You are on page 1of 1

Ang Martial Law sa Marawi

Sa pagdating ng mga sinasabi nilang “Maute Group”, lahat ng mga tao sa marawi
pati narin ang buong Mindanao ay nagambala at natakot. Kaya sa kalagitnaan ng
bakbakan idineklara muli ng ating Pangulo ang “Martial Law”

Isinailalim sa martial law ang buong Mindanao kasunod ng kaguluhan sa Marawi


City kung saan nakasagupa ng mga awtoridad ang Maute group. Kinakailangan ito para
sa ating kaligtasan. Maraming sumang-ayon at marami naming hindi. Pero ang ating
Pangulo na ang nagdeklara kaya kailangan natin itong sundi. Para sa akin tama lang na
ganoon ang ginawa ng ating Pangulo, dahil hindi matatakot ang Maute Group kung
hindi niya gagawin ito. Karapatan nating labanan ang mga taong nagpapahirap sa atin o
nagbibigay sa atin ng pagdanas sa malupit na parusa, halimbawa ang Maute Group.
Karapatan rin nating maging Malaya sa mga ganitong pagdurusa. Malapit na ata itong
matapos, kaya kailangan na mabayaran nila ang kanilang mga nasirang mga buhay ng
mga inosenteng mga mamamayan sa Marawi. Hinidi lang buhay pati na rin ang mga
tahanan, hanapbuhay, at mga nalawang kasapi ng kanilang pamilya.

Sana sumuko na ang mga walang awang tao na sangkot at sa mga taong nasa
likod ng Maute Group. Ipagdasal nalang natin na sana matapos na ng tuloyan ang
bakbakan sa Marawi. At sana makaahon muli sila at makapagsimula ulit sila ng
panibagong buhay.

You might also like