You are on page 1of 1

ALAY

J. Nez F. Marcelo

Narito Panginoon mga alay naming taglay


Nawa ito’y karapat-dapat sa kabanalan Mo.

Tanggapin Mo, Panginoon mga gawa ng aming kamay,


ang bunga ng pag-ibig Mo, dugo at katawan

KORO: Kapuri-puri Ka, o Diyos na lumikha


sa ‘ming lubos mula sa kabutihan Mo
ang alak at tinapay ngayo’y aming alay.

Dahil sa pag-ibig Mo kami ngayon ay narito


Buklod-buklod nawa kaming maglingkod sa Iyo.

Tanggapin Mo, Panginoon, mga gawa ng aming


kamay ang bunga ng pag-ibig Mo, dugo at katawan.

KORO: Kapuri-puri Ka, o Diyos na lumikha


sa ‘ming lubos mula sa kabutihan mo
ang alak at tinapay ngayo’y aming alay.

…ang alak at tinapay ngayo’y aming alay.

You might also like