You are on page 1of 140

Sa Bagong Paraiso

(Ni Efren Reyes Abueg)

Nilisan ng batang lalaki at batang babae


ang kinagisnang daigdig upang lasapin
ang biyayang handog ng itinuturing
nilang Bagong Paraiso.

Sa simula’y mga bata silang walong


taong gulang - isang lalaki at isang
babae. At ang kanilang daigdig ay isang
malawak na loobang tinitirikan ng
dalawang tabla’t yerong bahay, na ang
isa’y nasa Silangan at ang isa’y nasa
Kanluran: at sa pagitan niyon ay walang
bakod na nakapagitan.
Ang malawak na looban ay mapuno,
mahalaman, maibon, at makulisap at
may landas na humahawi sa dawagan at
tumutugpa sa dalampasigang malamig
ang buhangin kung umaga, nguni’t
nakapapaso sa tanghalian.

Ang kanilang daigdig ay tahimik; ang


kanilang kabuhayan ay hindi suliranin;
ang kanilang mga magulang ay hindi nag-
aaway – ang mga ito’y maka-Diyos at
walang araw ng Linggo o araw ng
pangilin na hindi makikita ang mga ito sa
kanilang bisita sa dakong hilaga ng
nayon.

Ang mga ito’y may rosaryo sa kanilang


mga palad at may mga usal ng dalangin
sa mga labi.

At silang dalawa - ang batang lalaki at


ang batang babae - ay nagsisipag-aral,
kasama pa ng ibang bata sa maliit na
gusaling may tatlong silid sa dakong
timog ng nayon. Sila’y may mga
pangarap, na ang sakop ay lumalakdaw
sa hangganan ng nayong iyon, ng bayang
iyon, at ng lalawigang kinaroroonan
niyon.

Wala silang pasok kung araw ng Sabado


at Linggo o mga araw na pista opisyal.
Silang dalawa’y naglalaro sa loob ng
bakurang iyon, mula sa umaga hanggang
sa hapon. Umaakyat sila sa mga punong
santol, sa punong bayabas, sa
marurupok na sanga ng sinigwelas,
maaligasgas at malulutong na sanga ng
punong mangga. Nagagasgas ang
kanilang mga tuhod, nababakbak ang
kanilang mukha at kung minsan ay
nalilinsaran sila ng buto kung nahuhulog
– ngunit ang lahat na iyon ay hindi nila
iniinda, patuloy sila sa paglalaro.

Malamig sa ilalim ng punong mangga.


Makapal ang damo sa sakop ng lilim
niyon kung umaga at doon silang dalawa
naghahabulan, nagsisirko, nagpapatiran
at kung sila’y humihingal na ay hihiga sila
sa damuhang iyon, titingalain nila ang
malalabay na sanga ng puno, sisilip sila
sa pagitan ng masinsing mga dahon at
magkukunwaring aaninawin sa langit ang
kanilang mukha.

“Loko mo … makikita mo ba ang mukha


mo sa langit? “ minsan ay sabi ng batang
babae.

“Bakit hindi? Ang langit ay isang


malaking salamin, sabi ni Tatay ko.” sagot
naman ng batang lalaki.

Ang batang babae ay makikisilip din sa


pagitan ng masinsing mga dahon, na
waring ibig patunayan ng sariling
paningin ang sinabi ng kalaro. At
pagkaraang tumingin sa langit nang
matagal, sila’y lalagumin ng katahimikan
– ang kanilang katawan ay nakalatag na
parang mga kumot, hanggang sa sila’y
makatulog at gisingin sila ng tawag mula
sa kanilang bahay.

Kung minsan, ang batang lalaki ang


unang magigising: kung minsan naman
ay ang batang babae. Nguni’t sino man
sa kanila ang unang magising, kukuha ito
ng kaputol na damo at kikilitiin ang
taynga ng natutulog. At ang natutulog ay
mapupukaw, mababalikwas at pagkarinig
na siya’y pinagtatawanan ay magtitindig
at ang nangiliti ay mapapaurong at
anyong tatakbo at sila’y maghahabulan
sa damuhang iyon, magpapa- ikut-ikot
haggang sa ang isa’y mahapo at sila’y
muling bumagsak sa kalamigan ng
damuhan, magkatabi at hindi nila
pinapansin ang pagkaka - dantay ng
kanilang mga binti o ang pagkakatabi ng
nag-iinit nilang mga katawan.

Kung sila’y nagsasawa na sa loobang


iyon, sila’y nagtutungo sa dalampasigan
kung malamig na ang araw sa hapon.
Namumulot sila ng kabibi. Inilalagay ng
batang lalaki sa bulsa ng kayang putot na
pantalon ang nakukuha niyang kabibi, at
ang nadarampot naman ng batang babae
ay inilalagay nito sa sinupot na laylayan
ng suot niyang damit. Kung hindi naman
kabibi ang pinagkakaabalahan nila sa
dalampasigan, naghuhukay sila ng
halamis sa talpukan, o kaya’y gumagawa
ng kastilyong buhangin, o kaya’y
nanunugis ng mga kulukoy na kung hindi
nangungubli sa kanilang malalalim na
lungga ay lumulusong sa talpukan at
bumabaon sa masigay na buhangin.

ii

Ngunit hindi lamang iyon ang kanilang


ginagawa: Nagtutudyuhan din sila,
naghahabulan at kapag nahahapo na,
mahihiga rin sila sa buhangin, tulad ng
ginagawa nila sa damuhan sa looban, at
sa kanilang pagkakatabi, nagkakangitian
sila. Minsan ay itinatanong ng batang
lalaki sa batang babae:

Naririnig mo ba na may tumutunog sa


aking dibdib?”
At ang batang babae ay nagtaka.
Bumangon ito at tumingin sa
nakatihayang kalaro.

“ Pakinggan ko nga,” anang batang


babae.

Inilapit ng batang babae ang kanyang


taynga sa dibdib ng batang
lalaki,dumadaiti ang katawan niya sa
katawan ng kalaro at nalalanghap naman
ng nakahiga ang halimuyak ng kanyang
buhok.

“Ang bango mo pala!” ang batang lalaki


ay nakangiti.

“Aba … hindi naman ako nagpapabango,


“ anang batang babae na lumupasay sa
tabi ng nakahigang kalaro. “ Paglaki ko
raw ay saka na ako magpapabango, sabi
ng nanay ko.”

“Teka nga pala, narinig mo ba ang tunog


sa dibdib ko? usisa ng batang lalaki.

“Oo … ano kaya ang ibig sabihin niyon?”

Nagkatinginan ang dalawa at ang lalaki


ang unang nagbawi ng tingin. “Malay ko
… tena na nga.”

Bumangon ang batang lalaki, pinagpag


ang buhanging dumikit sa kanyang bisig
at sa kanyang pantalon at nagsimula
nang lumakad. Sinabayan ito ng batang
babae at habang isinasalisod nila ang
kanilang mga paa sa buhanginan habang
lumalakad, nakatanaw sila sa paglubog
na araw.

“Ang ganda, ano” naibulalas ng batang


lalaki. “Parang may pintang dugo ang
langit.”

“Oo nga, ano? Bakit kaya kulay dugo ang


araw kapag palubog na?” sagot naman
ng batang babae.

Hindi sumagot ang batang lalaki.


Nakatanaw ito sa mapulang latay ng
liwanag ng araw sa kanluran.

iii
Puring-puri ang dalawang bata ng
kanilang mga magulang at ng kanilang
mga kanayon. At kinaiinggitan naman sila
ng ibang mga batang hindi nagkaroon ng
pagkakataong makihalubilo sa kanila.

“Siguro, paglaki ng mga batang ‘yan…


silang dalawa ang
magkakapangasawahan.

Narinig ng dalawang bata ang salitang


iyon at sila’y nagtataka. Hindi nila
madalumat ang kaugnayan ng kanilang
pagiging magkalaro sa isang hula sa
hinaharap. Higit pang nakakaabala sa
kanilang isip ang sinasabi ng kanilang
mga kaklase na silang dalawa’y parang
tuko - magkakapit.

At minsan nga ay napalaban ng suntukan


ang batang lalaki. Isang batang lalaking
malaki sa kanya ang isang araw na pauwi
na sila ay humarang sa kanilang
dinaraanan at sila’y tinudyo nang
tinudyo.

“Kapit-tuko! Kapit-tuko!”

Umiyak ang batang babae. Napoot ang


batang lalaki. Ibinalibag nito sa paanan
ng nanunudyong batang lalaki ang bitbit
na mga aklat. Sinugod nito ang kalaban.
Nagpagulong-gulong sila sa matigas na
lupa, nagkadugo-dugo ang kanilang
ilong, nagkalapak-lapak ang kanilang
damit, hanggang sa dumating ang guro
at sila’y inawat at sila’y pinabalik sa silid-
aralan at pinadapa sa magkatabing
“desk” at tumanggap sila ng tigatlong
matinding palo sa puwit.

Pagkaraan ng pangyayaring iyon, napag-


usapan ng dalawang bata ang bansag sa
kanila. At sila’y nag-isip, na lalo lamang
nilang ikinalunod sa kanilang kawalang-
malay.

iv

Namulaklak ang mga mangga, namunga,


nalaglag ang mga bugnoy, dumating ang
mamamakyaw at sa loob ng ilang araw,
nasaid sa bunga ang mga sanga.
Namulaklak din ang mga santol at iyon
ay tinanaw ng dalawang bata sa
pagkakahiga nila sa damuhan at sila ang
unang sumungkit sa mga unang hinog.
Nangalaglag ang mga dahon ng
sinigwelas, namulaklak at dumaan ang
mahabang tag-araw, at ang damuhan ay
natuyo at ang kanilang naging tagpuan
ay ang dalampasigan at madalas man sila
roon ay hindi nila masagut-sagot ang
bugtong kung bakit kulay dugo ang
silahis ng araw kung dapit- hapon. At sa
wakas ay namunga ang sinigwelas, mga
luntiang bubot na pinitas nila ang ilan at
pagkaraang isawsaw sa asin ay kanilang
tinikman at sila’y naasiman at idinalangin
nila ang maagang pag-ulan – sapagkat
sabi ng kanilang lola’y madaling bibintog
at mahihinog ang bunga ng sinigwelas
kapag naulanan. Sila’y naniwala at
hinintay nila ang ulan, at nang pumatak
iyon nang kalagitnaan ng Mayo, silang
dalawa’y naghubad, naligo sa ulan,
naghabulan sa looban at nayapakan nila
ang mga tuyong damo, na waring
bangkay ng isang panahong
hinahalinhanan ngayon. Pagkaraan pa ng
ilang araw, nadungawan nilang hinog na
nga ang sinigwelas . Nagmamadali silang
nanaog at ang batang lalaki’y umakyat sa
puno at ang batang babae naman ay
naghanap ng sungkit.

At ang pamumulaklak at pamumunga ng


mangga, santol at sinigwelas at ng iba
pang punongkahoy o halaman sa
loobang iyon ay nagpatuloy. Ang
damuhan ay natuyo at muling sinibulan
ng bagong supling: ang araw ay lumubog
at sumikat at hindi pa rin nagbabago ang
kulay ng silahis niyon kung dapit - hapon.

Ang paaralan sa nayon ay malapit nang


magpinid; ang guro ay naghanda na ng
isang palatuntunan; ang mga magulang
ay walang pinag-uusapan kundi ang
katalinuhan ng kanilang mga anak.

Nang dumating ang pasukan, ang batang


lalaki at ang batang babae ay sakay ng
kalesa patungo sa bayan. Doon sila mag-
aaral ng haiskul. Ngunit iba na ang
kanilang ayos. Ang batang lalaki’y hindi
na nakapantalong maikli - putot: siya’y
nakalargo na at pantay na ang hati ng
kanyang buhok na nangingintab sa pahid
ng pomada. Samantala, ang batang
babae ay may laso sa buhok, na
nakatirintas at ang kanyang suot na
damit ay lampas tuhod at hindi nakikita
ng batang lalaki ang alak-alakan nito.

