You are on page 1of 53

Aralin 7

Yunit II

Pamunuang Kolonyal ng Spain

(Ika-16 hanggang Ika-17 Siglo)


Junriel L. Daug
Bugwak Elementary School
Panimula
Sa pagdating ng mga Espanyol sa
kapuluan ng Pilipinas, nagsagawa
sila ng iba’t ibang pamamaraan
upang mapasailalim ang Pilipinas sa
kapangyarihan ng Spain.

1521, Ang pagdating ni Ferdinand


Magellan sa kapuluan ng Pilipinas
ang nagbigay-daan sa malaking
pagbabagong kahaharapin ng mga
Filipino sa mga dayuhang Espanyol
Panimula
Bakit nanaisin ng isang bansa ang
manakop ng ibang lupain?

Ano-anong paraan ang ipinatupad ng


mga Espanyol sa Pilipinas para
mapasailalim sa kanilang kolonya?

Ano ang reaksiyon ng ating mga


ninuno sa pananakop ng mga
Espanyol sa ating kapuluan?
Subukin Natin
Ipagpalagay mo na ikaw ay nabuhay
sa panahon ng sinaunang barangay.
Habang ikaw ay naglalakad sa
dalampasigan ay nakita mo ang
maraming tao na nakatanaw sa
karagatan. Napag-alaman mo na
may tatlong malalaking barko na
papalapit sa iyong kinaroroonan.
Ano ang tanong na papasok sa iyong
isipan batay sa nakita mong mga
barkong paparating sa inyong
pamayanan?
Subukin Natin
 Ano ang iyong reaksiyon sa
pagdating ng mga dayuhang barko?
 Kung ikaw ang pinuno ng
pamayanang iyon, anong hakbang
ang iyong isasagawa kung sakaling
dumaong ang mga barko sa iyong
pinamumunuang pamayanan?
 Bakit ganoon ang iyong reaksiyon?
 Kung ikaw ang sakay ng barko, ano
sa iyong inaasahang reaksiyon
mula sa mga tao sa dalampasigan?
Kanluranin

Ang salitang KANLURANIN ay


tumutukoy sa mga Europeo o
dayuhang naninirahan sa Europe.
Paglaon, tumukoy din ang kanluranin
sa mga Amerikanong nagsagawa ng
imperyalismo sa Asya.
Katuturan ng Kolonyalismo
KOLONYALISMO
Isang uri ng imperyalismao na tumutukoy sa
isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng
malakas na bansa sa isang mahinang bansa.
Isinasagawa ito sa pagkontrol sa kalagayang
pampolitika ng isang bansa, sa paninirahan sa
lugar, at sa pagkontrol sa paglinang ng likas
na yaman nito.

Tinatawag na kolonya ang lugar o bansang


tuwirang kinokontrol at sinakop nito.
Katuturan ng Kolonyalismo
IMPERYALISMO
Tumutukoy sa pakikialam o tuwirang
pananakop ng isang makapangyarihang bansa
sa ibang lupain upang isulong ang mga
pansariling interes nito.

Ang kolonyalismo ang unang yugto ng


imperyalismo ng mga Kanluranin.

Ang pagtuklas ng bagong lupain sa pagsagawa


ng kolonyalismo ay tinawag na Panahon ng
Paggalugad at Pagtuklas (1500’s-1700’s)
Katuturan ng Kolonyalismo
Naging aktibo ang Europe sa pagtuklas ng
mga bagong lupain. Napadali at napabilis pa
ang paghahanap gamit ang mga kagamitang:

CARAVEL
Barkong higit na mabilis at may kakayahang
makapaglayag sa kabila ng malalakas na alon
ng dagat.

COMPASS
Kagamitang tumutukoy sa direksiyon ng
isang lugar.
Kompetisyon ng Portugal at Spain
Dahil nanguna ang Portugal at Spain sa
pagtuklas ng mga bagong lupain, naging
matindi ang kompetisyon at mahigpit ang
tunggalian ng dalawang bansa.

POPE ALEXANDER VI
Hinati ang daigdig para sa mga lugar na
tutuklasin dahil sa matinding kompetisyon
ng dalawang bansa.
Mayo 4,1493, inilabas niya ang Inter Caetera
(Kasulatan ng Papa) na naghahati sa daigdig
sa dalawang bahagi.
Kompetisyon ng Portugal at Spain
Nakasaad sa Inter Caetera:

Ang hindi pa natuklasang lupain sa silangang


bahagi ng imahinasyong linya na nasa 100
league kanluran ng Azores Island at Cape
Verde Islands ay nakalaan para sa
PORTUGAL.

