You are on page 1of 6

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES)

PASIG CITY ) S.S.


x - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- x

KONTRA-SALAYSAY

AKO, si EDWIN ALBERTO, nasa hustong gulang, Filipino, may-


asawa, at nakatira sa No. 32 Kalinangan St., Caniogan, Pasig City ,
pagkatapos na manumpa ng naaayon sa batas ay malayang
nagsasalaysay ng mga sumusunod :

1. Na ako ay sinampahan ng kasong Violation of Sec. 5 and


Sec. 11 Art II of RA 9265 na ngayon ay nakasampa sa RTC
Branch 164,Pasig City at may Crim. Case No. ___________ ;

2. Na walang katotohanan ang ibinibintang ni PO1 Conrado Las


Piñas sa akin at puro kaimposiblehan pagsasaad niya ng
tunay na kaganapan sapagkat ang katotohanan ay ang
sumusunod;

a. Na noong ika -17 ng Oktubre, 2009 humigit kumulang


alas 6:00 ng gabi ako at ang aking asawa na si Jean
Gaspar ay nasa Valenzuela City.
b. Na mag-isang linggo na kami na nasa Valenzuela City
simula ng Oktubre 11, 2009, dahil sa kagalakan ng
kanyang magulang na buntis na aking asawa, hiningi
ng kanyang nanay (Jean Gaspar) na doon muna kami
mamamalagi at intayin na dahil mag birthday kapatid
niya ng Oktubre 14 ng taon ding iyon;
c. Na sa kadahilanang mag-isa na lang nanay ng aking
asawa kaya napagdesisyunan namin na doon mamalgi
sa kanila;
d. Na noong Oktubre 17, 2009 habang kami ay matutulog
na ng aking asawa sa bahay nila sa Valenzuela, ako ay
ginising niya sapagkat nagtx daw ang kapatid niya sa
Quezon City at nagpapatulong samin na puntahan sila
dahil nag-aaway sila ng kanyang asawa;
e. Na sa pagpilit ni Jean na masaklolohan ang kanyang
kapatid kami ay nagdesisyon na pumunta sa Payatas,
Quezon City sakay ng sasakyan ng aking asawa na
Vitara;
f. Na kami ay nakarating sa Payatas at nakuha namin
dalawang anak ng kapatid ni Jean at naidala namin sa
Valenzuela City naiwan ang kanayng kapatid;
g. Na pagkatapos noon ay natulog kami uli;
h. Na noong Oktubre 18, 2009, 5:00 pm,kami ay bumalik
ng Pasig para umuwi sa bahay namin sa Kalinangan at
ng kami mapahinto ng Rotonda ng Caniogan kami ay
hinarang ng mga taong di namin kakilalala

i. Na biglang humarang na isang motor na may sakay na


dalawang lalaking naka sibilyan sa harapan ng aming
sasakyan. At isa pang motor ang sumundo na
dumating, lumapit sa kaliwang bahaging pinto n
gaming sasakyan nito ang dalawa pang lalaki ;

j. Bumaba ang isang lalaking nakasakay sa motor sa


bandang kaliwa ng aming sasakyan at agad na
binuksan ang pintuan ng kotse na kung saan ako
nakaupo. Kasabay pa nito ang pagdating pa ng isang
kotse at sakay ang ilan pang kalalakihan na wala
kaming pagkakakilanlan man lang ang biglaan ding
lumapit sa aming sasakyan;

k. Sa bilis ng pangyayari, sa pagkabukas ng lalaki sa


aking pinto ay agad ko siyang tinanong kung “Bakit at
ano ang problema”? sabay nitong ang mahinang
paghila niya sa akin pababa ng sasakyan kalmado naman
akong bumaba ng sasakyan sa kadahilanang ayaw ko ng gulo sapgkat
kasama ko nga ang aking asawa na nakaupo rin sa harap ng sasakyan
at noo’y mag-aapat na buwang buntis;

l. Nang ako’y makababa ng sasakyan, sinagot naman ako ng lalaki na


nais lang daw ako imbitahan sa presinto upang itanong ang ilang
bagay, sabay nitong pagkuha sa aking dalawang kamay at agad na pag
posas at mabilis na pinasakay uli ako sa may likod na n gaming
sasakyan kasama pa ang dalawang lalaki. At isa ring lalaki ang
sumakay sa harap upang siya na ang mag drive doon ko nakita ang
aking asawa na takot na takot sa pangyayari ngunit wala kaming
magawa.;

