You are on page 1of 1

Green kwek-kwek napatumba ang Black penoy

sa 2019 Intramurals Badminton Girls Elemination Game

Sinungkit ng pagka-panalo si Ella Mae Busilig ng Green Kwek-kwek matapos talunin si Michelle Butor ng
Black Penoy na nagtala ng 2-0 set sa pagbibitaw ng mga sunod-sunod na smash na hindi nadepensahan
ni Michelle Butor.

Nagpamalas ng malakas na smash si Busilig na nagtala ng kaniyang pagka-panalo sa magka-sunod na set,


21-10, 21-8.

Ilan pang mga atake na ang pianakawalan ni Butor na inakalang lalampas sa malaking depensa ni Busilig.

Tumindi ang kalamangan ni Busilig dahil sa pinamalas nitong mga matitinik na kill shot na binutas ang
matinding depensa ni Butor.

Muli pang nagpamalas ng galing si Butor para mahabol ang kalamangan ni Busilig buhos lakas nitong
binasag ang dipensa ni Busilig ngunit talagang mahusay ang pinapamalas nitong laro.

Pinagharian ni Busilig ang palaruan nang maipanalo niya ang 1st setsa iskor na 21-10, hindi na nagawa
pang humabol ni Butor.

Sa pagsisimula ng 2nd set ay sinubukan pang bumawi ni Butor sa iba namang istratehiyang drop shot,
pinamalas na ni Butor ang kaniyang lakas ngunit tunay na malakas si Busilig.

Sa pag- iinit ni Busilig ay pinakain na nya ang kalaban ng mga makabagong pag atake na binutas ay
depensa ni Butor.

Sinungkit ni Busilig ang pagkapanalo sa paulit-ulit nitong pagbibitaw ng hindi mapigil na pag atake, pinilit
pa ding lumaban ni Butor ngunit hindi mabasag ang larong pinapamalas ni Busilig.

Nakamit ni Busilig ang pangalawang set na nagtala ng kanyang pagka-panalo, at aangat sa Final kontra
kay Jella Amor Gomez.

You might also like