You are on page 1of 2

Kalagayan ng Wika sa Makabagong Panahon: Kamusta na nga ba ?

coolstudentever

Sa panahon natin ngayon, alam naman siguro nating lahat na mas nangingibabaw ang mga makabagong
teknolohiya na naglipana sa kahit saang bansa sa buong mundo. Kung kaya`t marami na sa ating mga
kababayan ang tumatangkilik dito. Pero kamusta na kaya ang kalagayan ng ating wika sa panahon kung
saan yumayabong ang mass media at teknolohiya?

Bilang isang pilipino nakasanayan na nating gumamit ng ating sariling wika. Sapagkat nakakapag
mas makabayan ito at nakakapagpahayag tayo ng ating sariling saloobin. Ginagamit din natin ang ating
wika upang makipagkomunikasyon sa ating kapwa pilipino. Ngunit sa pagdaan ng mga panahon, ang
ilang mga pilipino lalong lalo na ang kabataan ay naging “Jejemon”. Ang Jejemon ay ang mga taong
ganito kung makipagusap o makipagkomunikasyon. (tingnan ang larawan sa ibaba.)

jejemon

jejemon-1

Kung may Jejemon, mayroon namang mga pilipino na nawiwili sa “Kpop”. Ang Kpop ay ang tawag
sa kategorya ng musika na nagmula sa Timog Korea. At dahil sa pagkawili ng mga pilipino sa Kpop lalo na
ang mga kabataang pilipino, nagkaroon na sila ng interes sa wika nito. Sila rin ay nagdadamit na nang
katulad sa mga koryanong/koryanang kanilang iniidolo.

kpop

fans
At sa pagdaan ng mga panahon, ang mga pilipinong bakla o beki (mga lalaking umaasta na parang
babae) ay nakapagbuo narin ng kanilang sariling linggwahe na tinatawag na “Gay Language” o Salitang
Beki. Katulad na lamang ng mga halimbawa dito sa ibaba: (tingnan ang larawan sa ibaba)

beki

gay-lingo-gora

Dahil sa patuloy na pagusbong ng mga makabagong teknolohiya, marami na sa ating mga pilipino
ang hindi gumagamit ng ating sariling wika, sapagkat ginagaya na nila ang kanilang mga naririnig, nakikita
at nababasa sa iba’t ibang media, tulad ng Internet, Telebisyon, Telepono (cellphone) at iba pa. Kaya
malaki ang epekto nito sa kalagayang pangwika ng kulturang pilipino. Ganon pa man, atin paring
pagyabungin at paunlarin ang ating sariling wika, para sa kapakanan ng ating bansa.

Mga pinagkunan ng larawan:

You might also like