Ang mga lupaing tutuklasin sa kanlurang


bahagi ng naturang imahinasyong linya ay
para sa naman sa SPAIN.
Kompetisyon ng Portugal at Spain

Hindi sumang-ayon ang Portugal sa


nilalaman ng Inter Caetera kung kaya’t
pinalitan ito ng Treaty of Tordesillas ng
sumunod na taon. Isinaad sa kasunduang ito
na gawing 370 leagues kanluran ang Azores
at Cape Verde Islands ang paghahati ng mga
lupaing tutuklasin ng Spain at Portugal.
Kompetisyon ng Portugal at Spain
TREATY OF TORDESILLAS
Kompetisyon ng Portugal at Spain
TATLONG PANGUNAHING LAYUNIN NG SPAIN SA PAGTUKLAS NG MGA
LUPAIN.
Ninais ng mga Espanyol na makuha ang mga
kayamanang taglay ng mga masasakop na lupain.

Layon ng mga Espanyol na maipalaganap ang


relihiyong Kristiyanismo.

Hinangad ng mga Espanyol na makamit ang


karangalan at kapangyarihan bilang nangungunang
bansa sa paggalugad ng mga bagong lupain.
Kompetisyon ng Portugal at Spain

Haring Ferdinand at Reyna Isabella


Sa ilalim ng pamumuno nila ay naging
mapangahas ang mga Espanyol sa
paggalugad ng mga bagong teritoryo sa
labas ng Europe.
Kompetisyon ng Portugal at Spain
Christopher Columbus
Matagumpay sa kanyang paglalayag sa West
Indies sa North America noong 1492.

Vasco Nuñez de Balboa


Matagumpay sa kanyang
paglalayag at nakarating sa
Panama noong 1513.
Ekspedisyon ni Magellan

Itinuring na isa sa pinakamatagumpay na


paglalayag noong Panahon ng Paggalugad
at Pagtuklas (Age of Exploration and
Discovery) ang ekspedisyon na
pinamunuan ni Ferdinand Magellan noong
1519 hanggang 1522.
Ekspedisyon ni Magellan
Ferdinand Magellan
Isang Portuguese na naglingkod sa hari ng Spain
sa pamamagitan ng pamumuno sa maambisyong
ekspedisyon. Ito ay ang paghahanap ng bagong
ruta patungong Moluccas Islands na kilala rin
bilang Spice Islands. 1518, Inihain ni Magellan
ang kaniyang balak na ekspedisyon kay Haring
Carlos I ng Spain. Tinanggap ng hari ang alok ni
Magellan na ipagkaloob sa Spain ang mga lupaing
matutuklasan ng kaniyang ekspedisyon.
Ekspedisyon ni Magellan
Moluccas Islands 0 Spice Islands
Isang pangkat ng mga pulo sa Indonesia.
Ito ay matatagpuan sa timog na bahagi ng
kapuluan ng Pilipinas. Tanyag ang pulong
ito sa mga Europeo dahil matatagpuan
dito ang iba’t ibang uri ng mga halamang
ginagamit bilang pampalasa sa pagkain.
Ilan sa mga ito ay cinnamon, luya, sili, at
nutmeg. Mataas din ang pangangailangan
ng mga Europeo sa pampalasang ito kaya
hinangad nilang makontrol ang pulong
ito.
Ekspedisyon ni Magellan
Nagsimula ang ekspedisyon ni Magellan
noong Setyembre 20, 1519. Binigyan siya
ng limang barko na may mga pangalang:

 Trinidad

 Concepcion

 San Antonio

 Santiago

 Victoria
Ekspedisyon ni Magellan
Antonio Pigafetta
Isang manlalakbay at iskolar na nagtatala ng
mahahalagang detalye sa naging paglalayag ni
Magellan. Kasama siya sa 200 mahigit na
tauhan sa maambisyong ekspedisyon.

