You are on page 1of 1

Cortinas, pasok sa Finals matapis mapataob si Bengcang sa 2019 School Intramurals Badminton Boys

Single A Semi Finals

Pasok sa finals ang mga manlalaro ng Yellow Kalamares matapos pataubin ang pambato ng Black Penoy
na si Lhord Terrence Bengcang,dahil sa pagpapakawala ni John Wyen Cortinas ng sunod-sunod na kill
shot sa 2019 School Intramurals Badminton Boys Single A Semifinals.

Nagpaulan ng sunod-sunod na smash si Cortinas upang maibaon niya sa 2-0 set si Bengcang dahil hindi
kaya ni Bengcang saluhin ang smash ni Cortinas,21-15,21-17.

Bumitaw ng limang smash si Cortinas sa 1st set na sinamahan pa nang fault ni Bengcang kaya lumaki ang
lamang ni Cortinas,15-8.

Samantala,bumawi si Bengcang upang mailapit ang kalamangan ni Cortinas ngunit hindi ito sapat para
maitabla niya ang laban,18-11 iskor.

Pinigilan ni Cortinas ang pagarangkada ni Bengcang dahilan upang siya ang magwagi sa unang set,21-
15,1-0 set,pabor kay Cortinas.

Kumana muli si Cortinas ng smash sa 2nd set at nagawa niya muli na makalamang ng lima,15-11.

Sa kabilang banda,patuloy pa rin sa pagatake si Cortinas matapos kumana ng tatlong killshot at nagawa
na nga niya na maibaon sa 18-12 si Bengcang sa 2nd set.

Nabigo na makuha ni Bengcang panalo sa 2nd set matapos hindi magawang mapantayan ang tira na
binibitawan ni Cortinas,21-17.

You might also like