Dito dumaan sa kanilang buhay ang isang


pagbabago, na hindi nila napigil at siyang
nagbukas sa kanila upang masaklaw ng
tingin ang paraisong kanilang
kinaroroonan.

Sa paglawak ng kanilang daigdig, ang


batang lalaki’y hindi na sa batang babae
lamang nakikipaglaro – siya’y
nakahalubilo na rin ng maraming batang
lalaking pumapasok sa nagagapok nang
gusaling iyon ng paaralan.
Nakikipagharutan siya sa mga ito,
nakikipagbuno, nakikipagsuntukan – at
higit sa lahat, nakikipagtuklasan ng lihim
sa isa’t isa. Isang araw, sa likod ng
paaralan, isang pangkat ng batang lalaki
ang nakapabilog sa isang batang lalaki at
nakita niya ang isang bagay na
natuklasan niyang kailangang mangyari
sa kanya.

Umuwi siyang parang tulala nang hapong


iyon at kinagabihan ay hindi siya nag-
aral. Naupo siya sa baitang ng kanilang
hagdan at nag-isip hanggang sa makita
siya roon ng kanyang ama.

Inusisa niya sa ama ang kanyang


natuklasan sa paaralan at itinanong niya
rito kung bakit kailangang gawin pa iyon.

Napatawa ang kanyang ama. Tinapik siya


nito sa balikat.

“Kailangan ‘yon upang ikaw ay maging


ganap na lalaki! “ sagot ng kanyang ama.

Natingala lamang niya ito at ang


pamimilog ng kanyang mga mata’y
naghiwatig ng pagkakaroon ng lamat sa
kanyang kawalang malay.
“Hayaan mo … “dugtong ng kanyang
ama. “Isang araw, isasama kita kay Ba
Aryo. Maging matapang ka lamang sana
…“

Ibig niyang ipagtapat iyon sa batang


babae, ngunit aywan niya kung bakit
nahihiya siya. Ngayon lamang iyon.
Kaya’t kahit patuloy pa rin silang
nagtutungo sa dalampasigan tuwing
wala silang pasok, ang alalahanin ukol
doon ay nakabawas sa sigla ng batang
lalaki.

At isang araw, Sabado ng umaga, isinama


siya ng kanyang ama sa bahay ni Ba Aryo
sa tabi ng ilog. Ngumata siya ng dahon
ng bayabas, pumikit siya at pagkaraan ng
iba pang ginawa, siya’y itinaboy ni Ba
Aryo upang maligo sa ilog.

“Ang damuho … pagkalaki-laki’y parang


hindi lalaki.”

Ang narinig niyang iyon kay Ba Aryo,


kabuntot ng malutong na halakhak ng
kanyang ama ay natanim sa kanyang isip
at patuloy na nagpalaki sa lamat sa
kanyang kawalang malay.

vi

Kasunod ng pangyayaring iyon, aywan


niya kung bakit iba na ang kanyang
pakiramdam. Gayong magaling na ang
sugat na nilikha isang umaga sa harapan
ng bahay ni Ba Aryo, hindi pa rin
nagbabalik ang kanyang sigla. Natitigilan
siya kung nakikipaglaro sa batang babae.
Nangingimi siyang tumabi rito kung ito’y
nakahiga sa damuhan o sa dalampasigan.
Hanggang isang araw ay napansin niyang
mapupula ang mga mata ng batang
babae nang dumating ito sa isang dapit -
hapon sa tabing-dagat.

“Bakit?” usisa niya.

“Wa – wala … wala!”

Nag-isip ang batang lalaki. Naisaloob


niyang baka ang kawalang sigla niya sa
pakikkipaglaro rito ang dahilan. Tinudyo
niya ang batang babae, kiniliti,
napahabol dito … hanggang sa mahawa
ito at sila’y naghabulan sa buhanginan.
Sumisigaw sila sa katuwaan hanggang sa
manigas ang kanilang mga binti at
kinakailangang humiga naman sila sa
buhanginan. Humagikgik pa sila nang
mapatong ang kamay ng batang lalaki sa
kanyang dibdib at nadama niyang lalong
malakas ang pintig doon.

“Tingnan mo … pakinggan mo ang tunog


sa dibdib ko,” anyaya ng batang lalaki.

Ngunit hindi kumilos sa pagkakahiga ang


batang babae. Nakatitig lamang ito sa
maaliwalas nang mukha ng langit.
Nagtaka ang batang lalaki. Bumangon ito
at tinunghan ang nakahigang kalaro.
Nangingilid ang luha sa mga mata nito.

“Bakit?”

Saka lamang tumigin ang batang babae


sa batang lalaki. At ito’y umiyak at ang
luhang tumulo sa pisngi’y pinahid ng
palad na iyong ipinatong sa buhanginan
ay pinaniktan ng buhangin.

“ Hindi na pala tayo maaaring maglaro…


ng tulad ng dati,” anang batang babae sa
basag na tinig.

“Hindi na?” Parang sasabog sa kawalang-


malay ang katauhan ng batang lalaki.

“Malalaki na raw tayo … malalaki nang


tao. Hindi raw maglalaon, tayo’y
magiging dalaga … at binata.”

“Sinabi ‘yon ng Nanay mo?”

“Oo, sinabi niya … na hindi na tayo


maaaring maghabulan, o kaya’y umakyat
sa punongkahoy o kaya’y pagabi sa
tabing dagat,” sabi pa ng batang babae.

“Kangina sinabi sa’yo … ng Nanay mo?”

Tumango ang batang babae “Ngayon


daw … hindi na tayo bata. Ako raw ay
dalagita na … at ikaw raw ay binatilyo!”

At waring ang batang lalaki’y nagising,


napagmasdan niya ang kanyang mga
bisig, ang kanyang katawan at sa harap
ng kanyang kalaro ay naunawaan niyang
totoo ang sinabi nito.

“Ayaw ka na palang papuntahin dito’y …


bakit narito ka pa … gabi na!?

Nagbangon ang kanyang kalaro.


Humarap sa kanya. Palubog na noon ang
araw at mapula ang silahis niyon sa
langit. Ang mukha ng dalawa ay animo
mula sa malayo at ang pagkakahawak
nila sa bisig ng isa’t isa ay parang isang
pagpapatunay ng tibay ng tanikalang
bumibidbid sa kanilang katauhan.

vii
Hindi na nga sila mga bata. Siya’y
dalagita na. Siya naman at binatilyo na.
Ang pagbabagong iyon ang
nagpapaunawa sa kanilang may
tumataas nang dingding sa

pagitan nila. Nagkita pa rin sila sa


looban, ngunit hindi nga lamang tulad ng
dating nagtatagal ang kanilang pag-
uusap. Ngayon, parang laging may
nakatingin sa kanilang mga matang
nagbabawal. Sa looban, ang kanilang
mga magulang; sa paaralran, ang
kanilang guro. At ang kanilang tawa
tulo’y ay hindi na matunog; ang hiyaw ng
dalagita ay hindi na matinis, malayo sa
hiyaw nito noong araw; ang kanilang
pag-uusap ay hindi na malaya at pumipili
na sila ng mga salitang kanilang
gagamitin.

At buwan-buwan, ang dalagita ay may


kapirasong damit na itinatago sa ilalim
ng kanyang katre at kapag tapos na sa
paglalaba ang kanyang ina ay palihim
niyang lalabhan sa silong at ikukula sa
kubling bahagi ng likod bahay.

Minsan ay natutop siya ng kanyang ina sa


paglalaba sa silong at sinabi nito sa
kanya: Hindi mo na kailangang dito pa
labhan ‘yan…

viii

Nagtapos sila ng haiskul. Nagkamay sila


pagkaraang maabot ang kani-kanilang
diploma. At nang magsayawan nang
gabing iyon, magkatambal sila. Gayong
hindi naman sila nahapo, ang tibok sa
kanyang dibdib ay mabilis at malakas at
ngayon ay hindi maungkat iyon ng
binatilyo. Nagsayaw sila, nag-usap ang
kanilang mga mata ngunit ang kanilang
mga labi’y tikom at kung gumagalaw
man upang pawiin ang panunuyo o
paglalamat niyon.

At hindi nila alam na ang tibok ng pusong


iyon ay isa pang pangyayaring nagpalaki
sa lamat a kanilang kawalang - malay.

ix
Maliwanag ang naririnig na salita ng
dalagita: Kung gusto mong makatapos ng
karera, huwag muna kayong magkita ni
Ariel. Naunawan niya ang ibig sabihin
niyon, nguni’t ang pagtutol ay hindi niya
maluom sa kanyang kalooban.

“Pero, Inay … Kaibigan ko si Ariel.” May


himagsik sa kanyang tinig.

“Kahit na … kayo’y dalaga at binata na.


Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin.
“ May langkap na tigas ang sagot na iyon.

Alam niya ang kahulugan niyon:


Masama? Parang pait iyong umuukit ng
kung anong bagay sa kanyang isip. At
saglit iyong inagaw ng tinig ng kanyang
ama.

“Ibig kong magdoktora ka, kaya


kalimutan mo muna ang mga lalaki!”

At ang pait na may iniuukit sa kanyang


isip ay parang pandalas na pinukpok at
ang kanyang katauhan ay nayanig at ang
tunog ng pagpukpok ay nag-
aalingawngaw ng : Lalaki! Lalaki! Hindi
siya nakatagal sa harap ng kanyang mga
magulang. Nakatiim ang mga labing
pumasok siya sa kanyang silid.

“Ayaw nila … ng Inay, ng Itay … masama


raw,” at ang mga labi niya’y nangatal,
kasabay ng luhang umahon a kanyang
mga mata.

Iyon lamang at minsang dalawin siya ng


binata sa dormitoryo, natuklasan nila sa
isa’t isa na mataas na ang dingding sa
kanilang pagitan. Matatag iyon, makapal,
at waring hindi nila maibubuwal.

“Huwag na muna tayong magkita, Ariel,”


sabi niya sa binata. Napatitig sa kanya si
Ariel at nakita niya ang pamamantal ng
noo nito – at pagtataka sa damdaming
unti-unting nasasaktan.

“Ba-bakit … dati naman tayong …”


At si Ariel ang kanyang kababata ay
lumisang larawan ng isang bilanggong
hindi nakaigpaw sa isang mataas na
pader.

xi

Minsan, ang binata ay umuwi sa


lalawigan. Mapanglaw ang kanyang
mukha at napuna agad iyon ng kanyang
ama.

“Bakit?”

“Ayaw nang makipagkita sa akin si


Cleofe,”

Nagtawa ang kanyang ama, tulad ng


kaugalian nito tuwing may ilalapit siyang
suliranin.

“Walang kuwenta ‘yon. Makita mo,


kapag tapos na si Cleofe ay magkakalapit
kayong muli. Hindi mo ba alam … na
gustung-gusto ng kanyang mga magulang
na maging doktora siya?

Pagsigaw ang alingawngaw ng kanyang


tinig sa kanyang isip.

“At habang nagdodoktora siya ay


masamang kami’y magkita?”

“Tama ka! “ maagap na pakli ng kanyang


ama. “Hindi mo ba alam na kapag
malapit ka sa babae ay malapit ka rin sa
tukso! “

“Tukso! Tukso! Parang matalim na


kutsilyong isinaksak sa kanyang utak ang
katagang iyon. Mahapdi, Makirot. Parang
binibiyak ang kanyang ulo.

