos!" Pumalakpak si Tatiana habang sinusundan si Mecca, ang


aking interior designer. Estudyante pa lang si Mecca at magpresinta syang gawin ang
coffee shop bilang OJT para sa kanyang portfolio, yung mayari din ng pwesto ang

nagpakilala sa kanya kaya malaki ang pasasalamat ko dahil wala akong gastos kundi
mga materyales lang.

'Olivia'

I named the coffee shop after our daughter.


As simple as that. Si Olivia ang tanda ng pagbabago sa buhay namin ni Deuce. Hindi
lang ng buhay kundi pati mga pananaw. Because of Oliva, we grew. We didn't settle
for less anymore.

"Tinawagan ko na ang mga kaberks natin sa Centaurus. Okay na daw si Fifa at Yoanna
para maging barista. Sa kitchen naman solid na daw si Dominic at Bernie. Alam mo
naman ang dalawang yon, hindi mapaghiwalay ang tandem. Minsan iniisip ko nga na may
lihim na pagtitinginan ang dalawa eh." Tumawa si Tatiana at ipinahinga ang kanyang
likod sa couch.

"At syempre ako. Araw araw akong nandito, hindi ako magpapabayad at tutulong ako
sayo kaysa doon kay Carlo na puro usok ng tambutso ang nalalanghap ko. Bigyan mo
din ako ng uniporme nyo ha. Bet ko yang cute nyong uniforms." Sambit ni Tatiana.
Ngumiti ako at pinagpagan ang uniporme na nakasabit sa rack. Hindi ko pa maiuwi
dahil baka magtaka si Deuce.

"Isa't kalahating buwan, walah! May negosyo ka na Frenny!" Buong tuwang lahad ni
Tatiana. Sumang-ayon ako sa kanya. Isang karpintero na nga lang ang natitira para
ayusin ang wirings ng CCTV, kung tutuusin ay tapos na ang buong lugar.
Nagdidistribute na din ako ng flyers para sa opening nito sa isang linggo.

Inabot ako ng gabi sa pakikipagkwentuhan kay Tatiana. Nalibang kami masyado sa


pananatili sa coffee shop na movie room, isang TV, DVD player at mga bean bags ang
nandoon para sa group of five

na gustong manood ng isang buong movie habang nag-iintay ng klase.

Hinatid ako ni Tatiana papauwi. Nadatnan ko si Deuce na nandoon sa kwarto namin at


may hawak na alak sa kanyang kamay. Nanunuot ang nga titig nya sa akin na parang
may ginawa akong kasalanan.

"Saan ka galing?" Malamig nyang tanong.

"Kasama ko si Tatiana--"

"Kailan ka pa natutong magsinungaling?" Kalmado ngunit may pagdidiin nyang tanong.

Natigilan ako sa paghakbang patungo sa closet dahil sa tanong na yon ni Deuce.

"Nasaan ang kotse mo?" He asked again. Bumukas ang bibig ko pero walang salita ang
naibigkas.

"Raeven!" Untag sa akin ni Deuce ng hindi ako makapagsalita. Unti-unting nanginig


ang mga labi ko.

"I saw your car. Isang lalaki ang nagmamaneho, sinundan ko iyon, sinabi nyang
binenta mo sa kanya. Raeven! That was my gift for you! Buong akala ko pinapa-casa
mo lang!" Kulubot na ang noo ni Deuce at galit na talaga.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko but then hinawakan ako ni Deuce sa siko at
inilapit sa kanya. Umawang ang bibig nya pero naging sunod sunod ang pagluha ko
kaya hindi na sya muling nagsalita.

"Kailangan mo ba ng pera? May gusto ka bang bilhin na hindi mo sinasabi sa akin?


Tell me, I told you, kaya kong ibigay lahat." Mas mahinahon ang boses ni Deuce.
Impit akong napaiyak.

Maybe good intentions aren't good at all.


Marriage's strongest foundation is trust. Sa oras na maglihim ka, para kang
nagpapasok ng anay para gibain kayo mula sa loob.

And I choose to lie.

I choose to keep a secret kaya nandito kami ngayon, may problema na naman.

Niyakap ako ng mahigpit ni Deuce, akala ko ay magsisisigaw sya sa galit kagaya noon
pero hindi nya yon ginawa. Masuyo nyang hinaplos ang aking batok pababa sa aking
likod.

