You are on page 1of 5

Mission:

“The Camarines Norte State College shall provide higher and


Vision: advance studies in the fields of Education, Arts and Sciences,
Economics, Health, Engineering, Finance, Accounting,
“CNSC as a Premier Higher Republic of the Philippines Business and Public Administration, Fisheries, Agriculture,

Education institution in the Bicol CAMARINES NORTE STATE COLLEGE Natural resources Development and Management and
ladderized courses. It shall also respond to Researchers,
Region”. COLLEGE OF EDUCATION Extension and Production Services adherent to Progressive
Leadership towards Sustainable Development.”
Daet, Camarines Norte

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan


Mga Isyu sa Karapatang Pantao
I. LAYUNIN
Sa loob ng isang oras ang mga mag aaral ay:
1. Nasusuri ang mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa
pamayanan, bansa, at daigdig
2. Naipapahayag ang kahalagahan ng karapatang pantao sa pagsusulong ng
pagkapantay-pantay at respeto sa tao bilang kasapi ng pamayanan, bansa, at
daidig
3. Nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan sa pangangalaga sa karapatang
pantao at paglutas naman sa mga paglabag sa karapatang pantao
4. Nakapaghahayag ng saloobin sa pamamagitan ng debate tungkol sa
karapatang pantao

II. PAKSANG ARALIN


a. Aralin
Mga Isyu sa Karapatang Pantao
b. Sanggunian
https://mendeleevap.wordpress.com/2013/03/12/804/

https://bandera.inquirer.net/171077/isyu-ng-human-rights-giuliani-duterte

c. Kagamitan
Mga larawan, Kahon na may mga papel, Aklat
III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
Tumayo ang lahat para sa panalagin.
Simon, pangunahan mo ang pagdarasal. Panginoong Diyos, maraming salamat po
sa araw na ito at sa inyong kadakilaan sa
aming buhay.

Magandang umaga! Magandang umaga rin po.

Sino ang mga liban sa klase sa araw na (Ang bawat lider ng bawat grupo ay mag
ito? uulat kung sino sa kanilang kagrupo ang
lumiban)

Aileen, maaari mo bang ilahad ang Ang pinag-aralan po natin ay tungkol sa


pinag-aralan natin sa nakaraang araw? Citizenship Education.

B. Panlinang na Gawain
(Ang bawat mag-aaral ay bubunot
ng isang piraso ng papel na
naglalaman ng letra. Ang bawat
letra ay pipiliin ng guro na may
katumbas na tanong.)
B.1 Pagganyak
Mga gabay na tanong Ang karapatan po ay mga bagay na
-Ano ang karapatan? taglay ng isang tao bilang kabahagi ng
isang lipunan.

-Ano ang Bill of Rights?


Sa Bill of Rights po nakasulat ang mga
batas para maprotektahan ang mga
karapatang pantao.

-Magbigay ng dalawang
Karapatang mamuhay at Karapatan
karapatan mo.
panlipunan
-Paano nagiging isang ganap Mula nang tayo’y isilang, mayroon na po
karapatang pantao ng isang tao? tayong taglay na mga karapatan,
nagiging ganap po ito kapag ang isang
tao ay may kamalayan sa kaniyang mga
karapatan.
-Mabigay ng sariling karanasan Noon pong nabully ako ng mga kaklase
na nalabag ang inyong karapatan. ko.
B.2 Paglalahad
Ngayong nasagot na ninyo lahat ng mga Mga Isyu sa Karapatang Pantao
tanong na iyon. Ang ating pag-aaralan
ngayong araw ay…
Ang unang larawan po ay nagpapakita
Narito ang mga larawan na nagpapakita
ng karahasan noong panahon ng
ng mga sitwasyon na nalabag ang mga
kolonisasyon
karapatang pantao.
Sapagkat may mga patayan pong
Ang unang larawan ay nagpapakita ng
naganap.
anong pangyayari?
Paglabag sa karapatang pantao ng mga
Paano mo masasabi na ang kanilang
katutubong mamamayan.
karapatang pantao ay nalabag?
Sa larawan po ay makikita na inaalisan
Ang ikalawang larawan?
ng karapatan ang mga katutubo na
gawin ang kanilang mga ritwal at sa
pamamagitan din po nito ay pinapatay
nila ang kultura ng mga katutubo.

