You are on page 1of 3

Pagsusuri sa

Paraan ng Paggamit

Sa wika ng Linggwistikong

Komunidad sa Bayan ng Lucena City

Isinulit ni: Eric Ceasar F. Atienza I

Isinulit kay: Bb. Grace V. Calisin


Sosyolek bilang Komunikasyon

At Wika

Sa aming paglilibot sa bayan ng Lucena City, madami kang makikitang mga taong sa isang
tingin mo pa lang ay makikita mo na na sila ay mayroong iba’t-ibang mga salita na ginagamit
nila sa mga kanilang propesyon, sa mga samahan, o sa barkadahan. Tulad ni RJ Burgos, Ayon
kay RJ, ang wika ay mahalaga, sapagkat ito ang pangunahing ginagamit sa Komunikasyon.
Bilang isang LGBT pro Sosyolek ang uri ng wika na kadalasan niya at iba pa niyang ka
pederasyon ang kanilang gamit. Ayon din sa kanya, gay language na din ang kaniyang gamit di
lang sa kapwa LGBT pati na rin sa mga ibang taong nakakasama niya.

Tinanong naming si RJ tungkol sa mga ibang salita na kanyang ginagamit. Tulad na lang ng
‘Byawla’ na ang ibigsabihin ay pogi. Pilita na ang ibigsabihin ay pag pilit. ‘Daks’ na ang
ibigsabihin ay Malaki, at ‘Kiber’ na ang ibigsabihin ay ‘sige’ o ‘maayos’. Nasanay na din si RJ
at iba pag mga ‘Bakla’ na pati sa ibang tao ay Gay language parin ang kanilang gamit sa
pakikipag usap. Naiintindihan naman ito ng kanilang mga kausap kahit na minsan daw ay
nahihirapan sila makipag usap. Tinanong din naming siya kung pinapayagan ba silang gamitin
nila ito sa kanilang propesyon, mabuti na lang at pinapayagan sila. Mas napapadali at mas
nagiging masaya sila sa trabaho nila sapagkat mas naigagalaw at naipapakita nila ang tunay na
pagkatao nila. Kung maitatanong niyo sa amin, bakit isang LGBT pro pa an gaming kinuhaan ng
panayam? Sapagkat ang mga LGBT pro, lalo na ang mga “bakla” ay maraming mga salitang
binago at ginagamit sa gay language. Kahit ang mga di LGBT pro ay nakikigamit na rin ng mga
salitang ito. Nasa kultura na rin siguro nating mga Pilipino na mayroon ng Gay language sa
paggamit ng wika sa pakikipag usap at komunikasyon sa kapwa. Dahil kahit saan ka pumunta,
mayroon kang makikinig na ito sa bawat lansangan.

Parte na ang sosyolek sa kultura natin, ito ay nasa wika na rin natin. Naging maayos naman ang
panayam namin sa kanya. Ano man ang antas natin sa lipunan, mababa man o mataas, mayroon
tayong mga Jargons na kanya kanyang ginagamit sa bawat propesyon o samahan. Sa ayaw man
natin o sa gusto, dapat na ating tanggapin at respetuhin ang mga klase ng wika na ginagamit dito
sa ating bansa mapa sosyolek, idyolek at iba pa.

You might also like