Napapikit siya. Nagunita niya ang


luntiang damuhan sa looban ang
malamig na buhanginan kung hapon, ang
mapulang silahis ng araw na parang
dugo.

xii

At ang dalawa’y hindi nagkita, gayong


nasa isang lungsod na maliit at maglakad
ka lamang sa mga lansangan ay hindi ka
mawawalan ng makakasalubong na
kakilala. Mangyari’y iniiwasan nila ang
magkita, mangyari’y sinisikil nila ang
paglago ng halaman sa kanilang
katauhan na pinag-uugat at pinapag-
usbong ng mga araw sa luntiang
damuhan sa looban at malamig na
buhangin sa dalampasigan kung dapit -
hapon. Hindi sila nagkita, sapagkat
inihasik sa kanilang isip na ang pagkikita
nila ay masama, tukso. At sa kanilang
bagong daigdig ng aklat, ng mataas na
gusali ng malayong kabataan sa
kapaligiran, ang isiping iyon ay parang
tabak na nakabitin sa kanilang ulo o
kaya’y tulad din ng isang mansanas na
bibitin - bitin sa nakayungyong na sanga
ng punongkahoy.
Hindi sila nagkita sa loob ng mahaba ring
panahon, mga buwan at sana’y mga taon
kung nakatiis sila - kung tuluyang nasikil
nila ang halamang patuloy sa pagbabago
sa kanilang katauhan.

xiii

Hindi nga sila nakatiis - isang araw na


hindi sinasadya’y nagkasalubong sila sa
pamimili ng kagamitan. Kapwa sila
napahinto sa paglakad at nabangga na
sila ng mga tao sa bangketa ay hindi pa
rin sila makakilos. Ang binata ay naglakas
loob at binati niya ang dalaga.

Hindi nakasagot ang dalaga. Nakatitig


lamang siya sa mukha ng binata at nang
anyayahan siya nitong magpalamig sila
sa isang kanugnog na restaurant ay
napasunod lamang siya, napatangay sa
agos ng kanyang damdamin. At sa harap
ng kanilang

hininging pagkain, sila’y nagkatitigan at


sila’y nakalimot at akala nila’y nasa
luntiang damuhan sila sa looban sa
lalawigan, nakahiga at nakabaling sa isa’t
isa.

xiv

At sila’y nagkita sa Luneta, hindi lamang


minsan kundi sa maraming pagkikita,
marami-marami, at ang kanilang sikil na
damdamin ay lumaya at sa unang
pagkakataon, pagkaraan ng ilang buwan
sila’y lumigaya.

Ngunit ang inihasik na binhi ng


pagkakilala sa masama at sa mabuti sa
kanilang isip ay sumibol na at
nagpapaunawa sa kanilang ang
ginagawang iyon ay masama. Nguni’t
sila’y naghihimagsik.

xv

Malinaw ang sinabi sa sulat: sa pook pa


namang iyon, sa lahat ng pook na dapat
mong pakaiwasan - doon kayo nakita.
Hindi na sana malubha kung nagkita
lamang kayo ngunit nakita kayong
magkahawak - kamay … sa karamihan ng
tao sa paligid. Hindi kayo nahiya.

Hindi na ipinagpatuloy ng dalaga ang


pagbasa sa liham. Nagbabanta ang mga
sumusunod pang talata: luluwas ang
ama mo kapag hindi mo itinigil ang
kabaliwang iyan.

… ipinaaabot dito ng mga magulang ni


Cleofe ang ginawa ninyo. Hiyang-hiya
kami ng iyong ama. Ibig naming
makatapos ka … at ibig naming
ipaalalang muli sa iyo na ang babae ay
tukso … tukso!

Kaya ibig niyang umalis sa silid na iyon


upang hindi marinig ang alingawngaw ng
katagang iyon: tukso – tukso – tukso !

xvi

Sinabi ng dalaga: hindi na ngayon tayo


maaaring magkita. Sinabi ng binata:
magkikita tayo, magtatago tayo … ililihim
natin sa kanila ang lahat.

At sila nga ay nagkita, sa mga pook na


hindi sana nila dapat pagkitaan, ngunit
doon sila itinaboy ng kanilang
paghihimagsik, ng takot na matutop, at
ng pangangailangan.

Sa mga pook na iyon pilit nilang iginupo


ang dingding na ipinagitan sa kanila. At
sa palagay nila sila ay nagtagumpay.
Naalis ang hadlang. Ngunit sa kanilang
utak, nagsusumiksik at nanunumbat ang
alingawngaw ng pagbabawal:
lumalarawan ang nananalim na tingin!
Masama … tukso!

xvii

At ngayon, ang kanilang paraiso ay hindi


na ang malawak na looban, o kaya’y ang
dalampasigang malamig kung dapit -
hapong ang silahis ng araw ay mapulang
parang dugo. Ang daigdig nila ngayon ay
makitid, sulok-sulok, malamig din ngunit
hinahamig ng init ng kanilang lumayang
mga katawan.

xviii
Maligaya sila sa kanilang daigdig,
Maligaya sila sa kanilang bagong paraiso.
Hanggang isang araw ay kumulog,
dumagundong ang kalawakan at
nangagulat ang mga tao sa lansangan;
pamaya-maya, pumatak ang ulan, na ang
pasimulang madalang ay naging
masinsin.

Ang dalaga ay dumungaw sa bintana –


masama ang kanyang pakiramdam. May
kung anong nakatatakot na bagay sa
kanyang katawan na ibig niyang ilabas,
na ibig niyang itapon. At iyon ay umakyat
sa kanyang lalamunan.

Humawak siya sa palababahan ng


bintana. Tumingala siya upang pawiin
ang pagsama ng kanyang pakiramdam.
Natanaw niyang maitim ang langit at
naisip niyang magtatagal ang ulan.
Tumungo siya at nakita niyang nalinis ng
tubig ang bangketa at kasabay ng
kanyang pagtungo, parang isinikad na
pataas sa lalamunan ang kanyang bituka
at siya’y napanganga at siya’y napapikit
at siya’y napaluha at paghigpit ng
kanyang hawak sa palababahan ng
bintana ay napaduwal siya … at ang
lumabas sa kanyang bibig ay tumulo sa
bangketa at sandaling kumalat doon at
pagkaraa’y nilinis ng patak ng ulan,
inanod ng nilikhang mumunting agos sa
gilid ng daan.
At ang dalaga’y napabulalas ng iyak
Ang Kwento ni Mabuti
ni Genoveva Edroza-Matute

Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit


sinasabi nilang naroroon pa siya sa
dating pinagtuturuan, sa walang pintang
paaralang una kong kinakitaan ng sa
kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa
ikalawang palapag, sa itaas ng lumang
hagdang umiingit sa bawat hakbang,
doon sa kung manunungaw ay
matatanaw ang maitim na tubig ng isang
estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng
mga kaalamang pang-aklat, at
bumubuhay ng isang uri ng karunungang
sa kanya ko lamang natutuhan.

Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan n


buhay. Saan man sa kagandahan; sa
tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog
kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya.
Ngunit walang anumang maganda sa
kanyan anyo… at sa kanyang buhay…

Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro


noon. Walang sinumang nag-ukol sa
kanyang ng pansin. Mula sa kanyang
pananamit hanggang sa paraan ng
pagdadala niya ng mga panunugutan sa
paaralan, walang masasabing anumang
pangkaraniwan sa kanya.

Siya’y tinatawag naming lahat na si


Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang
salitang iyon ang simula ng halos lahat
ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit
sa mga salitang hindi niya maalaala kung
minsan, at nagiging pamuno sa mga
sandaling pag-aalanganin. Sa isang
paraang malirip, iyon ay naging
salaminan ng uri ng paniniwala sa buhay.

“Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y


magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti
nama’t umabot tayo sa bahaging ito…
Mabuti… Mabuti!”

Hindi ako kailanman magtatapat sa


kanyang ng anuman kung di lamang
nahuli niya akong minsang lumuluha;
nang hapong iyo’y iniluha ng bata kong
puso ang pambata ring suliranin.

Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa


pabugsu-bugsong hiyawan ng mga
nagsisipanood sa pagsasanay ng mga
manlalaro ng paaralan, ang buong
paligid ay tahimik na. Sa isang tagong
sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin
ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya
ako natagpuan.

“Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang


ikinukubli ang pag-aagam-agam sa
narinig. “Tila may suliranin .. mabuti
sana kung makakatulong ako.”
Ibig kong tumakas sa kanya at huwag
nang bumalik pa kailanman. Sa bata
kong isipan ay ibinilang kong kahihiyan
ay kaabaan ang pagkikita pa naming muli
sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa
gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako
makakilos sa sinabi niya pagkatapos.
Napatda ako na napaupong bigla sa
katapat na luklukan.

“Hindi ko alam na may tao rito”…..


naparito ako upang umiyak din.”

Hindi ako nakapangusap sa katapatang


naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa
ang kanyang paningin sa aking
kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko
ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.
Tinanganan niya ang aking mga kamay at
narinig ko na klamang ang tinig sa
pagtatapat sa suliraning sa palagay ko
noo’y siya nang pinakamabigat. Nakinig
siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko
sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung
paanong napigil niya ang paghalakhak sa
gayong kamusmos na bagay. Ngunit,
siya’y nakinig nang buong pagkaunawa,
at alam ko na ang pagmamalasakit niya’y
tunay na matapat.

Lumabas kaming magkasabay sa


paaralan. Ang panukalang naghihiwalay
sa amin ay natatanaw na nang bigla
akong makaalala.
“Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo ng
pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa
sulok na iyo na … iniiyakan ko?”

Tumawa siya ng marahan at inulit ang


mga salitang iyon; “ang sulok na iyon na
… iniiyakan natin… nating dalawa.”
Nawala ang marahang halakhak sa
kanyang tinig: “sana’y masabi ko sa iyo,
ngunit… ang suliranin.. kailanman. Ang
ibig kong sabihin ay … maging higit na
mabuti sana sa iyo ang … buhay.”

Si Mabuti’y nagging isang bagong nilikha


sa akin mula nang araw na iyon. Sa
pagsasalita niya mula sa hapag,
pagtatanong, sumagot, sa pagngiti
niyang mabagal at mahihiyain niyang
mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot
sa noo niya sa kanyang pagkayamot,
naririnig kong muli ang mga yabag na
palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan.
Ang sulok na iyon,.. “Iniiyakan natin,” ang
sinabi niya nang hapong iyon. At habang
tumaaginting sa silid naming ang
kanyang tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan
ko ang dahilan o mga dahilan n pagtungo
niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan.
Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya
roon, sa aming sulok na iyong… aming
dalawa…

At sapagkat natuklasan ko ang


katotohanang iyon tungkol sa kanya,
nagsimula akong magmasid, maghintay
ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang
sinasabi. Ngunit, sa tuwina, kasayahan,
pananalig, pag-asa ang taglay niya sa
aming silid-aralan. Pinuno siya ng
maririkit na guni-guni ang aming isipan
at ng mga tunog ang aming pandinig at
natutuhan naming unti-inti ang
kagandahan ng buhay. Bawat aralin
naming sa anitikan ay naging isang
pagtighaw sa kauhawan naming sa
kagandahan at ako’y humanga.

Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko


sa aking sarili pagkatapos na maipadama
niya sa amin ang kagandahan ng buhay
sa aming aralin. At hindi naging akin ang
pagtuklas na ito sa kariktan kundi
pagkatapos na lamang ng pangyayaring
iyon sa silid-aklatan.
Ang pananalig niya sa kalooban ng
maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na,
isa sa mga pinakamatibay na aking
nakilala. Nakasasa;ling ng damdamin.
Marahil, ang pananalig niyang iyon ang
nagpakita sa kanya ng kagandahan sa
mga bagay na karaniwan na lamang sa
amin ay walang kabuluhan.