Ang mga Jew at Holocaust.


Ang ikatlong larawan naman kaya?
Anong ginawa sa kanila? Sa pamumuno po ni Adolf Hitler, pinatay
po lahat ng mga Jew sa Germany
sapagkat iniisip ni Hitler na mas mataas
ang kanilang lahi na mga Nazi kaysa
mga Jew.
Kapag po may mga bagay na nais gawin
B.3 Paglalahat
ang isang tao na wala namang ibang
Paano mo masasabi na ang karapatan masasaktan ay hindi niya nagagawa ng
ng isang tao ay nalalabag? mga kalayaan.
Kapag po bumababa ang dignidad ng
isang tao dahil sa pangyayari o pangkat
ng tao.

B.4 Pagpapahalaga
Bakit kailangan nating mapag-aralan ang Dahil tayo po ay may kanya-kanyang
tungkol sa mga karapatang pantao? buhay at karanasan sa bawat araw at
nakakasalamuha ng iba’t ibang uri ng
tao. Mahalagang malaman po natin ang
mga ganitong bagay upang proteksyon
na rin po.
Gaano kahalaga na maprotektahan natin Lubhang mahalaga po na maprotektahan
ang ating mga karapatan? ang karapatan ng isang tao sapagkat dito
kadalasan nakasalalay ang integridad ng
isang tao at pananaw niya sa buhay.
Maaari po nitong mawasak ang buhay ng
isang tao.
B.5 Paglalapat
Paano mo mapapangalagaan ang sarili
mong mga karapatan? Una po ay aalamin ko muna ang lahat ng
aking mga karapatan nang sa gayon
gawan man ako ng masama ng ibang
tao, alam ko ang gagawin ko.
Sa pamamagitan po ng pagbahagi sa
Paano ka makakatulong sa iba na
kanila ng mga nalalaman ko.
mapangalagaan naman ang kanilang
sariling karapatan?
Mahalagang malaman natin ang mga
batas na magpoprotekta sa ating
pagkatao sapagkat ito rin ang batayan
natin sa mga gagawin natin sa bawat
araw. Kagaya ng mga saligang batas
ang mga batas na nasa Biblia. Ang lahat
ng ito ay magsisilbing gabay natin sa
bawat araw.

IV. PAGTATAYA
Ngayon ang buong klase ay magugrupo sa dalawang pangkat. Tayo ay
magkakaroon ng isang simpleng debate patungkol sa karapatang pantao. Ang
diskusyon ay “alin ang dapat bigyang pansin, ang human rights ng mga
biktima ng krimen at mga taong naging addict dahil sa pushers, o ang
karapatang pantao ng mga masasamang-loob?” Ang bawat panig ay
bibigyan lamang ng pagkakataong makapagsalita ng tatlong beses.
Magkakaroon muna kayo ng limang minuto upang pag-usapan ang inyong
panig at dalawang minuto sa bawat tagapagsalita.
Narito ang rubriks sa pagmamarka:

Pamantayan Deskripsyon Porsyento

Bigay ng detalyeng ibibigay at


Nilalaman 50%
kaangkupan ng sagot.
Organisasyon Kaayusan ng paggamit ng
25%
mga salita.

Kaayusan sa pagpapahayag
Deliberasyon 25%
ng mga ideya.

Kabuuan 100%

V. TAKDANG ARALIN
Sa isang buong papel, gumawa ng sanaysay na nagtatalakay ng natutunan mo
patungkol sa mga isyu sa karapatang pantao.

Inihanda ni:
IGLESIA, SHELAIKA MIA C.
BSED 4A SOCIAL STUDIES MAJOR

You might also like