"Baby, wag mo akong ipagpapalit. Hindi na ako aalis hangga't hindi


nakakapagbreakfast. Ako na ang maghahatid kay Olivia sa school. I will block my
lunch schedule para uuwi ako-- sabay tayong kakain at nandito na ako sa bahay by
4PM. I promise, Babe. Sorry kung nawalan ako ng oras pero sana-- sana hindi pa huli
ang lahat." Nagulat pa ako ng biglang umiyak si Deuce sa aking harapan. Tinalo nya
ang iyak ko!

Sa sobrang lakas ng iyak nya, kinatok kami ni Yaya Delia na sinilip ko naman at
binigyan ng ngiti para umalis na. Humahgulgol pa din si Deuce na parang bata ng
tumayo ako sa kanyang harapan.

"Did I just lose my wife?" Umupo si Deuce sa gilid ng kama at ginulo ang kanyang
buhok na parang hindi makapaniwala.

"Deuce--" Dahan dahan akong lumapit sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha. Kung
kailan ko sya huling natitigan ng ganito kalapit? hindi ko na matandaan. Nadagdagan
ang linya sa kanyang noo, his stubbles are now evident. Pagod din ang kanyang mga
mata.

Bumagal ang pagkilos ko sa pag-abot ng kanyang mga labi. Pumikit si Deuce habang
ninanamnam ang aking ginagawa.

Binuhat nya ako habang palalim ng palalim ang kanyang halik.

My body aches for more. Ang asawa ko ang tanging isinisigaw nito. Deuce carefully
lay me down to our bed. Nagmamadali nyang tinanggal ang kanyang polo. Ang isang

butones na mahirap tanggalin ay sinira nya na!

Hindi ako hinayaan ni Deuce na magtanggal ng aking damit dahil sya na mismo ang
gumawa non. His eyes is in full awe habang wala ng natitira pa na kahit ano sa akin
na pantakip. Slowly, he showered kisses on my neck, down to my mounds, to my belly,
to my legs. He's praising me with his kisses and I cannot deny that he is so good
at this.

"Deuce.." I whispered. Nahiya pa ako sa boses ko na sobrang lambing habang


hinahalikan nya ang pagitan ng aking mga hita. Every inch, he adored my body like
it is our first. I curved my back when I felt I am about to convulsed but it did
not happen because he went on his knees and looked at me.

I saw his armour ready when he knelt in front of me, pinapanood nya ako. Damn! I
just want to do it now pero hindi nya itinutuloy. Ano bang problema?

"Deuce.." Pakiusap ko. Marahan na humiga si Deuce sa aking katawan. His flesh
against mine..

"Baby, performance level ang gabing ito. Kailangan kong matiyak na hindi ka
maghahanap ng ibang kasing kisig ko." Buong pagmamayabang na sabi ni Deuce, kahit
seryoso ang kanyang mukha, hindi ko napigilan ang humagalpak! Napakahusay nya sa
tagalog kapag sa ganitong pagkakataon.

"Hindi ka na makakatagpo ng kasing laki, at kasing haba-- Ng pasensya ko!" Sambit


nya pero nakanguso doon sa 'ano' nya. Lalo akong napahagikgik.

"At ang makinang kong hiyas lamang ang dadampi sa iyong kaselanan na parang
ganito!!"

"Oh!" Hinampas ko si Deuce sa balikat, hindi maingat ang kanyang ginawa. I felt his
love muscle excitedly pushed

itself to my entrance.

"Bubuo tayo ng isang batalyon, Baby. Simula ngayon, hindi lilipas ang isang buwan
pagkapanganak mo na walang laman muli ang tyan mo. Gagawin nating boarding house ng
mga Montemayor ang bahay bata mo." Kumilos si Deuce na may pagdidiin sa bawat
salita, he's pressing himself hard at my core.

"Babe!" Suway ko sa kanya. "Nag-me-make love ba tayo o nagmi-meeting de avance ka?!


Bakit puro plano? Hindi ako makapagconcentrate!" Natatawa kasi ako pero si Deuce
naman ay seryosong seryoso pa din.

"Multi task-- Wait Baby! Hang on!" Sambit nya at bigla na lang syang sumiksik sa
aking leeg.He collapsed his body to mine.

Ganon lang yon!

"Ikaw ang pinakamaganda!" Narinig ko pang bulong nya bago sya makatulog.

Natawa na lang ako sa aming ayos at tinanggap ang buong bigat nya. Deuce will
always be the love of my life. No matter what..

--------
xxDeucexx

Maaga akong ginising ni Raeven. Akala nya ata ay papasok ako sa lawfirm pero hindi!
Didikit na lang ako kay Raeven simula ngayon. Takot na takot ako kahapon nang
sundan ko ang nagmamaneho ng kanyang sasakyan lalo pa't isang lalaki ang lumabas
doon. Akala ko ipinagpalit na ako ng Baby ko dahil lagi akong busy.

