You are on page 1of 4

Ang Batang si Lily

Ni. Christine Faith Montoya


Sa bawat sulok ng tahanan na ito nakikita ko siya, isang batang babae na punong puno ng sigla
at saya. Nagkikipag habulan sa kanyang ama at nakikipag kulitan sa kanyang ina. Ang kanilang
tawanan, hiyawan at isang pamilyang punong puno ng pagmamahal. At sa huling pagkakataon
nais kong pagmasdan ang lugar na ito na naging saksi sa pinakamasayang sandali ng batang
iyon. "Jackilyn, anak" singhal ni Papa na mahuhuli na nga pala sa kanyang flight. Inilagay ko ang
aking kamay sa braso nya at ngumiti "Papa, sandali na lang po" Sa kuryosidad ni Papa ay
napatingin siya sa larawan na hawak ko. "Hindi kaya magalit si Lily nito,alam ko ayaw niyang
pinakekealaman ang ang mga gamit nya" pumiling ako ng may mukhang nakatitiyak "Pa,
sanggang-dikit kami ni Lily, kaya hindi siya magagalit sa akin" Pagkatapos ng katahimikan ay
ang tawanan namin ni Papa.

Habang hinihintay namin ang sasakyan niya, inabot ko sa kanya ang isang maliit na envelop."
Pa, itago nyo po yan ah" Sinuklian niya ako nang nakakadudang tingin. "Anak kung ang laman
niyan ay mga larawan ng mga selfie mo, eh pinuno muna nyan ang telepono ko" Napaurong si
Papa nang napag tanto niya nya ang papahampas kong mga kamay at napanguso nalang ako sa
kalokohan ng pilyo kong tatay. "Papa naman eh". Ang tangin nasambit ko.

Nang mamataan na ni Papa sa malayo ang sasakyan niya bigla niyang hinila ang aking kamay at
binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap kasabay ng mga salitang... "Nagbago man
situasyon ng buhay natin, magkakalayo man tayo. May isang bagay lang ang hindi
magbabago,na kayo ng mama mo ang pinaka mahala sa akin"

Nakatulala parin ako ako habang pinagmamasdan kong umalis si Papa. Hindi ko maintindihan
kung bakit nya pa dapat sambitin ang mga salitang iyon. Mga salitang naghuhudyot sa akin na
naisin muli na sana bumalik nalang sa date ang lahat. Natauhan ako ng tumunog ang aking
telepono.

Tumatawag pala si Mama. "Anak nasaan ka? Hindi ba pupunta tayo sa mananahi ngayon?Diba
sabi mo ayaw mong lumakad sa altar na maluwang ang gown mo" Bigla kong naalala, Nawala na
sa isip ko pati ang lakad namin ni Mama. Para akong lutang sa hindi ko maintindihan ang aking
nararamdaman. Akala ko maayos na, akala ko malinaw na sakin ang lahat. Naiinis ako sa aking
sarili dahil naghihimutok muli ang aking damdamin dahil sa mga makasarili kong pagnanais.
Gusto kong maging masaya para aking ina sa bagong buhay na tatahakin niya ngunit sa
pinakaloob- loob puso gusto ko tuparin ang pangako ko kay Lily na ibabalik ko sa kanya ang
pamilya niya. "Mama, patawad po" tatlong salita nasambit ko hindi dahil sa nakalimot ako kundi
dahil sa pagiging makasarili ko. Mga mabibigat na luha ay unti-unti bumuhos at hindi ko na
magawang masagot sa aking inang nag-aalala sa kung ano naba ang nangyayari sa akin.
Nang bigla- biglang may liwanag na lumitaw sa aking harapan at tinulak ako pataas sa hindi ko
na matantong direksyon. Kasabay nito'y nagliparan sa ere ang mga larawan na parang nilipad sa
kalangitan.

"Kung sino ka man, Sana bumalik nalang sa dati ang lahat"

Binuksan kong dahan-dahan ang aking mga mata. Hindi ko mawari kung ako'y nakatulog ba.
Ngunit nang ako ay lumingon sa aking paligid ay parang pamilyar ba. Tama! Ako ay nandito ulit
sa loob ng dati naming tirahan. Pero sa pagkaka ala-ala ko ay nasa labas na ako nakina. Kaya
paanong nandito ako at nakahiga pa sa dati kong kama? Maya't maya ay may narinig akong mga
boses. Kaya dali-dali akong tumayo at sinundan ang tunog na nang gagaling pala sa kusina.

