You are on page 1of 1

DIOCESE OF MALOLOS

DIOCESAN COMMISSION ON YOUTH


Vicarial Commission on Youth

VICARIATE OF ST. MICHAEL THE ARCHANGEL


Petsa: ika – 2 ng Marso, 2019
Para sa: Kura Paroko, VCY Chairman, Parish Youth Coordinator
Tungkol sa: Days in the Diocese (DID 2019)

“I am the servant of the Lord. May it be done to me according to your word.” – Luke 1:38

Minamahal na mga Pari at kapatid kay Kristo,

Pagbati ng Kapayapaan!

Bilang pagtugon at pakikiisa sa mga programa at gawain ng Pandiyosesis na Komisyon ng Kabataan ng Malolos.
Ang Bikarya ng San Miguel Arkanghel, San Miguel, Bulacan ngayong “Taon ng mga Kabataan” ay nag-
aanyaya sa mga lider kabataan ng inyong parokya na handing tumugon sa panawagan sa Misyon ni Kristo sa
kanyang kapwa sa darating na ika-3 hanggang ika-5 ng Mayo, 2019 para sa gaganaping “Days in the Diocese”
na naglalayong magkaroon ng mas malalim na paghubog sa ating mga nag-uumpisa pa lamang na lingkod
kabataan. Magkaroon ng pare-parehong kaisipan sa mga programa, mga gawain at apostolado sa pandiyosesis,
pambikarya at pamparokya na kilos ng kabataan. Sa simula pa lamang ay maimulat na sila sa mas malaking
pagtitipon ng mga kabataan at maiwasang maging limitado ang mga kaalaman at kamulatan.

Ang bawat parokya po ay aming inaanyayahang magpadala ng dalawang delegado na kasapi na sa Komisyon ng
Kabataan ng inyong parokya at potensyal na maging Lider Kabataan (hindi nakasama sa mga nagdaang DID).
Ang bawat isang delegado po ay may babayarang tatlong daan at limampung piso (P350.00) para sa registration
fee. Hangad po namin ang inyong positibong pagsuporta at pagtugon hinggil sa bagay na ito.

Maraming salamat po at pagpalain tayo ng Poong Maykapal.

Sumasainyo,

G. TOBBY NATHANIEL M. CRUZ


VCY Coordinator, San Miguel

Sa kaalaman ni:

Rdo. P. EDWARD C. PECSON


VCY Chairman, San Miguel

You might also like