You are on page 1of 1

Sumulat ng akmang headline.

______________________________________________________________________________

Sampung opisyal ng Philippine National Police ang sinuspinde sa pagpapatakbo ng isang


sekretong kulungan na ang mga nakabantay ay nakasuot ng wig at maskara at binubugbog at
inaabuso ang mga preso, sinabi ng gobyerno noong Martes.

______________________________________________________________________________

LEGAZPI CITY – Matapos ang tatlong taon na paminsan-minsan na lang nakikita, ‘tila bumalik
na ang mga higanteng Butanding sa karagatan ng Almasor (Albay-Masbate-Sorsogon), na
itinuturing nitong tahanan.

____________________________________________________________________________

Deklarado ng Korte Suprema na legal ang kontrobersiyal na Cybercrime Prevention Act of 2012
partikular ang probisyon ng batas sa libelo o paninirang-puri sa internet.

______________________________________________________________________________

Nang dahil daw sa patuloy na paninigarilyo, posibleng sampahan ng kasong impeachment ang
binatang Pangulo, si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III. Ito raw ay lantarang paglabag sa
Constitution tungkol sa pagtataksil sa bayan o betrayal of public trust, ayon sa Civil Service
Commission (CSC).

______________________________________________________________________________

Masusing pinag-aaralan ngayon ng Palasyo ang panukalang ibalik ang parusang bitay para sa
mga nakagawa ng karumal-dumal na krimen. Ito ang pahayag ni Pangulong Aquino sa ambush
interview matapos dumalo sa awarding ng The Outstanding Filipino (TOFIL) 2013 awarding
ceremonies na ginanap sa Insular Life Auditorium sa Muntinlupa City kamakalawa.

______________________________________________________________________________

Pinaalalahanan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang publiko na mag-ingat sa
pakikipag-eyeball o pakikipagkita sa mga indibidwal na nakilala lamang sa social media gaya ng
Facebook.
Ayon kay NCRPO Director Chief Supt. Carmelo Valmoria, karaniwang tumataas ang bilang ng
mga biktima ng iba’t ibang krimen dahil sa nauusong “eye ball” lalo ngayong Pebrero 14, Araw
ng mga Puso.

______________________________________________________________________________

Nanawagan ang kababaihang mambabatas sa Kongreso na tutukan ang dumadaming kaso ng


pedophilia at child prostitution kasunod ng pagkakapasa ng Anti-Child Pornography Law.
Inihain nina Gabriela Party-list Representatives Luz Ilagan at Emmi De Jesus ang House
Resolution 453 na nananawagan sa House Committees on the Welfare of Children at Women
and Gender Equality na magsagawa ng congressional probe sa virtual “Sweetie” at sa kabiguan
ng gobyerno na wakasan ang child pornography.

You might also like