You are on page 1of 2

Mga Hamon sa Nasasariling Bansa

1. Unang Republika

 Panunungkulan ni Emilio Aguinaldo


Idineklara ang kalayaan ng ating bansa mula sa pananakop ng Spain.
Pagbuo ng Saligang Batas – binuo ng Kongreso ng Malolos

2. Ang Pamahalaang Commonwealth

 Panunungkulan ni Manuel L. Quezon


Binigyan ng 10 taon ang bansa upang maghandang makapagsarili at itatag ang Pamahalaang Commonwealth
Pangulo: Manuel Quezon
Ikalawang Pangulo: Sergio Osmeña

Pananakop ng mga Hapones


Ipinahayag na Open City ang Maynila
Inilipat ni Manuel Quezon ang Pamahalaang Commonwealth sa Corregidor – Disyembre 24, 1941

Inatasan si Jose P. Laurel na maiwan sa Maynila upang salabungin ang mga Hapones
Inilipat ang Pamahalaang Commonweath sa Washington, USA.
Namatay si Manuel L. Quezon

 Panunungkulan ni Sergio Osmenia


Naibalik ang kabisera ng Commonwealth sa Pilipinas. Ibinalik ang lahat ng kapangyarihan at tung kulin ng
pamahalaang Commonwealth sa Pilipinas

3. Ikalawang Republika

 Panunungkulan ni Jose P. Laurel


Puppet Government – pananakop ng mga Hapones

 Muling Pagtatag ng Pamahalaang Commonwealth


Pinamunuan ni Sergio S. Osmeña
Pagtatag muli ng Gabinete,, Council of State, iba pang tanggapan, at mga pamahalaang panlalalwigan, pambayan at
panglungsod
Itinatag ang Public Service Commission.
Pinabalik ang mga kawani ng mga tanggapan ng pamahalaan.
Sinimulan agad ang pagsasaayos ng mga gusali, daan, at impraestrukturang nasira ng digmaan
Itinatag muli ang mga hukuman
Binuksang muli ang Kataastaasang Hukuman, Court of Industrial Relations, at mababang hukuman

Mga Suliranin:
Isyu ng kolaborasyon – lahat ng tumulong sa mga Hapon

Upang malutas ang isyu, Itinatag ni Pang, Osmeña ang Hukumang Bayan o People’s Court

 Panunungkulan ni Manuel Roxas, Commonwealth


Nagwagi si Roxas sa sumunod na halalan.

4. Ikatlong Republika

 Panunungkulan ni Manuel A. Roxas


Ikalwang Pangulo: Elpido Quirino

Pinagsumikapang lutasin ang suliranin: tulad ng pagsasaayos ng kabuhayan, katiwasayan, kaayusan, at mababang
moralidad ng lipunan.

*Mga Patakarang Panloob at Panlabas


United Nations – Nagkakaisang mga Bansa

*Mga Di Pantay na Kasunduan at Pagsandal sa United Stated


-Programa ni Roxas
Layunin: 1. Pagpapalaki ng produksiyon; 2. Muling pagkakaroon ng mga Industriya
-Pagtatag ng Rehabilitation Finance Corporation –(Developmental Bank of the Philippines) – nagpautang ng puhunan
sa maliliit na mangangalakal.
-Bell Trade Act – pagpataw ng buwis sa anumang produktong nanggagaling sa Pilipinas patungong US. 5% ang buwis
naipapataw taon-taon
-Kota ang mailuluwas na asukal, bigas, tabako, abono, lubid, langis ng niyog mula Pilipinas patungo US
-Malayang pagpasok ng produkto ng US sa Pilipinas

*Rehabilitasyon ng Pilipinas
Tulong at Pautang ng US
*Mga Suliranin
Pangkatahimikan
Pakikipag-ugnayan Militas sa US
Kamatayan ni Pang. Roxas

 Panunungkulan ni Elpidio Quirino

Pagtaas ng sahod ng mga guro at kawani ng pamahalaan


Pinagtibay ang pagtatakda ng pinakamababang sahod sa mga kawani at manggagawa,

Agriclutural Credit Cooperative Financing Administration – itantag upang makatulong sa pangangailan ng mga
magsasaka.

Labor Management Advisory Borad – itinatag upang maging tagapayo ng pamahalaan sa paggawa

*Ang Paglala ng Suliranin sa Huk

Tumangging makiisa sa pamahalaan ang pangkat ng mga HukBaLaHap na dati’y nanlaban na sa pananakop ng mga
Hapones

*Ang Hukbalahap

Luis Taruc- pinuno ng HukBaLaHap

Ang pagdami ng kasapi ng samahan ay bunsod ng:

1. Patuloy na pananakop ng United States sa bansa

2. Di-makatarungang paghahatian sa sakahan

3. Kawalan ng aksiyoon mula sa pamahalaan upang maipatuppad ang reporma sa pagsasakahan

4. Hindi pagkilala ng pamahalaan sa mga gerilyang HukBaLaHap bilang beterano ng digmaan

Inalok ni Pang. Quirino ng malawakang amnestiya ang halos lahat ng kasapi ng Huk. Bilang kapalit, pumayag si Luis
Taruc na magpatala at isuko ang kanilang mga sandata sa pamahalaan sa loob ng 50 araw, ngunit nabigo ang
amnestiya

Paglutas ng Suliranin sa Huk

Ipinalawak ang mga operasyong military ng pamahalaan labas sa mga Huk

Ramon Magsaysay – 1 batang kongresista mula sa Zambales na dating gerilya, hinirang na Kalihim ng Tanggulang
Bansa (National Defense)

President’s Action Committee on Social Amelioration – tungkulin nitong puntahan ang mga biktima ng Huk at
magbigay ng mga pagkain, gamot, at damit.

Dahil sa mabuting pakikiusap at pakikitungo ni Magsaysay sa mga Huk, unti unti silang sumuko sa pamahalaan.

Ang mga sumuko ay binigyang muli ng pagkakataong mabuhay nang tahimik. Binigyan sila ng Econocmic Development
Corporation ng mga tiirahan at lupang sakahan.

You might also like