Kabilang sa mga isinakay sa mga barko bago


ang paglalayag ay suplay ng pagkain, mga
kagamitang pandigma, at mga bagay na
maaaring ipagpalit para sa pakikipagkalakalan.
Ekspedisyon ni Magellan
Strait of Magellan
Isang anyong tubig na natuklasan ni
Magellan na nag-uugnay sa Altantic at
Pacific Ocean na ipinangalan sa kanya.

Natuklasan noong Oktubre 21, 1520.

Sa ekspedisyon din ni Magellan naitala


ang kauna-unahang pagtawid ng
pinakamalaking karagatan sa daigdig –
ang Pacific Ocean.
Ekspedisyon ni Magellan
Pulo ng Guam
Narating ng ekspedisyon ni Magellan ang
pulong ito noong Marso, 6 1521.
Nakakain ang sariwang pagkain at
inumin ang kanyang mga tauhan.

Tinawag nilang Islas Ladrones o “pulo ng


mga magnanakaw” dahil sa pagnanakaw
ng mga katutubo dito sa kanilang barko.
Ekspedisyon ni Magellan
Pacific Ocean
Pinakamalaking karagatan sa daigdig.
Pinalanganan ni Magellan ang karagatan
bilang “Mar Pacifico” o “ Payapang
Dagat”. Ito ay dahil sa naging banayad
ang alon at walang masamang panahon
ang naranasan nila sa pagtawid sa
karagatan. Sa paglalakbay nila sa
karagatang ito ay maraming tauhan niya
ang nagkasakit at ang ilan ay nasawi.
Unang Pagkikita ng Espanyol at Filipino

Sa pagpatuloy ng paglalayag ni
Magellan pakanluran sa Pacific Ocean
nakarating sila sa Pilipinas noong
Marso 16, 1521.

Pinalanganan niya ang Pilipinas na


Archipielago de San Lazaro dahil
kapistahan ng naturang santo ang
araw na iyon.
Unang Pagkikita ng Espanyol at Filipino

Homonhon Island

Maganda ang pagtanggap ng mga katutubo


sa pagdaong ng mga Espanyol. Patunay dito
ang pagdala ng mga katutubo ng pagkain sa
mga dayuhan. Bilang gantimpala, ibinigay
ni Magellan ang ilan sa kanilang proddukto
tulad ng salamin, maliliit na batingaw, at
tela.
Unang Pagkikita ng Espanyol at Filipino

Limasawa Island

Pinamumunuan ni Rajah Kolambu. Mabuti


ang pagtanggap ng mga katutubo sa mga
Espanyol sa pulong ito. Nagbigay din ng
handog si Rajah Kolambu na isang basket
ng luya at gold bar ngunit tinanggihan ito
ni Magellan. Nakipagsanduguan din si
Magellan kay Rajah Kolambu bilang
pagkakaibigan.
Unang Pagkikita ng Espanyol at Filipino

Limasawa Island
Ginanap ang kauna-unahang misa sa
Limasawa na pinangungunahan ni
Padre Pedro de Valderrama noong
Marso 31, 1521. Nilisan din nila
Magellan ang islang ito dahil sa
kawalan ng sariwang pagkain.
Unang Pagkikita ng Espanyol at Filipino

Cebu
Dating pangalan ay Sugbu.
Pinamumunuan ni Rajah Humabon at
magiliw ang pagtanggap kila Magellan.
Nagsagawa rin siya nga sanduguan at
tinanggap ang kauna-unahang
pagbibinyag kasama ang iba pang
katutubo.
Unang Pagkikita ng Espanyol at Filipino
Rajah Humabon
Ginawang Carlos ang pangalan pagkatapos
binyagan at bilang parangal din sa hari ng
Spain.

Juana
Asawa ni humabon na binigyan ng pangalang
Juana pagkatapos binyagan. Hinandugan ni
Magellan ng imaheng Santo Niño o imahe ng
batang Hesus.
Unang Pagkikita ng Espanyol at Filipino
Mactan
Hindi maganda ang pagtanggap ng pinuno sa
pagdaong ng mga Espanyol.

Lapu-Lapu
Pinuno ng Mactan.

Sinulong ng mga Espanyol dahil sa


panghihimok ng isang katutubo na si Zula na
kalabanin si Lapu-Lapu.
Unang Pagkikita ng Espanyol at Filipino

Labanan sa Mactan
Naganap umaga ng Abril 27,
1521. Sinunog ang mga bahay ng
katutubo na siyang ikinagalit
nila. Gamit ang mga panang
kawayan ay magiting silang
lumaban sa mga dayuhan.

