You are on page 1of 3

Maricris C.

Ical

BSED-FILIPINO 2-A4
Ang mga kaalamang bayan o folklore ay ginagamit na noong unang panahon palamang at
ito ay mas napapayabong habang dumaraan ang maraming taon. Nadadagdagan man ito o
nababawasan patuloy parin natin itong maririnig sa mga dakong probinsya sa Pilipinas. Ayon
kay Thoms at iba pang dalubhasa sa tula ang mga kaalamang bayan ay umusbong base sa mga
karanasan, kinagawian, kaugalian, pangingilin,pamahiin,awit,kawikaan,alamat,kwentong bayan
at iba pa na mga pinaniniwalaan sa buhay na syang mas nakilala at sina sang-ayunan ng mga
nakapaligid sa isang partikular na lipunan o grupo. Dahil dito nagkakaroon sila ng mga kaisipan
at mga sariling paliwanag base sa kanilang karanasan sa buhay na syang kumakalat sa iba't ibang
dako ng lugar sa Pilipinas o sa ibang bansa. Nagkakaroon din sila ng kani kanilang interpretasyon
dito at kung ano yung nakikita o nararanasan ng iba ay sya ng paniniwalaan at ipapakalat na
agad.

Kagaya nga ng mga nabanggit sa itaas na kinagawian ito yung nakasanayan mo na sa araw
araw na buhay at mas napapayabong mo ito at nagkakaroon ka na ng mga interpretasyon sa
bagay bagay na iyong nakikita sa kapaligiran halimbawa, ang mga pagsasaka ng mga kalalakihan
na ginagawa sa araw-araw, ang pagtatrabaho sa mga pampublikong palengke,pag lalako ng mga
kakanin o ng mga nahuling isda at iba pa. Kaugalian, ang isa sa mga dahilan kaya lumaganap ang
pagkakaroon ng marespetong interaksyon ang bawat pilipino o mamamayan sa isang lugar o
lipunan na kanilang kinabibilangan,noong unang panahon pa lamang alam na natin na kaugalian
ng mga sinaunang tao ang paggalang sa mga nakatatanda at hindi ka lebel ng iyong edad ang
paggamit ng po at opo sa pagsagot sa mga nakatatanda ay isang simbolo na rumerespeto ka sa
kanila o sumasang ayon ,at nakakatuwang isipin dahil may mga pilipino parin na hanggang
ngayun gumagamit ng mga paggalang ng salita maliban na lamang sa ibang bansa na walang
katumbas ang salitang po at opo sa kanila, ang pag mano ay isa rin sa mga kaugalian ng mga
pilipino,ang paghalik sa pisnge o beso kung tawagin ay isa ring pagbati sa iyong mga kaibigan o
ka amiga, ang mga ganitong kaugalian ay nararapat na tangkilikin at gamitin magpasahanggang
ngayun. Kinagisnan narin ng bawat tao ang pangingilin kapag may yumao na mahal natin sa
buhay, pamahiin naman ay lalong lumalaganap lalo na at nagkaroon sila rito ng mga karansan
halimbawa na lamang ay kapag may patay, kailangan mong magpagpag bago ka dumeretso sa
inyong bahay dahil may mga kasabihan nga ang mga matatanda na susundan ka ng patay kapag
Maricris C. Ical

BSED-FILIPINO 2-A4
dika nagpagpag, kahit ang pagdadala ng kahit anong pagkain o related sa patay, ang pag wawalis
sa gabi ay isa ring pamahiin bawal magwalis sa gabi dahil lalabas raw ang swerte at iba pa. Awit
ay partikular na ginagamit magpasahanggang ngayun at masasabi ko na mas maganda parin ang
mga awitin noong uang panahon dahil talagang nakaka akit ng damdamin at mga simpleng
instrumento ang kanilang ginagamit lalo na sa mga panghaharana tulad ng awiting O Naraniag
A Bulan tungkol sa pagpapahayag ng damdamin ng lalaki para sa babaeng iniibig nya.Ang
Alamat ay isa mga patok sa bata lalo na pag lolo at lola nila ang nagkukwento ang halimbawa ay
alamat ng pinya,alamat ng matsing at ang pagong, alamat ng makahiya at marani pang iba.

Sa ganitong paraan dapat ring pahalagahan ang malaking naitulong ng mga Amerikano sa
pamamaraan at pangangalap narin ng iba't ibang kaalamang bayan hindi lamang sa looban ng
mga binyagan pati narin sa mga tagabundok, tagabukid at tagagubat. Sapagkat maunalad at
makahulugan ang pag-aaral ng mga Amerikano.

Base sa teksto ang pananaw rito ng may akda ay dapat patuliy natin palaganapin yung mga
kaalamang bayan na nasimulan ng mga ninunu natin sapagkat isa narin ito sa magpapaunlad sa
atin, ang pagtangkilik ng sariling panitikan ay syang magiging daan sa pagkakaroon ng
magandang interpretasyon sa bawat isa.

Samakatuwid ang Folklore o kaalamang bayan ay mga kinagisnan ng bawat pilino noong
unang panahon napayabong na lamang ito dahil narin sa kanya kanyang interpretasyon sa araw
araw na karanasan. Na nagbunga at lalong lumaganap ng masuri ng masuri ito ng mga
dalubhasa sa mga panitikan.

Narito ang ilan sa mga parte ng lipunan na may kahalagahan pagdating sa usaping kaalamang
bayan;

Sarili- magkakaroon ng malawakang pag unawa at ambag sapamamagitan ng masusung


pagsusuri sa isang panitikan

Pamilya-mapapalaganap nito yung paniniwala at maipapasa pa sa ibang henerasyon

Pamayanan- pagkakaroon ng iisang layunin at panibiwala na syang magbubuklod sa bawat isa


Maricris C. Ical

BSED-FILIPINO 2-A4
Bansa- uunlad at yayabong ang ating bansa kung patuloy natin itong pinapalaganap at
isinasabuhay at sa pamamagitan ng pagsulat maaari tayung makabuo ng isang libro ukol dito na
syang mas makikilala ang iba't ibang kaalamang bayan sa buong Pilipinas at sa ibang bansa

Daigdig- ang pagkakaroon ng iisang pagkakakilanlang ang syang sumasalamin sa kultura ng


bawat tao

You might also like