Hindi siya bumabanggit ng anuman


tungkol sa kanyang sarili sa buong
panahon ng pag-aaral naming sa kanya.
Ngunit bumanggit siya tungkol sa
kanyang anak na babae, sa tangi niyang
anak. .. nang paulit-ulit. Hindi rin siya
bumabanggit sa amin kailanman tungkol
sa ama ngh batang iyon. Ngunit, dalawa
sa mga kamag-aral naming ang
nakababatid na siya’y hindi balo.

Walang pag-aalinlangan ang lahat ng


bagay at pangarap niyang maririkit ay
nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay
niya sa amin ang katabilan niyon. Ang
paglaki nang mga pangarap niyon, ang
nabubuong layunin niyon sa buhay.
Minsan, tila hindi namamalayang
nakapagpapahayag ang aming guro ng
isang pangamba ang pagkatakot niyang
baka siya hindi umabot sa matatayog na
pangarap ng kanyang anak. Maliban sa
iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang
pagbanggit sa kanyang anak ay iisa
lamang ang mga bagay na
“pinagtitiisang” pakinggan sapagkat
walang paraang maiwasan iyon. Sa akin,
ang bawat pagbanggit na iyon ay
nagkakaroon ng kahulugan sapagkat
noon pa ma’y nabubuo na sa aking isipan
ang isang hinala.

Sa kanyang magandang salaysay, ay


nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng
kanyang anak, ang bagong kasuotan
niyong may malaking lasong pula sa
baywang, ang mga kaibigan niyong mga
bata rin, ang kanilang mga handog. Ang
anak niya’y anim na taong gulang na. Sa
susunod na taon niya’y magsisimula na
iyong mag-aral. At ibig ng guro naming
maging manggagamot ang kanyang anak-
at isang mabuting manggagamot.
Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng
aming guro nang isang bata sa aking
likuran ang bumulong: “Gaya ng kanyang
ama!”

Narinig ng aming guro ang ang sinabing


iyon ng batang lalaki. At siya’y nagsalita.

“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika


niya. Ngunit tumakas ang dugo sa
kanyang mukha habang sumisilay ang
isang pilit na ngiti sa kanyang labi.

Iyon ang una at huling pagbanggit sa


aming klase ang tungkol sa ama ng
batang may kaarawan.

Matitiyak ko noong may isang bagay


ngang malisya sa buhay niya. Malisya
nang ganoon na lamang. At habang
nakaupo ako sa aking luklukan, may
dalawang dipa lamang ang layo sa kanya,
kumirot ang puso ko sa pagnanasang
lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang
mga kamay gaya ng gingawa niya nang
hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at
hilinging magbukas ng dibdib sa akin.
Marahil, makagagaan sa kanyang
damdamin kung may mapagtatapatan
siyang isang taong man lamang. Ngunit,
ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon;
ang mga kamag-aral kong nakikinig ng
walang anumang malasakit sa kanyang
sinasabing, “Oo, gaya ng kanyang ama,”
habang tumatakas ang dugo sa kanyang
mukha.
Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko
makakalimutan kailanman. Tinignan niya
ako ng buong tapang na pinipigil ang
panginginig ng mga labi at sinabi ang
ganito : “Mabuti…mabuti gaya ng
sasabihin nitong Fe-lyon lamang
nakararanas ng mga lihim na
kalungkutan ang maaaring makakilala ng
mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at
ngayon, magsimula sa ating aralin…”

Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko


ngayon na hindi akin ang pangungusap
na iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa
aking mga pagsusulat. Ngunit
samantalang nakatitig siya sa akin ng
umagang iyon, habang sinasabi niya ang
pangungusap na iyon, nadama kong siya
at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga
nilalang na sapagkat nakaranas n mga
lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng
mga lihim na kaligayahan.

At minsan pa, nang umagang iyon,


habang unti-unting bumabalik ang dating
kulay ng kanyang mukha, muli niyang
ipinamalas sa ang mga nagtatagong
kagandahan sa aralin naming sa
Panitikan. Ang karikatn ng katapangan;
ang kariktan ng pagpapatuloy anuman
ang kulay ng buhay.

At ngayon, ilang araw lamang ang


nakararaan buhat nang mabalitaan ko
ang tungkol sa pagpanaw ng
manggagamot na iyon. Ang ama ng
batang iyong marahil ay magiging isang
manggagamot din baling araw, ay
namatay at naburol ng dalawang gabi at
dalawang araw sa isan bahay na hindi
siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang
anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa
hubad na katotohanan niyon at sa buong
kalupitan niyon ay naunawaan ko ang
lahat
Tata Selo ni Rogelio Sikat
Maliit lamang sa simula ang kulumpon
ng taong nasa bakuran ng munisipyo,
ngunit nang tumaas ang araw, at kumalat
na ang balitang tinaga at napatay si
Kabesang Tano, ay napuno na ang
bakuran ng bahay-pamahalaan.
Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan,
nagtutulakan, bawat isa’y naghahangad
makalapit sa istaked.
“Totoo ba, Tata Selo?”
“Binabawi niya ang aking saka kaya
tinaga ko siya.”
Nasa loob ng istaked si Tata Selo.
Mahigpit na nakahawak sa rehas. May
nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw
ang luha sa malabo at tila lagi nang may
inaaninaw na mata. Kupas ang gris
niyang suot, may mga tagpi na ang siko
at paypay. Ang kutod niyang yari sa
matibay na supot ng asin ay may bahid
ng natuyong putik. Nasa harap niya at
kausap ang isang magbubukid, ang
kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa
mga pulis na sumasawata sa
nagkakaguluhang tao.
“Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,”
umiling na wika ng kanyang kahangga,
“talagang hindi ko mapaniwalaan.”
Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali
at natuyuan na ng dugong putok sa noo.
Sa kanyang harapan, di-kalayuan sa
istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang
mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit
ang sikat ng araw na tumatama sa mga
ito, walang humihihip na hangin at sa
kanilang ulunan ay nakalutang ang
nasasalisod na alikabok.
“Bakit niya babawiin ang aking saka?”
tanong ni Tata Selo. “Dinaya ko na ba
siya sa partihan? Tinuso ko na ba siya?
Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang
niya ako. Hindi ba’t kaya maraming
nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong
magpamigay ng kahit isang pinangko
kung anihan?”
Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked
si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa
rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit
wala siyang sino mang tinitingnan.
“Hindi mo na sana tinaga si kabesa,”
anang binatang anak ng
pinakamayamang propitaryo sa San
Roque, na tila isang magilas na
pinunong-bayang malayang nakalalakad
sa pagitan ng maraming tao at ng
istaked. Mataas ito, maputi,
nakasalaming may kulay at
nakapamaywang habang naninigarilyo.
“Binabawi po niya ang aking saka,”
sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako
pupunta kung wala na akong saka?”
Kumumpas ang binatang mayaman.
“Hindi katwiran iyan para tagain mo ang
kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo.
Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis
ka niya anumang oras.”
Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa
rehas.
“Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,”
nakatingala at nagpipilit ngumiting wika
niya sa binatang nagtapon ng sigarilyo at
mariing tinakpan pagkatapos. “Alam po
ba ninyong dating amin ang lupang iyon?
Naisangla lamang po nang magkasakit
ang aking asawa, naembargo lamang po
ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang
lupang iyon, kaya nga po hindi
nagbibigay ng kahit isang pinangko kung
anihan. Kung hindi ko na naman po
mababawi, masaka ko man lamang po.
Nakikiusap po ako sa kabesa kangina,
“Kung maari akong paalisin. Kaya ko pa
pong magsaka, ‘Besa. Totoo pong ako’y
matanda na, ngunit ako po nama’y
malakas pa.’ Ngunit... Ay! tinungkod po
niya ako nang tinungkod, tingnan po
n’yong putok sa aking noo, tingnan po
n’yo.”
Dumukot ng sigarilyo ang binata.
Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si
Tata Selo at lumapit sa isang pulis.
“Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?”
Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si
Tata Selo. Nakita niya ang isang batang
magbubukid na na nakalapit sa istaked.
Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang
magbubukid, o anak-magbubukid, na
maniniwala sa kanya. Nakataas ang
malapad na sumbrerong balanggot ng
bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig
at binti ay may halas. May sukbit itong
lilik.
“Pinutahan niya ako sa aking saka,
amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon
ba sa may sangka. Pinaalis sa aking saka,
ang wika’y tinungkod ako, amang.
Nakikiusap ako, sapagkat kung
mawawalan ako ng saka ay saan pa ako
pupunta?”
“Wala na nga kayong mapupuntahan,
Tata Selo.”
Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata
Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang
bata.
“Patay po ba?”
Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa
pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya
sa balikat.
“Pa’no pa niyan si Saling?” muling
tanong ng bata. Tinutukoy nito ang
maglalabimpitong taong anak ni Tata
Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina
Kabesang Tano at kamakalawa lamang
umuwi kay Tata Selo. Ginagawang reyna
sa pista ng mga magbubukid si Saling
nang nakaraang taon, hindi lamang
pumayag si Tata Selo. “Pa’no po niyan si
Saling?”
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni
Tata Selo sa rehas.
Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata
Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating
ito, kasama ang hepe ng mga pulis.
Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-
abot ang busina ng diyip na kinasasakyan
ng dalawa upang mahawi ang hanggang
noo’y di pa nag-aalisang tao.
Tumigil ang diyip sa di-kalayaun sa
istaked.
“Patay po ba? Saan po ang taga?”
Naggitgitan at nagsiksikan ang mga
pinagpapawisang tao. Itinaas ng may-
katabang alkalde ang dalawang kamay
upang payapain ang pagkakaingay.
Nanulak ang malaking hepe.
“Saan po tinamaan?”
“Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang
kanang palad sa bibig, hinugot iyon at
mariing inihagod hanggang sa kanang
punong tainga. “Lagas ang ngipin.”
“Lintik na matanda!”
Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan,
nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan.
Nanghataw na ng batuta ang mga pulis.
Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng
istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang
tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha
kay Tata Selo sa istaked.
“Mabibilanggo ka niyan,” anang alkalde
pagpasok ni Tata Selo sa kanyang
tanggapan.
Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si
Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang
nasa harap ng mesa. Nanginginig ang
kamay ni Tata Selo nang ipatong niya
iyon sa nasasalaminang mesa.\
“Pa’no nga ba’ng nangyari?” kunot-noo
at galit na tanong ng alkalde.
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Binabawi po niya ang aking saka,
Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko
pong umalis doon. Dati pong amin ang
lupang iyon, amin po, naisangla lamang
po at naembargo.”
“Alam ko na iyan,” kumukumpas at
umiiling na putol ng nagbubugnot na
alkalde.
Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang
tumingin sa presidente, may
nakasungaw na luha sa kanyang
malalabo at tila lagi nang may inaaninaw
na mata.
“Ako po naman, Presidente, ay malakas
pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong
magsaka. Makatwiran po bang paalisin
ako? Malakas pa po naman ako,
Presidente, malakas pa po.”
“Saan mo tinaga ang kabesa?”
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Nasa may sangka po ako nang dumating
ang kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas
sa pilapil. Alam ko pong pinanood ako ng
kabesa, kung kaya po naman pinagbuti
ko ang paggawa, para malaman niyang
ako po’y talagang malakas pa, na kaya ko
pa pong magsaka. Walang anu-ano po,
tinawag niya ako at ako po’y lumapit,
sinabi niyang makaalis na ako sa aking
saka sapagkat iba na ang magsasaka.”
“Bakit po naman, “Besa?” tanong ko po.
Ang wika’y umalis na lang daw po ako.
‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko po
uli, ‘malakas pa po naman ako, a.’
Nilapitan po niya ako nang tinungkod.”
“Tinaga mo na n’on,” anang nakamatyag
na hepe.
Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat
ng tingin – may mga eskribiyente pang
nakapasok doon – ay nakatuon kay Tata
Selo. Nakauyko si Tata Selo at gagalaw-
galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw
ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa
makintab na sahig, hindi mapalagay ang
kanyang may putik, maalikabok at luyang
paa.
“Ang inyong anak, na kina Kasesa raw?”
usisa ng alkalde.
Hindi sumagot si Tata Selo.
“Tinatanong ka,” anang hepe.
Lumunok si Tata Selo.
“Umuwi na po si Saling, Presidente.”
“Kailan?”
“Kamakalawa po ng umaga.”
“Di ba’t kinatatulong siya ro’n?”
“Tatlong buwan na po.”
“Bakit siya umuwi?”
Dahan-dahang umangat ang mukha ni
Tata Selo. Naiyak na napayuko siya.
“May sakit po siya?”
Nang sumapit ang alas-dose – inihudyat
iyon ng sunud-sunod na pagtugtog ng
kampana sa simbahan na katapat lamang
ng munisipyo – ay umalis ang alkalde
upang manghalian. Naiwan si Tata Selo,
kasama ang hepe at dalawang pulis.
“Napatay mo pala ang kabesa,” anang
malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay
Tata Selo na nakayuko at din pa
tumitinag sa upuan.
“Binabawi po niya ang aking saka,”
katwiran ni Tata Selo.
Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag,
halos mangudngod si Tata Selo.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod,”
nakatingala, umiiyak at kumikinig ang
labing katwiran ni Tata Selo.
Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng
hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig,
napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa
umipormeng kaki ng hepe.
“Tinungkod po niya ako nang
tinungkod...Ay! tinungkod po niya ako
nang tinungkod...”
Sa may pinto ng tanggapan, naaawang
nakatingin ang dalawang pulis.
“Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kat
Tsip, e,” sinasabi ng isa nang si Tata Selo
ay tila damit na nalaglag sa pagkakasabit
nang muling pagmalupitan ng hepe.
Mapula ang sumikat na araw
kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo,
nagkalat ang papel na naiwan nang
nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang
alikabok, gayong sa pagdating ng uwang
iyo’y dapat nang nag-uulan. Kung may
humihihip na hangin, may mumunting
ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa
itaas.
“Dadalhin ka siguro sa kabesera,” anang
bagong paligo at bagong bihis na alkalde
sa matandang nasa loob ng istaked.
“Doon ka siguro ikukulong.”
Wala ni papag sa loob ng istaked at sa
maruing sementadong lapag
nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid
niya’y may natutuyong tamak-tamak na
tubig. Nakaunat ang kanyang maiitim at
hinahalas na paa at nakatukod ang
kanyang tila walang butong mga kamay.
Nakakiling, nakasandal siya sa steel
matting na siyang panlikurang dingding
ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay,
hindi nagagalaw ang sartin ng maiitim na
kape at isang losang kanin. Nilalangaw
iyon.
“Habang-buhay siguro ang ibibigay sa
iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ng
tabako at lumapit sa istaked. Makintab
ang sapatos ng alkalde.
“Patayin na rin ninyo ako, Presidente.”
Paos at bahagya nang marinig ang rehas
nguni’t pinagkiskis niya ang mga palad at
tiningnan kung may alikabok iyon. Nang
tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang
lalo nang nakiling ito.
May mga tao na namang dumarating sa
munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon.
Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng
munisipyo, ngunit may kasunod na pulis.
Kakaunti ang magbubukid sabagong
langkay na dumating at titingin kay Tata
Selo. Karamihan ay mga taga-poblacion.
Hanggang noon, bawat isa’y nagtataka,
hindi makapaniwala, gayong kalat na ang
balitang ililibing kinahapunan ang
kabesa. Nagtataka at hindi
nakapaniwalang nakatingin sila kay Tata
Selo na tila isang di pangkaraniwang
hayop na itinatanghal.
Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na
naman. Nang magdakong alas-dos,
dumating ang anak ni Tata Selo.
Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit
itong napahawak sa rehas at malakas na
humagulgol.
Nalaman ng alkalde na dumating si
Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang
tanggapan. Di nagtagal at si Tata Selo
naman ang ipinakaon. Dalawang pulis
ang umaalalay kay Tata Selo. Nabubuwal
sa paglakad si Tata Selo. Nakita niya ang
babaing nakaupo sa harap ng mesa ng
presidente.
Nagyakap ang mag-ama pagkakita.
“Hindi ka na sana naparito, Saling” wika
ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka
Saling, may sakit ka!?
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang
kalong ang ama. Nakalugay ang walang
kintab niyang buhok, ang damit na suot
ay tila yaong suot pa nang nagdaang
dalawang araw. Matigas ang kanyang
namumutlang mukha. Pinaglilipat-lipat
niya ang tingin mula sa nakaupong
alkalde hanggang sa mga nakatinging
pulis.
“Umuwi ka na, Saling,” hiling ni Tata Selo.
“Bayaan mo na...bayaan mo na. Umuwi
ka na, anak. Huwag ka nang
magsasabi...”
“Kinabog kagabi,” wika ng isang
magbubukid. “Binalutan ng basang sako,
hindi nga halata.”
“Ang anak, dumating daw?”
“Naki-mayor.”
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng
dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob
si Tata Selo pagakaraang siya’y maiupo.
Ngunit nang marinig niyang muling
ipinapakaw ang pintong bakal ng istaked,
humihilahod na ginapang niya ang rehas,
mahigpit na humawak doon at habang
nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila
huhutukin. Tinawag niya ang mga pulis
ngunit paos siya at malayo na ang mga
pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa
rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa
sementadong lapah. Matagal siyang
nakadapa bago niya narinig na may tila
gumigisang sa kanya.
“Tata Selo...Tata Selo...”
Umangat ang mukha ni Tata Selo.
Inaninaw ng may luha niyang mata ang
tumatawag sa kanya.
Iyon ang batang dumalaw sa kanya
kahapon.
Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata
Selo na umaabot sa kanya.
“Nando’n, amang, si Saling sa
Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain
mo nang umuwi, umuwi na kayo.
Puntahan mo siya, amang. Umuwi na
kayo.” Muling bumagsak ang kanyang
mukha sa lapag. Ang bata’y saglit na
nagpaulik-ulik, pagkaraa’y takot na
bantulot na sumunod...
Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na
ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin
iyon. May kapiraso nang lilim sa istaked,
sa may dingding sa steel matting, ngunit
si Tata Selo’y wala roon. Nasa init siya,
nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng
istaked. Nakatingin sitya sa labas, sa
kanyang malalabo at tila lagi nang nag-
aaninaw na mata’y tumatama ang
mapulang sikat ng araw. Sa labas ng
istaked, nakasandig sa rehas ang batang
inutusan niya kangina. Sinasabi ng bata
na ayaw siyang papasukin sa tanggapan
ng alkalde ngunit hindi siya
pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayo’y
hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi.
Habang nakakapit sa rehas at nakatingin
sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha
na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay
kihuan na sa kanila...

