You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY-ARALIN

SA FILIPINO GRADE 8
Ika-5 ng Nobyembre 2016

Ipinasa nina:

MA. ROXIE C. AGUSTIN


ROBELYN S. BULAN
WYETH D. CALANTOC
JOYCEL C. GAMMAD

Ipinasa kay:

G. RICARDO G. DUMALE
Guro
MASUSING BANGHAY-ARALIN
SA FILIPINO 8

PAMANTAYAN NG Naipapamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,


PROGRAMA mapanuring pag-iisip at pag-unawa at pagpapahalagang
pampanitikan gamit ang teknolohiya.

I. LAYUNIN
DOMAIN KASANAYANG PAMPAGKATUTO
PAG-UNAWA SA Naipaliliwanag ang mga: kaisipan, layunin at paksang natalakay.
BINASA
PAGLINANG NG Nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa pagkakagamit sa
TALASALITAAN bugtong.
PANONOOD Naibabahagi ang sariling opinion o pananaw sa paraan ng
paglalahad ng nagsasalita.
PAGSASALITA Naipapahayag ang sariling opinion o pananaw tungkol sa
napapanahong isyu.
PAGSULAT Nakasusulat ng talatang naglalahad ng sariling opinion o pananaw
tungkol sa napapanahong isyu o paksa.

II. PAKSANG ARALIN

PAKSA: Anyo ng Kontemporaryong Panitikan – Pahayagang Tabloid


KAGAMITAN: Laptop, PowerPoint Presentation,
SANGGUNIAN: Panitikang Filipino 8 pp. 128-131

III. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN

Magandang umaga klas. Magandang umaga rin po guro.

Maaari na kayong umupo. Maraming salamat po guro.

Bago natin simulan ang ating bagong


talakayan, may inihanda akong Gawain para
sa inyo.
Bago riyan, papangkatin ko muna kayo ng
lima.
Ang mga nakaupo sa una at pangalawang
hilera sa aking kanan ay ang grupong
BALITA, ang mga nakupo sa pangatlo at Yehey!
pang-apat na hilera ay ang grupong
TSISMIS, ang mga nakaupo naman sa una at
pangalawang hilera sa aking kaliwa ay ang
grupong ISPORTS, ang mga nasa pangatlo
at pang-apat na hilera ay ang grupong
LITERATURA, at ang mga nasa hilerang
likod ay ang grupong PALAISIPAN.

Pakibasa nga ang panuto Roger. Panuto. Tukuyin ang inilalarawan ng mga
bugtong sa ibaba. Pagkatapos, isulat ang
mga letra ng iyong sagot sa mga kahon
upang mabuo ang crossword puzzle. Gawin
lamang ito ng sampung minuto.
Maraming salamat.
Handa na ba ang lahat? Opo guro.

Kung gayon, ang oras niyo ang magsisimula


na.
(Sumasagot sa crossword puzzle)
Tapos na ang sampung minuto klas,
magpalitan na ng papel sa kabilang grupo at
atin nang alamin ang inyong mga sagot.

(Ipapakita sa t.v. ang crossword puzzle na (Nagtsetsek ng sagot)


sasagutin)

Klas, basahin nga ang unang bugtong. 1. Pinipilahan ng mga manonood, sa


pinilakang tabing ito’y itinatampok!

Ano ang sagot? Pelikula guro.

Magaling, ang susunod na bugtong ay… 2. Kahong puno ng makukulay na


larawan at usapan ng mga tauhan,
tunay na kinagigiliwan ng kabataan!

Ano ang sagot? Komiks guro.

Tama, pakibasa ang pangatlong bugtong. 3. Ako ay itinuturing, na pang masang


pahayagan.

Ano ang sagot? Tabloid guro.

Mahusay, ang pang-apat pakibasa nga.


4. Sa isang click lang mundong ito’y
mapapasok na para mag-FB,
Twitter, o magsaliksik pa.
Ano ang sagot?
Internet guro.
Magaling, pakibasa ang susunod na
bugtong. 5. Musika’t balita ay mapakikinggan
na. Sa isang galaw lamang ng
pihitan, may FM at AM pa!
Ano ang sagot?
Radyo guro.
Tama, ang pang-anim na bugtong ay…
6. Kuwadradong electronikong
kagamitan, tampok ay iba’t ibang
palabas na kinaaliwan!
Ano ang sagot?
Telebisyon guro.
Magaling, at ang pang huli pakibasa nga.
7. Pabalat nito’y may larawan pang
sikat na artista. Nilalama’y mga
artikulong tumatalakay sa iba’t
ibang paksa.
Ano ang sagot?
Magasin guro.
Mahusay!

Mukhang handa na kayo para sa ating aralin.


Bago riyan, may isa pa akong bugtong na
ipasasagot. Ang makakasagot nito ay may
karagdagang limang puntos sa susunod na
pagsusulit. Yehey!

