You are on page 1of 4

HOLY SPIRIT ACADEMY OF MALOLOS

Bagong Bayan, City of Malolos, Bulacan


Tel.No.: (044) 791-0503 / Telefax: (044) 791-1173
PAASCU RE-ACCREDITED / CEAP / FAPE Member

KOMUNIKASYON
AT
PANANALIKSIK
SA WIKA AT
KULTURA
(Lingguwistikong komunidad)
Ipinasa kay: G. Arvin Dizon
Ipinasa nina: Finuliar, Jeriah
Bulaong, Vince
Casaje, Carl

11- Patience (ABM)


Ang Lingguwistikong Komunidad ng Barangay Bayong Bayan sa Sta. Isabel, Malolos

Ang wika ay ating ginagamit upang makipagtalastasan sa ating kapwa at magpabatid ng ating opinyon tunkol sa

isang bagay.Ang wika ay isang malaking bagay para sa ating dahil kung wala ito ay maraming bagay tayo na hindi

magagawa at mararanasan. Isang halimbawa nito ay ang pagpapatupad ng batas; kung wala ang wika ay hindi

tayo magkakaroon ng pagkakaisa at maayos pagpapatakbo ng bansa. Ang aming grupo ay nagsagawa ng isang

interbyu upang aming malaman kung malawak nga ba ang kaalaman ng aming barangay tungkol sa wika. Ang

layunin ng panayam na ito ay upang mapagtanto kung papaano nga ba natin nagagamit ang ating wika at upang

malaman kung saan ito nagmula. Sa pamamagitan rin ng panayam na ito ay aming nabatid na ang mga

mamamayan sa aming komunidad ay may alam pang ibang wika at kung paano nila ito natutunan. Ang wika

natin ay mahalaga dahil ito ang nagiging daan upang magkaroon ng pagkakaintindihan ang bawat isa. Ito rin ay

nagiging daan para magpakalat ng mensahe sa ibat ibang lugar. Sa pamamagitan rin ng panayam na ito ay aming

nalaman kung ano ang alam ng mamamayan kung paano nabuo o kung saan nagmula ang isang wika. Ang mga

nakapanayam naman namin na hundi taga-Bulacan ay ibabahagi kung paano sila natuto ng ating wika at kung

naging madali ba sa kanila ang pamumuhay rito. At atin ring malalaman kung paano nila nagagamit ang ating

wika sa ibat-ibang paraan.

Ang aming grupo ay nagsagawa ng pananaliksik sa paraan ng panayam noong ika-10 ng Agosto, 2019, Sabado,

sa Barangay Bagong Bayan, Sta. Isabel siyudad ng Malolos, Bulacan. Ang aming mga tanong ay tungkol sa

kanilang wika, paraan ng paggamit at kahalagahan ng kani-kanilang ginagamit na wika sa kanilang pangaraw-

araw na buhay. Noong araw na iyon ay nakapanayam namin ang apat na trabahador sa isang kainan sa aming

barangay. Doon lamang sa lugar na iyon ay kami ay nakahanap ng apat na babaeng trabahador na iba’t-iba ang

pinanggalingan at wikang ginagamit. Una, ang may ari ng nasabing kainan na si Ginang Doris Saklolo na 31 taon

nang naninirahan sa aming barangay. Ayon sa kaniya ay TagLish o Tagalog at English lamang ang kaniyang
ginagamit. Pangalawa naman ay si Ginang Jenebie Perez Saludo Bulaong na nadatnan naming nagtitinda sa

harap ng kalenderya ni Ginang Doris, na 28 na taon nang naninirahan sa Barangay Bagong Bayan. Ang kaniyang

kinalakhang lugar ay sa Mindoro Oriental kaya naman magkakahalong Tagalog, Tagalog Bulacan at Bisaya ang

kaniyang ginagamit. Ayon sa kaniya ay malalalim daw ang salita sa bisaya na halos lahat ay walang katumbas na

kahulugan sa Tagalog kaya naman mas madali para sa kaniya makihalubilo rito sa Bulacan dahil mabababaw

lang ayon sa kaniya ang mga salita rito. Sunod naman ay si Aling Lita na bisaya rin ang nakalakhang wika. Ayon

sa kaniya ay naninirahan siya sa Ligas, Malolos ngunit hindi niya nabanggit kung saan siya sa Visayas naninirahan.

Kaniya raw ginagamit ang wikang Tagalog sa pakikipagusap sa mga customers sa kalenderya at ang bisaya naman

tuwing siya ay uuwi lamang sa Visayas. Panghuli ay si Aling Magaliana na tatlo naman ang sinasalitang wika:

Tagalog, Ilocano at Zambal. Kaniya raw natutunan ang Ilocano sa kaniyang mga magulang habang sa kaniyang

lola naman ang Zambal. Tulad ng sagot ni Aling Lita ay ginagamit lamang niya ang wikang Ilocano at Zambal sa

Ilocos at Zambales habang ang tagalog naman sa trabaho. Silang apat ay aming tinanong kung mayroon ba silang

natatanging wika o salita na ginagamit sa bahay na hindi ginagamit ng iba ngunit “Wala” ang kanilang mga sagot.

You might also like