m. Nakiusap ako sa kanila na huwag nilang sasaktan ang aking asawa


dahil siya ay buntis. Agad naman nilang pina andar ang aming
sasakyan na kasunod namin ang dalawang motor at isang kotse. Ilang
sandali lang ay dumating na kami sa presinto bumabab kaming lahat
ng sakayan at habang nakatayo ako katabi ang aking asawa sa tabi ng
sasakyan. Ilang lalaki naman ang agad na hinalughog ang loob n
aming sasakyan na walang pasabi at pagkatapos nila at nagtungo na
kami sa loob ng kanilang opisina. Habang ako pa ay nakatayo,
nakaposas ang dalawa kong kamay katabi ang aking asawa, doon ay
isang lalaki ang agad akong kinapkapan mula ulo hanggang paa at
wala silang nakuha at nakita ni ano mang bagay sa akin;

3. Ilang sandali ay dumating naman ang kanilang tinawag na hepe. Agad akong
kinausap at tinanong tungkol daw sa mga balita umano nila na ako daw ay
nagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamut . Agad ko namang
pinabulaanan at sinabi ang katotohanang walang katotohanan ang anumang
mga ibinibintang nila sa akin. Pagkatapos noon ay dinala na nila ako sa
kulungan.

4. Na ginawa ko ang salaysay na ito bilang patunay ng lashat ng nakasaad sa


hinihiling ko sa Kagalang-galang na Public Prosecutor na idismiss ang
kasong ito laban sa akin dahil wala itong legal na basehan.

SA KATUNAYAN ng lahat ng ito ay nilagdaan ko ngayong ika __th ng Pebrero,


2010 dito sa Pasig City.
EDWIN ALBERTO
Nagsasalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN TO this ____ day of February, 2010 at Pasig City

Administering Officer

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES)


PASIG CITY ) S.S.
x - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- x

SALAYSAY NG TESTIGO

AKO, si JEAN GASPAR, nasa hustong gulang, Filipino, may-asawa, at nakatira


sa 109 Decena St., Arkong Bato Valenzuela City, pagkatapos na manumpa ng naaayon sa
batas ay malayang nagsasalaysay ng mga sumusunod :

1. Na ang aking ka-live in partner/asawa na si Edwin Alberto ay sinampahan ng


kasong Violation of Sec. 5 and Sec. 11 Art II of RA 9265 na ngayon ay
nakasampa sa RTC Branch 164,Pasig City at may Crim. Case No. ___________ ;

2. Na nais kong pabulaanan ang lahat na akusasyon laban sa aking ka live-in


partner/asawa dahil ito ay pawang kasinungalingan at kathang isip ng mga di-
umano umaresto sa kanya lalo na si ang ibinibintang ni PO1 Conrado Las Piñas
sapagkat ang katotohanan ay ang sumusunod;

a. Na noong ika -17 ng Oktubre, 2009 humigit kumulang alas 6:00 ng


gabi ako at ang aking asawa ay nasa Valenzuela City.
b. Na mag-isang linggo na kami na nasa Valenzuela City simula ng
Oktubre 11, 2010, dahil sa kagalakan ng aking nanay na malaman na
buntis ako kaya hiniling niya na doon muna kami mamamalagi at
intayin na dahil mag birthday kapatid ko Oktubre 14 ng taon ding
iyon;
c. Na sa kadahilanang mag-isa na lang nanay ko kaya napagdesisyunan
namin na doon mamalgi sa kanila;

d. Na noong Oktubre 17, 2009 habang kami ay matutulog na ng aking


asawa sa Valenzuela, ginising ko siya sapagkat nagtx ang aking
kapatid na taga- Quezon City at nagpapatulong samin na puntahan
sila dahil nag-aaway sila ng kanyang asawa;