Masisisi nyo ba ako?

Sana hindi. Kaya lang naman ako abala dahil gusto ko ng magandang buhay para sa
mag-ina ko. Pero noong narealize ko na hindi pala puro pera ang mahalaga sa isang
pamilya, sobra kong kinamuhian ang pagkatao ko. Nakakahiya kay Raeven. Nakakahiya
kay Olivia. Nag-iintay

lagi ang Reyna at Prinsesa ko sa wala.

Umiral tuloy ang pagiging Don Romantico ko kagabi, kaya lang nakatulog ako agad
dahil sa matinding pagod, but today will be different. Pagsisilbihan ko ang mag-ina
ko.

Hinila ko si Raeven sa kanyang bewang at sinimulang paliguan ng halik sa maganda


nyang mukha.

"Good morning, Baby ko.."


"Good morning, loverboy. Halika na, nakahanda na ang almusal. Sana kumain ka muna
bago ka umalis." Inayos ni Raeven ang aking buhok, hindi ko napigilan na hapitin
sya para mas lumapit sa akin. Ang swerte ko sa misis ko. Selosa nga lang pero ayos
na iyon, di naman talaga maiiwasan, sa gandang lalaki ko ba naman.

"Nasilip mo na si Olivia?" Tanong ko habang maingat syang pinapaupo sa kama.


Tumango naman si Raeven.

"Tulog pa. May klase sya ngayon kaya ihahatid ko."

"Ihahatid ko." Pagtatama ko sa kanyang sinabi. Lumiwanag ang kanyang mukha, agad
syang lumapit sa akin at tinulungan ako sa pagsusuot ng robe.

"Talaga?" Tanong nya ng nangingiti. Hinalikan ko naman ang kanyang ilong.

Nang umagang iyon, ako ang nagasikaso kay Olivia. Mula sa pagbibihis at pag-aayos
ng kanyang gamit sa school.

Ngayon ay nandito na kami sa kanyang school. Mayroon pang tatlong oras bago matapos
ang kanyang klase. Kasama namin si Yaya Delia at ang dalawang bodyguard ni Olivia.
Pinanood ko si Olivia na nakikipagtalo sa kanyang kaklase.

"Don't go near me, Daddy will bring you to jail!" Napangiti ako nang ginamit iyon
ni Olivia sa kanyang kaharap. Maganda talaga ang training ko sa

kanya. Aba, tiyak na maganda sya sa kanyang paglaki, kamukhang kamukha sya ng Mommy
nya eh.

"Deuce. Halika, may pupuntahan tayo." Hinatak ako ni Raeven sa kamay. Nagtataka
naman ako pero sumunod na din.

Kinuha nya ang susi mula sa akin at sya ang nagmaneho. Patungo kami sa school ko---
o school nya? Magkatapat lang naman. Nagpark kami sa isang saradong coffee shop.
May panibago na namang itinayo dito! Ilan na ba ang napanood kong nalugi sa lugar
na ito simula pa noong magkolehiyo ako? Haha! Kawawang negosyante.

Doon nagpark si Raeven sa maigsi ang buhay na negosyo. Nanlaki ang mga mata ko ng
lumapit sya sa pinto at may kinuha na kung ano sa bag.

Susi!

"B-baby?" Kinakabahang tanong ko. Ngumiti si Raeven at hinila ang kamay ko. Halos
mahimatay ako ng mapagtantong si Raeven ang mayari nito!

Bakit dito???

"Dito ko ginastos ang napagbentahan nung mini cooper!" Buong pagmamalaki nyang
sabi.

"Talaga?" Nanlulumong sabi ko. Nagsalubong ang kilay ni Raeven dahil sa reaksyon ko
"Talaga?! Wow!" Siniglahan ko para hindi nya ako mahalata.

"Hindi ka naman ata masaya eh! Hindi ka proud." Lumabi ang misis ko. Bakit ko nga
ba naisuggest sa kanya na magnegosyo sya? Nung sya si Dalisay, she sucked in
networking!
"Proud ako, Baby.. Kaya lang, bakit mo dito naisip? Sana sinabi mo sa akin para
naikuha kita ng mas magandang pwesto." Maingat na paliwanag ko. Isang suntok sa
tyan ang naramdaman ko.

"Hindi mo alam kung bakit? Ang dami na natin pinagdaanan sa lugar na to! Naalala mo
ba

ang poste na yan? Dyan ka tumatayo tuwing inaantay mong matapos ang klase ko!" Turo
nya pa doon sa poste sa labas. Unti unti na namang bumalik ang alaala nung gwapo pa
lang ako at hindi pa gwapong gwapo.

