You are on page 1of 2

Kurso : FIL 501 – Linggwistikang Filipino

Term : Ikalawang Semestre


Taong Akademiko : 2018-2019
Propesor : Dr. Alvin Rom De Mesa

GAWAIN NG PAG-AARAL BATAY SA PAGSASALIN AT PAGSUSURI NG MGA


PILING LITERATURA NG REHIYON VIII
REGALADO R. TUPAZ

DISERTASYON: EASTERN VISAYAS STATE UNIVESITY, LUNGSOD NG


TACLOBAN, (2000)
Tagapanayam: Rosemarie Vero-Marteja

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong gawin ang mga sumusunod na layunin: 1)


Isalin sa Filipino ang mga piling literatura ng Rehiyon 8 ayon sa tatlong panahon: a)
Panahon ng Katutubo at Bago Dumating ang mga Kastila, b) Panahon ng Kastila,
Amerikano at Hapon at c) Kontemporaryo at Makabagong Panahon; 2) Suriin ang mga
literaturang ito ayon sa mga pagpapahalagang nilalaman; 3) Makilala ang mga
manunulat ng Rehiyon 8 sa iba’t ibang panahon ng Panitikan ng Rehiyon 8; at 4)
Makabuo ng isang Gawain ng Pag-aaral sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino.
Sa pangkahalatang kinalabasan ng pananaliksik, natipon ang may 30 piling
literatura ng Rehiyon 8 nakasulat man o pasalin-dila maging ito’y sa Ingles, Sebuwano,
at Waray. Matagumpay na naisalin ang mga ito na ibinatay sa teorya ni Alfonso O.
Santiago at pagkatapos, ito’y sinuri batay sa 36 na mga pagpapahalagang Pilipino ng
DECS Values Education Framework 1988.
Pagkatapos masuri, pinangkat-pangkat ang mga ito ayon sa panahon ng
pagkakasulat at ayon sa paksa at nilalaman. Sa Unang Panahon: Panahon ng Katutubo
at Bago Dumating ang mga Kastila (1600-1900) may nakuhang 10 uri na binubuo ng 1-
epiko, 3-alamat, 3-kuwento, 2-awit, at 1-dula. Sa Ikalawang Panahon: Panahon ng
Kastila, Amerikano at Hapon (1701-1945), may nakuhang 10 uri na binubuo ng 4-tula,
2-awit, 3-kuwento, at 1-dula. Sa Ikatlong Panahon: Kontemporaryo at Makabagong
Panahon (1946-Kasalukuyan) ay may nakuhang 10 uri na binubuo ng 5-tula, 2-
kuwento, 2-awit, at 1- dula.
Sa pangalawang layunin na pagsusuri, may 20 mga pagpapahalagang nakita sa
mga literatura ng Rehiyon 8. Ito ay ang mga sumusunod : 1) kalusugan at kalinisan, 2)
pakikipagharmoniya sa kalikasan, 3) kaalaman, 4) malikhain at masilan na pag-iisip, 5)
integridad at dangal, 6) sariling pagpapalagay, 7) pagdidisiplina sa sarili, 8)
pananampalataya sa Diyos, 9) pagmamahal sa isa’t isa, 10) pagrespeto, 11) katapatan,
12) responsableng magulang, 13) kalayaan, 14) pagkakapantay-pantay, 15)
pakikipagtulungan, 16) pagtitiwala sa sariling kakayahan, 17) kasaganaan at pag-unlad,
18) pakikipagkalakalan, 19) pagmamahal sa bayan, at 20) kapayapaan. Ang tatlong
mga nangungunang pagpapahalaga ng Rehiyon 8, ang kaalaman, integridad at dangal,
at kasaganaan at pag-unlad na ipinapalagay ng mananaliksik na ito ay ang may
pinakamataas na bilang sa pagpapahalagang nakita sa mga tao.
Sa pagkilala sa mga manunulat ng Rehiyon 8, may 26 na mga manunulat na
nakilala sa kanilang mga litearturang nasulat gaya ng mga sumusunod: sa Unang
Panahon: Francisco Alzina, Chito Dela Torre, Juan Caboboy, Prudencio C. Miel,
Bernardita Apurillo, Eugenio C. Merido, Jose Padron, Paulo Bagunas, Victorina Asis at
Nicolas Pacifico. Sa Ikalawang Panahon: Eduardo Makabenta, Amado Boleche,
Trinidad D. Pinca, Paciencia Caca, Eufronio Tisado, Nicanor Pastulan at Ilumindao
Lucente. At sa Ikatlong Panahon: David Genovita, Juanita Darantinao, Francisco Aurillo
Sr., Dante Carlo Ara, Leonie O. Sacro, Doms Pagliawan, Romeo Calumpiano, Pedro
Rebadulla, at Melissa Moreno.
Ayon naman sa ikaapat na layunin sa pag-aaral na ito, gumawa ang
mananaliksik ng isang Gawain ng pag-aaral na magsisilbing gabay sa pagtuturo ng
literature ng Rehiyon 8 upang mabigyang halaga, matalakay at mapag-usapan ang mga
ito ng mga mag-aaral sa anatas tersyarya at sa alinmang antas.

You might also like