Sa huli, nasawi si Magellan dahil


sa pagtama sa kaniyang ulo,
braso, at binti ng mga panang
may lason sa dulo.
Unang Pagkikita ng Espanyol at Filipino

Labanan sa Mactan
Nagbunyi ang mga katutubo sa
kanilang tagumpay.

Bilang huling ganti, sinunog nila


ang barkong Concepcion.
Tumakas naman ang mga
Espanyol na nakaligtas sa
labanan sa Mactan.
Unang Pagkikita ng Espanyol at Filipino
Ipinagpatuloy nila ang kanilang
paglalayag. Narating nila ang
Moluccas at nakipagpalitan ng
produkto para sa hinahangad ng
mga pampalasa. Sa pag-alis sa
Moluccas, ang barkong Victoria
na lamang ang naglayag pabalik
sa Spain at nakarating noong
Setyembre 22,1522 na 18 katao
lang ang nakaligtas.
Pinamunuan ang paglalayag ng
barkong Victoria ni Juan
Sebastian Elcano.
Epekto ng Ekspedisyon ni Magellan
Napatunayang bilog ang daigdig at
tama ang paniniwala ni Columbus
tungkol sa hugis ng daigdig.

Nagbago ang mapa ng daigdig dahil sa


mga datos na itinala ni Pigafetta sa
panahon ng paglalayag.

Pagiging interesado ng hari sa mga


natuklasang lupain partikular ang
kapuluan ng Pilipinas.
Gawin at Matuto
Magpapangkat ang klase sa lima. Ang bawat pangkat ay
magsasaliksik ng impormasyon tungkol sa mga naitalang karanasan
ng mga manlalayag noon panahon ng paggalugad at pagtuklas.
Tiyaking mailahad ang mga kinakaharap na hamon at pagsubok ng
mga manlalayag sa paglalakbay nito. Iuulat ng bawat pangkat ang
kanilang mga nasaliksik sa malikhaing paraan.

 Una – Magella
 Pangalawa – Loaisa
 Pangatlo – Saavedra
 Pang-apat – Villalobos
 Panglima – Legazpi
Mga Ekspedisyon
Juan Garcia Jofre de Loaisa
May dalang limang barko sa ekspedisyon
patungong silangan. Nasawi sa isang
karamdaman kung kaya’t ipinagpatuloy ito
nina Elcano at Alonzo de Salazar ngunit sila
man ay nasawi rin.

Sa pamumuno ni Martin Iñiguez de


Carquisano, nakarating ang ekspedisyon sa
Mindanao hanggang Moluccas. Dito siya
dinakip ng mga Portuguese at naging bihag.
Mga Ekspedisyon
Alvaro Saavedra Ceron
Ipinadala ni Haring Carlos I ng Spain at
nakarating lamang sa Surigao, Mindanao.
Sa tangkang pagbabalik ni Saavedra sa
Spain, siya ay nagkasakit at namatay.
Mga Ekspedisyon
Ruy Lopez de Villalobos
Nagsimula ang ekspedisyon ni Villalobos sa
Mexico. Pagkaraan ng tatlong buwang
paglalayag, nakarating ang ekspedisyon sa
Mindanao. Sa kanyang ekspedisyon
pinangalanan ang Leyte bilang Felipina
bilang parangal kay Felipe na susunod na
hari ng Spain. Paglaon, ito na ang
ipinangalan sa buong kapuluan.
Ang Pananakop sa Pilipinas
Haring Felipe II ng Spain
Ang unang opisyal na Hari ng Espanya mula
1556 hanggang 1598 at naging masigasig
na sakupin ang kapuluan sa Silangan na
ipinangalan sa kaniya – ang Pilipinas.
Ang Pananakop sa Pilipinas
Miguel Lopez de Legazpi
Isang opisyal ng Mexico na itinalaga ni
Haring Felipe II ng Spain na pangunahan
ang ekspedisyon pabalik sa Pilipinas.
Naging katuwang niya si…
Andres de Urdaneta
Nakarating na sa Pilipinas sa panahon ng
ekspedisyon ni Loaisa.
Ang Pananakop sa Pilipinas
Paglalayag ni Miguel Lopez de Legazpi
Nobyembre 19, 1564
Simula ng paglalayag sa Natividad, Mexico
Pebrero 13, 1565
Nakarating sa Samar
Marso 16, 1565
Sanduguan kay Sikatuna sa Bohol
Abril 27, 1565
Nakarating sa Cebu at nagsimulang
magtatag ng pamayanang Espanyol
matapos ang labanan ng dayuhan at
Cebuano.
Ang Pananakop sa Pilipinas
Cebu
Itinakdang kaunaunahang pamayanang
Espanyol sa Pilipinas at pinalanganang La
Villa del Santisimo Nombre de Jesus.