Napangisi ako. Sabi na nga ba at patay na patay sa akin ang asawa ko eh.

"Naalala, Baby. Dyan mo ako nililigaw-- AWWW!" Sinapak na naman ko ni Raeven.


Namumula ang kanyang pisngi. Hinuli ko ang palad nya at pinagdaop iyon sa palad ko.

"I am so proud of you, Baby. Really. And I love you. Thank you for being patient."

Pinisil ko ang kamay ni Raeven at mahigpit na yakap naman ang tinugon nya sa akin.

Hindi ko akalain na ang pinatayong coffee shop ni Raeven ay sisikat ng husto. Abala
si Raeven lagi dahil nagsisilbi din sya sa mga customers with her, ugh! Cute
uniform.

It's a short gray skirt and white button down long sleeves tucked in. Bumagay ng
husto sa maganda nyang katawan.

"Kuya, baka malusaw naman si Ate nyan." Wika ni Tres habang nagkakape kami sa
coffee shop ni Raeven. Nakaupo sa malapad na lamesa si Olivia at naglalaro ng
kanyang barbie.

"Tingnan mo yong bata na yon. Matindi kung makatingin sa misis ko. Kunin mo nga ang
pangalan non, ipatumba ko na mamaya." Halos masira ko ang cup na hawak ko. No one
stares at my Baby like that!

"Kuya naman, highschool pa yan! Seloso mo!" Panunuya sa akin ni Tres. Mahina ko
syang sinapak sa braso. Walang highschool highschool! Walang pupwedeng tumingin sa
misis ko.

"Baby!" Tawag ko kay Raeven. Napalingon ang lahat

sa akin.

'Yii... Ang gwapo!'

Nakarinig pa ako ng hagikgikan sa isang lamesa. Napangisi ako, tyak na magseselos


si Raeven. Napawi ang ngiti ko nang ngitian lang sila ni Raeven.

What the fck?!

Walang reaksyon?!

Nakaramdam ako ng inis. Hinila ko si Raeven sa loob ng kanyang opisina. Nagtataka


ang mukha nya, sinenyasan ko si Tres na bantayan si Olivia bago sarhan ang pinto,
tumango naman ito.

"Bakit, Babe?" Nagtatakang tanong sa akin ni Raeven.

"Why do you keep on smiling? Hindi mo ba nahahalata ang nagpapacute sayo?" Masungit
kong sabi. Damn, why this girl looks so innocent! Parang balewala lang sa kanya ang
mga ngiting yon!

"Ha? Mga bata pa yon--"

"Eh yung nagpapacute sa akin? Hindi mo din napansin?!" Paghuhurumentado ko. Di ko


matanggap na nagbago na nga sya!

"Napansin." Nagkibit balikat sya. "Pero mga bata pa ang mga yon. Hindi magandang
marketing strategy ang magalit sa kanila.."

"Tsk! Pinagpapalit mo na ba ako sa negosyo mo?" Naiinis na sambit ko. Dati rati,
ultimong sulyap sa akin, nagiging dragon sya agad na cute at nagbubuga ng apoy.
Pero ngayon cute na lang.

"Hindi, Babe.. I am just being rational. Mas matured na ako ngayon." Nakangising
sabi nya.

"No! You know what? I should punish you!" Pagbabanta ko. Dahan dahang umatras si
Raeven hanggang sa tumama sya sa likod ng lamesa.

"You always look good in this uniform." Tinanggal ko ang dalawang butones sa itaas.
Namungay ang aking mata habang si Raeven naman ay Pinanlakihan ng mata.

"Deuce!" Namula ang kanyang pisngi.

"Talikod. I will spank you." Anunsiyo ko kahit iba ang nasa isip. Tumalikod naman
ang masunurin kong asawa.

I started caressing her back with my hands as she let out a soft moan. My wife is
ready right now. Dahan dahan kong iniangat ang laylayan ng kanyang palda. Namilipit
agad sya sa isang paghawak. I massaged his soft flesh with my hands. Nilakasan ko
ang music na tumutugtog sa laptop habang nagpatuloy ako sa kanya.
[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita
ito.]

We filled her office with groans, moans and laughter. Just like that, I am sure she
will never look at her cute uniform the same way again.

The End.

Moving forward to new stories:


The Bad Boy's Slave-COMPLETED
CHASING THE SASSY GIRL-WATTYS 2016 Winner (Completed)
The Wicked Princess-On Going

Please add them in your reading list. Thank you!

You might also like