You are on page 1of 6

Narito ang Lingkod

Tagapagsalaysay: Isang araw, isang anghel pangalan ay Gabriel

Sinugo ng Diyos sa isang birhen.

Gabriel: Maria, Maria puspos ka ng grasya

Ang Diyos ay sumasa’yo at pinagpala ka.

Gabriel at Koro: Ika’y maglilihi’t manganganak ng isang lalaki

Na tatawagin mong Hesus.

Anak ng kataas-taasang Diyos maghahari Siya.

Magpakaylanman ang Kanyang kaharian.

Maria: Pa’no ito magaganap gayong ako’y dalaga.

Tagapagsalaysay: Tanong ni Maria at tinugon siya.

Gabriel: Ang Banal na Espiritu ay bababa sa iyo

At lulukuban ka ng kataas-taasan.

Gabriel at Koro: Ika’y maglilihi’t manganganak ng isang lalaki

Na tatawagin mong Hesus.

Anak ng kataas-taasang Diyos maghahari Siya.

Magpakaylanman ang Kanyang kaharian.

Gabriel: Alam mo bang si Isabel

Ang pinsan mong matanda na,

Baog, di maaring magkaanak pa siya.

Anim na buwan na ang sanggol sa sinapupunan niya.


Lahat ay magaganap ‘pag Diyos ang nagtakda.

Gabriel at Koro: Ika’y maglilihi’t manganganak ng isang lalaki

Na tatawagin mong Hesus.

Anak ng kataas-taasang Diyos maghahari Siya.

Magpakaylanman ang Kanyang kaharian.

Maria: Narito ang lingkod ng Panginoong Diyos.

Mangyari ang wika mo at ang Kanyang loob.


Jose, Anak ni David
Jose: Ano ang nangyari? ano ba ang nangyari?

O Diyos ko! O Diyos ko! Tulungan mo ako!

Si Maria’y aking mahal nang higit sa ‘king buhay

Siya’y babaeng marangal, malinis at banal.

Ngunit bakit Panginoon, di pa man kami kasal

Siya’y nagdadalang-tao, siya’y nagdadalang-tao!

Siya ba’y aking iiwanan, lalayuan nang lubusan

Nang di sya mapahiya, o hatulan ng kamatayan.

Tagapagsalaysay: Sa ganitong pag-iisip, Si Jose ay napaidlip

At isang anghel ng Diyos, lumitaw sa panaginip

Anghel Gabriel: Jose, anak ni David, wag kang matakot na magpakasal

Kay Mariang naglihi lalang ng espiritung banal

Ang kanyang ipanganganak ay tatawagin mong Hesus

Pagkat siya ang tutubos sa sala ng sansinukob

Tagapagsalaysay: Nang magising si Jose, agad niyang pinuntahan

Si Mariang sintang tunay, at sila ay nagpakasal

Nang isilang si Jesus, inalagaan niya ng lubos

Buhay niya’y inialay, buhay niya’y ibinigay

Buhay niya, buong buhay niya

Tanging handog sa mag-inang minamahal


Maria at Isabel
Tagapagsalaysay: Nang mabatid ni Maria, si Isabel ay kagampan

Nagmadali siyang pumunta sa Judeang kaburulan

At pagdating niya sa bahay, binati ang kanyang pinsan

Niyakap niyang buong galak, tuwang-tuwang hinalikan

Maria: Minamahal kong Isabel, ikaw pala ay kagampan

Binigyan ka, isang sanggol, ng Diyos sa ‘yong katandaan

Inalis niyang kadustaan, kalungkuta’y pinalitan

Ng pag-asa, karangalan, lubos na kaligayahan.

Tagapagsalaysay: Nang marinig ni Isabel, pagbati ni Maria

Ang banal na Espiritu ay lumukob sa kanya

Lumukso ang kanyang sanggol sa sinapupunan niya

Sa galak ay napasigaw at malaks na tinuran

Isabel: Pinagpala ka sa lahat ng babae, O Maria

Ang ‘yong anak na sisilang ay pinagpala rin naman

Sino ako at dinalaw ng Ina ng Poong Mahal

Pati sanggol sa aking tiyan lumukso sa kagalakan

Mapalad ka, O Maria pagkt may pananalig kang

Matutupad sinasabi sa’yo ng Poong Maykapal

Maria at Isabel: Purihin ang dakilang Diyos, nilingap niya’t itinampok

Mga aba niyang lingkod sa kanya’y kalugod-lugod!


Tinig ni Juan
Propeta Isaias: Isang tinig sumisigaw, sa ilang, sa ilang

Ipaghanda niyo ang poon ng daan, ng daan

Tuwirin ang likong landas, patagin ang bundok, lambak

Isang tinig sumisigaw, sa ilang

Ang tinig na sumisigaw, si Juan, si Juan

Sugo ng Diyos na maghanda ng daan, ng daan

Ng darating niyang anak, ang manunubos ng lahat

Ang tinig na sumisigaw, si Juan

Damit niya ay balahibo, bigkis ay tatad lamang

Pagakin ay pulut-pukyutan, mga balang, mga balang

Doon sa may Ilog Jordan, hinimok ang makasalanan

Na magbalik-loob sa Diyos, sa Diyos

Pakinggan natin ang tinig ni Juan, ni Juan

Tayo ay magbalik-loob sa Poong Maykapal

Taos pusong pagsisihan ating mga kasalanan

Pakinggan natin ang tinig ni Juan

Ang tinig sa ilang

Ang sigaw ni Juan!


Ipaghanda ng Daan
Juan: Ipaghanda ng daan ang Poon! Ipaghanda ng daan ang Poon!

Ipaghanda ng daan ang Poon! Ipaghanda ng daan ang Poon!

Ipaghanda ng daan ang Poon! Ipaghanda ng daan ang Poon!

Ipaghanda ng daan ang Poon! Ipaghanda ng daan ang Poon!

Ipaghanda ng daan ang Poon! Ipaghanda ng daan ang Poon!

Ipaghanda ng daan ang Poon! Ipaghanda ng daan ang Poon!

UPTUNE

Ipaghanda ng daan ang Poon! Ipaghanda ng daan ang Poon!

Ipaghanda ng daan ang Poon! Ipaghanda ng daan ang Poon!

SLOMO

Ipaghanda ng daan ang Poon! Ipaghanda ng daan ang Poon!

Ipaghanda ng daan ang Poon! Ipaghanda ng daan ang Poon!

You might also like