Walang Panginoon ni Deogracias A.


Rosario
Nang makita ni Marcos sa kanilang
lumang orasan na ang mahabang
hintuturo ay malapit nang sumapit sa
ika-12 samantalang nakapako na sa ika-8
ang maikling daliri, hindi niya malaman
kung saan magtutungo. Isinisiksik ang
kanyang ulo kahit saan, saka ang dalawa
niyang hintuturo ay ipapasak sa mga
butas ng kanyang tainga.

Ayaw niyang marinig ang animas. Ayaw


niyang mapakinggan ang malungkot na
palo ng bakal sa malaking kampanang
tanso sa kampanaryo ng simbahan sa
kanilang bayan. Gayunman, kahit na
saan siyang magsiksik, kahit na saan siya
magtutungo, kahit na anong gawin
niyang pagpapasak sa kaniyang tainga ay
lalong nanunuot sa kaniyang pandinig
ang malungkot na tinig ng batingaw.

“Tapos na ba? Tapos…” ang sunud-sunod


niyang tanong na animo’y dinadaya ang
sarili kung wala na siyang nauulinigang
ano mang taginting ng kampana.
“Tapos na. Tapos…” ang sunud-sunod
namang itinugon ng kanyang ina
paniwalang-paniwala hindi nga naririnig
ang malungkot na animas.

“Ngunit Marcos..” ang baling uli na


matandang babae sa anak. “Bakit ayaw
mong marinig ang oras na ukol sa
kaluluwa?” iya’y pagpapagunita sa mga
tao na dapat mag-ukol ng dalangin sa
ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa
kabilang buhay. Lalo ka na Marcos,
marami kang dapat ipagdasal. Una-una’y
ang iyong ama,ikalawa’y ang kapatid
mong panganay, ikatlo’y ang kapatid
mong bunso, saka… saka si Anita.” Ang
hul;ing pangalan ay binigkas na marahan
ng matandang babae.

Si marcos ay di kumibo. Samantalang


pinararangalan siya ng kaniyang ina, ang
mga mata niyang galing sa pagkapikit
kaya’t nanlalabo pa’t walang ilaw ay
dahan-dahan siniputan ng ningas, saka
manlilisik at mag-aapoy.

Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya


magsasalita. Subalit sas kanyang sarili, sa
kanyang dibdib, sa kanyang kaluluwa ay
may nangungusap may nagsasalita.

“Dahil din sas kanila, lalung-lalo na kay


Anit, ayaw kong marinig ang malungkot
na tunog ng batingaw,” ang sinasabi ni
Marcos sa sarili. Kinagat niya ang labi
hanggang sa dumugo upang ipahalata sa
ina ang pagkukuyom ng kanyang
damdamin.

Akala nang ina’y nahulaan niya kung ano


ang nasa loob ni Marcos. Sa wari ng
matandaay nabasa niya sa mga mata ng
anak ang lihim ng puso nito. Naisip
niyang kaya nalulungkot si Marcos ay
sapagkat hindi pa natatagalang namatay
si Anita, ang magandang anak ni Don
Teong, mayamang may-ari ng lupa nilang
binubuwisan. Nalalaman ng ina ni
Marcos na lahat ng pagsisikap nito sa
bukid, lahat ng pagpupunyaging matuto
sa pamamagitan ng pagbabasa, lahat ng
pag-iimpok na ginawa upang maging
isang ulirang anak-pawis ay ukol kay
Anita. At saka namatay! Nararamdaman
din ng ina ni Marcos kung gaano kakirot
para sa kanyang anak ang gayong dagok
ng kasawian. Dapat ngang maging
malungkutin ang kanyang anak. Ito ang
kanyang ibig libangi. Ito ang nais niyang
aliwin. Kung maari sana’y mabunutan ng
tinik na subyang sa dibdib ang kanyang
anak.

“Lumakad ka na, Marcos, sa kubo nina


Bastian. Tila may belasyon sila, o, baka
kailanganin ang mabuting mang-aawit at
manunugtog ng gitara.” “Si Inang
naman,” ang naibulalas na lamang ni
Marcos. Iyan lamang ang kanyang nasabi
nang malakas. Sa kanyang sarili’y
naidugtong niya na hindi masusukat ng
kanyang ina kung gaano kapait para sa
kanya ang pagkamatay ni Anita,
palibhasa’y lingid sa kaalaman ng
matanda ang tunay na nangyayari sa
pagkamatay nito.

“Kung nalalaman lamang ni Inang ang


lahat,” ang nasabi niya uli sa kanyang
sarili samantalang minamasdan niya ang
kanyang ulilang bituin sa may tapat ng
libingan ng kanilang bayan na
ipinalalagay niyang kaluluwa ni Anita, “
disi’y hindi ako itataboy sa kasiyahan.

Pinag-usapan pa lamang ng mag-ina


nang umagang yaon ang malaki nilang
kapalaran sapagkat mabuti ang lagay ng
tanim nilang palay, nang isang utusan sa
bahay-pamahalaan ang dumating na
taglay ang utus ng hukumang sila’y
pinaalis sa kanilang lupang kinatatayuan ,
at sinamsamsam ni Don Teong na ama ni
Anita ang lahat ng lupa nilang sinasaka.

