You are on page 1of 5

Eric Ceasar F.

Atienza

12-Piety

Magandang umaga sa inyong lahat, ako nga pala si Ginoong Eric Ceasar F. Atienza.
Narito sa ako sa inyong harapan upang ipahayag ang aking suporta sa paggamit ng kabataan sa
social media upang makatulong sa lipunan. Hindi natin maitatanggi ang mabilis na pag unlad ng
teknolohiya, at kasabay nito ang pag unlad din naman ng mga social media apps. Facebook,
twitter, instagram, at iba pa, kahit saang gadyet o cellphone ka tumingin makikita mo ang
paggamit sa mga ito. Ngunit, narito ako para talakayin ang kabutihan ng social media sa mga
kabataan. Sa henerasyon ngayon ang social media ay isa na sa malalaking pundasyon ng lipunan.
Isang pindot lang sa iyong cellphone updated ka na sa mga pangyayari sa iyong paligid ito man
ay sa loob o labas ng bansa. Kung mayroon mang tao na nangangailangan ng tulong, isang post
lang sa social media malalaman na ito ng karamihan at dadating na ang tulong. Ngunit, mayroon
din kaakibat na masamang epekto ang paggamit ng internet at social media apps. Partikular na
ang “Cyber Bullying” o ang paninira ng isang tao sa kapwa niya. Sa tingin ko naman ang
masamang impluwensya at epekto ng social media ay dahil sa kakulangan ng disiplina at respeto
natin sa isa’t-isa. Naniniwala ako na kung gusto natin ng pagbabago, kailangan itong mag simula
sa sarili natin. Muli, ako si Eric Ceasar F. Atienza.
Eric Ceasar F. Atienza

12-Piety

Kay saya sa Pangasinan

Limang taon na ang nakakalipas kasama ko ang pamilya ko at kami ay nag bakasyon sa
Lingayen, Pangasinan. Ang Lingayen ay ang opisyal na munisipalidad ng pangasinan.

Unang araw pa lang sa Lingayen, ako ay namangha na agad sa linis at ganda nito.
Kasama ang pamilya ko, kami ay tumuloy sa isang hotel malapit sa Kapitolyo ng lungsod. Kung
saan kapag lumabas ka at nag lakad ng ilang metro ay mararating mo na ang beach front.
Nakasaad sa kasaysayan ng Pilipinas, na dito dumaong ang ilang Amerikanong sundalo upang
tumulong sa pakikibaka laban sa mga Hapones. Sa sumunod na araw, kami ay nag punta sa sikat
na Hundred Islands. Kung saan makikita ang halos isang daang mga isla at ito ay nilibot ng
bangkang aming sinasakyan. Kung ako ang tatanungin, kailangan mong bumisita sa Lingayen,
Pangasinan. Sapagkat, maliban sa lugar, masarap din ang mga putahe rito at ang mga tao ay
mababait.

Apat na araw lang an gaming itinagal sa Lingayen, pero sa apat na araw nay un sulit
naman at napaka saya dahil kasama ko ang aking pamilya. Isa iyon sa mga lugar na nag bigay ng
saya at alaala sa akin.
Eric Ceasar F. Atienza
12-Piety

Panukalang papel sa pagbibigay ng monthly


allowance sa mga iskolar

Mula kay Eric Ceasar F. Atienza


Blk 16 Lot 32, Wellmanville Subdv.
Brgy. Bocohan
Lucena City, Quezon
Ika-16 ng Setyembre, 2019
Haba ng panahong gugulin: 3 buwan

I. Pagpapahayag ng suliranin
Ang barangay Bocohan ay isa sa mga di gaanong kaunlad na barangay sa lungsod ng
Lucena. Ngunit madaming mag aaral ang naninirahan dito. Isa sa mga suliraning nararanasan ng
barangay Bocohan sa kasalukuyan ay ang mga mag aaral sa kolehiyo na mga iskolars. Sila man
ay nakapag aral, kulang naman sila sa mga pera sa pang araw-araw na pang gastos at pasok.
Dahil dito nangangailangan ng panukalang proyekto na pagbibigay ng monthly allowance sa
mga iskolars. Sapagkat, sila ay nag aaral ng mabuti at magagamit nila ang pera sa maayos na
paraan.
II. Layunin
Pagbibigay ng monthly allowamce sa mga iskolars na nagkaka halaga ng limang libong
piso kada katapusan ng buwan.
III. Plano ng dapat gawin
1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglalabas ng allowance (1 buwan)
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa ibang opisyal ng LGU ( 2 linggo)
3. Pagpupulong ng mga konseho at opisyal ng lungsod (1 araw)
4. Pag pili sa mga mag aaral na makikinabang ( 2 linggo)
5. Pagsasagawa (Katapusan ng buwan)
IV. Badyet
Mga gastusin Halaga
1. Pagbibigay sa 50 mag aaral sa Kolehiyo ng Php 250,000.00
limang libong piso kada buwan
2. Gastusin para sa mga dokumento at pag Php 10,000.00
aaproba dito
Kabuoang Halaga: Php 260,000.00

V. Benepisyo ng proyekto at mga nakikinabang nito

Ang pagbibigay ng allowance na ito ay magiging paraan upang hindi matigil sa pag aaral
ang mga mag aaral na kapos sa mga pangangailangan.
Eric Ceasar F. Atienza

12-Piety

Si James Shedji F. Cabile ay nagtapos na Summa Cum Laude sa kursong AB MassCom


Major in Advertising and Public relations noong taong 2024 sa UP Diliman. Kasalukuyang nag
tratrabaho bilang isang creative director sa ABS-CBN at isang fashion designer. Nag trabaho
bilang Editor-in-chief sa Preview magazine noong taong 2026 hanggang 2030. Nakarating siya
sa Davao bilang NSPC Finalist noong taong 2022.

You might also like