1569
Nagtayo ng pamayanan sa Panay na
sinundan sa Masbate, Ticao, Burias,
Mindoro, Mamburao, at Albay.
Ang Pananakop sa Pilipinas

Martin de Goiti
Itinalaga ni Legazpi bilang pinuno ng
pwersang Espanyol sa pagsakop ng Maynila
at nakasakop ng maraming lugar sa
pamumuno niya.
Ang Pananakop sa Pilipinas
Rajah Matanda
Rajah Sulayman
Magiliw ang pangtanggap sa mga espanyol
noong una sa paniniwalang kapayapaan at
pakikipagkaibigan ang layunin ng mga
Espanyol sa Pilipinas. Sa huli ay nauwi ang
kanilang pagkakaibigan sa labanan.
Nagtagumpay ang mga Espanyol laban sa
mga tao sa Maynila noong Mayo 19,1571.
Tuluyang napasailalim ang Maynila sa
pamamahala ng mga Espanyol.
Ang Pananakop sa Pilipinas

Maynila
Kinilala ang Manila bilang isang cuidad
o lungsod ng Spain noong Hunyo 24,
1571.
Ang Pananakop sa Pilipinas
Juan de Salcedo
Apo ni Legazpi, sumakop sa mga
karatig-lugar ng Maynila hanggang sa
mga pamayanan sa timog ng Luzon at
Bicol. Nakarating din siya sa hilagang
bahagi ng Luzon patungong Cagayan at
pabalik ng Maynila. Napasailalim din sa
kapangyarihan ng Spain ang mga
pamayanan sa Gitnang Luzon sa
Pamumuno ni Martin de Goiti.
Tulong-Kaalaman
Kalye Colon sa Cebu
Itinuring bilang pinakamatandang kalye
sa Pilipinas. Naisama ang naturang
kalye sa plano ng pamayanang bubuoin
ni Legazpi noong 1565.
Gabay na Tanong

Ano ang dahilan ng pagkatalo ng mga


katutubong Filipino sa ginawang
pananakop ng mga Espanyol?
Isip Hamunin
Tukuyin ang konseptong inilarawan sa bawat
bilang. Isulat ang sagot sa kwaderno.

_________1.Bansang Europeo na sumakop sa


Pilipinas noong 1565.
_________2.Pangalang ibinigay ni Villalobos sa
kapuluan ng Pilipinas upang parangalan ang
susunod na hari ng Spain.
_________3.Pulo sa Pilipinas na pinaniniwalaang
lugar kung saan ginanap ang unang misa.
_________4.Unang pamayanang Espanyol na itinatag
sa bansa.
Isip Hamunin
Tukuyin ang konseptong inilarawan sa bawat
bilang. Isulat ang sagot sa kwaderno.

__________5. Tawag sa lugar o bansang direktang


kinontrol, pinamahalaan, at nilinang ng isang
makapangyarihang bansa.
__________6.Pinuno ng mga katutubo sa Mactan na
nakipaglaban at nagtagumpay laban sa mga
Espanyol.
__________7.Pinuno ng mga Espanyol na nagtungo sa
Pilipinas at nagwagi sa labanan sa Cebu at Maynila.
Isip Hamunin
Tukuyin ang konseptong inilarawan sa bawat
bilang. Isulat ang sagot sa kwaderno.

__________8.Katutubong pinuno sa Cebu na


tumanggap kay Magellan at nagpabinyag sa
Kristiyanismo noong 1521.
__________9.Tanyag na manlalayag na unang
nagpatunay na bilog ang daigdig at siyang
nakarating sa Pilipinas noong 1521.
__________10.Imahen ng batang Hesus na inihandog
ni Magellan kay Humabon bilang tanda ng pagiging
Kristiyano nito.
Maraming Salamat!

You might also like