“Inang, matalim ba ang itak ko?” ang


unang naitanong ni Marcos sa ina
matapos matunghayan ang utos ng
hukuman.

“Anak ko!” ang palahaw na panngis ng


matandang babae sabay kapit sa leeg ng
anak. “Bakit ka mag-iisip ng gayon, sa
tayo na lamang dalawa ang nabubuhay
sa daigdig?”

Ang tinig ng matanda ay


nakapagpapalubag sa kalooban ng
binata. Gayon man, sa harap ng bagong
pithaya ng may-ari ng lupang kanilang
binubuwisan, ay isa- isang nagbabalik sa
alaala niya ang malungkot na kasaysayan
ng kanilang lupang sinasaka.

Ang sabi’y talagang sa kanunununuan ng


kaniyang ama ang naturang lupa. Walang
sino mang sumisingil ng buwis at walang
sino mang nakikialam sa ano mang
bunga ng kanilang mga tanim, maging
mais o tubo, o kaya’y maging ano man sa
mga gulay na tanim nila sa bakuran.

Subalit nang bata pa ang kanyang ama ay


may nagpasukat ng lupa at sinasabing
kanila. Palibhasa’y wala silang maibayad
sa manananggol, ang pamahalaan ay
nagkulang ng malasakit sa kanilang
karalitaan upang tangkilin ang kanilang
karalitaan upang tangkilin ang kanilang
katwiran at karapatan. Sa wakas ay
napilit silang mamuwisan nang di nila
makuhang umalis doon.

Noong bata pa si Marcos, ang bayad


nila’y isang salapi lamang isang taon sa
bawat ektarya ng lupang kanilang
sinasaka. Subalit habang nagtatagal ay
unti-unti na silang nababaon sa
pagkakautang sa may lupa dahil sa mga
kasunduang ipinapasok sa pana-
panahon, gaya ng takipan at talindawa.

Kaya namatay ang ama ni Marcos ay


dahil din sa malaking sama ng loob ng
kay Don Teong. Ang kapatid niya’y
namatay dahil sa paglilingkod sa bahay
nito at higit sa lahat, nalalaman niyang
kaya namatay si Anita ay sapagkat
natutop ng amang nakipagtagpong
minsan sa kanya sa loob ng halamanan,
isang gabing maliwanag ang buwan.

Saka ngayo’y paalisin naman sila sa


kanilang bahay at lupang binubuwisan?

Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni


Marcos, maging isang taon noon. Sapul
nang dumating si Anita sa kanilang bayan
buhat sa pag-aaral sa isang kolehiyo ng
mga madre sa Maynila, si Marcos ay
nagsimpan na ng mallaking pag-ibig sa
kanya. Alam ni Marcos ang kanyang
lkalagayan na halos ay lumaki sa ibabaw
ng kalabaw at sa pagtikin sa kanilang
lamo sa ilog.

Si Marcos ay natapos lamang ng


katesismo sa iskwelahan sa silong ng
kumbento sa kanilang bayan at natutong
sumulat sa pisara ng malaking numero.
Ngunit gayon man, nagsikap siyang idilat
ang kanyang mga mata sa liwanag ng
kabihasnan at pagkaunlad. Katutubo kay
Marcos ang hilig sas pagkatuto sapagkat
sa pabanib niya sa mga samahang
pambayn ay natuklasan niyang walang
mabuting paaralan kundi ang pahayagan.
Walang aklat, walang pahayagan at
lingguhan sa sarilng wika na hindi
binabasa ni Marcos. Kahit manghiram
lamang kung wala na siyang ibili.
Nagbabasa rin siya ng nobela at ibang
akdang katutuhan niya sa wikang
Tagalog, o kaya’y salin sa wikang ito.

Lalo na ng magsimpan siya ng pag-ibig


kay Anita, wala siyang inaalagata sa
kanyang buhay kundi ang balang araw ay
maging karapat-dapat sa mga kamay ng
anak ni Don Teong na may-ari ng lupa
nilang sinasaka. Isa pa’y bukod sa
naniniwala siya sa kasabihang “ang lahat
ng tao, kahit hindi magkakulay ay
sadyang magkapantay,” ay tinatanggap
din niya ang palasak na kawikaang “ ang
katapat ng langit ay pusalian”. Dahil
diyan kahit bahagya ay hindi siya nag-
atubili nang pagsisimpan ng pag-ibig kay
Anita.

At naibig naman siya ng anak ni Don


Teong. Bakit hindi siya maiibig? Minsa si
Anita ay namangka sa kanilang ilog,
gumiwang ang bangka at nahulog sa
tubig. Si Marcos noon ay nasa lamo at
lihim niyang sinusundan ang bakas sa
tubig ni Anita. Nang makita niya ang
malaking sakuna ay lumundag siya sa
ilog at sa pamamagitan ng langoy na
hampastikin ay inabot niya si Anita na
kumakamot sa ilalim ng ilog. Matapos
niyang kalawatin ang kaliwa niyang bisig
sa may baba ang dalaga ay bigla niyang
isinikdaw ang dalawang niyang paa sa
ilalim kayat pumaibabaw sila, at sa
tulong ng pagkampay ng kanyang kamay
at pagtikad ng dalawa niyang paa ay
nakasapit sila sa pampang.

“Marcos, matagal na rin kitang iniibig,”


ang tapat ni Anita sa binata., makaraan
ng may ilang buwan buhat nang siya’y
mailigtas.

Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina


upang lisanin ang lupang lisanin ang
lupang gayong ang sabi ay ari ng kanilang
mga ninuno ay binubuwisan na nila at
sinamsam pa ngayon. At saka silang mag-
ina ay itataboy. Sino ang hindi
magdadalang-poot sa gayung
kabuktutan?
Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim
si Marcos ng kanyang bagang. Kinagat
niya ang kanyang labi upang huwag
mabulalas ang kanyang galit. Kinuyom
niya ang mga kamay hanggang matimo
sa palad niya ang kanyang mag kuko.

Isang takipsilim nang marinig niya sa


kampanaryo ng kanilang simbahan ang
malungkot na agunyas. Una muna ang
malaking kampana saka sumunod ang
maliit. Bang! Teng! Bang! Teng! Babae
ang nalagutan ng hininga. Mliit naman
ang kanilang bayan upang malihaim pa
kung sino ang binawian ng buhay. Wala
siyang nalalamang may sakit kundi si
Anita. Dahil sa pagkakatutop sa kanila
isang gabi, ang dalaga ay sinaktang
mabuti na ayon sa sabi ng nagbalita kay
Marcos ay mata lamang ang walang
latay.

Buhat noon ay nagkasakit si Anita. Araw-


araw ay tumatanggap si Marcos ng balita
nang tangkain niyang dumalaw na
minsan ay hinarang siya ni Don Teong na
may hawak na rebolber. Susuong din
sana si Marcos, subalit nagdalawang-
loob siya. Maaring maging dahilan iyon
ng bigla pang pagkamatay ng kanyang
inibig, bukod sa magiging subyang sa
kanyang ina kung siya ay mawala.

Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don


Teong ay isinama lamang niya sa talaan
ng pagmamalupit sa kanya ng mayamang
may-ari ng lupa nilang binibuwisan.
Pangangagaw ng lupa sa kanila.
Pagpapautang ng patung-patong.
Pagkamatay ng kanyang ama.
Pagkamatay ng kanyang kapatid. At saka
noon pagtatangka sa kanyang buhay.
Pinakahuli nga ang pagkamatay nang
tuluyan ni Anita, na ayon sa balita niya’y
nalagutan ng hininga na siya ang
tinatawag. Saka nitong huli, ay
pagpapaalis sa kanilang lupang
kinagisnan at pinagyaman sa tulong ng
kanilang pawis na mag-anak.

Ngunit si Marcos, isang manggagawang


hubog sa palihan ng bagong panahon, ay
lumaki ang puso sa pagtitiis. Naging
maluwag nga ang kanyang dibdib sa
pagtanggap ng pang-aapi ng may-lupa.
Hanggang noong bago mamatay si Anita,
akala niya’y maari pa siyang makalunok
ng bagong pag-upasala ng itinuturing
niyang panginoon. Datapuwat nang
tanggapin niya ang utos ng hukuman na
pinaalis siya roon, talagang nagdilim ang
kanyang isip. Noon pa’y naisip na niyang
gawing batas ang kanyang kamay,
yamang hindi na niya matatamo ang
katarungan sa hukuman ng mga tao.

“Huminahon ka, anak ko,” ang sabi ng


kanyang ina. “Hindi natutulog ang
Bathala sa mga maliit. Magtiis tayo.”

Hindi na niya itinuloy ang paghahanap sa


kanyang itak na matalas. Pagkakain niya
ng agahan, nilibang niya ang kanyang ina
saka lumabas sa bukid. Gaya rin ng dati’y
sinakyan niya ang kanyang kalabaw na
lalong mahal niya sa lahat ng limang
alaga niya. Llumabas siya sa bukid at
hinampasan niya ng tanaw ang
karagatan ng namumulang ginto.
Pagdaramdam at panghihinayang ang
ngumangatngat sa kanyang puso.
Gaaanong pawis ang nawala sa kanya
upang masaka ang naturang bukid?
Gaanong pagod ang kanyang pinuhunan
upang ang palay nila’y magbungng
mabuti? Saka ngayo’y pakikinabangan at
matutungo sa ibang kamay?

Napapalatak si Marcos sa ibabaw ng


kanyang kalabaw. Ibig man nyang
magdimlan ng isip kung nagugunita ang
utos ng hukuman, subalit ang alaala ng
kanyang ina’y walang iniwan sa
bahagharing sumusugpo sa nagbabalang
unos. Dadalawa na lamang sila sa daigdig
upang huwag niyang pabayaan ang
kaniyang ina; ipinangako niyang
hahandugan ng kaligayahan ang
nalalabing buhay, bago nalagutan ang
kanyang ama.
Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya
ang kabutihan kung sila’y nagsasarili.
“Tutungo tayo sa hilag at kukuha ng
homestead. Kakasundo tayo ng mga
bagong magsasaka; paris ni Don Teong,
di kailangan magkaroon din ako ng gayak
na paris niya.”
Kabalintunaan man ang sinabi ng anak ay
hindi na nag-usisa ang ina. Wala siyang
nalalaman kundi takipsilim, kung
nakaligpit na ang mga tao sa nayon, ang
buong kagayakan ay isinusuot ng
kanyang anak saka lumalabas sa bukid.
May dalawang linggong gayon nang
gayon ang ginagawa ni Marcos,
hanggang isang araw ay tawagan siya ng
pansin ang matanda.

“Marcos,” sabi ng matanda. Dalawang


linggo na lamang ang natitira sa ating
taning ay hindi mo ginagawa ang
pakikipagtuos kay Don Teong. Kung may
magiging sukli man lamang tayo sa ating
ani ngayon?”
“Huwag ka pong mabahala, Inang,” sabi
ng mabait na anak, “nalaglag po ang
dahon sa kanyang kapanahunan.”

Talinghaga na naman ang sinabi ni


Marcos. Gayon man ay may nagunita
siyang isang bagay na ibig niyang
malaman sa anak.

“Bakit hindi mo iniuwi ang kalabaw sa


bakuran mo?” tinutukoy ang kalabaw na
mahal na mahal ni Marcos. Maaring
magpakahinahon si Marcos, subalit ang
huling kapasyahan ni Don Teong ay
numakaw ng lahat ng kanyang
pagtitimpi. Ayaw niyang gumamit ng
dahas, subalit hinihingi ng pagkakataon.
Nagunuta niya ang sinabi Rizal na
“walang mang-aalipin kung walang
napaalipin”. Napahilig siya sa harap ng
gayong masaklap na katotohanan.
Patung-patong na ang ginagawang
pamamaslang sa kanya ni Don Teong na
takalang dapat nang kalusin. Nagunita
rin ni Marcos ang marami pang ibang
kasama, katulad din niya, na sa kamay ng
mayamang si Don Teong ay walang
iniwan sa mga leeg ng manok na unti-
unting sinasakal hanggang makitil ang
hininga sa hangad na mahamig na lahat
ang kkayamanang gayong minana sa
kanilang mga ninuno ay iba ngayon ang
may-ari at nagpapabuwis pa.

