You are on page 1of 3

Sa kinalabasan ng eleksyon

Iba-iba man naging reaksyon

Ating igalang nasabing desisyon

Tigilan na ang kaisipang polusyon

Upang makamtan ang inaasam na solusyon

Sa mga planong kinakailangan ay aksyon

Kabataan patuloy na lumaban

Para sa kinabukasan nitong bayan

Kayat sa klase'y iwasan yaring pagliban

Upang di mauwi sa sigarilyo't inuman

Dahil ito ang tunay na kalaban

Nang mga buhay na napabayaan

Sa mga nagkamit ng titulo

Sana'y mga plataporma niyo'y di isang pakulo

Unahin niyo mga tiyan ng mga batang kumukulo

Mga bubong sana ay maiwasan ang pagtulo

Ayusin ang mga daang ugat ng mga gulo

Upang maiwasan kanya kanyang init ng ulo

Sa mga tumakbong kinapos

Salamat sa pagmamahal sa bayang naigapos

Sa kahirapang dulot ng mga tiwaling busabos


Na hindi marunong makinig sa mga tinig naming namamaos

Kaya't nagawang proyekto'y ginagawa ng padalus-dalos

Kailan kaya ganitong gawain tuluyang matatapos

Sa mga nasilaw sa kapangyarihan

Napagtanto niyo na ba ang kahahantungan

Nang inyong pagtataksil dito sa inang bayan

Nasan na ang inyong paninidigan

Kung sa pera at posisyon lamang pala kayo masusubukan

Paano na aming kinabukasan

Sa mga gurong may paninindigan

Isang hamon ito sa ating lipunan

Kaya't sana'y patuloy tayong maging sandigan

Ng mga batang di alam ang patutunguhan

Upang minsa'y pa'y tayo ay matauhan

Sa kahalayang ginagawa nila sa ating bayan

Sa pagtatapos nitong aking katha

Sana ay inyong mabatha

Na may Panginoong tayong Lumikha

Na pupunas ng ating mga luha

Dito sa nagniningas nating mukha

Sana ang mensahe ay inyong nakuha

You might also like