Handa na ba kayo klas?


Opo guro.
Ang bugtong na ito ay, “Maliit na diyaryong
inilalako sa daan: balita, tsismis, at iba pa
ang laman.”
Sino ang makakasagot?
(Nagtaasan ang mga kamay)
Subukin mo ng Katrina.
Tabloid guro.
Tumpak! Bigyan natin siya ng limang
palakpak. (Pak, pak, pak, pak, pak)

B. LINANGIN
Ngayon klas, ano an gating paksa sa araw na Tungkol po sa pahayagang tabloid guro.
ito? Subukin mo nga Jestony.
Tama. Ano nga ba ang tabloid klas? Basahin
mo nga Maricel. Tabloid. Maliit at abot-kaya kumpara sa
isang broadsheet. Sapagkat mas maliit ang
espasyo ng tabloid, mas maliit din ang
inaasahang pagkonteksto sa mga balita.
May puntong naisasantabi na ang mga
pambansang isyu. Sa kaunting espasyong
ito, nagkakasya ang maraming sambahayan
para sa balita at impormasyon. Higit na
binibigyang pokus ng mga tabloid ang mga
police stories at mga kwentong
ikamamangha ng mga mambabasa kumpara
sa pambansang isyung inilalatag ng mga
broadsheet. Sa anyo ng balitahanggang sa
paggamit ng termino, pumapasok ang isyu
ng tama o mali.

Maraming salamat. Naintindihan ba klas? Opo guro.

Batid kong naunawaan na ng lahat. Kung


gayon ay mayroon akong ibibigay na
babasahin ninyo tungkol sa tabloid. Basahin
ng tahimik.

(Ibibigay ang babasahin) (Magbabasa ng tahimik)

Nabasa niyo na ba klas? Hindi pa guro.

Ipagpatuloy ang pagbabasa.

Tapos na ba klas? Opo guro.

Ngayon, batid kong masasagot ninyo ang


aking inihandang mga tanong.

Ang unang tanong, pakibasa at pakisagot 1. Bakit itinuturing na pangmasa ang


nga Carla. pahayagang tabloid?
-Itinuturing itong pangmasa dahil ito ay
nakasulat sa tagalog.

Magaling! Dumako naman tayo sa 2. Sa iyong nabasa, anong pamagat ng


ikalawang katanungan. Subukin mo nga tabloid ang nagtataguyod ng
Loren. alternatibong pamamahayag?
-PINAS po guro.

Tama, at ang panghuling katanungan, 3. Ito ay tawag sa uri ng tabloid na


subukin mo nga Ilaiza. sagad sa kalaswaan?
-Smut tabloid po guro.

Tumpak!

C. PAGPAPAYAMAN (Manonood ng bidyo)

Ngayon, manonood naman kayo ng isang


bidyo.

(Ipapanood sa klase ang bidyo tungkol sa


isyung same sex marriage na binitawang
salita ni Manny Pacquiao)

Para sa panghuling gawain, sa dating mga (Gagawa ng isang headline)


grupo, gumawa ng headline mula sa
napanood na bidyo. Ang gawaing ito ay
tatapusin sa loob ng tatlong minuto. Ang
oras ay mag-uumpisa na. (Magbabasa ng nagawang headline ang
bawat grupo)
Natapos na ang tatlong minuto, maaari na
ninyong ibahagi sa klase ang nagawang
headline ng bawat grupo. Umpisahan natin
sa grupong BALITA, sa grupong TSISMIS, sa
grupong ISPORTS, sa grupong
LITERATURA, at ang grupong
PALAISIPAN.

Mahusay ang lahat.

D. PAGTATAYA

Bago ko iwan ang inyong takdang-aralin ay (Sasagutin ang pagsusulit)


magkakaroon muna kayo ng maikling
pagsusulit. Maglabas ng isang kapat na
papel at alamin kung ang pahayag ay
TAMA o MALI.

Tapos na ba klas? Opo guro.


Maaari na kayong magpalitan ng papel sa (Magpapalitan)
inyong katabi.

Ito ang mga kasagutan sa mga katanungan. (Magtsetsek)

(Ipapakita ang mga sagot)

Pakipasa na ang mga pape. (Magpapasa)

E. TAKDANG-ARALIN
Para sa inyong takdang-aralin. Kumuha ng
isang kopya ng tabloid. Ilista, ilarawan, at
suriin ang mga bahagi o pahina nito. Sa
pagsusuri, magiging pangunahing bagay
kung bakit inilagay ang bahaging iyon at
kung ano ang inaasahan nitong mambabasa.
Pangalan ng tabloid:
Petsa ng pagkakalathala:
Bahagi Deskripsyon Pagsususri

Iyan lamang para sa araw na ito. Paalam! Paalam din po guro.

You might also like