“Kailangang maputol ang kalupitang ito!”


ang tila pagsumpa sa harap ng
katalagahan na ginawa ni Marcos.

“Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter


at latigo,anak ko?” ang tanong ng
matanda kay Marcos, isang araw na
dumating siyang pagod na pagod sa
naturang dala-dalahan.

“Inihahanda ko po iyan sa pagiging


panginoon paris ni Don Teong,” ang
nakatawang sagot ng anak. “Kung tayo
po’y makaalis na rito di tayo’y magiging
malaya,” ang tila wala sa loob na tugon
ng anak.

Ang tototo, ang naturang kalabaw ni


Marcos ay nakapugal sa hangganan ng
lupang sarili ni Don Teong. Kung
takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos
ang pulinas, gora, switer at sak adala ang
latigong katulad ng pamalo ni Don
Teong. Pagdating niya sa pook na
kinapupugulan ay saka aasbaran ng palo
ang kalabaw hanggang sa ito’y umungol
na ang alingawngaw ay abot hanggang sa
kalagitnaan ng bayan. Kung di niya
nakitang halos apoy ang lumalabas sa
dalawang mata ng hayop ay hindi pa niya
ito titigila. Sa gayon ay matulin ay
matulin siyang nagtatago upang umuwi
na siya sa bayan. Kung dumarating siya’y
daratnan niya nag kaniyang inang
matuwid ang pagkakaluhod sa harap ng
maitim na Santo Kristo sa kanilang silid
na naiilawan ng isang malaking kandila.
“Salamat, anak ko, at dumating ka,” ang
sasabihin na lamang ng matanda. “Akala
ko’y napahamak ka na.”

Si Don Teong ay ugaling maglibot tuwing


hapon sa paligid-ligid ng kaniyang lupa,
ang ipinanganib ng ina ni Marcos ay baka
magkasalubong si Marcos at ang
kanilang panginoon, ay hindi
makapagpigil ang sinuman. Nalalaman
din ng matandang babae na laging
dalang rebolber sa beywang ang
mayamng asendero buhat ng magkaroon
ng alitan dahil sa lupa, kaya lagi niyang
inaalala ang pagalis-alis ni Marcos.

Subalit isang hapon samantalang


payapang inihahanda ng mag-ina ang
kanilang pag-alis, walang iniwan sa putok
ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan
na si Don Teong ay namatay sa
pagkasuwang sa kalabaw. Sinabi ng mga
nakakita na pagkakita kay Don Teong ay
tila may sinisimpang galit sapagkat bigla
na lamang sinibad ang mayamng
matanda at nasapol ang kalamnan ng
sikmura ng matulis na sungay ng hayop.
Pagkasikwat sa katawan ng asendero ay
tumilapon pa sa itaas at paglagpak ay
sinalo naman sa kabilang sungay.

Ang katawan ni Don Teong ay halos


lasug-lasog nang iuwi sa bayan at wasak
ang switer sa katawan at saka pulinas.
Kumilos agad angkapangyarihan upang
gumawa ng kailangang pagsisiyasat
subalit ang lahat ng matuwid ay nawalan
ng halag sa hindi kumikilos na ayos ng
kalabaw na animo’y wala sa loob ang
ginawa niyang napakalaking pagkakasala.

Nang malamang kay Marcos ang


kalabaw, bawat isa’y nagkatinginan.
Hindi nila malaman kung papaanong ang
poot ni Marcos kay Don Teong ay
nagtungo sa alaga niyang hayop.

Si Marcos ay nakatingin din sa orasan ng


gabing yaon. Tatlong minuto na lamang
ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya
gumagalaw. Hindi siya nababahala.

Tumugtog ang animas. Hindi gaya ng


dating ayaw niyang marinig. Sa halip na
idalangin ang kaluluwa ng mga namatay,
ang naisip niya’y ang matapang na
kalabaw.

“Mapalad na hayop na walang


panginoon,” ang kanyang naibulong

_________________________________

Deogracias A. Rosario
Manunulat ng Maikling Kwento –
Panahon ng Amerikano
Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894
sa Tondo, Manila, ang Ama ng Maiikling
Kwentong Tagalog sa bansa.Isa nang
manunulat sa gulang na 13, una siyang
nagsulat para sa “Ang Mithi”, isa sa
tatlong naunang pahayagan sa bansa na
nakatulong nang husto sa pag-unlad ng
maikling kwentong Tagalog

Genoveva Matute
ay isang premyadong kuwentistang
Pilipino. Siya ay isa ring guro at may-akda
ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo
ng mga asignaturang Filipino at mga
asignaturang pang-edukasyon.

Lualhati Bautista
Si Lualhati Bautista ay isang bantog na
babaeng Pilipinong manunulat.
Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa
anyong nobela o maikling
kwento.Pinanganak si Lualhati Bautista
sa Tondo, Manila noong Disyembre 2,
1945.

Amado V. Hernandez
Ipinanganak siya sa Sagrada Familia
saHagonoy, Bulacan, ngunit lumaki sa
Tondo Manila.
Noong kaniyang kabinataan, nagsimula
na siyang magsulat sa wikang Tagalog
para sa pahayagang Watawat (Flag).
Nang lumaon ay nagsulat siya ng para sa
mga Pagkakaisa at naging patnugot
ng Mabuhay.