e. Na sa pagpilit ko sa aking asawa na ako ay masamahan na


masaklolohan ang aking kapatid kami ay nagdesisyon na pumunta sa
Payatas, Quezon City sakay ng aking sasakyan na Vitara;
f. Na kami ay nakarating sa Payatas at nakuha namin ang aking
dalawang pamangkin at naidala namin sa Valenzuela City ngunit
naiwanan ang aking kapatid sa Payatas, Quezon City;

g. Na pagkatapos noon ay natulog kami uli ng aking asawa ng mga alas


2:00 ng madaling araw na;

h. Na noong Oktubre 18, 2009 5:00 ng hapon kami ay bumalik ng Pasig


para umuwi sa bahay ng aking asawa sa Kalinangan at ng kami
mapahinto ng Rotonda ng Caniogan kami ay hinarang ng mga taong
di namin kakilalala

i. Na biglang humarang na isang motor na may sakay na dalawang


lalaking naka sibilyan sa harapan ng aming sasakyan. At isa pang
motor ang sumundo na dumating, lumapit sa kaliwang bahaging pinto
n gaming sasakyan nito ang dalawa pang lalaki ;

j. Bumaba ang isang lalaking nakasakay sa motor sa


bandang kaliwa ng aming sasakyan at agad na
binuksan ang pintuan ng kotse namin. Kasabay pa nito
ang pagdating pa ng isang kotse at sakay ang ilan
pang kalalakihan na wala kaming pagkakakilanlan man
lang ang biglaan ding lumapit sa aming sasakyan;

k. Na sa sa pagkagulat namin naitanong ng asawa ko


“Bakit at ano ang problema”? at bigla na lang hinila
ang asawa ko na bumaba ng sasakyan, kalmado
naman siayng bumaba sa dahilang natatakot siya para
sa akin na buntis at ayaw niya akong mag-alala;

l. Nang siya ay makababa ng sasakyan, narinig ko ang


isang lalaki nagsabi na nais lang daw imbitahan ang
asawa ko sa presinto upang itanong ang ilang bagay,
sabay nitong pagkuha sa dalawang kamay ng aking
asawa at agad na pag posas at mabilis na pinasakay uli
sya sa may likod na ng aming sasakyan kasama pa ang
dalawang lalaki. At isa ring lalaki ang sumakay sa
harap upang siya na ang mag drive. Takot na takot ako
sa pangyayari iyon ngunit wala akong magawa kundi
kumalma sapagkat ako nooy mag aapat na buwang
buntis.

m. Nakiusap ang aking asawa sa kanila na huwag nila


akong sasaktan sapagkat ako nga ay buntis. Agad
naman nilang pina andar ang aming sasakyan na
kasunod namin ang dalawang motor at isang kotse.
Ilang sandali lang ay dumating na kami sa presinto
bumabab kaming lahat ng sakayan at habang nakatayo
ako katabi ang aking asawa sa tabi ng sasakyan.
Ilang lalaki naman ang agad na hinalughog ang loob n
aming sasakyan na walang pasabi at pagkatapos nila
at nagtungo na kami sa loob ng kanilang opisina.
Habang ako pa ay nakatayo, nakaposas ang dalawa
kong kamay katabi ang aking asawa, doon ay isang
lalaki ang agad akong kinapkapan mula ulo hanggang
paa at wala silang nakuha at nakita ni ano mang bagay
sa akin;

5. Ilang sandali ay dumating naman ang kanilang tinawag na


hepe. Agad akong kinausap at tinanong tungkol daw sa mga
balita umano nila na ako daw ay nagbebenta ng mga
ipinagbabawal na gamut . Agad ko namang pinabulaanan at
sinabi ang katotohanang walang katotohanan ang anumang
mga ibinibintang nila sa akin. Pagkatapos noon ay dinala na
nila ako sa kulungan.

6. Na ginawa ko ang salaysay na ito bilang patunay ng lashat


ng nakasaad sa hinihiling ko sa Kagalang-galang na Public
Prosecutor na idismiss ang kasong ito laban sa akin dahil
wala itong legal na basehan.

SA KATUNAYAN ng lahat ng ito ay nilagdaan ko ngayong ika


__th ng Pebrero, 2010 dito sa Pasig City.

EDWIN ALBERTO
Nagsasalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN TO this ____ day of February, 2010


at Pasig City

Administering Officer

You might also like