You are on page 1of 1

MARIA

(Sem.Charlie Olojan, icCM)

Malambing na tinig, matamis na himig sa aki’y gumising.


Sa mahimbing na pagka-idlip, kaluluwa’y iyong pinukaw.
Sa pagmulat, luha’y sa mga mata’y dumaloy at di mapigil.
Pagkat malinaw na ako’y nasa sinapupunan ng kahirapan.

Aba Ginoong Maria, unang panalangin na aking nasambit.


Panginoon ay sumasa-iyo, tangis ko ay iyong pakinggan.
Hikbi ko sa kay Hesus ay paki-bulong ng ako ay kahabagan.
Dalangin na nawa’y dalamhati ko ay maibsan man lamang.

Rosaryo mong sa kamay ay hawak na may kapanatagan.


Lakbay ko’y sagana sa pasakit sa mundo nang kasakiman.
Ina ng Diyos, na kaming sumasambit sayo ay pinagpapala.
Sapagkat sa Diyos iyong tanglaw at grasya ay nagmumula.

Inang giliw, sa aming hapis kami ay iyong patahanin.


Inang giliw, sa aming pagkakadapa kami ay akayin.
Inang giliw, sa aming galit kami ay turuang magmahal.
Inang giliw, sa harap ng Diyos kami ay turuang maging banal.

Araw ay lumubog na, sa aking paningin ay paunting naglaho,


Huwag akong lisanin O aking Ina ng Lupang Pangako,
Sa aking pagkahimbing muli ako ay ehele ng iyong awitin,
At bukas pagsikat nang araw para sa panibagong lakbayin.

You might also like