Nandilat ang aking mata sa kung katotohanan nga ba itong aking nakikita. Pero kung totoo man
ito o hindi ay hindi na mahalaga. Dahil tila dininggin ng Diyos ang aking panalangin. Nandidito
siya, ang batang punong puno ng saya at sigla, Si Lily bumalik siya at muli kung narinig ang
mga halakhak at ang sigla ng tahanang ito. Silang lahat... Si Papa nandito din siya na nakikipag
kulitan kay Lily habang naghahanda naman ng tanghalian si Mama.

Napalingon sila sa akin at niyaya na nila akong magtanghalian. Napaka imposible man isipin na
nandito ako ngayon kasama nila pero hindi ko na iyon magawang alalahanin pa dahil sa sobrang
galak at hindi mapaliwanag na kaligayahan ko ngayon."I love you to the endless power
Mama,Papa" ang linyang ni Lily na kay tagal ko ng hindi narinig. Linyang nagpapasaya at
nagpapaaliw kina Mama at Papa sa ka kuwing sinasambit niya ito.

Pagkatapos ng isang masayang tanghalian, biglang hinila ni Lily ang kamay ko at dinala niya ako
sa hardin. "Kamusta ka na?" Tanong ng isang mala angel na batang nasa harap ko. Lumuhod ako
sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. "Hindi ko natupad ang pangako ko, patawad Lily" mga
salitang matagal ko ng gustong bitawan at masabi sa kanya. Pumiling siya sa akin at sinabing
"Hindi mo kasalanan kung ano man ang nangyayari noon o maski ngayon kaya puntahan mo na
sina Mama at Papa, nag aalala at hinihintay na nila tayo" napatayo ako sa pagtataka "Pero
nandito kayo ngayon, kayong pamilya ko, ayoko nang umalis, ayoko ko nang mawala ka Lily"

Tinitigan niya ako at siya ay ngumiti "Kahit kailan hindi naman ako nawala, nandiyan lang ako,
diyan sa puso mo. Itong nakikita mo, ito ang laman ng puso mo kaya pinayagan ka ng Diyos na
makita ulit ito. Para maibalik mo si Lily na nakatago diyan sa puso mo"

Inabot niya ang kamay niya at nung abutin ko ito'y nagdulot ng nakakasilaw na nagliwanag.
Napapikit ako sa sobrang silaw ngunit ilang sandali lang ay nawala rin ito. Pagdilat ng aking
mata nakita ko ulit sina Mama at Papa na hawak-hawak ang kamay ko ngunit wala na ang batang
nasa harap ko. Umiiyak si Papa habang hawak hawak ang larawan na nasa enbelop na binigay
ko." Patawad anak, kung ngayon ko lang napagtanto na hindi ko kakayanin na mawala kayo sa
akin ng Mama mo." Mas lalo naman akong naguluhan sa sinabi ulit na iyon ni Papa. "Ok na po
ba kayo ni Mama? Pero ikakasal na po si Mama"
Tinitigan ako ni Mama at tumango "Oo.Anak ikakasal parin ako..." Ngumuti ako kay Mama
dahil ang mahalaga ngayon sa akin ay ang maayos na sila ni Papa. "Naiintindihan ko po Ma..."
Hindi pa tapos sinasabi ko nang sumabat si Papa." Anak dapat mo talagang maintindihan...
Kasi... Pakakasalan ko pa ang Mama mo"

Ano nga daw? Tama ba ang narinig ko? Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila
pagkatapos kung mabunggo ng isang sasakyan. Sa kung anomang mga himala at hindi
maipaliwanag na nangyari ngayong araw na ito. Pinasasalamatan ko Diyos dahil dininggin niya
ang mga panalangin ko. Hindi lang ang maibalik ang pamilya ko kundi ang maibalik ang dating
ako. Sa wakas nahanap ko na ulit dito sa puso ko ang masayahin at masiglang AKO.

"Mama... Papa, I love you to the endless power po"


Para sa aking Kritiko:

You might also like