Macario Pineda
Ipinanganak si Pineda sa Malolos,
Bulacan noong Abril 10, 1912 sa mag-
asawang Nicanor Pineda at Felisa de
Guzman. Bata pa lang siya nang yumao
ang kanyang ina, at pinakasalan ng
kanyang ama si Marcelina Alcaraz noong
siya'y 13 taong gulang.
Mga dakilang manunulat at ang pamagat
ng kanilang akda
1. Cecilio Apostol - Isinilang siya
noong taong 1877. Siya’y abogado at
naging piskal sa Maynila. Ginawa
siyang kaanib sa Academia Espanyol”
dahil sa kanyang di- karaniwang
kagalingan sa wikang Kastila. May
mga tulang handog siya kina Dr. Jose
Rizal, Emilio Jacinto at Apolinario
Mabini. May isang tula rin siyang
handog sa lahat ng mga bayaning
Pilipino ngunit ang tulang handog
niya kay Dr.Jose Rizal ang ipinalalagay
na pinakamainam na tulang papuri na
isinulat niya.
2. Fernando Maria Guerrero -
Kumita siya ng Unang Liwanag sa
Ermita, Maynila noong Mayo 30,
1873. Mula pa sa pagkabata ay
mahilig siya sa pagguhit. Umani siya
ng maraming papuri at nagkamit ng
maraming gantimpala noong nag-
aaral siya sa Ateneo de Manila.
Natanyag siya sa pagkamakata bilang
mahigpit na kaagaw sa karangalan ni
Cecilio Apostol. Katulad ng ibang
kilalang makata noong panahong iyon
ay sumalok din siya ng inspirasyon sa
pagtula sa bayaning si Dr. Jose Rizal.
Ang sumusunod ay salin ng kanyang
tulang “A Rizal”.
3. Jesus Balmori - Isinilang siya sa
Maynila noong Enero 10, 1886.
Sinulat niya ang unang tula sa gulang
na sumpung taon. Sa kanyang
panahon ay ipinalagay siyang “poeto
laureado” ng mga Pilipinong
nagsasalita sa Kastila. Noong 1939 ay
pinarangalan siya sa Madrid, Espanya
at tinanghal na isang makatang
pandaigdig sa Kastila. Nakalaban niya
sa Balagtasan si Manuel Bernabe sa
paksang “El Recuerdo y El Olvido”.
4. Manuel Bernabe - Siya’y isinilang
sa Paranaque,Rizal noong Pebrero
1890.Karapat-dapat siyang kahalili ni
Jesus Balmori. Siya’y isang makatang
liriko. Noong 1929, ang kanyang mga
tula ay tinipon sa isang aklat na
pinamagatang “Cantos del Tropico”
(Mga Awit ng Tropiko).
5. Claro M. Recto - Siya’y naging
pangulo ng Lupon ng Saligang Batas.
Naging kgawad siya ng Kataas-
taasang Hukuman, manananggol,
matalinong mambabatas, makata at
maraming aklat na sinulat tungkol sa
batas at awaing pampulitiko. Isinilang
si Recto sa Tiaong, Tayabas na ngayon
ay lalawigang Quezon. - Naglingkod
siya bilang isang batasang tagapayo
ng kapulungan noong 1916 hanggang
1919. Noong 1919 ay nahalal siyang
kinatawan ng pangatlong distrito ng
Batangas at naging pangulo siya sa
mababang kapulungan ng minorya.
Muli at muli siyang nahalal noog
taong 1922 at 1925. Nagpunta siya sa
Amerika noong taong 1924 biang
kagawad ng pangkalayaang misyon.
Tinanggap siyang kasapi sa
Pambansang Manananggol ng
Estados Unidos sa pamamagitan ng
katas-taasang hukuman ng Estados
Unidos. - Nahalal siya sa Senado
noong 1931 at naglingkd bilang puno
ng minorya sa loob ng tatlong taon.
Muli siyang nanungkulan bilang
senador nang mahalal na muli noong
1941 at muling nahalal noong 1949. -
Naging inatawan siya ng Pilipinas sa
Pandaigdig na Hukuman sa Hague,
Netherland. Binawian siya ng buhay
noong Oktubre 2, 1960.
6. Zoilo Hilario - Isinilang siya sa San
Juan, San Fernando, Pampanga noong
Hunyo 27, 1891. Isa siyang bantog na
manunulat, makata, mananaysay at
hukom. Marami siyang naisulat na
mga akda sa Kapampangan at Kastia.
Kabilang siya sa mga tagapagtatag ng
Katipunan Mipanampun. - Bago
magkadigma(1930-1934), siya’y
naging kinatawan ng Pampanga sa
Pambansang Asemblea.Mula noong
1954 hanggang sa kanyang
pamamahinga sa paglilingkod sa
pamahalaan noong Hunyo 27, 1961,
siya ang hukom ng Unang Dulugan sa
Tarlac. Isa siya sa hinirang ng
Pangulong Quezon na kagawad ng
Surian ng Wikang Pambansa bilang
knatawan ng wikang Kapampangan. -
Kasapi siya sa Lupong Pangkasaysayan
ng Pilipinas hanggang sa kanyang
kamatayan noong Hunyo 1963.
TAGALOG 
7. Lope K. Santos - Siya ay Ama ng
Balarila, nobelista, makata,
kuwentista, guro at pulitiko. Naging
kagawad siya ng itinatag na Surian ng
Wikang Pambansa at humalili kay
Jaime C. de Veyra bilang patnugot ng
Surian. Sa larangan ng pagtuturo
naging propesor siya ng Wika sa
Unibersidad ng Pilipinas. Sa pagiging
pulitiko naman ay naging senador siya
ng ikalabindalawang purok
senadoryal ng Pilipinas at naging
gobernador ng lalawigan ng Rizal.
Akda  Banaag at Sikat- ipinapalagay
na kanyang Obra Maestra
8. Jose Corazon de Jesus - Siya’y may
sagisag na “Huseng Batute”, “Hari ng
Balagtasan” at tinaguriang “Makata
ng Pag-ibig”.  Akda  Isang
Punongkahoy – ito ay isang tula
9. Amado V. Hernandez - Tinagurian
siyang “Makata ng mga
Manggagawa”. Siya’y isang mahusay
na makata, kuwentista, nobelista,
mandudula, mamamahayag, pulitiko
at lider ng manggagawa.  Mga Akda
 Isang Dipang Langit  Ayang Malaya
 Mga Ibong Mandaragit  Luha ng
Buwaya  Muntinglupa  Inang Wika 
Kalayaan  Panday
10. Julian Cruz Balmaceda - Nabibilang
siya sa pangkat ng mga makata at
pangkat ng mga mandudula. Sa
balagtasan sa paksang “Kahapon,
Ngayon at Bukas” ay ipinanalo niya ng
panig ng “Bukas” laban kina Inigo Ed
Regalado at Benigno Ramos.  Mga
Akda  Kahapon, Ngayon at Bukas 
Bunganga ng Pating
11. Florentino Collantes - Kilala siya sa
sagisag na “Kuntil Butil”. Bukod sa
Tagalog, marunong din siyang
magsalita ng Kapampangan, Ilokano
at Bisaya. Naglabas siya ng mga
tulang mapanudyo na may pamagat
na “Buhay Lansangan”. Kinilala siyang
isang pangunahing duplero sakanyang
panahon. Katulad ni Jose Corazon de
Jesus ay napatungan din siyang “Hari
ng Balagtasan”.
Akda  “Lumang Simbahan
12. Ildefonso Santos - Kauna-unahan
siyang guro sa Pilipino sa National
Teacher’s College. Ang kanyang
katanyagan ay hindi sa pagsulat ng
tula kundi pati sa pagsasalin sa
tagalog ng ibang mga akdang
nasusulat sa wika. Lubos na
hinangaan ng marami ang
pagkakasalin niya ng Pambansang
Awit.  Mga Akda  Gabi  Ang
Guryon  Tatlong Inakay  Sa
Hukuman ng Pag-ibig  Ang Ulap  Sa
Tabi ng Dagat at Simoun 
13. Teodoro Gener - Naging pangulo
siya ng “ Kapisanang Ilaw at Panitik”
at naging kalihim ng “Sanggunian ng
mga Pantas ng Akademya ng Wikang
Tagalog”. Isa siya sa mga nagsalin sa
Tagalog ng Sinuring Kodigo Penal. 
Mga Akda  Don quijote de la Mancha
Tula: Ang Guro, Ang Masamang
Damo, Ang Buhat at Pag-ibig
14.  Valeriano Hernandez Peña -
Gumamit siya ng sagisag na “Kinting
Kulirat” sa pitak niyang “Buhay
Maynila” sa pahayagang “Muling
Pagsilang”. Kilala siya sa tawag na
Tandang Anong. Ipinanalagay na ang
nobelang “Nena at Neneng” ang
kanyang obra maestro.  Mga Akda 
Nene at Neneng  Mag-inang
Mahirap  Hatol ng Panahon  Ang
Pahimakas ng isang Ina  Pagluha ng
Matuwid
15. Dangal ng Magulang  Bungan g
Pag-iimbot  Kasawian ng Unang Pag-
ibig
16. Iñigo Ed Regalado - Siya’y isang
manunulat na sumunod sa mga yapak
ng kanyang amang nagtamo ng
katanyagan noong panahon ng mga
Kastila, na gumamit ng sagisag na
“Odalager”. Siya’y naging patnugot ng
“Ang Mithi”, “Pagkakaisa”, “Watawat”
at “Kapangyarihan ng Bayan”. Naging
punong tagapagganap siya ng
lingguhang Ilang-Ilang at punong
patnugot ng Liwayway. Ang kanyang
aklat na pinamagatang “Damdamin”
na katipunan ng kanyang mga tula ay
nagtamo ng unang gantimpala sa
timpalak ng Komonwelt noong 1941.
Siya ay batikang kuwentista,
nobelista, makata, mandudula at
peryodista. Matagal siyang naging
editor at kolumnista ng “Taliba”.
Siya’y naging isa sa mga unang
kasangguni sa “Surian ng Wika
Pambansa”.  Mga Akda  Madaling
Araw  Sampaguitang Walang bango
 Ang Dalaginding  May Pagsinta’y
Walang Puso  Ang may Lasong Ngiti
 Huling Pagluha
17.  Faustino Aguilar - Ang
“Pinaglahuan” ang kauna-unahang
nobelang naipalimbag niya noong
1907. Naging hantungan ito ng
madlang papuri at ito’y napatampok.
Dahil sa nobelang ito, si Aguilar ay
tinawag ni Regalado na”Alejandro
Dumas ng Panitikang Tagalog” at
tinawag ni Amado V. Hernandez ng
“Bagong Propagandista”. Binuhay niya
sa nobela ang kalunos-lunos na
kalagayan ng mga manggawa at ang
walang habas na panunuwag ng mga
kapitalistang Amerikano sa mga
manggawang Pilipino. Sagana rin ang
nobela sa paglalarawan ng
kapangyarihan ng salapi at
kayamanan.  Mga Akda  Lihim ng
isang Pulo  Mga Busabos ng Palad 
Sa Ngalan ng Diyos  Nangalunod sa
Katihan
18. Severino Reyes - Kumita siya ng
unang liwanag sa Sta. Cruz, Maynila
noong Pebrero 11, 1861. Siya’y
ikalimang anak ng mag-asawang
Rufino Reyes at Andres Rivera.
Tinapos niya ang Batsiler sa
Pilosopiya at Letras sa Unibersidad ng
Santo Tomas. Nagsimula siya sa
pagsulat sa Tagalog noong 1902.
Nakilala siya sa tawag na Don
Binoyatgumamit ngsagisag na Lola
Basyangsa kanyang mga kuwento sa
Liwayway. Siya at tinaguriang “ Ama
ng Lingguhang Liwayway” at “Ama ng
Dulang Pilipino”.  Akda  Walang
Sugat – isang sarswela tungkol sa
kalupitan ng mga Kastila.Ang hangarin
ay pagbabagong sosyal.
19. Aurelio Tolentino - Siya’y
ipinanganak sa Guagua Pampanga
noong Oktubre 15, 1868. Nagsimula
siya ng pag-aaral sa Malolos, Bulacan
at nagpatuloy sa San Juan de Letran
at Unibersidad ng Santo Tomas.
Natapos niya ang Batsiler ng
Pilosopiya sa U.S.T. Ang mga dulang
isinulat niya ay makabayan at may
diwang mapanghimagsik kaya’t ilang
ulit siyang nabilanggo. Siya ang
pumulot ng salitang “dula” mula sa
Bisaya at pinagkunan naman ng
salitang dulaan na kasingkahulugan
ng “teatro”.  Mga Akda  Luhang
Tagalog  Kahapon, Ngayon at Bukas 
Sinukuan  Sumpaan  Bagong Kristo
 Manood Kayo  Patricia Mariano -
Itinuring naisa sa pinakamahusay na
mandudulang Tagalog. Ang mga
paksa ng kanyang mga dula ay
punong-puno ng simbolismo at
marmansa ang kanyang istilo.
Nakasulat siya ng may animnapung
dula. Siya’y naglingkod sa senado
ngunit hindi naging dahilan ito upang
talikuran niya ang pagsusulat.
Ipinalalagay na ang dulang
“Lakangbini” ang kanyang obra
maestro.  Mga Akda  Ang Anak ng
Dagat (maipapantay sa obra maestro
niyang Lakangbini  Ako’y Iyo Rin
Ang Tulisan  Silanganin  Ang
Dalawang Pag-ibig  Luha’t Dugo  Si
Mayumi  Ang Unang Binhi
17. Amado V. Hernandez - Siya ay
isang makata at manunulat sawikang
Tagalog. Kilala rin siya bilang
"Manunulat ng mga Manggagawa",
sapagkat isa siyang pinuno ng mga
Pilipinong manggagawa at sa
kaniyang mga pagpuna at pagsusuri
sa mga kawalan ng katarungang
naganap sa Pilipinas noong kaniyang
kapanahunan. Nakulong siya dahil sa
pakikipag-ugnayan niya sa mga
kilusang makakomunista. Siya ang
punong tauhan sa isang bukod-
tanging kasong panghukuman na
tumagal ng 13 taon bago nagwakas.
Ang mga nobelang pang-sosyopulitika
ni Hernandez ay ayon sa kaniyang
mga karanasan bilang isang gerilya,
obrero ng manggagawa at
prisonerong pampulitika.  Mga Akda
 Mga Ibong Mandaragit!  Luha Ng
Buwaya,  Archei Ang batang mabait,
18.Liwayway A. Arceo - Siya ay
pangunahing mangangathang Tagalog
at Filipino na nakasulat ng
siyamnapung nobela, dalawang
libong mahigit na kuwento, isang
libong mahigit na sanaysay,
tatlumpo’t anim ng iskrip sa radio,
pitong aklat ng salin, tatlong iskrip sa
telebisyon, at di-mabilang na kntil-
butil na lathalain sa halos lahat ng
pangunahing publikasyong Tagalog o
Filipino Binago ni Arceo ang
topograpiya ng panitikang Tagalog at
nang ngayon ay tinawag na panitikang
popular sa paglalathala ng mga
akdang nagtatampok ng halagahan o
values, lunggati o vision at kaisipang
Filipino. Ginamit din niyang lunsaran
ang pamiya bilang talinghaga ng
Filipinas at sa pamamagitan ng
masnop na paggamit ng wika ay
itinaas sa karapat-dapat na pedestal
ang mga kathang Tagalog sa kabila ng
pamamayani ng Ingles bilang opisyal
na wika ng edukasyon at gobyerno. -
Mga Akda  Canal de la Reina  Mag-
anak na Cruz  Titser INGLES
19. Jose Garcia Villa - Pinakatanyag
siyang Pilipinong manunulat sa Ingles.
Maging sa Amerika ay hinahangaan
ang kanyang mga sinulat. Nagtamo
siya ng mga gantimpala sa iba’t ibang
timpalak. Kilala siya sa sagisiag na
“Doveglion”.
20. Marcelo de Gracia Concepcion -
Kauna-unahan siyang makatang
Pilipinong nakilala sa Amerika. Ang
kalipunan ng kanyang mga tula ay
inilathala sa dalawang
tomo:”Azucena” at “Bamboo Flute”.
21. Zulueta da Costa - Nagkamit siya
ng unang gantimpala sa tula niyang
“Like the Molave” noong 1940 sa
Commonwealth Literary Contest. Ang
kanyang kauna-unahang aklat na
kalipunan ng mga tula ay “First
Leaves”.
22. N.V.M Gonzales - Mamamahayag,
makata, manunulat at guro, siya’y
nagturo sa iba’t ibang pamantasan sa
Maynila. Siya ang may akda ng
“Warm Hand”, “My Islands” at
“Children of the Ash covered Loam”

23. Zoilo Galang - Siya ang sumulat ng
“A Child of Sorrow”, kauna-unahang
nobelang Pilipino sa Ingles. 
Natividad Marquez - Kinamalasan siya
ng pambihirang kahusayan sa
pagsulat ng tulang Ingles. Isa sa mga
tula niyang nalathala sa “Philippine
Herald” ay ang “Sampaguita”.
Angela Manalang-Gloria 9. Natanyag
siya bilang makatang babae sa
kanyang panahon. Ang kanyang mga
tula ay maharaya at lipos ng
damdamin. Ang ilan sa kanyang mga
tula ay ang mga sumusunod. April
Morning, To the Man I Married at
Ermita in the Rain.  Estrella Alfon -
Itinuturing siyang pinakapangunahing
manunulat sa Ingles bago sumiklab
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
1. 10. FILSPEC 20 (DULA AT NOBELA)
 MGA DAKILANG MANUNULAT AT
PAMAGAT NG KANILANG AKDA
Ipinasa ni: Carmela F. Memis Ipinasa
kay: Gng. Catherine T. Eliaga

You might also like